An Old Summer Daydream (Old S...

נכתב על ידי 4reuminct

9.5M 289K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... עוד

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

30

147K 4.2K 3.7K
נכתב על ידי 4reuminct


"Welcome back to school, everyone! Don't forget to get some free chocolates from our booth on the campus grounds!" 

Iyon ang narinig kong announcement sa campus speakers habang nangunguha ako ng litrato ng event sa campus grounds. Ginawa kasing Club Day ang first day of school kaya walang klase. It was a chance for freshies to choose which clubs they wanted to join. I was tasked to cover the event pero wala 'yong photojournalist kaya ako na lang muna ang nangunguha ng picture. 

I already quit Debate Club and focused on the editorial team. A month before the start of classes, I also started my internship at a media company. Tinuon ko roon ang pansin ko para makalimutan ang sakit at pagsisisi ko sa lahat ng nangyari. I tried to be a better person. Ang focus ko na lang ngayon ay makamit ang pangarap ko. Iyon lang. Wala nang iba. 

"Hello! Maybe you're interested in joining the swimming team!" Habang naglalakad ako, nakita ko si Lyonelle at mga teammates niya na namimigay ng flyers sa tapat ng booth nila. Natawa ako at kinuhanan siya ng picture. "No cameras, please," maarteng sabi niya at pabirong tinakpan ang lens ng camera ko. 

After breaking up with Yori, I attended a music fest with Kye to distract myself from the pain and also because I needed a friend. Iyon ang unang beses na pakiramdam ko kaya ko nang harapin si Lai at Seven, pero noong nakita ko sila, naduwag ulit ako. 

Lai just couldn't let me go. I told him I broke up with Yori and cried on his chest. Nakakahiya kasi hindi naman 'yon ang plano ko. Hindi ko naman planong umiyak. Wala akong karapatang umiyak dahil kasalanan ko 'yon, pero hindi ko na napigilan nang yakapin ako ni Lai.

"What's up?" Iyon ang bungad sa akin ni Seven nang magkita kami ulit. Ang hirap kasi malayo ang training niya kaya hindi kami nagkakatugma ng schedule. "You look better." 

"Siyempre," natatawang sabi ko. Nasa Wings Club kami. Ilang linggo na 'yon pagkatapos ng break-up namin ni Yori at ongoing na rin ang internship ko. "I'm sorry... for what happened." 

"You don't need to apologize to me. We have different ways to cope, and you know I'll always be here, waiting for you to call me when you need me." He gave me a small smile and a pat on my head. 

Sinabi ko sa kanya lahat habang hinihintay namin si Lai. Alam naman na niya ang kwento. Tahimik lang na nakikinig si Seven sa akin. Hindi na ako naiiyak habang kinekwento ang nangyari. 

"I'm still going to therapy. Gusto ko na lang maging better person ngayong sem," sabi ko pagkatapos ng kwento. Sakto dumating si Lai at umupo sa tabi ni Seven. Katapat ko na tuloy silang dalawa. Para akong ini-interview. 

"What if magkita kayo sa campus?" tanong ni Lai. "Will you be okay?"

"Wala namang problema sa akin 'yon..." Napaiwas ako ng tingin. Sinabi ko 'yon pero hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako? Magi-guilty ulit? Masasaktan? Wala akong karapatang makaramdam ng mga ganoong emosyon. Siguro magiging masaya na lang ako kapag hindi na kami nagkita. 

"Do you still love him?" seryosong tanong ni Seven.

"Hmm... Hindi ko rin alam, eh, pero hindi na ako nasasaktan kapag kinekwento 'yong nangyari sa amin. I just cherish all the memories, ganoon... pero hindi ko rin masasabing mahal ko pa siya. He just has a special place in my heart at hindi mawawala 'yon. Ganoon lang," paliwanag ko. "I will always be rooting for him." 

I will always root for him, and I mean it.

Kinuhanan ko ng litrato ang booth ng e-games club. Wala siya roon pero may nakadikit na poster doon ng e-games competition nila. I smiled to myself while taking a photo. Masaya ako para sa kanya dahil mas nakikilala na siya locally and internationally sa field na 'yon. 

"Nat-nat!" Napalingon ako nang bigla akong yakapin nang mahigpit ni Kobs. 

Nakipag-ayos na rin ako sa mga kaibigan ko. Hindi naman nila kasalanan. Iyong isang groupmate namin ang may kasalanan sa citation. Siguro 'yong work ethics lang nila at quality ng gawa ang problema, pero sinabihan ko na sila tungkol doon. They promised to be better and that was enough. Ganoon naman dapat, 'di ba? Ako rin, eh... I was trying to be better. Wala namang perpekto sa amin. Hindi dapat mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil may mga kasalanan din ako. May mga mali rin ako.

"Si Zahra, imbes na maghanap ng members sa club namin, naghahanap ng eabab na lalandiin!" pagsusumbong niya. 

"Gago ka, hindi ako naghahanap!" Hinatak pabalik ni Zahra si Kobs sa kwelyo. "Magtrabaho ka na kaya?! Mamigay ka ng flyers!" 

"Huwag n'yong jojowain 'to! She's choking me!" sigaw niya. "I mean, if kink n'yo 'yon, okay-" 

"Nat, water, oh." Inabutan ako ni Laya ng tubig nang makasalubong ako. "Tinatanong pala ng ka-club ko kung single ka." 

Natawa ako. "Ano'ng sabi mo?" Kumalat na rin siguro sa campus na hiwalay na kami ni Yori. Wala lang nakakaalam kung bakit. Siguro si Jap lang... Kaya hinihiling ko na lang na hindi ko siya makasalubong. 

"Ako ang sumagot! Sabi ko, single 'yon, pero wala kang chance doon! Nakita mo ba ex noon? Talampakan ka lang noon-" Tinakpan kaagad ni Laya ang bibig ni Kobs. 

Days and weeks went by without me seeing Yori on campus. Akala ko nga ay nag-Japan na siya pero sabi nina Kobs ay nakikita naman nila paminsan-minsan. Hindi ko naman siya hinahanap at hindi ko rin hinihiling na magkita kami. Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon ko... o kung ano ang mararamdaman ko. Doon ko lang kasi malalaman kung wala na talaga. Kung okay na talaga ako. 

"Ano'ng nakuha mo, Nat?" tanong ni Zahra nang binalik ang exam papers namin. It was October. Kakatapos lang ng midterms. 

Nagkibit-balikat ako at binuksan ang paper ko. "Ninety-three. Not bad," natatawang sabi ko at tinago na 'yon sa bag ko. 

I couldn't say that I didn't care about my grades anymore dahil ayaw ko pa ring mawala sa Dean's list, but I changed my attitude about it. Kung mataas, masaya. Kung mababa... May next time pa. Ganoon na lang. It wasn't the end of the world, and I already knew that. My mom and dad made me realize that by telling me their experiences. It will be okay. 

I didn't stop competing, pero mas focused na ako sa journalism competition namin. Part ako ng broadcasting team at nag-compete kami recently sa national level. We were only in second place. Humbling, really... but it didn't matter so much. 

"It's okay. We did our best," sabi ko na lang sa kanila. Hindi ko masasabing may next time pa dahil graduating na ako, pero more chances and opportunities will come. 

My life didn't revolve around winning anymore. It revolved around chasing my dream. 

Pagkabalik namin ng campus pagkatapos ng competition, dumeretso ako sa broadcasting room para kuhanin ang gamit ko. May naiwan kasi ako roon. Pagkatapos ay lumabas ako ay nadaanan ko ang e-games room. Ongoing ang training nila. Tuloy-tuloy lang akong naglakad palabas. Nakita ko ang mukha ni Yori sa LED screen ng school. The school was congratulating him and the whole team. A small smile was plastered on my face while looking at it. 

"Congratulations," bulong ko sa sarili ko bago ako nagpatuloy maglakad. 

Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng pagkain ko for dinner. Pagkarating ko sa counter, nilapag ko kaagad ang bayad. Cup noodles lang iyong binili ko.

"Cup noodles na naman?" sabi ni Alia, ayaw tanggapin ang binili ko. Napangiti ako at natawa sa sinabi niya. "May baon akong pagkain! Hintayin mo na lang ako. Malapit na matapos ang shift ko."

Naging close na kami ni Alia nang ipakilala siya ni Seven sa akin. Nagkagulatan pa nga kami. Siyempre, gulatan talaga! Hindi na ako masyadong nagso-social media kaya nagulat ako nang magpalit ng profile picture si Seven! Tangina, pag-ibig lang pala makakapagpapalit ng profile picture doon kay anime guy! Ilang beses ko siyang sinabihang magpalit, jowa lang pala ang kailangan?! 

Hindi pa rin ako sanay na may jowa na siya. Iyong lalaking 'yon?! Hindi ko na-imagine na magkakaroon ng girlfriend 'yon, eh! Puro volleyball lang nasa isip noon, tapos ngayon, puro Alia na lang ang nasa isip! Puro si Alia ang naririnig ko sa bibig. Iyong pangalang 'yon na lang ang laman ng utak niya. Buti nakakasagot pa siya sa exams.

Lumabas ako at naghintay kay Alia sa may mga lamesa. Mayamaya ay lumabas na rin siya at hinain ang baon niyang pagkain. 

"Pinapagalitan mo ako sa cup noodles pero ganito ka rin naman!" reklamo ko sa kanya pagkaupo niya sa tapat ko. "Sabay pa nga tayong kumakain! Nagbago ka na... Nagbabaon ka na ng pagkain ngayon..." maarteng sabi ko na parang maiiyak pa. 

"Ngayon lang," bulong niya sa tainga ko. "Nagluto si Seven."

"Ah, natulog siya sa apartment mo?" 

"H-huh?" Namula kaagad ang pisngi niya.

"Nag-chup chup kayo..." Pinagdikit ko pa ang mga daliri ko na parang nagki-kiss. "Tapos nag-ano..." 

"Hala, hindi, ah! Ano ba 'yang sinasabi mo, Nat!" Hinampas niya ako nang mahina sa braso. "Kumain na nga lang tayo!" Pulang-pula na ang pisngi niya kaya natawa ako nang malakas. Nakakatawa talaga siya asarin. Ang cute-cute niya. 

Alam na rin ni Alia ang talambuhay ko. Pati iyong tungkol kay Yori ay alam na niya rin dahil nga palagi kaming nagkakasabay kumain sa tapat ng convenience store. Wala kasi akong pagkain sa condo. Mas gusto kong bumibili na lang sa convenience store para... convenient? 

"Nakikita ko 'yong ex mo sa convenience store minsan..." pagkekwento niya sa akin.

Napatango lang ako. "Ah... Ano'ng binibili?" curious na tanong ko. "Cup noodles din?" Natawa ako nang malakas.

"Pagkain at inumin, siyempre. Mas pogi na siya ngayon kaysa sa picture na pinakita mo noon. Sayang, hindi kayo nagkikita." 

May mas ikapopogi pa pala 'yong taong 'yon? "Oh, well. Happy for him." Iyon na lang ang sinabi ko at nagkibit-balikat. 

December. Finals week na ng university kaya halos lahat ng estudyante ay busy na kakaaral. Naging busy na rin ako kakagawa ng paper kaya palagi na akong tambay sa library. Dahil puno ang ground floor ay umakyat ako sa may second floor. May mga individual study spaces doon. Mahabang table na may mga harang sa gitna para hindi kayo nagkakakitaan. Isa na lang ang bakante kaya roon ako umupo. 

Tahimik akong gumagawa ng paper habang suot ang earphones ko. Nang mapagod na ang mga mata ko ay kinuha ko ang bag ko para kumuha ng eye drops. 

"Shit," bulong ko nang mahulog 'yon at tumalsik sa katapat kong table. Lumuhod ako at yumuko para subukang abutin pero napunta na sa likod ng sapatos ng nasa tapat ko. Napansin niya ata kaya may nakita akong kamay na kumuha noon.

Tumayo ako nang maayos para abutin sa kabilang side. Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo rin ang nasa katapat ko kaya nagkita kami. Natigilan siya habang hawak ang eyedrop ko. 

Yori... Fuck, ano'ng sasabihin ko? 

He was wearing a hoodie, and he had his headphones on. Tama nga si Alia. He looked so much better. We were just staring at each other for so long before he extended his hand, inaabot sa akin iyong eyedrop.

"Thank you," sabi ko. He just gave me a small smile before taking his seat again. Umupo na lang din ako at agad napahawak sa magkabilang side ng ulo ko. 

Shit, hindi na tuloy ako makapag-focus dahil alam kong siya ang nasa tapat ko sa table. It was the first time we saw each other again after our break up. Ang awkward pala talaga! 

Focus, Estella. Bumuntong-hininga ako at ginawa na lang ulit ang paper. Tinapos ko talaga hanggang sa antukin ako kaya nakatulog ako saglit sa desk. Nagising na lang ako nang may tumatapik sa akin. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Yori. Nakasabit na ang bag niya sa balikat niya at handa nang umalis. Napatingin ako sa paligid at nakitang wala nang tao! Ako na lang ang naroon! 

"Magsasara na 'yong library," sabi niya sa akin. 

"Ah, shit, okay... Sorry." Tumayo kaagad ako at inayos ang gamit ko. Akala ko ay aalis na siya pagkatapos noon pero nanatili siya roon na parang hinihintay niya ako. 

Huh? Umalis ka na! Ang awkward! Bakit nandoon pa rin siya?! Siya ba ang magsasara ng library?! 

Sa kakamadali ko ay nahulog-hulog pa ang mga gamit ko. Pinulot niya kaagad 'yon at inayos muna bago i-abot sa akin. Nagpasalamat ulit ako nang ilagay ko na ang mga 'yon sa bag ko. Umatras siya para makadaan ako. Nang maglakad ako palabas ng library ay sumunod siya sa likod ko. 

Nauuna lang akong maglakad at binibilisan ko pa dahil nako-conscious ako. Sinusundan niya ba ako o pareho lang kami ng dadaanan? Siguro pareho lang. Bakit naman niya ako susundan, 'di ba? 

Lumingon ako para tingnan kung nakasunod pa rin siya. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na siya. Natanaw ko siyang naglalakad sa kabilang side papunta sa mga dorms. Ako naman ay naglakad na lang din pauwi sa condo ko. 

The next day, pumunta ulit akong library para tapusin naman ang isa kong paper at para mag-aral. Umupo ulit ako sa mga individual study spaces. Chineck ko muna kung naroon si Yori. Mabuti na lang at wala kaya umupo na ako roon.

Busy akong nagbabasa at nagsusulat sa notes ko nang may umupo sa tabi ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Yori na naglalabas na ng gamit niya. Lumingon ako sa paligid at nakitang iyon na lang din ang bakanteng space. Hindi ko siya pinansin at umaktong hindi siya nakita. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat.

Nang mapagod ang kamay ko ay tumayo ako at lumabas para pumunta sa may vending machine. Nanlaki ang mga mata ko nang mapindot ko ang maling number ng inumin. "What the heck! Sayang pera ko!" reklamo ko pa sa vending machine na parang kasalanan niya 'yon.

Hindi ako umiinom noong flavor na 'yon kaya bumili na lang ulit ako ng bago bumalik sa loob ng study area, dala-dala ang dalawang inumin na naka-can. Napahinto ako nang ma-realize na favorite drink pala ni Yori 'yong isang hawak ko. 

Nang dumaan ako sa likod niya ay nilapag ko muna ang inumin sa table niya bago ako umupo. Natigilan siya at agad napalingon sa akin, nagtataka. 

Inurong niya ang isang side ng headphones niya at sumandal sa upuan para makita niya ako. May harang kasi sa gitna namin. "Thank you," mahinang sabi niya at ngumiti sa akin bago bumalik sa pag-aaral.

Nanatili lang ako roon hanggang sa oras ng exam ko. Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. Dahan-dahan pa dahil baka maka-istorbo ako ng ibang nag-aaral. Nang mapadaan ako sa likod ni Yori ay nakita kong nakabukas na iyong inumin. Umiwas na lang ulit ako ng tingin at agad lumabas. 

Wala akong sinabihang nagkita ulit kami. Kapag kinwento ko sa iba, baka asar-asarin lang ako tapos baka mapaisip akong may feelings pa ako kahit wala naman. Nakakadala rin kasi 'yong mga asar ng mga tropa, eh! Mas okay nang wala akong sinasabihan para casual lang. Chill lang at hindi na bibigyan ng meaning. 

Hindi ako bumalik sa library for two days dahil nag-aral kami sa labas nina Kobs. Noong Saturday ay bumalik na ako sa library dahil last day na rin ng exams at pasahan na ng mga paper kaya kailangan ko nang i-proofread lahat ng gawa ko. 

Nakita kong naroon na si Yori sa usual study spot niya. Wala nang bakanteng upuan kaya aalis na sana ako nang makita kong nag-aayos na ng gamit ang katapat niya, handa nang umalis. Naghintay na lang ako at ako na ang pumalit. Hindi ako tumingin sa kanya at umupo na lang ako kaagad. Marami pa akong gagawin. 

Tinapos ko ang papers ko buong araw at hindi na rin ako nakapag-lunch. Siguro four o'clock na nang matapos ako. Nakahinga ako nang maluwag nang mapasa ko na lahat ng papers ko. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ang messages nina Kobs sa block group chat. Naroon na ang details ng inuman mamaya bilang celebration dahil tapos na ang finals at deadlines. Panigurado puno lahat ng inuman malapit sa university dahil lahat ay magse-celebrate. 

Nag-message ako sa mga kaibigan ko, naghahanap ng kasama kumain pero lahat sila ay busy! Si Alia ay nagka-cram pa nga ng ipapasa niya. Si Seven at Lai, hindi nagre-reply. Baka nage-exam pa si Seven at si Lai naman ay naging kawali na sa kakaluto niya. Sina Kobs ay wala sa campus at nagkanya-kanyang hanap ng study area. 

Nag-inat ako at tumayo na para ayusin ang gamit ko. Nagulat ako nang makitang sabay kami ni Yori. Nag-aayos na rin siya ng gamit nang tumayo ako. May kausap pa siya sa phone kaya nagmamadali siyang lumabas. Nilagay ko na lang din ang mga gamit ko sa bag bago ako naglakad paalis. Nasa labas na siya at narinig ko pa ang usapan nila ng kausap niya sa phone. 

"Come on, Jap. I haven't eaten lunch," sabi niya habang naglalakad. "That's lame. Okay... Bye." Binaba niya ang phone. Natigilan ako sa paglalakad nang madaan ako sa tapat niya. He was looking at me too. 

"Uuwi ka na?" kaswal na tanong ko. 

"No. Magla-lunch," sagot niya rin. 

"Okay... Bye." Aayain ko sana siya kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil medyo weird 'yon. Mag-ex kami. Hindi naman kami friends. Tuloy-tuloy lang akong naglakad paalis na para bang hindi ko siya kinausap. 

Kumain na lang ako mag-isa sa may karinderya malapit sa school. Pagkatapos ay umuwi na ako at nagpahinga saglit bago nag-ayos para sa inuman mamaya. Nagsuot lang ako ng pants at tank top at inayos ang buhok ko. 

Noong nine o'clock na ay umalis na ako at pumunta sa venue. Sinundo ako ni Zahra kaya sabay kaming pumunta. Bar siya at hindi club kaya naman hindi magulo at hindi rin madilim. Pang chillnuman lang at hang out talaga. Iyong tipong magkakarinigan pa kayo at pwedeng magkwentuhan habang nag-iinom. Nasa mahabang table kami ng blockmates ko. May mga taga-ibang program din. Puno ng mga students galing a university namin iyong lugar. Lahat ng tables ay reserved na. 

Nag-order lang kami ng mga tower ng mixed drinks habang nagkekwentuhan. Napalingon ako habang hawak ang baso nang sundutin ni Kobs ang baywang ko.

"Gago, 'yong ex mo!" sabi niya sa akin, nagpa-panic.

Napatingin tuloy ako sa mga pumasok. May kausap si Yori na lalaki habang naglalakad sila papunta sa table nila. "Ah..." Napatango lang ako at hindi pinansin 'yon. Uminom na lang ulit ako at nakipagkwentuhan sa iba.

"Anong reaksyon 'yan? 'Yong ex mo!" ulit pa niya.

"Oo, narinig ko. Ano'ng gusto mong gawin ko? Mag-hello?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Ang pogi! Akin na lang!" pang-aasar niya naman.

"Try mo," natatawang sabi ko. 

Tinuon ko lang ang pansin ko sa table namin. Nagtatawanan kami at nagkekwentuhan. Nakakailang tower na rin kami... at nakakailan na rin ako sa mga nagtatanong ng pangalan at number ko. Napapagod na si Kobs itaboy ang mga 'yon. 

"Sobrang ganda mo kasi, Nat. Iba ang atake ng jet-black straight hair at bangs ni ate." Pabiro pang ginalaw ni Kobs ang bangs ko kaya hinampas ko ang kamay niya habang tumatawa. 

"Superstar ng ex mo. Kanina pa may nagpapa-picture," bulong naman ni Zahra.

"Bakit ba bukambibig n'yo siya?" reklamo ko. "Hayaan n'yo na 'yong tao. Masaya na siya at successful. Patahimikin n'yo na siya," sabi ko sa kanila. 

"Wala lang. Share ko lang. Ang O.A. ha!" Ginulo ni Zahra ang buhok ko kaya hinampas ko rin ang kamay niya at inayos ulit ang buhok ko. 

"C.R. lang ako," paalam ko.

"No! Hindi ka C.R. lang! Huwag mong sabihin 'yan. Know your worth, Nat. You're more than that!" madramang sabi ni Kobs. Napailing na lang ako at pumunta na sa may restroom. 

Pagkagaling ko sa C.R. ay dumeretso ako sa may counter para bumili ng tubig. Pagkatapos ay tumakas muna ako sa inuman at lumabas saglit para magpahangin. Nakatayo lang ako roon habang umiinom ng tubig. Mayamaya, bumukas din ang pinto at may lumabas. Akala ko ay hahatakin na ako ni Kobs pabalik pero si Yori pala ang lumabas. Nagulat din siya nang makita ako. 

Tumayo siya sa tabi ko at may hawak ding tubig sa isang kamay. Hala... Pumasok na lang kaya ulit ako sa loob? Ang tahimik. Nakakailang naman. Kobs, hatakin mo na ako papasok! Wait, actually, sige na nga. Papasok na ako! Nahihilo na nga ako, eh. Pag pumasok ako, papainumin na naman nila ako! 

"Want one?" alok niya at inabot sa akin iyong popsicle. Dalawa pala ang binili niya. 

"Thank you," sabi ko. Kinuha ko 'yon at kumain na lang para ma-sober. 

Wala na. Tahimik na ulit. Nilabas ko na lang ang phone ko at umaktong nagii-scroll para hindi awkward. Hindi rin kasi siya nagsasalita. Ugh, hindi kaya ng bibig ko na tumahimik! Ang awkward talaga! Hindi ko kaya! Pumasok na lang kaya ako?! Ang isang option ay kausapin siya! Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko! 

"Oh my gosh, sabi sa 'yo nandito siya, eh!" Nagulat ako nang may dalawang babaeng lumapit. "Hello po! Pwede pong magpa-picture?" 

Nagulat si Yori pero tumango lang din siya. Hindi alam ng mga babae kung paano sila magpi-picture kaya umayos na lang ako ng tayo at nilahad ang kamay ko. "Picture-an ko kayo," alok ko. 

"Hala..." Pinabalik-balik ng babae ang tingin sa aming dalawa. "Siya 'yon, 'di ba? Akala ko break na sila..." bulong niya sa kasama niya pero narinig naman namin. Mas nailang tuloy ako! 

"Shush! Halika na rito!" Hinatak siya ng kasama niya. Pareho silang dumikit kay Yori at ngumiti sa camera. Tatlong picture ang kinuha ko bago ko binalik sa babae ang phone. "Thank you po! Nice to meet you po!" masayang sabi niya bago sila umalis. 

Natawa tuloy ako at bumalik na lang sa pagkain ng popsicle ko. Inubos ko na kaagad 'yon at tinapon sa basurahan ang stick. "Una na ako sa loob," paalam ko kay Yori. Tumango lang siya sa akin bago ako bumalik sa inuman. 

Napainom na naman tuloy ako! "Huwag n'yo nang painumin si Nat. Nahihilo na siya," sabi ni Laya. Salamat, Laya! You're the best!

"Ay, hindi pwede! Talo siya sa laro, eh!" reklamo naman ni Kobs. Tangina mo, Kobs! May araw ka rin sa 'kin!

"Dare, dare, dare, dare!" sigaw nilang lahat habang hinahampas-hampas ang lamesa. Napailing na lang ako at bumuntong-hininga. 

"Dare," sabi ko. 

"Hingin mo 'yong number ng kung sino man ang unang lalabas sa men's restroom!" pag-dare sa akin ng blockmate ko. 

Lahat tuloy kami ay lumingon at nag-abang kung sino ang lalabas. Napakagat ako sa ibabang labi ko, humihiling na sana walang jowa 'yon dahil baka mapahamak pa ako! Nagdasal na lang talaga ako. 

"Ay..." Lahat ay natahimik at awkward na napatingin sa akin nang lumabas si Yori sa restroom. Nagsikuhan pa sila, hindi alam ang sasabihin. 

"Inom na lang," sabi ko at inubos ang isang baso bilang penalty. Ayaw kong gawin 'yon. Ang unfair kay Yori. 

Hilong-hilo na ako kaya dumukmo na lang ako sa lamesa at hinintay ang uwian. Pinapainom ako ni Laya ng tubig para ma-sober ako pero nahihilo pa rin ako. Siguro ay two A.M. na nang magsitayuan na ang blockmates ko para umuwi. Inalalayan ako ni Laya patayo. Pucha, saka ko lang napansing lasing na rin pala si Kobs at Zahra. Magkaakbay na ang dalawa at kumakanta nang malakas. Kaya pala nagsisi-alisan na lahat dahil magsasara na ang inuman. 

"Waa, Nat!" Nahulog kaming dalawa ni Laya sa sahig dahil hindi niya kaya ang bigat ng katawan ko. Agad lumapit ang mga lalaki kong blockmates para tulungan kami. 

"Sorry, sorry..." natatawang sabi ko at umakbay sa blockmate ko. Inalalayan naman niya ako palabas. 

"Paano ka uuwi, Nat?" tanong ng blockmate ko.

"Oh, susunduin ako! Sige na, umalis na kayo. Malapit na kapatid ko," sabi ko naman at umupo na lang sa bench. 

Hindi sila makaalis dahil hinihintay nilang sunduin ako, pero may mga dala rin silang lasing na kailangan nilang i-uwi kaya sabi ko ay mauna na sila. Malapit naman na talaga si Kye. Si Laya, kailangan pang alagaan sina Kobs. Kumaway na lang ako at tinulak na sila palayo. 

Napabuntong-hininga ako nang maiwan akong mag-isa. Mayamaya, nagsilabasan na rin ang blockmates ni Yori. Nag-uusap-usap sila habang palabas. Nagtama ang tingin namin ni Yori nang lumingon siya sa gilid. 

"Yeah. Bye... Take care," paalam niya sa mga blockmates niya. Isa-isa na silang nawala at naiwan siya roon. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Are you okay?"

"Uh, no... Lasing na 'ata ako," sabi ko habang nakapikit. "Hmm... Galit ka pa rin ba sa 'kin?" wala sa sariling tanong ko. 

"What? No..." sagot niya. 

Natahimik kaming dalawa. Inabot ko ang tubig sa gilid ko at ininom 'yon. Dala-dala ko 'yon palabas. Hindi naman gumagana. Hindi pa rin ako makapag-sober up. 

"I'll open it." Kinuha na 'yon ni Yori sa kamay ko at tinulungan akong buksan 'yon.

"Yori... Why... are we acting normal?" tanong ko at tumingin sa kanya. Napalingon din siya sa akin. 

He had a faint smile plastered on his face. "Because we already moved on." 

"Okay lang na ganito?" Inabot ko ang tubig mula sa kamay niya. 

"We can't avoid seeing each other on campus... so let's not make it awkward." Tinulungan niya akong uminom doon. "I'm not mad at you. I'm actually thankful for the time we spent together." 

"How sweet... kahit puro sakit lang dinulot ko sa 'yo." Natawa na lang ako at napailing. Umayos ako ng upo at tumingin ulit sa kanya. 

"It's okay... I don't feel any pain anymore." He smiled and gave me a pat on my head. "I don't have feelings for you anymore... So this is okay. It's okay to greet me, talk to me, or smile at me whenever you see me." 

"Okay... That's good..." Tumingin ako sa kotseng huminto sa harapan ko. Ngumiti ako kay Yori at tumayo na. Binuksan naman niya ang pinto para sa akin.

"Hi, Kye," bati niya. 

"Hi, Kuya!" bati rin ni Kye. "Thank you for taking care of her." 

"No worries. Take care on your way home." Sinara na ni Yori ang pinto nang makasakay ako. 

Kye looked at me like he was judging me. Tinaasan ko lang siya ng kilay at napailing siya bago nag-drive paalis. Napatingin ako kay Yori mula sa may side mirror. He was already walking away. 

Napabuntong-hininga ako. I felt a slight pain on my chest. Ah... Mayroon pa pala. Akala ko wala na... 

"You still love him?" tanong ni Kye habang nagda-drive. "You said you already moved on..."

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. "Akala ko rin..." 

________________________________________________________________________________

:)

המשך קריאה

You'll Also Like

6.8K 39 2
Long gowns. High heels. Runways and the spotlight. All glitz and glamour. That is how Rose Amethyst is living her brand new life. Malayo sa buhay na...
166K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
93.6K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...