An Old Summer Daydream (Old S...

By 4reuminct

9.5M 289K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

25

134K 3.4K 2.1K
By 4reuminct


"Nat, you can't leave."

Sinamaan ko ng tingin si Yori at sinubukan siyang itulak paalis para hindi siya nakaharang sa pinto. I couldn't just sit there knowing Kye was in danger. Hindi ako tanga para hindi maintindihang death threat text 'yon. I had received enough before to know at alam kong hindi nagbibiro ang taong 'yon dahil sa tono ng boses ni Daddy. 

And the missed call during our training.

"Nat, someone's calling."

"Later."

It was Kye. 

"Tumabi ka riyan, Yori," giit ko. 

"I can't... You heard your Dad. You have to stay calm-"

"He called me, Yori!" malakas na sigaw ko. Tumulo na ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon. Galit, kaba, dismaya sa sarili, pagsisisi... Hindi ko na alam ano ba ang uunahin kong madama. "He called me... and I ignored it... Kapag may nangyaring masama kay Kye, hindi ko... Hindi ko alam ang gagawin ko." Napatakip ako sa mukha ko at umiyak. 

"Your dad said he's going to be okay." Niyakap ako ni Yori at hinaplos ang buhok ko. "So, please... Just stay here. It's too dangerous outside. I can't let you go."

"Yori, please, please..." pagmamakaawa ko. "Mababaliw na ako kakaisip... Hindi ako makapag-aral. Hindi ako makapag-focus. Hindi ko ma-distract ang sarili ko."

"I'm sorry, Nat. You really can't leave..." Nagmamakaawa na rin ang boses niya. 

Wala na akong nagawa kung hindi bumagsak sa sahig at umiyak nang umiyak. Nang kumalma na ako ay binuhat ako ni Yori papuntang sofa at pinainom ng tubig. Pagkatapos ay sinuotan niya ako headphones na may music na pampakalma. Pumikit ako at sinandal ang ulo ko, sinusubukang huwag mag-isip ng kahit ano.

Kye is going to be okay.

He has to... or I wouldn't know what to do.

"I need to study," bulong ko sa sarili ko at binuksan ang mga mata ko. 

Nakita ko si Yori na nagtitimpla ng tsaa sa may kusina. Tumayo ako at kinuha lahat ng libro ko, pati lahat ng notes ko. Umupo ako sa may carpet at nag-aral sa may coffee table habang nakasuot pa rin ng headphones. I focused on studying to distract myself. Nawala na ako sa mundo at tinuon na lang ang atensyon sa pagbabasa. 

"Nat, it's already five in the morning... We have class later." Hindi rin natulog si Yori dahil binabantayan niya ako. Natatakot siyang baka tumakas ulit ako kaya sinabayan niya na lang akong mag-aral. 

"Hindi ako pwedeng tumigil, Yori... or else iba ang iisipin ko," sabi ko habang may sinusulat sa notes. "Matulog ka kung gusto mo." 

Hindi niya ako sinunod. Hinatid niya rin ako papunta mismo sa room ko nang pumasok na ako para sa klase. Wala pa akong tulog. Tiningnan ko ang phone ko at wala pa ring message si Daddy. Kailangang may gawin ako... Napapaisip na naman ako tungkol kay Kye. 

"Nat, tapos ko na part ko sa research!" masayang sabi sa akin ni Kobs pagkapasok ng room. "Na-check mo na?" 

Tama... Iyon na lang gagawin ko dahil wala pa naman ang prof. Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan ang mga tapos nang parts sa research. Napakunot ang noo ko at sinara lang ulit 'yon.

"Ulitin mo," wala sa mood na sabi ko. 

"H-huh? Aling part ang uulitin?" Tiningnan din ni Kobs. 

"Lahat," walang emosyong sabi ko. "Ikaw rin, Zahra. Ulitin mo 'yong sa 'yo. Ikaw, Laya, 'yong pangalawa mong part, ulitin mo rin. Hindi ko gusto."

"Alin ang hindi mo gusto, Nat?" Malumanay na tanong ni Laya. "Para alam namin kung paano namin ire-revise..."

"Punyeta, dapat bang-" Natigilan ako. Napapikit ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Sorry. Ilang beses ko nang sinabi sa inyo 'yong feedback ko sa mga gawa n'yo pero hindi n'yo pa rin sinusunod nang maayos. Napapagod na ako kaka-check. Napapagod na ako kaka-revise kasi hindi n'yo makuha ang sinasabi ko. Tingnan n'yo ang mga past comments ko nang malaman n'yo kung saan kayo nagkukulang. Ang simpleng gawain, hindi n'yo magawa. Tapos 'yong sources din, magre-rely na nga lang kayo sa citation guide, hindi n'yo pa magawa. Ayusin n'yo 'yon lahat. I don't want another line of eight." 

"Okay..." mahinang sabi ni Zahra. "Uhm, okay ka lang ba, Nat?" nag-aalalang tanong niya.

"Paano ako magiging okay kung ang baba ng grade natin sa research?" Tumaas ang isang kilay ko. 

Hindi sila nakapagsalita at hinayaan na lang ako. Mabuti na lang at dumating na rin ang prof para hindi awkward ang atmosphere sa amin. I focused on the lecture the whole day and took notes dahil kasama pa rin 'yon sa early finals namin. Noong lunch time, hindi ako sumama kina Kobs dahil galit ako. Kumain na lang ako mag-isa sa labas ng campus. Pumunta ako sa convenience store at bumili ng tinapay at tubig. 

"Fifty-five pesos po," sabi ni Alia na nasa counter. Wala ba siyang pasok ngayon at nandito siya? Hindi na lang ako nagtanong. Baka may kino-cover na naman siyang shift. 

Hindi ako nagsalita at inabot lang ang bayad ko. Napatingin siya sa akin at nginitian ako bago ibigay ang sukli.

"Okay ka lang?" tanong niya bigla kaya nagulat ako. "Kung kailangan mo ng kausap... Patapos na shift ko!"

Napangiti ako roon sa sinabi niya. "Okay lang ako. Salamat." Naglakad na ako palabas at kinain na lang ang tinapay habang pabalik sa campus. 

Pagkatapos ng klase ay dumeretso naman kami ni Yori sa library para mag-aral ulit. Buong araw hindi nag-message si Daddy. Wala na rin akong natanggap na message mula sa kahit sino. I felt like they were all purposely keeping me in the dark. Nanginginig ang mga kamay ko habang naghahanap ng balita kasi hindi ko na matiis.

I didn't find anything, so I felt relieved. That was a good sign. 

"Aral na, Nat," bulong ko sa sarili ko. 

Three days. No one contacted me for three days until my final exams came. Tig-iisa kaming table ng debate team sa library dahil early exams din sila. Si Yori ay nasa harapan ko. I checked my phone again while waiting for the instructor. 

But all I saw was another message from an unknown number. A different one from last time. 

'tapos na ako sa kapatid mo isusunod na kita.' 

Nahugot ko ang hininga ko at nabitawan ang phone ko kaya napalingon si Yori sa akin. Agad kong kinuha ang phone at tinago sa bag dahil dumating na ang instructor. Binigyan ko ng tipid na ngiti si Yori para hindi siya mag-alala pero ang bilis na ng tibok ng puso ko. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.

Tapos na siya kay Kye? Ano ang ibig sabihin noon? May nangyari ba talaga kay Kye? Bakit hindi nila sinasabi sa akin? Nagsisinungaling lang ba siya? 

"Nat... Your bag." Natauhan ako nang katukin ni Yori ang desk ko. Lahat pala ay nakatayo para ilagay ang bag sa harapan.

Pagkabigay ng exam paper, I was just staring at the words, thinking. Natauhan lang ako nang magtaas ng kamay si Yori para magtanong tungkol sa exam niya. Lumingon siya sa akin at parang sinasabi ng mga mata niyang mag-focus ako. 

"Fuck..." bulong ko at napahawak sa ulo ko. Get a grip, Nat. 

I took the finals for three courses that day. Iyong iba kasi ay walang finals. Pagkatapos na pagkatapos kong ipasa ang huling exam ay kinuha ko na ang bag ko at tumakbo palabas. Yori was still taking his exams kaya wala nang haharang sa akin. 

I didn't even have the time to cry about how I did in those exams. I needed to go home. I needed to know what was happening. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa akin. I wasn't scared. I just had to know where Kye was. 

Sumakay ako ng taxi pauwi sa amin. Pagkahinto sa tapat ng bahay ay nagbigay kaagad ako ng five hundred at tumakbo na papasok. When I opened the door, the first person I saw was Dad talking to someone on the phone. 

And then there was Mom crying.

"Mommy... Daddy..." tawag ko. Sabay silang napalingon sa akin at nagulat. Dahan-dahang binaba ni Daddy ang phone niya at agad pinunasan ni Mommy ang luha niya. 

"Nat... Bakit... Bakit ka nandito? 'Di ba may school ka pa?" Napatayo si Mommy at umaktong hindi siya umiiyak kanina. Ngumiti pa siya sa akin. "Kumain ka na ba? Ano'ng gusto mo? Ipagluluto kita."

"Mommy!" malakas na sigaw ko. 

"Estella, don't raise your voice at your mom," galit na sabi ni Daddy.

"Ano'ng nangyayari? Mommy, Daddy... Nasaan si Kye?" Lumingon ako sa paligid at tumakbo papunta sa taas para hanapin siya. "Kye!" 

"Nataleigh!" Hinabol ako ni Daddy at hinawakan ang braso ko para pigilan ako. "Let's talk downstairs." 

"No, Dad! Sabihin mo sa akin kung nasaan si Kye! Mababaliw na ako kakaisip! Someone messaged me again! Ano ba ang nangyayari?! Bakit ba hindi n'yo sinasabi sa akin?! He's my brother! I deserve to know!" 

"Nat... Kumalma ka muna. Huwag kang sumigaw..." malumanay na sabi ni Mommy na humabol din sa amin. "Please." Tumingin siya sa kwarto ni Kye. "Natutulog ang kapatid mo." 

"H-huh?" Lumuwag ang hawak ni Daddy sa braso ko at napabuntong-hininga. Napamasahe siya sa sentido niya at hindi nakapagsalita.

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni Kye para siguraduhin ang sinasabi nila. A lamp was open so I could see his face in the dark. Kye... was really sleeping while hugging a pillow. Napaatras kaagad ako at sinara ang pinto.

Napatingin ako kina Mommy at Daddy. Kinuyom ko ang kamao ko at nilagpasan sila para bumaba. Sumunod naman sila sa akin.

"Gaano kahirap na sabihin sa aking okay lang siya, huh?! Mommy... Daddy... I was so anxious for the past few days! Daddy, sabi mo cocontact-in mo ako but you never did!" galit na sabi ko. 

"Because you have exams-"

"Which I probably failed because of what you did!" sabi ko kay Daddy.

"Nat!" Sumigaw na si Mommy. Sabay kaming napatingin sa kanya ni Daddy dahil hindi naman siya sumisigaw nang ganito kapag galit, pero ngayon, kitang-kita ko ang pinipigilan niyang emosyon. "Kailan ka pa naging ganyan, ha?" Pinakalma niya ulit ang boses niya pero ramdam ko pa rin ang galit niya. 

"It's fine, Luna..." Hinawakan ni Daddy ang balikat niya.

"Hindi lang ikaw ang naghihirap noong mga nakaraang araw, Nat. Hindi rin kami makatulog ng Daddy mo, ilang araw na. Ilang araw na kaming umiiyak. Ilang araw na kaming hindi mapakali. Kanina lang nakabalik si Kye sa bahay galing hospital kaya hindi ka pa nasasabihan ng Daddy mo. Huwag mong inuuna ang galit mo, Estella. Hindi kita tinuruang maging ganyan." 

Pinunasan ko ang luha ko. "Hospital?" gulat na tanong ko.

"Yes, he was... kidnapped..." nahihirapang sabi ni Daddy. "Because of me. So... you can curse me... shout at me... get mad at me. I will accept anything. You failed your finals? It's okay. That's probably because of me, too. I was wrong. I'm sorry, Estella." 

"Kalix." Sinamaan siya ng tingin ni Mommy. "No one wanted this to happen."

"He was... what?" Napakurap ako. So... my hunch was right all along.

"It was only for a few hours, and we got him back immediately. He didn't have serious injuries. He's okay. We're just looking for the suspect because he ran away," paliwanag ni Daddy. "So, you don't have to worry anymore. I couldn't message you because Kye was still in the hospital, and I didn't know what to say. I didn't want you to worry-"

"Oh my gosh, Dad..." Napahawak ako sa ulo ko. "How long will this go? Hanggang kailan pa kami mabubuhay nang ganito? Is it really worth it to sacrifice your family's life for that case?" 

"Sa tingin mo ba, Nat, ginusto ng Daddy mo 'to?" sabi ni Mommy. "Sa tingin mo ba madali lang para sa kanya ang lahat? May mga pinaglalaban din siyang ibang tao para sa kasong 'to, Nat. Don't be selfish."

"Mas importante ba sila?" 

"Mas may kailangan sila." 

"Kailangan ko rin naman kayo, ah?" 

Natahimik sila sa sinabi ko. Sinubukan kong punasan ang luha ko pero ayaw nilang tumigil. Hindi ko na sila makita nang maayos dahil sa mga namumuong luha sa mga mata ko. Yumuko ako at tinakpan ang bibig ko para pigilan ang hikbi. 

"Nevermind." Tumalikod ako at tumakbo na lang palabas ng bahay. Dad tried to run after me pero sumakay na ako ng taxi pauwi sa condo. Basta nakita kong okay si Kye, okay na rin ako. I could function again. 

I changed my number again so I wouldn't receive those messages anymore. I informed everyone that I changed my number pagkauwi ko. Mom and Dad tried to call me pero hindi ko sinagot. I shouldn't have said that. 

Nakakahiya. Why would I show them that side of me? For years, kinaya ko naman lahat. Hindi ko sila dapat kailanganin. Kaya ko sarili ko. 

From: my yoritsune <3

How are you? 

"Ugh..." Napasabunot ako sa buhok ko nang maalala ang exam kanina. "Fuck." Napakagat ako sa kuko ko habang nakatulala at sinusubukang alalahanin kung tama ba ang mga sinagot ko kanina. 

Tiningnan ko ang notes ko para kumpirmahin ang mga sagot ko. Nang makita ko ang mga mali ko, galit kong nilukot ang mga papel at binato 'yon. Napakagat ulit ako sa kuko ko at niyakap ang mga tuhod ko habang nag-iisip.

Paano kapag mababa ang score ko? Paano kapag bumagsak ako? Paano kapag nawala ako sa Dean's list? Paano kapag mahatak ang QPI ko at hindi na ako maging summa cum laude or batch valedictorian? Paano kapag hindi ako maging candidate for Program Award? Fuck... Paano kung mag-repeat ako ng sem? 

"Argh!" Napasabunot ulit ako sa buhok ko. Dumudugo na ang kuko ko. 

Kinuha ko na lang ang laptop at tiningnan ulit ang research paper namin. In progress pa rin sila sa revisions. Hindi ko matapos ang part ko habang hindi pa tapos iyong sa kanila dahil sa dulo ang part ko. Final pass na kaya buong paper na ang kailangan kong bantayan. Ano ba 'to, nakakadagdag pa sa iniisip ko. 

Tiningnan ko na lang ang sources. Hindi pa rin nila binabago ang format. Nainip na ako at ako na ang nag-ayos ng lahat ng 'yon pero hanggang Chapter 3 lang dahil hindi pa nga sila tapos sa iba. Na-check ko na rin kung lahat ay nasa bibliography na... unless may idadagdag pa silang source. Most likely. Kailangan ko na namang i-check 'yon. Nakaka-stress naman! 

I hated it. It was out of my control, and I hated it. The quality of the paper, the word choices, the grade... Kailangan ko pang bantayan. Mas okay pa kung nagsarili na lang ako ng research. I wouldn't get a line of eight if I did that. Bakit kasi ganito? Iba ang standards ko sa standards nila. I should respect that but my grade was being affected. Ibang usapan na 'yon.

"Why can't they just be good enough?" reklamo ko kay Yori habang binabasa ang research paper. Hinihintay namin ang trainer namin para sa Nationals. 

"Nat, we all have our differences," pagpapaliwanag ni Yori. "Maybe it's... the best they could do." 

"No, Yori. They're just not trying hard enough kasi alam nilang nandito naman ako para tingnan kung okay ang part nila. Masyado silang pakampante," inis na sabi ko. 

"Hindi mo pa rin sila kinakausap?"

"Why would I? Hindi ko sila kakausapin hangga't hindi nila inaayos mga gawa nila." Galit na ako. Hindi na ako sumasama sa kanila at hindi ko na sila kinakausap, maliban kung tungkol sa research para alam nilang punong-puno na ako. "Line of eight, Yori. Nakaka-what the fuck..." 

"Bawi na lang sa final pass." He gave my head a pat. 

Yori got busier with all his back-to-back international competitions for e-games. Nilaban din siya sa competition sa department nila at kakalabanin niya rin ang ibang universities. Tungkol sa computers 'yon at coding kaya hindi ko maintindihan. Shoot... When was that? 

"Kailan 'yong competition mo doon sa computer thing?" tanong ko sa kanya. 

"Ah... Yesterday." Umiwas siya ng tingin. 

"Huh? Why didn't you tell me?" Kumunot ang noo ko. 

Ngumiti siya sa akin. "I did..." 

"Kailan?" 

"Yesterday. You didn't reply." 

Yesterday... Inalala ko kung ano ang ginagawa ko kahapon. Ah... I was busy revising my parts sa research and finding additional sources para tumaas ang grades namin because I knew I had to do something. I got too focused on that. 

"I'm sorry..." I felt guilty.

"It's fine." He gave me a small smile. "I know you have a lot on your mind."

"Did you win?"

"Of course." 

"Congratulations!" Niyakap ko siya. "So proud of you!" 

We focused on training for the National Debate Competition. It was the most important competition for me so I had to do well. I couldn't lose. I had to win. I couldn't disappoint myself again. 

In the middle of training, I went outside and called Kye again. Ever since that incident, hindi pa ako umuuwi sa bahay. I didn't know what to say to my parents. I knew I was wrong... pero hindi ko pa alam kung paano sila haharapin, kaya sa tawag lang kami nag-uusap ni Kye.

But... he changed. Ever since that incident... Kye changed. I couldn't pinpoint how. He was probably acting normal, but there was something that changed. Kahit sa video call ko lang siya nakikita, parang may nagbago sa kanya.

He never talked about that incident ever again. Hindi namin alam kung ano'ng nangyari, but he didn't have serious injuries so I was relieved. Nahuli na rin 'yong lalaking may gawa noon sa kanya kaya pumapasok na ulit siya sa school. 

"Kumain ka ba ng breakfast and lunch?" paninigurado ko. 

"Yes, I did." He gave me a small smile. 

He got so... obedient, and he was smiling more. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin. I knew he was going to therapy because of that incident pero hindi raw talaga siya nagsasalita tungkol doon and he wasn't responsive to his therapist. Ilang sessions na pero wala pa rin sila masyadong pinag-uusapan.  

"Hindi ka naman ba gumagala-gala after school?"

"Of course not. Dad will get mad if I do that." 

How... weird. "Hmm, okay... Okay ka lang ba talaga, Kye?" Nag-aalala na ang tono ko. He smiled again and nodded. 

"Why would I not be okay?" tanong niya pabalik. 

"Because..." of what happened... pero alam kong ayaw niya nang maalala 'yon o pag-usapan kaya ngumiti na lang ako nang pilit sa kanya. "Wala. I'm glad you're okay. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. I love you so much!" 

"Bye." Binabaan niya ako. Nawala ang ngiti sa labi ko at napatitig na lang sa screen ng phone ko. Napabuntong-hininga ako at bumalik na lang ulit sa training. 

The next morning, abala kami ng research mates ko dahil pasahan na ng paper that day. Nasa library lang kami at nagche-check ng paper. Umaga lang ako pwede dahil may training na ako starting noon. 

"Last day na ng pasahan... Ganito pa rin ang quality ng paper na ipapasa natin?" Napamasahe ako sa sentido ko. Ang dami kong comment sa parts nila na hinahanap ang source ng mga pinagsasasabi nila. Hindi naman pwedeng sila-sila lang nagsabi noon. "Research nga, eh! Bakit walang research? At nasaan 'yong isa nating ka-group?"

"May... family matter daw..." sabi ni Laya. 

Hindi pa nagre-reply 'yong bwisit na 'yon kaya ako na lang ang sumalo ng lahat ng parts niya. Ako na nag-ayos ng lahat at na-late pa ako sa training.

"Iyong sources, please. May training pa ako. Kayo na ang bahala. Baka hindi n'yo pa kayang gawin 'yon. Ang simple na lang noon." Kinuha ko na ang bag ko. "Laya, baka wala ako mamaya. Ikaw na ang magpasa ng paper. Send mo muna 'yong final copy." 

Tumango siya bago ako naglakad paalis. Malapit na ang Nationals kaya kailangan ko nang ituon ang atensyon ko roon. 

"Everything okay?" tanong ni Yori nang makarating ako sa debate room. Late kasi ako. 

"Okay lang. Pasahan na ng research. Matatapos na rin problema ko." Ngumiti ako sa kanya. 

Nag-practice debate kami na tumagal hanggang gabi. Nang tingnan ko ang phone ko pagkatapos ng training ay nakita kong nag-reply na 'yong isa naming ka-group na ire-revise na raw niya ang parts niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumawag sa group chat. 

"Anong ire-revise?! Na-revise ko na 'yon! Huwag nang ibahin!" nagpa-panic na sabi ko. 

"Hala, na-revise ko na... tsaka part ko 'yon, Nat, eh. Bakit hindi mo muna ako sinabihan bago mo ibahin?" Parang galit pa siya.

"Kasalanan ko bang pang-seventy three na grade 'yong gawa mo?" iritang sabi ko. 

"Wow. Control freak ka talaga." Binabaan niya ako ng tawag. 

"What the f... Ugh! Laya, huwag mo munang ipapasa! I-restore mo 'yong version na gawa ko! Hayaan mo siya!" Binaba ko rin ang tawag. 

"Let's go home," aya ni Yori na hawak na rin ang bag ko. 

Maglalakad na sana kami nang makatanggap ako ng text galing kay Kye. Napakunot kaagad ang noo ko. 

From: Kye

When are you going to visit our home? 

Nag-reply kaagad ako.

To: Kye

May problema ba?

From: Kye

I ran away

"Wait, Yori. Mauna ka nang umuwi. Pupuntahan ko lang si Kye!" Kinuha ko ang gamit ko at tumakbo habang tinatawagan si Kye. "Nasaan ka?" tanong ko habang naglalakad nang mabilis.

"Just in the village, getting some fresh air."

"Diyan ka lang, okay? Pupuntahan kita." 

Kinuha ko ang sasakyan ko at nag-drive ako papunta sa village namin. Inikot ko talaga 'yon hanggang sa matanaw ko si Kye na nakaupo sa swing at naka-uniform pa. Nakatingin lang siya sa malayo at mukhang nag-iisip. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa kanya.

Umupo ako sa katabing swing at napalingon naman siya sa akin. "Akala ko naman ang layo ng pinaglayasan mo..." pagbibiro ko. "Bakit nandito ka?" 

"Hmm..." Napatingin siya sa taas. "Mom cries whenever she sees me. I don't want her to see me anymore... Acting normal and smiling more did not help. She still cries." 

"Nasasaktan lang siya dahil sa nangyari sa 'yo..." I gave him a small smile. "It's not because of you... but because of what happened. Siguro nagsisisi siya... na hindi ka niya nabantayan." 

"It's not anyone's fault." 

And I remembered Dad blaming himself... and me blaming him, too. Napalunok ako at hindi nakapagsalita. I felt so guilty. Even Kye never blamed anyone else. How could I... say that? 

I looked at my phone. Laya sent the final copy of the research paper, asking if okay na sa akin 'yon. I ignored it because Kye was still talking to me. My brother needed me more. 

"Dad... is always at home," sabi niya bigla. "I heard he dropped out of the case. I feel so bad... He worked hard for it... He sacrificed a lot for it... but because of me-"

"Like you said, it's not anyone's fault," pagpigil ko sa kanya. "At desisyon niya naman 'yon. Alam niya ang ginagawa niya. It's going to be okay, Kye..." 

"Why are you not going home?"

"Ah..." I swallowed the lump in my throat. "Wala 'yon. Busy lang..." Hindi ko masabi sa kanyang nag-away kami nina Daddy dahil sisisihin niya na naman ang sarili niya. 

I spent more time talking with Kye and finally convinced him to go home... pero hindi ako nagpakita kina Mommy. Umuwi na ako kaagad dahil kailangan ko nang i-check 'yong research. Tiningnan ko ang oras at nakitang malapit na ang deadline. 

I skimmed through the paper. Wala na akong oras i-check lahat ng 'yon. Ilang beses ko nang binasa 'yon at ilang beses ko na silang sinabihan kung ano ang dapat nilang ibahin. Dapat alam na nila 'yon. 

I checked my parts thoroughly and made sure I put all the sources and walang typographical errors. Pati 'yong mga charts dahil iyon ang mga importante. Wala nang oras kaya skim na lang sa iba. 

Ang sabi ko kay Laya ay ipasa na dahil hindi na tatanggapin 'yon kapag late kami. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapasa na ang paper. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o kakabahan. Baka may mali. Baka may kulang... pero napasa na. Responsibilidad din nilang i-check kung may mali ba sa parts nila. Huwag na silang umasa sa akin.

"Finally," bulong ko. Nationals na lang talaga ang iintindihin ko. 

Agad akong napatayo nang marinig ko ang door bell. Binuksan ko kaagad ang pinto at nakita si Yori na may dalang takeout food.

"Hindi ka pa kumakain ng dinner, 'no?" Ah... Oo nga pala. Nahulaan niya pa 'yon. "So I was right. Here. I bought you food. Can I come in?"

Tumango ako at pumunta sa kusina. Naghain siya ng plato at utensils. Binuksan niya rin ang in-order niyang pagkain para sa akin. 

"Nakita ko na result ng final exams ko kahapon. Nilabas na ba 'yong sa 'yo?" tanong niya.

"Shit..." Oo nga pala. Nag-email na sa akin kanina. 

Kinuha ko ang laptop ko para buksan ang student portal. Napakagat ako sa kuko ko habang naghihintay na mag-load ang site. 

"Eat first," sabi ni Yori sa akin at kinuha ang laptop ko.

"Ikaw muna ang magtingin." 

Habang kumakain, napasulyap ako kay Yori para tingnan ang reaksyon niya. He didn't have a reaction on his face kaya hindi ko alam kung okay ba ang scores ko. 

"Can I see?" tanong ko.

"Finish your food first." He gave me a small smile. 

Binilisan ko ang kain ko para makita ko na ang results. Tumayo si Yori, dala-dala ang laptop ko. Napakunot ang noo ko. 

"Akin na," sabi ko.

"Nat... It's..." 

Inagaw ko ang laptop ko at tiningnan ang scores ko. Napaawang ang labi ko. 

92, 89, 85

Nakatulala lang ako sa mga numerong 'yon. No way... It can't be. Line of eight sa final exam? That never happened before. No... Impossible. 

Nagbukas ako ng ibang tab sa web para magsend ng email sa mga prof ko. They probably made a mistake. I appealed my grades. I had to see where I went wrong. Hindi ko tanggap.

"That's not my grade. No way," sabi ko kay Yori.

"It's... an A, B plus, and B," sabi niya, sinusubukang pagaanin ang loob ko. "Those are still high."

"B plus and B?" Tinapunan ko siya ng tingin. "Mataas ba 'yon para sa 'yo, Yori? Ano'ng result ng exams mo?"

"Nat, this is not-"

"Tell me so I know if you can understand my feelings." 

Napabuntong-hininga siya. "This is not helpful for you, Nat."

"Straight As right?" Tumaas ang isang kilay ko. "Oo o hindi?" 

Hindi siya nakasagot at umiwas ng tingin.

"See? Paano mo masasabing mataas pa rin 'yon kung wala ka namang grade na ganoon? Kapag ikaw ang nakakuha noon, ano ang magiging reaksyon mo? Hindi mo ako naiintindihan." 

"Bakit mo kinukumpara grades mo sa grades ko?" 

"Kasi hindi mo alam ang sinasabi mo. This is shit! This grade?! Bullshit!" sigaw ko at naglakad paalis. Sinundan niya naman ako papuntang living room. "Still high? You never even had a B!"

"But I wouldn't compare myself to you even if I had a B and you had straight As! Why do you still see me as your competition? We're not even in the same program anymore." 

"Kasi hindi mo ako naiintindihan! We are so different!" I said, getting frustrated. "You always look like you have your shit together! Ang galing mo palagi. You never get distracted. You never get side-tracked. Ako, hindi ko kaya 'yon. I get distracted. I lose my shit over a B plus. Iba ang nararamdaman mo sa grades mo, at iba ang nararamdaman ko sa grades ko, so don't try to question why I feel frustrated. Kung kaya mong i-handle nang maayos ang grades mo, hindi ako ganoon!" 

"And you think that's healthy for you, Nat?" he said, getting frustrated too. 

"I'm working on it! Can't I just be frustrated, Yori?!" Tumaas ang isang kilay ko. "Kailangan ba masaya ako kapag nakita ko grades ko? Do I just have to suck it up and call it a day? I'm saying... hindi mo maiintindihan kasi hindi mo pa nararanasan. You always have straight As. You never experienced failure. You were never the second best! You don't understand anything!"  

"Can't you remember, Nat?" Kumunot ang noo niya. "You were the valedictorian, and I was the salutatorian. I was in second place, Nat... but I felt happy for you. I did not compare myself to you. When we lost the debate last time... I never took it out on you. I never got mad... I never left you. How could you say I never experienced things like those? Did I get hurt? Yes. It hurts to lose, and it also hurts to be the second best... but I never said hurtful things to you... so why are you being like this to me?" He started tearing up.

I parted my lips, wanting to talk, but no words came out. I just watched him cry in front of me. I swallowed the lump in my throat. I was about to apologize, but he got his things and left, wiping his tears.

"Fuck..." bulong ko at napatakip na lang ng unan sa mukha ko.

Yori ignored me the whole weekend. Wala kaming training kaya hindi rin kami nagkita. I just saw that he flew to Cambodia for a competition. Meanwhile, I was busy appealing for my grades. Kinuha ko kaagad ang phone ko nang makakita ako ng notification na may nag-email sa akin. 

Napakunot ang noo ko nang makita ang email ng prof ko sa research. 

Subject: Notice Regarding Plagiarism in your Research Paper

Naka-attach ang research paper namin at may parts na naka-circle... Katabi noon ay 'yong mga sources na hindi nalagay. Naka-attach din ang student handbook at 'yong possible penalties for plagiarism... like a grade of F. She also mentioned academic integrity and how disappointed she was.

The disciplinary committee will get in touch with you.

"What..." Bumilis ang tibok ng puso ko at binuksan ang sumunod na email galing sa disciplinary committee. 

Subject: Notice of Disciplinary Hearing

"After a thorough examination, the University of Flare Alva Disciplinary Committee has decided to convene a disciplinary hearing regarding the allegations of plagiarism in your research paper entitled..." pagbabasa ko ng email. 

Huh... What... 

Agad kong tiningnan ulit iyong parts na naka-attach and found out that those were written by our other groupmate. Nandoon ang revisions ko, pero nagdagdag siya ng content... at hindi niya nilagay 'yong source. Tiningnan ko rin 'yong ibang parts. Some were minor errors with the sources... pero wala ni isa roon ang part ko. 

But I knew we all had to be accountable for it. 

"Ah, tangina!" malakas na sigaw ko at hinampas-hampas ang unan sa sofa. I was so frustrated. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at sumigaw ulit sa sobrang galit. "Punyeta! Tangina! Fuck!" 

May band-aid na lahat ng daliri ko. It hurt more when I dug my nails into the pillow. I just couldn't do anything but cry. 

________________________________________________________________________________

.

Continue Reading

You'll Also Like

696K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
126K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?