An Old Summer Daydream (Old S...

By 4reuminct

9.5M 289K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

24

194K 4.3K 2.5K
By 4reuminct


"Married?!" 

Napabalik ang tingin ko kay Yori, nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam na ganito pala ako kagusto ng Mommy niya para ibigay ang kamay ng anak niya sa akin with no questions asked! Unti-unti akong napangisi at binalik ang tingin sa Mommy ni Yori.

"I haven't proposed to him yet po," sabi ko, natatawa.

"Are you going to live here after marriage?" nakangiting tanong pa rin ng mom ni Yori, mukhang excited. "Because Yori will work here!" 

Kumunot ang noo ko at tumingin ulit kay Yori. Huh? Ano'ng ibig sabihin noon? 

"He will move here!" dugtong pa ng Mommy niya. Nabanggit ni Yori na matagal siyang hindi nakabalik sa Japan kaya matagal din niyang hindi nakasama ang Mommy niya. Hindi ko alam ang rason pero... dito niya ba talaga gustong tumira? 

Tinanong ako ng Mommy niya kung sasama daw ba ako kay Yori tumira dito pero hindi ko masagot. Yori excused us so we could talk outside. Sa labas kami para hindi talaga marinig ng Mommy niya. 

"I haven't told her that I won't work here after graduation," paliwanag kaagad ni Yori pagkalabas namin. Pinatong niya sa balikat ko ang coat na dala-dala niya para hindi ako ginawin sa labas habang siya ay turtle neck sweater lang ang suot. 

"May job offer ka na ba rito?" nagtatakang tanong ko dahil mukhang sigurado na ang mom niya kanina. 

"Yes, my mom's friend is offering me a job in tech," sabi niya. "But I won't take it. I'll work in the Philippines." 

"Huh? Bakit naman?" Kumunot ang noo ko. "Pwede naman tayong mag-LDR!" suggest ko, nakangiti. 

Wala namang problema sa akin 'yon. Pakiramdam ko ay hindi naman kami mahihirapan dahil love na love namin ang isa't isa... o baka dahil mababaw pa ang pananaw ko ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko naman ay kaya naming dalawa 'yon! Hindi naman magtatagal, eh. Kaya ko naman sumunod sa kanya kaagad. 

"Let's just talk about it after graduation. I don't have plans yet." Nagkibit-balikat siya at dinala ang dalawang kamay sa bibig para painitin ang palad niya. Mukhang nilalamig na siya. "Mom just wanted to be with me."

"Matagal ka na rin kasing hindi nakatira dito..." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para painitin 'yon gamit ang mga palad ko. "Basta, kung gusto mo tanggapin 'yon, okay lang naman sa akin. Kung ayaw mo, okay lang din! Ikaw bahala!" Nginitian ko siya. Nagsasabi naman ako ng totoo. Hindi talaga 'yon problema sa akin. 

"Tumutulo na ang sipon mo," pang-aasar niya bigla at pinisil ang ilong ko. Napatakip ako sa ilong ko at sinamaan siya ng tingin. Sobrang lamig kasi! 

Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Yori para makapag-travel kami. Hindi ko na kailangang pumunta sa mga tourist spots dahil ilang beses naman na akong nakapunta rito. Ang gusto ko lang makita ay 'yong mga paboritong lugar niya.

Sumakay kami ng bus papunta sa malayong lugar kung saan may ski resort. Wala akong problema kasama si Yori gumala dahil siya ang palaging nagsasalita at kumakausap. Siya ang gumawa ng lahat at ako naman ay sumusunod lang sa kanya. 

"Here..." Umupo sa tabi ko si Yori. Kanina pa ako nasa bus habang siya ay may binili muna sa convenience store. Inabutan niya ako ng inumin at onigiri kahit hindi naman ako nagpabili. Alam niyang magugutom ako. May chocolates din siyang inabot sa akin. Iyon muna ang kinain ko sa byahe. 

Noong bumaba na kami ay kinain ko muna ang binili niya bago kami sumakay sa taxi. Nakatingin lang ako sa labas kung saan makikita na ang mga yelo. 

"Paano mo ako tatawagin in Japanese?" tanong ko sa kanya dahil bored na ako sa byahe. 

"Nataleigh," walang kwentang sagot niya.

"Gusto ko endearing!"

"Nata-chan?" natatawang sabi niya.

"Ano na lang ang itatawag ko sa 'yo?"

"Yori-kun. Try it." Mukhang na-excite siya sa pinapagawa niya sa akin.

"Ayaw ko nga." Ngumisi ako at humalukipkip. Sinamaan niya naman ako ng tingin at napailing. Malakas akong tumawa at kinurot ang pisngi niya. Akala niya ba ibibigay ko sa kanya ang gusto niya nang ganoon-ganoon lang? No, no, no! 

Bumaba kami sa may resort at nag-rent kami ng equipment. Maraming tao dahil nga kakatapos lang ng Christmas. Marunong naman akong mag-ski at ganoon din si Yori kaya sumakay kaagad kami ng lift papunta roon sa taas. 

"Ingat ka, ah," sabi niya, nagyayabang sa akin. 

"Ikaw ang mag-ingat. Baka magpagulong-gulong ka," mayabang na sabi ko rin sa kanya.

"Unang makababa, may reward," pakikipag-deal niya pa sa akin.

Ngumisi ako sa kanya at tumango. Nagbilang siya at sabay kaming nag-ski pababa. I couldn't tell kung sino ang mas magaling sa amin mag-ski. Nag-focus na lang ako sa dinadaanan ko. I was even swaying so I could slow down. Mahirap na dahil may ibang tao. Hindi ko na alam kung nauna na ba si Yori sa akin o ano. 

"What the heck!" sigaw ko nang matanaw ko si Yori na naghihintay na roon sa baba at nakatanggal na ang pang-ski niya. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa akin. Iyong mayabang na tingin! 

Huminto kaagad ako sa tapat niya, hindi na matimpla ang mukha. "You lost," obvious na sabi niya. 

"Maingat kasi ako dahil may ibang tao at may mga bata pa," pagdadahilan ko pa sa kanya. 

"Excuses." Napailing siya. 

"Oh, sige, isa pa!" Ayaw kong magpatalo! 

Nag-try ulit kami pero siya pa rin ang nauna sa akin. Nakakailang balik na kami sa lift dahil nga ayaw kong matalo. Sa pangatlo, pagkatapos ng bilang ay nauna na ako bumaba. Sinigawan ko si Yori dahil hindi ko siya napansing bumaba. Lumingon ako saglit at nakitang naroon pa rin siya at pinauna nga niya ako. Dahil lumingon ako ay hindi ko nakita 'yong tao sa harapan ko. Lumiko kaagad ako at nahulog. Napailing ako at dahan-dahang umupo.

"You okay?" Nasa harapan ko na kaagad si Yori na bumaba na galing sa taas.

Inis kong inabot ang buhok niya para sabunutan. "Bakit ka nagpaiwan?!" 

"You wanted to win," sabi niya, tumatawa. 

"Hindi sa ganoong way! Excuse me! Minamaliit mo ba ako, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Well... We both know who's better at skiing here." Nagkibit-balikat siya. 

Wala na, nagtampo na tuloy ako! Pagkatapos noon ay hindi na ako nakipaglaro sa kanya at pumasok na lang sa loob ng resort para magpainit muna ng mga kamay. Sumunod naman sa akin si Yori habang kumukuha ako ng hot drink sa vending machine.

Pagkatapos ay umupo ako sa may bench at umupo naman si Yori sa tabi ko. Natatawa siya sa hitsura ko. Hindi ako nakikipagbiruan, huh!

"Come on... Galit ka?" Parang nang-aasar pa siya lalo! 

"Hindi, ah." Umiwas ako ng tingin sa kanya. 

"Let's play rock, scissors, and paper." Hinatak niya ang sleeve ng jacket ko para mapaharap ako sa kanya. Nakasimangot pa rin ako. "Dali na..."

Wala akong energy nang makipaglaro ako sa kanya. Rock ang sa akin at scissors naman sa kanya. Lumiwanag ang mga mata ko nang ma-realize na natalo ko siya. 

Napangiti kaagad ako at nag-celebrate. "Hah, talo ka! Panalo ako!" masayang sabi ko. 

Ngumiti rin siya sa akin at tumango. "Yeah, I lost..." sabi niya habang pinapanood akong magsaya. 

Gumaan na kaagad ang mood ko dahil doon. Hindi na ako nagtatampo kaya inaya ko ulit siyang mag-ski, pero imbis na mag-ski kami ay nagbatuhan lang kami ng yelo at nanguha ng pictures hanggang sa matapos na ang oras ng rental namin. Pagkabalik namin sa bus ay nakatulog kaagad ako. 

Pagkababa ng bus ay naglakad kami tapos nag-train ulit. Dumaan kami sa isang ramen restaurant na favorite niya daw. Nakuha ko na kung bakit dahil ang sarap. Pagkatapos kumain ay dumaan kami sa convenience store at naglakad na pauwi. 

"Wait." Inalog-alog niya ang heat pack at nilagay sa loob ng gloves ko. Tamang-tama at kanina pa naninigas ang kamay ko sa lamig! Binalot niya rin ang scarf sa leeg ko kaya amoy na amoy ko ang pabango niya.

Naglakad na ulit kami habang hawak niya ang isang kamay ko. Iyong isa naman niyang kamay ay may hawak na paper bag galing sa convenience store. 

"Kanina..." simula ko habang naglalakad kami. Gabi na at wala na masyadong tao sa kalsada. Lumingon sa akin saglit si Yori, hinihintay ang sasabihin ko. "You knew I would choose rock." 

Napangiti siya sa sinabi ko. "You always choose rock as your first move." 

"Pero scissors pa rin pinili mo." 

"Are you mad again?" 

"Hindi..." Napaiwas ako ng tingin. Nag-iinit na ang pisngi ko. "Thank you..." 

Huminto kami saglit sa paglalakad para maayos niya ang scarf ko. Habang inaayos niya sa leeg ko ay bigla niya akong pinatakan ng halik sa mga labi at umaktong wala siyang ginawa. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya sa scarf at hinawakan na ulit niya ang kamay ko. Bago kami maglakad ay hinalikan niya naman ang pisngi ko. 

"Aishiteru," sambit niya.

Napangiti ako. "I love you," sambit ko pabalik. 

Marami pa kaming pinuntahan ni Yori sa mga sumunod na araw. Nagpunta kami sa temple, sa isang festival, museums, restaurants, markets, at kung saan-saan pa. Nag-celebrate kami ng New Year kasama ang pamilya niya. Ang saya-saya naming dalawa pero nang makauwi ako sa Pilipinas ay back to reality na naman.

Nagsimula na ang third year, second sem. 

Sa simula pa lang ng sem ay sinabi na ng isa naming prof na kami ang pipili ng ka-group namin para sa final paper na ipapasa at the end of the sem. Research course iyon. Sinubukan kong tanungin kung pwedeng mag-isa lang ako pero hindi siya pumayag dahil kailangan ko raw matutong makipag-work sa iba at masyadong mabigat ang work load kapag mag-isa lang ako. 

Kaya naman... na-stuck ulit ako ka-group sina Kobs, Zahra, at Laya. Wala na akong choice dahil wala na rin namang iba. At least alam ng mga kaibigan ko ang work ethic ko. Wala nang maninibago sa kung paano ako mag-distribute ng gawain at kung gaano ako ka-strict sa paper. 

"You look stressed," sabi ni Yori nang idikit ang malamig na can ng coke sa pisngi ko. Nasa labas kami ng convenience store, nakaupo. Kakatapos lang ng training namin para sa competition bukas. 

"Paano kasi... Background na nga lang, ang subpar pa ng gawa," reklamo ko sa kanya. "Ang dami-dami ko na ngang ginagawa. Pati ba naman 'to, kailangan ko pang problemahin?" 

Ang pinakaayaw ko talaga ay 'yong halatang nagpasa ng part for the sake of passing within the internal deadline, tapos bahala na ako i-check. Si Laya lang ang medyo maayos gumawa ng paper. Nag-ampon pa kasi kami ng isa pa dahil five members dapat... pero pati 'yon ay hindi ganoon kagaling. 

Punong-puno ng comment ko sa Docs ang paper dahil sa dami ng pinapa-revise ko. Hindi ko na mapigilang magsungit dahil walang nangyayari.

"Hay naku, sana talaga mag-isa na lang ako." Napamasahe ako sa sentido ko. 

"Let me see." Hinatak ni Yori ang laptop ko para basahin ang nasa background study. Pati nga iyong course na related sa programming or tech ay pinoproblema ko rin ngayong sem. Mabuti na lang at nandiyan si Yori para tulungan ako kapag may mga tanong ako. 

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko nang makitang nagta-type siya.

"I'm proofreading it. You should rest." He gave me a pat on the head and continued typing. Napanguso ako at uminom na lang ng cola na binili niya sa akin. 

I was sure Yori was tired, too. Back-to-back din ang training at competitions niya. Pagkatapos ng competition namin bukas ay lilipad siya papuntang Malaysia para lumaban internationally sa e-games. Next week naman ay invited siya sa parang gaming conference as guest sa event. Magiging tourist attraction lang siya roon, eh! 

Yori was rising in the industry. Pataas na nang pataas ang followers count niya sa streaming app dahil iyong audience niya ay hindi na lang limited dito. Mayroon na rin siyang international audience. 

Idolo siya ng mga taong mahihilig sa e-games, tapos ayaw na sa kanya ng mga players sa ibang team dahil nga ang galing niya. Hindi naman niya pinapansin kahit anong trash talk nila dahil waste of time para sa kanya. Bukod sa wala silang masabi sa skills niya, wala rin silang masabi sa kapogian ng lalaking 'to kaya kung anu-ano na lang sinasabi! 

"Paano kaya nila nalalaman ang number mo?" inis na tanong ko nang makabasa na naman ako ng message sa phone niya. 

May mga ibang girls na nagme-message sa kanya, tapos mga sikat pa sa internet 'yong iba! Hindi 'ata alam ng lahat na may girlfriend na siya. Hindi naman niya nire-replyan lahat. Nakikita ko na lang din na naka-block na kaagad 'yong number. Natatawa na lang ako. 

"Inaaya ka sa inuman ng tropa mong gamer," pagbalita ko sa kanya. Abala siya sa laptop ko kaya ginagamit ko na lang ang phone niya at nagtitingin ng photos, pero labas nang labas 'yong notifications. "This Saturday daw. Ano ang ire-reply ko?"

"That's not my friend and I won't go," sabi niya habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa screen. 

"Bakit naman?" 

"They always invite other people without telling me. I hate it."

Napatango-tango ako at nag-type ng reply sa kaibigan niya, umaaktong ako si Yori. "Other people? Like last time?" 

Tumango naman siya. Maaga siyang umuwi last week galing inuman. Iyon pa naman ang unang inuman na aya ng friend niya na in-attendan niya, pero umuwi rin siya kaagad. Nang tinanong ko kung bakit, ang sabi niya ay nirereto kasi siya sa mga babaeng in-invite nila sa table. 

"Bwisit naman 'to. Hindi ba sinabi mo nang may asawa ka na at apat na anak?" Sumimangot ako. Ang dami talagang sumusubok kahit alam namang may jowa na 'yong tao! 

Kinakabahan ako kasi lumalaki na rin ang circle ni Yori dahil hindi naman naiiwasan 'yon sa work na ginagawa niya, pero panatag naman ang loob ko na wala siyang gagawing masama. Ang iniisip ko lang ay... nauuna na siya. 

Nauuna na si Yori umangat. Mas nauuna na siyang maglakad at naiiwan na ako. Marami siyang ginagawa outside academics, kumikita na siya ng pera, at nagta-travel na rin siya internationally, tapos ako... nandito pa rin. My circle remained the same... Outside academics, wala akong pangalan. Ito lang ang ginagawa ko. Sa competitions lang din ako nakakakuha ng pera because of the prize money. Iyon lang. 

Pakiramdam ko napapag-iwanan na ako. Nakaka-insecure... pero alam kong hindi ko dapat maramdaman 'yon. Masaya naman ako para sa kanya. Malungkot lang ako para sa sarili ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. 

Kinabukasan, maaga ulit akong gumising dahil last competition na namin ni Yori sa debate bago kami mag-Nationals. Kung hindi kami mananalo roon, wala kaming chance sa Nationals kaya kailangan naming galingan. 

"Ito na, Yori..." sabi ko habang nasa backstage kami, naghihintay tawagin. "Let's win this. Pagkatapos nito, Nationals na." 

"Of course, we'll win this." Tinaas ni Yori ang fist niya at nag-fist bump kami. 

Nang tawagin kami ay nauna akong umakyat sa stage at tumungtong sa platform. Sa tabi ko naman ay si Yori. Sa harapan namin ay microphone at ang mga audience. Sa kabilang side ay ang kabilang team. Ako ang first speaker for the opposing side. 

I knew what I was doing. I knew what I was going to say. At noong nag-speech na ang kabilang panig ay naging abala ako sa pagsusulat sa papel para matandaan lahat ng counter-arguments ko. It was going well. I knew exactly how to refute. I easily pointed out the loopholes in their argument. 

It was my turn to refute. The other side was not making sense anymore. I was sure we were going to win... especially after Yori's ending speech. 

Nakahinga ako nang maluwag nang makabalik na kami sa headquarters. Uminom kaagad ako ng tubig at naglakad-lakad sa loob ng room habang naghihintay ng results. Nakaupo lang si Yori at pinapanood ako.

"Wow, you're nervous," sabi niya. 

Siyempre... Pagkatapos naming matalo sa competition noong senior high school kami, hindi ko na magawang maging panatag palagi. Sinasabi ko lang na mananalo kami pero kapag malapit na ang results, parang kakawala na ang puso ko sa dibdib ko. 

"Yori, Estella, announcement na," sabi ng instuctor namin. Nagkatinginan kami ni Yori. Tumayo kaagad siya at sumunod, hawak-hawak ang kamay ko para pakalmahin ako. 

Nakaupo kami ni Yori sa harapan, hinihintay ma-announce kung sino ang panalo. Hindi ako mapakali. I was biting my nails pero pinigilan ako ni Yori. 

"Mister Alanis and Miss Martinez from the University of Flare Alva!" 

Nanlaki ang mga mata ko at agad napatayo. Nagpalakpakan ang mga tao at umakyat kami ni Yori para sa awarding. Tuwang-tuwa ako! Nag-celebrate kami ng team sa restaurant nina Yori pagkatapos.

"Hay... Ang saya! Nationals na next!" Binagsak ko ang sarili ko sa kama ni Yori. Dito ako matutulog tapos uuwi ako sa bahay namin para sabihin kina Mommy ang tungkol sa competition. 

"Your grade for chapters one and two of research is out," sabi ni Yori nang makita ang notification sa phone ko. 

Napatayo kaagad ako at kinuha ang phone ko para tingnan. Nawala kaagad ang saya ko nang makita ang score. 

94/100. 

"What the hell," bulong ko. 

"Congratulations!" Masaya naman si Yori sa nakuha ko. 

Tiningnan ko ang comment ng prof ko at puro 'yon sa part ng groupmates ko at hindi sa akin. Nainis ako lalo nang makitang nagse-celebrate sila sa group chat dahil sa grade na nakuha namin. Hindi pa nakatulong na nakita ko ang highest grade. 100... at hindi kami ang nakakuha noon. 

"Ugh..." Tinago ko na lang ang phone ko at nagtakip ng unan sa mukha ko. Naiinis ako pero hindi ko magawang sumigaw dahil narito si Yori at hindi ko naman bahay 'to.

"But we won the competition today. That's a win, right? Mababawi pa naman 'yan sa next chapter. Galingan n'yo na lang sa data-gathering," Yori tried to console me. 

Ngumiti lang ako sa kanya para sabihing okay lang ako kahit hindi talaga. Ayaw ko namang sirain ang gabi kaya sinubukan ko na lang kalimutan. 

"Mi... I'm home," walang energy na sabi ko pagkapasok ng bahay. Nasa dining kasi si Mommy, naghahain ng plato for breakfast. 

"Kumusta?!" masayang bungad niya pero nawala rin ang ngiti sa labi niya nang makita ang hitsura ko. "Oh..." 

"Nanalo kami, Mi," sabi ko kaya bumalik ang ngiti niya. 

"Omg, yehey! Sabi sa 'yo, eh! I knew you could do it! Pero bakit... ang lungkot mo?" Ngumuso siya at umupo roon sa dining. Umupo naman ako sa tapat niya at nangalumbaba. 

"Wala, Mi. Stressed lang ako sa maraming bagay." Napabuntong-hininga ako. "Noong college ka ba, Mi, naramdaman mo rin bang..."

Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Malamang hindi niya pa nararamdaman 'yong pakiramdam na napag-iiwanan na siya kasi magaling naman siya sa field niya. Siya siguro ang pinakamagaling sa kanila. 

Nakumpara na rin ba niya ang sarili niya sa ibang tao? Kay Daddy kaya? Siguro hindi. Bakit naman niya gagawin 'yon? Mas matino naman siya kaysa... sa akin. 

Yori got a 100 on his research course. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ano ba 'to? Mali 'to. Hindi ko dapat nararamdaman 'to pero hindi ko mapigilan. Parang mababaliw na ako kakaisip. 

"Hmm, wala." Ngumiti na lang ako sa kanya. 

Parang na-drain lahat ng energy ko. Pinasimulan ko kaagad ang Chapter 3 at nagbigay ng kanya-kanyang gawain. Kailangan namin mag-interview ng mga nasa entertainment industry kaya nag-contact ako ng mga kakilala ko gaya nina Tita Sam, Tito Arkin, Tita Clea, at marami pa. Sabi ko ako na ang bahala roon at maghanap sila ng participants nila. 

"Kye..." Kumatok ako sa kwarto ni Kye bago pumasok. Nakita ko siyang nagpe-paint ulit ng mga ginawa niyang mug. Umupo ako sa chair niya at pinanood siya. "Uhm... Nakaka-receive ka pa rin ba noong mga text?" 

Umiling siya sa akin. Iyon lang ang sagot niya at hindi na nagsalita.

"Sinabi mo na kina Mommy?"

Natigilan siya saglit pero pinagpatuloy rin ang ginagawa, hindi ako sinagot. 

"Kye, you promised me," seryosong sabi ko. 

"I forgot," simpleng sabi niya. "And I already left that memory last year," mautak na sabi niya dahil nagbago na ang taon. 

"Sure ka wala ka nang natatanggap na mga ganoon, ha? Wala namang anything suspicious na nangyari sa 'yo?" pangungulit ko. Nag-aalala lang ako sa kanya.

Umiling siya sa akin. Alam kong hindi siya palasalita pero mas tahimik siya ngayon. Mukhang busy na busy kaya tumayo na lang ako at nagpaalam sa kanya. 

I focused on my other competitions habang naghihintay sa Nationals. After pa 'yon ng finals. Maaga kaming mage-exam ni Yori para makapag-focus kami sa competition. Si Yori, abala rin sa mga events at competition niya. 

Another win followed another... and another... and another. Hindi ko na mabilang ang medals na naka-display sa bahay. Nadadagdagan pa 'yon. I felt better about myself again because I had many wins in a month. Kung anu-ano na lang ang sinasalihan ko.

"Cheers!" masayang sabi ko at pinagdikit ang mga baso namin nina Lai at Seven. Celebration ko sa Epitome dahil sa mga napanalo kong competition. Isang club. Hindi kami mahilig sa ganito pero celebration naman kaya okay na 'yong paminsan-minsan lumalabas din. 

"I really don't want to drink," sabi ni Seven. 

"Isa lang, bro! Pumayag ka na kahapon!" sambit ni Lai. Hindi talaga mahilig uminom si Seven. Alam namin ni Lai 'yon. Siguro part 'yon ng attitude niya na dapat responsible siya sa lahat ng bagay, kahit sa pag-inom. 

Napairap na lang si Seven at nag-shot ng isang tequila. Kami na lang ni Lai ang nag-inom pagkatapos. Paminsan-minsan ay umiinom si Seven pero mahahaba ang breaks in between. 

"Pang-ilan na ba 'yan, Lai? Bumalik ka rito!" reklamo ko nang makitang may kumausap na naman sa kanyang babae. Lahat naman ay tinatanggihan niya kaya nagsasayang lang sila ng oras. 

"Wait..." Tinapunan ako ni Lai ng makahulugang tingin.

"Excuse me, boyfriend ko po 'yan," sabi ko na lang para matapos na ang usapan nila dahil mukhang hindi alam ni Lai kung paano siya e-exit sa usapan. "Mukha ka kasing fuck boy kaya chick magnet ka." 

Umupo si Lai ulit sa tabi ko at nagsalin ng alak sa baso. "Wala pa nga akong girlfriend, although... I already remember when my first kiss happened." 

"Eh?!" Nakalimutan kasi ng gagong 'to. "Ilan na ba ang na-kiss mo at nakalimutan mo kung sino roon ang una?"

"What do you even think of me?" Tumaas ang isang kilay niya. "I don't even date. I don't fuck. I don't do flings or girlfriends. I'm just a focused athlete." 

"Sino naman ang nagtanong?" sambit ni Seven sabay shot ulit. 

"Papa mo," sabi ni Lai.

"Dinadamay mo pa si Sevirous!" Natawa ako nang banggitin ang user handle ng Daddy ni Seven sa Instagram. "Tanong mo nga kung kailan niya papalitan 'yon, Seven. Sabay na kayo at palitan mo na rin ang profile picture mong anime." 

"Huwag ka nang mangialam." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya kasi alam kong nakuha niya 'yan kay Kiel.

"Nagta-Tagalog ka kapag lasing, Seven? Baliktad, ah," pang-aasar ko lalo. 

"I'm not drunk. This is too weak." Umiling siya at tinuro ang alak. Wow, ang yabang naman ni low tol! 

"Yabang mo, ah. One on one tayo," paghahamon ko.

In the end, pareho kaming binuhat ni Lai pauwi at siya na ang humingi ng tawad sa mga magulang namin. May malay pa ako nang makita ko ang reaksyon ni Daddy nang buksan ang pinto at nakita akong nakasampay sa balikat ni Lai na parang twalya. 

"Uy, Di!" bati ko nang makita siya. "You're hooome!" 

Nagpasalamat siya kay Lai at inalalayan na ako papasok ng bahay. Humiga ako sa sofa at narinig si Mommy na pababa ng hagdan, naka-bathrobe pa. 

"Bati na kayo?" Tumatawa pa ako nang walang dahilan. "Huwag na kayo mag-away nang mag-away! Bad 'yon! Sige ka... Iiyak si Kye! Ako, hindi, kasi... strong ako! Panganay ako 'no! Estella 'to, eh!" 

"We're not even fighting," sabi ni Daddy at tumingin kay Mommy. Humalik pa siya sa pisngi nito. "See?" 

"Yucky!" Tinakpan ko ang mga mata ko. "My eyes! Pero... Pero... Di, kailan matatapos big case mo? Gaano ba ka-big 'yan? Hmm... Kasi si Kye! Death threats!" Umayos pa ako ng upo. 

"Ano?" Kumunot ang noo ni Mommy.

"Si Kye... may death threats!" pagsusumbong ko. 

Nagkatinginan silang dalawa, tapos nag-pass out na ako. Kinabukasan, ang sakit ng ulo ko. Nang makababa ako ay masama ang tingin sa akin ng kapatid ko. 

"Now I'm not allowed to go out. Thanks a lot," sabi niya at nilagpasan ako.

Napakurap ako, hindi pa pinoproseso ang nangyayari, pero parang sumeryoso sa bahay. Kanina pa may kausap si Daddy sa garden at pabalik-balik siya ng lakad habang hawak ang phone. Si Mommy rin ay hindi makangiti sa akin habang naghahain. Halatang pareho silang may iniisip... at alam kong si Kye 'yon. Uh... Dahil 'yon sa sinabi ko. 

Nakaka-stress sa bahay! Galit sa akin kapatid ko, worried parents ko, wala raw mahanap na participants groupmates ko, tapos si Yori nasa ibang bansa! Ang sakit pa ng ulo ko dahil uminom-inom ako kagabi! 

"Sige, ako na," bulong ko sa sarili ko at ako na halos ang gumawa ng mga interviews. Nag-ambag naman sila kahit papaano sa pag-connect noon sa topic. 

88/100.

"Ugh!" Inis kong binato ang unan sa kama nang makita ang grade sa Chapter 3. Kinagat ko ang kuko ko habang binabasa ang comments ng prof. Nakakainis kasi pinabago ko na 'yon tapos hindi naman in-address nang maayos! Alam namang busy ako sa competition! 

Nagdugo na ang kuko ko kaya tinigilan ko na. Naghugas ako ng kamay at tiningnan ang sarili ko sa salamin. I was having a dilemma. 

Kobs and Zahra were both failing other courses. Pasang-awa na lang ang grades nila last sem. Should I still give them a low grade sa peer evaluation? Paano kapag bumagsak din sila sa research? Makakapag-fourth year pa ba sila? 

Pero... Wala sila masyadong nagawa. Mayroon nga, pero hindi naman abot sa standards ko. Halos nire-revise ko na lahat, pero wala na akong time masyado para i-check pa lahat ng 'yon paulit-ulit. 

Napabuntong-hininga ako at bumalik sa laptop ko. I stared at the screen for so long, looking at the peer evaluation form for the Final Pass. Hindi pa tapos pero ginagawa ko na ang form. Baka naman makabawi pa sila sa final pass... I convinced myself. 

"Ano ba, kailangan ko ba talagang i-check paulit-ulit 'tong paper? Galingan n'yo naman... Kapag may comment ako, i-address nang maayos, hindi 'yong babaguhin for the sake na may mabago. Paano kapag wala na akong time i-check ulit?" reklamo ko sa meeting namin.

"Sorry, Nat." Ngumuso si Kobs. 

"Sorry? No... Do better," sabi ko at kinuha na ang gamit ko para umalis ng room. 

Naghihintay na sa labas sa akin si Yori para sabay kaming pumunta sa training. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko nabalik ang ngiting 'yon. Final pass na kaya 'yong mga comments sa mga past chapters ay kailangan nang i-address. Kailangan nang mag-revise ulit mula sa simula. Masyado na tuloy akong nagfo-focus sa course na 'to kaysa sa iba! Okay naman kasi ang performance ko sa iba. Ito lang talaga dahil more on group work! Nakakainis naman. 

"Hindi ka pa rin kinakausap ni Kye?" tanong ni Yori sa akin habang naglalakad kami. 

Umiling ako. "Hindi niya maintindihan... para rin naman sa safety niya 'yon."

"How's your research?" 

Hindi na ako sumagot sa kanya. Nauna na lang akong pumasok sa debate room at nilapag ang gamit ko. Pagkatapos ay nilabas ko ang laptop ko para mauna na akong mag-revise ng mga chapters. Nag-assign na rin ako. Iyong madadali na lang ang sa kanila dahil wala akong tiwala. 

Yori pursed his lips and sat down beside me, slowly putting his medal back in his bag to hide it. Natauhan kaagad ako at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"Shit, congratulations!" bati ko kaagad nang ma-realize na nanalo nga pala siya sa competition niya sa ibang bansa. 

"Thank you." He gave me a small smile. 

Shit... and I didn't even ask how he was or how was the competition. Napasapo ako sa noo ko. Wala na...

"I'm sorry," mahinang sabi ko. "Ang dami lang nangyayari. Hindi ko man lang naisip na-"

"Shush." Tinakpan niya ang bibig ko. "It's okay, really. I just wanted to show you, but I know you're busy and stressed, so... It's okay." He smiled again. 

We also started studying for finals dahil maaga nga kaming magte-take. Iyong research lang ang maiiwan dahil nga group work siya. Pagkatapos nitong early exams namin ay magfo-focus na lang kami sa training for the Nationals kasi malapit-lapit na rin. Pati 'yong e-games competition ni Yori ay natapos na rin kaya dito na lang din siya magfo-focus. 

"Nat, someone's calling," bulong sa akin ni Yori habang nasa kalagitnaan kami ng practice debate. Kalaban lang din namin iyong ka-debate club namin.

"Later," bulong ko. 

Gabi na natapos ang training kaya saka ko lang na-check ang phone ko nang maglakad na kami ni Yori palabas ng campus.

Napahinto ako bigla sa paglalakad kaya napalingon sa akin si Yori.

"Why?" nag-aalalang tanong ni Yori nang makita ang reaksyon ko.

It was from an unknown number. 

'hawak ko kapatid mo' 

Bumilis ang paghinga ko at nanginginig kong tinawagan si Daddy. Hindi siya sumasagot kaya mas lalo akong kinabahan. Sinubukan ko rin si Mommy pero hindi rin siya ma-contact. She was in another call. 

"Nat?" 

Hindi ko na pinansin si Yori at tumawag ulit kay Daddy. This time, sumagot na siya. "Daddy-"

"Nat, where are you? Are you alone?" sunod-sunod na tanong ni Daddy. 

Tumingin ako kay Yori. "Kasama ko po si Yori..." nanginginig na sabi ko. 

"Listen to me. Go home immediately," he said in a stern voice. 

Binabaan niya kaagad ako. Hindi ako makapagsalita at naestatwa lang ako roon, nakatulala. Naka-receive ng message si Yori. Hindi ko alam pero mukhang galing kay Daddy dahil hinatak niya kaagad ako pauwi. 

"Ano'ng... Ano'ng nangyayari?" Napaupo ako sa sofa at napatakip sa mukha ko. Kumuha ng baso ng tubig si Yori at pinainom ako. 

Sinubukan ko ulit tawagan si Daddy pero hindi siya sumasagot. I stood up and started walking back and forth while biting my nails. Hindi ako mapakali! I was trying to call Dad non-stop pero hindi na nagri-ring. Mukhang may kausap siyang iba. 

After two hours, sinagot na ulit ni Daddy ang tawag ko. "Daddy, ano'ng nangyayari? Nasaan si Kye? May nag-message sa akin..."

"Nat, stay calm," he said. "Just stay inside your unit. Block the number, and don't take any calls except mine."  

"Si Kye, Daddy, nasaan?"

"I'll get back to you tomorrow."

"Daddy!" sigaw ko, parang nawawala na sa sarili. "Nasaan si Kye?! Sagutin mo 'ko!" 

"Kye is..." I could hear him struggling to talk. "He's..."

"He's what, Dad?!" 

"Don't shout, Nataleigh. I need you to stay calm." 

"Dad, please... Sabihin mo sa 'kin nasaan si Kye..." My tears started to fall. 

"He's... going to be okay. Don't worry. Just focus on your exam and competition. I'll call you again tomorrow." 

"Daddy!" Mas malakas na sigaw ko pero binabaan na niya ako. "Fuck!" sigaw ko at napasabunot na lang sa sarili ko. 

________________________________________________________________________________

.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
92.4K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
Trouble is YOU By Cher

General Fiction

161K 7.2K 21
Andres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14