the stars above us (medtech s...

By guaninejwl

1.9K 89 16

MEDTECH SERIES #2 What Lula Madaline Quinto has prayed for ever since she was a kid was finally coming true... More

- - -
00
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12

13

29 6 2
By guaninejwl

"You good?" Napalingon ako kay Sergio at napatango nang bahagya habang pinapatuyo 'yung buhok ko. "You sure you can walk?"

Natawa ako, "Okay lang ako, Sergio. Huwag ka nang magalala," sambit ko. "Malayo naman 'to sa bituka."

He sighed.

"Fine," he says. "I'll just get the doctor and then I'll process your discharge."

Tumango ako.

Hindi ko rin alam kung pa'no ako nakatulog nang mahimbing knowing na dalawa lang kami dito sa kwarto. Ni hindi nga ako naki-sleepover sa Laoag pag may kasama kaming lalaki... tapos nag-dalawang taon lang ako dito sa QC, kung anu-ano nang kagagahan ang ginagawa ko. I mean hindi naman na'ko same sa first year persona ko na wild bitch... Na-realize ko rin namang ang tanga ko sa part na 'yun.

Feel ko talaga naka-facepalm na mga magulang ko kung nakikita man nila ako.

No'ng pumasok na 'yung doctor, tinignan lang niya ulit 'yung paa ko at tinanong kung nagagalaw ko ba nang maayos. 

"Naku hija, pakasalan mo na 'yang si Sergio."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling, "Hindi ko siya boyfriend doc," mabilis kong sagot.

Natawa siya, "Ay akala ko, boyfriend mo na. Nanliligaw palang ba?" 

Umiling ako.

"Partners lang po kami sa project para sa science fair po," mahinahon kong sabi kahit sa totoo hiyang-hiya na talaga ako. Siguro chini-chismis na rin kami ng mga tao rito. Wala naman akong pakialam kung isipin nilang may ginawa kaming kababalaghan dito sa room... pero ewan ko lang kay Sergio. For someone like him na kilala ng mga staff dito, I'm sure his family has some reputation to uphold.

Ewan ko ba dito kay Sergio. Feeling rebellious yata at dito pa talaga natulog. 

Napatango naman siya.

"Sure ka? Partners lang kayo?" 

Nakakaloka. Pati si doc chismoso.

Tumango ako.

Tinignan niya lang ako bago napatango, "Okay," natatawa niyang sabi. "Binibiro lang kita, hija. Pero vouch ko na rin 'yang si Sergio. Napakabait na bata niyan."

Tipid akong napangiti.

Sa sobrang bait nga po hindi na'ko sure kung sa lahat ng friends niya ganito siya.

O baka naman ako na lang 'tong nasosobrahan sa pagiging in denial.

Pagkaalis ni doc, nag-ayos na rin ako ng sarili. Goodluck nalang sa'kin dahil ang chismis sa GC, baka may quizzes kami sa minor subjects. May quizzes din naman sa majors pero sa ibang araw pa. Buti naman. Iiyak talaga ako dahil ilang beses ko nang inaalay 'yung quizzes sa Laboratory Management. Kailangan ko na talagang bumawi.

Pagkatapos kong mag-ayos, sakto namang dumating na si Sergio. Hindi naman na masyadong masakit pag naglalakad ako kay hindi na'ko nag-crutches. Medyo pa-ika-ika nga lang akong maglakad... Okay naman na'to kaysa hindi ako makapasok. Sobrang lapit na ng midterms. 

"Ready?"

Tumango ako at ngumiti, "Thank you, Sergio," nahihiya kong sambit bago isinukbit 'yung backpack ko. "Ang generous mo masyado, akala tuloy ni doc mag-jowa tayo."

Natawa naman si Sergio habang inaalalayan akong makatayo. 'Yung isa naman niyang bodyguard kinuha 'yung iba ko pang mga gamit at lumabas na. No'ng una nai-intimidate pa'ko kapag kasama ko si Sergio dahil sa mga bodyguard niya, pero nasanay na rin naman ako. Masyado lang yata talagang protective 'yung parents nila. Hindi naman din sila gumagala sa campus, kaya kung hindi ka naman masyadong observant sa paligid, hindi rin halata.

"I know you're thinking that the room was too much for a sprain." Napalingon ako sa kaniya habang naghihintay kami ng elevator. "But that 50k? I can still earn that back with part-timing and other stuff, Mads. That's what my mom told me. I'd rather be really thrifty with my stuff, but I'd never be stingy when it comes to health. So that was me not being stingy... I needed to know that you are okay... That you're going to be okay."

Dahan-dahan akong napatango. Nakonsensya tuloy ako sa mga iniisip ko kagabi. I mean... siyempre tao lang din ako na malakas maghinala. 

"So don't bother about it anymore, okay?"

I sighed.

"Okay."

**

Akala ko pag unofficially officially done na 'yung paper namin for SIP, mas magiging madali nang iwasan si Sergio.

Mali pala.

Mas mahirap palang umiwas kapag tapos na.

Alam ko namang I should be keeping my distance sa kaniya... pero pa'no? Noon, I can't even spot him in the crowd... tapos all of a sudden, he's just everywhere. 

Tangina.

Kahit saan nakikita ko siya.

Ibang klase.

Napa-buntonghininga na lang ako at binitawan 'yung hawak-hawak kong highlighter. Punyeta, ang hirap mag-aral bigla! Hindi naman dapat ako na-di-distract kasi mukhang wala namang pake si Sergio na halos nasa harapan lang nila kami habang nagtuturo siya ng kung ano pa man sa mga kaklase niya dito sa library.

Gets ko naman 'yung Biochem.

Pero biglang gusto kong i-undo lahat ng alam ko sa Biochem at magpaturo na lang din sa kaniya kasi naaasiwa ako sa tingin niya sa katabi niya.

Nababaliw na yata talaga ako.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Maya at tumango. "Hindi ka okay, e."

Napairap ako, "Need ba ng proof?"

"Kanina pa nakakunot 'yang noo mo tapos nakatingin ka lang kila Sergio," sambit niya. "Gusto mong lumabas muna?" 

Umiling ako.

Ang feelings dapat nilalabanan.

Kaya nga may adaptive immunity... need ko lang mag-adapt. Ma-i-immune din ako sa kaniya.

Lord please... Hindi kami compatible.

"Ba't 'di mo kausapin? May presentation pa kayo 'di ba?" Tumango ako. Hindi naman kami tumigil mag-usap kahit after kong ma-discharge sa ospital. Siyempre hindi rin naman ako gaga para i-cut off na lang bigla 'yung nagbayad ng hospital bills ko. I  still kept the end of my bargain at hindi rin naman pinutol 'yung communication... just not publicly. 

"Girl... Iba na 'yan."

Natawa ako.

"Iba na nga yata talaga," sambit ko at napasarado ng transes at nag-inat dahil lolokohin ko lang talaga sarili ko kapag pinilit ko pang aralin lahat tapos nasa ibang lugar naman 'yung isip ko. "Papasa naman siguro ako sa recit sa biochem 'no?"

Napairap si Maya, "Girl, lalaki lang 'yan."

Natawa ako, "Grabe ka sa'kin... Hindi ba pwedeng wala na talagang ma-absorb utak ko?"

Pero tama naman si Maya... lalaki lang 'yan.

Kaso tama rin ang mga taong mahilig magbigay ng opinyon sa buhay—nakakatanga kapag distracted ka sa lalaki lang. 

Napatayo nalang ako at kinuha 'yung reviewers ko bago isinukbit sa balikat 'yung backpack ko, "Punta lang muna ako canteen."

Maya sighed.

"Girl... Umupo ka nga muna," sambit ni Ali bago isinara 'yung iPad niya at tinapik 'yung vacant na upuan sa tabi niya. Napa-buntonghininga nalang ako at sumunod. Ilang seconds din yata kaming tahimik na tatlo habang nakatingin lang ako sa mga daliri ko at ramdam kung pa'nong nakatingin lang sa'kin si Maya at Ali.

"Ano bang pakiramdam mo?"

I shrugged.

"Ewan... Naaasiwa lang yata ako," natatawa kong sambit. Ang funny ko maging denial, shet. Pwede na'ko ilaban sa contest talaga. "Mukha pa ba'kong denial pa ba'ko sa lagay na'to?"

Maya sighed, "Beh, hindi. Acknowledged mo naman kasi na meron talaga, pero ayaw mo lang tanggapin," sambit niya. "You know you want him but you also hate the fact that you're catching feelings for someone like him."

O e 'di sapul na naman.

Shit naman kasi.

Dapat iniwan ko na sa momol lang lahat ng 'to eh. Sino ba kasing tanga ang makikipag-momol sa ka-partner niya sa SIP tapos ngayon hindi na alam ang gagawin?

"Konti na lang," sambit ko at napatingin kila Maya habang pilit na pilit na ngumingiti. "Tapusin ko lang 'to tapos exit na talaga ako."

Kaso wala pa yatang ilang minuto nang biglang lumapit sa'kin si Sergio.

Grabe ka na, Lord.

Sinusubok mo talaga ako.

"How's your foot?" 

"Okay naman," sambit ko. 

Napatango naman siya. Para kaming tanga na nagkakapaan ng sasabihin kasi ramdam kong nakatingin lang siya sa'kin, tapos akong ito naman nakatingin lang sa libro kahit parang lumilipad nalang lahat ng binabasa ko.

"Are you free later?"

"Para sa'n?"

"Sir Nico just sent me the guidelines for the SIP. Need na nating ipasa pala within this week along with a proposal to be sent to the science fair committee since they still have to filter the groups that will go through the defense," sambit niya. "They're only picking the top ten papers." 

I sighed.

"Okay," sambit ko at ngumiti sa kaniya. "After classes."

He nodded.

"Okay."

**

Pagkatapos ng klase namin sa Biochem, para akong autopilot na dumiretso agad ng library. Ayos naman 'yung lesson ngayon since na-advance ko na at nakasagot din ako sa mga random popquiz ni ma'am, pero parang ngarag na ngarag ako today. Nakadagdag pa 'yung pa-ika-ika ako maglakad kaya hanggang library, akay-akay ako nila Maya.

"Sure ka okay ka na? Hintayin ka na lang namin tapos hatid ka na namin sa apartment."

I waved my hand habang nagsusulat ng pangalan sa logbook, "Okay na'ko. May quizzes pa bukas, mag-aral na lang kayo."

"Pwede naman kaming mag-aral dito, girl."

I sighed.

"Need niyo ring mag-rest."

Napairap naman si Maya, "Ikaw ba hindi?"

Natahimik ako.

"Sige na. Hintayin ka na namin ni Maya," Ali said.

Grabe ka, Lord. Thank you sa gift of friends. 

Pagkatapos naming mag-log, dumiretso agad ako sa usual spot namin ni Sergio. Nando'n na rin naman siya kaagad at mukhang binabasa niya 'yung paper namin. 

"Hello, sorry medyo napatagal si ma'am," sambit ko habang ibinababa 'yung bag ko. Mabilis ko namang nilabas 'yung laptop ko nag-open ng Drive. "Ano pa bang need nating ayusin?"

"Well Sir Madrigal read the paper last night and actually helped with some revisions. So far, the paper's looking great."

Napatango ako, "Skim ko na lang din 'yung buong paper. How about 'yung proposal?"

"I'll do it." Napatango nalang ako. 

I let Sergio do the letter para sa SIP namin. Habang tahimik naman akong nag-skim sa buong paper. Wala na rin namang masyadong need gawin since tapos naman na talaga lahat, at pulido rin talagang gumawa si Sergio kaya more or less mga technical errors nalang din ang inayos ko.

Ayaw ko na sanang makausap nang personal si Sergio dahil kung anu-ano ang pumapasok sa kokote ko, pero dapat nalang siguro maging grateful ako na hands on siya sa SIP namin. Last time na nag-SIP ako, JHS pa tapos sobrang cringe-worthy ng groupmates ko dahil tuwang-tuwa no'ng nag-present kami sa regionals tapos ako lang naman 'yung gumawa karamihan? Kala mo naman may ambag sa mundo. Ang ambag lang naman nila maging pogs sa GC, tapos biglang magpo-post ng "thank you sa leader namin!" Akala ata may bearing 'yung mga pagmumukha nila.

Hindi naman ako against sa mga may hitsura, pero nakakarindi talaga pag feeling nila sobrang entitled nila sa mga bagay-bagay tapos sayo ipapapasan lahat. Sabagay, siguro you can't really have it all talaga.


Napa-scroll na lang ako sa Facebook habang hinihintay 'yung ginagawa ni Sergio, hanggang sa napakunot ang noo ko no'ng nakita ko 'yung dati kong kaibigan sa Ilocos na binabati 'yung isang kaklase namin noon dahil birthday niya.

Wow.

Puta.

Buhay pa pala 'tong gagong 'to. Kala ko pinalitan na niya 'yung diyablo sa impyerno.

Mabilis kong itinaob 'yung cellphone ko sa lamesa at dumiretso papalabas ng library. Suddenly memories came rushing to my mind... Sabi ko ayaw ko nang balikan! Ilang taon na rin simula no'ng huli akong nag-panic attack... Wala na sa isip ko, e! Gustong-gusto ko nang kalimutan pero bakit naaalala ko pa rin? Ni hindi ko nga maalala kung ano'ng ulam ko kahapon, pero bakit siya naaalala ko pa rin?

Fifteen pa lang ako no'n... Pero bakit parang nangyari lang lahat kahapon?

Nagulat na lang ako nang biglang maramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya mabilis akong napaigtad at lumayo.

"Hey... Breathe."

"Sergio..."

"Is there something you want to tell me?" Napapikit ako nang mariin at umiling.

"C-can you leave me alone for a moment?" I uttered not even looking at Sergio because I didn't want to hyperventilate. Why was I even panicking? I shouldn't even panic... Ang tagal na no'n... Pero hanggang kailan ko ba 'to iindahin? 

Bakit ba kasi kailangang makita ko siya sa Facebook nang ganitong oras?

Gano'n na lang 'yun? He'd screw me like that and get to walk away from it just because nobody knew?

Tapos tangina... Malamang hindi niya 'yun naaalala pero ako? 

Tandang-tanda ko pa rin.

Fucking prick.

I stayed like that in a couple of minutes. I can't even ask anyone to do that for me because I'd just end up panicking even more... Ilang beses na'kong nagkaka-panic attack ever since no'ng nangyari 'yun, pero akala ko dapat kalimutan ko na lang kasi wala namang nakakita...

Pero habang patagal nang patagal, mas lalo akong natakot.

Ang unfair, hayop na 'yan.

"Are you okay?" Tinanguan ko si Sergio no'ng umupo na'ko pabalik sa pwesto namin. Pareho lang kaming tahimik habang ginagawa niya 'yung letter para maipasa sa science fair committee, habang ako nakabantay lang sa shared docs. Ni hindi ako makaimik dahil alam kong wala namang may pake sa sob story ko. Tsaka ang hassle kung may nakaalam... Masyadong personal. Mas mabuti pa kung sa'kin lang 'yun habambuhay.

But Sergio kept on looking at me like he was just too concerned.

"Bakit?"

"If you need to talk to someone, I'm here."

Pilit akong ngumiti, "Hayaan mo na," sambit ko. "Wala 'yun."

Sergio sighed, "You sure?"

Tumango ako.

He nodded, "Okay," mahinang sambit niya. "But... But if you really want to talk to someone, I'd be a call away, Lula."

Napa-buntonghininga ako.
Dapat talaga tinitigil ko na kakanood ng tarot card reading sa Tiktok, e. Lalo lang akong umaasa.

"Kahit dark?"

Bahagya siyang natawa, "What kind of dark?" 

"Iyong tipong mapapasabi ka na magpa-therapy ako," sagot ko habang nakatingin sa laptop at binabasa 'yung letter na natapos niya. "Ano?"

He shrugged, "Try me."

Napairap ako, "Kala mo naman talaga," sambit ko. "Okay na'to." Pag-iwas ko sa topic at sinave as PDF na 'yung letter bago isinend sa program coordinator namin para ma-proofread muna nila bago pinatay 'yung laptop at isinara. "Alis na'ko, sa'n ka ba?"

"Need to go home," sagot niya. "I think we have a family dinner or something."

Tumango ako, "Message na lang kita mamaya pag sumagot na si Sir Nico," sambit ko bago dumiretso sa pwesto nila Maya habang ramdam ko ang tingin sa'kin ni Sergio.

Delikado na yata talaga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
22.9K 400 40
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.7M 72.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
443K 24.1K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...