MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHE...

By KayeEinstein

3.3M 67.8K 4.9K

(Completed) MOVING ON was never an easy task. It is easy to say but hard to do. In that moment that the pers... More

Author's Note
Prologo
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
EPILOGO

Pahina 13

59.5K 1.6K 145
By KayeEinstein

Klaire's POV

"Sa tagal nyo sa ibang bansa, ngayon pa lang kayo magsisimulang mag date ni Rain?!" tanong sakin ni Cherry.

Lahat sila gulat na gulat ng malaman nilang ngayon ko pa lang binigyan ng chance si Rain.

I'll be honest, I still don't see Rain as a special someone, pero diba malay natin baka mahulog ako sa prosesong ito.

"Oo nga, ang kulit nyo" sabi ko sa kanila.

"Pero bakit bes? Di ka pa naka move on agad?" Aira asked me.

"Hindi naman it took me almost three years to move on, pero tapos na yun, napagdaanan ko na kaya wag na nating pag usapan"

"Sobrang mahal mo kasi si Dwayne kaya hindi ka agad naka move on." Valerin teases me.

"Minahal, past tense" pagbabago ko sa sinabi nya

"Nakalipas na nga ba? Naka move on ka na nga ba talaga?" Tessa.

"Oo naman. I'm very much okay now."

"Talaga? Kahit pa magkita kayong dalawa, ayos lang? Wala ng feelings?" Dianne added.

Napatahimik ako. Paano nga kung magkita na kami ni Dwayne? Pano kung makita ko sila ni Ashley? Sila pa rin daw hanggang ngayon.

Am I ready? Siguro hindi naman kami magkikita agad.

"Oo naman, kahit makita ko sya ayos lang. Naka move on na ako." mayabang kong dugtong.

"Yun naman pala! Tamang tama, dahil makakasama ka sa reunion ng Walshein University" masayang sabi ni Love.

"What?! Totoo?!" Tanong ko.

Kinabahan ako bigla. Sapilitan rin naman akong pinapa attend nila papa,  kaya mukhang wala rin akong kawala.

"Oh bakit parang kinabahan ka bes? Ayaw mo ba?" tanong ni Haria.

"Hindi no! I am so ready to face him. Ano ka ba kayo? We are so over. Long done" pagsisinungaling ko dahil ang totoo kinakabahan ako.

"Yes! Kumpleto tayong barkada bukas sa reunion. Formal outfit ang theme" Dianne.

"Tama! Si Rain na lang ang escort mo bes" Love.

Nginitian ko na lang sila pero sa loob loob ko ay parang may mga dagang naghahabulan. Bakit ako kinakabahan? Ano ka ba Klaire? Nakapag move on ka na diba? Diba? Umayos ka! Ibabalik kita sa ibang bansa!

Napatingin ako sa mga kaibigan ko ng tumahimik sila bigla.

"Bakit?" tanong ko.

"Naka drugs ka ba Klaire?" Aira

"Ako? Ano bang tanong yan!" sagot ko.

"Eh bakit kanina kahit di ka nagsasalita, nag iiba ang facial expression mo? Mukha kang baliw!" sabi sakin ni Love.

"Hindi! Ini exercise ko lang ang mga facial muscles ko" pagdadahilan ko.

"Sige na girls, pagbigyan na natin since kababalik nya lang naman" Tessa said.

"Girls, ano pa bang hinihintay natin, tara ng mag shopping ng gagamiting gown para bukas!" sigaw ni Valerin.

"At dahil bagong dating ka Klaire, sagot mo lahat to" tuwang tuwang sabi ni Cherry na sinang ayunan agad nilang lahat.

Ang yayaman nila pero ubod sila ng kuripot. Lord, why? Why are they like this? Ano pang magagawa ko? Dahan dahan kong nilabas ang credit card ko.

Pikit mata ko tong binigay kay Cherry. Nakita ko namang tinaas nya yun at sabay-sabay silang nagtilian at halos magtakbuhan na sila palabas.

Ito yung namiss ko talaga. Miss na miss ko sila.

"Bes, nga pala may pinadalang kotse ang papa mo, sayo na ko sasabay, I love your car" sabi ni Haria

"Huh? Talaga?" napatayo ako at agad agad para lumabas at ng makita ko iyon ay napanganga sa kotseng nasa harapan ko.

LAMBORGHINI

Ang dream car ko!

Maya maya lang ay lumapit na sakin ang long time butler namin.

"Mr. Mark!" sabi ko bago sya niyakap. Kaedaran ni papa itong butler namin.

"Ang tagal mong nawala Ms. Klaire, Nakakamiss iyang mga ngiti mo, mas lalo kang gumanda" pagpuri nya sakin.

"Mr. Mark talaga ang bolero. Kamusta po kayo?"

"Ayos lang naman, masaya akong kumpleto na ang pamilyang tatlumpunt taon ko ng pinagsisilbihan" sabi nito. "Ms. Klaire, Ihanda nyo na daw po ang sarili nyo sabi ni Madam Caren, dahil sa hindi nyo pagdating sa binyag ng pamangkin nyo"

Napatapik ako sa ulo ko. Oo nga pala, lagot ako kay ate. Bakit naman kasi?! Hays! Ihahanda ko na ang tenga ko sa bunganga nung nakakatanda kong kapatid.

"Pero wag nyo na po munang isipin yan Ms. Klaire. Ito po ang susi ng sasakyan nyo" sabi nito sabay abot sakin ng susi.

"Akin po ba talaga yan?" tanong ko habang nagniningning ang mata.

"Yes po Ms. Klaire, welcome gift ng papa nyo at ang welcome gift naman po ng mama nyo ay nirentahan nya ang paborito nyong mall dahil alam nyang mamimili po kayo ng kasuotan para sa reunion bukas" sabi nito.

Di nga ako nagkamaling bumalik sa Pilipinas. Hello benefits! This is why I love my parents.

"Girls, tara na! Sa favorite mall natin tayo pupunta!" sigaw ko sa kanila habang pasakay sa kotse ko.

I mouthed thank you to Mr. Mark bago kami sumakay ni Haria sa kotse ko at yung anim naman ay sa sasakyan na ni Dianne sumakay.

We went to the mall at mukha talaga itong ghost town kung wala lang ang mga sales ladies na ngiting ngiti samin ay matatakot akong pumasok.

Pagpasok namin ay may kinabit na ng pulang linyang pangharang na may nakasulat na "For VVIP only"

Ayaw siguro ni mama na makipagsiksikan kami kaya kahit na may jetlag pa ko ay na excite akong mamili.

Dwayne's POV.

"So kailan mo balak pakasalan yang Ashley mo?" tanong ni Kath na mukhang iritable.

Magkakasama kami ngayon dahil may practice kami dahil kakanta kami sa reunion ng Walshein.

"Yayayain pa lang" sabi ko.

"Sure namang papayag yan" sabi naman ni Airene na mukhang inis pa rin.

"You hate Ashley that much no?" tanong ko sa kanila.

"Paano naman namin sya magugustuhan, ang taas ng ere nyang girlfriend mo!" Kath.

"Oo nga! Di man lang talaga sya gumawa ng way para kaibiganin kami. Kung ayaw nya samin, hell we care, ayaw rin namin sa kanya" sabi ni Airene na pinagdudutdut ang keyboard nya sa inis.

Di ko naman sila masisisi dahil may mali din si Ash. She hates them just like how much they hate her kaya hinahayaan na lang namin sila.

"Naku pare, pasensya na talaga sa mga misis namin" sabi ni Anthony.

"Anong pase-pasensya?! Di naman tama yun no?! Ano kami pa mali?" sigaw ni Airene sa mister nya.

"Eh kasi naman pare, mali talaga si Ashley" sabi ni Ticman na halatang natakot sa asawa kaya natawa na lang kami sa kanya.

"Wag mo ng subukang magsalita dyan Lourence" sigaw ni Kath sa asawa

"Yes misis, sayo lang ako nakakakampi palagi. Loyal supporter mo ko" sabi nito sa asawa.

Napapailing na lang ako kung gaano sila ina-under ng mga misis nila.

"Hoy iniling iling mo dyan Dwayne? Porke ba alam mong di ka kayang under-in ni Ashley ay tatawanan mo na kami?" sabi ni Anthony.

"Hindi naman dude!" sabi ko habang natatawa pa rin.

"Tsk! Hayaan nyo na yan, dahil kung si Klaire ang mapapangasawa nyan pare-parehas lang kayo ng ranggo" sabi ni Kath.

Napatahimik ako sa thought na yun.

Kung si Klaire ang mapapangasawa ko, a-under-in din ba ko nun? I shook off that thought. Wala na yun, tapos na kami at si Ashley ang pakakasalan ko.

Tinitigan ni Lourence si Kath na parang pinagsasabihan ngunit pinandilatan sya nito kaya nag peace sign na lang ang kaibigan ko.

"Nakakatampo ka pare, papalitan mo na ang kotse na regalo ko sayo" sabi ni Lourence.

"Pasensya na pare, pero once in while ay gagamitin ko pa din yun wag kang mag alala" sagot ko.

"Ayos lang pare, kahit ako, kung yun ang ibibigay na sasakyan sakin, Itatapon ko sa basurahan ang sasakyan ko ngayon"

Oo, may bago akong sasakyan.

Regalo sakin nila Daddy at Mommy. Kaninang umaga lang yun dumating and guess what kung ano yun?

GALAXY LAMBORGHINI na kulay asul

Ang astig nyang tingnan. Nalaman ko na sa bansa pala ay dalawa lang kaming meron nun. Sino kaya yung isa? Artista kaya? Kakilala? Pero I don't care, basta ang astig ng kotse ko.

"Rich kid kasi yan" biglang singit ni Ashley.

"Ashley" tawag ko sa kanya.

"Tapos na ba kayong mag practice?" tanong nito na di naman sinagot ng mga kasamahan ko.

"Uhm, yeah" kaya ako na lang ang sumagot.

"So pwede mo kong samahang bumili ng susuotin kong gown para bukas?" malambing nitong yaya sakin bago kumapit sa bewang ko.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Kath.

"Yeah" sagot ko kay Ashley "Sige guys alis na kami, ingat kayo" sabi ko na lang. Tumango naman sila and bid their goodbye to me.

Napanganga si Ashley nang makita nya ang sasakyan ko.

"Whoa, sweetheart! Sayo to?! Ang ganda!" sigaw nya.

"Oo regalo nila Dad" sabi ko. "Hop in Ash, alis na tayo" sabi ko bago sumakay sa driver's seat. Nang makasakay na sya ay nagdrive na ko.

Klaire's POV.

"Ang tagal mo namang pumili Klaire!" sigaw sakin ni Cherry.

"Sorry na! Anong kulay ba ng mga gown ang isusuot nyo?" tanong ko.

"Black" Cherry.

"Pink" Aira

"Yellow" Valerin

"Blue Green" Haria

"Violet" Dianne.

Nakakainis kasi kinuha na ni Dianne, yung favorite color ko.

"White sakin" Love

"Red" Tessa.

Okay na silang lahat. Nag ikot ikot pa ko nang makita ko ang gown na to.

Ang ganda nya. Backless sa likod fitted sa katawan but sad to say kita yung cleavage ko pag sinuot ko ito.

Kulay navy blue sya na for sure lilitaw ang kaputian ko pero kasi kita nga yung cleavage.

"Klaire! Ano ba?!" sigaw ni Haria.

Narindi ako sa sigaw ni Haria kaya dali-dali kong itinuro sa sales lady yung gown na yun. Take it or leave it. Hayaan na lang. Bukas lang naman ng gabi ko isusuot.

Halos malaglag ang panga ko sa taas ng bill ng gown, heels, accessories na pinagbibili naming lahat. Wag nyo ng alamin ang presyo dahil baka himatayin ako, buti na lang nagpasabi na pala si mama na sya na ang bahala sa bill.

Sumakay na kami sa kotse ko. Katulad ng una, si Haria ang kasama ko.

Tahimik lang akong nagdadrive habang iniisip ang pwedeng mangyari bukas. Nagulat ako nang tapikin ako ni Haria kaya napalingon ako sa kanya.

"Wala sa pagdadrive ang utak mo"sabi nito sakin.

"Huh?" nagtataka ako.

"Di mo napansin na yung dumaang sasakyan ay kaparehas ng iyo, Galaxy Lamborghini din kaso color blue lang" sabi nito.

Purple kasi yung sakin.

Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ngang totoo ang sinabi ni Haria. Parang couple car kami! Cute siguro pagtabihin ng kotse namin.

"Naku ha Klaire, ayoko pang mamatay, naghihintay sakin ang napaka cute kong anak na si Aivo" sabi nito sakin.

Dwayne's POV.

Malapit na kami sa favorite mall ni Ashley na apparently ay paborito din ni Klaire.

Habang papalapit kami ay may nakasalubong kaming van at kasunod nito ay isang Galaxy lamtborghini din na katulad ng sakin pero color purple lang.

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko lalo na ng makatapatan ko na ang sasakyan. Bigla kong naipreno ang sasakyan ko.

Parang, parang si Klaire yung nakita ko. Di ako sigurado dahil bigla kasi itong lumingon sa katabi nya, kaya di ko naaninag masyado ang mukha nya pero ang side view nya.

Hindi! Imposible yun.

"What's wrong?" tanong ni Ashley sakin.

"Wala. Akala ko lang kakilala ko" yun na lang ang nadahilan ko.

Pero bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Kinabahan ata ako.

Nakabalik ka na ba?
Babalik ka na ba?

--------
To be continued.

- KayeEinstein

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 23.3K 6
Bubbly and fierce, Mariz Ochua, is not a typical secretary. She worked hard and was getting ahead when all of a sudden, the CEO for whom she was a se...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
39.4M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...