The Bride Of Heneral : (Hener...

Por ameraemem

5.3K 123 4

Si Caroline ang babaeng nagmula sa kasalukuyan, marami syang kakulangan sa buhay kaya nahihirapan rin syang m... Más

THEBRIDEOFHENERAL
kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
12
kabanata 13
kabanata 14
kabaanta 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 29
kabanata 30
#TBoH
#TBoH part 2

kabanata 5

205 3 0
Por ameraemem






kabanata 5 : Meeting The Heneral.










Natapos ang gabing iyon ay maraming nag bago samin, palagi lang akong nasa tabi ng lake, doon lang ako pag hapon dahil wala naman akong nagagawa minsan ay nasa barn lang ako para makipaglaro sa mga hayop, nasubokan ko na rin na sumakay sa kabayo nung una ay natakot ako pero kalaunan ay nasanay na ako.





   

Bukas na ang aking kaarawan at kasabay nito ang kaarawan ni Catalina na syang isicelebrate , at okay na yon dahil makikisaya lang ako sa birthday party nya ngayon ko pa lang mararanasan ang mag celebrate ng birthday dati kasi araw ng birthday ko ay parang wala lang, normal lang.



 

Kaya sana ay mag enjoy ako bukas, nagulat ako ng may kinalabit sakin kaya napatingin ako don si Marita pala agad syang umupo sa tabi ko at may inilahad syang sobre kaya kinuha ko yon habang nag tataka ang mukha.






"Ibinigay sakin yan ni Ginoong Carlos, at pinapasabi nyang yong pinagusapan nyo daw." Napangiti naman ako at inamoy yon at napapikit ako dahil sa aruma.






"Nagkakamabutihan naba kayo ni Ginoong Carlos Senyorita?" Tanong nito kaya napatingin ako sa paligid at pinagmalakihan sya ng mata kaya natahimik sya.








"Tumahimik ka Marita baka may makarinig sayo lagot ka sakin." Pag babanta ko sa kanya, at binuksan ang sobre at kinuha ang sulat nito, nagandahan naman ako sa sulat kamay nya para syang doctor.





Mahal kong binibini.

     Nais ko lang sabihin na ako'y nangungulila na sayong piling nais ko lang din sabihin na maligayang kaarawan sayo binibining Catalina, bukas, saktong alasdose ng gabi ay mag kita tayo sa inyong harden dahil may sasabihin akong importante sayo kaya asahan mo ang pag punta ko.

                          Nagmamahal Ginoong Carlos.




Napangiti naman ako at niyakap ang sulat, pupunta sya bukas kaya hindi na ako makapag hintay pa tumayo ako at tila sumasayaw sa hangin, ang gaan sa piling para akong nakalutang sa ulap dahil sa labis na kasiyahan.




"Alam ko ang ganyan nararamadam Senyorita kayo ay umiibig kay Ginoong Carlos?" Tanong nito habang nakatingin sakin, umupo ako sa tabi nya at ngumiti rito.

"Sa tangin mo Marita bagay ba kami?" Tanong ko dito habang nakangiti sa kanya at hinintay syang sumagot habang tila nag iisip.




"Mabait naman si Ginoong Carlos at masasabi kong bagay kayo Senyorita." Aniya nito kaya mas lalo akong napangiti so ibig sabihin ay pwede na sya para sakin? Tumili at nagulat naman ito.




"Anong nangyayari Senyorita may masakit ba sayo?" Aniya nito habang nakatingin sakin na nag alala, hindi ba nya nahahalata na kinikilig ako.



"Senyorita ang Guardia Civil." Aniya nito at kinakabahang tumayo at habang ako ay nakaupo lang.



Binulsa ko ang sobre at tumingin sa Guardia Civil.




"Senyorita pinapauwi na po kayo ng iyong ama, may panauhin po kayo." Kumunot naman ang noo ko dahil sinabi nito kaya napatayo ako at sumunod sa kanila, mahairap pala ang ganito hayst.




Narating namin ang mansyon at agad kaming pumasok nasa baba lang ang tingin ko.




"Oh andyan na pala si Catalina." Humangat ang tingin ko at saktong nakatinginan kami ng isang lalaki, matangkad ito at gwapo at suot ang uniforme ng isang heneral, nanlaki ang mata ko dahil sa narealized ko kong sino ang nasa harapan ko, tila mahihimatayin yata ako.



"Catalina nais kong ipakilala sayo ang iyong mapapangasawa si Heneral Joaquin Alfonzo Salavador." Saad ni ama kaya nanigas ako dahil sa gulat, sya ang mapapangasawa ko? At bakit ang perpekto nya umay--.




Nasa dinning area kami para sa isang maliit na salo salo, katabi ko ang lalaking kanina ko pa nakilala, tila pigil hininga lang ako habang sumusubo, nag uusap lang sila habang ako at si Corazon ay tahimik lang.




"Kaya umuwi ako ngayon dahil bukas na kaarawan ng aking mapapangasawa kaya kinakailangan kong umuwi." Saad nito kaya napatingin ako dito pero napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin sya sakin.





"Mabuti kong ganon masisiyahan Si Catalina kong dadalo ka bukas." Saad ni Don Gomez, napasimangot naman ako, paano ako magiging masaya kong sya ang kasama ko eh kanina ko palang nakilala tsaka mas maganda kong si Carlos ang kasama ko bukas.





"At saka sa sunod na buwan na ang inyong pag-iisang dibdib kaya nais kong maghanda kayo ng mabuti." Saad ni Don Gomez kaya napatingin ako dito, ang bata ko pa para mag asawa ilang taon naba itong lalaking ito, base sa itsura nya ay nasa 20+ na sya. Bagay na bagay sa kanya ang uniporme nya.





"Naghahanda na rin si Catalina para sa kanyang magiging asawa kaya sana'y wag mong paiyakin ang aking anak Heneral Joaquin." Saad ni ina habang nakangiti sakin at saka bumaling ang tingin kay Joaquin kaya tinignan ko sya ngumiti sya ngunit hindi yong nakikita lahat ng ngipin nya parang peke lang ang ngiti nya.






"Pangako Doña Alexandra." Ngayon ko lang narinig ang totoong pangalan ni ina at maganda yon.




Hanggang sa matapos kami tumayo ako pero nagulat ako dahil sa sinabi ni Don Gomez.





"Anak Catalina, ihatid mona si Heneral Joaquin sa labas." Utos nito nanlaki ang mata ko dahil sinabi nito pero wala na akong nagawa kundi ang ihatid sya sa labas walang imik akong nakasunod sa kanya.





Hanggang sa marating namin ang labas at nakita ko ang isang puting kabayo kaya pumunta ako doon at dahan dahan hinakawan iyon kaya napangiti naman ako dito.





"Mahilig ka pala sa kabayo." Aniya nito kaya napatingin ako sa kanya kaya natauhan ako at napaatras.





Hindi ako nag salita at tumingin lang sa ibang deriksyon.




"Wala ka man lang sasabihin?" Tanong nito sakin kaya humangat ang tingin ko sa kanya at tinignan sya ng nag tataka.




"Ano?" Tanong ko pa dahil hindi ko mahintindihan, may sasabihin pa ba ako? Eh aalis na nga sya eh baka hinihintay nyang mag sabi ako ng mag iingat sya sa dahan, may mangyari sana sa kanya, hindi ko alam kong bakit ako naiinis kanya gayon ay wala naman syang ginagawa.





"Wala, aalis na ako binibini babalik lamang ako sa iyong kaarawan." Untag nito at nagulat ako ng tumalon sya pasakay ng kabayo kaya namangha naman ako agad akong gumilid at agad syang umalis, kahit wag na kamo syang bumalik.




Tumilikod naman ako at pumasok na sa loob, wala na rin sila ina sa kusina kaya pumanhik na ako at pumunta sa kwarto ko, may kalakihan naman ang kwarto at tamang tama ang kulay nya para sakin.





Agad akong nag palit ng pantulog at humiga sa kama tahimik lang akong nakatingin sa lampara, kung hindi lang sana ako nakapunta dito baka nakahanap na ako ng trabaho ko sa present, kamusta na kaya si Ate Rian hinahanap na kaya nya ako, baka hindi naman masama pa naman ugali non baka nagdiwang pa ata yon dahil wala na ako sa apartment.




Sana masagot na lahat ng katanungan ko, kung bakit talaga ako napunta panahon ito? Ano bang rason. 

   


Unti unti na aking nilalamon ng dilim kasabay nito ang paghihip ng malamig na hangin.




   

Nagising ako sa isang madilim na lugar at wala akong nakikitang liwanag sinubukan kong mag lakad ngunit tila hindi ako umaabante hanggang sa masilaw ako ng isang maliwanag na ilaw hanggang sa nawala yon at naramdaman ko ang lamig ng isang hangin minulat ko ang aking mga mata at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang malawak na dagat, madilim na kalangitan nasa gitna ako ng isang malaking barko, agad na lumamig ang lugar.




Natakot naman ako at unti unting nag babasakan ang malakas na ulan at tinatangay ng hangin ang aking buhok na  mahaba at nagulat ako ng kumidlat ng malakas.




"Caroline." Unti unti akong humarap sa tumawag sakin at nagulat ako ng makita ang mukha ni Catalina sa harap ko.

    

"Catalina." Sambit kona lang at unti unti syang nag lakad papunta sakin kaya natakot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.





"Makukulong kana sa nakaraan dahil yan ang pinili mo!" Nag echo ang boses nito at nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong tinulak kaya napasigaw ako at kasabay nito pag tawa nito na umeecho sa buong tenga ko at biglang dumilim ang buong paligid.





Nagising ako habang habol habol ang hininga ko tila binangungot ako at hanging alam ko lang ay nagulog ako sa isang malaking barko habang kumikidlat at umuulan ng malakas.





Hating gabi pa kaya bumangon ako at bumaba sa kama at lumabas ng kwarto at bumaba sa first floor at dumiretso sa kusina para uminom, tagaktak parin ang pawis ko sa noo, kumuha ako ng tubig at uminom.





Naging magahan ang loob ko at agad na bumalik sa taas at agad na nag patuloy sa pag tulog mabuti na lamang ay hindi na naulit ang senaryong iyon.






Naging maganda ang pag tulog ko pag katapos non.










-------------------









karineempress | krm

Seguir leyendo

También te gustarán

3.5K 79 18
Current rank: #2 in Arrest If there's a legal wife then there's a lethal wife. She's Lethal because she's not your typical wife type. Yes, she had it...
2.9K 119 10
( Tagalog Story ). it was a love story yet mystery because of Julie's Life. The Idea was from an Eraserheads Song that has the same title. Hope you l...
69.5K 3K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
28.9K 1K 49
Athena Aurora, illegitemate child, badgirl, bad influence, bad mouthed bitch and knows every little bad things and beware of her madness. AURORA SERI...