At The End Of The String (Ins...

Galing kay serendipitynoona

4.5K 236 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... Higit pa

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

26

44 1 0
Galing kay serendipitynoona

"Are you sure they're not gonna find it here?" I asked Agatha after I buried the notebook six feet underground like a corpse.





"No one comes here except me. I usually go to this place when I need some air and a little space." She sat down on one of the big rocks. Isinandal ko muna saglit ang pala na hawak ko sa malaking puno saka ako naupo sa tabi niya.




"Why does nobody come here?" Sinamahan ko na siyang pagmasdan ang pag-sikat ng araw.




"Mayroon akong kaklase noon na palagi akong binubully. He found out about this place at saktong narito rin ako, nakatambay. At dahil binubully nga niya ako, ayoko siyang patapakin sa lugar na 'to kaya naisipan kong gumanti. Tinakot ko lang naman siyang may nagpaparamdam na kaluluwa rito at ayaw no'n sa mga lalaki. Nagkunyari pa akong may kinakausap no'n para maniwala siyang totoo ang sinasabi ko. Naging effective naman, ayon, tumakbo siya at pinagkalat niyang witch ako."




Nag-tawanan kami. Nang lumiwanag na ang buong paligid, tumayo si Aggy at may itinuro sa'kin. Pag-angat ko ng tingin sa puno ay mayroong bunga ng mangga ro'n. Walang pasabi ay bigla iyon inakyat ni Aggy. Pumitas siya ng isa at inihagis sa'kin.





"'Di lang ako witch, Ma'am Keira, unggoy din." Malakas siyang tumawa nang maupo na siya sa isang sanga. Mayamaya'y may pinitas siya na bunga malapit lang sa kanya at inihagis ulit sa'kin. Kumuha pa siya ng lima at pagkatapos ay niyaya niya ako sa kanila upang mag-almusal.




Agatha's family welcomed me like how my family welcomed her. Naging kasundo ko agad ang babae niyang kapatid. Ang mama niya naman ay sobrang maasikaso, ang papa niya ay palabiro. Halos hindi na nga rin nila ako paalisin kanina at gusto pa akong doon na lang kumain ng tanghalian.




It was a pleasure but I need to go home. I'm sure mom cooked for the both of us, too. Nang matanaw ko na ang school namin ay alam ko ng malapit na ako sa'min. Madalas kong madaanan ang café na tambayan namin ni Aggy. Sa tapat naman no'n ay may mamahaling restaurant, tatawirin mo lang.






I stopped at the café to buy myself the usual para may meryenda ako mamaya habang gumagawa ng homework. Walang pila kaya hindi ako natagalan at nagpatuloy na ulit. At dahil may katapat nga itong restaurant, nang makalabas ako sa café, may natanaw akong pamilyar na mukha.





Inobserbahan ko pa kung si Joaquin nga ba talaga ang lalaking nandoon. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa maging malinaw na sa aking paningin lahat. It was him, alright. Mayroon siyang kausap na babae na mukhang halos ka-edad niya lang.



Isa pa nga lang ang nakita kong kasama niya ay bigla nang uminit ang ulo ko. Dinagdagan pa ng isa na kararating lang at tumabi pa sa kanya. The other one's very touchy towards him. They even looked like they're on a freaking date! A date with two women?! Wow! "Karerista nga naman..." Naningkit ang mga mata ko at mas lalong umusok ang ilong ko nang makita ko siyang nakikipagtawanan din.






Iritado akong umuwi nang bahay matapos no'n. Si Mama ay naliligo pa kaya nag-phone muna ako. I checked my messages the moment I sat in front of the dining table. There's nothing from him, not even a dot. Ako pa ang last chat. Pumunta akong Instagram at viniew ang story niya. Kasama niya ang dalawang babae sa picture tapos may 'thank you' na caption.





Ano 'yon? Thank you for giving me two pretty dates? Parang kakaamin niya lang sa'kin no'ng isang gabi! "Anak, baka mabasag na ang screen ng phone sa sobrang talim ng tingin mo." Rinig ko sa tawa ni Mama na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala.





"Ma?"

"Anak?"

"Napagdaanan mo rin ba no'ng kabataan mo na may umamin sa'yo isang beses tapos kinalaunan may kasama ng iba?"





Tumawa ulit si Mama. "Pinagdadaanan mo ba 'yan ngayon, anak?"





"Hindi po ako pero 'yon po ang sitwasyon ng isa kong kaibigan kaya ko po natanong," tanggi ko agad.





"Oh, may love life na pala si Agatha?"




"Hindi po siya. Si... Gianna po..."





Alam kong close sila ni Aggy at chichikahin siya ni Mama kapag pumunta siya rito. Si Gian, bihira lang at alam kong kayang-kaya niya ako pag-takpan sa ganitong sitwasyon. Si Aggy, ilalaglag ako no'n! Gian, I'm sorry. Pinigil ko agad ang tawa nang makita kong nanlaki ang mga mata ni Mama dahil alam niyang ayaw ni Gianna sa lalaki.





"M-may boyfriend si Gian?"




Dahan-dahan akong tumango. "Ewan ko po kung lalaki nga talaga. Pwede pong babae rin, hehe," bawi ko agad. Natahimik ng ilang segundo si Mama bago simulan mag-kwento ng tungkol sa karanasan niya na 'yon noong dalaga siya.





Habang nagkukwento siya ay hindi ko namalayang unti-unti na akong naluluha kaya nilapitan ako agad ni Mama upang patahanin. "Oh, akala ko ba hindi ikaw ang nasa sitwasyon na gano'n? Bakit ka umiiyak?" Haplos niya sa'king buhok.






"Naiiyak po ako para sa kaibigan ko..." Lumakas ang aking pag-hikbi at yumakap kay Mama na parang walong taong gulang ulit.



"Jusko... Parang mas apektado ka pa kay Gian, aba. Eh, siya? Ayos lang ba siya?"





Tumango na lang ako. Umiiyak ako pero may parte rin sa'kin na natatawa. Hayaan ko na, makakalimutan din naman 'to ni Mama. Mayamaya'y nagpatuloy na kami sa pagkain. Masaya kaming nag-tatanghalian nang bigla niya nang banggitin ang pangalan ni Joaquin at gusto raw pumunta rito kaya natigil ako sa pag-nguya.





"Eh, may gagawin po ako mamaya, Ma," walang emosyon kong sabi.





"Tutulungan ka naman daw niya."




"Hindi na po kaylangan," mabilis kong sagot. Takang-taka si Mama pero hindi na siya nagsalita ulit. Hanggang sa matapos namin ang pagkain ay hindi na siya nabanggit ulit.





Kinagabihan ay tadtad na ako ng messages ni Joaquin pero ni isa ay wala akong pinansin. Sinubukan kong mag-patuloy sa homework pero pilit na lumilihis ang utak ko. Hanggang sa patayin ko na lang ang laptop at humilata na. Paulit-ulit sa isipan ko ang nakita ko kanina sa restaurant.





Kinuha ko ulit ang phone ko nang makita kong tumatawag siya. Nakatitig lang ako ro'n hanggang sa patayin ko rin. "Putangina, hindi ko dapat nararamdaman 'to, eh..." Wala namang kami... Halata namang pinaglalaruan niya lang ako...





Vibrate nang vibrate ang phone ko hanggang sa tuluyan ko na lang i-off. "Ako na naman nakita ng tadhana pagtripan, amputa..." mahina kong sabi sabay punas ng luhang nakatakas. Mayamaya'y narinig ko ang katok ni Mama kaya agad kong inayos ang aking sarili pero hindi sapat iyon para itago ang aking pag-iyak saglit.






May dalang lasagna si Mama pagkapasok. Inilagay niya muna iyon sa side table bago tumabi sa'kin at yumakap. "Dinamay mo pa si Gian," panimula niya agad. Imbis na tumulo ang luha ko ay umatras saglit. "Nandito ako, Eia. Hindi mo kaylangang maglihim sa'kin." Hagod niya sa'king likod.






"Nahihiya po kasi akong magsabi..."




"Ay nako naman, anak. Nanay mo na rin ako. Nakasama niyo akong apat lumaki. At higit sa lahat, kilala na kita. Nakakaramdam ako na may mali kanina pero ayaw kitang pangunahan dahil baka mali ang iniisip ko. Pero, ayon, nag-text na sa'kin ang nobyo mo, nag-aalala siya dahil hindi mo raw sinasagot."





"Hindi ko nga po siya nobyo, Ma... Ang kulit niyo naman, eh."




"O sige, hindi nobyo so take two. Nag-text na sa'kin ang mahal mo-"




"Ma!" Mahina kong hampas sa kanya ng unan pero tinawanan niya lang. "At hindi rin naman gano'n ang tingin niya sa'kin kaya tigil na po, okay?"





"Hindi ako naniniwalang hindi pa siya napapamahal sa'yo."




"Laro lang 'yon, Ma. Sanay na 'ko sa mga lalaki."




"Sanay ka na? E, bakit ka umiiyak ngayon?" Turo niya sa'king mata. Hindi na ako nakapag-salita dahil hindi ko alam kung paano iyon sasagutin, maraming gumugulo sa isip ko. Baka masyado lang akong napalapit sa kanya kaya ko nasabing gusto ko siya. 'Pag tumagal na hindi na kami nagkikita, mawawala na rin 'to.





"Alam mo, ang magandang gawin ay mag-usap kayong dalawa. Ayaw kitang pilitin na magsabi ka pero nandito lang ako. Handa akong pakinggan ka palagi." Ngiti ni Mama sa'kin. Yumakap ako sa kanya at sinimulan nang kainin ang dala niya. Hanggang sa makatahan ako ay hindi niya ako iniwan.







Bumisita ako sa dati naming coffee shop at saktong nakita ko ang mga kuya ko ro'n at agad akong tumakbo papunta sa kanila. "Oh my gosh!" Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang karatula sa pinto na isinabit ni Kuya Kel. "Hala, open na?!" Lingon ko kina Kuya Kean at Ken.





Ngumiti at tumango sa'kin si Kuya Ken. He even gestured his hand, telling me that I can already check out the whole place so I ran inside. Dali-dali ko ring kinuha ang phone ko para mag-picture. Mas lalong lumawak ang espasyo. Nagkaroon din ng mini library. Kinuhaan ko iyon at sinend agad kay Solene dahil sobrang hilig niya sa libro.







Nang makita ko rin na may second floor na ay agad akong natungo ro'n. Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa mapansin ko ang isang pwesto na mayroong mga polaroids. I walked towards it and when I saw the pictures... "Mitch." Hawak ko sa isang solo picture niya.





Tatlo na helera ng polaroid iyon. Ang pinakatuktok ay tatlong piraso ng litrato naming isang buong pamilya. Sa pangalawang helera naman ay pictures naming magkakaibigan simula high school at sa pinakahuli ay pictures namin isa-isa: Lexi, Jaja, ako, Gian, Gabby, Mitch, Debby, Jewel at Sol.








May nakatakas na luha saglit sa aking mata habang tinitignan ang helera ng polaroids na 'yon. I even realized that this floor was once Michelle's apartment. Yeah, my brothers bought the whole place after Michelle's family moved to Pampanga after her death. Napaupo na lang ako nang maalala ko ang hapon na 'yon. Isa iyon sa mga oras sa buhay ko na kahit ang tagal na panahon na ay masakit pa rin...







I smiled, admiring the whole place as I kept on reminiscing. Itong palapag na 'to? Takbuhan naming lahat 'to. Mitch was always there to open the door for us and welcome us in her arms. Itong palapag na 'to ay isa sa mga saksi ng pagkakaibigan namin. This floor... The whole place rather... The coffee shop below and the apartment on the second floor... It'll always be our home.







"Keira!" Rinig ko sa boses ni Lexi kaya napatayo ako agad, gulat pero tuwang-tuwa sa presenya niya. Sunod-sunod na ring nagsipag-akyat ang iba. Sinalubong namin ng yakap ang bawat isa nang magkita-kita kami ulit.






"Sa wakas, tapos na ang renovation! May matatambayan na rin!" ani Gian nang maupo siya sa mahabang sofa.






"May mga costumers na sa baba! Saktong nandito pa ang mga kuya mo. Dudumugin talaga 'to!" sabi naman ni Lexi na ikinatuwa kong marinig. Parang wala pang isang oras na nag-bukas ito ay nagkaroon na agad ng tao.







"Hay, na-miss ko talaga rito." Kumuha si Jewel ng unan at niyakap. Nakatabi na siya ngayon kay Gian. Nagsimula na silang bumili. Nang tignan ko silang isa-isa bumaba ay saka ko lamang napansin na wala sina Jaja at Sol. Hinintay ko na lang sila makabalik saka ako nagtanong.





"Nasa Laguna si Sol. Si Jaja naman ay..." Lingon ni Gianna kay Jewel dahil wala siyang ideya kung nasaan siya.





"Uhm, Jewel's busy with something actually. Hindi rin kami nakakapag-usap ng matagal. Pero ang huling balita ko sa kanya ay mayroon siyang lakad ngayong week. Hindi ko nga lang din alam kung saan," saad ni Jewel.






Tumango-tumango na lang ako. Grabe ang mga kaibigan ko ngayon, ah? Parang noon halos manawa na kami sa mukha naming lahat dahil lagi kaming nagkikita. Ngayon naman ay halos hindi na namin mahagilap ang isa't-isa. Pero hayaan mo na, we respect each other's busy days. Makukumpleto rin naman kami ulit sa mga susunod.







Inabot kami ng gabi at katulad ng dating gawi, ako ang magsasara ng shop. Inantay ko lang muna na makasakay sila ng maayos bago ako nagtungo kay Kuya Kean upang kunin ang susi. "You can have your job back," he said as he handed me the keys.








"Yes, and finally, money." I scrunched my nose before walking out from the staff room with him. Nang maisara na ang shop ay saka na kami bumyahe pauwi kasama sina Kuya Ken at Kel. At s'yempre, hindi namin nakakalimutan ang pasalubong para sa Mama namin.




Nakapag-ayos na ako at handa na sa pag-tulog nang may marinig akong maliliit na tunog na nanggagaling sa bintana. Nang buksan ko ay mayroong nakapasok na maliit na bato kaya kunot-noo kong sinilip ang labas. I saw him below, about to throw another pebble on my window.



Hindi niya na natuloy ang pag-bato ulit nang makita niya na rin akong nakasilip. He waved a little at me. He's wearing a black cap and hoodie paired with his brown shorts and white sneakers. Kinuha ko ang phone ko upang i-text siya dahil hindi kami magkakarinigan.





To: 09*********
stop throwing pebbles
at my window




From: 09*********
Can i climb in?




Nagdalawang-isip pa ako kung papatuluyin ko pa ba siya. Pero dahil ayoko na mag-paliwanag at mag-isip ng dahilan, pinatuloy ko na lang. Instead of typing any sentences, I replied with only an emoji - the like emoji. Mayamaya'y narinig ko na siyang kumakatok sa labas ng aking terrace.





Pinagbuksan ko siya at tinignan kung saan siya dumaan. Saka ko lang naalalang may mga malalaking puno nga pala ro'n na pwedeng-pwede niyang akyatan! Hm, not bad for a celebrity, I guess. "May kaylangan ka?" paninula ko na agad. Bumalik na rin ako sa loob ng aking kwarto.






"Can we talk?"



"We're already talking." Nagkukunyari akong nag-aayos ng mga gamit ko sa aking lamesa dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngayong nasa harap ko siya. Ayoko siyang tignan. "You're ignoring me these past few days," nagsimula na rin siyang mag-salita.




"Busy ako, eh. Gano'n ka rin naman. We should put our priorities first, shouldn't we?" Para akong tangang kalikot nang kalikot sa mga gamit ko. Hindi ko siya narinig na umimik kaya ako natuksong lingunin siya pero wala na siya sa pwesto niya kanina.




"You're part of my priorities so..." Rinig ko sa kanya na ngayon ay nasa gilid ko na. Hindi ko man lang siya agad napansin!



Natawa na lang ako sa kanyang sinabi at umiling. "Stop fooling around. Wala akong oras para makipag-lokohan sa'yo. Ngayon, kung wala ka namang importanteng gagawin dito, umuwi ka na lang," I replied, still avoiding eye contact with him. Hihiga na rin sana ako nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko.




"Keira, I'm worried. What's going on?"



"You don't have to worry about me. I'm freaking alive! I'm damn breathing and so are you! Now, if you don't have business here, you can leave. There's the fucking window, already open for you to jump or whatever fancy exit you wanna do."





I turned my back. I didn't answered his questions. Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin. Sapat na rin sa'kin makitang litong-lito siya ngayon. Nililito niya rin naman ako sa mga pinaparamdam niya. "Babe..." Sinubukan niyang kunin ang kamay ko pero iniwas ko agad.



"Everythings is good."

"If everything is so good, why are you mad, then?"

"I'm not."

"You are."

"Just leave, please?"

"Not until you tell me what's going on, Keira."



Bumuntong-hininga ako at umirap. Panay din siya kausap sa'kin pero hindi ko na pinapansin. Ang gusto ko na lang talaga ay umalis na siya dahil nasasaktan na ako. Alam ko namang wala kaming patutunguhan at nagpapa-uto na lang ako, eh.




"We wouldn't be able to fix this if you won't tell me what's bothering you," aniya saka ako napatigil. Ang kapal ng mukha niyang magmaang-maangan ngayon.



"Fix? Fix mo mukha mo, Joaquin! As if you didn't know what you are doing."



"Exactly, what did I do?"


"Ganyan kayong mga lalaki! Huling-huli na, aakto pang walang alam! Bitawan mo na 'ko!" Pagpupumiglas ko ulit. Mabuti na lang ay wala ng katao-tao sa paligid.




"I really don't know what you are talking about. Hindi ako manghuhula, Keira."




What the hell is this? I'm back at this situation again? Partida wala naman kaming label. We're just fuck buddies! And if he still remember, we're just fake dating! Pero kasi inamin niyang gusto niya 'ko... At gano'n din ako, matagal na...




Saglit akong nag-punas ng pisngi nang may nakatakas na luha sa aking mata. "Will make a difference my ass." Napangisi na lang ako nang maalala ko ang sinabi niya. "You should've kept your confession to yourself, you jerk."




"Keira..." Nang tawagin niya muli ang pangalan ko ay saka ko na siya hinarap ulit. "Bakit ka ba nandito ngayon? Bakit mo ba 'ko kinukulit kausapin? Ano 'yon? Sa tatlo kami, ako pinaka-favorite mo pag-tripan? Gago ka ba?" iritado ko nang sambit.





"W-what?" he said in disbelief. Hindi niya alam kung tatawa ba siya sa mga sinasabi ko o iiyak dahil hindi niya ako maintindihan.




"Please, don't act like you didn't know! I saw you last time with two other women at a restaurant! Two!"




"Damn it..." He massaged the bridge of his nose before looking at me again. My hands started trembling when I saw him laughed a little as if I was telling a joke. "Gosh, baby, you're cute," dagdag niya pa saka siya napahilamos ng kanyang mukha.





"Cute din 'yong dalawang babaeng kasama mo ro'n. Malandi. Bagong fuck buddy mo ba 'yon? Sana sinabi mo naman sa'kin agad para 'di ako nababaliw dito 'di ba? Solid mo, ah? Dalawa agad. Ayokong sabihin dahil sino ba kasi ako para mag-sel-"




Napatikom ako agad ng bibig nang mapagtanto ko kung ano na ang mga lumalabas sa bunganga ko. I saw amusement in his eyes when I was about to mentioned that word. He walked towards me, a little closer... "Nagseselos ka, bakit?" aniya sa tonong nang-aasar. Umiwas ako ng tingin at parang iiyak na lang dahil hindi ko na alam kung paano ko aalisin ang sarili sa sitwasyon.





"There you said it. All I want to know is, why?" He walked closely again, dahilan nang aking pagkaupo sa kama. Ipinuwesto niya rin ang kanyang mga braso sa aking magkabilang-gilid. Pilit kong iniiwas ang tingin pero pilit niya ring sinisilip ang aking mukha kung saan hinaharang ko ang aking buhok.





"I'll wait for the answers in five seconds. Kapag wala, I'll be on my way out of your window and promise to never come here again. It'll be awkward." He shrugged. He started to sound so proud!





My heart started so fast, I bet he could hear it as he started counting. Hindi ko pa rin siya sinasagot, pinag-iisipang mabuti kung aaminin ko na ba para matapos na o pabayaan na lang siyang umalis. He's driving me fucking nuts! "One..." he finished. He sighed and got up when he didn't hear any answers.




"Okay, I guess that's it," he surrendered, already starting to walk towards the window. He's serious. Doon nga talaga siya dadaan palabas samantalang bukas naman ang pintuan sa terrace! What was he thinking? Is he gonna jump? "You dumb!" taas ko ng aking boses nang ilusot niya na ang kalahati ng katawan niya ro'n.



"What? You said the window was open for me to exit?"




"You dumb, idiot, stupid, asshole!" Bahala na... He said this will be the last time. Pero mukhang mas hindi ko kayang mangyari 'yon... "Nagseselos ako dahil gusto kita!" Napakuyom ang aking mga palad, pinipigilan ang luha. "H-hindi ko naman 'to mararamdaman k-kung wala lang..."



Imbis na mag-patuloy ay naupo siya sa may bintana, hinihintay kung may sasabihin pa ako. "You do?" he replied.




"You heard it right. Don't make me repeat it."


"Hm, prove it."



Napaangat ako ng tingin sa kanya habang siya'y naroon pa rin at ako naman ang hindi nililingon. I decided to walk towards him. Nang maramdaman ang presensya ko ay saka siya humarap sa'kin. I took that chance to press my lips on his. Naramdaman ko rin ang dahan-dahan niyang pag-hawak sa aking pisngi.




He slowly put himself back inside the room, still not letting go of the kiss. Nang maging matagal iyon ay saka na ako bumitaw. "I like you... I fucking like you," I said, almost in whispers.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.5M 34.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
403K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
77.9K 55 41
R18
382K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...