Opposites Attract

By writtenbyxejii

12.5K 606 532

"I really wanted it to be you. I so badly wanted it to be you, until I understood, you didn't want it to be m... More

Potrayers
Opposites Attract
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Prolouge

1.5K 65 44
By writtenbyxejii

Prolouge

───────────────────────

Three girls are currently gossiping in a wide and futuristic lounge. Ang dalawa ay panay kwentuhan habang ang isa naman ay tahimik lamang.


"Claire, ba't antahimik mo riyan?" Kinalabit nito ang kaibigan na tulala at putlang-putla.


Dumada rin si Zea nang mapansin ang katahimikan ng kaibigan, "Oo nga, madam. Anong nangyari?" Tumaas ang kilay nila.


Oo at silang dalawa lang talaga ang usually maingay tuwing nagkikita silang tatlo, pero kakaiba rin kasi ang vibes nito ngayong gabi, eh. Infact, this has been going on for 3 days now.


Umayos ng upo si Claire at umiling, "Nothing." Maikli at malamig na tugon nito. Tumungga ito ng tequila.


"Sure ka, madam?" Hinipo ni Zea ang noo at leeg nito, "Hmm, wala ka namang lagna-"


Tinabig nito ang kamay ni Zea, "Don't fucking touch me." Masungit at umiirap na anito.


Napangiwi si Zea nang tumalsik ang kamay niya. Hindi nalang nila pinakialaman ang kaibigan. Hindi pa ba sila sanay sa kasungitan ni Claire?


"Tsk." Napailing si Georgia. Mukhang mayroong mens ngayon si Madam Claire.


Agad niyang binago ang topic, "Anyways," Itinuloy niya ang pakikipagchismisan kay Zea, "look at this shit."


May ipinakita siya sa kaibigan mula sakaniyang cellphone, "HAHAHAHHAHAHHAHA! Girl, seryoso ba 'yan?" Binalot ng malakas na tawa ni Zea ang buong lounge.


"That girl seriously has no shame." Komento pa nito at umismid.


Tumango si Georgia bilang pagsasang-ayon, "I know. Disgusting." Umirap siya.


Pinagkukwentuhan lang naman nila ang babaeng palaging mainit sa mata ng mga tao. Ang babaeng binansagang wala nang nagawang tama.


Walang iba kundi si Heavenne Ludovico.


"She's just a stupid nepo-baby anyway." Dagdag pa ni Georgia. Pake niyo ba, basher siya, eh.


It has been circulating that Heavenne allegedly stalked Georgia on her way to Amsterdam last week. Honestly, it gives Georgia the chills.


Ang creepy lang kung isipin. Alam naman niyang patay na patay sakaniya si Heavenne, pero to the point na iistalk siya nito sa ibang bansa upang masira ang kaniyang kapayapaan? My God.


"What a shame. Ang gaganda ng status ng nanay at tatay niya, tapos ganiyan siya." Pinagpatuloy pa ni Zea ang panglalait, "Weirdo amputa."


Georgia only chuckled. Hindi ba nahihiya itong si Heavenne sa pinaggagawa niya? Her dad owns a big business tapos siya nagsasabog lang ng hiya sa reputasyon ng pamilya nila.


Ilang beses na itong nangyayari. In every fashion show events, palaging nandoon si Heavenne at nakamasid sakaniya. Ang malala pa, palagi siya nitong sinusundan sa backstage to 'show support' kuno. Eh baka binobosohan nga lang siya nito!


Masyado nang nakakainis ang babaeng iyan. Samu't-sari ang issue niyan, and the list is still going on.


Sabi-sabing nangabit daw ito, malandi, palagi rin ito nakikisawsaw sa ibang mga issue, it's also known that she's been spreading hate and fake rumors about other celebrities, and many more things. Napakakapal.


"Kakaiba talaga iyang Heavenne na 'yan." Todo bash si Zea, yet, hindi niya pa nakikita sa personal si Heavenne.


Si Heavenne, inaamin ni Georgia na may mukha nga ito. Masyadong maamo at mala-anghel ang mukha nito para sa tinatago nitong baho. It has been proved many times, dahil ilang beses na rin niyang nakita si Heavenne sa personal. There's no way of denying, the girl is pretty.


But it still doesn't change the fact that Heavenne is madly obsessed with her, in a creepy way. Kung lalaki at pogi lang ito, siguro may chance pa. But a fucking girl? Oh, please.


Hinding-hindi siya papatol sa babae.


"Hoy, bakla." Muling kinalabit ni Zea si Claire, still zoning out.


Inis siyang binalingan nito, "What?! Ano ba!"



Kakaiba, parang mas mainit ang ulo ni Claire kaysa sa karaniwan.


"Luh, chill." Grabe naman, parang mangangagat ah.



Ilang araw nang ganito si Claire at nagiging concerned na sila. Baka mayroon itong problema na hindi sinasabi sakanila.


"Is there something bothering you? Ano ba ang nangyari ha?"


Wala naman itong iniimik sakanila, "None of your business."


"Ay, talagang wala akong business, kaya sagutin mo ako nang maayos!" Umirap si Zea.


Concerned lang naman sila 'no, "Claire, we're your friends. We know there's something wrong."



On a serious note, "You can tell us anything." Hindi naman sila palaging puro kagaguhan lang 'no.



Nanatiling tahimik si Claire. Hindi niya alam kung ready ba siyang mag-open up sa mga kaibigan niya.



Tatlong araw na ang nakalipas matapos may mangyari sakaniya at sa kaniyang secretary. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang pinagsasabihan ni-iisa.



At hanggang ngayon, tila ba nandidiri pa rin siya sakaniyang katawan. Her own secretary learned her secret, and worse, also took advantage of her.



Tuwing naaalala niya ang pangyayari, parang naiiyak siya. But she's just fighting the urge.



Nagkatitigan sina Georgia at Zea, their eyes are full of concern. Siguro malala nga ang nangyari at hindi pa komportableng magsabi si Claire.



Kilala nila ang kaibigan, nagsasabi ito tuwing may problema. Pero sa ngayon, hindi na muna siguro nila ito kukulitin tungkol sa problema. Maybe it's a sensitive topic which shouldn't be talked about for now.



Naisip ni Georgia na baka related ito sa lovelife. Baka nakipagbalikan na naman si Claire sa gago nitong ex na si Henry. Ugh, she could never.



"Kung tungkol 'yan sa gago mong ex, don't even think about falling for him again." Honestly, hindi niya alam kung bakit ba nahulog si Claire kay Henry. Like seriously? Ano 'yan, beauty and the beast?



Umiling ito, "No... It's not about him..." It in fact is not.



Napataas ang kilay ni Georgia, "Hmm?" Napangibit siya, "Men problem?" May bago na ba si Madam?



Again, Claire shook her head, "No." She's over men, "Fuck men."



Kung ganoon, ano kaya ang problema nito?



Zea spoke, "Nako madam, kung ano man 'yan, sabihin mo lang sa amin kung kaya mo na." Malay mo naman makagawa sila ng paraan para matulungan ang kaibigan.



Claire sighed and confessed directly, "I.... fucked with a girl..."



"......"



Silence filled the room. Hindi alam ng dalawa ang i-iimik. Pinoprocess pa nila ang kanilang nalaman.



Flabbergasted.



"Are you... for real?" Georgia asked in disbelief.



Sumiksik si Zea kay Claire, "Babae ang naka-una sa'yo?" Nanlalaki ang mga mata nito.



Oh my God!



"Unfortunately." Nainis siya nang maalala ang pagmumukha ng kaniyang secretary, "I didn't even want to do it. I just woke up next to her, naked..."



"HUH?" That added more fuel to the fire, "...Binaboy ka niya...?" She felt pity for her friend.



They could feel her fighting her tears, "I was drunk that night..."



"My God..." They wanted to know more but it's a sensitive topic so they just comforted Claire instead, "We're so sorry."



See, this is why ayaw ni Georgia pumatol sa mga babae. Masyadong mapilit sa mga sarili nila.



"Kababaeng tao..." Just thinking about it makes her throw up.



Claire acted as if it didn't make her cry the whole night for 3 days, "I'll tell you more in text." Nakakatrigger kapag sa personal niya ikukwento. Pinakaayaw pa naman niya ay ang umiyak sa harap ng kaniyang mga kaibigan.



Iritableng nakisingit si Zea, "Sabihin mo lang sa amin kung sino 'yang babaeng 'yan, gugulpihin namin."



Hindi nagpapatalo si Claire, "No need. I can make her life a living hell if I want to." Lalo na't pinagtatrabahuan siya nito.



"Ugh, why are girls like that?" Naiinis si Georgia.



Halos lahat ng babaeng nakikilala niya ay masasama ang ugali, malandi, OA, pabebe, at kung ano-ano pa. Bakit wala nang matino?



Kumontra si Zea, "Hoy 'te, huwag mo namang lahatin."



Hindi, damay-damay na 'to, "Fuck no. Damay-damay na 'to, a disgusting girl harassed Claire." Ilalahat na niya dahil sobrang nandidiri talaga siya.



"Girls like her rot in hell." Imik ni Claire.



Zea and Georgia both nodded in agreement. Kung sino man ang babaeng 'yon, kakalbuhin talaga nila 'yon.

Georgia


───────────────────────


My God. I feel so bad for Claire, tapos 'yong babaeng nangbaboy sakaniya, gusto kong jombagin.



This is why I won't ever like cis-girls romantically. I admit that I am not a girl's girl dahil sa sama ng ugali ko, pero how will I like girls when the ones that I come across are transphobic and bitchy?



At lalo na 'tong Heavenne na ito, sobrang OA at feeling close. She's so annoying.



Heavenne ang pangalan pero ang ugali mas malala pa kay Satanas.



I just realized that I haven't introduced myself yet. Well, I'm about to do so.



I'm Georgia Zerafi, a supermodel. At kung sasabihan niyo akong nepo-baby, no I am not. Hindi ako katulad ng isa riyan.



At an early age, I knew who I was. I knew what I liked and what I hated. Gusto ko sa talong, ayaw ko sa tahong.



My father was a single parent, my mother was already out of the picture before I even turned one. Si tatay lang ang nagpalaki sa akin at ayaw ko na rin malaman pa kung sino ba ang ina kong tumakas sa kaniyang responsibilidad.



Hindi ko kinakahiyang mahirap lang kami noon. My father was barely making the ends meet, but he still managed to feed and raise me. He was a garbage truck driver.



Umamin ako sa tatay ko sa edad na 16 years old. Fortunately, he accepted and supported me. Noong una, natatakot pa akong umamin dahil baka magaya ako sa iba na napapalayas. Pero hindi gano'n si tatay, so I am truly blessed.



Sa ganoong edad ay naging scholar ako sa isang malaki at mamahaling paaralan. Doon ko nakilala sina Claire at Zea, kami talaga ang naunang trio sa circle namin. Kami ang three little baklitas.



And at the age of 21, I started transitioning. Mahirap dahil maraming taong mapanghusga sa gusto ko, but atleast nandiyan si tatay na suportado lang ako.



Kung ano-ano ring trabaho ang pinagpapasok ko until I got scouted by a modelling agency when I was 22. Basta sales lady palang ako noon and they just randomly approached and spoke to me. Doon nagsimula ang lahat.



Everything went so fast. Suddenly, I was an über model and a supermodel. Every creator was paying me bunch of millions just to have me on their runways.



And now, here we are. My father is now a successful businessman, all because of me. Ngayon, hindi na kami natutulog nang gutom. Ngayon, hindi na namin kailangang magmakaawa na 'wag kaming palayasin sa maliit na bahay na inuupahan namin.



Well, that's my life story. Maybe I overshared a bit, but that's just me.



Nakarinig ako ng notification mula sa cellphone ko. Text iyon mula kay.... kanino?



"H1,,, s4w y0uR l4t3$t c4mp41gN...... ¥0u l00k s0 pr3tT¥,,, h3h3... :)))) s4n4 p4ns1n1N m0 n4 4k0uh,,,,.... ;)"



Fucking hell.



"Tanginang typings 'to, muntik ko nang maintindihan." Iritable kong sinubukang basahin ang text.



At kanino nga ba ito nanggaling? Siyempre sa nag-iisang Heavenne Ludovico!



Oo, alam nito ang number ko. Hindi ko nga rin alam kung paano nito nalaman dahil ang mga personal friends ko lang naman niya ang nakakaalam, hindi naman kami close ng babaeng ito. Nakakainis.



Naki-usisa si Zea, "Ano ba 'yan 'te! Naiwan yata 'yan sa 2015, eh!" Kahirap basahin!



"Kaya nga." Pag-sang ayon ko, "Paniguradong naka-Iphone 15 din pero ganito typings." I rolled my eyes.



Narinig kong nagbuntong hininga si Claire, "I'll get going now." Tumayo ito mula sa kinauupuan namin.



She said with a cold voice, "Bye, girls." Kitang-kita ang eyebags nito at ang bahagyang pamamaga ng mata.



Pareho kaming tumayo ni Zea para besuhan ito, "Ingat ka girl. Love you." Pagpapaalam namin.



Tumango nalang ito. Claire is a non-affectionate person. She doesn't like hugs, kisses, and sweet gestures. Naiinis lang ito kapag ginagawa ang mga bagay na iyan sakaniya.



Tahimik itong umalis ng lounge. I sighed as she left. Nag-aalala lang ako para sakaniya, sana ay kasuhan niya ang baboy na babaeng iyon. May chance pa naman din na matrauma siya.



"Claire doesn't deserve that." Zea said.



Of course she doesn't. I nodded as an agreement.



May trauma na talaga ako sa mga babae kahit na hindi pa ako nakakatry ng tahong, pero as if namang ita-try ko 'no. Never!



I'll keep my word. Katulad nga ng sinabi ko sa mga frennies ko noon,



I'll never make patol-patol to cis-girlies.

───────────────────────

Days after our girls night, naikwento na ni Claire nang buo ang lahat ng pangyayari. Talagang naglukso ang dugo ko sa kwento niya dahil sa babaeng 'yon.



Nakakagigil talaga. Parang nakakatakot nang mag-inom ngayon tapos may kasama ka pang babaeng lalasingin ka para maka-score. Gosh!



Gano'n na ba talaga kadesperada ang ilang tao ngayon?



At isa pang bagay na inaalala ko, secretary iyon ni Claire. Baka ibunyag nito sa lahat ang sikreto ni Claire... na isa siyang trans.



Hindi rin nakaprotection si Claire noong gabing 'yon. Mayroong possibility na magbunga. Like, myGhad!



Alam kong ayaw pa ni Claire magkaroon ng pamilya dahil trabaho ang inaatupag nito. Paano kaya ang magiging set up kung sakaling magbunga nga?



Parang mas namomroblema pa ako kesa sakaniya kahit hindi ko naman problema. But I'm not manifesting na mangyari sa'kin 'no!



But anyways, Zea and I's daily routine is talking shit about Heavenne. Oo, siya talaga ang kasabwat ko sa panglalait.



Nakakainis naman talaga ang babaeng ito. Nagpadala pa nga ng chocolate sa mansion ko! How the fuck did she even get my address?



Palibhasa kasi spoiled na spoiled siya sa tatay niya, lahat ng gusto niya, nasusunod. Baka pinatrack ng dad niya ang lokasyon ko. People are so annoying.



Hindi ko naman kakainin ang chocolate na iyon 'no. Baka may gayuma o lason, yuck!

───────────────────────

"I miss you, mommy."



Heavenne is all alone. Nasa harap siya ngayon ng puntod ng kaniyang ina na napakasikat at beteranong aktres.



"I'm turning 27 in a few months." She smiled and continued to talk.



Ngumiti pa siya, "Also, I've been liking a girl..." Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa.



"Look, mommy." It's a picture of Georgia. Kinilig pa siya nang tignan ito.



She sighed. Minsan lang siya matino, kapag kausap lang ang mommy niya.



"I'm sorry, mommy." Tuwing dinadalaw niya ang puntod nito, palagi siyang nagsosorry.



Matapos kasi niyang ipanganak, agad na binawian ng buhay ang kaniyang mommy. Nabigla nalang ang buong industriya nang pumanaw ito dahil sa panganganak.



Only child lang siya. She was raised by her Dad, kaya syempre, spoiled na spoiled siya rito at kaniyang-kaniya ang lahat ng atensyon.



Bata pa lamang marami na siyang natatanggap na negatibong komento mula sa mga tao. Kaya maaga palang ang edad niya, sinisisi na niya ang kaniyang sarili sa pagkawala ng mommy niya.



Inaamin niya ring hindi maganda ang reputasyon niya sa media. Palagi kasi siyang nasasangkot sa mga issue. Hindi niya rin idedeny na ma-issue talaga siyang tao, hehe.



"Mommy, ang hirap...." Siya lang naman ang tao rito, kaya she can freely vent.



Sobrang hirap talaga kumilos lalo na kapag binibigdeal ng mga tao ang lahat ng ginagawa mo. Sa puntong ito, iinom lang siya ng tubig tapos masasangkot na naman siya sa issue.



Nakalabi niyang ipinakita ang comment section sakaniyang Instagram post, "Tignan mo, mommy. Puro bashers ako..."



Ayaw na niyang basahin o makita man 'yon. Nasasaktan lang siya, eh.



Kung nandito lang ang mommy niya ngayon, siguro ay kayakap na niya ito ngayon. She needs a big hug right now.



Ilang oras na siya rito. Kwento-kwento lang siya dahil alam naman niyang nakikinig ang mommy niya sa itaas.



"I love you, mommy. Pakisabi sakanila na tumigil na sila, please..." Hindi kasi nakakatulong ang mga iyon sa pampagoodpoints niya kay Georgia Zerafi.



She sighed and stood up. She needs to go now, "Sige na nga, mommy. Aalis na ako, baka na-iingayan ka lang sa akin, eh." She chuckled.



"I'll see kung makakadalaw ulit ako bukas. Babye!" Bago siya tuluyang umalis, she blew a flying kiss to her mom.

She went inside the car. Kanina pang nag-iintay sakaniya ang driver. Binuksan niya ang kaniyang cellphone nang magsimulang umandar ang sasakyan.

Tinignan niya kung may reply na ba si Georgia sakaniyang mga messages, pero wala pa rin talaga.

Ilang weeks na niya itong tinatadtad ng texts. Nakuha niya ang number nito dahil marami siyang koneksyon, siyempre, siya pa ba? Kinulit niya ang mga iyon para lang makuha ang number ni Georgia.

Kelan kaya ito magrereply, she thought.

Huwag mag-alala si Georgia, hindi niya ito titigilan hangga't hindi siya nito nagugustuhan pabalik, hehe.

Iyon ang personality niya eh, mapilit, makulit, at hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.

Sa ngayon, admire from afar muna siya. Single naman siya at si Georgia, baka sila talaga para sa isa't-isa.

Kaso may pinagseselosan nga lang siya, 'yong lalaking model na si Kennedy.

Nakakainis, kahit alam niyang fanservice gusto niya pa ring ipakidnap si Kennedy para hindi na 'to makalapit kay Georgia. Masyado na kasing malandi, tapos si Georgia naman, halatang kinikilig! Hmp.

Oo walang label, pero ano ngayon. Nagseselos siya, eh.

Ngayon lang naman siya tinamaan ng ganito sa isang tao. Bakit ba ang lakas ng appeal ni Georgia para sakaniya?

Hindi rin lingid sa kaalaman niyang trans si Georgia. Wala naman siyang pake, babae pa rin ito. Basta sa paningin niya, kaniya si Georgia.

As usual, she stalked Georgia's social media accounts. Hmp, wala pang new posts. Palagi niya ring inaabangan ang mga myday nito.

Tuwing may chance siyang malaman kung saan ang lokasyon ni Georgia, talagang pinupuntahan niya ito, hehehe.

Hindi pa nga sila mag-jowa pero parang gusto na niya itong pakasalan.

Muli niya itong tinext, baka sakaling magreply na,

"H3ll0 ul1,,,, h3h3...... r3pL¥ k4 n4m4n,,,..... 🥰🥰🥰😍😍😍😘😘😘"

'Wag niyo siyang pagtawanan. Ganiyan talaga ang typings niya, d'yan kasi siya komportable, eh.

Isa pang fact tungkol sakaniya, isa siyang babae na matapang ang hiya. As in, kayang-kaya niyang magsabog ng hiya sa public.

Halos lahat din ng industriya natry na niya. Singing? Nabash siya. Dancing? Nabash siya. Makeup? Nabash siya. Vlogging? Nabash siya. Comedy? Nabash siya. Art? Nabash siya. Modelling? Nabash siya.

At pinakahuli sa lahat....

Acting? Nabash din siya.

Iyon ang pinakamasakit sakaniya. Nasabi ng ilang netizens na hindi raw siya tunay na anak ng mommy niya dahil panget daw siya umakting, 'di tulad ng ina niyang aktres na minahal ng lahat.

Actually, she wants to push modelling. It's her dream after all. Although napagtawanan at nalait na siya noong sinubukan niya, she wants to give it a try again.

Maybe pwede siyang magpaturo sa baby Georgia niya, hihi.

Napansin niya lang din, her and Georgia are the opposite. Ang madla ay mahal na mahal si Georgia, samantala siya naman ay kinagagalitan ng lahat.

Why naman gano'n?

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
899K 36.2K 45
Ella Claire Fuentes is one of the most popular girls in their University. Nbsb since wala pa syang time for love. She just wants to enjoy her life. K...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...