At The End Of The String (Ins...

By serendipitynoona

5.6K 287 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
Epilogue
𓍯𓂃𓏧♡

25

61 2 0
By serendipitynoona

Wala ngang nangyari pero naging magdamag pa rin kaming gising. Walang nagsasalita sa amin matapos niyang umamin at sobrang nababaliw ako kahit nananahimik lang ako!





Siguro dahil sa gulat ay hindi ko mahanap ang tamang salitang sasabihin sa kanya pabalik. Gusto niya 'ko! Gano'n din ako pero ayokong sabihin agad! Malay ko ba, baka mamaya pinagti-tripan niya lang ako! 





Mayamaya'y bumangon ako para kumuha ng wine saglit sa kusina. Pagbalik ko sa kwarto ay takang-taka siya bakit kami mag-iinom. "Sabi nila nagsasabi ng totoo ang tao kapag lasing. Gusto ko malaman kung talaga bang totoo ang sinasabi mo o isa na naman 'to sa trip mo." Pilit kong inaabot sa kanya ang isang wine glass na may laman na. Kinuha niya nga iyon pero tinabi niya lang. 



"Do I sound like I'm lying?"


"Well, what can I say? Boys always lie and you can't just blame me for thinking that way. And if the shoe fits, wear it. " I shrugged before taking a sip. Inubos ko agad ang isang baso at nagsalin ulit. Kaylangan ko 'to para magkaroon ng lakas ng loob. "You like me? Prove it," hamon ko pa. 





Nang mailapag ko na ang aking hawak na wine glass ay saka ko naramdaman ang palad niya sa aking pisngi, kasunod ay ang malambot niyang paghalik.





Pumikit ako at sinabayan iyon. I tried making it a little sensual but all I can feel from his lips was gentleness. He wasn't up for any sex kisses but only a passionate one. Its softness was telling he was sincere with his words a little while ago. 





Nang maglayo na ang aming mga labi ay matagal niya akong tinitigan habang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang aking pisngi. "Yes, I can't blame you for thinking boys are trash, but I can be a man and make a difference. I don't need you to return my words back, but I hope you'll let me show you that what I'm feeling towards you isn't just about sex. It's more than that, Keira, and I don't know exactly the words on how to explain what I feel. It's just... It's more than that, you're more than that..."





His words got me frozen for a bit before going back to my senses. "I..." My stares were glued at him and still trying to look for better words to reply. But still, a cat really got my tongue, and those blue eyes were melting me as my heartbeat went fast.




Ngumiti na lamang siya sa'kin at yumakap. "I'm sorry for shocking you like this." He laughed a little. "You can take your time, Keira. I'm not in a hurry to hear I love you's," biro niya dahilan para hampasin ko siya ng malakas sa kanyang dibdib. 





Hindi niya lang naman ako ngayon ginulat, noon pa lang, simula nang maging magkasama kami. So, it's not one-sided after all... I'm scared to let my guard down pero aamin na rin ba kaya ako? 



"Good morning, Senyora Keira! Nagluto na ng almusal ang asawa mo sa baba kaya tara na at mag-aalmusal na tayo!" Gising ko sa pagkalakas-lakas na boses ni Agatha na ngayon ay nakadagan sa'kin. Natulog akong si Joaquin ang katabi ko, paggising ko ay siya na. Ano bang transition 'to? 




Pinabalik ko na siya sa baba upang magawa ko ang aking morning routine. Hindi ako ganoon na nagtatagal sa pag-aayos ng sarili, ngayon lang dahil sa nangyaring aminan kagabi. Nang maalala ko na  naman iyon ay kumuha ako ng unan at doon tumili habang sumisipa-sipa.






"Gusto niya 'ko... Gusto niya talaga ako with matching halik pa. Huy!" Nginudngod ko ulit ang unan sa aking mukha. Natigil lang ako sa aking kilig nang katukin na ako ni Mama para mag-almusal. 






Sinuklay ko na lang ang aking buhok saka nagtungo sa hapag. Tuwang-tuwa ako nang makitang may tempura ro'n. Naabutan ko pa siyang nagtitimpla ng kape naming dalawa habang sina Mama at Aggy ay masaya nang nagchichikahan. "How's your sleep?" tanong ng bago naming chef sa'kin nang makaupo na sa tabi ko. 





Sinimulan ko nang humigop ng kaunti sa aking kape at itinaas ang hinlalaki bilang sagot sa kanyang tanong. Pagkalapag ng aking tasa ay bigla niyang inusog ang aking upuan papalapit sa kanya habang hindi nakatingin ang dalawa sa'min. Masaya silang nag-uusap habang ang isang 'to ay masaya rin akong nilalandi habang nag-aalmusal kami.





Pagkatapos ay nauna na ako sa sasakyan niya. Sumunod si Aggy pagkatapos niyang humalik sa pisngi ni Mama. Gano'n din si Joaquin saka naupo na sa driver's seat.





Abala akong nagbabasa ng reviewer sa backseat nang bigla akong palipatin ni Agatha sa harap. "Magsusulat ako ng notes ko, Kei, at kaylangan ko ng space. Doon ka na sa harapan!" 





Dumapa siya at inilatag ang mga kaylangan niya para masakop  lahat at nagtagumpay naman siya ro'n. Wala na akong nagawa kaya lumipat na ako sa passenger's seat.




Matapos kong ikwento sa kanya kagabi na umamin sa'kin 'tong driver namin ay hindi na siya natigil mang-asar. Bago ako magpatuloy sa pagre-review ay kinuha ko muna ang phone ko at tinext siya. 




🗨️ To: Agathangina
Pukingina mo :) 

💌 Agathangina:
Choosy pa teh


🗨️ To: Agathangina
Edi thank you 

Bango niya sarap ikiss huhu


💌 Agathangina:
HAHAHAHAHAHAHA landi





Pigil na pigil ako ng tawa pero parang pati paghinga ko ay pipigilan ko rin para hindi naman masyadong halatang kinikilig ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko habang abala na siyang inaatras palabas ang kanyang kotse.





Mayamaya'y tumunog muli ang phone ko gawa ng text ni Aggy. Huminga na lang ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili nang makitang nag-send siya sa'kin ng maraming photos naming dalawa. Pinakahuli ay ang picture ng kamay naming dalawa ngayon. 




💌 Agatha:
Flirt well parents
#happyangmondaynikulot



"Congrats, Ms. Monteza for having the highest score for this quiz!" sabi ng professor namin matapos niyang matanggap ang mga yellow pad namin.





Malapad ang ngiti ko nang marinig ko 'yon. At dahil may klase ang program nila Agatha sa classroom namin ngayon ay narinig niya rin kaya todo palakpak siya kasama ang iba niyang kaibigan sa program nila.





Nang makaalis na ang professor namin ay saka siya lumapit. "Iba talaga ang nagagawa ng inlove, sissy ko!"




Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil mga chismosa ang mga kaklase ko. Ayoko ng tinatanong ako sa personal life lalo na love life. Mahirap na, baka ma-jinx! At ayoko rin namang malaman na sikat na karerista ang nagugustuhan ko ngayon. Mayamaya'y nagpaalam na ako sa kanila dahil may klase rin ako sa ibang room.






Habang naghihintay sa pangatlong professor namin ay nag-scroll muna ako sa phone ko. I saw his Instragram story with his cousin. Isang picture nila at isang video. Hininaan ko ang volume at tinignan ang paligid dahil baka mamaya ay nakikinood na pala pero abala naman ang lahat sa kani-kanilang buhay.



📹
[In the video:

Raven: May ikakasal na naman sa'tin, yabang!

Joaquin: Ikakasal ka rin, you wait...

Raven: 'Yon ay kung mag-aasawa ako.

Joaquin: My girl has a friend. Pareto kita?"

Raven: Ano kamo 'yon? Parang mali ang pagkakarinig ko, eh.

Joaquin: Huh?

Raven: I thought you said "my girlfriend". Oh, she is! You're fake—

Joaquin: Sometimes I regret being blood related to you.]




Kinabahan ako ng kaunti pero nang tignan ko ang pangalan ng account ay mabuti na lang dump niya ang kanyang gamit. Hindi na rin siya ganoong nagpo-post sa account niyang may blue check simula nang gawin niya 'tong account na 'to. Nandito rin ang ibang litrato namin, minsan ay ako lang mag-isa sa mga 'yon.




Abala ako sa pag-ngiti habang nagso-scroll doon. Hindi ko napansin na mayroon na palang professor sa harap. Agad kong tinago ang phone ko at nakinig na.





Hindi pa lubog ang araw nang tuluyan na naming matapos ang project ni Aggy. Pagkatapos no'n ay hindi na rin ako nagpahatid kay Joaquin pauwi dahil may kaylangan pa siyang asikasuhin na trabaho. He insisted on driving me home of course, as he usually does, but this time I refused. Trabaho iyon, dapat niya ring unahin. Isa pa, kaya ko rin namang iuwi mag-isa ang aking sarili.






At dahil naglalakad lang ako pauwi ngayon, naabutan na ako ng paglubog ng araw. I stopped for a minute to take a photo of my shadow, and of course, a sunkissed selfie. Solong-solo ko rin ang daan. Ngunit iyon ang inaakala ko...





Nang maglakad ako ulit ay nakaramdam ako na may sumusunod sa'kin. Palingon-lingon ako sa likuran hanggang sa may mapansin na akong isang tao na gumagamit ng phone. He didn't look suspicious to me. He looked like a normal teenage guy walking on the same path as me to his home. I shrugged it off and continue on my way.





Napatigil lang ako ulit at halos mapatalon sa gulat nang bigla akong may nakasalubong na dalawang lalaki at mukhang hindi tumitingin sa dinadaanan. Iyong isa ay abalang dumadaldal sa kanyang kasama habang naglalakad na sila palayo, habang ang isa naman ay nakatinginan ko saglit kanina. Parang wala nga rin siyang pakialam sa sinasabi ng kasama niya.






Ipinasawalang-bahala ko na lang ulit at nagpatuloy. Malapit na ako sa bahay nang mapansing nakaparada ang tatlong pamilyar na mga kotse sa labas. Hindi lamang iyon, unti-unti ko ring narinig ang tunog ng pulisya.




Nang marating ang bahay namin ay sunod-sunod na silang pumasok doon. Sumunod ako sa kanila pero bago pa ako makapasok sa mismong gate ay nakita ko nang palabas si Mama habang alalay ni Kuya Ken. "Kuya! Anong nangyayari? B-bakit may mga pulis? Napaano si Mama?" Lapit ko na sa kanya. Tahimik at tulala lamang si Mama, nanginginig sa takot.





"Buti na lang at maya't-maya kong chinicheck ang CCTV sa phone ko, kung hindi..." Huminga siya ng malalim. Hinila niya rin ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "Someone broke in."





"S-someone?" My heart started beating nervously dahil nagkaroon agad ako ng ideya. Mayamaya'y lumabas na ang mga pulis kasama sina Kuya Kean at Kel. "Keira, finally you're here," ani Kuya Kean at hinila ako palapit sa kanya upang yakapin.




Si Kuya Kel ay dumiretso kay Mama upang i-comfort din siya. "Base sa aming obserbasyon, Sir Monteza..." Lapit sa kanya ng isang pulis. Napaayos ako agad ng tayo upang pakinggan ang kanyang sasabihin. "Mukhang may hinahanap ang kriminal na iyon. Maaring nakatago iyon sa isa sa mga kwarto niyo kaya—"





"Keira!" Tawag sa'kin ni Kuya Kean nang bigla akong tumakbo patungo sa loob ng bahay namin. Malinis ang sala at kusina pero nang marating ko na ang kwarto ko ay parang binagyo ito. Nagtungo ako sa walk-in closet at pinuntahan kung saan nakatago ang notebook. Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang hinahanap nila rito.




The notebook was still safe in its hiding spot. Agad ko iyon sinara nang marinig ko ang boses ng mga kuya ko. "Keira, what's going on?" tanong agad ni Kuya Kean. Agad akong umaktong kalmado. Hindi nila pwedeng malaman. Kung alam na ng kriminal na nasa akin ang notebook na 'yon, ako lang ang maaaring target niya. Ayokong madamay ang mga kapatid ko kahit alam kong kaya rin nilang lumaban.





I know they could help me. This could be the first step of catching whoever the owner of that freaking notebook. Pero, ito na rin ang tiyansa kong patunayan ang sarili kong may kaya akong gawin... "Uh, chineck ko lang ang mga importanteng gamit ko, lalo na 'yong mga bags..."





The two of them glared at me. Napasapo agad si Kuya Kel sa kanyang noo. "Akala ko naman kung ano na. Inaaway lang kita, Keira, pero nag-aalala ako sa'yo."




"Look, if you know something, you need to tell us right away whatever it is," sabi naman ni Kuya Kean. I remembered the first time I told him I needed help but he refused. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. May plano akong hulihin kung sino man ang kriminal na 'yon sa pamamagitan ng sariling kamay. Hindi ko nga lang alam kung paano sa ngayon.






Mayamaya'y biglang tumunog ang phone ko gawa ng tawag ni Aggy. Lumabas na rin sila Kuya ng kwarto at bago ko sagutin ay sinigurado ko munang walang kahit sinong makakarinig sa usapan namin. Nang makita kong ayos na ay saka ko sinagot ang tawag niya.





[Agatha: Okay ka lang ba?!] bungad niya. Sunod-sunod din ang kanyang mga tanong at hindi ko maintindihan. Mas natataranta pa siya kaysa sa'kin ngayon.




"I'm fine but I can't tell if I will be safe."





[Agatha: Girl, as long as you have that notebook, hinding-hindi ka magiging safe.]





"Hindi ko naman pwedeng itapon 'to. Kaylangan ko ng bagong pagtataguan nito."





Ang tagal bago magsalita ni Aggy. Naghintay ako ng ilang minuto pero bigla niya na lang pinatay kaya nagtaka ako. Tatawagan ko sana siya ulit nang biglang pumasok si Kuya Ken, sinasabing nasa baba ngayon si Joaquin. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling lumabas.





Hindi nga nagbibiro si Kuya. Naroon nga siya kasama ang dalawa kong kapatid at may kausap na pulis. Nang maramdaman ang presensya ko ay lumapit siya sa'kin para bigyan ako ng yakap. "Thanked God you're safe..." bulong niya.





Yumakap din ako ng mahigpit pabalik. Ayaw ko pa sanang bumitaw pero naalala kong nandito nga pala kami sa bahay namin at nandito ang mga kuya ko! Pagkabitaw ay agad ko silang nilingon. Walang emosyong nakatingin sa'kin ang panganay, nagtataka naman ang pangalawa, at umiwas ng tingin ang pangatlo at nagpipigil ng ngisi.





Nang tumalikod si Kuya Ken ay saka may binulong si Kuya Kel sa kanya at sabay silang nagtawanan kaya tinignan sila ng masama ni Kuya Kean. "So, looks like you're getting along very well now," ani Kuya Kean.





"Sakto lang, ayoko pa rin sa kanya at galit pa rin ako sa ginawa mo," pangunguna ko. Napataas ng kilay si Kuya at nagsimula nang magpigil din ng tawa. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin sa'kin pero hindi ko na hinintay at hinila na lang papasok ng bahay si Joaquin. Pupuntahan namin si Mama.



Inaayos na ngayon ang kwarto niya nang simulan naming puntahan siya ro'n. At dahil inaayos nga, wala siya ro'n kundi nasa kusina, may kausap na babaeng pulis. May hawak-hawak na tubig si Mama habang hinahagod ng pulis ang kanyang likod. Nagtungo kami ro'n upang samahan sila.




Pag-lapit kay Mama ay agad na yumakap sa kanya si Joaquin. Napansin ko rin ang oras at sa sobrang abala ng lahat sa nangyari, ni isang lutong hapunan ay walang nakahain. Wala na akong oras magluto kaya naisipan ko na lang na mag-order sa Grab food.




Nang simulan ko nang mamili ng pagkain ay biglang nag-text si Agatha kaya napatigil ako saglit sa pagso-scroll.


💌 Agathangina:
i know a place :)

Continue Reading

You'll Also Like

2K 248 37
All she knows is, he's always after her... Date Started: July 2022 Status: On-going
8.8K 172 40
Tranquil Series #2 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will their hearts sync into one? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: Februar...
27.1K 430 35
Simon Siblings Series # 1 ✓ Two people cannot click at exactly one meeting. For Phoebe Ross and Eavan Rayver, they instanly click in one night of ha...
4.7K 151 43
"Sufferings, hatred and loneliness is like a chains that lock you in a dark place, it forbid you to see the light, but there's someone who will break...