Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 29

99.6K 5.1K 776
By Yanalovesyouu

Nakatingin lang ako hanggang sa maisara nung isang lalaki ang mga rehas na bakal. Akala ko sa earth lang uso ang mga kulungan. Hanggang dito pala.

I had nothing to do but to heave a loud sigh at pakinggan ang mga yabag ng paa na papalayong naglalakad dito sa kulungan at ang tunog ng hampas ng alon ng dagat sa batuhan. Nakaka-suffocate ang amoy ng kulungan. Magkahalong amoy ng dagat at amoy nabubulok na katawan ng tao. Ang tanging liwanag lang na nakikita ko ay ang konting liwanag ng buwan na pumapasok mula sa maliit na durungawan. Ugh! Gaano ba katagal akong mamamalagi dito?

**

Nagising ako dahil akala ko may humawak sa pisngi ko. Pakiramdam ko kasi kanina may malamig na kamay. "Akala ko lang pala" Bulong ko at saka naupo at niyakap ang mga tuhod ko. Ugh! I really hate the smell of this jail. Parang nasa hukay an gang pakiramdam ko dahil sa umaalingasaw na amoy. Tumingin ako sa maliit na bintana. It's almost dawn. At medyo nagkakaroon na rin ng liwanag dito sa loob ng kulungan.

Kinikilabutan ako habang iniikot ko ang tingin ko sa kulungan. Ghad! Halatang-halata na dekada or baka century na ang itinagal nitong kulungan na 'to.

Hindi mo mapapansin ang bilis ng pagsikat ng araw. Nung magkaroon ng sapat na liwanag para makita ko ang paligid ay inilibot ko ang tingin ko sa buong jail. The jail is made out of hard rock. Ine-expect ko na ang makikita ko sa dingding ay puro sulat. Like nagbibilang kung kailan lalaya, 'yung mga usual na nakasulat sa dingding ng mga kulungan na makikita mo sa mga movies.

Kaso wala. Until I realized, na lahat nga pala ng isinusulat dito nawawala.

**

Ganito pala feeling kapag ilang oras ka ng nakakulong. Pakingteyp! Para akong mababaliw. "Aww" Daing ko habang nakahawak sa tiyan nung makaramdam ako ng gutom.

Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko para pumunta sa may pinto. "Hello! Hello?! Excuse meee! May tao ba dyan?!" Ilang ulit kong sinubukang kalampagin ang rehas para gumawa ng ingay. Pero walang sumasagot sa'kin.

"Hello?!"

Oo nga naman. Paano nga naman may sasagot sa'kin eh tao ang hinahanap ko. Pfft. How stupid. Again, "Hellooo?! May wizards ba dyan?!" saglit akong nakinig kung may sasagot sa tanong ko. At nung wala ay sinubukan ko ulit. "Eh vampires meron ba? Helloooo?!" Napahampas na lang ako sa rehas ng jail sa inis nung wala pa ring sumasagot.

Ugh! This isn't fair! Hindi naman ganoon kalala ang ginawa ko para ikulong nila ako ng ganito. Sa earth nga, kahit kaban-kaban ang ninanakaw ng mga government officials buhay prinsesa at prinsipe pa sila. Wala naman akong pinakialaman sa palasyo ng Queinsville kaya hindi ko deserve ang makulong dito.

Humarap uli ako sa rehas at saka tinignan ang umiilaw. 'Yung style ng lock dito sa kulungan parang style nung posas na ginawa sa'kin. The lock is made out of light, na parang may maliliit na lightning at daloy ng kuryente kang makikita. I tried to touch it kung nakakakuryente pero wala. Walang kahit ano kang mararamdaman, dahil hindi ko man lang nahawakan.

It's like an illusion.

At sa pag-aakalang hindi totoo ang lock ay sinubukan kong buksan ang rehas. Another katangahan. Dahil hindi ko mabuksan. The lock is visible in the eyes, pero hindi nahahawakan. What a brilliant idea.  Kaya it's impossible na makalabas ka basta-basta.

A word just popped into my head.

"Recludam" I whispered habang nakatingin sa lock. Kumurap ako ng ilang ulit when the light suddenly disappeared. "What happened?" tanong ko sa sarili ko. Ilang segundo pa akong natulala. Syempre kayo kaya try nyo, kapag may mga ganitong happenings, mapapatulala ka na lang talaga.

Nag-dadalawang isip pa akong itulak ang rehas at subukan kung bubukas dahil baka paasa naman ang isang 'to. Uso 'yang mga paasa ngayon eh. Dami nga naghahashtag sa facebook at twitter.

"May natutunan na naman akong spell" Amaze na amaze ko na bulong sa sarili pagkalabas ko ng kulungan. Umikot ako, literally para tignan ang buong kulungan dahil sa dilim kagabi nung mapadpad ako dito eh hindi ako nagkaroon ng chance na makita ang itsura kahit konti.

Paanong may makakarinig sa'kin, eh itong kulungan na pinagkulungan lang pala sa'kin ang nag-iisang kulungan dito. Sa dulo ng pasilyo ay may hagdan. Tanaw ko ang ibaba dahil paikot ang hagdan na gawa sa bato. Tanaw ko rin ang tuktok. I therefore conclude, na this jail is also a tower. Dahil sa disenyo ng istruktura.

Taas o baba?

Ayan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko. Pag bumaba ako makakaalis na ako dito. Siguro? Siguro naman wala ng bantay sa baba. Pero nacu-curious ako kung may mga nakakulong pa sa taas.

At dahil alam kong indi ako makakatulog ng matiwasay kapag hindi ko natignan kung anong meron sa itaas ay umakyat na ako.

Mas nakakapangilabot ang aura dito sa sunod na palapag. Nakatanaw pa lang ako pero parang ayokong maglakad sa pasilyo dahil sobrang dilim. Pero dahil likas sa akin ang pagiging pakialamera ay naglakad pa rin ako para tuklasin kung anong meron sa palapag na 'to. And then I found..

..nothing.

Kaya nung makabalik ako sa may hagdan iniisip ko kung magpapakapagod pa ba ako sa pag-akyat at mag-aaksaya ng oras or hindi na. Kasi gutom na gutom na ako, at ayoko namang aksayahin ang oras ko sa wala. Pero mas nanaig pa rin ang curiosity ko sa katawan.

"I thought there will be jail every floor" Bulong ko, dahil nakaka limang floors na yata ako pero puro pader lang ang meron bawat palapag.

Hanggang sa makarating ako sa pinaka-tuktok nitong tower. Nasa bukana pa lang ako ng pasilyo. May ilaw na nakaharang na kaagad. Take note, bukana pa lang ng pasilyo ah.

"Hello?"

Heto na naman ako sa kaka-hello. Feeling ko kasi may nakakulong dito. Imposible naman magkaroon ng lock 'to kung wala.,

May nadinig akong konting kaluskos sa loob kaya tumindig ang mga balahibo ko. Nag-cast ako ng spell tulad ng ginawa ko kanina. "Recludam" Bulong ko. And it works again! Kakaalis ko pa lang ng lock, may putting ilaw na nakaharang na naman sa dadaanan ko ilang hakbang mula dito.

Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo at ingat na ingat na gumawa ng kahit na konting ingay. Hindi ko alam kung anong uri ng nilalang ang nakakulong dito. Paano kung—okay ayoko takutin ang sarili ko. Pero sa higpit ng security, indi malabong mangyari na nakakatakot na nilalang ang nakakulong dito.

Ilang ulit pa akong may binuksang lock hanggang sa makarating ako sa mismong kulungan. Lulunok sana ako para mabawasan ng konti ang takot ko, pero nanunuyot ang lalamunan ko. Damn!

I whispered the spell para mawala ang nakaharang sa kulungan at makita ko ng tuluyan kung ano o sino ang nakapiit dito. "Recludam"

"Saan kayo galing?" May halong pag-aalala ang boses ni Prinsesa Alexis kaya kumunot ang noo ko. Concern much kay Mikael? Mas gwapo kaya si Lucian my labs dyan.

"Sa hidden dungeon mahal na prinsesa" Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong niyakap sya ni Prinsesa Alexis. Ano ba?! Bakit mo na naman niyayakap 'yan? Shit lang! "Labis akong nag-aalala..." Wika niya. "Oh well ako hindi," singit ko naman kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi nila ako naririnig. "...lubhang mapanganib ang pagpunta sa hidden dungeon. Nandoon ang pinakanakakatakot at isa sa makapangyarihang mangkukulam"

"Tumulong lang ako sa pag-aayos at pagbuo ng seguridad ng hidden dungeon ng sa gayon ay hindi na sya muling makapaminsala pa"

A-ano raw?

Bigla akong nagising nung maramdaman kong humampas ng pagkalakas-lakas ang katawan ko sa dingding. "S-Shit!" Daing ko. Sinubukan kong tumayo kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko, but I fell. I tried to look up, dahil sa nararamdaman kong presensya na nakatayo sa harap ko. I saw a pair of angry red eyes looking straight at me. I could feel goose bumps springing up all over my body at hindi ko maialis ang titig ko sa kanya.

Inilahad niya ang kamay niya sa'kin kaya nagulat ako. "Tumayo ka aking prinsesa" Sambit niya. Kilala niya ako? Inabot ko ang kamay niya na parang yelo sa lamig, pakiramdam ko harmless naman sya. Although, medyo sakit ang way ng pagbati niya kanina sa'kin.

Sinusubukan kong aninagin ang mukha niya pero tanging ang mga pulang mata niya lang ang nakikita ko. "Sino po kayo?" I asked curiously. "Hindi 'yan mahalaga sa ngayon, ang mahalaga ay magawa mo ang mga ipapagawa ko" bakit ganun, mahinahon ang tono ng boses niya pero 'yung mga galit sa mata niya hindi nawawala.

"Wala kang dapat na ipag-alala, magkapanalig tayo" She said. I know na babae sya dahil sa boses niya. "Ano po ba ang gusto mong gawin ko?" I'm not sure kung nasa ilalim ako ng hipnotismo dahil handa akong gawin kung ano man ang ipapagawa niya ng walang halong pag-aalinlangan.

"Kitilin mo ang buhay ng ng hari ng kadiliman, sampu ng mga tagasunod nito"

"Sino-sino po ba ang tinutukoy nyong tagasunod?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya at tila naguluhan. "Marami sila...marami silang mapanlinlang..." unti-unting napuno ng luha ang mga mata niya na kumurot sa puso ko. "...at hindi ko alam kung sino-sino. Ngunit hindi magkakaroon ng kapayapaan dito sa kabilang mundo hangga't nabubuhay sila" Nag-umpisa na syang umiyak kaya pati ako ay nakakaramdam ng kalungkutan.

"Alam ko maraming gumugulo sa isipan mo ngayon. Gusto mong alalahanin ang mga nangyari noon. Ngunit kasabay ng pag-balik tanaw mo sa nakaraan ay ang muling pagyakap mo sa kasinungalingan" Hinawakan niya ang kamay ko habang patuloy sya sa pag-iyak.

"Huwag mong hayaang maudlot muli ang mga dapat sana'y matagal ng nangyari"

**

Malalim ang iniisip ko habang mag-isa akong naglalakad palabas ng hidden dungeon. Hindi sya maaaring lumabas dahil nasa ilalim daw sya ng isang sumpa. Kung kaya't ibinalik ko ulit sya sa pagkakakulong sa loob. Ang kabilin-bilinan niya sa'kin ay huwag akong magtitiwala sa kahit na sinong nilalang na kasama ko maliban sa kanya at sa isa pa raw?

Sinong isa pa ang tinutukoy niya?

Pinagmasdan ko ang malalaking hampas ng alon. Nasa gitna ng malawak at maitim na karagatan itong hidden dungeon. "Shit" I uttered. Nakakatakot tignan ang dagat dahil para akong lalamunin kapag nahulog ako. "Paano ako nito aalis dito aba! Hindi ako marunong lumipad" Sa sobrang lakas ng alon imposible rin naman na mabuhay ako kung sakaling lumangoy o mamangka ako paalis. Ugh!

Pero mas mukhang una ko pang ikakamatay ang gutom.

Umupo ako sa may bangin at pinanuod ang paglubog ng araw. May choice pa ba ako? Alangang i-try kong lumipad eh hindi ko naman alam kung paano. My knees tucked into my chest, ipinatong ko ang ulo ko para tumungo sa ibabaw ng mga tuhod ko. Wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi maghintay.

Unti-unti akong tumunghay nung makalipas ang ilang minuto ng pagtungo ko. Madilim na at tanaw ko na ang buwan. 

"Kamusta mahal ko?"

Mabilis akong lumingon sa likod ko nung madinig ko ang boses ni Lucian. "Bakit ka nakangiti? Akala mo ba nakakalimutan ko kung ano ang ginawa mo?" Mataray na tanong ko. Baka hindi niya alam kung gaano ako kabwisit sa kanya ngayon.

Bahagya syang yumuko at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Iniabot ko sa kanya ang kamay ko hanggang sa tuluyan akong makatayo "Nagkausap ba kayo?" Tanong niya ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Napabitaw ako sa kamay niya dahil sa tanong na 'yun.

Biglang nagkaroon ng sagot ang mga tanong ko kanina sa sarili.

Kasunod ay ang pag-echo ng mga salitang sinabi sa'kin kanina nung babae.

"Nakikiusap ako Prinsesa Alexis. Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa pag-uusap na'tin. Huwag na huwag kang magtitiwala kahit na kanino... maliban sa akin at sa kanya,"

Ngumiti ako kay Lucian bago ko diretsong sinagot ang tanong niya. "Oo" sinagot din niya ako ng ngiti and gently held my hand again. Parehas kaming walang imik pero alam ko sa sarili ko na he's the one na dapat kong pagkatiwalaan.

He did this dahil hindi maaaring tumungtong ang mga katulad niya sa dungeon.

He did this para tulungan akong sagutin ang mga bagay na hindi ko nalaman noon bago ako mawalan ng alaala at...

...para magkausap muli kami ng kanyang ina. Si Queen Freya.

{~͞

Continue Reading

You'll Also Like

47.9M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
24.2M 983K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...