Deep Slumber

By unwantedoutcast

116 36 0

Balobos, a group of dreamer abductors and dream intruders kidnapped a graduating student named Tamara Castill... More

AUTHOR'S NOTE
DISCLAIMER
THE DREAM REALM
CHAPTER 1: NIGHTMARES
CHAPTER 2: BACK TO REALITY
CHAPTER 3: CHAOS
CHAPTER 4: THE ABDUCTION
CHAPTER 5: BE HIS QUEEN
CHAPTER 6: BETRAYAL
CHAPTER 7: WAY BACK HOME
CHAPTER 8: MEETING HIM
CHAPTER 9: MATE
CHAPTER 10: REJECTION
CHAPTER 11: ALMOST PARADISE
CHAPTER 12: DISCOVERY
CHAPTER 13: LURE
CHAPTER 14: THE SEARCH
CHAPTER 15: SWEETNESS
CHAPTER 16: FESTIVAL
CHAPTER 17: LETTING GO
CHAPTER 18: THE MARK
CHAPTER 19: BITTER MUCH?
CHAPTER 20: TEMPLE OF DAMUS
CHAPTER 22: IN THE NAME OF LOVE
CHAPTER 23: TOO LATE
CHAPTER 24: MARRY ME
CHAPTER 25: THE MARKING
CHAPTER 26: DISAPPROVAL
CHAPTER 27: JUST A PIECE OF ILLUSION
CHAPTER 28: MANIPULATION
CHAPTER 29: QUARREL
CHAPTER 30: TRAP
CHAPTER 31: BAD DREAMS
CHAPTER 32: EVIL SCHEMES
CHAPTER 33: WORST NIGHTMARES
CHAPTER 34: TRAUMATIZED
CHAPTER 35: MISSING YOU
CHAPTER 36: PREGNANT
CHAPTER 37: REVELATION
CHAPTER 38: BACK HOME
CHAPTER 39: THE PAST
CHAPTER 40: WELCOME BACK

CHAPTER 21: TWO WORLDS

2 1 0
By unwantedoutcast


Sa bawat hakbang ko patungo sa templo ay sa pagbigat naman ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng pinainom sa akin ni Devour kagabi o talagang wala lang ako sa mood ngayon na harapin ang bathaluman? Kung ano man iyon, kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong mag-focus sa pinakapakay nain sa lugar na ito. Iyon ay masira ang mate bond at makauwi na ako sa mortal world.

Habang umaakyat kami sa mataas na cliff na iyon ay walang nagsalita sa aming dalawa ni Devour. Tanging hampas ng alon at paghinga ko lang ang maririnig sa paligid. Siya kaya? Gusto ba talaga niya ang mate bond naming dalawa? Pareho kaya kami ng nararamdaman ngayon? Kase ako, hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko. Naguguluhan ako. Halos mag-iisang buwan na ako dito pero bakit gano'n? Bakit gano'n ang tama sa'kin ni Devour? Bakit... ewan! Gulong-gulo na ako.

Kung makakatawid man ako sa kabila, mind as well ipatanggal ko na rin ang mga alaala ko sa mundong 'to para naman maging mapayapa ang buhay ko sa kabilang mundo. At para hindi ko na rin siya maalala pa.

After few minutes ay nakarating na rin kami sa taas. Tumambad sa amin ang isang napakalaki at napakaelegante na templo. It shouts luxury. Mixed colors ang dingding niya. May pula, itim at puti na sumisimbolo sa tatlong kaharian na pinaka-highlights talaga ng realm na 'to. Sa tatlong category lang naman umiikot ang mga panaginip natin. Nightmares, good dreams and erotic dreams. And shocks! Kami lang dalawa ang tao rito. So, kami lang pala ang may pakay kay Damus. Yung iba? Baka na kina Affedyce, Samara o kung sa sino-sino pang mga bathala. And for sure, si Seducia, na kay Affedyce yun. Pustahan na.

Sinuri kong mabuti ang malahiganteng pinto nito na yari sa ginto ang mga designs. Wala itong doorknob. Itutulak mo lang talaga siya. I don't know their religious etiquettes here. Hindi ko alam ang mga patakaran nila pagdating sa mga sacred places like this one. Bumabase na lang ako sa mannerism na meron kami sa mortal world.

Pero dahil nga may pagsa-Conan ako at curious rin ako siyempre, hindi ako nakatiis na maghintay lang sa tabi na magbukas ang pinto para sa'min. Nag-try lang akong itulak ang pinto pero hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Biglang nagbukas ang pinto. Nagtaka ako. I know I didn't exert much efforts in opening that door knowing that it will be impossible to open that gigantic door. Like hello, mag-isa lang ako at payat pa. Who would have thought na mabubuksan ko ang pinto na 'yon?

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng templo. Sumalubong sa'min ang madilim na paligid. Kung gaano kaaliwalas kanina ay kung gaano naman kadilim dito sa loob. Hindi rin naman nagtagal ay biglang nagsindihan ang mga torch na nakasabit sa mga dingding. Tumambad sa'min ang isang higante at gintong globo. Para akong nagteleport sa Guardians of the Galaxy na movie. Sa unahan ng globo, sa dulo, ay ang mataas na trono. Bigla man ngunit dahan-dahang bumukas ang roof ng templo. Pumasok ang liwanag ng araw sa loob. Tinamaan ng sikat ng araw ang globo na lalong nagpakislap sa kulay nito.

"Sorry for touching your leg that way." Devour said out of nowhere.

"It's fine. Thankful rin ako sa ginawa mong 'yon. Nasalba ko ang sarili kong inumin ang alak na iyon."

"I know you know..."

"Na may pampatulog 'yon or what?" I chuckled. "Yes. I know." sabay ngiti sa kaniya ng tipid. "Pineke ko lang na inumin 'yon. You know, go with the flow."

"She really likes to pester you, huh?"

"Yes she is." tukoy ko kay Seducia. "Biruin mo ba naman, pumunta siya sa kwarto natin kanina. Hinahanap ka. Pumuslit ka raw sa kwarto niya kagabi at iniwan mo raw siya." sabay tawa ng mahina. "Ang kapal ng mukha, 'di ba?"

"That will never happen..."

"Yeah." I agreed. "As long as we're mated to each other, we can't be with someone who is not our mate." We fell into silence. Inabala ko na lang ulit ang sarili. "You can be with someone after we break our mate bond, you know." basag ko sa katahimikan. Hindi ko siya nilingon. Mas pinili kong gano'n.

"Same as you."

"Thank you for taking care of me in this realm." sabay baling ng tingin sa kaniya. "Devour." Umiwas lang siya ng tingin sa'kin. "It took me a lot of days to know your name and to see your face... I'm sorry if this will be the end of us." Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Sorry din pala sa pagiging maldita ko. Haha!" saka awkward na tumawa. "Sakit lang ng ulo ang idinulot ko sa'yo. Pfft!" Hindi ko maiwasang hindi pumiyok habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, pinigilan ko lang.

Just when I'm about to say something again, unti-unting lumamlam ang liwanag sa paligid. Marahang lumapit ang buwan sa araw hanggang sa mag-eclipse na. Napapikit ako. Kung sa tamang mundo lang sana tayo nagkakilala Devour... baka pa. Baka sakaling masuklian ko rin ang pagmamahal mo. Kung meron man. Haha! Ayokong mangapa, Devour. Ayokong mag-assume na may feelings ka rin sa'kin. Pero kung meron man, I want to reciprocate your feelings towards me. I'm willing to sacrifice anything just to be with you... kahit pa ang kapalit ay ang makita at makasama ang family ko sa kabilang mundo.

Napadilat ako ng mata ng biglang bumigat ang aura ng paligid. Biglang humangin ng malakas ngunit mabuti na lamang at hindi namatay ang mga ilaw sa mga poste. Dahan-dahang tumawid ang bathaluman sa kisame at bumaba sa trono niya. Tumingin siya sa'min, napayuko ako bigla.

"Anong kailangan niyo sa akin, aking mga nilalang?" tanong ng isang tinig.

"Narito po kami para sirain ang bond sa pagitan naming dalawa, mahal naming bathaluman." magalang na wika ni Devour.

"At ano ang dahilan ng iyong kahilingan, prinsipe?"

"Dahil isa siyang mortal, bathaluman." Devour coldly replied. "Kailangan na niyang lisanin ang mundong ito at bumalik sa tunay niyang mundo... kung saan siya nababagay." Sa mga salitang iyon at tono ni Devour, mas lalong nasasaktan ang puso ko. Did he really mean it? Or he's just controlling his feelings towards me?

Tinitigan ako ng bathaluman. Sinuri niya ang mukha ko. Habang ginagawa iyon, kumukunot ang noo niya. Bakit kaya? "Ayos lang po kayo?"

"Kamukhang-kamukha mo siya."

"Sino po?" Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin. "Matutulungan niyo po ba kami?" tanong ko ulit.

"Ito ang mundo mo iha. Nandito ang kapalaran mo." Po?

"Hindi po." mabilis na depensa ko. "Gaya nga po ng sabi ng isa diyan, hindi ako nabibilang dito sa mundo niyo. May mundo akong kailangang balikan." sabay diin sa last sentence. "Mundo kung saan ako nababagay... at mundo kung saan naroroon ang aking mga kauri." pasiring, patama at pagpaparinig ko sa aking katabi.

"Si Affedyce ang kailangan niyo at hindi ako."

"Pero kayo po ang diyos ng mga panaginip, hindi po ba?"

"Tama ka iha. Diyos ako ng panaginip... pero hindi ng puso." Ha? Naguguluhan ako. Hindi raw ng puso? Eh kung gayon, si Affedyce ang mastermind sa mate bond?

"So, hindi po kayo ang mastermind sa pagiging mate namin ng lalaking 'to?" itinuro ko si Devour ng hindi tumitingin sa kaniya. Pataasan kami ng pride ngayon.

"Ako ang dahilan kung bakit ko kayo pinagbuklod na dalawa."

"Hindi ko po kayo maintindihan." sabay kamot ko sa ulo. "Paki-explain nga po ng maayos." Natawa ng malakas ang bathala na tumagal ng isang minuto. Matapos iyon ay natatawa siyang tumingin sa akin.

"Gusto ko ang ugali mo iha, palaban ngunit mapagbiro." Aba't ginawa pa akong komedyante!

"Ano nga ho ang dahilan?" Hindi ko mapigilan ang inip sa tono ko.

"Malalaman mo rin iyon kapag nagtagal ka pa dito sa ating mundo." Ating mundo? You mean kabilang ako dito? Eh sa mortal world naman ako kabilang ah! "Sa ngayon ay hindi ko kayo mapagbibigyan sa hiling niyo." May part sa akin na masaya at may part rin sa'kin na malungkot. Ewan ko ba! "Maliban na lamang sa pagtawid mo sa kabila iha." Bigla akong nabuhayan ng loob.

"Doon na po ako panghambuhay, tama po ba?" Hindi siya umimik. Biglang nag-walk out si Devour. Problema nun?

"Hindi iha... dalawa ang mundo mo. Ang mundo ng mga mortal at ang mundong 'to." What? Paano nangyari 'yon? Dahil ba nakatagal ako ng ilang weeks dito? Eh naligaw lang naman ako sa mundong 'to ah.

"You mean, magpapatawid-tawid po ako? Gano'n po ba?"

"Malaya kang makakatawid dito at sa kabilang mundo."

"Pero mated pa rin ako kay Devour." naibulong ko sa sarili. Ang komplikado naman ng relasyon namin. Parang Hades at Persephone lang ang peg.

"Sundan mo na siya iha." napabaling ako ng tingin sa bathaluman.

"Salamat po sa time niyo, mahal na bathaluman." sabay yuko ko bilang paggalang. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya, nakangiti siya sa'kin. Yung ngiti na malungkot at masaya. Nagkibit-balikat na lamang ako at lumarga na paalis sa templo na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 253 52
HIRING A MAID BUT ENDED UP LOVING EACH OTHER HOPE U LIKE MY STORY:<♡
49.7K 1.3K 21
+18 read at you're own risk thanks fo reading my story
4.6K 62 52
Si Shandao De La Vega ay anak ng sikat na manglalaro ng bridge kilala siya bilang isang masunurin, maunawain at mapagmahal na anak. Sa kanya ng pagla...
68.5K 2K 38
A cassanova could be fall in love with an average girl? & An average girl who loves studies could be fall in love with a cassanova? Or maybe... Cass...