San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER III: NIGHT CHANGES

82 17 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

"Congratulations!" Iyon ang una nyang narinig pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata, napangiti agad sya ng makita ang mga magulang nya na nakangiti sa kanya. Bumangong sya at lumapad ang ngiti nya ng makitang mayroong nakahain sa hapag.

"Bangon na Fatima, nilutuan ka ni nanay ng paborito mong spaghetti." Sambit ng kuya nya kaya napatayo na talaga sya. Agad nyang niyakap ang mga magulang nya upang magpasalamat at nagsalo-salo na sila sa munting handa nya.

Ganoon lamang at nag-uumapaw na ang saya nya sa puso nya, hindi na kailangang magarbo basta kumpleto sila at mayroong kahit papaanong handa ay sobrang saya na nya, para sa isang gaya nyang madalang makaranas ng ganoong pagkain ay sapat na sa kanya iyon pakiramdam nga nya'y sobra-sobra na iyon. Ang sayang nararamdaman nya ay nanatili ng ilang araw sa puso nya sapat upang buong bakasyon ay nalimutan na nya ang tungkol kay Vladimir at sa pasalubong nito para sa kanya.

Sumapit ang sumunod na pasukan at nasa kolehiyo na sya, panibagong buhay na naman iyon para sa kanya ngunit masasabi nyang mas mabuti na iyon kaysa sa dati na parati syang pinagkakaisahan at kinakawawa, nagulat rin sya ng lapitan sya ng ilan sa mga kaklase nya upang makipagkaibigan. Ganoon lumipas ang mga araw nya sa eskwelahan, aral at bahay lang naman sya madalas ngunit ang nag-iba nga lang ay mayroon na syang matatawag na mga kaibigan na noong una ay aminado naman syang nagdududa pa sya ngunit paglaon ay nagawa na rin nyang tanggapin.

"Hoyyy! Excited na ba kayo sa bakasyon?!" Tili ni Miriam, ang kaibigan nya.

"Hindi, mas excited ako na second year college na tayo sa susunod na pasukan!" Sagot ni Yammie saka tinabig ang pangangalumbaba nya.

"Ano?" Inis na tanong nya.

"Nako girl, wag mong sabihing iniisip mo yung prince charming mong nagpapakita lang sayo tuwing bakasyon?" Pang-aasar nito sa kanya, agad syang napasimangot ng marinig iyon.

"Kadiri ka, pinaalala mo pa nalimutan ko na nga ang tungkol sa bagay na yun." Ismid nya, iyon naman kasi ang totoo. Huli nyang naalala iyon ng ikwento nya sa kanila ang tungkol kay Vladimir ng minsang usisain ng mga ito ang buhay nya at simula noon ay hindi na nya iyon naalala o nabanggit pa. Hindi na rin naman kasi bumalik pa ang lalakeng iyon kaya ipinagkibit-balikat na lamang nya at kinalimutan.

"Malay mo naman dumating iyon ngayong bakasyon?" Puno ng pag-asang sambit ni Miriam na ikinairap nya.

"Wag kayong masyadong hopia, baka nga nalimutan na ako nun atsaka isa pa hindi iyon ang iniisip ko."

"E ano?"

"Iniisip ko kung makaka-survive pa ba ako next academic year e."

"Nako girl, syempre makaka-survive tayo!" 

"Oo nga, kaya natin ‘to!" Sang-ayon ni Yammie kay Miriam at napatango-tango na lamang sya.

Araw ng biyernes ng sumunod na bakasyon ng isama sya ng kanyang kuya sa bayan, kasasahod lamang kasi nito at nais daw syang isama upang bilhan ng bagong damit sapagkat third year na siya sa nalalapit na pasukan, sobrang saya nya hindi lamang dahil magkakaroon sya ng bagong damit kundi dahil makaluluwas sya sa bayan kahit pa bakasyon ng hindi nya kailangang maglakad patungo roon simula sa bahay nila, hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nya hanggang sa makauwi. Excited syang iprisinta o ipakita sa kanyang ina ang binili ng kanyang kuya para sa kanya ng pagpasok nya sa munting kubo nila ay naabutan nya ang kanyang ina, umiiyak habang nakaupo sa lapag.

Animo'y bigla na lamang inihip ng hangin ang sayang nararamdaman nya at sa isang iglap ay para bang sinasaksak ang puso nya sa nakikita.

"Ma, ano pong nangyari?" Agap na tanong nya ng lapitan ito, agad syang naupo sa harapan ng ina at nag-aalalang hinawakan ito.

Umiling ang ginang habang umiiyak pa rin.

"Ma, bakit nga po?" Pamimilit nya ngunit muli lang itong umiling at ng pumasok ang kuya nya sa loob ng bahay nila ay tumayo ito at sinabing kailangan nitong makausap ang kapatid.

Isinara ng mga ito ang pinto, nagtataka sya sa mga nangyayari kung bakit kailangang mag-usap ng mga ito ng sila lamang at kung bakit ganoon na lamang ang pag-iyak ng kanyang ina. Dala ng pagtataka ay pinilit nyang makinig sa usapan ng mga ito, idinikit nya ang tainga sa pinto at pinakinggan iyon ngunit agad din syang nagsisi, tumakbo sya palabas ng bahay habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mga tainga.

Magkakasunod na lumandas ang mga luha nya mula sa mga mata nya patungo sa kanyang mga pisngi, pakiramdam nya hindi na lamang sinasaksak ang puso nya kundi pinipiga na rin iyon sa sakit, paulit-ulit na bumabalik sa isipan nya ang narinig.

“Iniwan na tayo ng papa mo...s-sumama n-na sya sa b-babae n-nya.”

Iyon ang mga eksaktong salitang binitawan ng kanyang ina, hindi nya alam kung dapat ba syang magalit dahil sa nalaman o iiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi nya matanggap na ganoon lamang at basta na lamang lilisan ang kanyang ama, saan ba nagkulang ang kanyang ina? Hindi nya maintindihan, bakit ba kailangang laging mayroong lumilisan? Paulit-ulit nya iyong itinatanong sa kanyang sarili dahil ng sumunod na araw ay ang kanyang ina naman ang umalis upang magtrabaho sa bayan, mag-isa syang naiwan sa munti nilang kubo dahil ang kanyang kapatid na bunso ay iniwanan naman sa kanyang tiyahing nasa kabilang bayan.

Pakiramdam nya hindi nauubos ang luha na nagmumula sa kanyang mga mata, patuloy ang mga iyon na para bang kasing lawak ng dagat ang kaya nitong ilabas sa walang humpay nyang pag-iyak dahil sa isang iglap nag-iisa na lamang sya.

"Tao po!" Rinig nyang sigaw mula sa labas ng kubo, pinahid nya ang luha sa mga mata at sinilip iyon sa bintana.

Maaliwalas ang araw, maganda ang paligid ganoon din ang ngiti ng taong bumungad sa kanya.

"Magandang araw! Kamusta ka na?" Tanong nito.

"Walang maganda sa araw." Ismid nya saka isinara ang bintana, narinig nyang natawa ito.

"Napaka-sungit mo talaga, di mo man lang ba ako lalabasin? Sinadya nga kita dahil ilang araw ka ng hindi nagtutungo sa gubat."

"Umalis ka na!" Sigaw nya.

"Faye, galit ka ba?" Rinig nyang tanong nito.

Napakunot ang noo nya. "Bakit ako magagalit?" Di nya maintindihang tanong.

"Kasi matagal akong nawala? Hindi kita binalikan."

"Pakealam ko?" Matapang na sagot nya. "Wala akong pakealam kahit huwag na kayong b-bumalik!" Nabasag ang boses nya at muli syang umiyak.

"Faye? Anong nangyayari sayo?"

"Wala! Umalis ka na!" Sigaw nya saka niyakap ang mga tuhod at umungko doon, gusto nyang matuwa dahil muli nya itong nakita pero hindi kayang maging masaya ng puso nya. Sobrang sakit ng nararamdaman nya na hindi nya ito magawang labasin dahil pakiramdam nya kung makikita sya nito ay mas lalo lang syang maaawa sa sarili nya.

Buong bakasyon ay hindi sya lumabas ng kubo, naroon lang sya at gumagawa ng gawaing bahay. Inabala nya ang sarili sa gawaing bahay at pagluluto para makalimutan nya ang sakit, sumapit ang pinning ceremony para sa kanilang unang on the job training o OJT at pinilit nyang huwag maiyak ng paggising nya wala ni isang naroon para salubungin sya ng may ngiti. Walang handa sa mesa at wala ang congratulations ng kanyang mga magulang, tanging ang katahimikan at huni ng ibon ang naririnig nya. Oo nga't makadadalo sya sa seremonya ngunit para saan? Parang wala namang saysay na dumalo sya gayong wala naman ang mga magulang nya kaya naman natulog na lamang sya buong araw.

Sabi nila time heals all wounds, iyon din ang pilit na pinaniwalaan ni Fatima paglipas ng mga buwan maging ng mga taon. Sinubukan nyang makalimot at masanay sa pagbabagong iyon sa buhay nya kaya naman kahit papaano ay nagagawa na nyang lumabas ng bahay at gumawa ng ibang bagay.

"Magandang araw," bungad sa kanya ng palabas na sya ng kubo.

"Magandang araw," balewalang bati nya pabalik saka sinuot ang sapatos. Isinukbit nya ang bag sa balikat, ikinandado nya ang bahay saka nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Nagmamadali ka ata?" Tanong nito sa kanya.

"May kailangan akong asikasuhin," sagot nya habang abala sa paghahanap ng wallet nya sa bag.

"Iha-"

Pinara nya ang tricycle na dumaan ng nasa main road na sila dahilan para hindi nito maituloy ang sinasabi nito. Huminto sa tapat nya ang tricycle.

"Sa bayan po, manong." Nagmamadaling sambit nya saka sumakay, ni hindi na nya nagawang lingunin pa ang kausap dahil nawala na doon ang atensyon nya.

Buong araw ay abala sya sa pag-aasikaso ng thesis nila, halos sumabog na ang buhok nya kahahabol sa mga important person na dapat pumirma sa papers nila, stress na stress na sya buong araw at nalimutan na nyang kumain dahil sa paghahabol pero ayos na iyon para sa kanya kaysa naman sa lalake sya maghabol bagay na paulit-ulit nyang sinasabi kay Miriam na baliw na baliw ngayon sa nobyong mukha na ngang flag pole e red flag pa.

Gabi na ng matapos sya sa lahat, hindi naman na sya nagmamadali pero mukhang kailangan dahil nasa second floor pa sya ay umaambon na sa labas, dali-dali syang bumaba sa first floor sakto namang paglabas nya ay bumuhos ang malakas na ulan, muntikan syang mabasa kung hindi lang may nagpayong sa kanya na agad nyang tiningnan.

Nagsalubong ang kilay nya ng makita kung sino iyon. "Anong ginagawa mo rito?"

"Inaantay ka?"

"Bakit?" Naguguluhang tanong nya dahil hindi nya ma-gets ang trip nito sa buhay.

"Kinakausap kita kanina pero dini-dedma mo ako, galit ka talaga sa akin?"

Napailing sya. "Ikaw pala 'yon, nagmamadali kasi ako kanina. Pasensya na."

"Ayos lang, tara na?"

Napakunot-noo sya. "Saan?"

"Sainyo? Ihahatid na kita, umuulan."

"Salamat pero hindi na kailangan." Agad na tanggi nya.

"Faye, sorry na nga."

"Baliw, hindi nga ako galit."

"Iniiwasan mo nga ako."

"Hindi kita iniiwasan." Napabuntonghininga sya. "Busy lang ako, napakarami kong kailangan tapusin bago mag-graduation next next month."

"Oo nga pala, ga-graduate ka na ng college."

"Alam mo?"

Tumango si Vladimir. "Oo naman, 21 ka na at 26 na ako."

"Binibilang mo pa pala yan."

Bahagya syang tumawa. "Oo naman, akala mo ba nalimutan na kita?"

Nagkibit-balikat sya. "Wala naman akong pakealam kung oo." Akmang papara sya ng jeep ng pigilan sya ni Vladimir.

"Faye, ihahatid nga kita."

Napakunot ulit ang noo nya. "Oo nga, kaya nga pumapara na ako ng jeep."

"Faye, may dala akong sasakyan."

"Okay...?" Nagpaubaya na lamang sya ng alalayan sya nito palapit sa isang puting kotse. "Sayo 'to?"

Tumango sya saka ngumiti. "Galing ko ba?" Tanong nito saka pinagbuksan sya ng pinto. "Sakay na bago pa tayo bagyuhin."

Hindi sya umimik at pumasok na lang, di nagtagal ay nagmaneho na ito paalis doon. Napabuntonghininga sya habang pinagmamasdan si Vladimir na seryosong nagmamaneho, iniisip nya kung ilang taon na ba ang lumipas ng huli nya itong nakita at napakalaki na ng ipinagbago nito.

"Bakit?" Natatawang tanong nito ng mapansing nakatingin sya.

Isinandal nya ang ulo. "Ilang taon na ba ang lumipas noong huli?"

"4 years?" Di siguradong sagot nito.

Napatango-tango sya. "4 years....matagal na nga, marami ng nagbago."

"Oo, last time that I saw you 4th year highschool ka pa lang pero ngayon ga-graduate ka na ng kolehiyo. Pakiramdam ko nga ambilis kong tumanda."

"Correction, gurang ka na talaga at konti na lang mawawala ka na sa kalendaryo."

Napaismid ito. "Dalaga ka na pero ang pangit pa rin ng ugali mo."

"May mga bagay na nananatili at may mga bagay na nagbabago." Makahulugang sabi nya ng maalala ang nangyari sa pamilya nya, sa lumipas kasing taon ay mas lalong lumaki ang pagbabago na dumaan sa pamilya nya. Nag-asawa na ang kuya nya samantalang ang ina naman nya ay nangibang bansa, yung bunso naman nyang kapatid ay tuluyan ng inampon ng tiyahin nya kaya naman wala na talagang natira sa kanya kundi ang kubo at ang mga alaala ng masayang pamilya na mayroon sya noon.

"May mga bagay ring bumabalik." Sang-ayon nito sa sinabi nya.

"Ano na pa lang balita?"

"Same old, got some exes then left me."

"Di ka pa nadala,” saglit nyang tiningnan ito bago ibinalik ang tingin sa bintana. "Nakatapos ka naman?"

"Yup, engineer na ako faye." Rinig nyang sabi nito kaya napatingin sya, nakangiti ito, “and guess who top the board?"

"Of course ikaw, alangan namang ako?" Sarcastic na sagot nya.

"Hindi ka man lang ba proud sa akin?" May himig ng pagtatampo sa tono ng boses na tanong nito.

"Do I have to?"

"Grabi, nakakasakit ka na talaga."

"Sira, ang drama mo."

Ihininto ni Vladimir ang sasakyan di kalayuan sa kubo saka naunang bumaba sa kanya at pinagbuksan sya ng pinto.

"Bakit lumusong ka?!" Tarantang tanong nya ng makita ang baha na hanggang tuhod na ni Vladimir.

"Bakit? Anong problema?"

"Vladimir! Baka ma-leptospirosis ka!"

"Maghuhugas na lang ako ng maayos, halika na." Balewalang sambit nito na ikinasimangot nya, akmang lulusong na rin sya ng pigilan sya nito. "Wait, hawakan mo na lang pala 'to." Utos sa kanya, naguguluhang tinanggap nya ang payong na ipinapahawak nito at napatili sya ng buhatin sya ng lalake.

"Bakit?!" Tanong nya ng magsimula na itong maglakad.

"Buong araw kang naka-sapatos baka mapasma ang paa mo kapag lumusong ka." Sagot nito at hindi na sya nakaimik, nanatili ang tingin nya sa seryoso nitong mukha at ng mapansin ni Vladimir na nakatingin sya ay nginitian lang sya nito.

Ibinaba naman sya, iyon nga lang sa tapat na ng pinto ng kubo. Agad nyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob, mabuti na lamang ay mataas ang silong ng bahay dahil kung hindi ay babahain ang loob ng bahay.

"Hindi ba papasukin ng baha ang kotse mo?" Tanong ko.

Umiling si Vladimir saka nagpagpag ng sarili. "Nasa mataas naman," sagot sa kanya.

Inalis nya ang sapatos at pumasok sa kwarto, kumuha sya ng twalya at pamalit dahil hindi nga sya nabasa pero basang-basa naman ang lalake, lumapit sya at ibinigay ang mga kinuha.

"Sabunin mo ng maiigi ang paa at binti mo, pagna-leptospirosis ka talaga masasakal kita." Bilin nya na may pagbabanta.

"Yes madam." Sambit nito saka pabirong sumaludo at pumasok sa banyo.

Pumasok naman sya sa kwarto at ni-lock iyon para magpalit ng pambahay, mabuti na yung sigurado kaysa naman sa magkagulatan na lamang silang dalawa mahirap na lalo't silang dalawa lang ang naroon. Matapos makapagbihis ay pumunta sya sa kusina para magluto ng hapunan.

"Faye," rinig nyang tawag nito.

"Ano?"

"Nasaan ang nanay mo?"

"Nasa ibang bansa."

"Ang itay mo?"

"Sumama sa babae nya," napabuntonghininga sya. "Nag-asawa na si Kuya samantalang inampon na ni tiya ang bunso kong kapatid." Balewalang sabi nya na para bang wala na iyon sa kanya kahit unti-unti na naman nyang nararamdaman ang sakit na dulot nun.

"Ikaw na lang ang mag-isa rito? Kailan pa?"

"First year college ako ng sumama sa iba si itay, second year college naman ako ng mag-ibang bansa si nanay kasabay nun inampon na ni tiya si bunso..." huminga sya ng malalim. "Nag-asawa na rin si kuya."

Nagulat si Vladimir. "First year....noong bumalik ako na..." tumango si Faye bilang pagkumpirma sa sinasabi nito. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Kailangan ko pa lang sabihin?"

"Faye-"

"-tama na, tapos na yun." Hinango nya ang niluto at naghain. "Halika na, kumain na tayo. Uuwi ka pa ba?"

Nag-aalala pa rin ang kislap ng mga mata nito ng sumunod sa sinabi nya, kumain sila ng tahimik. Unang beses nilang nagsabay kumain ngunit mas malamig pa sa kanin ang pakiramdam ni Vladimir sa kaharap nyang dalaga. Anim na taon lang naman ang lumipas pero parang namatay ito at nawalan na talaga ng pakealam sa lahat ng nakapaligid sa kanya, napabuntonghininga siya ng matapos silang kumain.

"Ako na lang ang maghuhugas, gawin mo na kung anong dapat mong gawin." Sambit nya.

"Salamat," tanging sagot ni Faye sa kanya saka tinulungan syang magligpit pagkatapos ay pumasok sa kwarto at ng bumalik ay inukupa nito ang mesa saka ginawa ang dapat gawin. Paminsan-minsan ay pinagmamasdan nya ito, sa isang iglap pakiramdam nya pinagsisihan nya ang mga taong nawala sya sa buhay nito dahil naging makasarili sya at pinili nyang isipin ang sariling pinagdaraanan matapos nyang ipilit na magkaibigan sila, sya na mas matanda kay Faye na dapat gumagabay sa dalaga.

Napabuntonghininga sya. "Uuwi ka pa ba?" Rinig nyang tanong nito ng matapos syang maghugas.

"Pwede bang bukas na lang ng umaga paghupa ng ulan?" Nanantsang tanong nya dahil ramdam nyang malayo ang loob nito sa kanya, kahit naman kasi noong pilit syang itinataboy ng dalaga ay hindi nya naramdaman ang ganitong pagtrato nito kaya hindi nya alam kung anong dapat gawin ngayong ganito na ito.

"Oks, doon ka na lang matulog sa kwarto."

Agad syang napailing. "Dito na lang ako sa sala." Tanggi nya.

"Hindi ako matutulog kaya doon ka na." Pinal na sabi nito kaya't wala syang nagawa kundi magpaubaya na lamang, doon sya pumuwesto sa kwarto nito pero hindi rin naman sya napakali, sinilip nya si Faye at nakita nyang abala ito sa ginagawa.

Maingat syang sumandal sa dingding habang pinagmamasdan ito sa siwang ng pinto, hindi nya talaga maiwasang makaramdam ng pag-aalala para sa dalaga. Aminado naman sya na noon ay nilalapitan nya lang ito para malibang ng malimutan nya ang sakit na nararamdaman ngunit sa pagtagal malabo man na paniwalaan ngunit itinuring na rin naman nya itong kaibigan kahit pa napakasungit nito sa kanya, ngunit ngayong nalaman nyang nag-iisa na lamang ito sa gitna ng lugar na ito na malapit pa sa kagubatan at malayo sa kapitbahay ay hindi nya maiwasang makaramdam ng pag-aalala para sa seguridad ng dalaga. Alam nyang huli na para mag-alala pa dahil ilang taon din syang nawala ngunit hindi pa naman siguro huli para kahit papaano ay bumawi.

"Goodmorning," nakangiting bati nya ng sumapit ang umaga, nakapagluto na sya ng almusalan nila na sa awa ng diyos ay kinaya nyang magluto kahit wala syang kaalam-alam sa mga naroon.

"Morning," bati pabalik sa kanya ni Faye saka dumiretso sa banyo, ng lumabas ito ay nakabihis na. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong nito sa kanya.

"Ayos lang bang ihatid muna kita bago ako umuwi?"

Napakunot ang noo ni Faye dahil sa sinabi nya. "Sa susunod wag ka ng mag-abala, ayos lang ako." Walang emosyong sagot nito.

"Nagluto pala ako ng almusalan natin, pasensya na nakialam na ako sa kusina nyo."

"Ayos lang, salamat." Sambit nito saka naupo na at nagsimula na silang kumain ngunit hanggang sa maihatid nya ito sa eskwelahan nito ay hindi ito umiimik maliban na lamang para magpasalamat.

Muli syang napabuntonghininga at dumiretso sa maynila, buong gabi nyang pinag-isipan ang desisyon nyang ito at pakiramdam nya tama naman ang gagawin nya para sa dalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

423K 23.6K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.1M 253K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
18.1M 480K 41
After being involved with a cold-hearted mafia boss, Robyn Lehman decides its time to run. Little did she know, she was carrying the future heir to h...
22.7M 795K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...