My Naughty Boastful Boss (Fre...

By Ice_Freeze

9.1M 193K 18.6K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical... More

READER'S GUIDE
Freezell #2: My Naughty Boastful Boss
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
EPILOGUE
MNBB UNDER PSICOM

Twenty-two

168K 4K 312
By Ice_Freeze

AVREIN

"FRIA, buntis ako."

Nakita namin ni Fria na binuhat si Vience ng mga lalaking empleyado para siguro dalhin sa ospital. Hindi ako nag-aalala kay Vience dahil alam kong tama ang kutob ko na ito.

It runs in the family. Sa pamilya ng Freezell, ang mga lalaking nakakabuntis sa babaeng Freezell o asawang babae ng Freezell ang siyang nakakaranas ng sakit ng paglilihi at ang siyang nagkakaroon ng weird cravings. Hindi ko alam kung paano o kailan nagsimula, basta't ganito na ang tumatakbong sumpa sa pamilya.

"How did you say so? Nahilo, nagsuka at hinimatay lang si Sir Vience and now you're here telling me that you're pregnant? Have you already lost your sanity, Avrein? Or you're giving yourself a false hope na puwede kayong magkaroon ng seryoso at steady na relasyon dahil diyan sa pinagsasasabi mo?" kunot-noong tanong ni Fria sakin. Her words hit me so hard.

"B–but you don't get it, Fria. G–ganiyan ang sumpa sa pamilya namin," utal na sagot ko rito dahil tila ako nabuhusan ng yelo sa sinabi niya.

"Every hope you make will always lead you to disappointment. Don't get me wrong, Avy. I'm not saying these things for my sake. It's for your own. I don't want to see you hurting, kasi mas nasasaktan ako."

"I–I know," I answered.

Am I really giving myself a false hope?

"Puwede nating alamin ang kung totoong nagdadalang-tao ka mamaya pag-uwi natin sa unit mo. Is that okay with you?" aniyang muli sa akin at tumango naman ako bilang sagot. "Magtuloy na muna tayo sa kaniya-kaniya nating cubicle. Alam kong hindi ka pa rin handa na makita siya kaya't hintayin na lang natin mamaya ang pagbabalik niya."

"Are you sure okay lang siya?" kinakabahan kong tanong.

"Yep! Mamaya makikita mo na rin 'yan sa loob ng opisina niya. Nangyari na rin naman ang ganiyan noong mga nakaraang araw kaya nasasanay na 'ko," sagot ni Fria na nakapagpatahimik sa akin.

"Kasalanan ko ba?" wala sa sariling tanong ko.

"You are partly responsible," sagot naman ni Fria, saka ako hinatak papasok ng elevator.

Tahimik lang ako hanggang sa una naming marating ang floor ni Fria at lumabas siya. "Puntahan na lang kita mamayang lunch, ha?" nakangiting wika nito na ikinatango ko.

Muling sumara ang elavator at dinala ako nito sa floor ko. Tahimik lang akong lumabas at pinagmasdan ang paligid. Wala namang nagbago sa apat na linggo kong pagkawala maliban lang sa napakaraming tila mga sirang gamit sa harapan ng opisina niya.

Nagtuloy lang ako at napansin kong nakaawang nang bahagya ang pinto. Muntik pa akong mapatalon nang biglang may isang hindi katangkaran at maputing babae ang lumabas dito habang may bitbit na walis at dustpan.

"Ay kinalabawang kamote!" tili nito nang makita ako. "Pambihira naman, Miss!" sabi pa nito na humawak sa dibdib.

"Sino ka?" tanong ko dito.

"I'm Rahfia, ako ang secretary ni Mr. Montealegre. Ikaw? Sino ka?" taas-kilay na tanong nito sa akin.

"I'm her secretary too. I'm Avrein," sagot ko rito na biglang ikinalaki ng mata nito bago tuluyang lumabas at dumeretso sa cubicle ko.

Sinundan ko siya at nakita kong mabilis niyang nililimas ang mga gamit niya habang maingat naman niyang ibinabalik ang mga gamit ko sa orihinal nitong pwesto.

"Naku po! Naku po! Bumalik na ang original. Dead end na naman. Babalik na naman ako sa pagiging tambay ng kumpanya. Hayahay," bulong nito na rinig ko naman.

"Ahmmm, excuse me? Ikaw ba ang pansamatalang pumalit sa akin?" curious na tanong ko rito na ikina-angat nito ng tingin sa akin.

"Ang ganda mo pala talaga. Hindi na ako nagtataka kung bakit muntik sirain ni Sir lahat ng meron siya dahil lang hindi ka niya mahagilap," diretsong pahayag nito.

"H–huh?"

"Literal na muntik niya nang pabayaan 'tong kumpanya dahil araw at gabi ka niyang hinahanap," tila naman ako natuod sa sinabi niya. May panibago na namang saksi sa ginawa niya bukod kay Fria. Dapat na ba akong maniwala?

"Bakit—"

"Kung iniisip mo na mayaman naman siya ay bakit hindi siya na­g-hire ng mga private investigator? Para kasing may humaharang sa mga impormasyon na gusto niyang makuha kaya't hindi na rin siya umasa sa mga ito," paliwanag nito.

May humaharang ng mga impormasyon? Hindi ako magtataka kung si Aeickel ang may pakana niyon.

"Bakit ang dami mong alam—"

"I'm Rahfia Montealegre." Bahagya naman akong napanganga sa sinabi nitong pangalan. "I'm his cousin's wife," paliwanag nito nang nakangiti. "Nakiusap lang sakin si Jim—my husband, na ako muna raw ang maging sekretarya ng pinsan niya habang wala ito sa sarili."

"Ganoon p–pala."

"Since nandito ka na rin naman, gogora na ako," paalam nito binang nakangiti habang bitbit ang mga gamit niya.

"Tulungan na kita," alok ko rito.

"Huwag na, sis. Stay put ka na lang diyan at hintayin mo ang pagdating ng mahal na hari. By the way, kumaunti na rin ang mga drama actress na nagpupunta rito kaya wala ka nang gaanong sakit ng ulo," masayang wika nito sa akin bago tumuloy sa elevator.

"Salamat po," paalam ko rito habang kumakaway.

"Just take care of him!"

Bumalik na ako sa cubicle ko. Kasalukuyan kong ipina-plug ang computer ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ko.

"So the prodigal secretary came back?" Napapihit naman ako sa pinanggalingan ng boses. Gulat at takot ang gumuhit sa katauhan ko nang malingunan ko si Vience. Gulat dahil hindi ko inaasahan na agad siyang paparito sa opisina niya matapos ang nangyari kanina, at takot dahil malamig na mga mata ang nakatingin sa akin ngayon—malamig na mga mata na tila walang emosyon.

"Vience—"

"It's Mr. Montealegre, Ms. Freezell." malamig na tugon nito bago ako lumabas at tuluyan nang pumasok ng opisina.

Ito na ba ang sasalubong na Vience sa akin?

MAGHAPON akong maraming inasikasong mga papel. Ayos dito, ayos doon. Papirma dito, papirma doon.

Sa totoo lang nasasaktan ako sa inaasta at pakikitungo ni Vience sa akin. Iniisip ko kung asta ba ito ng tao na walang ginawa kundi hanapin ako, at ngayon naman na nasa harap ako ay kulang na lang ay gawin akong hangin. Sa tuwing may papipirmahan ako sa kaniya ay tila lang ako isang hangin na may inilapag na papel sa harapan niya. Is this what I get for what I did?

Ngayon ay nasa cubicle ko ako. Nakatitig lang ako sa computer ko at nakatiklop ang mga labi. Nahihirapan ako sa sitwasyon.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa cubicle ko kaya't mabilis akong lumabas.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang bagong dating.

"Hi, Miss. Nariyan ba si Vience?" nakangiting wika nito.

"Opo, sandali at sasabihin ko na narito po kayo," kaswal na tugon ko kahit na ang totoo ay kakaiba ang kabog ng dibdib ko.

Tinungo ko ang intercom d-in-ial ang opisina niya. "Mr. Montealegre, Ms. Denelle Kazehaya is looking for you," labag sa kalooban na turan ko.

"Send her in," malamig na tugon nito bago pinatay ang intercom.

Mabilis naman akong lumabas at hinarap ang maamong mukha ni Denelle. "Pasok na daw po kayo."

"Really?" tila naman mangha at nagtatakang tanong nito. "These past few weeks ay ayaw niyang tumanggap ng bisita kahit ako, e. Anyways, thank you!" anitong muli bago tinungo ang opisina ni Vience.

Para namang gusto ko siyang hatakin pabalik nang makita ko na tuluyan na siyang nakapasok. Naiinis ako. Sumasama ang pakiramdam ko at ayoko namang isipin kung ano ang maaari nilang gawin doon sa loob. Ayoko.

Mabilis akong napatago sa gilid ng pinto nang makita ko ang unti-unting pagbukas ng opisina ni Vience. Alam kong para na akong tanga sa ginagawa ko. Noong mga nakaraang linggo ay tinakbuhan ko siya, ngayon naman ay tila ako tangang nakasilip dahil gusto kong malaman ang pinag-usapan nila at ang mga gagawin niya.

"Thank you, Vience!" Bahagya pa akong napamulagat nang biglaang gawaran ni Dennelle ng mabilis na halik si Vience sa pisngi kasabay ng pagyakap niya rito. Kitang-kita ng mga mata ko na tila nagulat din si Vence sa iginawi nito.

Bahagya akong na kinabahan nang inilapit ni Denelle ang labi niya sa tainga ni Vience at tila may ibinulong dito. Napansin ko naman na kumalma na ang mukha ni Vience na tila may narinig itong kaaya-aya sa pandinig.

"I gotta go. See you when I see you, Vience. I love you," wika nitong muli, saka na ito tumalikod at naglakad sa gawi ko.

Mabilis akong pumunta sa swivel chair ko at nagpanggap na kanina pa ako nakaupo roon.

"Thank you for letting me in. Bye!" nakangiting sabi nito bago tuluyang nawala sa harap ko.

Muli ko lamang tinitigan ang computer ko nang makarinig ako ng marahang pagtikhim na siyang ikinalingon ko.

"S–Sir," utal na wika ko.

"Umuwi ka na. Maaga akong uuwi ngayon," pahayag nito sa akin.

Gusto kong magtanong kung bakit. Gustong-gusto ko siyang kamustahin. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihin na nakapag-isip na ako at nakapagpakalma ng isip sa mga panahon na wala ako. Gusto kong sabihin na handa kong gawin lahat para lang hindi malayo sa piling niya—na kahit pa maghintay ako hanggang sa kaya niya nang sabihin sa akin lahat—na kahit pa maging martyr ako basta para sa kaniya—na mahal na mahal ko siya. Gusto kong sabihin na alam kong ipinahanap niya ako at sobrang nagagalak ang puso ko sa kaalaman na iyon.

Ngunit . . . ayaw gumalaw ng mga paa at kamay ko. Ayaw rin gumalaw ng mga labi ko. Ayaw sumunod sa gusto ko. Tila ang mga ito natuod sa lamig ng pakikitungo ni Vience sa akin.

Akma na siyang tatalikod nang mabilis na lamang biglang kumilos ang mga paa't kamay ko na pigilan siya sa braso.

"Vience . . ." Tila naman ito naghihintay sa sasabihin ko ngunit hindi ito lumingon. ". . . s–sorry," utal na saad ko. I didn't know what I was sorry for? Kung bakit sa dami ng gusto kong gawin at sabihin sa kaniya, iyon pa ang lumabas sa mga labi ko.

"Stop it, Ms. Freezell. I am begging you, please stop." Tila kumirot ang malaking parte ng puso ko sa itinuran niya. Masakit dahil hindi ko alam kung saan niya ako pinatitigil.

"V–Vience."

"Stop fucking saying sorry! Stop saying nonsense things. I no longer care because for me . . . they no longer matter."

Parang nayanig ang mundo ko sa narinig ko. Ano bang mali? Ano bang nagawa ko? Dahil ba pinili kong sukatin kung hanggang saan niya ako mahal? Dahil pinili kong magpahinga matapos kong ibigay ang lahat sa kaniya? Dahil sandaling panahon kong inuna ang sarili ko at ang nararamdaman ko?

Napayuko ako sa narinig ko at binitiwan ang braso niya. "Nonsense? Stop?" I laughed sarcastically. "And how we are supposed to go on with our BFP contract if I'm going to stop now? C'mon, tell me, Vience. How? Ang laki naman yata ng kasalanan ko na sandaling panahon kong inuna ang sarili ko at ang nararamdaman ko." Iyon lang ang huling alas ko na maaring magbuklod sa aming dalawa—ang kontrata.

I saw how his body stiffened upon hearing what I just said. But after a while he immediately composed himself. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "BFP?" He then smirked. "Didn't you know that the moment you turned your back on me that morning and left me, was the same day that we were already done with that goddamn contract? You missed the chance. You left when I was so re—damn it!" Hindi niya itinuloy ang huli niyang sinasabi at tinapos na lamang ito sa pagmumura.

"Vience—"

"Let's just stop, Ms. Freezell. You're nothing to me now. You are now just a secretary—a plain secretary. Maybe you should at least be thankful dahil kahit papaano ay may binalikan ka pang posisyon." He even emphasized some words that crashed my world into pieces.

Hindi na ako nagsalita pa dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang siya naman ay tuluyan na akong tinalikuran, saka lumisan.

--

M A Y O R A
I C E _F R E E Z E

Ang laki ng ipinagbago ni Vience sa version na 'to. Kasumpa-sumpa siya sa ine-edit ko kung alam n'yo lang. 🤣 Sana okay lang ang flow sa inyo.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 4.7K 51
[The Palmer Brothers: FOUR] - I was scared not because you love me, I was scared you'd change your mind because that's what you always do.
31.7M 399K 45
[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then...
106K 4.2K 53
[The Palmer Brothers: FIVE] - The law of loving you states that it is a major offense, punishable by lifetime imprisonment.