ZBS 4: Green Bee's Longing To...

By iamyourlovelywriter

2.1M 49.3K 2.5K

Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A (spg)
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE (END)
Extra #1: MasterH's letter to Green Bee
Extra#2: A man who wants her as his woman

Chapter Seven

80.3K 2K 127
By iamyourlovelywriter

Chapter Seven

"MASYADO kang maraming sinasabi at saka hindi naman totoo ang sinasabi mo. He's a man he hurts women so I wouldn't trust someone like him." She ignored what G just said. Hindi kayang tanggapin ng sistema niya ang mga sinabi nito because they don't make sense.

"Sige ideny mo pa iyan pero seryosong usapan ano nga ang nangyari?"

Umayos siya ng upo at kinuha ang unan nito. "Hindi sinabi nina tita na naisangla ang bahay namin dahil sa pagpapagamot sa akin. It has been two decades since then at hindi na nila nabigyan ng pansin dahil hindi naman sila sinisingil ng dating may-ari. Hindi na nila namalayan na tumaas na ang interes at hindi na nila kayang bayaran pa. The original owners sold the house for thirty million pesos since it's a really big property. Si Warren ang nakabili ng property at gusto niyang gawing restaurant."

Nakikinig lang ito sa kanya na tila ba inaalisa ang mga bagay-bagay. "Hindi sinabi sa akin ng mga tiyahin ko na malapit na pala kaming paalisin sa bahay namin. Kung hindi ko siguro nakuha ang letter malamang hindi ko pa malalaman, siguro malalaman ko lang kapag napalayas na kami sa bahay namin. I confronted Warren and asked him if I could buy the property from him. Sinabi niya fifty million daw ang halaga ng bahay at lupa namin, saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga hindi baa gad-agad? I am planning on asking Hexel for help."

"You can ask me for me help too Diana Rose."

Tiningnan niya ito. "You were saving for your freedom Georgette, kung ikaw nga hindi ka humingi ng tulong kay Hexel-."

"I am still asking her for help Diana kung alam mo lang but I'd rather kept myself in the darkest than see one of my friends lost something really precious to her."

Umiling siya. "Hindi ko rin maaatim na hindi mo makuha ang bagay na mahalaga sa iyo. Kung mayaman lang ako G matagal na kitang binili sa mga taong iyon."

"I don't want you to be involve with my other work Diana, hindi pwede... I am going to see that guy kung pwede ko pa siyang pakiusapan. We are going to buy your house and lot again I am going to use my own money."

"Huwag na G, magpapakasal nalang ako sa kanya at bibigyan ko nalang siya ng anak. Sa iyo na ang ipon mo at ibigay mo na iyan sa mga masasamang loob na iyon."

"Are you really fine with tthat?"

Tumango siya. "Maybe I can manage now, besides sa lahat ng lalaki-tunay na lalaking nakilala ko siya lang ang nakakaya kong hawakan at siya lang din ang nakakahawak sa akin ng hindi ako nahihimatay." Paliwanag niya. "I want to cure my illness baka siya na nga ang makakatulong sa akin."

Panandaliang nanahimik ito. "Now that's interesting." Humiga na ito sa tabi niya. "Matulog ka na Diana I think alam mo na ang sagot sa tanong mo all you need is someone to push you and someone whom you can rely on kapag hindi nangyari ang nasa plano. Remember this kahit na anong mangyari we are always here for you. Hindi na ulit mangyayari ang nangyari kay Hexel before isusugal ko ang buhay ko at ibibigay ko kung anong meron ako para lang sa inyo."

Niyakap niya ang kanyang kaibigan, wala man siyang mga magulang pero sobrang swerte niya sa mga kaibigan na meron siya.






"ANONG sagot mo sa inaalok ko sa iyo?" agad na salubong ni Warren sa kanya. Hindi pa man siya nakakaupo ay iyon na agad ang tanong nito.

"Pwede mo naman siguro akong paupuin hindi ba?"

"Oh, sit down." She rolled her eyes at umupo na rin, nasa Archer's siya ng mga oras na iyon pagkagaling niya sa bahay ni G ay dito siya nagpunta. Hindi kasi siya makapagconcentrate hangga't hindi pa siya naaassure na hindi mawawala sa kanya ang bahay nila. "So-."

"Menu, ma'am, Sir." Napatingin siya sa nagbigay sa kanila ng menu agad na sumilay ang magandang ngiti sa labi niya ng makita niya si Ross. Ang manager ng restaurant nito.

"Hi, Dalziel Ross." Masayang bati niya dito. Ewan ba niya pero ang gaan-gaan ng loob niya sa batang ito. Kung nabubuhay siguro ang kapatid niya malamang kaedad lang nito iyon. Pero impossible naman iyon kasi nga nakita niya mismo sa kanyang mga mata na namatay ang mommy niya and she was pregnant then.

"Good morning Ms. Diana." Ganting bati nito. She actually had this urge to pinch him on the cheeks. He's really so cute and adorable, gustong-gusto nga niya itong yakapin.

"Ross you don't have to serve us call some waiter then." Singit ni Warren na waring may ibinibigay na senyales sa pobreng binata.

"Yes, Sir." Tumango muna ito sa kanya at binigyan niya ito ng tipid na ngiti at saka sinamaan ng tingin si Warren.

"Kawawa naman iyong bata bakit mo sinabihan ng ganoon?" inis na piksi niya.

Nagdugtong ang mga kilay nito. "Why? Do you like him?" ayaw niya sat ono ng boses nito para kasing may ibig itong ipahiwatig.

"Gusto ko siya he seems nice and I like his name too katunog ng pangalan ko." She explained.

"You are too old for him kung hindi kita papakasalan baka wala ng magpakasal sa iyo dahil sa edad mo. You are already twenty six or twenty seven right? Ang mga lalaki ngayon mas gusto ng bata-."

"Bakit hindi ka magyaya ng mas bata sa akin? I maybe twenty six but I am pretty sure hindi pa iyon matanda and besides sa panahon ngayon hindi na basehan ang edad sa pagtukoy sa isang tao na matanda na sila o hindi. And besides I don't care if no one wants to marry an old maid like me, kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko."

Bigla itong tumitig sa kanya mga ilang minuto din iyon kaya mas lalo siyang nakadama ng awkwardness. Nakakainis kasi iyong nag-a-outburst ka at nageexpect kang sasagutin ka ng kausap mo pero hindi pala dahil mas pinili nitong titigan siya.

"What? Kung natatakot kang mag-che-change ang utak ko dahil sa binatang iyon don't worry I know my priorities."

He shifted. "That's good... I mean that you know your priorities." Bawi nito. "He's too young for you and you haven't given me your answer yet."

"Magpapakasal ako sa iyo kung iyan ang gusto mo, I want that house back to us." This is it. "Hindi ko naman sinasabing ibigay mo iyon sa amin, we can pay it slowly to you or magrerenta kami kahit na mag-asawa na tayo magtatrabaho pa rin ako."

"Hindi pwede ano nalang ang isipin ng mga tao?"

"Na isa kang asawang sensitive sa nararamdaman sa asawa niya, na hindi mo ako sinasakal at hinahayaan mo akong gawin ang mga bagay na gusto ko. I don't want to be restricted Warren kaya nga hindi pumasok sa isip ko na mag-asawa. I want my freedom, that's the only thing my deceased parents left to me when they were gone."

"But you are working in a call center company, iba ang oras ng pasok mo at pasok ko." Reklamo nito.

"Hindi naman iyon importante hindi ba? It's not like this is a real marriage, sa papel siguro pero sa totoong buhay kailangan mo lang na may maipresent na asawa hindi ba? May rest days naman ako that's Saturday and Sunday. Pero huwag kang mag-expect na gigising ako ng maaga para maglinis ng bahay o ano--- wait, are we living in the same house or not?"

"Magpapakasal tayo kaya dapat lang sa isang bahay tayo tumira."

"At ang kwarto?"

Malakas itong napabuntong-hininga. "I want an heir of course we are going to sleep in the same room."

Mabuti nalang talaga at nasanay na siya sa mga green jokes and lines kaya hindi na siya namula sa sinabi nitong gusto nito ng tagapagmana.

"You told me you are going to do me when I am asleep right? Pwede bang kapag ginagawa mo iyon huwag mo lang akong basta-bastang pababayaan after that. Kahit kumutan mo lang ako okay na ako doon, ayokong magkasakit dahil ayokong abalahin ang mga tiyahin ko kapag nagkakasakit ako. Iyon lang ang gusto ko."

"Noted." She tapped the table to ease her tension and the faint pain she felt all over her body. Hindi niya maexplain pero pakiramdam niya ay may masakit na hindi niya matukoy kung saan basta ramdam lang niya. "Ihaharap kita sa mga magulang ko bukas as of now I want to talk to your aunts. Ayokong isipin nila na ninanakaw kita sa kanila ayoko ng kaaway."

"Napagplanuhan ko na rin iyan."

"And I want you to befriend my family and pretend that we really want this marriage. Ayokong isipin nila na nagpapanggap ka lang my family isn't someone we can fool easily at hindi sila medaling iplease."

Naalala niya si Kristine ang doktora na asawa ng kapatid nito. "May standards ba ang parents mo sa mapapangasawa ng mga anak nila?"

"Every parents want the best for their children." Hindi siya umimik dahil wala naman kasi siyang ganoon, all her ideas were gathered from the experiences of people living around her. "I think your parents wants the best for you too."

Isang sulyap lang ang ibinigay niya dito bago dumako ang mga mata niya sa bulaklak na nasa tabi nila. Ang alam lang nito ay ang phobia niya pero hindi nito alam kung ano ang nangyari sa kanya. She can't even remember it anymore, she can't even remember her parents faces anymore. Kung buhay siguro sila ngayon for sure--- natigilan siya ng may biglang duma sa harap niya.

Isang lalaking nakasuot ng three piece suit... nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay hindi na niya maramdaman ang kanyang sarili. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso.

Hindi siya pwedeng magkamali, ang lalaking iyon, ang lalaking iyon ang isa sa mga lalaking pumasok sa loob ng bahay nila noon. Hindi niya maalala kung ano ang ginawa nito doon pero alam niya pumasok ito sa bahay nila.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Warren sa kanya. Napakurap siya at biglang napatingin din dito.

"Yes, I am okay. I- I need to go just call me if you need me or anything I didn't changed my number." Nagmamadaling paalam niya dito. Agad siyang tumayo at tinakbo ang pintuan palabas ng restaurant. She can't bear it anymore, she can't bear to see someone that reminds her of her painful past. Ayaw na niya, ayaw na niyang balikan ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.

"Ay!" tili niya ng bigla siyang matapilok.

"Gotcha." Natilihan siya ng may biglang umalalay sa kanya. "Are you okay Ms. Diana?"

"R-Ross?" napakurap siya ng makilala ang may hawak sa kanya and thenr realization hit her. Hindi siya nasaktan, hindi siya nahimatay, wala siyang maramdaman habang hawak siya nito.

"Mukhang okay na naman po kayo." Tinulungan siya nito ng makatayo ng maayos. "Hindi po ba kayo nasaktan at napilayan?"

Parang tangang umiiling siya, hindi siya makapaniwala na may nakakahawak sa kanya na hindi siya nahihimatay. Just like Warren pero kay Ross wala naman siyang ibang nararamdaman, kaya Warren kasi kapag hinahawakan siya nito ay nasasaktan siya, parang may kuryenteng nanulay sa buong katawan niya tapos ay tumatagos sa puso niya na masakit.

"Kung nasaktan man si Diana ako na ang bahalang mag-alaga sa kanya. She's my fiancé after all." Agad siyang humiwalay kay Ross kasi bigla siyang natauhan sa boses ni Warren na nasa likod niya.

"Sorry Sir." Hingi nito ng paumanhin sa boss nito. "Sige po Ms. Diana."

"Thank you again Ross." Aniya dito at ng nawala na ang lalaki ay agad siyang hinarap ni Warren, may sasabihin pa sana ito sa kanya ng maunahan niya.

"Warren, nakita mo iyon? He can touch me at hindi ako nahihimatay!" bulalas niya. "I can't even feel anything at all." Amazed na wika niya.

Ngingiti n asana siya ng biglang natigilan siya sa mukha ni Warren, it's so dark that she can't even read his expressions or whatever he's thinking.

"You are already my fiancé Diana and I prohibit any man from touching you. You shouldn't go near Ross anymore." Matigas na utos nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "It's not like I am flirting with him or anything Warren and again I know where should I stand. Nagulat lang ako dahil nahahawakan niya ako iyon lang." inis na pakli niya.

"Mabuti naman at naisip mo iyan. Ihahatid na kita sa inyo I need to talk to your aunts."

Bigla siyang nataranta. "HUwag muna ako muna ang kakausap sa kanila pwede ba iyon? Kapag nakita ka nila ngayon baka iba ang isipin nila, my aunts were teacher's Warren. Hindi sila tanga at mas lalong hindi sila bobo, mabilis silang makapick up ng mga bagay-bagay." Paliwanag niya dito.

"I understand but tomorrow I need to talk to them, free your schedule tomorrow as well we are going to have lunch with my family."

"Agad-agad?"

"Yes."

"Pero nandoon ba si Doc Kristine?"

"Yes."

"Hindi mo ba naiisip nab aka magtaka siya na ikakasal na tayo samantalang noong nakita niya tayong hindi magkasundo."

"Don't worry about Kristine, mabilis siyang makaintindi." Muntik na niyang itaas ang kilay niya sa paraan ng pagkakasabi nito. Para kasing kilalang-kilala na nito ang asawa ng kapatid nito.

Minsan naisip niya na kahit na sa paningin ng iba ay parang happy go lucky si Warren pero sa tingin niya may ibang Warren pa na hindi pa nila nakikita. Nakita na niya ang serious side nito and right now she wants to know what the real Warren is. Pero dapat ay hindi muna niya isipin ang bagay na iyan dahil mas tamang pagtuunan na muna niya ng pansin ang kanyang sariling kapakanan.

"Bukas susunduin kita."

"Fine."

Muli niyang nakita si Ross na abala sa pag-eestima ng mga customers. "Ano ang surname ni Ross?"

"Why do you want to know?"

"Pwede ba Warren huwag mo akong sungitan. I just want to know." Napapagod na wika niya dito. Mukhang napansin naman nito na hindi nga siya okay sa pagsusungit nito, she's really tired. She wants to sleep and rest like normal people do. Hindi naman kasi siya natulog sa bahay ni Georgette dahil sa iniisip pa rin niya ang tungkol sa problema niya.

"Domingo."

"Huh?"

"His real name is Dalziel Ross Domingo."

Domingo? Kaapelyido siya ni Hexel?





<<3 <<3 <<3

a/n: ako lang ba or may nagbago na naman sa format ng wattpad kapag nag-uupdate, Ay ewan basta iyon na iyon. Sensya nga pala kasi hindi ako nakapag-update ng dalawang araw yata. Nakalimutan kong mag-update swear to think hindi naman ako busy. huehuehue, char2x lang hindi nga nakalimutan ko talaga akala ko kasi nakapag-update na ako pero hindi pa pala. Sign of aging na yata ito eh, nakuuu naman talaga good luck nalang. Ang mga sakit ng tao ngayon ay nagiging makakalimutin kasi kanina habang naghahanap ako ng gunting dahil nagdedesign ako ng classroom ko hindi ko maalala kung saan ko nailagay. Tsk... sa kakahanap kko nasa ilalim lang pala ng laptop ko gumawa kasi ako ng form 1 in advance para less hassle nalang. Sayang kaya ang oras kapag walang ginagawa. Kaya sa school hindi mo ako makikitang walang ginagawa palagi talaga akong merong ginagawa kasi kapag may nakakkita sa iyo na wala kang ginagawa ay for sure mauutusan ka nalang at iyong tipong utos na hindi ka pwedeng matulog at kailangan mong pagpuyatan. Naku naman talaga! 

At least malapit na akong matapos, may tagagawa kasi ako si RMD huehuehue, ang galing ng babaeng iyon magaling siyang magmix ng colors and everything. Magaling din siyang magletter cutting, actually siya halos ang gumawa ang trabaho ko lang ay assistant niya. hehehehe... for free iyan! Sana hindi siya magsawa at kung mababasa man niya ito sure akong hindi muna niya ako sasabunutan bukas dahil hindi pa niya ito ngayon mababasa. Nandito din kasi siya sa watty at sa lahat-lahat ng mga kakilala ko dito siya ang may alam ng mga mangyayari sa each members ng sorority. Alam niya ang mangyayari, ang summary at ang connection.. yay! Kung gusto niyong malaman ang mangyayari at sino si sino huntingin niyo siya but of course hindi niyo siya mahahunting. wew!

Status update: I am so happy today, alam niyo kung bakit? Dahil tag-ulan na! As in I love rain, iyong ulan talaga ha, kaso nag-adventure time naman ako kanina dahil wala akong malusutan sa paglipat ng class ko, basang-basa sa ulan ang peg ko hahaha ang sarap ngang kumanta ng  'Heto ako ngayon, nag-iisa naglalakbay sa gitna ng ... ULAN!' (Iniba ang lyrics? Kebers... hehehe..) naulanan ako kaya baliw ako ngayon. 

PPS: Ang haba ng sinabi ko. Pero sa totoo gutom talaga ako kahit na kumain na ako kanina. Gusto ko lang kumain (piggy moments) :p     



PPPS: First clue of the next revelation :-) hanapin niyo sa itaas.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 50.2K 19
Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. Masyadongmaganda.com: Paano mong nalaman...
... By ScarletteQueen

General Fiction

1M 6.9K 7
3.5M 14.6K 7
Tomboy ako. Yun ang sabi nila. Dahil sa kilos lalake ako, at sa klase ng pananamit ko. Well, their opinions don't matter, really. Komportable ako sa...
70.6K 3.5K 25
Porcia Era Hart x Chrisen