Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Special Chapter #1: First Words

60.9K 3.1K 1.9K
By Serialsleeper

SPECIAL CHAPTER:

First words

"Yes Mom. We already had dinner, I already locked the doors and set-up the alarm. You guys have nothing to worry about. Just enjoy your weekend vacation with Julia's parents. We'll be fine. Love you." I immediately hung-up bago pa man siya maka litanya ng pagkahaba-haba. Yeah, I'm still osum. Come to think of it, I got osummmah! Wow I'm so osum up to the point that I need to have my own dictionary for every shit I come up with, lemme just call it a sisactionary.

"Sleep well kiddo." Napangiti na lamang ako sa ngayong mahimbing nang natutulog si Twinkle sa loob ng crib niya. Matapos kong mailagay ang baby monitor sa tabi niya ay agad kong hinalikan ang pisngi niya. Ang cute niya talaga! Buti nalang talaga at sakin siya ipinagkatiwala ng parents ni Julia ngayong nasa bakasyon sila.

Matapos kong masiguradong komportable si Twinkle ay bumalik ako sa living room kung saan ko naiwan ang mga books at notes ko. Hay, weekend na weekend andami kong homeworks at workbooks na dapat sagutan. May Twinkle pa na wagas kung makadistract. Buti nalang walang—wait what is that smell?! Why can I smell Ponzi's perfume? Why can I also smell the wonderful yet seducing scent of Pizza?!

"Ponzilita what the hell are you doing here?!" Napasigaw na lamang ako sa gulat nang maabutan ko si Ponzi na natutulog sa sofa habang nakapatong naman ang tatlong box ng pizza sa mga books kong nasa center table. I don't know what makes me happier, ang three boxes of pizza or the fact na sa wakas nagkita na kami ni Ponzi after a week of missing his gummy face.

Hindi kumikibo si Ponzi. Napakahimbing na ng tulog niya, parang pagod na pagod siya. Wait come to think of it, he's still wearing his uniform and ID. Don't tell me, he drove for three hours straight right after class para lang pumunta dito?

"You are the sweetest yet the stupidest Agapito Zosimo." Napabuntong-hininga na lamang ako. Pupunta sana ako sa kwarto ko upang kumuha ng kumot at unan para sa kanya pero laking gulat ko nang bigla na lamang niyang hinigit ang kamay ko ng malakas dahilan para mahiga na lamang ako sa balikat niya.

"Dito ka lang." Pikit-mata niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit.

"Ulol ka rin talaga eh no? Paano ka nakapasok?" Tanong ko saka yumakap sa kanya pabalik. Kapwa namin ipinagkakasya ang isa't-isa sa napakalambot na sa sofa. Kahit mukhang pagod na pagod siya mula sa school at pagd-drive napakabango niya parin, nakakainis.

"Sinabi mo kaya sakin ang passcode dito." Natatawa niyang sambit habang nakapikit parin. Oo nga naman, muntik ko nang makalimutan.

"Hey next time just call me when you decide to drop by. Nakakatakot kasi kung bigla kang pasulpot-sulpot. Alam mo namang praning pa ako dahil sa mga nangyari last year diba?" Paalala ko habang pinagmamasdan ang mukha niya.

It's been almost a year. I'm not done with my therapy sessions yet and yes, I still have nightmares.

"Sorry." Natatawa niyang sambit, "Gusto lang talaga kitang sorpresahin kaso antagal mo dun sa kwarto kaya nakatulog na ako dito." Aniya pa kaya napabusangot na lamang ako at hinalikan siya sa pisngi dahilan para unti-unting dumilat ang mga mata niya.

"Yun lang? I drove all the way here just for that?" Sarkastiko niyang sambit habang nakangisi kaya agad kong kinurot ang ilong niya.

"Ba't ka ba kasi nagpunta dito? You should've just rested at home right after class tutal Saturday pa bukas." Biro ko pero lalo lamang lumapad ang pilyong ngisi sa mukha niya.

"Nabalitaan ko kasing wala ang parents mo this weekend Hihihi." Aniya kaya agad akong napangiwi. See this is what happens when my boyfriend hangs out with jomomo—ugh jomomo this is yow fault ye fool!

"Kalandian mo agapito." Napairap na lamang ako.

"Anong kalandian?" Agad nakunot ang noo niya habang nakangisi, "Hindi ba pwedeng miss na miss lang talaga kita kasi tuwing weekend nalang tayo nagkakasama?"

This set-up is such a drag. Ponzi and I live on different cities which happen to be three hours apart. Mas madali talaga yung kapwa kami nakatira sa Crimson Lake pero we have no choice, after what happened last year, ayaw ko rin muna talagang humiwalay sa parents ko. For once I just want to live like a normal 18-year old, yung tipong school at overthinking lang ang problema, hindi patayan at isang lecheng programa.

"I missed you too Ponshit." Sabi ko na lamang at hinalikan siya pero this time sa labi na.

"I really like it when you initiate the kiss." He smirked as our lips parted.

"That's the last." Biro ko.

"Nga pala 'wag kang mag-alala, last time narin tong magb-byahe ako ng three hours para lang makita ka." Seryoso niyang sambit kaya naman agad nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Wait, are you breaking up with me?" Tanong ko pero bigla siyang natawa kaya naman agad kong kinurot ang tagiliran niya, "Ponzi you little shit, wag ka ngang tumawa!"

"Ano ako baliw? Siyempre hindi! Na-promote si Daddy kaya kailangan naming lumipat tapos yung lilipatan namin, malapit lang dito, mga 40 minutes? Mas madali na tayong magkita." Paliwanag niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad dahil sa tuwa. 40 minutes is way better than 3 hours.

Next thing I know, Ponzi and I are making out yet again. I'm still lying on top of him and he keeps on hugging me closer to him. Nag-aalala siyang baka maulit yung nangyari last month, sa sobrang kulitan kasi namin nalaglag ako sa sofa at nagkapasa pa ako.

"Sandali..." I stopped kissing him and leaned my head on his shoulder while chasing my breath. Itinuro ko ang Pizza at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakangiwi na siya.

"Sino ba ang mas mahal mo yang Pizza o ako?" Inis na sambit ni Ponzi kaya napangisi na lamang ako.

"'Wag mo nang sagutin. Alam kong pagt-tripan mo na naman ako." Walang emosyon niyang sambit at naupo na lamang kami.

"Bilis magtampo ni Zosimonggol ah? May period ka no?" Tanong ko sabay sundot sa pisngi niya pero tiningnan niya lang ako saka kinuha ang remote na nasa mesa.

Akala niya ba talaga bebenta sakin ang tampo effect niya? Zosimo puhlease.

"Thanks for the Pizza! Love you!" Sabi ko saka kinuha ang isang kahon at ipinatong ito sa lap ko. Hehehe. Come to osummm!

Napatingin ako kay Ponzi at kahit nakaharap siya sa tv ay napansin kong nakangiti na siya.

Pinaandar ni Ponzi ang TV at laking gulat naming dalawa nang makita namin si Jojo sa balita. Basang-basa na siya ng ulan pero napakasigla niya parin niya. Talon siya ng talon habang sumisigaw. Marami silang mga lalake na para bang nakapila, parang nasa airport sila at may hinihintay na dumating. Si Jojo... May bitbit siyang poster ng isang babae.

May sinasabi ang reporter pero hindi ko ito napapansin, nakasentro lang kasi ang atensyon ko kay Jojo.

Sa isang iglap ay bigla na lamang inagaw ni Jojo ang microphone ng reporter na ngayo'y gulat na gulat.

"MARIA OZAWA GUSTO KITANG MAPANGASAWA! I'D DO EVERYTHING TO YOU—I MEAN FOR YOU! I'D DO EVERYTHING FOR YOU! MAHAL KITAAAAA! HINDI SAYANG ANG SPERM CELL KO SAYO!" Pagwawala ni Jojo sa mismong harapan ng camera. Talon siya ng talon kaya naman halos madapa na ang babaeng reporter na natatamaan niya.

What. The. Fuck.

Jojo is going nuts on national tv. On fucking national TV!

Nagkatinginan kami ni Ponzi. Kapwa nanlalaki ang mga mata namin dahil sa gulat not to mention ang higher than the clouds secondhand embarrassment na nararamdaman namin.

"Please tell me that's not Jomomo Tirador." Napangiwi ako.

"Baka kamukha lang." Sabi pa ni Ponzi kaya naman muli naming ibinalik ang tingin sa TV.

"Bitawan mo ang mic! Akin na yan!" Sigaw ng sigaw ang reporter habang nakikipag-agawan sa mic. Pati ang cameraman nakikiagaw narin kaya sobrang nakakahilo na ang footage. Napakaingay nila. Nagkakagulo silang lahat.

"Ako si Jorino Jomomo Tirador! Maria Ozawa tandaan mo ang pangalan ko! Tandaan mo! Tandaan moooooooooo!" Muling umalingawngaw ang isang sigaw hanggang sa tuluyang maputol ang footage at bumalik sa mga news anchors na ngayo'y tawa na ng tawa.

Dali-dali kong inagaw mula kay Ponzi ang remote kasi hindi ko na matagalan pa ang kahihiyan. Napabuntong-hininga na lamang ako nang tuluyan kong mapatay ang tv.

"Nawalan na ako ng ganang kumain." Ibinalik ko na lamang sa mesa ang box ng Pizza.

"Okay, back to business." Natatawang sambit ni Ponzi at bigla na lamang akong hinihila papalapit sa kanya. Next thing I know, I was sitting on top of him as we were making out again... and again... and again.

Natakot ako nang maramdaman ko ang kamay ni Ponzi na dumako na sa dibdib ko at para na niyang inaangat ang sweater ko. Sure, I like making out with him but hanggang doon lang, natatakot pa kasi akong mapunta sa next level. I'm not a goody-too-shoes kind of girl, I don't even have an innocent mind but I'm just not ready for the real deal.

Biglang tumunog ang baby monitor na nasa loob ng bulsa ko, umiiyak si Twinkle kaya kapwa kami napabitaw ni Ponzi sa isa't-isa.

"Twinkle naman eh!" Naiinis na sambit ni Ponzi kaya natawa na lamang ako at agad na nagtungo sa kwarto ko kung saan ko siya iniwan.

"Why is my little angel crying? There, there your osum tita bruh's here." Pambe-baby talk ko habang kinukuha siya mula sa crib niya. Natatakot parin ako sa tuwing kinakarga ko siya, baka kasi masobrahan ako ng yakap o hawak at mabalian siya ng buto o di kaya baka magkapasa siya. She's still sobbing so I continued to cradle her around.

"Breastfeed na 'yan!" Biro ni Ponzi na sumunod pala samin.

"Ulol! Ponshit mag-timpla ka ng gatas please and thank you." Sabi ko sabay turo sa mga gamit na nasa bedside table. Pabirong sumaludo si Ponzi at agad itong ginawa.

Aside from making funny noises, Ponzi kept on making faces while shaking the bottle. He's doing that to entertain and make Twinkle smile pero ako tong natatawa.

****

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang makita kong wala si Twinkle sa crib. Otomatiko kong kinuha ang cellphone ko saka nagtatakbo palabas ng kwarto.

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Sa sobrang takot ko, tatawag na sana ako ng pulis pero para akong nabunutan ng tinik dahil sa paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Ponzi sa hardin kasama si Twinkle na nakaupo sa kanyang high chair. Parang aliw na aliw si Ponzi habang pinapakain ito ng baby food.

Nakalimutan ko, andito nga pala si Ponzi. Bwisit ka Sisa, tigil-tigilan mo na ang kapraningan mo please.

"Good Morning!" Nakangiting bati sakin ni Ponzi nang mapansin niyang papalapit ako sa kanila, "Teka ba't ka nakapaa? Umiral na naman ba ang ka-praningan mo?" Tanong ni Ponzi kaya napangiwi na lamang ako.

"Dude you can't blame me if I'm always anxious especially with Twinkle." Tumabi na lamang ako kay Ponzi at sumandal sa balikat niya.

"Sisa wala kang dapat ipag-alala, diba hindi rin naman alam ni Dexter na buhay si Twinkle?" Sabi pa ni Ponzi kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Nga pala kanina ka pa ba nagising? Ba't di mo ako ginising?" Tanong ko.

"Oo, kanina ko pa nga tinuturuan magsalita si Twinkle eh. Di na kita ginising, mukhang ang sarap ng tulog mo." Pagmamalaki niya saka kinarga si Twinkle pinunasan ang baby food na tumulo mula sa bibig nito.

"Twinkle sabihin mo nga... O-sum... O-sum..." Paulit-ulit na sambit na sambit ni Ponzi pero tinititigan lang siya ni Twinkle na para bang nagtataka.

"If Twinkle could speak, siguro kanina ka pa niyan namura kasi mukha kang tanga." Biro ko kaya agad akong sinamaan ni Ponzi ng tingin.

"You were everything! Everything that I wanted! We were meant to be! Supposed to be but we lost it! All of the memories so close to me just fade away! All this time you were pretending! So much for my happy endiihiiing!"

Kapwa kami nagkatinginan ni Ponzi nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na boses ni Jojo mula sa labas. Todo birit at hugot ito sa pagkanta na para bang umiiyak habang kinakalampag ang gate.

"'Wag ka nang magtaka, epekto yan ng mga ninuno ni Jojo." Biro ni Ponzi kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko. Wala akong ibang magawa kundi pagbuksan na lamang siya ng gate.

"What the fuck?!" Bulalas ko nang tumambad sakin ang para bang wala sa sariling si Jojo. Suot niya parin yung damit niya kagabi nang makita namin siya sa news. Namumutla na siya at namumugto pa ang mga mata niya. Mukha siyang walang tulog na ewan.

"Brokenhearted ako. I need something to cheer me up." Aniya at bigla na lamang napatingin sa dibdib ko, "'Wag na nga lang ikaw, baka mamaya mapatay ako ni Tanya nang wala sa oras." Sabi niya at nagdire-diretso ng lakad papunta kay Ponzi na karga parin si Twinkle.

"Jojo don't you dare touch Twinkle! Baka mamaya saan ka pa humawak—" Napangiwi na lamang ako nang tuluyang makarga ni Jojo si Twinkle.

"Ano bang nangyari?" Natatawang tanong ni Ponzi kay Jojo.

"Banned ako sa fan-signing event ni Maria Ozawa dahil sa nangyari kagabi." Nanlulumong sambit ni Jojo pero patuloy parin siya sa pawa-wacky lalo ng mukha niya para matawa si Twinkle.

"Ba't mo kasi inagawan ang reporter ng mic." Hindi ko napigilang matawa. Sinong mag-aakala na dahil sa pang-aagaw niya ng mic, muntik pa tuloy magkaroon ng riot doon.

"Sisa ang bugso ng damdamin," Paulit-ulit na hinampas ni Jojo ang dibdib niya, "Sisa mahirap yang pigilan." Madrama nitong sambit kaya lalo kaming natawa ni Ponzi.

"Twinkle, sabihin mo nga, Tito Jojo ang pogi mo fighting!" Paulit-ulit na panunulsol ni Jojo kaya napaakbay na lamang si Ponzi sakin.

"'Wag ka nang magsayang ng oras Jojo, kanina ko pa yan tinuturuan. Di pa talaga yan nakakapagsalita." Giit ni Ponzi.

"Ti-to Jo-jo" Paulit-ulit na sambit ni Jojo pero tinititigan lamang siya ni Twinkle na tumutulo pa ang laway.

"Come on bruh, stop, you're scaring Twinkle." Biro ko na lamang.

"Ju...Ju." Biglang sambit ni Twinkle dahilan para matahimik kaming tatlo.

Napanganga si Jojo sa tuwa at kapwa niya kami tiningnan ni Ponzi na para bang nagyayabang.

"Putangina." Sabay naming sambit ni Ponzi.

Fuck this shit, Twinkle's first words is this idiot's name. Oh dear lord, I hope Twinkle won't turn out to be a perverted idiot like Jojo when she grows up.


END OF SPECIAL CHAPTER #1

Note: Mygeeeed, sorry talaga kung super pointless ng chapter nato. Hahahahahaha.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

869K 69.2K 76
An Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally li...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
Hidden By Ann Lee

Mystery / Thriller

799K 23.8K 10
Standalone novella || Because real messages are sometimes hidden.
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."