My Father's Other Woman (ON H...

By agoodgirlgonebad

150K 2.8K 723

Because of her we're broken. My mom is hurting. My sister became a rebel. Who is she? She is “MY FATHER’S OTH... More

Prologue
MFOW 1
MFOW 2
MFOW 3
MFOW 4
MFOW 5
MFOW 6
MFOW 7
MFOW 8
MFOW 9
MFOW 10
MFOW 11
MFOW 12
MFOW 14
MFOW 15
MFOW 16
MFOW 17

MFOW 13

3.7K 94 23
By agoodgirlgonebad

Hello :) I want to apologize for not updating for almost two months. Pasensya na, hindi kasi talaga kayang isabay sa school eh. Super stressed ang lola niyo ng mga panahong yan. Anyway, it’s summer vacation and I’m back!

Feeling ko hindi maganda yung ginawa kong chapter ngayon, nakalimutan ko na kasi kung ano na ang nangyayari dito sa MFOW. I need to read from the start and review my plot. Anyway as promised, eto na ang update ko for today.

Chapter 13

Julia’s POV

Natawa na lang ako bigla habang nagtatype ng mga data para sa thesis namin. I remembered Khal’s pick up lines. Sobrang hilig niyang bumanat kapag magkasama kaming dalawa. Aaminin ko, at first I don’t like him kasi pangit yung naging first impression ko sa kanya. Hindi naman kasi maganda yung naging una naming pagkikita so I thought of him as a clumsy guy na parang walang pakialam sa paligid niya. And it turned out that I was wrong. Yes, he’s a bit innocent pero I find it really cute. At sa unang tingin mo sa kanya mukha siyang boring pero hindi. He’s super fun to be with.

Last week pa lang kami nagkakilala officially and thrice na kaming nagbonding together. The first time was when we shared a table at the restaurant. Less than an hour lang kaming magkausap noon pero naging komportable agad ako sa kanya. He asked me kung pwede daw kaming maging friends and I said yes. Then, the day after nagtext siya sa akin and niyaya niya akong maghang-out sa isang music studio. Magaling pala siyang tumugtog ng piano and he sings really well. Naki-jamming na rin ako sa kanya kahit hindi ako magaling kumanta. Tapos kahapon, ako naman yung nag-invite sa kanya na lumabas dahil wala si Jane and my other friends. Masyado silang busy doon sa sorority event nila eh hindi naman ako part ng sorority kaya naiwan lang akong mag-isa. Buti na lang tapos na rin yung work ni Khal nung tumawag ako sa kanya. Sinamahan niya ako sa mall, nagshopping ako ng konti tapos pasyal pasyal lang. Parang naging best buddies kami kaagad.

“Julia, why are you laughing?” tanong ni Jane. All my groupmates are staring at me like I’m getting crazy.

“Yeah, may nakakatawa ba dyan sa ginagawa mo? Kelan pa naging fun ang pag-iinput ng data?” sabi naman ni Barbie.

“Girls, I just remembered something really funny kaya natawa ako.”

“Ano naman? Care to share?” sabi ni Aria habang busy pa rin sa pagsusulat sa notebook niya. Hay, sobrang GC (grade conscious) talaga ng babaeng ito kahit kailan.

“Super nakakatawa lang nung pick-up line ni Khal sa akin kahapon, ayun naalala ko lang.” sagot ko sabay nagsimula na ulit sa pagtatype.

“Cal? As in si Calvin? Yung nanliligaw sayo dati pero binasted mo? So, friends na pala kayo. I thought you don’t like him?” Jane.

“No, not him. Khal as in Khalil. Siya yung kinwento ko sa inyo na bagong guy friend ko.”

 

“Oooh. I smell something sweet. Girls, what do you think? ” Barbie.

“I think our friend here is interested with that guy.” pakantang sabi ni Aria habang tumitingin sa akin.

“Ano ba guys? We’re just friends.” sabi ko.

“Yeah. And hello?! Alam naman natin ang mga type nitong si Julia. Hindi yung mga katulad lang ng pick-up guy na yun. Like eeewww.” Jane.

“Sobra ka namang maka-eew diyan Jane ah. Malay mo naman siya na pala ang right guy for Julia. Hindi yung pesteng lalaking nagpaasa lang sa kanya.” Barbie. Napatigil ako sa ginagawa ko. Nakita ko namang siniko ni Jane si Barbie. Napatakip tuloy ito sa bibig. “Oops sorry.” sabi niya ulit at nag-peace sign.

Naging awkward tuloy yung atmosphere. Silence filled the air. Pinaalala na naman kasi sa akin ang katangahan ko sa lalaking yun.

Aria broke the silence. “Mabuti pa, tapusin na agad natin ito. I know we’re all tired. Para makauwi na din tayo.”

“Yeah, let’s just finish this.” pag-agree naman ni Jane.

Nagpatuloy na lang kami sa mga ginagawa namin pero ako nawala na sa mood. Whenever I remember him, nawawala ako sa sarili ko. Aminado naman kasi ako, I’m still not over him.

Daniel’s POV

10 PM...

 

11 PM...

 

12 AM...

 

1 AM...

 

1:30 AM...

Nasa sala kami nina Julia at Mama, hinihintay naming umuwi si Papa. We wanted to surprise him at exactly twelve midnight dahil birthday niya. Almost four hours na kaming nakatambay dito sa living room pero hindi pa rin siya dumadating. I even finished reading all the submitted reports of my employees for the week while waiting.

“Ma, are you sure he’s coming home tonight?” medyo naiinip na kasi ako kaya hindi ko na napigilang magtanong.

“Yes. Sabi ni Bernard kanina maaga daw siyang uuwi eh. I already texted him pero hindi naman nagrereply. Tumatawag na rin ako kanina pero unattended ang phone niya.” sabi ni Mama habang sumisilip sa bintana.

“Almost four hours na tayong naghihintay, baka naman hindi siya makakauwi.”

“Oo nga Ma.” Julia yawned and stretched her hands. “I already finished watching two movies here. Medyo inaantok na rin ako.” she closed her laptop at humiga na talaga siya sa sofa.

“Kung gusto ninyo ako na lang ang maghihintay sa kanya, mukhang pagod at inaantok na kayong dalawa.” Mama.

“Ganito na lang Ma, we’ll wait for thirty minutes more and kapag hindi pa rin siya dumating, pagkagising na lang natin mamaya gawin yung surprise okay? I know you’re tired too. Kailangan nyo na din magpahinga.”

She sat down beside me. “Okay son. Thirty minutes.”

We waited again. Ten minutes after, mom’s phone rang.

“Tumatawag yung papa ninyo.” lumayo siya ng konti saka niya sinagot yung tawag.

Napatingin naman ako kay Julia na napapapikit na. “Psst. Julia, akyat ka na kaya sa kwarto mo. Antok na antok ka na oh.”

“Sige kuya, una na ko. Good mornight.” binitbit na niya yung laptop niya at pumunta sa taas.

After a minute, bumalik na si Mama. “Natulog na si Julia?” tanong niya.

Tumango ako. “Pinauna ko na po siya, mukhang zombie na kasi.”

“Ah ganun ba?” Binalik na niya yung cake na binili niya at nilagay sa box. “You too DJ, matulog ka na. Mamayang lunch pa daw makakauwi ang papa mo. Mamaya na lang natin siya i-surprise.”

Kukunin ko na sana yung mga party poppers para itago pero pinigilan niya ako. “Ako na ang bahala dito anak, sige na,magpahinga ka na.”

“Are you sure?”

“Yeah. Go now. Goodnight.”

“Goodnight Ma.” I kissed her before going upstairs. Nasa may gitna na ako ng hagdan nung tumigil ako at lumingon ulit kay Mama.

Dahan-dahan siyang umupo sa sofa. Kitang-kita ko ang pagpahid niya sa mga luha niya. She’s disappointed, I know. I saw how excited she was when she was preparing this surprise for him tapos hindi naman nakauwi kaagad si Papa. Pinipilit kong isipin na busy lang siguro siya kaya di siya nakarating tonight but I know that there is a big possibility na nandoon na naman siya kay Kathryn.

I wanted to hug my mother pero alam kong gusto niyang mapag-isa ngayon. Umakyat na lang ako at dumiretso sa kwarto ko.

Masaya silang nagtatawanan sa dining room pagkagising ko. Nakahanda na rin sa table yung mga niluto ni Mama kagabi pati na rin yung cake na binili niya. Medyo makalat din yung sahig, siguro ginamit na rin nila yung party poppers. Nagawa na pala nila yung surprise kay Papa.

“Hey Kuya! You’re up! Kanina pa ko kumakatok sa kwarto mo pero hindi ka nagigising. Yan tuloy, hindi ka nakasama sa pag-surprise kay Papa.” Julia.

“I’m sorry. Napahimbing lang yung tulog ko. Anyway, Pa, happy birthday.”

“Thank you DJ. Come on, umupo ka na at kumain na rin. Sobrang sarap ng niluto ng mama nyo.” Papa.

I looked at mom. She’s happy. Si Papa talaga ang nakakapagpasaya sa kanya. She loves him so much na kahit nasasaktan siya ay tinitiis pa rin niya just to be with him.

Pumunta ako sa mini library namin. Naisipan ko rin kasing mag-internet. Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nabubuksan yung mga accounts ko sa mga social networking sites. Mas malakas yung wi-fi dito sa library compared sa kwarto ko kaya yung computer na lang dito yung gagamitin ko.

Inaamag na nga yung twitter at instagram ko. Five months ago pa yung huling post ko. Medyo sabog yung interactions ko, I started replying sa mga nagtweet sa akin.

Online din pala si Neil, nagreply kasi siya sa isang tweet ko.

@neil_fernando: @alejandroDJ oy bro, welcome back sa twitter! check your DM

Binuksan ko kaagad yung messages ko.

@neil_fernando: eto yung twitter ni Kathryn ---> @kathvillena galing ko mag-stalk ano? hahaha

@alejandroDJ: teka, bakit mo naman hinanap yung account niya ha?

@neil_fernando: wala lang. curious ako eh. wag kana magreply. i know you’re gonna stalk her now. hahaha :)))

Hindi na nga ako nagreply at pumunta sa profile niya. Buti na lang at hindi naka-private ito. Unang tweet pa lang niya nabwisit na ako.

@kathvillena: surprised my honey a while ago! it is his birthday today :)

Anak ng! Tama nga ang hinala ko na kaya hindi agad umuwi si Papa at pinaghintay niya kami ay dahil magkasama silang nagcelebrate ni Kathryn kaninang madaling-araw.

I changed my username into @danieljohn26. Tinanggal ko rin yung apelyido ko sa profile. Hindi dapat malaman ni Kathryn na anak ako ni Papa. Masisira ang mga plano ko.

I followed her and tweeted her.

@danieljohn26: Hey @kathvillena! It’s Daniel. Follow back?

After a few minutes, nagreply siya.

@kathvillena: Hello :) I’m following you now

Hindi na ako nagreply. Wala kasi akong masabi eh. Pinatay ko na rin yung computer at bumalik na ako sa kwarto ko. I called someone.

“Hello. I just want to inform you, gagawin na natin yung plano as soon as possible.” sabi ko.

“Ok sir, bibigyan namin kayo ng cue kapag magsisimula na kami.” sagot nung nasa kabilang linya.

“Alright. Just update me.”

“Sige po sir.”

I smirked.

Get ready Kathryn Villena.

A/N:

Chapter 13 done!

Get ready daw Kathryn. Kayo din guys get ready. Ayan na si DJ! Haha :)))

Please vote, comment and follow me if you think I deserve it. Thanks! :)

Add me on twitter: @imgoodgonebad

~ agoodgirlgonebad

Continue Reading