THE BOY IN MY DREAM

By Angielaaabs

161K 7K 709

Isang ordinaryong babae na kayang i -manipulate ang kanyang panaginip. Panaginip kung saan nya ginagawa ang s... More

PROLOGUE๐ŸŒ™
CHAPTER 1๐ŸŒ™
CHAPTER 2๐ŸŒ™
CHAPTER 3๐ŸŒ™
CHAPTER 4๐ŸŒ™
CHAPTER 5๐ŸŒ™
CHAPTER 6๐ŸŒ™
CHAPTER 7๐ŸŒ™
CHAPTER 8๐ŸŒ™
CHAPTER 9 ๐ŸŒ™
CHAPTER 10๐ŸŒ™
CHAPTER 11๐ŸŒ™
CHAPTER 12๐ŸŒ™
CHAPTER 13๐ŸŒ™
CHAPTER 14 ๐ŸŒ™
CHAPTER 15 ๐ŸŒ™ The pass returns
CHAPTER 16๐ŸŒ™
CHAPTER 17๐ŸŒ™
CHAPTER 18๐ŸŒ™
CHAPTER 19๐ŸŒ™
CHAPTER 20๐ŸŒ™
CHAPTER 21๐ŸŒ™
CHAPTER 22๐ŸŒ™
CHAPTER 23๐ŸŒ™
CHAPTER 24๐ŸŒ™
CHAPTER 25๐ŸŒ™
CHAPTER 26๐ŸŒ™
CHAPTER 27 ๐ŸŒ™
CHAPTER 28๐ŸŒ™
CHAPTER 29
CHAPTER 30๐ŸŒ™
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35

EPILOGUE ๐ŸŒ™

486 15 3
By Angielaaabs

We go out a couple of times since the day na ibinalik ko ang wallet niya.

I want to know her more. At gusto kong makasigurado na siya na talaga ang hinahanap ko.

"'Di ba nga sabi mo kilala siya ng mama mo pero hindi niya maalala ang pangalan?" Tanong ni Luke na tanging pagtango lang ang ginawa ko.

"Ba't hindi mo dalhin sa inyo ng para malaman mo?" Suggest niya sa akin.

Napatango-tango ako habang si Dex naman ay iiling-iling at bahagyang ngumiti.

Alam ko ang ibig sabihin no'n at hindi ko siya masisisi kung hindi siya maniniwala sa kwento ko. Siguro kung ako din ang nasa katayuan niya hindi ako maniniwala.

Today is sunday, day off day, and today is the day para sunduin si ate sa airport. My sister is in Spain to study her masterals. 

Along the way, may nakita akong pamilyar na muka. Saktong-sakto, agad akong tumigil sa harapan niya. Medyo na gulat pa ito noong makita ako.

"Sakay na, may pupuntahan ka ba?" I ask.

"Uuwi na ako," naka-ngiting wika niya.

"Are you free today? Can I invite you to dinner?" I ask again.

Saglit siyang napahinto, medyo tumingin sa itaas. "Yes." Wika niya pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat at doon umupo.

"Sa bahay tayo mag d-dinner, susunduin muna natin si ate sa airport, ok lang ba?"

Matamis siyang ngumiti bago tumango.

Nagsimula siyang magkwento. Her voice is so soft na kahit galit siya sa kwento niya ay para akong hinehele. Her smile, it's too genuine. The way she talk makes me feel na nangyari na 'to. Para bang sanay na sanay ako sa presensya niya.

"What about you?" Tanong niya na nakapag-balik sa akin sa katinuan.

"Hindi ko naranasan 'yung mga naranasan mo. Home school ako dahil sakitin ako nung bata pa. College ko lang naranasan makipag interact sa mga tao plus I was hospitalized for 3 years," aniya ko at ikinagulat niya ang huli kong sinabi.

"I'm sorry to hear that. Can I ask what happened?"

"As I mentioned, sakitin ako noon. One time nagkasakit ako ng malala kaya kinailangan ko dalhin sa hospital. And then one time sabi ni mama hindi na ako gumising. Dumaan ang araw, linggo, buwan hanggang sa naging taon mechanical ventilator na lang 'yung bumubuhay sa akin." Hindi man masaya ang kwento ko pero nagawa ko pa ring ngumiti.

" That's must have been tough. But I'm glad you're ok now and able to enjoy and explore the world." Naka-ngiting wika niya.

Hindi talaga ako nauubusan ng rason para mamangha sa kaniya.

Nang agad na tumama ang paningin ni ate sa kasama ko ay naningkit ang kaniyang mata. Bahagya akong natawa at pinakilala sa kaniya ito.

"Parang ang dami kong na missed na information about you ha," natatawang puna niya.

Hindi naman ako nahirapan sa kanilang dalawa. Kung mag-usap sila ay parang matagal na silang magkakilala, palagay ang loob at komportable.

Pagkadating namin sa bahay ay handa na ang lahat. Nasa hapag kainan na rin si mama. Sandali pa silang naging emosyonal ni ate pagkatapos noon ay agad ko na ring pinakilala sa kaniya ang kasama ko.

Matapos ang kunting kainan dahil sa pagdating ni ate ay iniakyat ko na muna si mama sa kwarto niya upang makapagpahinga.

"Ma, nakita ko na siya," masayang wika ko sa kaniya.

Ang ngiti ay napalitan ng pagkagulat ng umiling siya.

"Hindi siya ang babaeng hinahanap mo, anak," malungkot na wika niya. "Malakas ang kutob kong hindi siya iyon."

"Ma, hindi mo pwedeng sabihin 'yan dahil sa kutob lang," iritadong wika ko.

"Anak, maniwala ka sa akin. Hindi siya 'yun."

"Ma, magpahinga ka na lang muna," malambing na wika ko sa kaniya bago halikan ito sa noo.

Laking gulat ko ng paglabas ko ng aking kwarto ay nakita ko siya.

"Kanina ka pa ba diyan?" Alanganing tanong ko.

"A-ahm, hinahanap ko 'yung cr. Sabi kasi ni ate Shane dito daw ang daan," nahihiyang wika nito.

Napatango-tango na lamang ako 'tsaka itinuro sa kaniya ang daan.

"Nasa cr siya," naka-ngiting wika ni ate ng madatnan ko siya sa sala.

"Oo, nakasalubong ko."

"All I can say is nice choice," aniya habang may malawak na ngiti sa kaniyang labi.

Hindi ko na nagawang mag response sa sinabi ni ate dahil dumating na siya. Nagpaalam na muna kami kay ate dahil ihahatid ko na siya.

Para kaming nasa library, sobrang tahimik. Gusto kong buksan ang stereo upang magkaroon kahit kunting ingay sa loob ng sasakyan ngunit ayaa maki-ayon ng aking kamay. Tila ba naka-glue na ang kamay ko sa steering wheel na kahit gusto kong alisin ay hindi ko magawa.

Mahina siyang tumikhim para basagin ang katahimikan. Bahagya akong napatingin sa kaniya.

"Tungkol kanina..." Panimula niya.

"A-ahm, magpapaliwanag ako--"

"Ako muna," putol niya sa sasabihin ko.

"At the moment na sinabi mong nakatulog at na-ospital ka for three years, I have a hint," pagpapatuloy niya.

Hindi muna ako nagsalita hinayaan ko siyang magkwento.

"At the exact time na natutulog ka nagkwe-kwento ang kaibigan ko about sa lalaking napapanaginipan niya. Noong una inililihim pa niya ito sa akin pero dumating ang araw na naguguluhan na siya at that moment nag open na siya sa akin about that."

I have so many questions to ask but I remain silent.

"I want to confirm it. Hinahanap mo ba ang babaeng nakilala mo sa panaginip?"

I was so shocked by her question that I nodded because I couldn't say a word.

"Drake, I'm Hannah," she said na parang unang pagkikita pa lang namin.

"Alam ko," tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"I'm not the one you're looking for. You're looking for my best friend." Aniya na mas lalong naging dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita.

May sinabi siyang lugar ngunit hindi pamilyar sa akin. Sinunod ko na lang ang direksyon na sinasabi niya. Habang tinatahak ang lugar ay patuloy siyang nagkwe-kwento.

Nang makarating kami sa lugar na sinabi niya mabilis na nanlamig ang aking katawan kasabay ng pataas ng malahibo ko.

Hindi kalayuan sa binabaan naming gate ay huminto kami sa isang maliit na bahay. Kumuha si Hannah ng susi mula sa kaniyang bag at binuksan ito.

Bumungad sa akin ang isang marmol na bato naka-ukit ang kaniyang pangalan.

"Drake, meet Zoey, my best friend," aniya bago mapait na ngumiti sa akin.

Biglang sumakit ang ulo ko kasunod nito ang pakiramdam na umiikot ang paligid bago dumilim ang lahat.

I woke up in a familiar place. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito at kung anong lugar ito. But it's feel home, I feel safe, not until a peaceful place became spine-chilling. Dumilim ang paligid. Mula sa malayo ay kitang kita ko ang isang babaeng dahan-dahang naglalakad palapit sa akin. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang halo-halong emosyon sa kaniyang muka.

Habang palapit ng palapit siya ay patindi rin ng patindi ang ihip ng hangin ngunit kahit ganoon wala akong naramdaman kahit kaunting takot.

Nang tuluyang makalapit ay agad niya akong hinawakan sa leeg. Habang tumatagal ito ay pahigpit ng pahigpit. Ngunit kahit ganoon ay hindi ako natakot, tiniis ko ang sakit at pilit na iminulat ang aking mata upang pagmasdan siya.

She's mad but I still feel safe.

"Z-zoey--" Hirap na wika ko.

Ang kaninang mahigpit na hawak sa aking leeg ay bahagyang lumuwag.

"Z-zoey..." Muling kong tawag.

Ilang minuto siyang tumitig sa mga mata ko bago ako bitawan. Kasabay ng kaniyang pagbitaw ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa kaniyang mata. Ang galit ay napalitan ng iyak. Nanghihina ako, hindi ko kayang makita siyang gan'to.

"S-sorry," nanghihina kong wika bago siya yakapin.

Dahan-dahang pag-iling lang ang kaniyang naisagot.

Kasabay ng pagtugon niya sa aking yakap ang unti-unting paghina ng hangin. Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang paligid.

So many years had past but this dream still feels home. I feel safe and complete with her. Ito 'yung makiramdam na matagal ko ng hinahanap.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa mga nangyari sa panaginip niya noon ng magsalita siya.

It's a request. Just one request and I can't grant her that. Sa lahat ng nagawa niya para sa akin. Wala man lang akong magawa para sa kaniya.

"Iuwi mo na ako. Ayuko na dito," umiiyak na pag-uulit niya.


Kung kaya ko lang...

Kung may paraan lang...




End.

















Continue Reading

You'll Also Like

451 92 12
In 2008, young Jamie separated with her childhood best friend, Koikoy. The two met again after four years but everything's already changed. In their...
236K 21.1K 70
Jk- แ€€แ€บแ€ณแ€•แ€นแ€€ แ€’แ€ฐแ€ธแ€™แ€ฑแ€‘แ€ฌแ€€แ€นแ€แ€แ€นแ€˜แ€ฐแ€ธ แ€กแ€แ€บแ€…แ€นแ€†แ€ญแ€ฏแ€แ€ฒแ€ท แ€ฑแ€แ€ซแ€„แ€นแ€ธแ€…แ€ฅแ€นแ€กแ€แ€ผแ€€แ€นแ€†แ€ญแ€ฏ แ€•แ€ญแ€ฏแ€†แ€ญแ€ฏแ€ธแ€ฑแ€žแ€ธ Jm- แ€กแ€แ€บแ€…แ€นแ€€ แ€„แ€ซแ€ทแ€กแ€แ€ผแ€€แ€น แ€แ€”แ€นแ€–แ€ญแ€ฏแ€ธแ‚€แ€€แ€ฎแ€ธแ€แ€šแ€น Jk- แ€€แ€บแ€ณแ€•แ€นแ€€ แ€กแ€›แ€ฌแ€กแ€ฌแ€ธแ€œแ€ถแ€ฏแ€ธแ€›แ€ฒแ‚• แ€กแ€‘แ€€แ€นแ€™แ€ฝแ€ฌ แ€ฑแ€”แ€›แ€แ€ฌแ‚€แ€€แ€ญแ€ณแ€€แ€นแ€แ€š...
2.3K 85 42
Mahal nila ang isa't Isa pero bakit nga ba bawal? Bawal nga ba talaga? O ipinipilit lang nila sa sarili nila na bawal maging sila? Bawat tingin, bawa...
1.6K 16 2
VILLANUEVA UNIVERSITY SERIES 1