the stars above us (medtech s...

By guaninejwl

1.9K 89 16

MEDTECH SERIES #2 What Lula Madaline Quinto has prayed for ever since she was a kid was finally coming true... More

- - -
00
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13

12

91 5 1
By guaninejwl

Gusto ko nang umuwi.

Nakatitig lang ako sa kisame habang nagbibilang ng kung anu-ano. Lahat na yata ng tupa nabilang ko na. Nakumpleto ko na yata 'yung mga hayop sa Old MacDonald Had A Farm pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Bakit ba kasi dito matutulog si Sergio?! Hindi tuloy ako makatulog! Pwede naman niya akong iwan dito kasi sino bang tanga ang papasok sa VIP room at tatangkaan ako ng masama? Baka maawa lang sila sa'kin pag nakitang ang laman lang ng wallet ko ay 'yung Maya Card ko at 20 pesos na barya.

Wala pa namang isang oras no'ng umalis si Sergio, pero mas hindi naman kasi ako maiilang kung pagdating niya tulog na'ko. At least wala na'kong malay sa paligid ko kung dumating man siya bigla. Pa'no ako makakampante kung dalawa lang kaming nandito sa hospital room? Siyempre tatablan din ako ng konsensya kasi malamang sa malamang mas sanay siyang natutulog sa kama...

Napa-buntonghininga na lang ako at kinuha 'yung phone ko.

Ay, bahala na nga. Choice naman niya 'yun. Sino ba'ko para pigilan siya eh siya naman ang nagbayad nitong kwarto ko ngayon.

Habang pinapanood 'yung 57 videos na sinend ni Maya sa Tiktok ko, sinubukan ko ring igalaw-galaw kahit pa paano 'yung na-sprain kong paa habang nakahiga pa rin. Hindi naman malala. Grabe mild nga lang 'to na pwedeng R.I.C.E lang ang gawin, pero si Sergio kasi masyadong binig-deal. I mean, siyempre na-touch ako sa concern... pero parang tama si Maya... Masyadong mahal 'tong concern niya.

Normal pa ba 'to?

Napailing ako. Overthink na naman si gaga.

Normal lang naman siguro... Baka ganito din naman siya sa mga nakapaligid sa kaniya.

Napa-buntonghininga na lang ako. Naririnig ko tuloy bigla 'yung boses ni Maya na sinasabihan akong walang makakatalo sa'kin kung may competition ng mga in-denial tapos sumali ako.

Eh... Kasalanan ko ba kung 'yun ang coping mechanism ko.

Mag-re-reply palang sana ako do'n sa last niyang sinend na video ng mga cute na ducks na nags-swimming sa lababo pero bigla na namang nag-notif na may bago siyang send.

3 subtle ways to know that your guy best friend is in love with you

Napataas ako ng kilay.

'Di ko naman bestfriend???'

'Eh bat may naisip kang tao?????? hahahahahhahahahah alangan namang aq yan!?!? di tau talo teh'

'Tanginamo'

Napairap nalang ako no'ng nag-laugh react si Maya pero pinanood ko nalang din kung ano mang gustong sabihin no'ng Tiktoker. Nakakaloka ang age of technology. Grabe 'yung reliance sa Tiktok affirmations... pero same. Literal na magkaro'n lang ng aberya sa buhay ko instead na mag-consult sa real articles ang laman ng search bar ko puro Reddit at Tiktok. Konti nalang pag lumabas talaga ulit si hey bestie if you see this on your for you page this may be for you mag-a-assume na talaga ako nang malala.

'Point taken don sa medyo attentive pero medyo sablay sa iba'

'Tanga malamang iniiwasan mo try mong asarin na may crush ka sa dept'

Natawa ako. Ano kami high school na nagpapaselos?!

'Wala naman nang pogi don'

'Try mo si Toby'

Napakunot ako ng noo. Gago talaga 'to si Maya, kung sinu-sino nalang natitipuhan. Sabagay may hitsura naman kasi talaga si Toby kaya hindi na rin ako nagtaka no'ng may mga ka-batch kaming may crush sa kaniya. Kaso mukhang wala namang interest sa higher years... baka sa kaklase pa niya. Minsan pag kasama nila 'yung pinakamaliit sa grupo nila sa canteen, napapansin pa ni Maya 'yung tingin niya do'n. Kung hindi siguro nag-medtech si Maya, malamang vlogger siya ng chismis sa Youtube.

'Gaga ka talaga freshie yon'

'And so???? kunwari lang naman wahahahha'

'Pano pag walang pake'

'Ulol may pake yan pag wala libre kita ng milktea'

'Pag meron?'

'Kiss mo siya eme cream puff lang sapat na teh'

'k'

Sineen nalang din ako ni Maya pagkatapos niyang react-an ng laugh 'yung last reply ko. Puro memes lang naman kasi talaga ang dahilan ba't kami may mga Tiktok account. Tapos sila Maya at Ali ang source ko lagi dahil kada bukas ko lagpas pa sa singkwentang videos ang sine-send nila sa'kin. Love language na siguro namin 'to. Kung hindi ganito magiging jowa ko sa future, 'wag nalang.

Sobrang boring kaya binuksan ko nalang ulit 'yung TV at nanood. Kapag kaya hiningi ko 'yung details ng Netflix dito ibibigay kaya nila sa'kin? Ang mahal ng 50k, 'no! Tapos ang ginawa ko lang naman dito humiga. Dapat may libreng live band 'yung package eh. Nakakalula ba naman 'yung presyo. Literal na isang sem na namin 'yun sa MedTech.

Hindi ako makahanap ng papanoorin kaya nag-tiktok muna ako para maghanap ng recommendations. Gustuhin ko man sanang mag-aral pero wala akong notes dito. Hirap na hirap pa naman akong mag-aral pag walang highlight 'yung papel ko, parang lumalayo sa utak ko 'yung mga binabasa ko kung walang kulay. Ang hirap mag-retain kapag walang anything sa papel, pakiramdam ko hindi ako natututo.

No'ng wala pa rin akong mahanap sa tiktok, nag-settle na lang akong panoorin 'yung nasa main banner ng Netflix. 'Di pa naman ako sanay manood ng American movies. Parang nasanay na kasi 'yung mata ko na multitasking... Nabo-boring-an tuloy ako. Kaso ayaw kong mag-start ng series! Imbes na mag-aaral ako, mag-ba-binge watch na naman ako. Parang tanga. 'Di na nga ako makapag-aral dahil nandito ako sa hospital.

Magp-play palang sana 'yung movie pero biglang tumunog 'yung phone ko.

'Forgot to ask if you have allergies'

'Shrimp lang hehe'

'Is chinese food okay? Just without the shrimps'

'Oki langgg thank youuu huhu'

'Okay gotchu'

Halos ilang minutes palang nagpe-play 'yung Wild Child sa screen, biglang bumukas 'yung pinto at pumasok si Sergio na nakapagpalit na rin ng damit at may bitbit na maliit na slingbag at paper bag.

"Sorry if I took a while, had to wait the parents," sambit niya bago inilapag 'yung bag niya sa may couch at 'yung paperbag naman sa lamesa sa harapan ko. "They were in Conrad a while ago so I asked for takeouts."

Napatango naman ako at binuksan 'yung paperbag. Si Sergio naman tinulungan din akong ilabas 'yung mga food. Sobrang dami! Kinuha na nga niya 'yung isa pang lamesa tapos do'n pinatong 'yung iba. Hindi pa naman ako malakas kumain!

"China Blue?"

He nodded and smiled, "Our go-to if we're craving for Chinese food," sagot niya bago binuksan 'yung isa. "This is peking duck and here's the sauce. You get the wrap first and then spread some sauce, add the duck and the cucumber and spring onions if you'd like."

Napatango na lang ako kahit sa totoo lang tinitignan ko palang lahat ng dala niya parang automatic napapa-compute na 'yung utak ko.

"Kumain ka na?"

Sergio smiled at tumango, "Just eat what you can," sambit niya. "I checked all the ingredients. No shrimp so... you're good."

Napaawang ang labi ko.

"Hindi naman ako gano'n ka-allergic..."

"Better safe than sorry."

Napa-buntonghininga ako.

"Thank you," sambit ko. "Bayaran ko na lang... Pero pwede installment?"

Napakunot siya ng noo saglit pero natawa rin, "Oh I don't need payment, Mads," sagot niya. "Just as long as I know that you're safe, that's good enough for me."

Napalunok ako.

Hindi ko talaga kinakaya 'yung pagiging straight-forward niya.

Napatango na lang ako at hindi na umimik habang kumakain at nanonood sa Netflix. Baka kung ano pa kasi sabihin ko tapos mag-regret lang ako kasi automatic yata 'yung processing ng pang-counter ni Sergio.

Habang kumakain ako, imbes na manood, hindi ko maiwasang mapatingin kay Sergio habang inaayos  niya 'yung sofa para maging higaan. Buti nalang may kalakihan 'yung sofa bed dito kaya medyo nabawasan naman kahit pa paano 'yung konsensya ko.

"Ano pala... chineck ko na 'yung paper kanina, pero double check mo na lang din ulit," sambit ko.

Ngumiti naman siya at tumango.

"Alam mo pwede kang mag-lawyer," sambit ko habang kinukuha 'yung iPad niya sa bag niya. Grabe... last check ko parang 1TB 'yung storage ng iPad niya kasi raw naglalaro siya ng games at marami rin siyang books tapos may kasama pang Magic Keyboard. Hindi ko na talaga masukat kung ga'no sila kayaman aside sa kaya niyang ma-afford 'tong VIP room.

Natawa naman siya at napatingin sa'kin, "Really? Why?"

Napa-kibit ako ng balikat, "Wala... Parang ang galing mo kasing mag-isip ng pang-counter," sagot ko. "Parang alam mo 'yun... Parang automatic na sa utak mo 'yung sasabihin kada may sinasabi ako sa'yo."

Napahagalpak naman siya ng tawa, "Well that's just me being comfortable," sambit niya bago ibinaba nang kaunti 'yung screen ng iPad niya at tumingin sa'kin. "I suck at articulating words sometimes, tho..."

Natawa ako, "Totoo?"

"I'm not really good at public speaking so I chose medtech," he says. "I'm fine with small interactions. Probably what we're supposed to do when we're already in the hospital, but public speaking isn't for me. I'd probably give an innocent client a death penalty if I become one."

"Grabe sa death penalty!" natatawa kong sabi. "Wala namang death penalty dito."

Nag-shrug lang siya, "Well either that or a life sentence," sambit niya dahilan para matawa ako lalo. Jokerist din pala siya minsan. Kaso iba pala talaga ang humor ng mga alta. Feeling ko tuloy nababahiran ko siya ng kanal kapag ako 'yung nan-do-dogshow.

Napa-buntonghininga ako.

Naalala ko bigla sila mama.

Ang drama naman bigla.

"You okay?"

Ngumiti ako at tumango, "Okay lang. May naalala lang ako bigla."

Sergio looked concerned at lumapit sa'kin, "You can tell me what bothers you."

Nag-shrug ako at pinanood lang siyang kunin 'yung isang upuan sa tabi ng kama bago umupo do'n.

"Sure ka kumain ka na? Parang hindi ko kasi 'to mauubos," sambit ko. "Mahina akong kumain."

Natawa siya, "Just eat what you can and let's just microwave the leftovers tomorrow."

Napanganga ako.

"Kumakain kayo ng init?"

Natawa siya, "Hey, my parents live a frugal life you know," depensa niya dahilan para matawa ako. "One time, my mom discreetly asked the waiter to pack up the bones from the ribs we ate for our dog, and I was really embarrassed... I mean... we were in Wolfgang."

Napahagalpak ako, "Grabe mas kuripot pa yata 'yung mother mo kaysa sa'kin," sambit ko.

He laughed, "But she didn't do it again. Apparently it was a dare my dad asked her. And she wasn't going to back down because it meant not buying the bag she's been eyeing for days. Aside from that... they're just really fans of takeouts and not wasting food."

"Cute ng parents mo," sambit ko. "Probably gag worthy situation kasi malamang magfe-fake gag din ako if acting sweet and all sila, pero you just know they're happy with each other."

Sergio smiled, "Yeah..." he whispered at napatingin sa'kin. "That's why I've promised myself I'd let the person I'd love the most to experience that kind of love."

Napatikom ako ng bibig.

"A-ah..." mahina kong sambit. Bakit ba siya nakatingin sa'kin nang ganiyan... "I-ilagay na lang sa ref 'to 'no? 'Di ko na kasi makakain. Busog na'ko."

"Oh right." Mabilis kumilos si Sergio at clinose 'yung lids ng mga paper boxes sa lamesa bago ipinasok lahat sa ref. Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang inaayos niya 'yung mga pagkain kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit naman kasi gano'n siya makatingin sa'kin?! Parang mamahalin ako, eh. Nakakaloka.

"How's your foot?"

"Okay naman na," sambit ko at ginalaw nang kaunti. "May kirot nang slight, pero pwede naman na'kong pumasok bukas."

Sergio frowned, "You focus on yourself first."

Umiling ako, "May elevator naman. 'Di naman ako mamamatay kung mag-crutches ako or something. As far as I know, may wheelchair din sa lobby. Daming paraan. 'Di ako pwedeng mag-absent."

He sighed.

"Okay..." he says. "But... do you have your stuff already?"

Tumango ako, "Kinuhanan na ako nila Maya kanina," nakangiti kong sambit. "Huwag ka na mag-alala."

"I'm just concerned."

Ngumiti ako, "Tong room... hahanap ako way para mabayaran."

Umiling siya, "No."

"Hindi. Babayaran ko 'to," sambit ko. "May sideline naman ako. Meron din sa LinkedIn. Madali lang humanap."

Napasimangot siya, "Just treat it as a... gift as your friend. You know I agreed to this SIP, so just as long as we're still together for this SIP and it happened within the SIP, just think of it as a partner thing."

I sighed.

Hirap naman nito kalaban.

"Okay?"

Marahan akong tumango. Napangiti naman si Sergio  at lumapit sa'kin. Nagulat ako nang bigla niyang i-pat 'yung ulo ko.

"You did well today, Mads. I'm really grateful you made this SIP with me."

Natawa ako kahit sa totoo lang para akong tangang kinakabahan at pinipilit iiwas ang tingin sa kaniya.

"Wala 'yun... Ano ka ba. Halos mas greater pa nga 'yung effort mo," nahihiyang sabi ko... kasi totoo naman. "Promise, ipo-proofread ko nang maayos 'yung paper."

Ngumiti siya.

"Just promise me we'd still communicate after this," he says.

Hay.

Tumango ako dahilan para mas mapangiti siya lalo.

Panira ka ng plano sa buhay, Sergio.

Continue Reading

You'll Also Like

364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
24.4K 515 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
23.6K 409 40
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: