Love Me M O R E 1&2

By asktherisk

39.2K 1K 321

-COMPLETED- If i was sick and the only cure is to forget me, would you give me the medicine? Or would you let... More

Love Me M←O←R←E
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 LOVE ME, EROM -the story begins
Book 2 Prologue
1st chapter - THAT GUY
2nd Chapter - THE TUTOR
3rd chapter - The Sender
4th Chapter - Pizza Girl
5th Chapter - Somewhere down the road.
6th Chapter - REGRETS
7th Chapter - Pizza Girl meets Martini Guy
8th Chapter - Playmate
9th Chapter - First Clue
10th Chapter - REVELATIONS
11th Chapter - S.O.S.
12th Chapter - Dinner disaster
13th Chapter - DINNER FOR TWO or DINNER WITH TWO?
14th Chapter - NINJA MOVES
15th Chapter - The Company
16th Chapter - NEW CLASSMATE
17th Chapter - HERO IN DISGUISE
18th Chapter - OFFERS
19th Chapter - to SIOMAI love for you
20th Chapter - NO HAPPY ENDINGS
SPECIAL CHAPTER - Memoirs of timang na blob fish
21st Chapter - PREDICTIONS
22nd Chapter - MEET THE IN-LAWS xD
23rd Chapter - MISPLACED
24th Chapter - INTENSITY #9!
25th Chapter - WILDFIRES
26th Chapter - ALMOST THERE
27th Chapter - BURNING
28th Chapter - NOBELA
29th Chapter - GET YOUR HEAD IN THE GAME!
30th Chapter - UNANSWERED QUESTIONS
31st Chapter - DETECTIVE MOVES
32nd Chapter - FOR YOU
33rd Chapter - T-SHIRT
35th Chapter - CURTAIN CALL
36th Chapter - Donde Estas Esja?
37th Chapter - MEMORATA
38th Chapter - INDAK
39th Chapter - TONIGHT
FINAL CHAPTER
EPILOGUE
SUICIDE NOTE

34th Chapter - MISPLACED TOO

347 7 1
By asktherisk

A/N: dedicated sa aking kumareng Slowding. May guest character ako sa chapter na to galing sa story nya. I highly recommend her story to you guys! Its entitled Im Inlove With My Sister's Boyfriend :))

-Ma'joy's POV-

"Nais kong magpakalasing

Dahil wala ka naaaa

Nakatingin sa salamin

At nag-iisaaaa...!"

Pssh.. As usual. Everytime umuuwi si Daddy galing sa mga business trip ay nakaugalian na namin dito sa bahay maghanda kahit konti. At opo. Daddy ko nga ang kumakanta ng Beer by Sugarfree. Jusme, nakakabulahaw ng kapitbahay eh!

"Songbook o."

"Ayokong kumanta."

Umupo sa tabi ko si Erom.

"Bat parang bigla kang naging masungit simula nung bumalik tayo dito sa manila?"

Nagbukas ako ng panibagong bote ng tanduay ice red.

"Ako masungit? Bat naman mo naman nasabi yan?"

"I know you my dear couz. Nagsusungit ka kapag may dinadamdam ka."

"Lasing ka lang kaya mo nasasabi yan."

Erom smirks.

"Ako lasing?!"

"Sus. Wala namang lasing na umamin na lasing na siya. *beat* Maiba ko. Balita ko mahigit one week ka na raw hindi pumapasok?" i asked him dropping the first topic.

"Kanino mo naman yan nalaman?"

"Kay ate Lira. Ikaw ah. Pag pinagpatuloy mo pa yan isusumbong na kita kay mommy at kay Lola Fatima. Bat ka ba nagkakaganyan?" tanong ko kay Erom. Uminom ako ng t. ice at pagtingin ko sa kanya, ayun. Nagtatawag na ng uwak.

"Erom naman! Dyan ka pa nagkalat!" rinig kong sermon ni mommy nang makita niyang sumusuka si Erom.

"Iinom-inom hindi naman pala kaya. Manang paki-punasan nalang po para hindi umalingasaw. Salamat po."

HAYS.

"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunaaaaan..

Upang malunod na ang puso kong nahihirapaaaaaan..

Bawat patak, anong sarap

Ano ba talagang mas gusto kooooo?

Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo.."

Beer at pag-ibig. Parehong magkaibang bagay ngunit pilit na kinukumpara sa isa't isa.

Ang beer, iniinom. Ang pag-ibig dinadama.

Ang beer masarap kapag malamig. Ang pag-ibig nakakatamad kapag nanlalamig.

Ang beer, mapait sa unang tikim. Pero habang tumatagal lalong sumasarap. Ang pag-ibig, masarap sa umpisa. Pero habang tumatagal unti-unting pumapait.

Ganun pa man, meron silang isang bagay na ikinatulad.

Ang pag-iibigan ay parang pakikipag-inuman at ang pakikipag-inuman ay parang pag-iibigan.

Bakit?

Simple lang.

Dahil kahit gaano ka pa kasaya sa umpisa, magtatapos pa rin ito sa salitang HINDI KO NA KAYA.

Kinaumagahan hindi ako nakapasok dahil na-late ako ng gising. Okay lang rin naman hindi pumasok ngayon dahil, basta.. Okay lang yun ;)

Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan. Tsh.. 10:14am na pala. Meron din akong 1 new message.

1 new message

From: Restan

Rise and shine ms.gorgeous :)

Tss.. Rise and shine your ass. HMP!

Yeah. Tinetext parin ako ni Restan. Simula nung eksena sa airport lagi niya kong tinetext. Umaga pagkagising, tanghali bago mag-lunch time, at gabi bago matulog. Minsan nga nag-mimiscol pa eh. At isa lang ang ibig sabihin nun. MARAMI SIYANG LOAD. Choss. The hell I care kung marami siyang load! Marami din naman akong load eh. Pero kahit mag-unli pa ko habang buhay hinding hindi ko siya rereplyan! Hmp. Bahala siyang mamatay sa guilt. Saka baka mamaya group message lang pala yun, assumera lang pala ko.

But on the other side at kung titignang mabuti, wala naman talaga siyang kasalanan. Sige sabihin na nating nagpaasa siya pero, ako rin naman yung isa't kalahating tangang umasa eh. *sigh* Kaya okay na rin siguro 'tong iniiwasan ko siya para wala ng gulo. Dibadibs? >:)

Nung bumaba na ko para mag-brunch naabutan kong nakabusangot ang mukha ng magaling kong uncle sa may breakfast bar.

"Problema mo?" tanong ko nung umupo ako sa barstool katabi niya. Hindi siya sumagot. Napansin kong hawak niya yung cellphone niya.

"O kumain na kayo mga hijo at hijo." lumapit samin si Manang at nilapag ang dalawang plato ng fried rice kaulam ang corned beef na sinundan ng dalawang basong orange juice.

"Ui Erom. Sarap o, cormbip." pangtatakam ko sa aking tiyuhin pero wala waepek pa rin.

Himala atang hindi 'to tinablan ng takam, paborito niya kasi 'tong corned beef.

Tumayo si Erom sa bar stool ng hindi man lang ginalaw ang kanyang pagkain. Pero wag ka, ubos yung juice niya. Ako nalang yung umubos ng pagkain ni Erom dahil nakakahiya kay Manang (pero ang totoo niyan ginusto ko rin talaga yung kainin).

Matapos kong kumain ay hinanap ko sina mommy dahil kanina ko pa sila hindi nakikita. Nang itanong ko kay Manang ay nagde-date daw ang dalawa. Ganun talaga ang dalawang yun. Corny mang pakinggan pero nagde-date talaga sila pag namiss nila ang isa't isa. At for sure, bukas na ng umaga ang uwi ng mga yun. Alam na.

Tumambay nalang ako sa may sala at pinagmasdan si Fishda sa aquarium. Si Fishda ay isang blob fish. Ewan ko ba kung bakit sa lahat eh blob fish pa ang binili ni daddy. Nakaka-timang lang pag inisip ko pa. Kasama ni Fishda sa aquarium si Panget. Si Panget ay isang tilapia. Red na tilapia. Ang corny nga e. Hindi ko alam kung pano naging fishda yung pangalan ng blob fish (who knows?) pero si Panget ako yung nagpangalan dun. Panget ipinangalan ko dahil ang nakokornihan ako sa kulay niya. Wala lang. Mukhang nagustuhan niya naman ata eh.

Si Fishda at si Panget. Nakakatuwa silang pagmasdan. Paikot-ikot lang sila sa aquarium pero nakaka-relax panuorin. Magkasundo sila kahit malaki ang kanilang pagkakaiba. Ang cute kaya nilang tignan magkasama. Pero syempre, hindi sila pwede. Haays. Bakit kaya ganun? Bat kailangan pang pagtagpuin ang dalawang nilalang kung hindi rin naman pala sila para isa't isa?

Putspa. Pati isda ginawan ng kadramahan =_= Eh kasi naman eh! Sobrang nakakaboring kaya.

Bago ko pa magawan ng lovestory na pang-wattpad si Fishda at Panget ay nagdesisyon nalang akong maligo. Nagbabad ako sa banyo, isa't kalahating oras ako sa loob. Wala lang. Ginawa ko lang araneta coliseum yung banyo ko ng mga ilang minuto. Sayang nga eh, dapat pala nilagay ko si Fishda at Panget sa fish bowl tas sinama ko maligo para may audience man lang ako. Di bale, gagawin ko talaga yan next time.

Time check: 1:32pm. Hinanap ko si Erom para yayain maglaro ng Xbox pero hindi ko siya makita. Sabi ni Manang umuwi na raw. Nagsisimula na kaming kabahan sa lalakeng yun. Lately masyado siyang spaced out. Balisa. Tahimik. Minsan kinakausap ang sarili. Kinikilabutan na nga kami eh. Tapos one time pumunta pa yun dito amoy yosi. Sumasakit na ulo ni mommy dun. Panigurado pag nalaman ni mommy na mahigit one week na siyang di pumapasok tatanggalan niya yun ng allowance. Masama pa namang magalit si mudra. Pero kung sabagay, may sideline naman na trabaho si Erom.

I gasped upon my own realizations. Oh noes. Kung hindi tatanggalan ni mommy si Erom ng allowance, malamang sa malamang niyan..

..ipatapon siya pabalik sa Palawan.

Oh please. Sana lang talaga hindi na yun makarating pa kay mommy. Erom kasi eh!

Dahil wala akong magawa ay nagpasya nalang akong mag-doodle. Kung yung iba sports ang libangan, eto ang akin. DOODLING BEYBE!

Doodle..

Doodle..

Doodle..

~..May pa Jenny Jenny ka pa dyan! Manloloko ka! Bakit mo naman niloko? Alam mo namang mahal kita di ba? Binigay ko naman lahat ng gusto mo. Pano mo ba kasing gustong mahalin ka ha?!..~

Restan

Calling..

~..Ikaw kasi ang kulit mo eh. Text ka ng text. Tawag ka ng tawag...~

Lalala. Wala akong naririnig.

>=_=<

~..Syempre itetext kita. Namimiss kita eh. Di ba ikaw rin naman nagsabi na magtetext tayo? Sana pala hindi nalang kita naging gusto. Sana hindi na lang kita minahal! Sana pala yung pinang-pasaload ko sayo pinambili ko nalang ng pagkain saka project. Sana, yung pagpapagod ko sa pagtetext at kakaisip sayo, nag-aral na lang ako at nakipaglaro sa mga kapatid ko. Dahil sayo nawalan nawalan pa ko ng friend! Natuto akong magsinungaling at sumuway sa mga magulang ko. Pero ikaw? Lagi mo nalang pinapasikip yung dibdib ko! Bakit?! Dahil cute ka? Dahil maraming nagkaka-crush sayo kaya pwede mo ng gawin 'to sakin? Mula ngayon, kaaway na kita.. Hindi na ko makikipagbati sayo KAHIT KAILAN!..~

Doodle..

Doodle..

Doodle..

1 missed call

HAYS. Tumigil rin. Ang kulit ng ringtone ko noh? Yan yung sa spoof ng Endless Love sa Going Bulilit. Hehe.

Pinagpatuloy ko nalang ulet yung ginagawa ko. Kahit kelan talaga storbo yang Restan na yan. Pero minsan pumapasok din sa isip ko na sagutin yung tawag. Wala lang. Gusto ko lang marinig yung boses niya. Kung okay lang ba siya. Besides naging magkaibigan din naman kami dati. Pero alam ko namang iba na ngayon..

Pagtingin ko sa ginagawa ko..

TAPETE.

Restan yung nailagay kong pangalan >.<

"ARGGGGHH!" wala na! Ayoko ng magdoodle! Nilukot ko yung papel at hinagis sa basurahan. Sayang tuloy. Kainis namaaan!

~..May pa Jenny Jenny ka pa dyan! Manloloko ka!..~

Argh. Tumatawag na naman siya. I-o-off ko na sana yung cellphone ko nung makita kong hindi pala si Restan yung tumatawag.

Glaiza

Calling..

Si Glai! Kung hindi niyo natatandaan, siya yung pamangkin ni Kuya Mark na pinakilala ko kay Erom.

I immedietly pressed the answer key.

"Glai!"

--"Ui Joy. Ano musta na?"--

"Eto cute parin. Hihi. Ikaw?"

--"May boyfriend na ko Joy."--

"Hah? Who's the UNlucky guy?"

--"Ansama ha."--

"De jowk lang. Sino nga kasi?"

--"Remember the guy na kinwento ko sayong na-meet ko sa resort..?

..hindi iyon."--

"Bruha pinaglololoko mo ko hah."

--"De jowk lang. Siya nga."--

"Edi ikaw na happily taken."

--"Bitter teh?"--

"Hinde. Inggit ako."

--"Asuss. Dadating rin yang iyo wag atat. By the way, kaya ko tumawag, uhm gusto kang makilala ni Klein. Lagi kasi kitang naiikwento dun eh. Saka nakita na rin niyang magkasama tayo dati nung wedding ni kuya at ate Raechelle. Pumasok ka ba ngayon?"--

"Hindi ako pumasok. Err.. Sure ka ipapakilala mo ko dyan? Baka mamaya mainlove yan sakin hah."

--"Loyal 'to noh."--

"Whatever you say. Kelan ba yan?"

--"Now na bakla! Tetext ko nalang kung san tayo magkikita. Gege laters mwah!"

*toot.toot.toot*

ANSAVE NG NOW NA? =_=

-Restan's POV-

Ang tahimik. Ayoko talaga sa lugar na 'to. Ayoko ng amoy. Ayoko ng kulay. Ayoko ng lahat ng nandito.

Walang magawa. Nakakabagot. Namimiss ko na yung dati kong buhay. Pero wala eh. Trayduran.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawagan si Ma'joy. Alam ko may kasalanan ako sakanya. Pero peksman! Hindi ko talaga yun sinasadya. Hindi ko naman akalain na magkakaganito e. Gusto ko siya pero mahal ko si Esja. T@ngina ko di ba? Tatanggapin ko kung hihilingin niyong mamatay na sana ko. Wala kong kwentang tao. Wala.

At tulad ng dati, hindi parin sinagot ni Ma'joy ang tawag ko. Tss.. Hindi ko na alam kung ano pang pwede kong gawin. Tinetext ko siya, tinatawagan, inaabangan sa bistro. Pero wala eh. Ganun nga talaga siguro ang buhay.

*bzzzt*

1 new message

From: Esja baby

Mall tayo babe :3

Buti naman mukhang nanumbalik na ang saya ni Esh ngayon. Kailangan ko siyang puntahan. Ngayon nalang ulit siya nagyaya at ayoko siyang i-disappoint.

"Sir hindi niyo po pwedeng tanggalin yan."

"Pabayaan mo ko. Please, kahit ngayon lang?"

"Pero sir.. Mapapagalitan po ako."

"Wag kang magalala, sagot kita. Sabihin mo hindi mo alam na tumakas ako."

"Sir tatakas na naman kayo?!"

"Pramis babalik ako bago dumating si mommy."

"Pero sir..."

[South High; 3:08pm]

"O manong. Musta na?" bati ko kay manong guard.

"Long time no see ah. Eto, okay lang. Gwapo parin." sagot ni manong guard na may kasamang pogi sign.

"Tagal mo atang hindi nagagawi dito?"

"Busy po eh." sagot ko sabay upo dun sa kaninang inuupan ni manong.

"San ang date niyo ngayon?"

"Sa mall lang ho."

Kasabay ng pagkukwentuhan namin ni manong ay ang pagdagsa ng mga estudyanteng lumalabas. Kalimitan ng mga lumalabas dito sa main gate ay yung mga estudyanteng naka-kotse, ibig sabihin, yung mga nagcocommute at naglalakad lang na estudyante ay sa back gate lumalabas. Syempre habang nakikipagkwentuhan ay inaabangan ko rin ang pagdating ni Esja. Wala raw siyang sundo ngayon. Sabi ko dito nalang kami magkita sa main gate, mahirap kasi magkakitaan sa back gate lalo na pag kasagsagan ng uwian.

At syempre, pag uwian, hindi nawawala ang mga sidewalk vendors sa labas ng campus. Nandyan yung nagtitinda ng icecream, mais, mangga, kalamares, ihaw at kung anu-ano pa.

"Lakad na. Alam kong gusto mo siyang bilhan ng cotton candy." out of the blue na sabi sakin ni manong guard.

Hindi ako nagdalawang isip pa at bumili na ko ng cotton candy. Eto kasi yung lagi kong binibigay kay Esja dati tuwing uwian.

Pagbalik ko kay manong guard ay nandun na si Esja.

"WOW! Tagal ko ng di nakakakain neto ah." ngiting-ngiting reaction ni Esja habang inaabot ko sa kanya ang binili kong cotton candy.

"Bat biglaan ka atang nagyaya mag-mall?"

"May bibilhin ako. Yung librong SDTG. Naubusan ako kahapon eh."

"Nag-mall ka kahapon?" tanong ko na may tono ng tampo.

"Eh sinamahan ko kasi si Kiel kahapon. Binilhan niya ng regalo yung manager niya. Tara na!"

-Ma'joy's POV-

Nandito ako sa foodcourt ng isang mall. Dito kasi yung tinext ni Glai na meeting place.

"Ma'joy!"

Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Glai na may ka-holding hands na lalake habang lumalapit sakin. In fairness ang gwapo nung guy ha. Pwedeng pang-display.

"Glai." nagbeso-beso kami ni Glai tapos umupo na silang dalawa sa harapan ko.

"Ma'joy, this is Klein. Ang aking MOO."

"MOO?"

"My One & Only. Hihi."

Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong Zagu. Bakit ganun? Pag inlove ka yung corny nagiging romantic? Pero pag single ka yung romantic nagiging corny? Ako ba ang may problema o sila? ~_~

Nagkwentuhan lang kami ni Glai ng mga kung anu-anong bagay. Minsan nakiki-sabay rin si Klein. Hmm..mukhang okay naman 'tong si guy. Hindi nagpapa-OP.

Glai: Ang sweet nga eh. Niregaluhan niya ko book ni SGwannaB.

Ako: O_O ALIN? Yung She's Dating the Gangster?! Kyaaaah!

Klein: Last copy na nga yun sa bookstore. Inunahan ko yung babae na kunin yun kahapon.

Glai: *pabulong* Ang sweet niya no?

HMP. Whatever.

Nung magsawa na kaming tumambay sa foodcourt ay naglibot-libot nalang kami sa mall. Nagyaya silang manuod ng movie pero tumanggi ako dahil for sure magmumukha lang akong loner dun.

Okay na sana eh. Hindi na sana masisira ang araw ko. Kaya lang may nangyari..

Habang nasa Tom's World...

"Ma'joy. Di ba si Esja yun?" tanong sakin ni Glai sabay palihim na turo kay Esh.

Crap. Si Esja nga..

..kasama si Restan.

"Uy si Ms.Esja yun ah? MS.ESJA!"

Nagulat kami ni Glai nung biglang tinawag ni Klein si Esja. Anak ng. Patay tayo dyan.

"Klein pano mo nakilala si Esja?" nagtatakong tanong ni Glai.

"Ahh. Nakita ko kasi siya nun sa resort, kausap niya si Charles. Ayun, pinakilala sakin." Klein explained.

Bumulong naman sakin si Glai.

"Di ba si Erom ang boyfriend ni Esja? Bakit ibang guy ang kasama niya?"

I just shrugged. Mas mabuti nang manahimik. Ayoko ng makisawsaw sa gulo nila.

"Esja! Hey!"

This time si Glai naman yung tumatawag. Uh oh. I smell trouble.

[Shakeys; 4:32pm]

Awkei.. This is too awkward.

Kaharap ko lang naman ngayon si Restan, with Esja beside her. How pathetic.

Klein: Ms.Esh, siya pala yung sinasabi mong boyfriend nung nasa resort tayo?

Esja: Ahh..oo siya nga. Esja nalang itawag mo sakin Klein, wag ng Ms.Esh.

Glai: Pero Esh. Di ba si Er--ouch.

Ako: *patagong kinurot si Glai sa tagiliran* Ehehe. Wala bang o-order satin dyan?

Restan: Sige kami nalang o-order.

Klein: Wag na dude. Kami nalang ni Glai. Tara na MOO.

Pumuna na sa counter sina Klein at Glai at naiwan kaming tatlo ng ResJa couple sa table.

Spell V-E-R-Y A-W-K-W-A-R-D

Grabe. Feeling ko tinoture ako sa puntong 'to. Bakit kailangan ko pa 'tong pagdaanan? Lumalayo na nga ako sa gulo pero yung gulo naman ang lumalapit sakin. Why do I need to suffer this much?

Argh! Matagal pa ba? Pakiramdam ko any moment tutulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung makakaya ko pa 'tong pigilin. Staying here makes me feel Im digging my own grave.

Bago pa tumulo ang luha ko ay tumayo na ko sa aking kinauupuan.

"I have to go. Pakisabi nalang kena Klein at Glai. May emergency kasi eh. Im sorry ha. Nice to see the two of you again. Bye."

-3rd Person POV-

Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move

Nandito na naman siya..

Sa lugar kung saan una silang nagkita.

Gabi-gabi siyang tambay dito. Walang mintis. Kahit pagbawalan siya ay gumagawa siya ng paraan para tumakas. Nagbabaka-sakaling..makita niya ulit ang babaeng yun.

Got some words on cardboard, got your picture in my hand

Saying, "If you see this girl can you tell her where I am? "

Ganun parin ang paligid. Couples chatting, barkadahang nagkakasahayan, at bandang kumakanta. Same barstool. Same drink. And the same bartender. Nothing changed since the first time he went here.

Lahat ganun pa rin. Pwera lang sa isang bagay..

Some try to hand me money, they don't understand

I'm not broke I'm just a broken hearted man

..yung katabi niya.

I know it makes no sense but what else can I do

How can I move on when I'm still in love with you

THAT GIRL SITTING NEXT TO HIM. Hindi na ulit ito nagpakita pa sa kanya.

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinkin maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you'll see me waiting for you on the corner of the street

So I'm not moving, I'm not moving

Pero kanina. Hindi siya makapaniwala. Nagkita ulit sila.

Ngunit sa kinamalas-malasan, bakit sa ganung klaseng pagkakataon pa?

Policeman says, "Son you can't stay here"

I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year"

At kahit batid niyang iniiwasan siya nito, hindi siya susuko.

Gotta stand my ground even if it rains or snows

If she changes her mind this is the first place she will go

He's ready to wait..

..whatever it takes.

'Cause If one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you'll see me waiting for you on our corner of the street

So I'm not moving, I'm not moving,

I'm not moving, I'm not moving

Hindi siya aalis dito hangga't hindi siya dumadating.

People talk about the guy that's waiting on a girl

There are no holes in his shoes but a big hole in his world

Gusto niyang humingi ng tawad bago man lang mahuli ang lahat..

Maybe I'll get famous as the man who can't be moved

Maybe you won't mean to but you'll see me on the news

And you'll come running to the corner

'Cause you'll know it's just for you

I'm the man who can't be moved

Kahit ilang gallon pa ng martini ang maubos niya ay maghihintay parin siya..

Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move

Sa lugar kung saan sila unang nagkita.

Nagpalakpakan ang audience matapos kumanta ng banda. Umorder naman si Restan ng tatlo pang shot ng martini.

"Dude."

Napatingin siya sa lalakeng humawak sa balikat niya.

"Klein?"

Umupo ito sa tabi niya. Sa barstool kung saan si Ma'joy dapat ang nakaupo at hindi ang lalakeng yun.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa." panimula ni Klein. May inilabas itong maliit na papel sa kanyang bulsa.

"Dude, nagkamali ka ng bag na nalagyan. Yung sulat mo para kay Ma'joy naihulog mo sa bag ng girlfriend ko."

8PM. LUNATICS BISTRO. Yan ang nakasulat sa maliit na papel. Kanina habang naglalakad sila papuntang Shakeys ay inihulog niya ito sa bag ni Ma'joy. Unfortunately, nagkamali siya ng napaglagyan.

"Dude," muling nagsalita si Klein.

"Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ni Ma'joy pero gusto ko kayong tulungan."

Umorder si Restan ng alak para kay Klein habang naguusap.

Restan: Pano mo naman nalamang para kay Ma'joy yang sulat?

Klein: Wala lang. Napansin ko lang na iba ang titigan niyong dalawa kanina.

Restan: Yun lang yun?

Klein: Syempre tinanong ko rin si Glai. Muntik pa nga kaming mag-away e. Pero hindi ka daw talaga niya kilala.

Restan: Pasensya na sa gulo't abala.

Klein: Sus, wala yun. Di bale, maya-maya nandito na rin si Ma'joy.

Restan: Tss. Hindi na yun pupunta dito.

Klein: Pupunta yun dude. Watch and learn.

*

Time check, 8:43pm.

Labag man sa kalooban ni Ma'joy ay napilitan rin siyang pumunta ng bistro. Nakatanggap siya ng text galing kay Klein na kailangan niyang pumunta dito dahil may importante raw itong sasabihin. Nagdadalawang isip man ay naisipan niya na ring tumuloy dahil baka tungkol kay Glai ang paguusapan nila.

Kabadong pumasok si Ma'joy sa loob ng bistro. As usual, maganda pa rin ang ambiance sa loob. Walang pinagbago. Namiss niya rin pala kahit pano na pumunta dito.

Hinanap ng mata niya si Klein sa paligid ngunit hindi niya ito namataan. 8:30 kasi ang usapan kaya ineexpect niyang dumating na ito.

Lumapit siya sa may bar counter at umupo sa dati niyang pwesto para doon maghintay.

"Margaritta please."

Agad namang inasikaso ng bartender ang order niya. Ngayon niya lang narealize kung gaano niya namiss ang lugar. It feels good to be back.

Napatingin siya sa katabing barstool. Parang kailan lang.. Nagpupunta pa kaya si Restan sa lugar na 'to?

She dismissed the thought. Hindi niya dapat iniisip ang lalakeng yun ngayon.

Time check, 8:54pm. Nagsisimula na siyang mainip. Dinaan niya nalang sa inom ang paghihintay.

Habang tumatagal ay mas lalong pinapaalala ng lugar ang mga bagay na gusto niya na sanang makalimutan. Nananadya nga talaga siguro ang tadhana. Bakit ba naman sa lahat ng lugar ay dito pa naisipan makipagkita ni Klein?

Time check, 9:16pm. She feels a little bit groggy. Marami-rami na rin ata siyang nainom. Where the heck is that guy?!

Dahil sa pagkabagot at epekto na rin siguro ng alak ay nakipagkwentuhan nalang siya dun sa bartender.

"What time ba kayo nagsasara?"

"Depende po yun mam sa dagsa ng tao." sagot ng bartender habang nagpupunas ng wine glass.

"Ganun? Edi kahit abutin ng umaga basta maraming tao okay lang?"

"So far wala pa naman pong umaabot ng ganon. Ayy meron po pala. One time yung regular customer namin inabot ng 6am dito."

"6AM?!"

"Opo. May hinihintay daw po kasi siya eh."

Bahagyang natawa si Ma'joy sa narinig.

"Ang OA naman nun."

"Bilib nga kami sa taong yun. Gabi-gabing nandito dahil meron daw siyang hinihintay. Katunayan nga po dyan sa tabi ng barstool niyo yung paborito niyang pwesto."

Biglang natigilan si Ma'joy sa narinig.

"D-dito? S-sa katabi ng pwesto ko?"

Tumango ang bartender na may bahid ng lungkot sa mukha.

"Yes po mam. Kung napa-aga ho kayo siguro baka naabutan niyo siya kanina."

Naabutan? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Blood sings through her veins. Kung kinakabahan ba siya o naeexcite ay hindi niya matukoy.

"Ano ng nangyari? Nasan na siya?"

"Bigla po kasi yun nawalan ng malay kanina. Sobrang namumutla. Siguro ho sa sobrang puyat. Pero parang hindi rin eh. Buti nalang may kasama siya kanina."

May kasama? Hindi kaya si Klein yun? Anong nangyari? Bakit hinimatay si Restan? Paikot-ikot lang ang mga tanong sa isip niya.

"Y-yung customer niyo ba na yun meron bangg alak na paboritong orderin dito?" kinakabahang tanong ni Ma'joy.

Walang halong alinlangan namang sumagot ang bartender.

"YES MAM. MARTINI PO."

-end of chapter 34-

Continue Reading

You'll Also Like

27M 715K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...