Runaway Girl

By orangeyrabbit

432 115 0

NOTE! This story is ON HOLD. After knowing her Dad already have someone new in his life, Bianca Donitta beca... More

Prologue
Extra 0.9
Chapter 1
Chapter 2
Extra 1.0
Chapter 3
Chapter 4
Extra 1.1
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Extra 1.2
Chapter 8
Extra 1.3
Extra 1.4
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 13

13 3 0
By orangeyrabbit

- Beauty And The Moron -

After what happened last night, everything's in mess.


Nakakainis. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jairo. Hindi naman sa kinakabahan ako pero parang ganoon na nga.


"Why the hell am I braiding my hair?!" Nagulat ako sa ginagawa kong pag-aayos sa sarili na hindi tulad ng usual kong ginagawa.


Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin ng vanity table ko ng ilang segundo, iniisip kung ano bang nangyayari sa akin. Sinampal ko ang pisngi ng napakalakas dahilan para mamula ito. Gusto ko lang naman magising sarili ko just in case I'm in a dream but wala, this is indeed reality.


Kinalas ko na lang ang mga tirinitas sa buhok ko. It made me look like an untrimmed bush.


No choice ako kung hindi gawin ang bar look ko. I curled my hair to hid the trace of it being braided. Nag-apply ako ng light make-up after.


I was just adding finishing touches on my face, applying a lip gloss in shade ballroom when I heard someone knocking on my bedroom's door.


"Oo na... maganda ka na, Caca! Mapapansin ka ni Jairo ket 'di ka mag-effort, don't worry!" Sigaw ni Justin mula sa labas na siyang ikinapula ng mga pisngi.


Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. I faced him like a charging bull, ready to attack him any time.


"Hindi ako uma-arjud para sa kaniya, okay?" I said with so much anger.


"Chill..." He chuckled.


Sinamaan ko siya ng tingin


"Narinig ko usapan niyo kagabi." Malokong saad niya sabay ng pagkindat niya sa akin.


"WHAT?!" I exclaimed pero tinawanan lang ako ng bwisit.


"Anyway, ganda mo ngayon." Justin smiled at me, his teeth showing.


"Ngayon lang? Araw-araw kaya." Napairap ako kasi nakakainsulto kung i-compliment niya ako. Kahit 'wag nalang sana.


Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Tita, kakwentuhan si Lola. I barely see Lola these days but... I don't really care. Tita Ayeth is also here, the mother of the twins.


Nagtama ang tingin namin ni Tita Baby, siya ang unang nakaramdam ng presensya ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang photocopy machine kung i-scan ako.


Kumunot ang noo niya. "Papasok ka sa school nang ganyan ayos mo?"


Tumango ako kay Tita.


"Himala." I saw a hint of smile forming on her lips.


"Sabay kayo ng kambal?" Tanong ni Tita Ayeth.


Hindi ako sumagot. Napatingin lang ako sa kaniya at nginitian ko lang siya. Wala lang, hindi ko siya trip kausapin kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla niya ako abutan ng dalawang libong piso.


"Baon mo." Saad niya at inalok muli ito sa akin.


Kaagad ko naman itong tinaggihan. Hindi kami ganoon kaclose ng Tita Ayeth ko para alukin lang ako ng pera basta basta. Sa tingin ko tuloy sinusuhulan niya ako para makapagtanong tungkol sa kambal tulad ng ginagawa ni Tita Baby kay Jairo--


The hell? Stop thinking about him, Bianca!


Napalo ko tuloy nang wala sa oras ang ulo ko. Natawa si Tita Baby sa ginawa ko. Kilalang kilala niya ako at alam kong alam niya ang rason sa tuwing papaluin ko ang ulo ko. 'Di tulad ni Lola at Tita Ayeth, nagulat dahil sa ginawa ko.


"Bakit hija?" Nag-aalalang tanong ni Tita Ayeth.


"Baybay am... mamurmuryot lang ayta." Tumatawang sabi ni Tita Baby sa kapatid.


"Madi ah... sapay ikaskastam atta ulo mo, balasang ko?" Si Lola naman ngayon.


"Madi kano mapakali ta isisipin na attta nobyo na nga ni Jairo kano." Pabirong sabi ni Tita Baby dahilan para hampasin ko siya.


"Huwag mong sabihin narinig mo din usapan namin ni Jai kagabi?" Natataranta kong tanong.


Hindi ako sinagot ni Tita Baby, bagkus ay tinawanan lamang niya ako. Alam ko na ang sagot.


"Balasang nga talaga ni Caca."


With that, umalis ako ng bahay nang nakasimangot at nakanguso na parang bisugong unggoy dahil sa pang-aasar na sinabi nila sa akin kanina. Mas lalong hindi tuloy mawala sa isipan ko si Jairo.


"Hi!"


Speaking of the devil...


Napatingin ako kay Jairo na inakbayan si Justin. May pinag-uuspan sila na kung ano. The whole time we're walking around the school campus, parang mamatay ako.


"You can breathe." Para bang nakuryente ang buong sistema ko nang walang pasabing bumulong sa akin si Jairo.


Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya, kasabay naming naglalakad.


"Huminga ka, Bianca." Natatawang sabi niya.


Napaiwas ako ng tingin. I didn't realized I wasn't breathing. Glad he said it kasi kung hindi, baka nalagutan na ako ng hininga ngayon, pinaglalamayan.


"Lunch mamaya aneh?" Masiglang saad niya sa akin, nakaturo pa ang isang daliri sa akin. Pagkatapos, tinalikuran niya kami ni Justin at saka tumakbo palayo, nakasabit sa isang balikat niya ang itim niyang bag.


"Ahh!" Napasigaw ako nang wala sa oras nang kurotin ni Justin ang tagiliran ko. "Problema mo?!"


Tinawanan lang niya ako. Ang weirdo ng mga taong nasa paligid ko ngayon. Iniwanan ko nalang si Justin para hindi na ako maasar pa at nagtungo ako sa silid namin para doon nalang tumambay.


Naupo ako sa upuan ko. Lumingon ako sa paligid, kaunti pa lang ang mga kaklase kong nandito and... there's a new guy?


He's like a social butterfly tulad ni Justin. Napapalibutan siya ng mga kaibigan niya. May pagka-moreno siya. Makapal ang kilay na dinedepina ang mga mata niya. May pagkatangos din ang ilong. Manipis ang itaas na labi niya kumpara sa ibaba. Kita ko kung gaano katalim ang jawline niya nang lingunin niya ang kaibigan na kadarating lang.


Mukha siyang greek god sa suot niyang uniform na hinuhubog ang katawan niya. Masikip din ang parteng braso nito dahilan para makita nang lalo ang biceps niya. Mukhang nag-wo-workout siya.


"Hi!" He waved his hand at me when he caught me starring at him.


Pinanood ko siyang lapitan ako at saka inilahad ang kamay niya. "I'm Zyron Kinsley De Gracia, and you?"


Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo at saka inirapan. Hindi ko siya sinagot at tumingin nalang sa pinto ng silid namin, inaabangan si Jairo.


"Dang! Dude... rejected agad."

"You hit on the wrong girl."

"Baka Bianca 'yan."


"Shut up! I'll make her mine."


Nagulat ako sa sinabi niya sa mga kaibigan. Ni hindi man lang siya nag-abalang hinaan ang boses o patago itong sabihin. Brinoadcast ba naman sa buong klase.


Narinig ko ang kantyawan ng mga kaklase ko at nang lingunin ko si Zyron, nagulantang ako nang halikan niya ang pisngi ko.


"What the hell is your problem?!" Tumayo ako sa kinauupuan ko saka siya kinwelyuhan.


"Woah... Calm down, Miss." He chuckled, both raising his hands on the air.


Walang umawat sa amin. Nagpapaapoy na gamit ko marami. Kinakantyawan nila akong sapakin siya pero hindi ko magawa. Not here.


"Bianca, bitawan mo na siya." It was Jairo.


Para bang programmed robot ang katawan kong sumunod sa utos ni Jairo.


Pumagitna sa aming dalawa si Jairo nang mabitawan ko ang gago na todo ngiti sa akin ngayon. Akala mo kung walang nangyari e.


"Leave her alone, Kinsley." Mariin na saad ni Jairo.


Nginisian niya si Jairo saka inagaw ang lollipop ni Jairo sa bibig at nilagay ito sa kaniya. "Nice meeting you, Beauty."


Kinindatan ako ni Zyron saka umalis ng silid namin.


Hinarap ako ni Jairo. "Ano bang nangyari?"


"Hinalikan lang naman ni Zy si Bianca sa pisngi without her consent." Si Tala ang sumagot, my seatmate.


"What?!" Hindi mawari ang ekspresyon sa mukha ni Jai. "And you grabbed his collar because of that?! Pwede ka naman mag-report nalang sa OSA so he'll get punished since that's grave offense but why start a fight na hindi mo naman kayang tapusin?"


"So you're blaming me now?" I raised my voice on him.


"Hindi kita sinisisi. My point is sana sinabihan mo na lang ang admin about that at hindi 'yong kekwelyuhan mo. Babae ka, Bianca. Babae ka... so act like one."


"Sinasabi mo bang hindi ako babae kung gumalaw?" Hindi makapaniwalang sabi ko.


"Class settle down!" It was Sir Micho, our Oral Communication Teacher.


Umiwas ng tingin si Jai saka ako tinalikuran at naglakad papunta sa upuan niya sa likod.


"Where's Mister De Gracia? Absent?" Sir Micho was checking the attendance.


"Nandito siya kanina, Sir. Pinagtripan pa nga si Bianca e." nagtawanan ang buong klase.


Napairap nalang ako.


Natapos ang dalawang subject period nang wala si Justin sa room. Hindi ko din siya kasama ngayong healthbreak. Si Jai ang kasabay ko, as usual.


Naupo kami sa isa sa mga table dito sa canteen.


"Si Justin?" I asked him. He's eating a burger while I'm having fries and nuggets.


"Baka may meeting sila ng RPD Club Members sa MPH." He answered.


Napatango nalang ako. Later on, Aretha joined us. Tumabi siya kay Jairo.


"I heard Zy is hitting on you, Bianca?"


Napabuntong-hininga nalang ako at hindi sinagot ang tanong niya. I'm so done with it.


Napalingon nalang ako sa paligid, naghahanap ng pogi at kahit papaano ay ganahan naman ang araw ko.


"Looking for me, Beauty?"


Ang boses na 'to...


I turned my head kay Zyron na nakaupo na sa tabi ko. Inakbayan pa ako.


Hindi ako komportable sa kaniya. I didn't know him at all. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin pero hinapit lang niya ang beywang ko matapos.


"Fuck off, Zyron!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahapit ng kamay niya sa beywang ko pero sadyang mas malakas siya.


Napatingin ako kay Jairo na para bang humihingi ng tulong.


"Zyron." Tawag ni Jai kay Zyron, nagbabanta.


"Oh... Hi Mister President!" Bati niya kay Jai. "Care to tell me my girlfriend's name?"


"EXCUSE ME?!" Singhal ko.


"Zyron babe... tama na." I'm surprised how Aretha called this moron.


Napatingin ako kay Aretha, apologetically smiling at me.


"You know him?" Nagtatakang tanong ko.


"Fling ko."


Naglalakad kaming tatlo, ako, si Jai kasama si Zyron, papunta sa classroom namin. Nasa pagitan namin ni Zyron si Jai.


Pumasok ako agad ng room at naupo sa upuan ko. Lumingon ako sa likod para tignan kung nandito na si Justin and I'm glad he is here.


Akala ko ngingitian niya ako nang magtama ang tingin namin. Iyon ang palagi niyang ginagawa e pero ngayon, iba siya sa usual. Malala pa sa badtrip.


Napatingin ako nang magbukas ang pinto ng room, magkasunod na pumasok si Jai at Zyron na akala ko ay kasama kong pumasok ng room.


Nakita kong tumayo si Justin mula sa pagkakaupo sa upuan niya. Akala kong sasalubungin niya si Jai pero si Zyron pala.


Don't tell me they're friends?

Continue Reading

You'll Also Like

84.4K 55 41
R18
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
383K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...