the stars above us (medtech s...

De guaninejwl

1.9K 89 16

MEDTECH SERIES #2 What Lula Madaline Quinto has prayed for ever since she was a kid was finally coming true... Mais

- - -
00
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13

8

66 4 0
De guaninejwl

"Ay tangina, si gaga. May concealer ang leeg," mahinang sambit ni Maya pagkakita sa'kin pagkaupo ko sa tabi niya. Napakunot naman ako ng noo at napahawak sa leeg ko. Na-blend ko naman nang maayos ah! Bakit napansin pa rin ni Maya?

"Halata?"

Natawa si Maya, "Sa iba? Hindi. Sa'kin? Oo. Gaga ka ba. Sa'kin mo nga napulot 'yan," natatawang sabi ni Maya. "Kaloka, nadiligan ka ba kagabi!? Kala ko ba crush mo si... you know."

Napairap ako pero natawa rin ako ako dahilan para mapa-takip ng bibig si Maya. Sobrang dead giveaway kasi hindi ko talaga alam maging secretive na tao pagdating sa kanila. Nakakaloka.

"Bading ka! Napakalandi!" sabi ni Maya na may kasama pang hampas sa balikat ko. Sakto namang kararating ni Ali kaya mabilis siyang lumapit sa'ming dalawa kahit hindi pa nilalapag 'yung bag niya.

"May chismis?"

"Itong ante mo hindi na virgin."

Nanlaki ang mata ko at tinapik si Maya, "Gaga ka bibig mo," sambit ko dahilan para matawa silang dalawa. "Mga isip niyo talaga. Sobrang polluted! Grabe! Wala pa nga akong sinasabi, pa'no kung kinagat lang ako ng lamok!?"

Napairap si Maya, "Girl walang kagat ng lamok na purple," sagot niya. "May color corrector pa 'yan o. Ano kala mo sa'kin."

Napanguso ako.

Oo na, raise the white flag na, Lula. Wala ka talagang laban sa pagiging keen-eyed ng kaibigan mo.

"Ano... Kiss lang naman..."

Halos mapalingon lahat ng mga kaklase namin nang marinig 'yung impit ni tili ni Maya at Ali na may kasabay pang hampas sa lamesa. Mga baklang 'to! Napakaeskandalosa talaga! Imbes na kami-kami lang nagchichismisan, gusto pa yata nilang idamay 'yung buong section.

"Kiss? Kiss lang? Tapos may hickey ka diyan sa leeg mo?!" mahinang sambit ni Maya. Na-conscious tuloy ako kasi pakiramdam ko sobrang halata talaga no'ng tinuturo ni Maya kaya nilabas ko 'yung hoodie ko sa bag ko at mabilis na sinuot.

"Super kita ba talaga pag malapitan? 'Yung totoo?"

Natawa si Ali, "Hayop kasi 'tong si Maya, na-conscious tuloy si Lula!" natatawang sambit niya. "Pero girl... Alam mo kung may next time, sabihin mo diyan sa partner mo na huwag naman sa leeg. Nakakaloka! I mean, hindi naman super halata. Pero if titignan nang malapitan, medyo halata."

Napa-buntonghininga ako.

Tangina naman.

Sobrang lunod na lunod ako sa halik ni Sergio kagabi na nawala sa isip ko na may pasok nga pala ngayon at huli na ang lahat para sabihin sa kaniya na huwag sa leeg ko.

Imbes na magsalita, napasubsob na lang ako ng mukha ko sa may arm chair habang nag-re-regret ng mga choices ko sa buhay. I mean... hindi ko naman ni-re-regret na naka-MOMOL ko si Sergio... Shet, kung pwede nga lang ulitin— 

Hindi.

Tangina naman.

Sabi ko SIP lang. Pero bakit iba na 'yung nangyayari?

Hindi naman ako seseryosohin no'n... Malamang naghahanap lang ng ka-fubu 'yon. At malamang nahalata na niyang crush ko siya kaya alam niyang vulnerable ako.

Mga lalaki talaga!

Ang mahirap pa... Pagkagising ko lang kanina saka ako sinapak ng realidad na may SIP pa nga pala kaming itutuloy.

Pa'no ko siya haharapin niyan?

"Ang bobo talaga!" naiinis kong sambit at umayos ng upo habang sinasampal nang mahina 'yung mukha ko. Nagkatinginan na lang si Maya at Ali. Gets ko naman kung tatawanan nila ako. Sobrang bobo naman kasi talaga no'ng move na ginawa ko kagabi... Dapat umiwas ako.

Ay hindi.

Una palang dapat hindi ko na inasar si Sergio.

Tangina bakit ba kasi napakarupok ko sa gwapo.

"So... ano na ganap girl?" tanong ni Ali.

I sighed.

"Ewan ko rin," sambit ko kasi hindi ko naman talaga alam. Siyempre into the moment kami kagabi... sino bang makakapigil ng bugso ng damdamin? Nawala talaga sa isip ko na magiging kahihiyan ko 'to the day after. Grabe! Ang kapal-kapal ng mukha ko talaga kagabi tapos ngayon gusto ko na lang lamunin ng lupa. "Ewan ko talaga. Bahala na. Iinom ko na lang ng kape 'to," dagdag ko at napatayo. Wala na rin namang nagawa sila Maya at Ali at sinundan na lang ako palabas ng classroom. Buti 6:30 palang kaya pwede pa kaming kumuha ng kape sa may vending machine. 

Maghuhulog na sana ako ng limang piso kaso may tumawag sa'kin.

Hindi Lula.

Tangina.

Ramdam ko 'yung bilis ng pag-init ng pisngi ko. Hindi pa nakatulong 'tong dalawa kong kaibigan na parang mga tangang nagpipigil ng kilig pagkakita kay Sergio. Napahigit na lang ako ng hininga nang maramdamang sobrang lapit ng proximity namin sa isa't isa.

Ang bango talaga niya.

Fuck.

"Anong pabango mo?" bulong ko sa kaniya pagkaupo ko sa kandungan niya.

Natawa siya, "Do I smell good?"

Tumango ako at ipinalibot ang braso ko sa batok niya, "Kaya ang daming lumilingon sa'yo. Amoy na amoy."

"Are you jealous?"

Napairap ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi bago hinalikan. Halos hindi ako makahinga sa paraan ng paghalik niya... Na parang ayaw na niya akong bitiwan. Hindi ko rin alam kung nag-iimagine ako, pero kahit nilulunod na niya ako, ramdam ko 'yung panginginig ng mga kamay niya habang inaalalayan ako sa may bewang ko... Na parang natatakot siya na magkamali ng hawak.

Sobrang ingat niya.

Kaya ramdam ko na safe ako.

"Shit," bulong ko nang maghiwalay ang mga labi namin. Napasinghap na lang ako nang maramdaman kong sinisipsip niya 'yung gilid ng leeg ko. Para akong mababaliw! 

"You haven't answered my question yet," bulong niya malapit sa tenga ko. Pakiramdam ko ginagayuma na'ko ng lalaking 'to. 

"A-ano?"

"Are you jealous? When people look at me?"

"H-hindi ah," sagot ko nang mabalik ako sa ulirat. "Observation lang."

Sergio chuckled, "Versace Eros," he whispered looking into my eyes bago ngumiti. "Well, I guess it worked."

"Have you eaten?" Napalunok ako bago napatingin sa kaniya. Ano ba, Lula?  Lalaki lang 'yan. 

Mga artista nga naghahalikan kada set hindi naman nafo-fall.

Eh ba't ako parang nahulog pa yata lalo?

Tangina.

Ibang klase.

"U-uh... Magkakape sana?" sagot ko na parang nagdududa pa'ko kung tama bang nagpapanggap akong ayos lang ako kahit nasa harapan ko siya. Tangina, bakit ba parang nanginginig 'yung legs ko?! Hindi naman ako dapat kabahan... Ginusto naman namin 'yun pareho, tsaka wala namang nangyaring iba pang kababalaghan!

Ngumiti siya bago inabot sa'kin 'yung dalawang malaking paperbag galing Starbucks, "You eat first before you drink your coffee," sambit niya. "I'll see you later? Library?"

Napalunok ulit ako.

Para akong naestatwa bigla.

"U-uh... She'll be there, yes!" mabilis na sagot ni Maya bago nila kinuha 'yung dalawang paperbag mula kay Sergio dahilan para matawa siya. Pinagtitripan ba'ko nito?! Ano, gusto niya malaman kung ga'no kalakas 'yung epekto ng pagtawag niya sa'kin ng fuck baby, you're making me weak kagabi? Pwes oo malakas... pero hindi ko sasabihin. Ano siya gold?

"Earth to Mads?" Napakurap ako nang ma-realize kong nag-snap si Sergio sa harapan ko. Napairap na lang ako nang matawa siya hanggang sa napansin kong may... 

Pota hindi man lang tinakpan?!

Imbes na magsalita, ngumisi siya nang nakakaloko nang mapansin niyang tinitignan ko 'yung leeg niya na may red mark. 

Napa-buntonghininga ako.

"Mag-uusap tayo mamaya," sambit ko bago pumasok ng classroom. Grabe! Bakit andaming nanood bigla?! 

Sabagay.

Marami palang may crush sa lalaking 'yun.

Napangisi ako.

Ha.

Crush niyo ba? Ako nahalikan ko na.

***

Pakshet.

Hindi ubra 'yung pagmamayabang ko sa isip ko na kahit sa dinami-daming pretty girls sa batch namin, ako 'yung dinala ni Sergio sa Rizal.

Mas lalo lang akong nag-overthink.

Kakaurat.

Hindi ko tuloy alam kung pa'no ako nakasagot sa mga tinatanong kanina ng prof namin sa CPH. Para talaga kasi akong lumulutang, tapos halos hindi ko pa narinig kung ano 'yung tinanong sa'kin kanina. Kung hindi pa sinabi ni Ali kung tungkol saan malamang naging laughing stock ako sa classroom. 

"Girl. Ano, ayos ka lang ba?" tanong ni Maya habang naglalakad kami papunta sa elevator. Hindi naman ako affected to the point na I hate myself. Ginusto ko rin naman 'yun... 'Yun nga lang medyo wrong timing. Ni hindi naman namin napagusapan ni Sergio kung ano bang sitwasyon namin after no'ng kagabi. 'Di naman siya taboo para hindi ko alalahanin kasi hanggang ngayon parang ramdam ko pa rin 'yung kamay niya sa bewang ko.

Nakakainis.

Feeling ko naiinis lang talaga ako sa sarili ko kasi ang bilis kong magpadala sa tukso.

Valid pa ba 'to?! Tangina pati ako naguguluhan sa mga pinagiisip ko.

"Ewan ko," sagot ko kay Maya bago pinindot 'yung down arrow sa elevator at mentally na nagdadasal na sana wala si Sergio dahil baka mag-breakdown ako bigla. Ang pinaka-safe na sigurong isipin ngayon ay malapit na'kong magkaroon dahil sobrang unstable ng wirings ng utak ko. Jusko.

Thankfully, dininig naman ako at nakababa kami nang mapayapa. Unconsciously kong tinignan 'yung schedule ni Sergio na sinend niya sa iMessage at nakahinga naman ako nang maluwag dahil may klase pa sila sa PSTMLS hanggang ala una kaya hindi rin kami magkikita sa canteen ngayon.

Mamaya ko na lang iisipin kung pa'no ko siya ulit haharapin.

"Gusto mo i-ditch mo muna 'yung SIP niyo? Mall tayo?"

I sighed, "Huwag na... Okay lang ako. Gusto ko na lang tapusin 'yung SIP para wala na rin akong isipin after," sambit ko. 

Tama.

Mas viable pa na tapusin na namin 'tong SIP na 'to and then I'll just cut all connections with him.

I can't let this distract my way to third year. May pending pa kaming battery exam. If I let just at least one distraction into my life, I'd rather just drop out dahil alam kong hindi ko kakayaning pagsabayin kung anumang gusto ni Sergio pagkatapos nito.

I can't afford to be distracted now.

One time, big-time distraction lang 'yun.

Hindi na mauulit.

Plano ko pa naman din sanag mag-aral sa cytogen ngayon kaso parang wala rin namang pumapasok sa utak ko kaya pupunta nalang siguro ako ng library mamaya para maghanap ng reference. 

"Gusto kong mag-cutting," biglang sabi ni Maya. Natawa ako kasi foreign language 'yung next classes namin. I mean same... Sobrang papansin pa naman no'ng prof namin do'n. Kala mo major kung makaasta. 'Di na nga nagtuturo nang maayos tapos everyday sobrang tambak pa ng homework na gustong ipagawa. Daig pa mga ganap namin sa Laboratary Management.

"Nambabagsak daw 'yun," sabi ko. "Narinig ko kasi sa dating president ng student council last year na mahilig nga raw mambagsak 'yun. Imagine, ang pinakamababang grade nga raw ni ate ay 1.5 sa ibang subjects... tapos sa fola biglang 2.25. Kahit triny na raw nilang makipag-communicate sa college of arts and sciences para lang ma-rectify 'yung grade, nagmatigas pa rin daw 'yung prof. "

"Wow, pa-main character si madam," natatawang sabi ni Maya. "Bakit naman daw ginawang 2.25?"

I shrugged, "Hindi niya tayo bet," sagot ko. Parang may favoritism pa yata kasi talaga dito sa school. "Tignan mo kada klase puring-puri siya sa ibang colleges, pero pagdating sa mga med-related parang nawawala siya sa mood."

Ali chuckled, "Baka may med dream noon. Hayaan niyo na. Ganiyan talaga pag kailangan mo ng ibang rason para i-project 'yung disappointment sa sarili."

Natawa ako... Kasi same.

Pagkakain namin ng lunch, dumiretso na rin kami sa kabilang building since do'n 'yung klase namin sa fola. Buti na nga lang may kotse 'tong si Ali at may parking space pa kaya hindi na rin kami naglakad. Nakakapagod maglakad jusko!

"Punta kaming SM North. Hatiran ka nalang namin food sa apartment mo?" tanong ni Ali pagkatapos ng klase namin. Sobrang boring! Hindi ko naman in-imagine na kailangan kong mag-aral ng ibang language para lang makapasa ng first sem. Kung may hilig ako sa foreign language e 'di sana nag-language studies na lang ako. Kakaurat talaga ng general courses, eh inulit lang naman 'tong SHS subjects.

Tumango ako, "GCash ko na lang 'yung bayad."

"Oki," Ali says. "May plano ka na mamaya?"

I shrugged.

I'll just bullshit my way out of this SIP.

Pagkahatid sa'kin nila Ali pabalik sa building namin, dumiretso agad ako sa library. Buti na lang wala masyadong tao kaya nakapaglibot-libot ako sa shelves para maghanap ng reference book sa Cytogen. Buti nalang may nakita akong Gersen kaya kinuha ko na 'yun at umupo sa favorite spot ko sa tabi ng shelves. Patago kasi 'yung spot. Iwas din sa distractions.

Kaso bubuksan ko palang sana 'yung libro, biglang nag-vibrate 'yung phone ko.

'Where are you?'

Napa-buntonghininga ako. Wala pa nga akong nababasa sa Cytogen!

'Lib. 'Yung tinuro kong hidden spot.'

'Okay. Be there in five.'

Nag-thumbs up react na lang ako sa message niya pero no'ng io-on ko na 'yung DND biglang nag-text ulit.

'Coffee?'

'Wag na. Busog pa'ko.'

'Sola then? And spanish bread?'

I sighed.

Bakit alam niya usual preferences ko?!

'Basta libre mo hahaha'

'Okay gotchu'

Hindi nalang ako nag-reply at in-on na 'yung DND dahil kung hindi, wala na talaga akong mababasa kahit kaunti sa Cytogen. Biology lang naman 'to... kaso a little more complicated. 

"Hey." 

Fuck.

Ito na.

Kingina naman.

"Hey," tipid kong bati at itinuro 'yung upuan sa harapan ko. Nag-thank you na lang din ako no'ng pinatong niya 'yung Sola at spanish bread sa harapan ko. 

"Cytogen?"

Tumango ako.

"Do we have any quiz?"

Umiling ako, "Hindi ko lang ma-gets nang slight 'yung DNA Replication."

Tumango siya... tapos the next thing I know, umupo siya sa tabi ko, "Basically think of the DNA like a zipper or something. Though... it has to relax at first with the help of the enzyme gyrase. Think of it like you just came from work, you kinda have to relax first when you get home before you change clothes," he says at napatingin sa'kin. "So it's relaxed by this gyrase, and then the zipper unwinds. This is where the DNA Helicase comes in. Something like your finger to unzip it. That's how the helicase works here."

My lips parted.

Within ten minutes na-gets ko rin nang maayos 'yung DNA Replication. I mean gets ko naman... pero no'ng dinagdagan ng other visual cues ni Sergio 'yung explanation niya pakiramdam ko bigla nakikinig ako ng Cytogenetics for Dummies.

"Do you get it?"

Tumango ako.

"You sure? You look like you're still confused... Was my explanation too overwhelming?"

Umiling ako.

"Hindi... Na-gets ko actually. Na-shock lang ako kasi ang galing mo mag-explain," sagot ko. "May balak ka bang maging prof?"

Natawa siya, "Considering it actually," he says. "If I graduate and realize I don't wanna venture medschool yet, I'd probably teach for a while. Or take masters. I don't really know."

Sabagay.

Buti pa mayayaman kahit hindi pa sigurado sa direksyon sa buhay, meron silang safety net.

Ako kung hindi ko paplanuhin nang maayos ang buhay ko malamang mamamatay ako sa gutom.

Ngumiti siya at sinarado 'yung libro ng Cytogen, "We should continue the SIP," he says no'ng maramdaman sigurong nakakaramdam na'ko ng awkwardness. "I already had the plant freeze-dried. I'll just bring it tomorrow so we can have it checked by tomorrow if it'd be good to go for the lab already."

Tumango ako bago napa-buntonghininga.

Kung hindi ko 'to i-o-open up mamamatay lang ako sa kaba. Ayaw kong parang naglalakad ako sa egg shells kapag nandiyan siya.

"Sergio?" I called.

"Hm?"

"Yong kagabi..."

Ngumiti siya, "Don't worry. I won't bring it up," he says. "I respect you, Mads. And it was consensual... But I wouldn't dare to bring it up knowing you'd be uncomfortable."

I sighed.

Tumango ako.

"I just..." he trailed. "I just wish you'd still act the same... like the same Mads since day one."

"B-Bakit? Wala namang nag-iba..."

Ngumiti siya dahilan para lumakas 'yung kabog ng puso ko.

Ano ba 'yan. Tanginang ngiti 'yan. 

"I just... You know. I'd probably go batshit crazy if that ends up with the both of us drifting apart."

Continue lendo

Você também vai gostar

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
89.8K 5.8K 16
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
24.4K 450 40
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: