Hide and Seek (A Dark Mafia N...

By mevalilies

10.2K 270 44

Nikolaus Hiero Cassano, a notorious mafia boss known for his heartless and merciless ways, finds himself in a... More

Note
Malia Fey Acosta
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Briggs Revamonte
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Briggs Revamonte POV
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Nikolaus Hiero Cassano
Chapter 30 - Nikolaus POV
Wynnona Snow Fierro
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36 - Briggs Revamonte
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Note

Chapter 18

190 6 1
By mevalilies

Chapter 18

"Briggs, okay ka lang?"

"Huh?"

"Mukhang malalim 'yang iniisip mo, ah? May problema ba?" Nag-aalalang sabi ko. Kanina pa kasi siya tulala at parang malalim ang iniisip.

"Uh, wala. Masakit lang ang ulo ko." Nagpaalam na rin siya para magpahinga. Hinayaan ko nalang siya dahil ilang araw din s'yang puyat sa dami ng trabaho na kailangan tapusin.

Hinanap siya sa akin nung hapunan pero sinabi ko na masama ang pakiramdam niya kaya hindi na siya makakasabay pa sa amin. Pinadalhan ko nalang din siya sa isang maid ng lugaw at prutas pati na rin ng mga gamot.

Ngayong napapayag na namin si Wynnona Snow na makipag-partnership sa amin, ibang head na ang umasikaso niyon at hindi na ako. Ang goal ko lang naman kasi ay mapapayag ang Viva La Risata Furniture na pagmamay-ari ni Wynnona Snow sa partnership na gusto nilang mangyari para sa renovation ng mga deluxe room sa hotel ni Nikolaus.

Ilang araw naging tahimik ang mansyon na ipinagtaka ko. Halos hindi ko na sila lahat nakikita sa mansyon. Nakakasalubong ko lang sila minsan pero palaging mga nagmamadaling umalis na para bang may mga importante silang kailangan puntahan o gawin.

Umaga, tanghali, gabi, madaling araw, kapag hahanapin ko sila... palagi silang wala lalo na si Nikolaus. Hindi naman ako tanga pero nararamdaman kong may problema na nangyayari. Sa kumpanya kaya o sa organisasyon ni Nikolaus?

Nag-aalala ako para sa kanila...

"Miss Malia, naka handa na po ang tanghalian niyo," isang maid ang tumawag sa akin sa kwarto habang nagpapahangin at nag-iisip ako sa may balcony ng kwarto ko.

"Pakidala nalang po dito. Dito nalang po ako kakain pakisabi kay Manang Susan," saad ko. Mas mabuti na rito nalang ako kumain kesa ang bumaba kung wala rin naman ako kasabay na kumain.

Sinubukan kong tawagan si Briggs pero hindi siya sumasagot. Ganoon din sina Avel, Faolan, Ryker, at Nero. Ayoko naman tawagan si Theron dahil mainit naman ang dugo no'n sa akin at baka mas lalo pang mainis 'yon kung tatawag pa sa kanya para lang tanungin kung nasaan sila o kung may problema ba. Kung kay Nikolaus naman ako tatawag, baka magalit lang din sa akin 'yon.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga habang nakahalumbaba sa railing, malalim ang iniisip. Gusto kong magtanong pero wala naman akong matanungan. Gusto kong tumulong pero anong maitutulong ko kung hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari. Sana makausap ko man lang miski isa sa kanila.

Pagkahatid ng lunch ko sa kwarto ko, sinabihan ko iyong maid na tawagin agad ako kung sakaling dumating si Nikolaus o miski isa lang sa foremen nito. Iyon ang mahigpit kong bilin sa kanila kahit ano man ang mangyari. Pero dumating ang hapon hanggang sa tuluyan ng lumubog ang araw pero heto ako, naghihintay pa rin na dumating ang isa sa kanila.

"Ano na kaya ang nangyayari?" Tanong ko sa sarili ko at patuloy sa pag-aalala para sa kanila. "Hindi kaya... na-kidnap na sila?" Umiling iling ako dahil kung ano-ano na ang naiisip ko. Hindi naman sila mahina katulad ko at basta-basta nalang na maki-kidnap.

Hating gabi na nang mapapagdesisyunan kong bumaba at pumunta sa may gate. Doon ko nalang sila naisipan na hintayin. Para kapag dumating sila, ako agad ang bubungad.

Sinamahan pa ako ng mga maids dahil natatakot sila na iwan akong mag-isa lalo na at malamig dito sa labas. Pero pinapasok ko na rin agad sila at pinauna ng matulog dahil may mga tauhan naman si Nikolaus na nagbabantay sa buong mansyon. Hindi kami basta-basta mapapasok dito ng kalaban katulad doon sa naunang mansyon ni Nikolaus.

"Miss Malia, nagtimpla po ang isa naming kasamahan ng kape. Baka gusto niyo po muna magkape habang naghihintay lalo na't malamig dito sa labas?" Inalok ako ng kape ng isa sa tauhan ni Nikolaus. Natatawa pa nga ako kanina dahil nagtuturuan pa sila kung sino ang kakausap sa akin. Natatakot ata sila sa akin.

"Sige, salamat." Sakto dahil mas lalo pang lumalamig dito sa labas. Mukhang uulan pa nga ata dahil panay ang kulog kanina pa.

"Miss Malia, gusto niyo po ba na sa loob nalang muna maghintay? Tatawagin nalang po namin kayo agad kapag dumating na sila." Sabi pa nito nang abutan ako ng kape.

"Okay lang ako dito. Salamat sa kape." Ngumiti ako ng tipid at inabot na itong kape na binibigay nila.

Pilit kong kinukurot ang braso ko para hindi tuluyang makatulog dito sa labas habang naghihintay na dumating sila. Ayokong madatnan nila akong nakatulog na sa kakahintay. Kailangan gising at dilat ang mga mata ko kapag dumating na sila.

Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari ora mismo para naman matulungan ko sila.

Nagsimulang umambon ngunit patuloy pa rin ako sa paghihintay sa kanila. Agad na may lumapit sa akin na isang tauhan para payungan ako at hindi tuluyang mabasa ng ulan. Pilit pa nga ako nitong pinapapasok sa loob dahil baka magkasakit pa raw ako pero hindi ako pumayag.

Mukhang natatakot silang magkasakit ako dahil baka sila pa ang mapagalitan ni Nikolaus kung sakaling hinayaan lang nila ako rito. Pero hindi naman mangyayari iyon dahil ako naman ang may gusto nito at hindi sila. Hindi ko naman hahayaan na mapagalitan sila ng dahil lang sa akin.

"Nasaan na kaya sila? Ala una ng madaling araw pero hindi pa rin sila nagsisidatingan," sambit ko sa sarili ko.

Habang malalim na nag-iisip, biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Nikolaus na may isa sa mga tauhan niya ang spy mula rito sa loob. Napatingin tuloy ako sa mga tauhan niya na nakapalibot sa buong mansyon na abala sa pagmamatyag at pagbabantay. Wala naman akong napapansin na kakaiba o kahina-hinala sa kanila.

Posible kayang... wala ngayon iyong spy na sinasabi ni Nikolaus dito sa loob ng mansyon? O, 'di kaya... tuluyan na itong umalis ng mansyon kasama sina Nikolaus? Na-kidnap ba sila ng spy na ito kaya hanggang ngayon ay wala pa rin sila?

Ang huli kong kita sa kanila ay kahapon pa ng umaga. Mga nagmamadali silang umalis na para bang hindi mapakali. Miski batiin nga ako o tingnan man lang ay hindi na nila nagawa. Para akong hangin na dinaan lang nila.

Agad akong napatakbo malapit sa may gate nang buksan ito at sunod-sunod na sasakyan ang nagsidatingan. Isa na rito ang sasakyan ni Nikolaus. Ngunit agad akong napahinto... nang makitang puro gasgas ito at puro tama ng mga bala. Ganoon din ang mga van.

Ano ang nangyari?

Agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa gulat nang bumungad sa akin si Faolan at Nero na duguan nang ibaba sila mula sa van. Halos... naliligo na sila sa sarili nilang mga dugo. Bugbog ang mga katawanan nila at... may mga tama ng baril. Hindi lang sila ang kailangan gamutin, may ilan din sa tauhan ni Nikolaus ang may tama ng baril.

Hindi ko pa nalalaman kung ano ang nangyari sa kanila pero nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa dami ng sugatan. Nakatayo lang ako habang pinapanood silang buhatin sa loob lahat ng kailangan gamutin.

Ngunit napansin kong hindi pa bumababa si Nikolaus sa sasakyan niya. Lahat ay nakababa na pwera siya. Tumakbo tuloy ako palapit sa sasakyan niya at umiiyak na kumatok sa bintana.

"Malia!" Napahinto lang ako nang may tumawag sa akin.

"Briggs!" Agad akong napalapit sa kanya at muling napatakip sa bibig nang makitang may tama siya ng baril sa braso. "O-Okay ka lang ba? A-Ano ba ang n-nangyari?" Nagpapanic ako, hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

"I'm okay, Malia." Hinawakan niya ako sa balikat. "Si Nikolaus..." Diretso akong nakatingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya. Dahil doon, kinabahan ako bigla.

"A-Anong meron kay Nikolaus?" Napatungo siya bigla na ikinanoot ng noo ko.

"B-Briggs... Nasa'n si Nikolaus?" Wala pa s'yang sinasabi pero panay na ang tulo ng mga luha ko.

"Hindi namin siya kasamang bumalik dito." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Pabalik na kami ng mansyon nang masundan kami ng kalaban. He chose to change the route so they wouldn't follow us. Ngayon, hindi na namin siya ma-contact. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya."

Ang may gamit ng sasakyan ni Nikolaus na dumating dito sa mansyon ay si Theron at hindi siya. Iba ang gamit n'yang sasakyan at hindi itong paborito at madalas n'yang ginagamit. Hiniram lang pala ito ni Theron kanina.

"Bakit hinayaan niyo siya ng mag-isa lang? Ni wala man lang sa inyo ang sumunod sa kanya?" Tumaas ang tono ng boses ko. Hindi ako makapaniwala na iniwan nila ang boss nila.

"It was his order, Malia."

"Kahit na!" Malakas ko s'yang hinampas sa dibdib habang patuloy na umiiyak. "P-Paano... Paano kung may nangyaring masama sa kanya?!" Patuloy ako sa paghampas sa kanya hanggang sa awatin ako ni Avel.

"Kumalma ka, Miss Malia." Saad ni Avel. "All we can do is to trust and wait for him to come back."

"I'll wait for him here. You can all go inside." Umupo ako sa lupa at pinagkrus ang mga braso ko.

"Miss Malia-"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi siya dumadating, Avel." Pagputol ko sa kanya. "Dalhin muna si Briggs sa loob para magamot bago pa lumala ang sugat niya." Utos ko pa. Wala silang nagawa kaya nauna na silang pumasok sa loob.

Pasikat na ang araw pero hindi pa rin dumadating si Nikolaus. Ano na kaya ang nangyari sa kanya at hanggang ngayon ay wala pa rin siya at hindi ma-contact? Kahit ako ay hindi siya matawagan dahil nakapatay ang phone niya. Ilang tauhan na rin ang lumapit sa akin para subukan na papasukin ako sa loob pero pinagbabato ko lang sila ng matatalim na tingin.

Hindi na ako mapakali sa sobrang pag-aalala sa kanya. Gusto kong hanapin si Nikolaus pero hindi ko naman alam kung saan at paano siya hahanapin. Ni wala naman akong ideya kung nasaan siya. Miski nga sa buong detalye na nangyari sa kanila ay hindi ko pa rin alam.

Ganito pala kapag nag-asawa ka ng isang mafia. Puwede kang atakihin sa puso ano mang oras sa sobrang pag-aalala sa kanila.

"Miss Malia, mag hot chocolate po muna kayo," isang maid ang lumapit sa akin para bigyan ako ng mainit na tsokolate. Pero tila hindi ako nakakaramdam ng gutom at hindi iyon pinansin. Ang kalagayan lang ni Nikolaus ang iniisip ko ngayon.

"Miss Malia, ginawan ko po kayo ng paborito n'yong waffle with your favorite honey syrup." Hindi ko ulit ito pinansin.

"Miss Malia, may gusto po ba kayong ipaluto para sa tanghalian?"

"Miss Malia, pinagluto po namin kayo ng adobong manok. Luto po ito ni Manang Susan para sa inyo."

"Miss Malia, may leche plan po para sa desert ninyo. Ilalabas ko na po ba?"

"Miss Malia, gusto niyo po ba ng ice cream para sa meryenda?"

"Miss Malia, naka handa na po ang dinner niyo. Pesto pasta with garlic bread french toast. Ginawan din po namin kayo ng fresh mango shake."

Halos lumamig lahat ng pagkain na hinihain nila para sa akin dahil lahat ng iyon ay hindi ko binigyan ng pansin. Miski nga tingnan ang mga iyon ay hindi ko ginawa. Sa may gate lang ako nakatingin at hinihintay ito na bumukas.

"Papatayin mo ba ang sarili mo, Malia?" Bigla akong nilapitan si Briggs kasama si Avel.

"Briggs," saway dito ni Avel pero hindi ko sila pinansin. Pero na-realized ko na tama sila. Hindi basta-basta napapatumba ang isang Nikolaus. Kaya habang wala pa siya, hindi puwedeng tumunganga lang kami rito at walang ginagawa.

"Get everyone ready and surround the whole mansion. The rest stood behind me, armed and ready to shoot anyone who tries to enter here. We need to protect the mansion until Nikolaus arrives." Pag-uutos ko kasabay ng pagpikit.

Nikolaus...

I know you're safe and doing your best to come back here. Habang wala ka, sisiguraduhin kong maayos ang lahat dito. Hindi ko hahayaan na mawalan ka ulit ng mansyon at malagasan ng mga tauhan.

"Malia-"

"While he's not here yet, as his wife, I'm taking the lead, and I expect everyone to follow my orders." Narinig ko ang buntong-hininga niya pero mabilis din akong sinunod.

Someone needs to take the lead while he's not here yet, and I'll do everything in my power to protect everyone here.

Sunod-sunod ang takbuhan ng mga tauhan papunta sa kani-kanilang pwesto. Hindi ko alam kung paano sila hinati ni Briggs pero nakakalat na sila sa buong mansyon. Lahat sila ay naka handa ng lumaban sa posibleng mangyari. Ang iba naman sa kanila ay nasa likod ko, naka handa na rin magpakawala ng bala sa magtatakang pumasok dito sa loob ng mansyon.

"Is everyone ready?" Tinanong ko si Briggs nang lumapit siya sa akin.

"Everyone's ready, Malia." Tumango pa siya at tumabi sa akin. Ganoon din sina Avel, Ryker, at Theron. Kahit kagagamot lang ng nga sugat nila, handa pa rin silang lumaban basta kaya nila.

"Where's the maids?" Tanong ko ulit.

"They're all in the same room. Some of our men are there to watch over them, Miss Malia," si Avel ang sumagot. Tumango naman ako.

"Briggs, Avel, Ryker, Theron, and everyone, get ready for whatever may occur here! We'll stay put and wait for Nikolaus! Be prepared to open fire if someone attempts to enter!" Nagsalita ako para sa lahat.

Nikolaus... please, sana okay ka lang!

Madilim na at ramdam mo ang katahimikan ng buong mansyon. Lahat ay naka pwesto pa rin sa kani-kanilang nga pwesto at naghihintay ng susunod kong utos. Wala naman akong napapansin na kahina-hinala kaya patuloy lang kami sa pagmamatyag.

Panay din ang report sa akin mula sa labas ng mansyon. Marami kaming look out doon para masabihan kami kaagad kung sakaling may paparating. Kung sakaling si Nikolaus iyon... o mga kalaban.

"Miss Malia, hindi ka pa kumakain. Kahapon ka pa naghihintay dito sa amin." Nag-aalang sabi ni Ryker. Napansin kong may mga ilang gamot pa siya sa bulsa. Mukhang para sa akin iyon kung sakaling makaramdam ako ng hindi maganda o 'di kaya ay mahimatay nalang ako dito bigla.

"Okay lang ako, Ryker. Kaya ko pa." Saad ko.

"This battle isn't yours to fight, Malia." Nagsalita si Theron pero pinili kong hindi tumingin sa kanya. "Why don't you head inside and hide with the maids where it's safer?" Naikuyom ko ang palad ko at pilit na pinigilan ang sarili ko na hindi siya sagutin at patulan pa. Wala akong oras para sa kanya. Ang inaalala ko lang ngayon ay ang kaligtasan ni Nikolaus.

"That's enough, Theron." Rinig ko ang awat sa kanya ni Briggs.

Tumingala ako sa langit dahil pasikat na ulit ang araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Nikolaus. Sobrang... nag-aalala na ako para sa kanya. Halos tinawag ko na ang lahat ng santo, hinihiling na protektahan siya at ligtas na makauwi rito.

"May paparating na sa sasakyan," may nag radyo para balitaan kami.

Napapikit ako, hinihiling na sana ay si Nikolaus iyon. Sana... sana talaga ay siya na iyon at sana ay okay lang siya.

Pabilis nang pabilis ang pagtikbok ng puso ko, kinakabahan habang hinihintay ang susunod na ibabalita sa amin.

"Everyone, get ready to fire!" Sigaw ni Theron.

Guns are ready.

Bombs are ready.

Canons are ready.

We are ready to fight!

Is it Nikolaus or an enemy?

I hope... it's Nikolaus.

"Everyone, open the gate! Si Boss Nikolaus ang paparating!" Sigaw nito mula sa radyo.

Agad na tumulo ang luha ko at tila nahugutan ng tinik mula sa dibdib. Sa wakas, nakabalik din siya ng mansyon. Sana lang ay wala s'yang natamong mga sugat. Kung meron man, sana hindi ito malalim katulad ng nangyari kina Faolan at Neron pati na rin sa iba niya pang mga tauhan na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin sa nangyari sa kanila.

Nang tuluyan ng makapasok si Nikolaus sa gate, agad din nila itong isinara para hindi makapasok ang posibleng kalaban na nakasunod sa kanya dito. Agad na lumapit sina Briggs at Theron sa kanya lalo na si Ryker na dala ang buong medical kit na hindi nawala sa tabi niya simula kahapon nang maghintay sila sa pagbalik ni Nikolaus.

Nakatayo lang ako, pinapanood sila habang hinihintay siya na bumaba ng sasakyan. Tinted lahat ng mga sasakyan na ginagamit niya kaya hindi ko talaga makita kung ano na ang kalagayan niya. Pero nabawasan na ng kaonti ang pag-aalala ko para sa kanya dahil nandito na siya.

Mula dito sa kinatatayuan ko, napangiti ako ng tipid kasabay ng pagtulo ng luha ko. Masaya lang ako na ligtas siya at walang masamang nangyari sa kanya kahit alam kong hindi ganoon kadali ang pinagdaanan niya, makatakas at maligaw lang ang sinasabi nilang mga kalaban.

Kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag nang makitang okay si Nikolaus. Ni isang gasgas o sugat ay wala kang makikita sa kanya. Ang sasakyan lang na gamit niya ang talagang napuruhan.

Hindi ko na siya nilapitan dahil halos kumugin siya nung tatlo, sinusuri s'yang mabuti lalo na si Ryker na naglabas pa ng stethoscope para i-check siya. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng mansyon. Wala na akong dapat ikabahala pa dahil nandito na siya at ligtas ng naka balik.

Sapat na sa akin na makita s'yang okay. Ngayon, oras na para magpahinga. Dalawang araw din akong nasa labas, hinihintay na dumating sila lalo na si Nikolaus na sobra talaga akong pinag-alala. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pag-aalala sa isang tao.

Iyon 'yung pakiramdam na hindi mo alam kung anong gagawin mo. Iyong gusto mong tulungan siya pero hindi mo alam kung papaano. Ni hindi siya ma-contact at ma-detect nina Briggs. Kaya wala akong nagawa kundi ang magtiwala at hintayin lang siya na makabalik.

Now, I've come to understand that this man is truly formidable. He's not someone you can easily defeat. Just as I expected, he's really a mafia boss, someone who has no fears in facing deadly fights.

Habang naglalakad papasok ng mansyon, onti-onti ng dumidilim ang paningin ko at para akong matutumba ano mang oras. Ngayon lamang naramdaman ng katawan ko ang matinding pagod.

Narinig kong may tumawag sa akin... Boses na ilang araw kong hindi narinig. Na halos dalawang araw kong hinintay sa labas, uminit man o umulan. Hindi ako bumitaw dahil naniniwala ako na okay siya at makakabalik siya ng mansyon ng ligtas. At nangyari na nga iyon.

Pero... napapikit na ako kaya hindi ko na nagawang lingunin siya. Muntik pa akong matumba dahil ramdam ko na talaga ang panghihina ng katawan ko. Pero mabuti nalang... mabilis niya akong nasalo. Nakapikit man ako pero alam ko siya ang sumalo sa akin. Alam ko ang katawan na sumalo sa akin, ang amoy niya, at ang boses niya... Bago ako tuluyan nawalan ng malay, narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"I'm back. Forgive me for making you wait, wife."

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 180 41
[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then a...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.5K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...