#11

By LillMissBlue

1.1K 35 12

What if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as... More

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Sixteen

33 2 0
By LillMissBlue

Chapter Sixteen

Napatitig ako sa kanya at base sa ekspresyon ng mukha niya, nagulat siya nang bahagya sa akin pero nawala rin iyon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo ba ito?

"Naaalala kita, ikaw yung babaeng sumuntok sa akin," sabi niya at bigla akong naguluhan. Ano bang sinasabi niya? "At yung nagtapon ng sigarilyo ko at nanigaw sa akin."

Tumingin ako kay Justin pero blanko lang yung ekspresyon niya. Nagkakaintindihan sila? O sadyang ako lang ang naguguluhan?

"Ano pong sinasabi niyong sinuntok kita?" nahihiya kong tanong.

"Yung sa Arbor, yung MP Lights?" Naalala ko na. "Tadhana nga naman. Tara, kain na tayo. Nagugutom na ako," sabi niya at umupo na kami.

Habang kumakain, nakatingin lang ako sa kuya ni Justin. Ibig sabihin, hindi si Justin yung naka-engkwentro ko sa Arbor at yung sinigawan ko sa garden ng school, kung 'di ang kuya niya?

"By the way, I'm Jeremy and you are?" tanong niya.

"Angeline," sabi ko naman.

"Lagi kang naikukuwento sa akin ni Justin. Halos isang buwan na rin pala nang ihatid ka namin sa bahay niyo."

Bigla akong natigilan sa pagkain. Ibig sabihin hindi talaga si #11 yung nagtanong kay Potie nung address ko at eskuwelahang pinapasukan ko? Pero sino sa kanilang dalawa yung inakalang kong si #11?

"Ikaw Justin, binata ka na," pang-aasar ni Tita Mercy, mom ni Justin. "Nasa anong stage na ba?" tanong niya sa amin.

Tiningnan ko si Justin na namumula kaya napangiti na lang ako. Ngayong wala naman na pala akong problema, puwede ko na siyang payagang manligaw.

"Magka-"

"Nililigawan na niya po ako,"sabi ko agad bago pa matapos ni Justin yung sasabihin niya.

Napansin kong natigilan sila Justin at yung mga kaibigan ko sa pagkain. Tiningnan nila ako na para bang may ginawa akong kakaiba para mapunta ang atensyon nila sa akin. Nagkunwari akong parang wala lang iyon at bumalik na sa pagkain.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain pero si Justin napapansin kong pasulyap-sulyap sa akin. Gusto ko mang hindi pansinin, pero napapatingin din ako sa kanya kapag ginagawa niya iyon. Kapag titingin naman ako, iiwas siya.

Pagkatapos kumain, nagpahinga kami at sakto namang may lumapit na mga staff sa amin. May dala-dalang malaking placard at cake sa isang maliit na platito. Kinantahan nila si Justin ng Happy Birthday.

Habang masaya akong nanonood, kinalabit ako nila Rizza at sinabihan na sabayan namin sila kaya ginawa naman namin. Halatang nagulat si Justin nang tumayo kami at kumanta. Habang kumakanta, napansin kong nakatingin sa akin si Justin kaya na-conscious ako pero itinuloy ko pa rin. Paano mawawala yung awkwardness kung magpapa-apekto o mako-conscious na lang ako habang buhay?

Pagkatapos naming kumanta tumayo si Justin para ihipan yung candle sa maliit na cake at nagpasalamat siya sa mga staff at sa amin. Pagkaalis ng mga staffs, bigla akong itinulak ng mga kaibigan ko papunta kay Justin. Muntik pa akong matumba dahil sa suot kong heels pero mabuti na lang nasalo niya ako.

"Pasensya na Justin, hindi namin nabalot yung regalo namin sa iyo. Hindi kasya e," sabi ni Rizza at naghagikgikan naman sila.

Tiningnan ko sila nang masama. Hindi na nahiya itong mga ito, okay lang sana kung nasa pribado kaming lugar. Babatukan ko na sana yung mga kaibigan ko pero natigilan ako nang marinig ko ring humagikgik si Tita Mercy.

Tumingin ako kay Tita at napansin kong nakatingin na rin yung ibang tao sa YakiMix at nakangiti sa amin. Ngayon, mas gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na kami kila Justin dahil gabi na rin, baka pagalitan na ako ni mama at babatukan ko pa itong mga kaibigan ko.

"Justin, ihatid mo na sila," utos ni Tito Bernard, papa ni Justin.

"Huwag na po, tito. Nakakahiya. Birthday po ni Justin kaya dapat po hindi na namin siya inaabala," sabi ko.

"Hindi iha, obligasyon ng matinong manliligaw ang ihatid ang nililigawan niya sa bahay nila."

Sa huli, wala na akong nagawa. Kasabay rin naming lumabas sa YakiMix yung kuya ni Justin. Habang naglalakad tumitingin ako sa labas. Napansin ko ang magandang garden na ngayon ko lang nakita.

"Gusto mong pumunta sa Garden?" tanong ni Justin pero umiling agad ako. Baka gabihin kami kapag dumaan pa kami roon at mas mapagod si Justin. Baka abutan din kami ng traffic.

"Justin, samahan mo na si Ange. Maglalaro rin kami ng mga kaibigan mo sa Timezoned," sabi ni Kuya Jeremy at pinangalawahan naman ng mga magagaling kong kaibigan.

"Tara?" tanong ni Justin at tumango na lang ako.

Lumabas kami at inikot yung garden. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko, may binabalak na naman yung mga kaibigan ko na hindi maganda. Kinasabwat pa nila si Kuya Jeremy.

"Nagkakilala pala kayo ni Kuya sa Arbor?" tanong niya sa akin.

"Oo. May humahabol kasi sa akin doon na mga aso," Kahit tao, para sa akin mga mukha silang aso dahil pinamumunuan sila ni Cheska. "Tapos hinila ako ng Kuya mo sa taguan niya. Nasuntok ko nga rin siya noon kasi lakas mang-inis katulad mo," sabi ko at natawa na lang siya.

Tumahimik ulit yung paligid at pakiramdam ko mababaliw ako. Hindi ako sanay na ako lang ang nagtatanong pero alang-alang sa mga kasagutang kailangan ko, isasantabi ko muna yung ugali kong iyon.

"Ikaw, paano mo ako nakilala kung hindi ikaw si Kuya Jeremy?" tanong ko.

"Nakita kitang nagbibisikleta noon, kasama mo si Maddie at kinalaunan, nalaman ko na pinsan ka ni Kuya Leo."

"Kilala mo si Kuya Leo?" tanong ko dahil hindi ko pa siya nakikitang kasama siya nito. Tumango siya.

"Ewan ko ba, na-love at first sight yata ako sa iyo noon." Yumuko ako dahil nararamdaman ko na naman yung pag-init ng mukha ko. "Huwag ka ngang yumuko. Ang cute mo kaya kapag namumula, lalo na kapag ako ang dahilan."

"Ewan ko sa iyo," sabi ko.

Nang medyo humupa yung kilig na nararamdaman ko, nagtanong ulit ako. Mahirap kasi magtanong kapag kinikilig, mauutal-utal lang ako. Inisin pa ako lalo niyan.

"Ikaw ba yung nagtanong sa kapatid ko kung saan ako nakatira at nag-aaral?" tanong ko sa kanya at halatang nahiya siya bigla. Napansin ko ring medyo namula siya kaya napangiti ako.

"Oo. Ang kulit din niya. May pinagmanahan." Tiningnan ko siya nang masama pero binalewala niya lang iyon. "Muntik niya pa akong ipahamak. Sabihin ba naman na boyfriend mo na ako agad sa mama mo, hindi pa nga ako nanliligaw."

Yung naniningkit kong mata kanina biglang lumaki dahil sa gulat. Lagot sa akin si Potie mamaya. Kakatayin ko yung teddy bear niya. Biglang tumawa si Justin na parang mauubusan na ng hininga. Hindi ko alam pero may kung anong kapangyarihan yung tawa ni Justin na tumutunaw sa puso ko.

"Tumigil ka na nga diyan. Nagmumukha ka nang baliw," sabi ko dahil baka tuluyan nang maging liquid form yung puso ko.

Makaraan ang ilang sandali, tumigil na rin siya kakatawa. Nakaramdam na siguro na pinagtitinginan na kami ng mga tao, lalo na ng mga lalaki. Inayos niya yung sarili niya at mas lumapit sa akin.

"Totoo ba yung sinabi mo kanina? Pinapayagan mo na akong manligaw?" tanong niya.

"Oo pero kung ayaw mo mas ma-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagulat ako nang akbayan niya ako at mas inilapit sa kanya. Nakaramdam din ako nang pagbilis ng pintig ng puso ko, na naman.

"Thank you," bulong niya sa akin at naramdaman ko yung mainit niyang hininga sa tainga ko. "Pero paakbay muna, baka may mabulag akong mga lalaki rito,"

Tiningnan ko siya gamit ang peripheral vision ko at bakas na bakas sa mukha niya yung selos na nararamdaman niya. Bigla akong natawa nang mahina.

"Huwag mong sabihing nagseselos ka?" inosente kong tanong sa kanya.

"Hindi pa ba halata?" tanong niya at halata sa tono ng boses niya ang pagkairita.

"Hindi naman sila sa akin nakatingin. Sa iyo kaya," sabi ko habang tumatawa.

"Bakit naman? Ako type nila?" Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

Hindi ko alam, ganito pala kasaya magkaroon ng manliligaw. Siguro nga tama sila Rizza at Helena, mas mabuting pahalagahan ko kung anong mayroon ako bago pa ito mawala.

"Mukha ka kasing baliw kakatawa kanina. Akala mo wala ng bukas."

"Hindi, nakatingin sila sa atin kasi naiingit sila. Suwerte ko raw kasi. Ang ganda ng kasama ko."

"Ngayon mo lang nalaman?" tanong ko sa kanya at natawa na lang kami.

Natigil lang kami sa kakatawa nang maramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa. Sabi na nga ba, may hindi magandang balak yung mga kaibigan ko.

(Ange, si Justine na lang daw maghahatid sa iyo, sabi ni Kuya Jeremy. Hindi na namin kayo hinintay dahil masyado pa kayong busy. Ingat na lang kayo. Baka langgamin.
- Your ever gorgeous friends, Rizza & Helena)

Sumimangot ako pagkatapos kong basahin iyon. Saan banda yung gorgeousness nung dalawa? Hindi ko makita.

"May problema ba Ange?" Tumingin ako sa kanya at ipinabasa yung text nila.

"Botong-boto talaga sa akin mga kaibigan mo, ano?" sabi ni Justin pagkatapos basahin yung text message.

"Ewan ko ba. Ano ba pinakain mo sa mga iyon?" tanong ko habang tinitext ko sila Rizza at binabalaan na huwag nang magpakita sa akin. "Marunong ka palang magmaneho?"

"Oo. Nag-aral na ako para sa college, lagi kong masusundo at maihahatid girlfriend ko. Mahirap na."

Napangiti na lang ako. Kung ganito si Justin sa habang nililigawan ako, paano pa kaya kapag naging kami na? Baka maging Valentines na araw-araw dahil sa kanya. O baka manlalamig din siya?

"Tara na, iuuwi na kita. Manliligaw pa ako sa mama mo at kapatid mo."

"Ewan ko sa iyo," sabi ko at pumunta na kami sa parking lot.

Habang bumabyahe, tumitingin ako paminsan-minsan kay Justin. Pero madalas, sa labas ng bintana nakatuon yung pansin ko habang iniisip pa rin si Justin. Para na siyang college student. Panigurado maraming nagkakagusto sa kanya, hindi lang kasi siya may hitsura, maganda pa ang ugali.

Pero bakit ako? Hindi kaya pinagpustahan lang nila ako o kaya trip? Challenge? Matagal ko nang inaalala at iniisip ito at hanggang ngayon, nagdududa pa rin ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Justin yung kamay ko pero hindi ko iyon pinansin para kunwari, wala akong alam. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Siguro mas mabuting huwag na akong mag-isip ng kung anu-ano. Mas makakabuti rin sigurong hindi na mabigyan pa ng kasagutan yung mga tanong ko. Ganoon naman daw kasi ang pag-ibig. Titibok na lang ito bigla at minsan, ang pagtibok nito ay walang ibinibigay na rason.

 

/———/

Author's Note: Yieeeeee! Official na, manliligaw na ni Budang si Justin. Hahaha. At wala nang pinangangambahan si Budang, wala na nga ba talaga? Abangan. Charot. Hahaha. Maraming salamat po sa pagbabasa. Mahal na mahal ko kayo. Char. Godspeed everyone! :D

If you have any opinions about #11, don't hesitate to comment. Hahaha. Hindi po ako nangangagat. Hahaha. Or if you want to post something about this story on other SNS (Social Networking Sites) just include the hashtags: #NumberElevenOnWattpad or #BudangXNumberEleven para makita ko po agad. Thanks :) Lovelots :*

PS: Dahil #11 ang title ng kuwentong ito, mag-a-update ako tuwing 11th, 22th and 30th of the month o depende pa rin kung sinipag ako. Kasi kapag sinipag ako, baka tuwing 11th hour of the day na. Hahaha. Pero huwag masyadong umasa, masakit. Hahahah. Kayo rin. xD

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...