Hide and Seek (A Dark Mafia N...

By mevalilies

11.4K 272 44

Nikolaus Hiero Cassano, a notorious mafia boss known for his heartless and merciless ways, finds himself in a... More

Note
Malia Fey Acosta
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Briggs Revamonte
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Briggs Revamonte POV
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Nikolaus Hiero Cassano
Chapter 30 - Nikolaus POV
Wynnona Snow Fierro
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36 - Briggs Revamonte
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Note

Chapter 13

235 8 0
By mevalilies

Chapter 13

"Happy Birthday, Mr. Balderick Fierro."

Hawak ako sa bewang ni Nikolaus nang lapitan namin si Mr. Balderick Fierro, ang birthday celebrant upang batiin ito. Na-meet ko na siya noon sa lunch meeting pati iyong dalawang anak niya na sina Islwynn Fierro at Evander Fierro. Ngayon, kumpleto sila kasama ang asawa nito.

"Your presence on this special day means to us, Mr. and Mrs. Cassano. Thank you for coming." Masaya kaming sinalubong ni Mr. Balderick Fierro kasama ang pamilya niya. "By the way, allow me to introduce my wife, Lucia Fierro."

"I've heard so much about the both of you, and it's a pleasure to finally meet you." Bumeso pa ito sa amin ni Nikolaus lalo na sa akin na may kasama pang yakap.

"It was our pleasure as well to meet you, Mrs. Lucia Fierro." Sambit naman ni Nikolaus.

Kanina pa nagsimula ang party at medyo na-late kami ng dating ni Nikolaus. Medyo na-traffic kasi kami kanina kaya ngayon lamang kami nakadating. Kasama namin si Theron sa pagpunta rito pero humiwalay din siya nang makapasok kami sa venue para puntahan iyong asawa niya.

Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin nasasabi kay Nikolaus iyong nakita ko. Na nakita ko si Theron at ang secretary niya na si Beatrice na may ginagawang mali. Kawawa naman ang asawa ni Theron. Wala man lang s'yang idea na niloloko siya ng asawa niya.

Madaming bisita ang um-attend sa birthday party ni Mr. Balderick Fierro at talagang mga bigatin ang lahat ng mga dumalo. Mga suot palang nila ay alam mo ng mamahalin at mukhang milyones din ang mga presyo katulad nitong gown na suot ko ngayon.

Hindi ko nga alam kung nababagay ba ako rito. Na nakakasalamuha ko ang mga mayayaman na katulad nila. Kung hindi dahil kay Nikolaus, hindi ko mararanasan na magsuot ng mga mamahaling damit at dumalo sa mga ganitong okasyon.

Siguro... kung nandito lang si Tatay, sobrang matutuwa iyon. Pangarap kasi no'n na makita akong umangat sa buhay. Na makitang ayos ang buhay ko at walang pinoproblema lalo na pagdating sa pera.

Alam kong anim na buwan ko lang ito mararansanan kasama si Nikolaus, pero pwede pa rin naman kaming magsimula ni Tatay sa matatanggap ko pera mula kay Nikolaus. Malaking halaga rin iyon para magsimula ng bagong buhay kapag gumaling na siya.

"Iyon 'yung asawa ni Theron?" Nakaupo na kami ni Nikolaus at nagsisimula ng kumain ng steak nang matanaw ko si Theron na may kasamang isang magandang babae at halos kasing edad niya lang din. Napatingin tuloy si Nikolaus sa kanila, medyo walang pakielam.

"I don't know. I never met his wife." Sagot niya at binalik na ang tingin sa kinakain n'yang steak. Oh, 'di ba, wala man lang s'yang pakielam.

"Bakit?"

"What do you mean 'bakit?'" Kumunot ang noo niya at tumingin na naman sa akin.

"E 'di ba, magkaibigan din kayo? Imposible naman na hindi niya pa pinapakilala sayo ang asawa niya. Hindi ka man lang ba um-attend nung kasal nila?" Ang dami kong tanong. Pero curious lang naman ako.

"I attended his wedding." Nanlaki ang mga mata ko. "But, I was in the car and just handed to someone my wedding gift as I had an important meeting to attend at that time." Pagpapatuloy niya naman.

"Buti hindi siya nagalit sayo?"

"No." Umiling siya. "Because that wedding isn't important to him."

Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"It was an arranged marriage where their families matched them." Sagot niya.

"Uso talaga sa mayayaman 'yung arranged marriage, ano? Or, 'di kaya 'yung parang 'yung atin?"

"What do you mean 'parang 'yung atin?'" Napaiwas ako ng tingin dahil seryosong seryoso naman s'yang nakatitig sa akin. Hindi niya pa ba gets kung anong pinupunto ko?

"A-Ano... kontrata lang 'yung kasal," sagot ko, medyo nakaramdam ng kaonting lungkot? Hindi ko rin alam kung bakit. "Kaya pala..."

"Kaya pala?"

"Kaya pala... nagawa n'yang lokohin 'yung asawa niya." Kumunot ulit ang noo niya.

"What do you mean by that?" Seryosong seryoso pa rin siya.

"Ah, a-ano... Wala." Tumungo nalang ako at hindi na nagpatuloy pa sa pagsasalita. Baka mapahamak pa ako sa kadaldalan kong 'to at baka mamaya ay makarating pa kay Theron. Baka sabihin pa no'n na ang daldal ko at pinagkakalat pa iyong nakita ko. Mas okay na siguro na hindi ako makielam? Buhay niya naman iyon.

"Malia..." tinawag niya na ako sa pangalan ko.

Ayoko s'yang tingnan dahil alam kong malapit ng maubos ang pasensya niya sa akin. Kaso mukhang wala naman na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya ang nakita ko. Bahala na kung maniwala siya sa akin o hindi.

Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang magsalita. "Isang beses kasi, nakita ko si Theron... at si Beatrice sa iisang kwarto... Nagse... sex sila." Pagkukwento ko pero mukhang hindi naman siya nagulat doon.

"I knew he was cheating on his wife, but I didn't expect that it was Beatrice." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Alam mo na pala na niloloko niya ang asawa niya pero hinahayaan mo lang?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"His wife also knows that Theron is cheating on her."

"She knew? And she's okay with that?"

"I told you, it was just an arrange marriage. And I won't be surprised if his wife is also cheating on him." Natahimik na ako pagkatapos niyon.

Ganito ba talaga sila? Normal lang ba sa kanila na magloko? Na lokohin nila ang asawa nila kahit... hindi nila 'to mahal? Pero nanumpa pa rin sila kahit sabihin nating arranged marriage lang sila.

Napaisip naman ako... at napatingin ulit kay Nikolaus pero wala na sa akin ang paningin niya. Naisip ko lang... paano kung niloloko niya rin ako? Paano kung may ibang babae rin siya katulad ni Theron? Kasi hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa. At itong kasal na 'to, valid lang ng six months.

Pero ako, hindi ko magagawang magloko sa kanya kahit naka kontrata lang ang pagpapakasal namin ni Nikolaus. Para sa akin, maling mali iyon. Kung sa akin nangyari 'yun, hindi ko siguro mapapatawad ang taong magloloko sa akin.

Nagpaalam ako kay Nikolaus na magre-restroom lang ako saglit pero pagkabalik ko sa table namin ay wala siya. Nagpalinga linga pa ako, hinahanap siya. Saan naman kaya 'yun pumunta at hindi man lang nagsabi sa akin? Umupo nalang ulit ako at hihintayin ko nalang siya na bumalik. Baka nagrestroom lang din 'yun o 'di kaya ay may kinausap lang saglit.

"Mrs. Cassano, you're alone!" Biglang dumating si Islwynn, may hawak pang wine glass. Nagkita naman na kami kanina kasama si Nikolaus at nagkabatian na rin. Hindi ko inaasahan na lalapit s'yang muli sa akin at dito pa sa table namin. "Where's Mr. Cassano?" Tanong niya bago uminom ng wine. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Saan ba kasi pumunta 'yung lalaking 'yon?

"He just went to the toilet for a while, Mr. Islwynn Fierro." Sagot ko at natawa naman siya.

Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Mayroon ba?

"Islwynn nalang, Malia." Naiilang na tumango nalang ako lalo na nang tawagin niya ako sa pangalan ko. "Do you mind if I sit?" Sabi niya pa.

"Go ahead." Saad ko. Umupo naman agad siya sa tabi ko, hindi man lang nagdalawang isip na tumabi sa akin.

"So, how are you and Nikolaus?" Nagtanong na naman siya.

"We're okay." Mabilis na sagot ko. Napatango tango naman siya.

"Do you notice anything weird about him?" Dagdag na katanungan niya na ikinanuot ng noo ko.

"What do you mean by that, Mr. Islwynn?"

"Oh," tumawa siya pero agad din na sumeryoso ang mukha. "I mean... anything that can destroy him." Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig sabihin ng sinabi niya?

Akala ko ba... ay magkakampi sila? Business partners nga sila, 'di ba? Pero ano itong sinasabi niya na puwedeng ikasira ni Nikolaus?

"Mr. Islwynn, what are you talking about against my husband?" Natawa na naman siya. "Are you thinking of hurting him, even though you're business partners? Hindi na siya sumagot at tumayo na. Sakto pagkaalis niya ay bigla ng dumating si Nikolaus.

"Nikolaus-" tinawag ko siya para magsumbong pero mabilis niya akong pinutol.

"What did he tell you? Siniraan niya ba 'ko sayo like always happened?" I noticed a hint of concern in his eyes.

"Uh, hindi 'yun," umiling ako. "Ang totoo n'yan, mukhang may planong s'yang pabagsakin ka, Nikolaus." Napakunot ang noo niya. "Baka siguro nakipagsundo sila sayo... eh dahil may iba pala talagang silang balak sayo." Matagal s'yang tumitig sa akin. Hindi ba siya naniniwala sa sinabi ko?

"It's something that you don't have to worry, Malia." Nakatitig lang ako sa kanya. "It's just the way things work in this world. People often betray and use each other. And I'm always prepared for that." Dagdag niya pa.

Napabuntong-hininga naman ako at tumango na lamang. Mukhang wala naman pala dapat akong ipag-alala sa kanya. Kilala ko naman si Nikolaus, hindi siya nagpapatalo at hahayaan na masaktan o may mangyari sa kanya o sa mga taong gusto n'yang protektahan.

Hindi na namin tinapos ni Nikolaus ang birthday party dahil maaga pa raw siya bukas sa kumpanya niya. Kung hindi ako nagkakamali, may board meeting siya bukas ng umaga. Dahil sa hapon, may mahalaga naman silang pupuntahan ni Theron. Baka underground transaction na naman iyon na bigatin dahil kailangan siya roon.

Sana lang ay hindi niya na ako isama doon. Balak ko kasi sanang bisitahin si Tatay bukas sa hospital. Simula kasi nung nagtraining ako, madalang ko nalang siya na mabisita dahil nga sa sobrang sakit ng katawan ko at hindi maayos na makagalaw. Baka nagtatampo na iyon sa akin.

Antok na antok akong bumangon nang magising dahil sa sunod-sunod na katok na narinig ko. Hindi ko na nga sana pagbubuksan ito dahil kinakain ako ng kama sa antok pero ayaw nito tumigil sa pagkatok. Halos gapangin ko tuloy ang pinto, mapagbuksan lang ito.

"Pinapatawag daw ang lahat sa baba," bumungad sa akin si Briggs. Mukhang kararating niya lang dahil hindi pa siya naka pang tulog. Saan naman kaya siya galing? Baka nag overtime siya sa company ni Nikolaus.

"Ng ganitong oras? Bakit daw?" antok na antok na sabi ko. Nagkibit-balikat naman siya, wala rin ideya kung bakit.

"Hindi ko rin alam, eh. Tara na sa baba. Naghihintay na si Nikolaus." Tumango nalang ako at sinara na ang pinto ko, sumunod na sa kanya sa baba.

Parang zombie ang paglalakad ko dahil papikit pikit ang mga mata ko. Antok na antok pa talaga ako at gusto ko pang ipagpatuloy ang tulog ko. Ano ba naman kasi itong pumasok sa isip si Nikolaus at magpapatawag nalang, ganitong oras pa. Hindi pa ba siya natutulog at nang-iistorbo pa ng ganitong oras? Idadamay pa kami.

Pagkababa namin ni Briggs ay dumiretso ako kay Nikolaus at umupo sa tabi niya. Tingnan mo, naka pangtulog na rin pala siya. He's wearing a black sando and a gray jogger pants. Tsaka iyong tabi niya nalang naman kasi iyong available seat kaya roon na ako umupo. Sakto pagkaupo ko ay nagsalita na siya. Mukhang kami nalang talaga kasi ata ni Briggs ang hinihintay.

"There's a spy in my house." Diretsong sabi niya at sumulyap pa sa akin saglit. Napansin niya ata na hindi ako nakikinig sa kanya at pabagsak na ang mga mata.

"Spy?" Mahina naman na sabi ko na ako lang naman ang nakarinig.

Bakit naman magkakaspy sa loob ng bahay niya?

"Whoever you are, leave this place before I find you. If I do, you won't make it out of here alive." Dagdag pa ni Nikolaus.

Sino naman kaya 'yung spy na 'yon? Ibig sabihin, kahit dito sa loob ng mansyon niya ay hindi na rin safe?

Habang patuloy na nagsasalita si Nikolaus... ay hindi ko sinasadyang mapasandal sa balikat niya. Agad na nagising ang diwa ko sa nangyari pero agad din na napabangon ang ulo mula sa balikat niya. Sa kanya man ako nakatingin ngunit alam kong lahat ay napatingin sa akin, sa amin.

"S-Sorry, antok lang." napapikit pa ako sa kahihiyahan.

Hindi niya naman pinansin 'yun at nagpatuloy ng muli sa pagsasalita. Ako naman ay tumungo nalang, nahihiya pa rin sa nangyari. Nakakahiya talaga 'yun! Baka sabihin nila ay nagpapababy ako! Eh, talaga naman kasing inaantok pa ako. Sino ba naman kasing magpapababa ng ganitong oras, 'di ba?

Seriously? 1 am?

"Make sure I don't catch you, because if I do, your life won't last a second longer." Sabi niya at tumayo na. Umangat naman ang tingin ko sa kanya nang ilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Let's go," sabi niya pa at hindi na nahintay pa na hawakan ko ang kamay na nilahad niya para sa akin. Siya na ang kumuha ng kamay ko at hinila na ako. "Are you sleepy?" Tanong niya pa. Hindi ko naman sinasadya na mapanguso kasabay ng pagtango.

Kaya wala pa man din kami sa bungad ng hagdan nang bigla niya akong buhatin na para isang bride. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya at tila mas lalong nagising ang diwa. Nawala ang antok ko at napatitig nalang sa kanya.

Naramdaman ko rin... ang pagbilis ng tibok ng puso ko...

"N-Nikolaus... n-nakatingin sila sa'tin," sabi ko. Kahit hindi man ako nakatingin sa kanila dahil nahihiya ako nang bigla niya akong buhatin, pero alam kong lahat sila ay nasa amin na naman ang tingin.

"I don't care. You're my wife." Diretso niya iyon na sinabi sa akin.

"Pero-"

"If you say another word, I'll kiss you in front of them." Agad naman akong napatikom ng bibig at piniling hindi na magsalita.

Tsaka kiss?

Ako iki-kiss niya?

Nakakatitig lang ako sa kanya habang buhat-buhat niya ako paakyat ng hagdan. Pero sa sobrang antok ko, tuluyan na akong nakatulog sa balikat niya. Hindi ko na talaga kinaya dahil maaga rin akong nagising kanina. I mean kahapon dahil mag-aalas dos na ng madaling araw ngayon.

Nang magising ako ay sikat na sikat na ang araw. Tumatama pa iyon sa mga mata ko kaya hindi ko napigilan na takpan ito ng kamay ko para hindi masilaw mula sa araw. Hihikab hikab pa ako nang bumangon sa kama... At laking gulat ko nang mapagtantong wala ako sa kwarto ko.

"N-Nasa'n ako?" Tanong ko sa sarili ko.

I see a large room with a grand king-sized bed, blending baroque and modern design for an elegant atmosphere. Ito 'yung kwarto na halata mong mayaman at lalaki ang may ari.

"In my room," napatingin ako bigla sa gilid ko nang marinig na magsalita si Nikolaus. Nasa labas siya ng balcony habang umiinom ng kape at nagbabasa ng kung ano sa Ipad na hawak niya. "Good morning," dagdag niya pa pero this time, hindi na nakatingin sa akin.

Tama ba ang naririnig ko? Nag good morning siya sa akin?

"Good morning pero na sa Ipad ang tingin? Ayan ba ang asawa mo?" Bulong ko. Ewan ko rin kung ano ba itong pinagsasasabi ko.

Inalis ko na ang kumot sa katawan ko at tumayo na sa kama para lumabas na sa kwarto niya. Pagkasuot ko ng tsinelas ko at saktong pagharap ko sa gilid ay nagulat ako nang makitang nasa tabi ko na si Nikolaus nang hindi ko man lang namamalayan.

"Ano ba?! Bakit ka ba nandyan?!" Reklamo ko at napahawak pa sa dibdib dahil sa gulat.

"Why? Do you want a sweet 'good morning' with a morning kiss?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Tsaka narinig niya 'yung sinabi ko? Eh, ang layo-layo niya sa akin at pabulong ko lang naman 'yun na sinabi.

"Anong sinasabi mo dyan?" Sabi ko at nilagpasan siya pero nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahiga ng muli sa kama habang siya ay nakapatong sa akin at hawak ako sa magkabilang palapulsuhan. "N-Nikolaus... a-anong ginagawa mo?" Nauutal kong sabi at napalunok nalang sa nangyayari.

Hindi siya sumagot at diretso lamang na nakatitig sa akin. Gusto ko man s'yang i-tulak... pero bakit hindi ko magawa? Bakit sinasalubong ko lang ang pagtitig niya sa akin? Bakit... hinahayaan ko lang na gawin niya ito sa akin?

Nang makitang papalapit na ang labi niya sa labi ko, dahan-dahan ko ng pinikit ang mga mata ko. Ngunit napadilat din ako nang biglang s'yang natawa ng mahina.

"Let's take a shower. You're coming with me to the meeting." Saad niya at umalis na sa pagkakapatong sa akin. Ako naman ay naiwang nakahiga ng ilang segundo pero agad din na bumangon, nahihiya pa sa nangyayari.

Am I expecting him to kiss me?

Nalakahiya!!!

Tsaka?

"Ano? Sabay tayong maliligo?" Gulat na sabi ko at napatakip pa ng kumot sa katawan ko dahil sa sinabi niya.

Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya.

"Gusto mo?"

"Ayoko, 'no!" Tanggi ko agad. "May pasabi sabi ka pa kasi dyan na 'Let's take a shower.'" Mag-asawa man kami pero hindi pa ako ready isuko ito.

Inis ko s'yang tiningnan nang tumawa na naman siya.

"Nang-aasar ka ba, ah?"

"No. But you're funny."

"Hindi ako clown." Natawa na naman siya.

Sa inis, hindi ko na siya pinansin at naisipan ng lumabas. Umagang umaga, hindi ko siya maintindihan dyan.

Nung una, binuhat niya ako na parang isang bride at dinala niya ako sa kwarto niya. Tapos hinayaan niya pa akong matulog dito. Eh, 'di ba, ayaw na ayaw niya na may pumapasok sa kwarto niya? Eh, ano ito?

Pangalawa, pagkagising ko, may pa good morning siya sa akin? Eh, never nga siya bumati ng good morning sa akin. Palagi kaya s'yang masungit sa akin tapos ngayon mag pagbati pa siya na nalalaman?

Pangatlo, hiniga niya ako sa kama. Hinayaan ko naman siya na pumatong sa akin. Ako naman si tanga, nag-expect na hahalikan niya. May pagpikit pa akong nalalaman pero tatawa lang siya dyan?

Pang-apat, nagsabing 'let's take a shower' daw kami pero ako pa ang nagmukhang mali ng pag-intindi sa sinabi niya. Tapos nang i-tama ko, tatawanan niya pa ako. Ano ba siya baliw?

Minsan talaga... hindi ko siya mabasa at maintindihan, eh!

"Bahala ka dyan." Sabi ko pa at lumabas na ng kwarto niya. Pero bago ako tuluyang lumabas, narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"Cute..."

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 455 31
Dahil sa kagustuhan niyang tulungan ang kanyang mga magulang, nagpasya siyang mag hanap ng agarang trabaho na matatanggap agad siya. Gayunpaman, sa k...
89K 3.5K 67
Araw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine S...
2.3K 70 53
Published: July 1, 2023 Finished: January 29, 2024 Leria Valentina Charlotte Montoya is the heiress of the Montoya clan whom they think is like a fra...
3K 1.5K 34
Did you experienced being hurt again and again to only one person? Wayve did, She always forgive him because of love. Wala eh marupok unting suyo lan...