HIS CHOSEN GROOM

Par tk_hiddenclouds

30.1K 698 111

Billy's (Taehyung) standards for men are unattainable which leads him to use his power as the only son of a r... Plus

WARNING ⚠️
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 04
Chapter 05.
Chapter 06
CHAPTER 07.
CHAPTER 08.
CHAPTER 09.
CHAPTER 1O
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Chapter 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
CONTINUATION OF 21
CHAPTER 22
Chapter 23
Billy and Thiago
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Chapter 27
Continuation of chapter 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
Chapter 30
Chapter 31
CHAPTER 32 / THIAGO POV
CHAPTER 33/ THIAGO POV
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Chapter 37
chapter 38
Chapter 39
Chapter 40/final chapter
41. A/N
SPECIAL CHAPTER/ THIAGO POV

Chapter 24

616 14 1
Par tk_hiddenclouds

MADALING ARAW bigla na lang akong nagising. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong wala pang alas sais dahil sa bagsak pa ang talukap ng aking mga mata. Dahil sa mahabang biyahe kahapon ay nakatulog ako sa pagod pagkatapos ko naligo. Si Jimmy ay hinayaan ko munang kausapin si Yaya Myrna, ayaw ko rin naman pangunahan siya. Alam kong malawak ang pang unawa ni Yaya at mahal niya si Jimmy.

Bumalik ako sa pag tulog ngunit hindi umabot ng isang segundo ay mabilis din akong gumising nakaramdam kasi ako ng may isang mabigat na bagay ang nakadagan sa bandang tiyan ko ganun din sa kabilang binti ko at ang ulo ko rin ay hindi na sa malambot na unan kundi nasa matigas na bagay.

"Thiago?" walang boses na bigkas ko.

ipinikit ko ang mga mata ko at pagkatapos ay nag mulat din muli, baka kasi namiss ko lang si Thiago kaya kung ano ano na ang naisip ko.

But I wasn't wrong dahil naramdaman ko na ang init ng hininga niya sa bandang sulok ng leeg ko. Dahil nakatihiya ako ay hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko, dahan danan kong inangat ang ulo ko para tiyakin kung si Thiago nga ba itong katabi ko.

"God!" mahinang usal ko kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi ko ng ibinalik sa dating position ang ulo ko.

Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko, ang mga braso niya ay nakayakap bandang tiyan ko habang ang isang paa niya ay nakadagan sa isang binti ko. Hindi ko rin alam kung paano ang ginawa niya sa ulo ko dahil hindi ko man lang siya nararamdaman kagabi, unan ko na kasi ngayon ang mga braso niya.

Kahit malaki ang katawan niya kaysa sa akin sa itsura niya at posisyon namin ngayon ay nagmumukha siyang batang paslit na nakalingkis sa nanay niya.

Hindi ko alam kung anong oras siya dumating at bakit siya sumunod sa akin dito sa hacienda.

Pinilit ko ang sarili na gumalaw para humarap sa kanya pero mas lalong niyang hinihigpitan ang pagyakap sa katawan ko na para bang anumang oras ay mawawala ako.

"Hmmm." mahina niyang ungol ng buong pwersa akong tumagilid para harapin siya.

"Thiago, why are you here?" mahinang tanong ko ng sa wakas ay nakaharap na ako sa kanya.

Kumulot ang noo niya ng marinig ang boses ko kasabay ng pagkabig niya sa katawan ko para mas lalo kaming mag dikit.

"I miss you." sagot niya sa antok pa na boses.

Muli niyang siniksik ang mukha sa leeg ko na para bang batang naghahanap ng init ng katawan ng ina. Inayos ko ang blanket na nakatakip sa kalahati naming katawan, hinila ko iyon hanggang sa balikat niya.

Matamis akong ngumiti at gumanti ng yakap sa kanya, dahil sa init ng katawan naming nagtatalo sa ilalim ng blanket ay hindi ko man lang naramdaman ang lamig ng hatid ng aircon sa loob ng kwarto ko.

Akala ko ay bumalik na siya sa pagtulog ngunit naramdaman ko nalang ang magaspang niyang kamay na humahagod sa hubad kong katawan hanggang sa nakarating ito sa korona ng dibdib ko.

Bigla ko na lang din naalala na pampatulog niya pala ito ang paglalaro sa korona ng dibdib ko, ewan ko ba nakasanayan niya na itong gawin at nasanay narin ako.

Babalik na sana ako sa pagtulog at mamaya na lang siya kausapin pag gising niya ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto na kahit si Thiago ay nararamdaman kong gumalaw.

"Senorito Billy!!!" narinig kong tawag mula sa labas ng pinto na sinabayan pa ng malakas na katok.

Tumingin ako sa wall clock na nasa dulo ng silid ko, mag alas sais narin pala ang aga aga kasing mabulahaw ng kasambahay.

Umangat ang ulo ni Thiago na ngayon ay pinipilit na imulat ang mga mata..

"Wait here." aniyang nakapikit pa ang isang mata bago ako mabilis na hinalikan sa labi. Hindi na ako nakapag protesta ng mabilis siyang bumangon.

At ng umalis siya sa kama ay mabilis rin akong tumayo at kinuha ang roba ko na nasa sofa at nasa dulo lang ng kama ko.

"Thiago!" mabilis kong hinagis sa kanya ang roba.

Gosh! he was naked, tanging boxer brief lang ang suot niya. Pareho kami ni Thiago na natutulog na hindi sanay na may saplot sa katawan. Ako ay pantyshort lang ang sinusuot siya naman ay naka boxer lang kapag natutulog.

Agad naman niya itong sinuot, natawa naman ako ng nasuot niya na ang roba dahil hanggang hita lang niya iyon ang sexy tuloy niya tingnan. Ang tambok pa ng pwet, kulang na lang ke-kendeng kendeng siya sa paglalakad.

"Senorito Billy!!" tawag ulit ng nasa labas kaya binilisan niya ang paglalakad.

"Ayy senorito Thiago, g-good morning po." narinig kong pagkautal ng kasambahay namin dahil siguro sa itsura ni Thiago kaya ito napatanga. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa ng mahina.

"Nandyan po ba si Senorito Billy? a-ano po kasi, bumaba muna ho siya may kaguluhan po sa baba."

Kumuha na ako ng isang roba at sinuot bago sila pinuntahan, ang aga aga ano naman kaya ang kaguluhang iyon.

Palapit pa lang ako sa kanila ay may naririnig na akong boses mula sa baba, boses ni dad.

"Myrna huminahon ka!"

kinabahan ako ng maalala ang sitwasyon ni Jimmy kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at nilampasan nalang muna si Thiago at ang kasambahay, nagmamadali akong bumaba.

"Princess!" narinig ko pang tawag ni Thiago pero hindi ko na siya nagawang lingonin.

Dumiretso agad ako sa main door dahil mula doon ang boses na naririnig ko.

"Walang hiya kang lalaki ka!"

ngayon ay malinaw ko ng naririnig ang galit na boses ni Yaya, ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganito kahit kasi noong bata pa ako ay hindi siya sumisigaw kahit napipikon na siya sa kaartehan ko. Si Yaya kasi iyong tipong napaka hinahon kung magsalita.

Inabotan ko silang nasa labas ng main door ng mansion, hawak hawak ni dad si Yaya na nagpupumiglas. Ang mga kasambahay ay naki usyoso din sa kanila.

Si Jimmy naman ay nakatayo sa gitna ng hagdan bago makarating sa main door ng mansion, may kausap siya na nasa baba.

"Umuwi ka na please." narinig kong pakiusap niya kaya imbis na lapitan si dad at Yaya ay si Jimmy ang una kong pinuntahan. Hindi naman niya ako napansin dahil nakatalikod ito sa gawi ko.

Hinanap ng mga mata ko ang kausap niya at ng makita ko ito ay nanlaki ang mga mata ko.

"Yuki?!" bulalas ko ng makita si Yuki na nakaluhod sa lupa at nakatingala kay Jimmy na nasa hagdan, bago kasi makarating sa main door ng mansion ay may iilang baitang ng hagdan pa bago doon.

napahawak ako sa bibig ko at palipat lipat ang tingin sa dalawa. Yes I know na matagal ng may crush si Jimmy kay Yuki pero… hindi ko na natapos ang nasa isip dahil sa lakas ng boses ni Yaya.

"Ayaw mo talagang makinig sa anak ko?! pwes hintayin mo ako riyan." galit na sabi nito at mabilis na pumasok sa loob ng mansion.

"Lalaki kung sino ka man, umuwi ka na!" utos pa ni dad at babalik na rin sana sa loob pero bigla na lang kaming natigilan ng bumalik si Yaya na may dala dalang samurai.

Samurai ni Dad.

"Myrna! anong binabalak mo?!" natataranta na tanong ni dad

"hahatiin ko lang sa dalawa ang lalaking iyan at pati yang titi niya puputulin ko!" galit na galit na sagot niya at bumaba ng hagdan para lapitan si Yuki.

"Mama." taranta namang nilapitan siya ni Jimmy pero talagang hindi nagpa awat si Yaya.

Si Yuki naman ay mabilis na tumayo, at ng malapit na sa kanya si Yaya ay bigla na lang itong tumakbo dahil talagang hahatiin siya nito.

Ang akala ko ay aalis na ito pero umikot lang pala sa bakuran ng mansion para maiwasan ang mga atake ni Yaya.

"Myrna! Por dios por Santo naman! balak mo bang maging kriminal?!" bumaba na rin si dad sa hagdan.

Si Jimmy naman ay bumaba na rin.

Dahil sa abala sila hindi man lang nila ako napansin, humingi na ako upuan sa mga kasambahay para panoorin sila dahil naaliw ako sa itsura ni Yuki. Walang tigil itong tumakbong umilag sa bawat atake ni Yaya.

Para tuloy akong nanonood ng comedy, si Yaya hinahabol si Yuki ng samurai habang si dad ay hinahabol si Yaya para kunin sa kanya ang samurai.

"What's wrong?" si Thiago, nasa tabi ko na pala ito at ng tingnan ko siya ay mas lalo akong natawa sa suot niya.

He still wearing my robe na bitin na bitin sa katawan niya.

"Sino yang hinahabol ni Yaya?"

"Is that samurai?" bulalas niya.

"you better look, who is the man that YaYa's going to kill?" tumingin siya sa akin, habang ako parenting nakaupo sa mala prinsesa na upuan at ewan ko kung bakit ito ang binigay sa akin ng kasambahay.

At bumalik ang tingin niya sa mga taong nagkakagulo sa baba at kinikilala ang lalaking hinahabol ni Yaya.

"Is that…." kunot noo niya at hindi matuloy tuloy ang sasabihin.

"YUKI?!" bulalas niya ng tuluyan niya ng nakilala ang kaibigan.

"What the hell is he doing here?!" tanong niyang litong lito ang itsura.

"Why is Yaya Myrna chasing him with the samurai?" hindi ko sinasagot  mga tanong niya, bahala siyang tumuklas.

pareho kaming walang idea sa nangyayari sa dalawa naming kaibigan, to think na bestfriend namin sila.

"Mama tama na po!" narinig kong tawag ni Jimmy at ng tiningnan ko siya ay hawak hawak na niya ang kanyang tiyan.

Mabilis akong tumayo na ikinagulat ni Thiago, mabilis ko siyang iniwan at pinuntahan si Jimmy, naramdaman ko naman ang kanyang pag sunod.

"Are you okay?" nag aalala na tanong ko kay jimmy.

Nagkatinginan kami sa mata at ng nakuha ko ang mensahe na gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng pagtitig niya ay agad akong sumigaw.

"Yaya! si Jimmy!"

"He looks pale!"

Mabilis ko namang nakuha ang atensyon ni Yaya at mabilis niya kaming nilingon.

Wala pang isang minuto ay nilapitan na kami ni Yaya at ni dad nakasunod naman agad si Yuki.

"Are you okay? Is the baby's okay?" sunod sunod naman na tanong ni Yuki na ngayon ay handa ng buhatin si Jimmy.

"Yuki?!" tawag ni Thiago sa kaibigan, tiningnan lang siya ni yuki

"magkakilala ba kayo?" tanong ni Yaya sa galit na boses.

nagkatinginan ang dalawa, si Thiago ay napalunok at bumalik ang tingin kay Yaya na bitbit parin ang samurai hanggang ngayon.

"N-no" tanggi niya na kinalaki ng mata ni yuki.

"aba ano pang hinihintay mo riyan? ipasok mo siya sa loob! magmadali ka!" mabilis na utos ni Yaya kay yuki na para bang walang nangyaring habulan ng samurai kanina.

"Good morning my Son, this morning is really full of surprises" mabilis akong hinalikan ni dad sa ulo at mabilis din na sumunod sa tatlo na pumasok sa loob.

At ng tingnan ko si Thiago ay nakanganga itong nakatitig sa akin na tila maraming tanong sa kanyang isipan.

Buntong hininga akong humarap sa kanya, ang aga aga pero ang daming kaganapan. Hindi na tuloy kami nakapag usap ni Thiago.

Hinila ko na siya sa loob kahit alam kong marami siyang gustong itanong at sasabihin.

"Sinabi ko bang tumabi ka sa anak ko?!" galit na galit parin si Yaya.

Malungkot na humiwalay si Yuki kay Jimmy at umupo sa bakanteng upuan na parang basang sisiw.

Nadatnan namin sila sa family living room, actually pamilya lang namin ang pwedeng umupo dito. Si Yaya at jimmy ay hindi iba sa amin kaya tinuring na talaga ito ni dad na anak.

Si dad ay parenting nakaupo sa kanyang sariling upuan habang si Yaya ay nakatayong naka pamewang at katabi ni Jimmy. Umupo na kami ni Thiago sa mahabang upuan na kaharap si Yuki.

Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parang wala rin nangyaring away sa pagitan naming dalawa dahil sa inaasta namin ngayon.

"Ano ba'ng balak mo hah, hijo?" umpisang tanong ni dad kay Yuki.

"kayo ba ay may relasyon?" segunda ni Yaya.

"Meron po" si Yuki

"Wala po" si Jimmy

Sabay nilang sagot.

nagkatinginan silang dalawa kahit pareho na maliit ang kanilang mga mata ay kita ko ang panlalaki doon.

"Ano ba talaga!" mas lalong nagalit si Yaya

"Hindi pa po ako nanliligaw." mahinang sabi ni yuki

"hindi ka pa nanliligaw sa lagay na 'to?!" hindi makapaniwala na tanong ni Yaya.

"opo, ayaw niya po kasi eh." sumbong niya na parang batang nakayuko.

"ikaw na lalaki ka! pakasalan mo itong anak ko kung ayaw mong pag pira-pirasohin ko yang ano mo!" banta sa kanya ni Yaya.

"Mama, hindi naman po kailangan." umalma si Jimmy sa sinabi ni Yaya.

"at ano jimmy, matulad ka sa akin? matulad na walang ama iyang dinadala mo?!"

"opo, pakakasalan ko po siya, wag na po kayong magalit sa kanya at wag na po kayo sumigaw mama baka marinig ni baby." singit ni Yuki sa usapan.

"He sounds good." bulong sa akin ni Thiago.

"akala mo ang bait bait." dagdag niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran na ikina igik niya.

"Anong mama?! hindi pa kita tanggap!" pasigaw na sagot ni Yaya.

"Sige po Myrna." sang ayon naman ni Yuki. Siraulo talaga, gusto atang ma samurai ulit.

"aba't bastos kang bata ka!"

"Pahiramin mo nga ako ng samurai mo, Enrico!"

Bumalik sa pagiging basa na sisiw si Yuki kaya mahinang natawa si Thiago sa tabi ko. Si Jimmy naman ay nakanguso lang na nakasandal sa sofa.

Tiningnan ko si dad na ngayon ay umiling iling lang dahil sa mga nasaksihan.

"Mamaya na muna yan Myrna at magluto ka na muna ng almusal ay baka gutom na iyang binatang yan."

Tumayo na si dad at si Yaya Myrna naman ay napaismid at tinapunan ng masamang tingin si Yuki.

"hoy lalaki kailangan makilala ko ang magulang mo at wag ka munang lumapit sa anak ko utang na loob baka madagdagan pa iyan at talagang tatapusin na kita." banta sa kanya ni Yaya bago umalis.

Apat na lang kaming naiwan sa malawak na living room. Wala pang minutong umalis si Yaya ay mabilis na tumayo si Yuki at lumapit kay jimmy.

"Yaya!" pang asar na tawag ni Thiago kay Yaya.

Tiningnan siya ni yuki ng masama.

"so si Jimmy ang hinahanap mo kagabi?" nakangisi niyang tanong dito.

"Stop dude! itinanggi mo ako, haup ka! wala kang kwentang kaibigan." galit na laban niya sa asawa ko.

"of course, ayokong habulin ng samurai noh" natatawa na sabi ni Thiago.

"fuck you" asik sa kanya ni yuki na nag taas pa ng gitnang daliri na agad namang sinaway ni Jimmy.

"sorry baby, ang sakit lang kasi tinanggi niya ako.. kumusta ka na? masakit pa ba ang tiyan mo? hah?" paglalambing niya sa bestfriend ko.

Magsasalita pa sana si Thiago ng tinakpan ko na ang bibig niya.

Hinila ko na siya para tumayo at dalhin siya sa kwarto para maligo na at baka mamaya ay tapos na si Yaya.

"sexy." puna ni Yuki sa suot ni Thiago ng tumayo ito.

"You want me babe?" malagkit na nilingon siya ni Thiago at pinalo pa ang pang upo niya.

Napatanga na lang kami ni Jimmy sa kanilang dalawa, hindi kami makapaniwala na may ganito pala silang side. Sanay akong seryoso si Thiago at si Yuki naman ay hindi mo makita sa itsura niya na ganito siya dahil sa sobrang seryoso ng image niya.

Hinila ko na si Thiago, baka selos ako ng selos kay Leilani si Yuki naman pala talaga ang gusto ni Thiago. Parang tanga akong umiling iling, ang dami ko ng iniisip.

"Hmm, I'm sorry."

Pagsara ko ng pinto ay mabilis na yumakap sa akin si Thiago mula sa likuran.

Nanatili kaming nakatayo habang mahigpit siyang nakayakap sa akin at nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Anong oras ka dumating? bakit hindi mo ako ginising?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"I think around 2 am, I don't know."

"masarap na ang tulog mo, that's why I choose not to bother you." malambing na sagot niya.

"I'm sorry, please." dagdag niya.

Katahimikan;

"I have to tell you something about Lei." ng marinig ko ang pangalan na binanggit niya ay mabilis ko siyang hinarap.

"I don't want to talk about her anymore, Thiago! please." pakiusap ko.

"I don't want to hear her name from your mouth anymore." seryoso na dagdag ko.

Ayaw ko siyang pag usapan. ayaw ko rin siyang makita at kung magkikita man sila ni Thiago ayaw ko ng malaman pa. Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya o nakikita ko siya ay naging ibang tao ako.

"But billy— protesta niya pero mabilis kong kinulong  ang mukha niya sa mga palad ko.

"Do you love me? Just answer me." seryoso pa rin ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

instead of answering me ay kinabig niya ako sa batok para halikan, banayad nung una pero hindi nagtagal ay naging marahas siya pero ramdam ko parin ang pag iingat at ang mga emosyon ng mga halik niya. Nakalapat na ang mga palad ko sa dibdib niya at sinasabayan na rin ang mga galaw niya.

Pareho kaming kinapos sa paghinga ng tumigil siya at pinagdikit ang noo naming dalawa.

"Mahal na mahal, don't you feel it?" mahina pero ramdam ko ang sensiredad.

sapat na siguro ang nararamdaman ko, sapat na siguro para paulit ulit na maniwala na mahal rin ako ni Thiago. Mali, minahal na niya ako.

At si Leilani ay parte na lang siguro ng kabataan niya. Baka tama nga si Thiago, baka sumusobra lang ako.

"You're forgiven."  pigil na ngiting sabi ko.

"Wait." mabilis siyang humiwalay sa akin na nakangiti.

"I forgot something  sinundan ko siya ng tingin.

Pumunta siya sa walk in closet ko at ng bumalik siya ay may dala na siyang bouquet of roses. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"for my sobrang matampuhin na asawa na nilayasan ako." ngising sabi niya bago inabot sa akin ang nag pupulahang Rosas.

"I'm not! babalik rin ako noh." natatawa na sabi ko at tinanggap ang bulaklak. "Wow." manghang mangha kong usal habang pinagmamasdan ang mapupulang rosas.

Tiningnan ko rin ang notes na may nakasulat gamit ang sulat kamay ni Thiago. Habang binabasa ko ang nakasulat ay hindi na nawala ang ngiti ko sa mga labi.

"You are, you leave without me kaya layas ang tawag doon." narinig ko ulit na laban niya.

"I leave a note for you kaya, hindi mo ba nakita?" balik na laban ko

"You didn't even answer my calls." nakangusong ungot niya.

nilapitan ko na siya at niyakap gamit ang isang kamay ko

"Okay I'm sorry na." naglalambing na sabi ko.

Habang naglalambingan kami ay siya namang sunod sunod na tumunog ang phone niya.

"Answer it baka importante." utos ko sa kanya.

Agad naman siyang sumunod. Umupo ako sa dulo ng kama at binilang ang mga Rosas, walang sense pero gusto ko lang bilangin.

"please Bryan, sinundo ko lang si Billy.. I can't make it today." narinig kong sabi niya sa kausap.

"Okay, thank you. I owe you a lot." 

ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na siya sa akin na mapungay ang mga mata, may balak na naman itong gawin.

Mabilis siyang lumuhod sa harapan ko at yumakap sa bandang tiyan ko, at nakangusong tumingala sa akin. Inayos ko naman ang buhok niyang nakaharang sa mata niya, mahaba na kasi ang mga ito.

"Hmm bati na tayo, diba?" parang batang tanong niya.

"pwede na, isang linggo na akong nag titiis, baka lalagnatin na ako." ungot niya.

"Mamaya ipapatawag na tayo ni dad dahil mag almusal na." nakangiting sabi ko.

"don't you miss me? hindi mo na ba ako mahal? nabawasan na ba ang pagmamahal mo sa akin?" nagmamaktol na sabi niya.

"isa lang." parang batang pakiusap niya.

"Let's take a shower together." sabi ko

Parang batang napagbigyan sa gusto ang itsura niya ng marinig ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo at ilang segundo lang ay umangat na ako sa ere dahil buhat buhat na niya ako na para bang bagong kasal.

Patakbo siyang pumasok sa shower room habang buhat niya ako. Ako naman ay natatawa sa itsura niyang sabik na sabik.

LEILANI

"AHHH… " nakahawak si Lielani sa ulo habang bumabangon.

"mabuti naman at gumising ka na, fake princess." panunuya na bungad sa kanya ni Jenny nasa dulo ng kama.

Naka krus ang mga braso nito sa dibdib at nakataas ang kilay na nakatitig sa kanya.

"Where am I?"

"where's Thiago?" sunod sunod na tanong niya dito tila walang pakialam sa inaasta ng kaibigan.

"First of all fake princess pwede bang bumangon ka na dahil gusto ko ng ipalabhan kay Yaya ang mga blanket ko, you're so eww talaga!" maarteng tinataboy siya nito.

"Answer me where's Thiago?!" galit na tanong niya dito.

"Did you see him here?" inikotan siya nito ng mata.

"But… I saw him last night."

"so.. you remember what you did last night?" napatanga naman siya sa sinabi ng kaibigan.

"don't tell me lahat ng 'yon is part of your acting, because I can't accept it.. My God! what you did is all ka cheapan!" galit na sabi nito sa kanya.

"I won't let you sama with me anymore Leilani, Wala akong friend na humiga sa sahig at umiyak ng umiyak, you're so nakakahiya talaga!"

"How do I end up here? bakit hindi ako sa bahay inuwi ni Thiago? and where the hell is he?" tila nababaliw na niyang tanong.

Jenny rolled her eyes because of pissed.

"sinundo ka niya? yes he did. He asked the bouncer to carry you kasi gusto mong magpakarga sa kanya but He didn't. Ang ginawa mo humiga ka sa sahig at nag iiyak but instead Thiago feed up your tantrums ay mas pinili niyang magtawag ng isa pang bouncer para isakay ka sa wheelchair at ihatid ka sa kotse niya."

"After that basta basta ka na lang niyang isinalpak sa backseat, galit na galit pa siya sa akin dahil ayaw kong sa condo kita dadalhin. But you know what he did? He grabbed me by my arms at pinilit na isakay sa kotse niya."

"Okay na? everything is clear as water to you now?"

"No, you're lying! everything what you've said is a lie, hindi magagawa sa akin ni kuya Thiago 'yon!" lagaslas na boses na sigaw niya sa kaibigan..

"sorry my lovely friend because he did and how dare you shout at me in my own house?!" galit na balik na sigaw sa kanya ng kaibigan.

"Do you want me to throw you out from here na walang ligo? at mabaho?!" kumalma naman ang itsura niya ng marealize na ayaw pa niyang umuwi dahil sa itsura niya.

"Jenny…" basag ang boses na tawag niya dito.

"You know what? Lei, you're a coward. Why don't you tell him that you love him as a man not a brother."

Malungkot na umiling siya na ngayon ay nag uunahan na ang mga luha niyang pumatak "no, lalayuan niya ako at mananalo ang bwisit na Billy na yun." aniya.

"then use your power as a woman, anong laban sayo ng billy na yun. He's gay,noh! eh ikaw, bukod sa tunay na babae.. you're beautiful."

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay mas lalo siyang umiyak kaya nilapitan na siya nito.

"kahit inis na inis ako sayo kagabi at gusto na lang kitang iwan dun sa bar ay may paki parin ako sayo. after all we're friends kaya!" pag aalo nito sa kanya.

"May laban tayo sa billy na yun, take a look of these photos." inabot nito sa kanya ang hawak nitong cellphone.

Ang kaninang naghihinagpis niyang itsura ay mabilis nag bago. Nakasilay na ang mga nakakalokong niyang ngiti habang tinitingnan ang mga litratong kuha ng kaibigan.

"Wow girl hah! ang bilis mag bago ng mood, kanina itsurang aping api.. but look at you now! you look like a devil."

"Walang thank you?" taas kilay na tanong ni Jenny sa kanya.

"You're the best!" nakangiting na niyang papuri dito.

"Yes I am." irap nito sa kanya bago siya tinalikuran at lalabas na sana ng kwarto pero huminto ito at muli siyang nilingon.

"Thiago bought a flowers for his husband kaya hindi ka niya sinakay sa passenger seat." habol na sabi nito sa kanya dahilan para umusbong ang galit sa kanyang mukha.

"And why do you have to tell me about that?!" asik niya dito.

"wala." kibit balikat na sagot nito sa kanya at ngumisi ng nakakaloko "I just want you know….. saktan ka."

Nanlaki ang mata niya sa inis sa sinabi nito sa kanya.
Mabilis siyang kumuha ng unan at hinagis ito sa kaibigan, mabilis naman tumakbo si Jenny palayo habang humahalakhak.

"Bwesit!!" galit na itinapon niya ang mga unan sa tabi niya.

Humihingos siya pagkatapos at unti unting kumalma. Inayos ang magulong buhok at tiim bagang nakatitig sa kawalan.

"You'll be mine Thiago, mine only." Nakangiti ang mga labi habang ang mga mata niya ay puno ng pait at sakit habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
3K 662 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
322K 11.6K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...
243K 5.3K 18
SPG | R-18 Started: March 28, 2020 Ended: May 5, 2020