Good Boy's Dilemma

By LenaBuncaras

12.4K 920 112

Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang d... More

Good Boy's Dilemma
Chapter 1: Criminal Minds
Chapter 2: Manipulative, Sad Girl
Chapter 3: Pa-Victim
Chapter 4: Step One
Chapter 5: Killjoy
Chapter 6: Wellborn
Chapter 7: Lock
Chapter 8: Endless Sighs
Chapter 9: Class
Chapter 10: Missed
Chapter 11: Your Love
Chapter 12: Hallucinations
Chapter 13: Normal
Chapter 15: Nightmares
Epilogue

Chapter 14: Dark Clouds

395 35 1
By LenaBuncaras


"There's nothing in all the world I need . . . when I have you here beside me . . ." pagkanta ni Eugene habang sinasabayan ang tunog ng speaker na hingi niya kay Clark.

Abala siya sa pagtutupi ng damit ng asawa niyang hinalukay na naman nito sa drawer pero damit pa rin naman niyang malalaki ang isinuot nito.

"I would be lost without you . . . and all that my heart could ever want has come true . . ."

Tapos na silang mag-dinner at tanggap na niyang hindi magpapalambing ang asawa niyang nasa normal nitong estado.

Ayaw niyang normal ito. Naubos ang maghapon niyang masama ang loob dahil tumanggi lang ito nang tumanggi sa

kung ano-anong alok niya na madalas naman nitong nire-request kapag nagpapalambing.

Ayaw magpakandong.

Ayaw magpasubo ng pagkain.

Ayaw magpakuskos ng likod.

Ayaw magpakusot ng buhok.

Ayaw magpasuklay.

Ayaw magpabihis.

Ayaw magpayakap nang magpayakap.

Ayaw magpa-kiss nang sobra sa dalawang beses.

Ayaw magpakiliti.

Ayaw makipagkulitan.

Ayaw pa siyang pansinin tuwing manlalambing siya.

Para na lang siyang may bagong tenant sa unit niya at napadpad lang doon dahil maulan.

Alas-nuwebe ng gabi, kadalasan ay umiinom na ito ng gamot. Pero sa gabing iyon, ayaw niya itong uminom ng gamot na bigay ng doktor nito. Ayaw rin naman nito dahil wala naman daw iinuman na kailangang remedyuhan. Normal naman daw kasi ang pakiramdam nito—na ramdam na ramdam nga niya kaya siya nabubuwisit. Kaya hayun at nagtupi na lang siya ng damit nito para naman may silbi pa rin siya sa asawa niya kahit paano.

Nabo-bore na siya sa ginagawa niya. Paglabas niya sa closet nang matapos, naabutan niya si Divine na nakatulala lang sa glass door habang nakaupo sa kama.

Isa pang ayaw nito: Ayaw isuot ang binili niya ritong panda onesie para pantulog.

Suot lang nito ang malaking white long-sleeves at panty gaya ng lagi nitong damit.

"Sasaglit lang ako sa balcony. Okay lang bang huwag mo 'kong istorbohin?" tanong ni Divine sa kanya nang bahagya nitong silipin siya sa gilid ng mata.

Pilit ang ngiti niya nang tumango rito. "Okay lang."

Tumayo na rin ito at tumungo palabas ng balcony niya. Hindi niya naiwasang isipin ang sinabi nito sa kanya bago sila ikasal.

"Nati-trigger ang panic attack mo kapag nauulanan ka. Okay lang bang itanong kung paano 'to nangyayari? How would I know kung inaatake ka na pala?"

"Hmm . . . para siyang may stages, e. Like, at first, manginginig lang ang kamay ko. Hindi siya mahahalata kasi, di ba, kapag malamig, parang normal reaction lang ng katawan lamigin. . . . Manginginig ang kamay ko, then most of the time, nagkakaroon ako ng hallucinations. May maririnig ako, pero yung mga nasa paligid ko, wala naman. Meron akong makikitang blurry figure pero wala siya in reality."

Ayaw niyang sundin si Divine, pero ayaw rin niyang pigilan ang ginagawa nito lalo kung alam naman nito kung ano ba ang dapat nitong gawin.

Bumalik na lang siya sa closet para magkalkal na naman ng damitan niya. Katutupi lang niya sa mga damit ni Divine pero humugot na naman siya ng lace panty nito at naghatak siya ng sweater sa damitan naman niya. Sa kabilang drawer, humugot siya ng kabibilog lang niyang bath towel at face towel na gamit ng asawa bago lumabas ulit. Inilipag niya ang mga iyon sa end chair na katabi ng glass door ng balcony. Inilabas na rin niya ang hair dryer sa drawer ng dresser at inihanda iyon sa ibaba ng malaking salamin.

"Pero sinasanay ko ang utak at katawan ko na ma-expose doon sa cause ng attack ko . . . kasi, di ba, the more na nasasanay ka, the more na napa-familiarize siya ng utak at katawan, mas bumababa ang panic attacks kaysa yung walang resolution at all."

"Hindi ba 'yon struggle for you?"

"Struggle? Sobrang struggle. Kasi every time I battle with those attacks, madalas natatalo pa rin ako, e. But at least, may improvement kahit in the end, kailangan ko pa ring i-save."

Naghatak siya ng isa sa tatlong accent chairs na nakapuwesto sa dulo ng kama niya at inilapit sa glass door, sa parteng hindi iyon mababasa ng ulan kahit nakabukas ang pinto. Doon niya inilagay ang speaker na umiilaw para may ibang tunog pa ring maririnig ang asawa niya kung sakali mang marinig na naman nito ang hindi niya naman naririnig.

Lumabas si Eugene sa kuwarto para kumuha ng water tumbler sa kitchen na puwedeng mainuman ng asawa niyang nagpapaulan na naman. Nasa chiller din ang mga gamot niyang kailangang i-store sa lugar na mababa ang temperature. Kumuha siya ng dalawang tableta roon ng gamot sa lagnat at isang pain reliever saka bumalik din sa kuwarto para ipatong ang lahat ng kinuha sa dresser. Humugot na naman siya sa drawer ng nightstand at kinuha roon ang headache balm niya saka ipinatong sa dresser kasama ng mga gamot.

Malakas pa rin ang ulan. Naghihintay na naman siya sa asawa niya habang nasa loob siya ng kuwarto.

Saglit pa siyang sumilip sa labas para makita ang dalawang balcony na kahilera ng kanya. Mga nakapatay ang ilaw ng mga iyon may ilang araw na at mukhang hindi pa umuuwi ang mga may-ari. Sa panig ng balcony niya sa sala, sampung hilera iyon na magkakatabing unit. Pero sa panig ng balkon sa kuwarto niya, tatlo lang silang may balcony. Penthouse na ang itaas nila kaya naman sementado na sa bubungan n'on na may mga nakalawit na mga dahon sa bakod mula sa mga halaman sa itaas.

Isa siya sa mga bumili ng bedroom unit noong under construction pa ang building. Isa rin sa pinakamahal ang nabili niya. Hindi nga lang niya nasabi agad sa pamilya niya na nakabili na siya ng unit dahil mahirap dumalaw sa building na hindi pa nga tapos. Ginagawa pa lang iyon, may sigurado na siyang may titirhan nila ng ex-girlfriend. Iyon nga lang, ibang babae na ang kasama niya ngayon.

Humatak na naman siya ng ottoman chair na nasa dulo ng kama niya at tinabihan sa glass door ang upuan kung nasaan ang umiilaw na speaker. Walang ilaw sa balcony niya at ang liwanag na magagamit lang doon ay manggagaling sa kuwarto niya o magdadala siya ng lamp o flashlight sa labas. Hindi na rin naman niya pinalagyan ng ilaw sa utility dahil malakas naman ang liwanag galing sa main light ng kuwarto.

Nakatanghod siya roon sa harap ng bukas na left panel ng glass door, nakatitig sa asawa niyang nakatayo sa ulanan. Malawak-lawak ang balcony niya. Kasya ang isang sedan kung tutuusin. Bumaba ang tingin niya sa black-painted bamboo bench na nakadikit sa pader ng balkon niya. Doon sila madalas tumambay ni Divine habang umiinom ng hot chocolate at nagkukuwentuhan, o di kaya'y tuwing gumagawa sila ng assignments at reports.

Nabiro pa nga siya ng asawa niya noon . . .

"Dapat hindi ka naglalagay ng ganitong upuan dito. Puwede nang talunin itong bakod mo."

Hindi niya iyon naisip dahil wala naman silang balak ni Carmiline na tumalon mula roon kaya nga niya inilagay roon ang upuan. Pero mukhang kailangan na niyang i-consider ang biro ng asawa niya—kung biro pa nga ba iyon.

Ang lakas ng hangin, natatanaw niya hanggang sa malayo ang maiitim na ulap na bahagyang lumiliwanag dahil sa mga kidlat. Sinilip niya ang phone niya at nakitang may thunderstorm din pala sa gabing iyon hanggang madaling-araw.

Nakatingin lang siya sa asawa niya habang humihimig sa random OPM playlist na kanina pang tumutugtog sa tabi niya.

Ayaw man niyang payagan si Divine na magpaulan, pero normal ito kaya inaasahan niyang alam nito ang ginagawa. Binabantayan na lang niya dahil baka biglang tumalon sa balcony niya, baka hindi rin niya matantiya ang sarili at baka sundan na lang din ito sa pagtalon. Pero ayaw niya namang mangyari ang kahit ano roon.

Nakakapitong kanta na ang lumilipas at nasa ulanan pa rin ang asawa niya kaya nag-aalala na siya.

"Mine . . ." tawag niya.

"Nobody knows, just why we're here
Could it be fate or random circumstance
At the right place, at the right time
Two roads intertwine . . ."

Pangwalo na iyong kanta na nagpalit. Kung susumahin niya, kalahating oras na itong nakababad sa ulanan.

"And if the universe conspired

To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be
So too, shall I'll be . . ."

Tumayo na siya at balak na sana itong labasin pero nagtakip ito ng magkabilang tainga. Pangalawang hakbang pa lang patawid sa glass door, huminto na siya.

"Close your eyes, dry your tears

'Cause when nothing seems clear
You'll be safe here from the sheer weight
Of your doubts and fears
Weary heart, you'll be safe here . . ."

Nagsisimula na siyang atakihin ng kaba. Saglit siyang yumuko para sana abutin ang bath towel na nakaabang sa gilid ng glass door pero napabawi siya. Bumalik siya sa pagkakatayo sa nakabukas na salaming pinto.

Umangat ang mga tingin niya sa langit na sunod-sunod ang liwanag sa kulumpon ng mga ulap.

"Mine, kumikidlat. Pasok ka na muna."

Nanatiling nakatakip ang mga palad sa tainga nito kaya palipat-lipat ang tingin niya: kay Divine, sa langit na binabahayan ng kidlat, at sa kama niyang nilatagan na niya ng makakapal na tuwalya para paupuin doon ang asawa niya kung basa man ito.

"And though the world would never understand
This unlikely union and why it still stands . . ."

Nanlaki ang mga mata niya nang gumuguhit ang kidlat sa langit. Mas kitang-kita pa iyon sa itaas ng floor kung nasaan sila at kung saan tumama ang kidlat na iyon sa malayo.

"Mine!" Nilapitan na niya ang asawa niya para hapitin ito.

"Someday, we will be set free
Pray and believe . . ."

Namatay ang lahat ng ilaw nang sabay-sabay. Nagsunod-sunod ang sigawan.

"Brownout!" sigaw sa kabilang panig ng building.

"When the light disappears
And when this world's insincere
You'll be safe here . . ."

Hinawakan ni Eugene ang magkabilang braso ng asawa niyang nakataas para takpan ang mga tainga nito. Bahagyang napapaling ang dalawa sa gilid. Dumilat si Divine.

Sa kabila ng nagsisigawang mga kapitbahay dahil wala ngang koryente, natahimik silang dalawa sa ilalim ng ulanan.

"When nobody hears you scream
I'll scream with you
You'll be safe here . . ."

Gumapang ang liwanag sa kanilang dalawa—ilaw na galing sa tumutugtog pa ring speaker na may blue-shaded galaxy projector.

Papikit-pikit si Divine dahil sa mga patak ng ulan na tumatama sa mukha niya. Namumungay ang mga mata niya nang tumingkayad at abutin ang mukha ng asawa.

Hinapit na lang ni Eugene sa baywang si Divine gamit ang isang braso at inalalay ang kanang palad niya sa likod ng ulo nito. Sa gitna ng lamig ng hangin at ulan, ramdam na ramdam nilang dalawa ang init ng mga labi.

Huminto sa panginginig ang mga kamay ni Divine. Tumahimik ang paligid sa mga sandaling iyon kahit sobrang lakas ng ulan.

Sa matagal na panahon, ngayon lang tumahimik ang lahat sa kanya habang umuulan.

"Wondering where you are tonight
Maybe you're that distant star
How I want you right here by my side . . ."

Lumapat ang mga palad niya sa mainit na pisngi ni Eugene habang ninanamnam ang init ng halik nito.

"When you wake up in the storm
Trees will all be standing tall
I come to you, you'll never be alone . . ."

Mabigat ang paghinga nilang dalawa nang bahagyang lumayo sa isa't isa. Lalong lumakas ang ulan at dalawang sunod-sunod na kidlat ang dumaan. Mula sa puting liwanag mula sa langit, tinitigan nila sa mata ang isa't isa.

"When your hopes fall apart
Night is cold, day is dark
I give my heart,
it's right where you belong . . ."

Pinaglakbay ni Divine ang hintuturo sa bawat anggulo ng basang mukha ni Eugene na para bang unang beses lang niya itong makita sa tanang buhay niya.

"You're real . . ."

"Yeah, I'm real." Kinuha pa ni Eugene ang isang palad ni Divine para ilapat sa pisngi niya—para masabi niyang totoo siya at hindi hallucination lang nito. "I'm real, Mine."

"I want to rest . . ."

"O-Okay, we'll . . . yeah! We'll take our rest. Matutulog na tayo." Litong-lito na si Eugene sa uunahin. "Wait ka lang dito, kukunin ko lang yung towel."

Walang sinabi si Divine. Nagmamadaling lumapit si Eugene at hinatak doon ang tuwalya sa gilid ng glass door.

"Mine, stay ka lang muna sa—"

Eksaktong paglingon niya, sumampa si Divine sa bench na katabi ng bakod ng balcony.

"Divine!"

Umalingawngaw ang malakas na sigaw niya nang bigla itong tumalon mula roon.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 30.8K 51
C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story bet...
28.5K 816 49
[#1] Anka Bernadette Dela Merced is not a stranger of excellence. She planned her whole life ahead of her - knew exactly where she wants to be and wh...
159K 5.8K 50
A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never noticed her not until she became his per...
11.7K 2.5K 26
(Completed) (Under Editing) When disaster paved Katalina's life, a new beginning strike to her. New face of a man, new taste of love, and new way of...