Good Boy's Dilemma

By LenaBuncaras

12.5K 932 112

Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang d... More

Good Boy's Dilemma
Chapter 1: Criminal Minds
Chapter 2: Manipulative, Sad Girl
Chapter 3: Pa-Victim
Chapter 4: Step One
Chapter 5: Killjoy
Chapter 6: Wellborn
Chapter 7: Lock
Chapter 8: Endless Sighs
Chapter 9: Class
Chapter 10: Missed
Chapter 11: Your Love
Chapter 12: Hallucinations
Chapter 14: Dark Clouds
Chapter 15: Nightmares
Epilogue

Chapter 13: Normal

356 38 3
By LenaBuncaras


"Mine!"

Halos liparin ni Eugene ang daan at ibagsak ang lahat ng pinto sa unit niya kahahanap sa asawa niya.

Wala sa sala, wala sa kitchen, wala sa bathroom, wala sa kama. Lumabas pa siya sa balcony at sa hallway ulit sa labas ng unit niya, wala rin.

Kulang na lang ay maghiwalay ang katawan at kaluluwa niya sa takot sa paghahanap sa asawa niya. Pagbalik niya sa kuwarto para sana tawagan ang buong pamilya niya at pamilya ni Divine, saka lang siya nakarinig ng ingay sa walk-in closet. Pagdating doon, naabutan niya itong nagbubuklat ng notebook habang may suot na headset.

"Mine!"

"Eugene," inosente pang tawag nito sa kanya nang alisin nito ang kanang parte ng headset. "Hinihingal ka? Sira yung elevator?"

"Kanina pa kita tinatawag!" takot na takot na sabi ni Eugene at mabilis na nilapitan ang asawa niya at itinayo ito. Muntik pang mahulog ang tablet na nasa sahig nang sumama iyon nang maitayo niya ang asawa. Mabuti na lang at nasalo agad iyon ng babae bago malaglag.

"Bakit?" nag-aalala na ring tanong ni Divine at inalis nang buo ang headset na suot niya. "Ano'ng meron?"

"Bakit wala ka sa bathroom?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Eugene at tiningnan ang lahat ng parte ng katawan ng asawa niya kung may sugat ba o ano.

"Wala ka pa kasi."

"Ha?" nalilitong tanong ni Eugene nang tingnan ang mukha ng asawa niya.

"Nilagyan ko ng tubig yung bathtub, pero ayoko munang maligo nang wala ka kaya hinintay muna kita."

"Oh, my god . . ." Takot na takot niyang nayakap ang asawa. Hawak-hawak niya ng kanang palad ang likuran ng ulo nito at ang kaliwa ay nakalapat sa likod nito.

Nakikiramdam lang si Divine dahil nalilito na rin siya sa ikinapa-panic ni Eugene. Dinig na dinig niya ang lakas ng kalabog sa dibdib ng asawa. Iniisip pa niyang baka tinakbo lang nito ang hagdanan mula sa lobby hanggang sa 20th floor ng building.

Balisa na si Eugene nang tumambay na naman silang dalawa sa bathroom. Bantay lang ang lalaki sa tapat ng bathtub habang nakababad si Divine sa milk bath nito.

"Gusto mong kuskusin ko likod mo, Mine?" alok ni Eugene.

Napangiti si Divine saka umiling. "I'm good, thanks."

Ipinatong na lang ni Eugene ang mga palad niya sa tuhod habang nakatanghod doon. Nakaupo siya sa maliit na monobloc chair na walang sandalan habang pinanonood ang asawa niyang magbabad sa puting tubig. May mga rubber duckie siyang binili para dito kapag gusto nitong maglaro sa bathtub pero hindi nito ginagamit ngayon. Nakasandal lang ito sa tub at marahang nagkukuskos ng braso na gusto sana niyang siya ang gumawa pero tinanggihan din nito kanina.

Pakiramdam tuloy niya, hindi na siya nito mahal dahil tanggi lang ito nang tanggi sa bawat alok niya. Nangalumbaba na lang tuloy siya habang naghihintay ng sunod na utos nito—kung meron man.

"Mine . . ."

"Hmm?"

"Love mo pa 'ko?"

Natawa nang mahina si Divine at nagtatakang tiningnan siya. "Siyempre. Why naman?"

Nanulis na naman ang nguso ni Eugene at may tampong tiningnan ang asawa niya. "Bakit ayaw mong ako yung magpaligo sa 'yo ngayon?"

"Because I can do it myself today," nakangiting sagot ni Divine. "I'm all good."

"Uminom ka ba ng gamot pagbaba ko?"

Napangiti na naman si Divine. "Magagalit ka ba kapag sinabi kong ayokong uminom ng gamot ngayong araw?"

Nakangusong umiling si Eugene. "Nope."

"Wala muna akong iinuming meds today kasi wala naman akong pasok and hindi rin ako pagod." Itinaas ni Divine ang binti at ipinatong sa edge ng tub saka hinilod ng sponge ang balat.

Mata lang ang iginagalaw ni Eugene habang pinanonood ang asawa niyang paliguan ang sarili nito. Sinusundan ng tingin niya ang bawat pasada ng sponge sa binti nito paakyat sa hita. Napapalunok na lang siya at nate-tempt na sabayan ito sa pagligo.

Himas-himas niya ang batok habang naglilikot ang tingin.

"Mine."

"Hmm?"

"Puwede rin akong maligo?"

"Yeah. Go ahead." Itinuro ni Divine ang likuran. "Makikita mo pa rin naman ako kahit nasa shower ka."

Napatingin si Eugene sa shower area niya sabay balik ng tingin sa asawa niyang naghihilod pa rin. "Hindi, I mean . . . um, sabay tayong maligo, gano'n."

"Kaya nga." Itinuro na naman ni Divine ang shower area. "Ligo ka na. Hintayin na lang kita sa labas after this."

Pilit ang tawa ni Eugene at inuugoy na ang sarili sa bangkito. "What I mean is . . . yung ano . . . sabay tayo."

Natatawa na lang si Divine sa inaakto ng lalaki. "Puwede mo naman akong deretsahin. Nahihiya ka ba?"

Napapanguso si Eugene. "Hindi naman. Ano lang . . ." Naidaan na lang tuloy niya sa buntonghininga ang hindi matapos na sagot. "Hayaan mo na nga."

Natawa na naman nang mahina si Divine saka napailing. "Ewan ko na sa 'yo, Eugene."

Ayun na naman ang mangiyak-ngiyak na itsura ni Eugene dahil Eugene ang itinawag sa kanya ni Divine. "Hindi mo na 'ko love?"

"Hahaha! Ano ba 'yan? Bakit ba? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Binitiwan ni Divine ang hawak na sponge at inilahad agad ang mga braso kay Eugene para palapitin ito sa kanya. "Tara nga dito."

Hindi man lang naisipan ni Eugene na tumayo. Hawak niya ang ilalim na parte ng maliit na upuan at hatak-hatak iyon habang palapit siya sa asawa niyang nakababad sa tub. Pagpuwesto niya ng upo sa tabi mismo ng bathtub, hinawakan siya ni Divine sa pisngi at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi.

Pigil naman ang ngiti ni Eugene habang nanunulis ang nguso, gustong magtampo pero ayaw paawat ng tuwa sa mabilis na halik ni Divine sa kanya.

"I love you," nakangiting sabi ni Divine nang tingnan siya nito paglayo nang kaunti sa mukha niya.

"I love you, too." Saglit na umigik si Eugene at nagtakip ng mukha gamit ang magkabilang palad nang bahayang kiligin. Kagat-kagat niya ang labi nang mangalumbaba na naman habang pinanonood ang asawa niyang paliguan ang sarili nito.

"Hindi na kita maintindihan," napapangiting sabi sa kanya ni Divine. "Kanina, ang worried mo; ngayon, tuwa ka naman. Okay ka lang ba?"

Mabilis na tumango si Eugene para sabihing oo.

"Bakit hindi ka pa maligo?" tanong ulit ni Divine.

"Gusto ko, sabay tayo," sagot ni Eugene sabay tingin sa kanang gilid at ngisi pagbalik ng tingin sa asawa niya.

Natawa na naman tuloy si Divine sa kanya. "Naligo ka ba kanina?"

Napanguso si Eugene, nag-aalangan kung magsisinungaling at sasabihing hindi, o aamin na naligo nga siya bago magsimula ang online meeting niya.

"Parang naligo ka yata bago yung meeting," biglang sabi ni Divine. "Nakita pala kitang naka-towel kanina habang nagbo-blow dry ng buhok."

Wala na, hindi na siya makakapagsinungaling dito. Alam pala nitong naligo na siya.

Saglit na namang natahimik sa bathroom. Kung dati'y gusto ni Eugene ng ganoong klaseng katahimikan, ngayon naman ay hindi napapayapa ang utak niya kapag ganoon katahimik sa kahit anong lugar na kasama ang asawa niya.

"Mine . . ."

"Hmm?"

"'Buti hindi ka muna naligo bago ako dumating."

"Why? Kaya ba nagmadali kang bumalik?"

Nakangusong tumango si Eugene.

Natawa na naman si Divine. "Aware akong dapat akong bantayan sa bathroom. Hindi naman ako gagawa ng sure akong hindi ko kayang i-handle. But I feel okay naman. Don't worry about me."

Pero hindi magawang hindi mag-alala ni Eugene.

Nang matapos sa pagbabad sa milk bath, dumeretso si Divine sa shower area at naghintay lang din si Eugene na matapos siya sa pagbabanlaw.

Isa na siguro iyon sa pinakakakaibang araw para kay Eugene mula nang makasama niya ang asawa sa iisang bahay.

Kakaiba dahil normal ang kilos at pag-iisip nito . . . at hindi siya sanay.

Hindi ito nagsasabi ng kung anong kawirduhan. Walang special request na ikaiinit ng ulo niya. Walang makulit na magpapapansin sa kanya para lambingin niya. Magbabasa lang ito ng readings sa ibang subject, at kung magtanong man siya, matino lagi ang sagot nito at seryoso—at hindi pa ito nakakainom ng gamot.

Sa mga sandaling iyon, saka lang niya napagtanto kung bakit mas gusto ng father-in-law niyang nasa bahay lang si Divine at wala masyadong ginagawa. Hindi ito pagod, hindi ito stressed sa labas, hindi nito kailangang mag-adjust sa ibang tao—normal lahat. Kumikilos ito, nagsasalita ito, nag-iisip ito na parang wala itong sakit. At hindi pa rin siya sanay.

Ang tahimik sa kuwarto niya pero hindi ito nagrereklamo sa katahimikan. Siya tuloy ang nababalisa sa katahimikang gusto niya naman dati.

Binuksan na niya ang speaker na hiningi niya kay Clark at napansing may pailaw iyon, ang kaso . . .

"Ay, low batt pala."

Hindi sinabi ng ninong niyang wala pala iyong charge. Wala tuloy siyang magagawa kundi i-charge muna iyon para magamit niya.

Bumalik na naman ang katahimikan sa kuwarto at nangibabaw ang lakas ng hangin at ulan sa labas. Alas-dos pa lang ng hapon pero sobrang kulimlim pa rin na para bang alas-sais na ng gabi.

Hindi siya mapakali. Sinulyapan niya si Divine na nakasandal lang sa headboard ng kama at nagbabasa. Sumampa agad siya sa kama at isiniksik ang sarili sa ilalim ng mga braso nito saka siya nahiga sa kandungan ng asawa niyang nananahimik. Natatawa na naman ito sa ginagawa niya. Hawak nito ng kaliwang kamay ang binabasang reading habang ang kanang palad nito ay nakalapat na sa dibdib niya.

"I look at you looking at me . . . now I know why they say the best things are free . . ." pagkanta ni Eugene sabay pindot sa tungki ng ilong ni Divine na abala sa binabasa nito.

Natatawa si Divine sa ginagawang pagpapapansin ng asawa niyang wala na namang magawang kung ano sa buhay nito.

"Akala ko ba, full ang schedule mo?" napapangiting sabi ni Divine saka naglipat ng page ng binabasa.

"Oo nga," sagot ni Eugene at nilaro-laro ang dulo ng buhok ni Divine na sumasayad sa baywang nito.

"O, bakit parang hindi ka naman busy?"

"Ang tahimik mo kasi."

"Akala ko ba, gusto mo ng tahimik?" natatawang tanong ni Divine na tutok sa readings.

"'Pag kasama kita, ayokong tahimik."

"Um-hmm."

"Parang mas gusto kong pagod ka lagi," dismayadong sabi ni Eugene at siya naman ang natingnan ni Divine ng nagtatanong na tingin.

"Ang sama mo naman para sabihin 'yan."

"Ayoko kasing ganito ka, parang hindi mo 'ko kailangan," nagtatampong sabi ni Eugene at isinubsob ang mukha sa tiyan ng asawa niya saka ito binalot ng yakap sa baywang. "Ganitong time, nagpapa-baby ka sa 'kin tapos iki-kiss kita nang marami."

"Ngayon, ikaw naman ang nangungulit," natatawang sabi ni Divine at ginawa na lang patungan ng braso ang balikat ng asawa niya habang nagbabasa pa rin.

"Mamaya ka na mag-review, Mine."

"At bakit?"

Bahagyang lumayo si Eugene at nagpapaawang tumingala sa asawa niya. "Love me first."

"Love you first?" gulat na tanong ni Divine at natawa na naman.

"Ang tahimik mo talaga," naiinis na sabi ni Eugene.

"Huy, Eugene—"

"Ayoko ng Eugene! Bakit tinatawag mo 'kong Eugene?"

"Ayaw mo ng Eugene, e name mo 'yon? Sira ka ba?" Mahina tuloy siyang nasampal ni Divine sa pisngi at saka nito itinuloy ang binabasa.

"Puwede ba kitang pagurin ngayon?"

"Hindi," mabilis na sagot ni Divine kaya nanulis na naman ang nguso ni Eugene. "Kung may work ka, mag-work ka muna."

"Ayoko nga. Sana matapos na yung ulan. Hindi ako sanay na hindi ka makulit," malungkot na sabi ni Eugene at isinubsob na naman ang mukha sa tiyan ng asawa niya.

Kung hindi pa niya nakakasama ang asawa niya, malamang na pipiliin niya ang ganoong ugali nito na tahimik lang na nagbabasa. Ang kaso, iyon na yata ang mood nito na pinaka-aayawan niya sa lahat. Mas tanggap pa niya kapag umiiyak ito o nangungulit na maging kidnapper siya. Kapag ganoong sobrang normal nito, siya naman ang hindi matahimik. Alam niyang hindi ito ibang tao dahil sinasabi pa rin nito ang lahat ng alam nito tuwing masaya ito o malungkot, pero ayaw niya ng pakiramdam na parang sobrang layo ng distansiya nito sa kanya kahit magkadikit pa ang mga katawan nila.

Sumapit ang hapunan na bumili na lang si Eugene ng fried chicken sa ibaba ng condominium at iyon ang kinain nila. Ayaw pa ring magpasubo ng asawa niya at sa dining area na naman sila kumakain.

Dati, mas gusto niya sa dining area. Ngayon, ayaw na ayaw na niya roon dahil nagsasariling upuan si Divine at ayaw pa nitong magpasubo ng pagkain.

"Mine . . ."

"If itatanong mo na namang mahal pa ba kita, mahal pa rin kita. Minu-minuto mo na 'yang tinatanong sa akin," sabi agad nito na sinimangutan niya dahil iyon pa naman sana ang itatanong niya rito—na naman.

"Bakit ayaw mong subuan kita?"

"Because I can eat alone."

Hayun na naman ang lungkut-lungkutang mukha ni Eugene, nagpapaawa sa asawa niyang ayaw magpalambing sa kanya.

"I'm fine, Eugene. Ubusin mo na lang 'yang pagkain mo tapos tulungan kitang maghugas ng plato."

"Eugene," malungkot niyang ulit sa pangalan niya at itinulak-tulak ng tinidor ang natitirang kanin sa plato.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

12.3K 339 7
Leo and Cali. Leo and Cali are childhood best friends. Everything is fine until Cali felt butterflies in her stomach whenever she sees Leo. She deci...
691K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...
161K 5.8K 50
A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never noticed her not until she became his per...
1.5M 62.6K 101
(Finished) After partying so hard and getting drunk at her older brother's wedding, Sky Velasco didn't expect she'd create a lot of scandalous moment...