South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

The Final Chapter

91.7K 5.1K 4.8K
By JFstories

ANG LAKAS NG KABOG NG DIBDIB KO HABANG PALAKAD-LAKAD SA SALA.


Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, pero panay na ang tingin ko sa pinto. Panay ang tingin sa oras. Hindi lang ako ang aligaga, kundi pati ang bata sa loob ng tiyan ko. Pareho kaming hindi makalma. At noong tumunog ang doorbell sa labas ay bigla na lamang akong nanigas.


Hindi ko makuhang gumalaw, kaya si Carlyn na ang lumapit para tingnan kung sino ang dumating. At sa pagbalik nito ay daig ko pa ang hinugutan ng paghinga nang makitang kasama na si Hugo.


I felt my heart skip a beat when I saw him again. Ngayon na lang ulit siya pumunta rito mula noong nagkasakit siya at sa pagdaan niya bago nagpunta sa presinto.


Nang matitigan si Hugo ay napamaang ako sa itsura niya. His hair was disheveled and the collar of his white polo was tangled. Para ba siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili sa loob lang ng ilang segundo. Hindi rin siya naka-tuck in, nakalawit pa ang dulo ng belt sa suot na pantalon, at nasa kamay niya pa ang susi ng kanyang kotse, hindi pa niya naibubulsa.


"Jillian, bakit mo ako pinapapunta?" humihingal pa na tanong niya.


Hindi ako makapagsalita habang nakatingala sa kanya. Sa kabila ng paghingal niya, hindi maayos na itsura, ekspresyon na parang tanga, saksakan pa rin ng guwapo ang lalaking ito. Ganito rin kaya ulit ang magiging itsura ng baby ko?


"What?" Napatigil naman si Hugo nang makita akong nakanganga sa kanya. Bumadha ang sakit sa mga mata niya. "False alarm lang ba?"


Magsasalita na ako nang bigla namang bumaba sa hagdan si Hyde. "Daddy!" masayang sambit nito. Karga ng bata ang pinsan na parang malusog na unggoy na nakapulupot dito.


"Daddy!" tili rin naman ni Mara. Naki-daddy.


Kinuha naman agad ni Carlyn si Mara mula kay Hyde. "Mara, that's not your daddy. Mas guwapo riyan daddy mo."


"Then where ish daddy?!" Nag-pout si Mara at yumapos sa ina. 


"Naghuhugas ng plato sa kusina. Saka, bakit ba nagpapakarga ka kay Kuya Hyde mo? Hindi mo alam kung gaano ka kabigat, ha?" Umakyat na ang mag-ina sa itaas.


"You're really here, Daddy!" Lumapit naman sa amin si Hyde, at yumakap agad sa bewang ni Hugo. "I miss you, Daddy!"


"I miss you, too..." Hinaplos ni Hugo ang ulo ng bata. "So how is my big boy?"


"I'm good!" maliksing sagot ni Hyde. Nangingislap ang mga mata habang nakatingala kay Hugo at hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa bewang niya.


Ang init sa dibdib na pagmasdan ang mag-ama. Nagkakausap sila nang madalas sa phone, pero iba pa rin talaga kapag nagkikita sila. You could tell how much they missed each other.


"Daddy is so glad to know that," ani Hugo na puno ng fondness ang mga mata sa bata. Nang tumingin siya sa akin ay kahit wala siyang sabihin, ramdam ko sa mga tingin niya ang pagpapasalamat.


Tumango ako at pasimpleng nagpunas ng sumilip na luha.


Tuloy-tuloy ang kaso ni Dessy. Mas malaki na lalo ang laban namin ngayon, dahil sa tulong ng mga dagdag na ebidensiya. Nag-e-expect na kami ng magandang resulta. At maski ang kaso na sinampa ng babae kay Hugo, mukhang mababasura na.


Tungkol naman sa kaguluhan sa social media, naremedyuhan na. Naglabas ng malaking pera si Daddy Manuel para makalikom ng mga influencers na gagawa ng bagong ingay para tabunan ang issue. Pati ang koneksyon ng mga Wolfgang ay hiniram na rin. Arkanghel was a big help in the case against Dessy, as well in tracking down the Internet trolls and removing the articles about Hyde and our family.


Nagiging okay na ang lahat, pero hindi pa rin muna namin papapasukin si Hyde next schoolyear sa normal school. Ayos lang naman dito na homeschooled muna ito hanggang sa hindi pa tuluyang nakakalimot ang mga tao. Naiintindihan nito. Tuloy pa rin ang counselling, cooperative ito na ipinagpapasalamat ko. Lahat din kami ay hindi tumitigil sa pagpaparamdam sa bata ng aming suporta.


"Daddy, I am doing what you told me to do. I am taking good care of Mommy and my baby sibling on your behalf!" pagmamalaki ni Hyde sa ama.


Pinuri naman ito ni Hugo na lalong ikina-kislap ng mga mata ng bata. Nagpaalam ito na susunod muna sa itaas kina Mara at Carlyn, parang binibigyan talaga kami ni Hugo ng oras na magkasolo.


Nang dalawa na lang kami sa sala ay wala namang makapagsimula sa amin ng sasabihin. Si Hugo ay panay ang tikhim habang kung saan-saan tumitingin at ako naman ay kung hindi mapalunok ay maghahawi ng buhok. Ako ang nagpapunta sa kanya rito, pero wala akong masabi. Nang tumingin ako sa kanya at sakto rin na tumingin siya sa akin. Sabay pa yata kaming napaubo na dalawa.


Nagkamot siya ng ulo. "Uh, anyway, Jillian, kahit hindi ka tumawag, pupunta talaga ako ngayon dito."


Pupunta talaga siya? Dahil magaling na siya?


"May dala dapat ako, e. Sa pagmamdali kaya nakalimutan ko, I'm sorry. Promise, babawi ako at—"


"I appreciate everything you give me," putol ko sa sinasabi niya. "Pero hindi mo naman kailangang mag-abala."


Nagtaka naman ako nang gumuhit ang sakit sa mga mata ni Hugo. Wait? Mukhang na-misinterpret niya ang sinabi ko. Ang sa akin lang naman, sobra na nga ang cash support na ibinibigay niya, may weekly groceries pa. Sa dami ay parang kakasya na sa amin lahat dito sa bahay. Napapakamot-ulo na nga sina Kuya Jordan at Daddy dahil hindi na nila kailangang bumili.


Okay lang naman din magbigay si Hugo kung ganoon niya gustong bumawi sa pamilya ko, kaya lang ay meron pang basket of fruits araw-araw, maliban pa sa pa-bulaklak niya. Nakakapanghinayang lang naman kasi kapag nasasayang. Hindi ko naman kayang ubusin ang mga prutas at hindi na rin namin alam ni Mommy kung saan itatambak ang mga roses sa sobrang dami.


"Hugo, it's not—"


"You can throw them if you want, Jillian. I won't mind. But please... Just let me do it. Don't stop me. Kahit iyon lang, hayaan mo sana ako."


"Hugo, ang sa akin lang naman ay—"


"I know, hindi ganoon kadali. Naiintindihan ko at iintindihin ko. Hindi kita mamadaliin. Hindi mo ako kailangang alalahanin. I meant it when I said that you can take your time. It doesn't matter how long you'll take or whatever decision you'll make, kahit pa 'yan hindi maging pabor sa akin, walang magbabago."


Kumibot na ang sentido ko. Hindi ako makasingit dahil hindi niya ako pinagsasalita!


"Jillian, I'm still and will always be here for you and our children." Ngumiti siya sa akin. Ngiti na mapait. "Iyon lang. Salamat sa pagpapasok at pagharap sa akin." At tumalikod na siya at pumunta sa pinto.


Hanggang sa makalabas siya ay nakanganga lang ako. Iyon na iyon?! Nagmadali siya na pumunta rito para lang doon?!


Mula sa hagdan ay bumaba ulit si Carlyn. Hindi ko alam kung kailan pa ito roon. Bitbit nito ang walang laman na tsupon ni Mara. "In fairness kay itlog. Ngayon ko lang nakitang ganoon iyon. Mukhang na-bullseye mo."


Napatitig ako sa pinto na nilabasan ni Hugo. Napapaisip unti-unti. Pinapunta ko siya rito para lang ba hayaang umalis din? Ano nga ba ang dapat na ending para sa amin? Ano nga ba ang desisyon ko? Hindi lang para sa pamilya namin, kundi para sa aking sarili. Ano ba ang gusto kong mangyari?


Kung hindi si Hugo ang makakasama ko, sino? Wala na akong maisip na ibang dapat para sa akin. Dapat para kay Hyde. At dapat para sa baby ko. Wala nang iba, kundi si Hugo lang.


Hindi man naging maganda ang simula ng pagkakakilala namin, o kahit ang paghihiwalay namin noon at ngayon, pero ayaw ko nang pagsisihan pa ang alin man doon. Nangyari na ang mga nangyari at hindi na maibabalik pa. 


Gusto ko na lang tingnan ang mga natutunan ko at ang mga magagandang bagay na nakamit ko. Dahil kay Hugo ay merong Hyde sa mundo. Dahil din sa kanya, nabuo ang baby sa tiyan ko.


My past, with Hugo in it, was one of the best moments of my life.


I laughed harder with him, I cried my heart out with him, and I could be myself with him.


Ngayon ay malinaw na malinaw na sa akin. Si Hugo pa rin!


It was no use wallowing in the past. So what if we were not each other's first love? There was so much more to life than sulking over why you were not the first love of the person you loved.


What was important was the present. Although we made mistakes at the beginning of our relationship because we were both cowards, he was now doing everything to make it up to me.


Hugo gave me all the time in the world to figure out myself. It pained him, yet he supported my decision. He was just around, patiently waiting for me, giving me the understanding, assurance, and support I needed. He never failed to make me feel that no matter how long I took, he would never give up on me and our family. What else could it be if it was not love?


Nilingon ko si Carlyn na nakataas ang kilay sa akin. "I'm giving Hugo a chance."


Doon napangisi ang hipag ko. "Go!"


Napatakbo ako sa labas ng bahay para sundan si Hugo. Hinagilap ko siya. "Hugo?!" Kung saan-saan ako napatingin pero wala siya.


Nasaan siya? Nakauwi na ba siya? Nag-panic na ako. Papunta na ako sa gate para tingnan kung nasaan ang kotse niya, nang may magsalita sa likuran ko.


"I'm here, ma'am."


Napalingon ako at napasinghap nang makitang nakatayo nga siya sa harapan ko. "Why you're still here..."


"Because my family is here," he answered matter-of-factly.


"You said that you'll do anything until I forgive you, right?" Si Carlyn ay nakadungaw na sa pinto. Nakatingin sa amin. Pero wala akong pakialam dito. Sasabihin ko ngayon ang gusto kong sabihin. "Hugo, answer me, will you really do everything?!"


"Yes," sagot naman agad ni Hugo kahit naguguluhan.


"Anything really?" paniniguro ko. "Anything that I order you to do?!"


"Yes, even if it's against my human rights."


"Are you serious?"


Tumango siya at sumulyap siya kay Carlyn. "I don't mind the audience, but how about you?"


Nag-init ang pisngi ko. "That's not what I mean!"


"E ano ba? Na-excite na ako e, akala ko paghuhubuin mo na ako rito."


"Ew!" Hindi na nakatiis na hindi sumabat si Carlyn. "Seriously ganyan kayo maglandian?! Kaya kayo kaasaran, eh!"


Inismiran naman ito ni Hugo. "Nagsalita iyong walang naasar sa kanya sa story niya!"


Pabagsak na pinagsarhan kami ni Carlyn ng pinto.


Pigil naman ang ngiti ko, lalo dahil bago isara ni Carlyn ang pinto, natanaw ko na ang dalawang makulit na nasa likod ng hipag ko, mga gusto ring makiusyoso kaya nagsisunod, sina Mara at Hyde.


Nang kami na lang ni Hugo ay tiningala ko ang lalaki. "Can we now continue our conversation?"


Napakurap muna siya nang mapatitig sa mukha ko. "Y-yeah, sure."


"Hugo, I've talked to Sussie," simula ko.


Natigilan naman siya at sumeryoso na. "Jillian, about Sussie... I will not deny that I used to love her. And I want to be honest with you, I don't regret loving her."


I listened to him. I wanted to hear everything.


"Naging parte si Sussie ng buhay ko bago pa man kita makilala. Hindi na mababago iyon kasi nangyari na. At siya ang kasama ko bago ka dumating, siya rin ang kasama ko noong mawala ka."


"It's fine, Hugo. Naiintindihan ko lahat. Kinain lang ako ng selos. Kasi alam ko na matagal mong minahal si Sussie. Saksi ako na siya noon ang pangarap mo." Katulad ng saksi rin siya noon kung paano ko pinangarap si Harry.


"Yeah. And it was only natural for you to feel that way, Jillian. Because you love me and I failed to give you the assurance you deserve. I'm sorry for being a fool."


"When did you stop loving her?"


"A year after her wedding with Arkanghel. I took my time to heal and move on. I really did love her, you know? Pakiramdam ko lahat na lang ng babaeng gusto ko, hindi ako pipiliin. Siguro kasi patapon talaga ako, kahit anong pagsisikap sa buhay ang gawin ko."


Napasinghot ako sa sinabi niya. "That's not true, Hugo..."


"I was so happy when I finally forgot about my feelings for her. Handa na ulit ako na maging kaibigan niya, pati na rin ng hipag mong maligalig. Okay na ako bago pa tayo magkita ulit. Napag-isip-isip ko rin na tama lang din ang mga nangyari. Hindi naman kasi talaga para sa akin si Sussie, at hindi rin ako para sa kanya."


Napatingala siya at umalon ang kanyang lalamunan.


"And I was right. Nalaman ko kung para saan ang pag-iisa ko noong magkita ulit tayong dalawa. Nakakabaliw isipin na paano nga kung ako ang pinili ni Sussie? Paano rin kung natuloy nga ang kasal niyo ni Harry? Paano na iyong pamilya natin?" His voice cracked a little. "Jillian, patawad. Wala kasi akong alam."


It was my fault not his. Itinago ko sa kanya ang totoo. Dahil katulad niya, nagmahal din ako. Nagmahal ako at nagsakripisyo.


"Damn it! I should have waited for you. Or I shouldn't have let you go. I shouldn't have killed my feelings for you, na akala ko kasi wala lang. Kasi sino ba ako para mahalin mo? Maging kaibigan mo nga lang ay suntok sa buwan na, maghahangad pa ba ako ng higit pa?"


Napatingala siya muli nang ilang saglit. Kinakalma ang sarili.


"Kaya nang malaman ko na may anak tayo, para akong sinilaban. Alam ko, late game na, pero gusto kong maghabol kahit may Harry ka na. Kasi naniniwala ako na hindi naman tayo pagtatagpuin ulit ng tadhana kung walang ibig sabihin. Kaya sumugal ako. Pinusta ko lahat, kahit pa walang matira sa akin."


Napangiti na ako. Hindi ako dinadaya ni Hugo, he was putting everything on the line.


At naniniwala ako kay Sussie. Kahit pa anong mangyari, ito ang tadhana naming lahat. Kahit magkaligaw-ligaw kami, dito at dito pa rin kami sa sitwasyong ito mapapadpad.


"At ang bilis bumalik ng nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi ko rin akalain noong bumalik ay mas lalala pa. Ang bilis." Uminit ang mga titig niya sa akin. "Jillian, maniwala ka man o sa hindi, totoo iyong sinabi ko na kahit wala tayong anak, hahabulin pa rin kita."


Tumango ako. "Naniniwala na ako sa 'yo." Ang palad ko ay dinala ko sa ibabaw ng matigas niyang dibdib, sa tapat ng puso niya na ngayon ay malakas na tumitibok. "Hugo, naniniwala ako rito."


"Wait," pigil niya sa akin. "Sorry pero time out muna sa palitan ng speech, matindi lang ang pangangailangan." Pagkasabi'y niyapos niya ako bigla at siniil ng halik.


Nandilat ang mga mata ko sa gulat pero saglit lang. Na-miss ko ang halikan ni Hugo kaya gumanti agad ako at yumakap sa kanya. Sige, time-out muna sa palitan ng speech.


I wanted Hugo to punish my lips with his kisses, but he was so gentle in kissing me. Like he was savoring every bit of my lips. The way he did it brought something warm inside my heart and spread throughout my whole body.


Napadilat ako nang maramdaman ko na basa ang kanyang pisngi. Tumigil siya sa paghalik sa akin saka marahang napaluhod. Nakahawak siya sa mga binti ko at habang nakayuko.


"Hugo?" Napaluhod din ako. Itinaas ko ang mukha niya at pinakatitigan siya. Nagulat ako nang makitang luhaan siya.


"Jillian, you didn't slap me. Does this mean you have forgiven me?" basag ang boses na tanong niya sa akin.


Imbes sumagot ay hinaplos ko ang pisngi niya. "Ayaw ko sa 'yo noon. Tama ka, kahit maging kaibigan nga ay ayaw ko sa 'yo. Naiinis pa ako noon kasi bakit ang dami-dami kong puwedeng makatabi sa classroom, bakit ang notorious na pasaway pang si Hugo Emmanuel Aguilar?"


Nagtataka siyang napatitig sa akin.


"Bakit ikaw pa kasi, di ba? Bakit ikaw pa iyong katabi ko? Bakit ikaw pa iyong nakita ko sa kanto ng Malabon, noong wala akong pamasahe at kailangang-kailangan kong magpunta sa Buenavista."


Nakatitig lang sa akin ang luhaan niyang mga mata. Really, he was crying.


"Hugo, bakit sa dinami-dami ng may motor sa mundo, bakit sa 'yo pa ako nagpapasundo? Bakit ikaw pa iyong naging kaibigan ko? At bakit, bakit ikaw pa ang inutusan ko na halikan ako? Bakit ikaw ang first kiss ko?"


"Do you regret it?" mahinang tanong niya.


"Hindi pa ako tapos." Tinakpan ko ang kanyang bibig. "Hugo, bakit kaya sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa? Bakit kita nakasundo e magkaibang-magkaiba naman tayo ng ugali? Pero sa kabila niyon, naging masaya ako sa 'yo."


Napasinghot siya na parang bata. "But you just wanted me when that man was not around..."


Tinapik ko siya sa pisngi. "I am sorry if I made you feel that way. I'm sorry about Harry because just like you, I really did love him, and I don't regret loving him. Totoo na hindi dapat pinagsisisihan ang pagmamahal."


"Jill..." Napayuko siya habang nangangatal ang mapupulang mga labi.


"Pareho tayong naguguluhan noon, maski ako ay urong-sulong sa nararamdaman ko. Gulong-gulo ako kasi bakit ba ako sumasama sa 'yo, e ang ligalig mo. Ibang-iba ka sa lalaking pangarap ko."


Lalong dumami ang luha niya.


"But, Hugo, I realized that you're not that bad. Hindi ka naman salbahe katulad ng sinasabi ng mga tao, e. Hanggang sa dumating iyong point na nagagalit na ako kapag may naririnig ako na masama tungkol sa 'yo. Parang gusto ko silang awayin lahat para ipagtanggol ka."


Nang mag-angat siya ng mukha ay nakangiti na siya ngayon. "Really?"


"Oo. Mabuti kang tao. Alam ko, dahil kaibigan kita. Dahil nakasama kita. Kilala kita. At kahit gaano kabigat iyong araw ko, gumagaan kapag ikaw iyong kasama ko. At ang mga sandali na kasama kita ay ang pinakamasayang parte noon ng buhay ko."


Hugo looked so cute while he was listening to me. Kailangan kong kalmahin ang aking sarili para hindi ma-distract. I needed to finish my speech first.


"Dahil sa 'yo, nakita ko nang malinaw iyong mundo. Dahil sa 'yo, lumawak iyong pag-unawa ko. Marami kang itinuro sa akin na nakakatulong hanggang ngayon sa buhay ko. Hugo, you were the one who gave me the courage to become the person who I am today."


Bumukas ang pinto dahil palabas si Kuya Jordan na may dalang black trash bag. Natigilan ito nang makita kami ni Hugo na nakaluhod sa lapag. "Oops, sorry!"


Hinaltak naman agad ni Carlyn ang asawa. "Mamaya ka na magtapon ng basura, may nagdadrama pa riyan!"


Nang sumara na ulit ang pinto ay nakangiting binalikan ko ng tingin si Hugo. "San na nga ba tayo?"


"Sa mahal na mahal mo ako."


Mahina ko siyang tinampal sa noo. "Wala pa roon!"


"Ah, wala pa ba?"


"So, ayun nga. Hugo, thank you for everything that you do. For giving me the best days of my life, then and now. I wanna thank God too for letting our paths cross, and of course, for making me fall in love with you."


Nakayuko na si Hugo. Hindi na siya nagsasalita.


"Hugo, are you okay?" Inalalayan ko siya na makatayo. Pero muntik siyang masubsob kung hindi ko pa siya naalalayan.


"Ang hirap lang tumayo nang maayos."


"Why?" alalang tanong ko.


"Kinikilig kasi itlog ko."


Sinapak ko siya.


Ngumisi siya. "Herrera, wala pa ring pinagbago, ah!" Hawak-hawak niya ang pisngi na sinapak ko. Luhaan pa rin siya pero masaya ang kislap sa kanyang mga mata. "Meron pala. Your surname."


Nakangiti na tumingala ako sa kanya. "And I'm going to keep it. 'You hear me? I'm keeping you, Mr. Drama King. I love you. Then and now, I still do."


Everyone had a past and that past did not diminish the present.


Hindi namin ikamamatay ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi na rin namin iyon mababago pa o mababalikan. Ang mahalaga ay iyong kasalukuyan. Kung ano ngayon ang aming nararamdaman.


Namungay ang mga mata niya na nakatitig sa akin. "You're in so much trouble, Jillian Mae Herrera-Aguilar."


Matamis ko siyang nginitian. "It's fine, as long that you're the trouble I'm getting into."


"Cool. I love you, too." Binuhat niya na ako papunta sa gate. Papunta sa nakaparada niyang kotse sa labas.


"Hoy!" sigaw ni Carlyn sa pinto. "Iyong anak niyo rito, iiwan niyo?!"


Hindi namin ito pinansin. Si Hyde naman ay nasa bintana, ngiting-ngiti na naka-thumbs up sa amin.


Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay lumingon sa akin si Hugo. "Babalikan na lang natin si Hyde kapag nagawa na natin ang hiling niya na gawing kambal iyong kapatid niya."


"W-what? He wished that?!"


"Yes." Ngumisi siya. "Palagi kaming nag-uusap, di ba? At iyon ang topic naming madalas." Pagkuwan ay siniil niya ako ng halik bago ini-start ang makina ng kotse.


Yumuko rin si Hugo para gawaran nang maingat na damping halik ang aking tiyan. Anim na buwan pero may kaliitan pa rin, dahil hindi talaga ako malaki magbuntis. Nang mag-angat siya ng mukha ay namamasa sa luha ang mga mata niya. 


Hinaplos ko ang pisngi ni Hugo. "You can now kiss and feel it whenever and anywhere you want..."


Hinalikan niya muli ako sa labi. "Thank you, mommy."


Nag-beep ang phone ko. It was a text message from Kuya Jordan's number. Nang buksan ko ang message ay si Hyde pala. Naki-text ang bata kay kuya. And it read:


Mommy and Daddy, the siblings I want are one boy and one girl. Or maybe you can make two sets? Thank you! But no pressure, okay? Take your time and have fun making them!


Paglingon ko kay Hugo ay ngiting-ngiti na ang tinamaan ng magaling habang nakaharap sa manibela. Napangiti na rin ako. "Don't disappoint your son. You have to grant his wishes."


"I will do my best. But I'll be needing your help, Misis. Bawal mo akong masyadong akitin. Remember, malaki na ang tiyan mo, dapat dahan-dahan lang tayo."


Napanguso ako. "Hindi ba ikaw iyong nang-aakit diyan?" 


"Effortless ito. Ganoon talaga, bukod sa totoo namang kaakit-akit ako, mahal na mahal mo pa ako." Sumulyap siya sa akin at kumindat. "'Wag kang mag-alala dahil quits lang, mahal na mahal din naman kita."


Ang sarap naman ng aking pagkakangiti sa passenger's seat. My heart was full and glad. I was now ready to gamble again, and just like Hugo, I was going to put everything on the line. Para sa kanya. Para sa pamilya naming muling bubuuhin.


And yes, I was really in trouble. In deep, sweet, and delicious trouble!


jfstories

#TroublemakerbyJFstories


Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...