Dating The Class Valedictoria...

By alchemistofwords

2.6M 34.6K 2.9K

[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of th... More

Dating The Class Valedictorian ✍
Chapter 01 ✍ - Meet the Class Valedictorian
Chapter 02 ✍ - Fire & Ice
Chapter 03 ✍ - Vengeance of a Montreal
Chapter 04 ✍ - She's a ... What?
Chapter 05 ✍ - Evil Lucas
Chapter 06 ✍ - Young Master
Chapter 07 ✍ - The Second Condition
Chapter 08 ✍ - His Father's Condition
Chapter 09 ✍ - #Date101
Chapter 10 ✍ - Kassandra vs. Sheena
Chapter 11 ✍ - Camp Day
Chapter 12 ✍ - The Confession
Chapter 13 ✍ - Battle of the Brains
Chapter 14 ✍ - Camp's Last Night
Chapter 15 ✍ - Sweet Revelation
Chapter 16 ✍ - Engagement Party
Chapter 17 ✍ - Stefan
Chapter 19 ✍ - Transferee
Chapter 20 ✍ - The Debate
Chapter 21 ✍ - The Dirty Strategy
Chapter 22 ✍ - Expulsion
Chapter 23 ✍ - The Twisted Twist
Chapter 24 ✍ - Her Vengeance
Chapter 25 ✍ - Lost
Chapter 26 ✍ - The Change of Hearts
Chapter 27 ✍ - Maybe This Time
Chapter 28 ✍ - Date Wannabe
Chapter 29 ✍ - Us Against the World
EPILOGUE ✍ - Part 1
EPILOGUE ✍ - Part 2
A Must Read ✍
BOOK II - Chasing Lucas Montreal
Chapter 01 ✍ - Psychology Class
Chapter 02 ✍ - Unexpected Discussion
Chapter 03 ✍ - Doubts
Chapter 04 ✍ - Memories Unlocked?
Chapter 05 ✍ -Unexpected Visitor
Chapter 06 ✍ - Tutorial
Chapter 07 ✍ -Who's Who?
Chapter 08 ✍ - Dinner for Two
Chapter 09 ✍ - Confrontation
Chapter 10 ✍ - Chasing Pavements
Chapter 11 ✍ -Love & Thorns
Chapter 12 ✍ - Inevitable Destiny
Chapter 13 ✍ - Meet Thy Cousin
Chapter 14 ✍ - One Last Time
Chapter 15 ✍ - A Little Braver

Chapter 18 ✍ - Unexpected Company

55.7K 762 45
By alchemistofwords

Kassandra ✍


Pagtapak ko pa lang sa classroom namin, binungad na agad ako ng sigaw ni Mish.

"Hooo Kassandra!" sigw nito kahit na nasa malayo.

Pagpasok ko, nagtinginan tuloy ang mga kaklase ko.

"Bakit ba?" tanong ko sa kanya pagka upo ko.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka na. Nag-alala tuloy ako. Para akong baliw kakahanap sayo. Mabuti nalang ..." sabi ni Mish.

"Mabuti nalang ano?" tanong ko.

"Mabuti nalang at sinabihan ako ni Lucas na hinatid ka na ni Stefan." dagdag niya.

Ha? Pano nalaman ni Lucas na hiantid ako ni Stefan?

"So, ano, kayo na ulit?" tanong ni Mish.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" balik kong tanong.

"Kayo na ba ni Stefan ulit?"

"Hindi." tipid kong sagot.

"Okay madali naman kaong kausap. Pero if ever, chikka mo sakin ha." sabi niya. 

Nagulat ako ng nagsitigilan ang lahat na kanina'y ang ingay-ingay.

Paglingon ko, dumating na pala si Lucas.

"Oh heto na pala ang soon to be Groom natin!" sigaw ni Bryan.

At nagpalakpakan ang lahat. Natawa nalang ako dahil nakita ko ang reaksyon niya.

Asar na asar siya sa ginawa ni Bryan.

"Congratulations Lucas!" sigaw ng lahat.

Nagtagpo ang mga mata namin. Nginitian ko lang siya at binigkas ang mga salitang,

"Congrats." at umiwas agad siya ng tingin. Umupo sa desk niya at binatukan si Bryan.

° ° ° ° ° ° °

Pumunta akong mag-isa sa rooftop at dun nakita ko nga siya.

Nakaupo sa isang silya. Nilapitan ko siya at nung nakita niya ako, nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya.

"Bakit ka na naman ba nandito." tanong niya.

"Wala, nagpapahangin lang." sagot ko.

At napuno ng katahimikan ang buong paligid.

"Congrats nga pala." bati ko.

"Salamat." nagulat ako. Akala ko'y hindi na siya sasagot pa.

"Alam mo ba ang nagustuhan ko sa kanya?" dagdag pa niya.

Nilingon ko lang siya.

"Matalino. Maganda. Matapang. Mabait." sabi niya.

"Oo nga, napansin ko rin nga yun." sagot ko naman.

"At higit sa lahat, hindi siya humuhusga ng tao." nagulat ako sa sinabi niya.

Parang tinutusok-tusok ang puso at utak ko.

Nasasaktan ako naguguilty ako. Dahil nakasakit ako ng tao.

"Mauna na ako." sabi niya. I just nodded.

Naiwan ako at umupo nalang sa inuupuan niya kanina.

Not noticing, tears falling down through my cheeks.

° ° ° ° ° ° °

Papauwi na ako galing skwela. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

Napatingin nalang ako sa ulap habang naglalakad pauwi.

"Ma nandito na po ... Stefan?" nagulat ako ng makita ko si Stefan na nakaupo sa sala namin na may dalang maraming pagkain.

"Hi Kass." at ngumiti siya ng malapad.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Bumibisita?" sagot niya.

"Wala ka bang pasok?" tanong ko ulit.

"Meron pero dumiretso ako rito." sagot niya.

Umupo na rin ako kase pagod na pagod ako.

"Ano ba talagang sadya mo?" tanong ko.

"Diba nga sabi ko manliligaw ulit ako?" sagot niya.

"Hindi naman ako sumagot ah!"

"Oo man o hindi ang isasagot mo, gagawin ko pa din."

"Wow ha." sagot ko.

"Akin ba 'to lahat?" tawang tanong ko.

"Ooh, pero bigyan mo naman kapatid mo." sagot niya.

"Ayoko nga." napatawa nalang kaming dalawa.

"Oh anak, nandito ka na pala." bati ni Mama.

Nagmano ako at sumagot.

"Opo. Magbibihis muna ako."

"Sige, at magluluto pa ako ng hapunan para dito na kumain itong si Stefan." sabi ni Mama.

"Wait... what? Mama, baka hinahanap na yan sa kanila!" sagot ko.

"Okay lang, nagtext na ako sa Mama ko." sagot naman ni Stefan.

Pinandilatan ko siya, pero ngumit lang sya ulit. 

Hahaaays, wala naakong magagawa pa. 

° ° ° ° ° ° °

"Aah, busog na busog ako. Ang sarap niyo talagang magluto Tita." sabi niya.

"Salamat." sagot ni Mama.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.

"Ah, oo nga pala. Gabing-gabi na." nagpaalam muna siya kay Mama bago kami lumabas para ihatid ko siya.

"Sige, ingat." sabi ko sa kanya.

"Kass." seryoso niyang sabi.

"Ano?" mataray kong sagot.

"Pwede bang lumabas tayo bukas? Holiday naman eh." sabi niya.

"Lumabas? Saan?" tanong ko.

"Manood tayo sa sine." suggest niya.

"Busy ako." sagot ko.

"Saan na naman?"

"Magbabasa pa ako ng libro. Marami pa akong nakastock dun na magagandang basahin." 

"Grabeh naman 'to. Bukas lang." sabi niya.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Pleaseee, pleaaase." luluhod pa sana siya pero pinigilan ko siya.

"Oo na, sige na! Uwi ka na!" 

"YES!" sigaw niya at pumasok na sa kotse niya.

Pumasok agad ako sa kwarto kase inaantok na ako.

Napagod kase ako kanina sa P.E namin. Hahaaays.

Pero naalala ko ang pinag-usapan namin ni Lucas kanina.

Bakit ko ba to iniisip? May buhay na nga yung tao. 

Tssk, bahala na nga.

° ° ° ° ° ° °

KINABUKASAN. Nag-ayos ako agad ng sarili. Maaga daw kasing pupunta rito si Stefan.

"Ma ..." paglabas ko, natigilan ako at nagulat sa nakita ko.

"Goodmorning!" bati niya.

"Bat ang aga mo?" tanong ko.

"Sinabi ko naman sayo diba?" 

"Dito yan nag-agahan." sabi ni Mama na nasa likuran ko lang pala.

"Halika kana." sabi ko sa kanya.

"Mama, aalis lang ho kami." sabi ko.

"Sige, ingat kayo." 

"Opo." sagot ko.

° ° ° ° ° ° °

Pagdating namin sa Mall, mabuti nalang hindi gaanong matao.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong ni Stefan.

"Ikaw bahala." sagot ko.

"Sige." at  umupo ako sa bench habang hinihintay si Stefan.

"Halika na." at pumasok na kami sa sinehan.

Romance ang movie na pinapanuod namin. 

Ang baduy pala talaga nitong si Stefan.

Ilang minuto ang lumipas nakaramdam ako ng ginaw.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Oo, giniginaw lang ako ng kaunti." sagot ko.

"Oh heto." at inabot sa akin ang jacket niya.

"Sure ka ba?" tanong ko.

"Oo. Sige na."

"Thaaanks." pasasalamat ko.

"Saan tayo pagkatapos nito?" narinig ko ang pag-uusap ng magkasintahan na nasa harapan namin.

Pero sa tono ng pagsasalita nung lalake, parang bored na rin ito.

"Kumain muna tayo." sagot ng babae.

Walang nagawa ang lalaki kundi panoorin nalang ulit ang palabas.

Natawa nalang ako. Natawa nalang ako kay Lucas.

Ayaw nga talaga niya ng mga ganitong bagay.

Oo, si Lucas at Nicole ang tinutukoy ko kaninang magkasintahan.

Sila ang nasa harapan namin ni Stefan.

At dahil sa concentrate si Stefan sa pinapanuod niya, hindi na niya ito napansin.

° ° ° ° ° ° °

"Ang ganda nung palabas." sabi ni Stefan. 

Natapos na kase at lumabas na kami.

"Kumain na tayo." sabi niya.

"Sige." sagot ko naman.

Pumasok kami sa isang Italian na restaurant. 

Kung saan kami kumain ni Lucas noon.

"Wait." pinigilan ko siya.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya.

"Kung ang gagastuhin ko ang pinoproblema mo, okay lang." alam ko naman na may malaking allowance itong si Stefan mula sa mga foster parents niya noon dun.

Pero hindi yun ang inaalala ko.

Kundi dahil nandun rin kase sina Nicole at Lucas.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.Chapter 18 ✍ - Unexpected Company

Date Published: June 3, 2014 

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...