Good Boy's Dilemma

By LenaBuncaras

12.3K 920 112

Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang d... More

Good Boy's Dilemma
Chapter 1: Criminal Minds
Chapter 2: Manipulative, Sad Girl
Chapter 3: Pa-Victim
Chapter 4: Step One
Chapter 5: Killjoy
Chapter 6: Wellborn
Chapter 7: Lock
Chapter 8: Endless Sighs
Chapter 9: Class
Chapter 11: Your Love
Chapter 12: Hallucinations
Chapter 13: Normal
Chapter 14: Dark Clouds
Chapter 15: Nightmares
Epilogue

Chapter 10: Missed

514 53 1
By LenaBuncaras


Umuulan.

Sinabi ni Divine na ayaw nito sa ulan dahil nakaka-trigger iyon ng past trauma nito. Maraming beses nang umulan noong hindi pa nagkakasama ang mag-asawa, at iyon ang unang beses na magkasama silang dalawa sa unang ulan mula nang magpasukan.

Nasa blangkong room pa rin sila na iniwan ng mga second year BA students. Magkaharap sila sa teacher's table habang nagpapatulong si Eugene na mag-check ng papel mula sa quiz niya para sa mga third year na ka-batch ni Divine.

Nakabukas ang bintana, nakapatay ang mga air con. Binabantayan ni Eugene kung kailan titila ang ulan para makababa na silang dalawa. Wala pa naman siyang dalang payong papunta sa building dahil hindi naman umuulan nitong umaga pagpasok niya.

"'Musta pakiramdam mo, Mine?" tanong niya habang bahagyang yumuyuko para silipin ang mukha nito. "Masakit pa rin ba katawan mo?"

"Alam mong hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano kapag nakakainom ako ng gamot, di ba?" sagot ni Divine habang tutok sa answer sheet at sa papel na tsine-check-an. "Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa 'yo 'yan?"

"Sabi ko nga po. Nagtatanong lang naman para sure." Napanguso na lang si Eugene at natuon na lang ang atensiyon sa scratch paper niyang may drowing na ng asawa niyang nakayuko at naka-focus sa pinatse-check-an niya. Green pen pang pan-check ng quiz ang gamit niya sa paggawa ng sketch dito at kitang-kita kung kanino siya nagmana ng talent sa pag-illustrate.

Nilingon na naman ni Eugene ang bintana at nakitang maulan pa rin. Hindi nagbabago ang lakas ng pagbagsak ng ulan. Sinilip niya ang relo, alas-dose pasado na.

"Gutom ka na, Mine?" tanong na naman niya.

"Hindi pa."

Ang kaso, gutom na siya. Pero maulan pa rin kaya wala rin siyang magagawa kundi magpatila ng ulan o iwan doon ang asawa niya para lang makakuha siya ng payong sa kotse.

Natahimik na naman silang dalawa. Nagpatuloy sa pag-check ng quiz papers si Divine. Itinuloy lang ni Eugene ang pagdrowing sa asawa niyang inaabala ang sarili sa pag-check ng quiz papers na siya dapat ang gumagawa.

"Naaalala mo pa yung ginawa natin kahapon sa room ko,

Mine?" nakangusong tanong ni Eugene at numakaw ng sulyap sa asawa niya saka nag-ilag ng tingin.

"Uminom lang ako ng gamot, hindi ako nagka-amnesia."

"Ay." Nanulis na naman ang nguso ni Eugene at nanghinayang. Akala pa naman niya, nakalimutan na iyon ng asawa niya. "Last ko na 'yon. Hindi ko na 'yon uulitin."

"May sinabi ba 'kong ulitin mo?"

"Hindi naman. Ano lang, just in case lang na i-request mo ulit."

Mula sa pagkakayuko, umangat ang mga mata ni Divine para lang tingnan siya nang masama.

"I'm just saying lang naman," depensa niya nang makita ang paninitig nito nang matalim sa kanya. "Kasi baka after mawala ng effect ng gamot, biglang magbalik ang kidnapping trips mo, you know?"

"You're supposed to stop me from doing anything stupid, right?" sermon ni Divine sa kanya.

"E, umiiyak ka nga kasi."

"Lahat naman iniiyakan ko kapag nasa mood akong umiyak. Kung iyakan kita, hayaan mo 'kong umiyak. Hindi 'yang sasakay ka pa sa kung ano-anong inuutos ko sa 'yo."

Napahinto agad si Eugene sa pagdodrowing at kunot-noong nginiwian ang asawa niyang ang daming demand araw-araw. Ito nga ang nag-utos sa kanya tapos sasabihin nitong huwag siya nitong sundin.

Tinulungan na lang niya ulit itong mag-check ng mga quiz. Ayaw pa ring huminto sa pag-ulan at lalo pang lumalakas habang umaandar ang oras.

"Sabi mo, hindi ka naman nagka-amnesia," nakangusong sabi ni Eugene at sinulyapan na naman ang asawa niyang seryoso lang sa ginagawa nito.

"Hmm, so?"

"Bagay ba sa 'kin maging bad boy?" nakangiting tanong ni Eugene, parang batang may nagawang kakaiba at gustong magmalaki.

"Hindi."

"Ay." Napanguso na naman siya at nadismaya sa seryoso at walang kalatoy-latoy na hindi ng asawa niya.

"Hindi bagay sa 'yong mag-dirty talk. Para kang tanga," sabi pa ni Divine at binuksan na nito ang tablet na dala ni Eugene.

"Nag-attempt lang naman ako. Sinunod ko lang naman yung dialogue ng author. Sabi mo, gusto mo 'yon, e."

"Hindi pa rin bagay sa 'yo."

"Mas bagay ba sa 'king mag-sweet talk?" nakangiti ulit na tanong ni Eugene.

"Bagay sa 'yong manahimik na lang."

"Ay, grabe naman!" Napasapo agad ng dibdib niya si Eugene dahil sa sinabi ng asawa niya. "Sabi mo, ayaw mo ng hindi maingay. Tapos gusto mo akong tahimik? Hindi ko na alam kung saan ako pupuwesto, Mine, promise."

"Just shut up. I'm done with the papers. Saan ba rito yung scoresheets mo?" tanong ni Divine habang kinakalkal ang spreadsheet application sa tablet ni Eugene.

"Ang hirap namang magpa-cute sa 'yo kapag ganito ka. Pero okay lang, may two hours pa naman bago mag-subside ang effect ng gamot," parinig ni Eugene at siya na ang nagclick sa records niya para sa mga pan-third year niyang courses. "Dito yung sa FinMan. Paki-check na lang ng tabs sa ibaba, baka sa iba malagay ang scores." Inipon niya agad ang mga papel na may score na para siya ang mag-dictate kay Divine ng ita-type nito sa record.

Napalingon siya sa may pinto nang makarinig doon ng katok. "Sir Gene."

"Ay, yes, Ma'am Tine?" bati niya sa kumatok doon.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong nito sabay lipat ng tingin kay Divine na tutok sa tablet na hawak nito.

"Tapusin lang namin 'tong pag-check ng quiz ko, ma'am. Malakas pa naman ang ulan, wala akong dalawang payong."

Itinuro niya ang ibaba. "May gagamit ba ng room?"

Umiling ang ginang na kausap. "Wala nga, kaya ako nagtatanong kasi baka naiwang bukas ang air con."

"Na-turn off ko na, ma'am, kanina. Malamig naman, e."

"Sige, dadaan naman ang utility mamaya. Nag-check lang ako ng rooms. Lipat na 'ko sa kabila."

"No problem, Ma'am Tine. Alis din kami agad after this."

Pag-alis ng supervisor na laging nagtse-check ng rooms araw-araw, bumalik na ang atensiyon ni Eugene kay Divine na kanina pa pala naghahatak ng papel sa kamay niya at ito na ang nagbabasa ng scores para i-encode sa record.

"Ako na, Mine. I-type mo na lang yung score," alok niya at binasa na isa-isa ang apelyido ng mga estudyante niya.

Bilang sa kamay ang nakakaalam na asawa niya si Divine sa LNU. Wala ito sa enrollee's list niya kaya laking gulat niya nang makita ito sa unang araw nila ng klase. Ang date of enrollment na nakalagay sa registration form nito ay Sabado lang bago ang unang Lunes ng pasukan. Hindi naman sa ayaw niya ang asawa niyang naroon sa klase niya, pero ayaw lang niyang magkaroon ng conflict dahil estudyante niya ito at magasawa sila.

Pero nai-forward na niya ang concern sa dean ng CBA, sa school president, maging sa Board of Directors (BOD) ng university dahil ayaw niya ng issue. Ang problema nga lang niya, ayaw nang paalisin ng BOD si Divine sa university dahil nanghihinayang sila sa inilatag nitong proposals na galing sa mga Lee. Dalawang buwan na lang, simula na ng intramural at inihahanda na raw ang pagtatayo ng booth sa university na sponsored ng telecommunication company ng mga Lee. Nag-offer pa nga raw ito ng dalawa pang booth na sponsored ng mga Dardenne na mamimigay ng libreng drinks at pagkain sa

mga estudyante. Ultimo ang pag-sponsor ng computers at latest devices, maging ang pag-upgrade ng computer laboratories ay naipasa na nito sa admin office at napagmi-meeting-an na rin.

Hindi na lang siya nagsalita. Tingin kasi niya ay wala na ring magagawa ang kahit anong sabihin niya. Kapag pinalayas niya si Divine sa LNU, baka mauna pa siyang palayasin ng LNU kaysa sa asawa niya. Professor lang naman siya roon. Malamang na pipiliin pa rin ng school ang sponsors kaysa sa kanya na suwelduhan lang.

Hindi na rin siya nagtataka kung bakit ang lakas ng loob ni Divine na dumayo sa Office of the President ng university at magreklamo tungkol sa mga kasama niyang professor na hindi nito gusto ang paraan ng pagtuturo.

Basta ang paalala lang sa kanila ng school administrators, gaya ng nasa handbook, bawal ang public display of affection at anything related to sexual excess. Duda rin siyang magagawa niya iyon sa loob ng school premise dahil aasarin lang din siya ng mga estudyante niya. Iyon pa nga lang na wala pa siyang love life, katakot-takot na pang-aasar na ang natatamo niya, paano pa kaya kung malaman ng mga ito na kasal na siya?

Bahagyang tumigil ang malakas na ulan pagdating ng alauna ng hapon, pero may ambon pa rin. Ilalabas na sana niya si Divine para sana samahan itong mag-lunch, pero sa lobby pa lang ng CBA building, nakaabang na si Miss Van. Nakabantay naman sa labas katabi ng guard ang isa sa mga security aide ng mga Lee, dala nito ang dalawang payong. Nakita tuloy sa mukha niya ang panghihinayang dahil mukhang may ibang pupuntahan pa ang asawa niya at hindi siya masasamahan sa pananghalian.

"Vanessa," bati ni Divine at sinalubong ang secretary nito.

Ang dami pang nakatambay na estudyante sa lobby at sa labas ng building na nakasilong pa rin habang naghihintay kahit pa maambon na lang.

"Sasabay siya kay Sir Jun," balita ni Miss Van kay Eugene at pagkakuha nito ng shoulder bag ni Divine, walang paalam na umalis ang asawa niya. Hindi na rin siya nagpaalam dahil ang daming estudyante roon.

Pinanood na lang niya ang asawa niyang salubungin ng security nito at payungan kahit nasa ilalim pa lang ng building.

Naglakad pa siya palabas para habulin ito ng tingin at para din tumungo sa parking lot sa gilid kung nasaan ang sasakyan niya.

Nakaabang na sa building ang cream-colored luxury limousine na nakabukas. Walang tao sa loob pero may driver nang nakabantay roon sa pinto at may hawak na payong.

Kitang-kita niya kung gaano ka-VIP ang asawa niyang pinagtitinginan din ng ibang estudyante roon.

Pinauna na ito ni Miss Van sa pagsakay bago ito tinabihan. Driver na ang nagsara ng sliding door ng van at sumakay na rin sa shotgun seat ang security aide nito sunod ang driver.

Hinintay pa muna niyang makaalis ang sasakyan bago siya tumungo sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.

Hindi siya inimbita ng father-in-law niya pero tumawag na rin siya para magbakasakali—baka lang puwede siyang makisabay sa lunch kasama ang asawa niya. Isinuot niya ang Bluetooth earpiece at nakangiting bumati.

"Hi, Pa," naiilang na sabi niya rito at nagmaneho na paalis ng school.

"Eugene. Nakauwi ka na?"

"Hindi pa po. Sabay kaming lumabas ni Divine. Sinundo po siya ni Miss Van, sabi may lunch daw kayo. Um, puwede po akong sumabay?"

Narinig niya ang saglit na pagtawa sa kabilang linya.

"Hindi ka ba busy? Nandito kami sa Nuvali. Mamamasyal kami kasama ng mga lola niya. Puwede ka namang humabol."

Kasama ng mga lola. Parang gusto na niyang bawiin ang alok na sumabay sa mga ito. Alam na niyang mahaba-habang interview na naman ang magaganap kapag tumuloy siya.

"Sa Nuvali pa pala, Pa. Akala ko, malapit lang. Sorry po, baka hindi ako makatuloy. Mag-e-encode pa kasi ako ng grades. May office na rin ako bukas."

"No, it's okay. I understand. Kaya rin hindi ko na sinabi sa 'yo. Uuwi naman siya mamaya for dinner."

"Okay po, Pa. Wait ko na lang siya sa unit ko. Thank you!"

Sayang, aayain pa naman sana niya ang asawa sa sinasabing steakhouse ni Georgie. Mukhang sa ibang araw pa niya magagawa iyon dahil isa lang ang subject niya bukas at may office na siya sa GS Agencia. Nag-text na lang siya sa asawa niya.

Eat well sa lunch, Mine. Enjoy ka dyan.
See you later sa bahay. I love you.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
297K 9.7K 29
Serendipity Series #2: Serenity /sɪˈrɛnɪti/ noun the state of being calm, peaceful, and untroubled. Miguel Lucas Monteclaro has it all. Being the fro...
28.5K 816 49
[#1] Anka Bernadette Dela Merced is not a stranger of excellence. She planned her whole life ahead of her - knew exactly where she wants to be and wh...
100K 5.1K 31
Porcia Era Hart x Chrisen