South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.6M 337K 213K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 70

90.1K 4.7K 2.3K
By JFstories

MERONG MGA TAONG HINDI SIGURO MAKAKAINTINDI. Merong mga tao na patuloy na may masasabi. Pero sila na iyon. Nasa kanila na iyon. 


Sabay na kaming bumalik ni Sussie sa sala ng bahay nila. Parehong may ngiti sa mga labi at magaan ang loob. Si Carlyn naman ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin. Pareho lang naman naming nginitian ang babae.


Wala na pala rito sa sala iyong iba nilang kaibigan. Ang mga babae at mga bata ay magkakasama na raw sa guestroom, ang mga lalaki naman ay kanya-kanya naman dito sa sala ng puwesto. Si Miko ay nasa sahig pa rin nakasubsob, habang sina Isaiah at Asher ay nagsisiksikan sa sofa, mga wala ng malay tao.


Sinalubong si Sussie ni Arkanghel, na tanging natitirang gising, pero mukhang lasing na lasing na rin. Hinaplos ni Sussie ang pisngi ng asawa. "Antok ka na?"


"Hmn," ungol na lang ang sagot ni Arkanghel. Mukhang gusto na ring matulog, pero hinihintay siya.


May humaplos na mainit sa puso ko nang masaksihan kung paano nila titigan ang isa't isa. Mahigit tatlong taon na silang kasal pero kung titingnan sila ay para bang kahapon lang.


Nagising lang ang diwa ko nang tumili si Shasha. Karga-karga ito ni Tita Tess. Kabababa lang mula sa hagdan. Ayaw nitong bitiwan ang sabu-sabunot na buhok ni Hyde. Ayaw nitong pauwiin ang batang lalaki. Panay ang hikbi nito. "Hahy, no! Plish down't leave Shasha!"


Sinasaway ni Arkanghel ang anak pero ayaw talagang papigil ng batang mataba. Nagkakawag ito. Kinarga na ito ng lalaki para aluin, dahil mukhang nag-aantok na kaya tinotopak. "Baby, Kuya Hyde needs to go home now. Let's just invite them again next time, all right?"


Si Mara na karga ni Kuya Jordan ay may topak na rin. Nang-aabot ang kamay nito. "No! Hahy is mine! He's my toy, not youwrs! They are all mine!" Nagbilang pa sa mga maliliit na daliri ang batang babae. "Hahy mine, Matmat mine, and Vieny mine! All mineeee! Blehhh!"


Doon na lalong umatungal si Shasha. Pulang-pula na ang matambok na pisngi nito sa pag-iyak, kaya doon na ako lumapit. "Hi, baby girl. Uuwi na kami ni Kuya Hyde, but I promise you that we will come back."


Ngumuso si Shasha at itinuro ng munting daliri ang aking tiyan. "Owkay, but bring youwr baby, too! Promish me!"


"Sure." Matamis na nginitian ko ito. "Kapag lumabas na ito, palakihin muna natin nang kaunti, 'tapos puwede mo na ring gawing horse mo. Okay ba iyon?"


Nagningning ang mga mata ng batang babae. Tila natuwa sa aking sinabi. Hinalikan ko na ito sa pisngi, at nagpaalam na kami na uuwi.


Bago rin umuwi ay nagbati rin agad ang dalawang batang babae dahil pinagalitan ni Carlyn. Nangako ang mga ito sa isa't isa na mag-sh-share na ng mga horses para walang away.


Umalis kami sa bahay ng mga Wolfgang na magaan ang pakiramdam. Sa bahay ay pumasok si Hyde sa kuwarto ko. Naabutan ako ng bata na tulala habang nakaupo sa kama.


Naupo ito sa tabi ko. "Mommy, are you sad because Shasha wants me to be her horse?"


Napangiti ako at nagpunas ng luha. "No, baby. I am not sad..." Hinaplos ko ang mukha niya. "Masaya ako kasi kahit kabayo ang tingin sa 'yo ni Shasha at ng pinsan mo, mahal na mahal ka ng daddy mo."


Napabungisngis na si Hyde. "I love Daddy, too. And I love you, too!"



FIRST HEARING. Hindi natuloy dahil hinimatay si Dessy. Kailangan daw nito ng blood transfusion dahil sa anemia. May problema rin ang babae sa sikmura nito, dahil daw sa trauma na dala ng ginawang pananakit dito ni Hugo. 


Dahil tinuloy na namin ang kaso kay Dessy, ay itinuloy na rin nito ang kaso laban kay Hugo. Malaking bail amount din ang nilabas nina Daddy Manuel noong nakaraan. Nagpapasalamat na lang talaga ako at naawat si Hugo, dahil kung nabaril talaga niya noon si Dessy, ay tiyak na makukulong agad siya. Mas hindi kakayanin ni Hyde kapag nakapatay siya at makukulong pa.


Pagkasara ko ng pinto ng aking kuwarto ay saka lang ako nagbukas ulit ng phone. Napakaingay sa social media. Trending ang kaso ngayon laban sa isang sikat na vlogger. Hati pa rin ang pinapanigan ng mga tao, at mas marami ang gusto lang makigulo.


May mga fans pa rin si Dessy na hindi naniniwala na magagawa ng idol nila ang demanda namin. Hinahanap na naman tuloy ng mga netizens kung sino ang batang involved. Isa pa iyon sa mga dahilan kaya pinanghinaan kami ng loob noon. Parang circus sa social media ang kaso, at si Hyde ang pinaka-apektado. Dahil tuloy roon, ay hindi na muna matutuloy sa pagbalik-school ang bata sa sunod na taon. Magho-homeschool muna ito hanggang sa makalimot ang mga tao.


May mga nampo-provoke sa amin na ilabas sa social media ang mga ebidensiya, pero hindi namin iyon gagawin. Para lamang iyon sa korte. There was no way we were going to release the evidences to the public, especially Hyde and Dessy's sensitive conversations and videos. We didn't have to please the netizens at the expense of Hyde. Hanggang sa huli ay poprotektahan namin ang bata, kahit pa ang kapalit ay kasiraan naming lahat.


Kahapon ay si Hugo ang mainit sa social media, ngayon naman ay ako na. May mga naglabasang bagong article tungkol sa akin. Na gawa-gawa ko lang talaga ang lahat, dahil close si Dessy sa anak ko, at nagseselos lang daw ako. Natatakot lang daw ako na maagawan ng pamilya, dahil may gusto raw si Hugo kay Dessy. I had no idea where did they get that.


Meron pang mga naglabasang dummy account, mga naging kaklase raw namin noong high school. Kilala raw si Hugo na patapon at basagulero, na naka-graduate lang daw dahil mayaman ang tatay. Sinuhulan lang daw ang mga teachers. Dagdag pa na ang nanay ay isa raw kunsintidorang teacher din. Pati ang mga biyenan ko ay damay na rin ngayon sa circus sa social media.


Ako naman ay pinangalanan na rin. Ang kuwento pa na kumakalat, boyfriend daw talaga ni Dessy noon si Hugo, pero inagaw ko. Kaya galit sa akin ang mga tao, dahil naturingan akong best friend ni Dessy, pero ahas ako. Marami pa silang sinabi na masasama sa akin. Na two-faced ako, bait-baitan, pero malandi. Takot daw ako sa sariling multo.


May mga schoolmates din ako na nagulat nang malamang naanakan ako ni Hugo. Na maaga akong nabuntis. Disappointed sila, and at the same time, hindi makapaniwala. Hindi raw pala totoo na mahinhin ako at matino. Nasa loob daw ang aking kulo. 


Kahit din si Mommy ay kinukuwestiyon ng mga tao ang kredibilidad bilang dating guro. Pati sina Kuya Jordan at Carlyn ay nadamay na rin. Hanga pa naman daw sila sa pamilya namin, pero ang mga anak daw pala nina Mommy at Daddy ay nasa loob ang kulo.


"Everything will be okay," iyon ang palaging sinasabi sa amin nina Daddy at Kuya Jordan. Na lilipas din ang lahat ng ito.


Hindi raw dapat pansinin ang mga kumakalat sa social media. Alam namin ang totoo kaya hindi kami dapat magpaapekto. Ang importante ay wag kaming panghihinaan ng loob kahit anong mangyari. Ilalaban namin ang katarungan para kay Hyde hanggang sa huli.


Nag-deactivate na ulit ako ng social media pagkatapos tingnan ang mga trending articles. May huma-hack sa account ko, kaya hindi ko ito bibigyan ng kasiyahan. Kahit pa wala rin naman itong mapapala sa aking account.


Nag-beep ang notification ko sa Viber kaya doon ako sumunod na pumunta. Isang bagong GC ang bagong makikita roon. 'The Scammers Quad 2.0' ang pangalan, and I was a newly added member. Napangiti ako nang buksan iyon.


Arkanghel W: [Sent a link]


Sumunod ay chat ng asawa nito na si Sussie.


Sussie W: Hi, Jill! Mada-down na ngayong gabi lahat ng false articles laban sa iyong buong pamilya. Pinapahanap na rin ni Arkanghel iyong mga hacker. Pls. wag ka na masyadong mag-alala kasi baka makasama sa baby. Pupuntahan din namin ngayon si Hugo para sabihin sa kanya.


Hindi lang mayaman ang mga Wolfgang, marami ding koneksyon, lalo ang daddy ni Arkanghel. Nangako ito sa amin na tutulong.


Other GC members also sent me encouraging words. They were all reassuring me that everything would be fine in the end. Para pa rin akong nakalutang habang binabasa ang mga messages. Hindi ko akalain na sa isang iglap, nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa katauhan nila.



BUT HOW ABOUT HUGO?


Okay na ba si Hugo? Sa pagkakataong ito ay nag-iisa ang lalaki. Bukod sa kaso niya na isinampa ni Dessy sa kanya, malamang din na alam niya na ang nangyaring kaguluhan sa social media. Alam na rin niya na nadamay na pati mga magulang namin.


Nakapag-usap na ba ulit sila ng mommy niya? Alam na rin kasi ng mommy niya ang sekreto niya, nagkaayos na ba sila tungkol sa bagay na iyon? Kumusta siya? Okay lang ba siya?


Ang huli pa naming paghaharap ni Hugo ay noon pang nakaraan sa presinto. Hindi pa siya okay, pero sinikap niyang pumunta. Pagkatapos niyon, wala na akong balita sa kanya.


Kahit ang mommy niya na si Mrs. Aguilar ay walang paramdam pagkatapos ng nangyari noong nakaraan. Hindi puwedeng hindi ako mag-alala dahil pamilya ko pa rin sila. I sent a text message to Mommy Norma. Nangumusta ako at humingi na rin ng pasensiya. 


Nakatanggap din agad ako ng reply sa aking babaeng biyenan. Okay lang naman daw ito at si Daddy Manuel. Lalo raw ito, matapang daw ito kaya wag ko raw itong alalahanin. Ang intindihin ko raw ay si Hyde at ang aking pinagbubuntis.


Sa pagkaalis ng mga article sa social media, medyo humupa na ang issue. Napangalanan na rin ang hacker na isa palang die-hard fan ni Dessy. Nasampahan na ito ng kasong defamation. Dahil doon ay natakot na ang iba na makigulo pa.


May madidilim talaga na mga araw, pero lahat ay mag katapusan din. Naniniwala ako na pasasaan ba't lahat ng ito ay malalampasan din namin.



DADDY'S BLADE KNIFE WAS STILL MISSING.


Paborito ni Daddy iyon, dahil regalo pa raw ng aming lolo. Para hindi na malungkot di Daddy, noong sumuweldo ako sa online job ay ibinili ko ito ng bago. Natuwa naman ito. "Thank you, my princess." Hinalikan ako ni Daddy sa noo. "For always being sweet and thoughtful daughter."


"Ako pumili niyan, Daddy!" sabat naman ni Carlyn sa likod ko. Kasama ko nga pala ito na namili ng knife blade sa online.


"Oh, oo nga pala, I have another sweet and thoughtful daughter here!" Kinawayan ni Daddy si Carlyn para palapitin.


Yumakap din si Carlyn kay Daddy, na agad ding napalayo dahil hinila ito ng anak na si Mara. Pati ako ay hinila rin. "That's my grandpa!" matinis na tili ng batang selosa.


Natatawang kinarga naman ni Daddy ang apo. "And of course, here's my little angel."


Mahinang pinitik ni Carlyn ang noo ng anak, at yumakap ulit kay Daddy. Yumakap din ulit ako, hanggang sa mainggit na rin sina Mommy at Hyde, nakiyakap na rin sa amin. Right, no storm would be strong enough to break this family as long as we had each other's back.



PAGKATAPOS KO SA AKING ONLINE MEETING, inasikaso ko na sa pagtulog si Hyde. Dati ay ayaw nito nang ganito, dahil malaki na raw ito, pero ngayon ay pumapayag na ulit. Bumalik na talaga ang pagiging open nito sa akin.


"Mommy, can I ask about her?"


'Her'. Hindi na binabanggit pa ni Hyde ang pangalan ni Dessy.


"All right, Hyde," sagot ko. I didn't want to give him the impression that we were keeping something from him, just because he was still a child. Gusto naming maramdaman nito na may tiwala kami rito, upang magtiwala rin ito sa amin.


"Uhm, then what will happen to her po?" tanong nito.


"She'll have to face the consequences of her wrongdoings." Hinaplos ko ang noo ng bata. "Di ba ganoon naman iyon? Kapag may ginawa kang hindi tama, malaki man o maliit, dapat lang na harapin mo ang kapalit."


"Okay." Matamis na ngumiti sa akin si Hyde.


"Are you really okay with this, baby?" Hindi pa rin kasi ako mapalagay na okay na rito agad-agad, na nagbago na ito ng gusto, at wala na lang dito kahit makulong pa si Dessy.


Matamis pa rin ang ngiti ni Hyde sa akin. "Yes, I'm okay! So please stop worrying, Mommy! I love you!"


Ngumiti na ako. "I love you, baby."


Hinaplos nito ang ang aking tiyan. "Mommy, paglabas po ni baby, kakausapin ko siya na dapat hindi siya pasaway sa inyo ni Daddy. Gusto ko po kayo na palaging happy ang healthy."


Tumango ako. Hinintay ko si Hyde na makatulog bago ako tumayo. Masyado talaga itong malalim na bata. Pero ang importante ay wala na itong reklamo. Hindi pa rin ako mapalagay, pero panghahawakan ko ang mga ngiti nito. Siguro tama si Hugo, nakatulong ang counselling at ang suporta namin dito.



HOW WAS I DOING?


Ang dami-daming nangyari, pero nandito pa rin ako. Sa kabila ng mga ibinabatong salita ng mga taong hindi naman ako kilala, matatag pa rin ako, kasama ng mga tunay na taong kilala ako, ang aking pamilya.


There was nothing wrong with choosing yourself sometimes. Ang pagpapahinga kapag pagod ka na, kapag napupuno ka na, at kapag pakiramdam mo ay sasabog ka na. Wala roong masama.


I didn't regret taking a rest as I was able to protect my health, keep my mental balance, and most importantly, heal from all of my anxiety and insecurities. Buo na ako, mas buo ko na ring magagawang mahalin ang mga tao sa paligid ko. Lalo ang mga anak ko.


Masaya ako bilang ina ni Hyde at ng parating ko pang baby. And as for me being Hugo Emmanuel Aguilar's wife, the only thing that had changed was that we were no longer together. Pero iyong pagiging asawa niya, sa batas, sa mata ng Diyos, at sa mga saksi, hindi naman iyon basta nabura dahil lang sa wala na ako sa poder niya.


Napagod ako, nagpahinga, nasaktan, nagpahilom, at sa lahat ng iyon ay hindi ako sinukuan ni Hugo ni minsan. He was still waiting for me all this time.


Mahirap na ignorahin ang pagsisikap ni Hugo na mabuo ulit ang pamilya namin. He was not perfect, but he was trying. So, tell me? How could I totally move on from that kind of man?


Sa mga araw at linggo na nagdaan ay nakapagpahinga ang puso at isip ko. Ngayon ay parang biglang mga nabuhayan at nagsisimula na namang magpagod. Siguro dahil hindi puwede na puro lang pahinga, kasi dapat ay balanse. But of course, may exemption, iyong mga bagay na worth it ikapagod.


O dahil ito talaga ang buhay ko. Ang magpagod sa kakaisip kung anong ginagawa ngayon ni Hugo? Kung nasaan siya ngayon? Sino ang kausap at kasama niya? At kung okay lang ba siya...


Three days and two nights. Pasimple akong nakikibalita kung ano na ang nangyayari kay Hugo. And during those times my chest was always pounding. Now I could no longer deny the truth...


Lumapit ako sa telepono sa sala. Dinampot ko iyon at nag-dial ng number na aking kabisado. Sandaling ring lang, at aking narinig na ang isang bahagyang paos na baritonong boses sa kabilang linya. Boses na ilang araw ko nang hindi naririnig. [ Hello? ]


Ngumiti ako kahit hindi siya nakikita. "Hugo, this is Jillian. Pumunta ka rito, mag-uusap tayo."


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 256K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
179K 710 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...