Good Boy's Dilemma

By LenaBuncaras

12.5K 932 112

Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang d... More

Good Boy's Dilemma
Chapter 1: Criminal Minds
Chapter 2: Manipulative, Sad Girl
Chapter 3: Pa-Victim
Chapter 4: Step One
Chapter 5: Killjoy
Chapter 7: Lock
Chapter 8: Endless Sighs
Chapter 9: Class
Chapter 10: Missed
Chapter 11: Your Love
Chapter 12: Hallucinations
Chapter 13: Normal
Chapter 14: Dark Clouds
Chapter 15: Nightmares
Epilogue

Chapter 6: Wellborn

476 48 2
By LenaBuncaras


"Ano ba 'yang itsura mo, Kuya?"

Bored na bored ang tingin ni Eugene kay Luan nang makatapak sila sa bahay ng mga Scott. Naabutan pa naman siya nitong naka-black tank top na pang-gym na ipinares sa denim jacket at jeans kahit sobrang init sa tanghaling iyon.

Nakasampay sa balikat niya ang belt ng M16 toy rifle habang bitbit niya sa isang kamay ang paper bag na laman ang pasalubong nila para kay LA.

"Sa 'yo talaga galing 'yang question?" hamon din ni Eugene sa kapatid. May dalawang maliit na parte kasi ang buhok ni Luan na tinalian ng cute hair scrunchie na may strawberry na palawit. Namumutok din ang pagkapula sa pisngi nito na halatang ginawang canvas ng kung kaninong makeup—kung kay Ikay o sa mama nila, hindi na siya sigurado. Basta ang alam niya, may nag-makeup sa kapatid niyang sigurado na siyang si LA dahil binarubal talaga ang maputing pisngi ng lalaki. Ultimo ang mga daliri nito, may mga sticker sa bawat kuko na iba't iba ang design.

"I have a daughter, what do you expect?" ganti ni Luan. "Ang baduy ng damit mo, ano ba 'yan? Si Divine yung nagbihis sa 'yo, 'no?"

Umikot lang ang mga mata ni Eugene doon, at kahit hindi na siya sumagot, alam na ni Luan ang sasabihin niya bago pa ito magtanong. Kilala naman siya nito na mapili sa damit at hindi lumalabas nang hindi naaayon ang damit sa okasyon.

"Saan asawa mo?" naiiritang tanong ni Luan.

"Nasa office, kukumustahin daw muna si Dada," walang ganang sagot ni Eugene.

Noong nakaraan, malinis pa ang sala nila nang makapunta siya dahil may cleaning daw. Ngayon, mukhang tapos na ang cleaning kaya may nakahambalang na bear bed doon sa sala.

Hindi iyon ganoon kalaki na kasya ang mga gaya niya. Sapat lang ang lapad para sa bata at para hindi sakupin nang buo ang sala nila. Halos kalahati lang ng single bed ang laki, parang pinagdikit na sofa nila sa sala. Sinubukan niyang maupo roon at humiga pero hanggang baywang lang niya ang inabot ng buong higaan.

"Ang comfy naman dito," sabi niya kay Luan na nagtitimpla ng gatas para sa anak nito. Kinapa-kapa pa niya ang fur ng kama dahil sobrang lambot at nakakawala ng pagod at stress kahit saglit pa lang siya roon. "Magkano bili ni Dada sa ganitong bed?"

"Pina-customize 'yan ni Ninong Clark sa manufacturer. Why? Pagagawan mo asawa mo?"

Balak sanang sabihin ni Eugene na pagagawan niya ang sarili niya, pero malamang na hindi sanay ang kapatid niya na siya ang humihiling ng mga cute na bagay sa kahit kanino man.

"Papagawa ako para sa 'min ni Divine," sabi na lang niya.

"Trust me, don't ever try," suggestion ni Luan. "Muntik na 'kong ma-late sa pagsundo kay Ikay because of that bed."

"Hahaha! Nakatulog ka ba?" natatawang tanong ni Eugene at saglit na bumangon para alisin ang suot niyang laruang baril at denim jacket. "Good heaven . . ." Ang lapad ng ngiti niya nang lalong maramdaman ng balat ang lambot ng fur ng higaan ni LA. Niyakap pa niya ang toy shark na nakatambak sa iba pang plushie roon at saka siya pumikit.

"You just fell into that bed's trap, Kuya," paalala ni Luan, tangay-tangay ang brown bottle na may tainga ng bear sa magkabilang hawakan at may nakalabas na straw sa maliit na butas ng takip nito. "Magtatawag na 'ko ng gigising sa 'yo."

Sumenyas na lang si Eugene na lumayas na si Luan dahil kung ano-ano pa ang sinasabi.

Hindi itatanggi ni Eugene na sobrang gaan sa pakiramdam ng kama ng pamangkin niya. Palalim pa lang ang tulog niya nang biglang may nagbagsak ng pinto sa sala at saka siya gulat na napadilat.

"Tito Jijiiin!" hiyaw ni LA at kumaripas agad ng takbo sabay dagan sa dibdib ng tito niya.

"Aw!" Napangiwi na lang si Eugene nang bagsakan siya ng katawan ng pamangkin niya. Kinurot agad nito ang magkabilang pisngi niya habang tinatawanan siya nito.

"Tito Jijin, si Daddy bili niya 'ko bago wed dwess."

Napatingin agad si Eugene sa suot ng pamangkin niya.

"Binilhan ka ni Daddy ng bagong red dress?"

"Opo! Ta's pupunta kami sa Father!"

"Pupunta kayo sa Father?" Alam na agad niyang nauna nang magsimba ang pamilya ni Luan kapag iyon na ang bukambibig ng pamangkin niya.

Pagbangon ni Eugene at pag-upo sa bear bed, mas malaki pa rin siya kay LA kahit nakatayo na ito. Tiningnan niya ang suot nito para purihin. Maraming ruffles ang damit ni LA lalo sa manggas at laylayan. Parang damit ng fairy pero kulay pula. May headband din ang bata na may cherry print.

"Ang cute-cute naman ng baby ko," sabi niya at hinawakan si LA sa kamay para paikutin nang dahan-dahan. "Tingin si Tito ng dress."

Humahagikgik namang umikot si LA habang nakaalalay ang kamay ng tito niya sa kanya.

"Ang pretty naman ng baby namin na 'yan . . ." papuri ni Eugene at saka pumalakpak pagharap ulit sa kanya ni LA.

"Tito Jijin, mi-miss mo ako?" inosenteng tanong ni LA.

"Of course, baby. Miss ka lagi ni Tito Jijin." Gusto pa sana niyang matulog sa kama nito pero binuhat na niya ang pamangkin.

Takip-takip ni LA ang bibig nang matawa na naman habang karga siya ng tito niya. Bumulong pa siya kay Eugene kahit malakas naman. "Tito Jijin, bili mo 'ko donut na pink."

Natawa tuloy si Eugene at pinaulanan ng halik sa pisngi ang pamangkin niya. "Ang cute-cute mo talaga! Sige po, bibili si Tito Jijin ng donut na pink."

Malapit lang sa kanila ang donut house kaya sumaglit sila roon para lang sa donut na pink na request ni LA. Nang makabalik, saglit na nakipaglaro si Eugene sa bata sa labas ng bahay kasama si Dukki.

Palingon-lingon pa si Eugene sa paligid para hanapin ang asawa niyang baka biglang lumabas sa opisina sa kabilang bahay pero nagulat siya nang mamataan ito sa kabilang dulo ng kalye kung nasaan ang bahay ng Ninong Clark niya. May dala-dala pa itong isang pakete ng Skittles na pinapapak nito.

Napatayo tuloy siya mula sa pagkakaupo sa gutter saka namaywang.

"Hi, Jijin!"

"Where did you get that?" tanong niya sa asawang papalapit.

"Binigay ni Mr. Mendoza!" masayang sagot nito at lumukso para tumayo sa harapan niya.

"Ano'ng ginawa mo kina Ninong Clark?" may dudang pag-uusisa niya.

"Nagtanong!"

"Nagtanong ng?"

"About sa current projects!"

"Um-hmm?" Nanliliit pa ang mga mata ni Eugene nang tantiyahin ng tingin ang asawa niya. Wala naman itong ibang kakailanganin sa ninong niya maliban nga naman sa mga project nito para sa sarili nitong program. Pero madalas na siyang nagdududa sa ginagawa ni Divine dahil magugulat na lang siya, may ginagawa na itong kung ano-ano na wala sa plano. Naisip niyang tanungin na lang ang Ninong Clark niya tungkol doon bago sila umuwi.

Nananghalian sila pero ang kasama lang niya sa mesa ay ang asawa niya at si Luan na pinakakain din si LA. Hintay pa siya nang hintay sa daddy niya pero patapos na sila sa pagkain ay hindi pa rin ito dumarating.

"Busy ba si Dada?" tanong niya.

"Nag-grocery kasama si Mama," sagot ni Luan.

"Ay, shoot—" Napatakip ng bibig si Eugene gamit ng nakakuyom na kamao kaya napatingin sa kanya sina Luan at Divine. "Wait, text ko nga."

"Why?" tanong agad ni Luan.

"Magpapasabay ako ng grocery," sagot ni Eugene at inabala na ang sarili sa phone.

"Galing na kayo sa mall, hindi ka pa nakapag-grocery?" singhal tuloy ni Luan.

Sumimangot lang si Eugene, hindi na lang nagsalita tungkol sa kagagawan ng asawa niya. Nag-text na siya agad kay Leo dahil kilala niya ang daddy niya kapag naggo-grocery kasama ang mama niya. Makakauwi lang ang dalawa mamaya pang gabi dahil kung saan-saan pa dadayong kaibigan at kamag-anak bago makabalik ng bahay.

Nang matapos silang kumain, si Divine na ang nakipaglaro kay LA sa labas kasama ang aso nila. Naiwan ang magkapatid sa bahay para mag-imis ng pinagkainan.

"Saan si Ikay?" tanong ni Eugene nang tulungang maghugas ng pinggan ang kapatid niya.

"Nandoon sa sementeryo, nakikipaglibing," sagot ni Luan.

"Oh . . . who died?"

"Yung lola niya sa side ni Mama Kat."

"I see. Bakit hindi mo sinamahan?"

"Naglilikot kasi si LA. Nakakahiya kina Mama Kat, baka mapagalitan anak ko."

"Hmm, sa bagay."

"Dumaan naman kami kaninang umaga sa chapel."

"Tapos pinagsuot mo ng red yung anak mo. Si LA ba ang pinagalitan o ikaw?"

Ngumisi lang nang malapad si Luan sa kuya niya at hindi nakasagot. Pinitikan tuloy siya ng tubig sa mukha nang maramdaman ni Eugene na guilty siya.

"Isisisi mo pa kay LA, ikaw naman pala ang may kasalanan," sermon ni Eugene.

"Hindi ko naman alam na may libing pala today! Ano ba 'yan, Kuya?" reklamo ni Luan ang hagurin ang basa sa pisngi niya gamit ang kaliwang braso. "Ang cute-cute pa naman ng anak ko tapos pinalayas lang kami."

Kaya pala hindi niya mamataan ang asawa ni Luan sa bahay nila kahit Linggo. May pinuntahan pala itong iba.

Nagpasuyo na si Eugene ng grocery sa daddy niya at ito na raw ang bahalang mamili. Pero inaasahan na niyang gabi na niya matatanggap ang pinamili nito dahil hindi rin naman daw ito makakauwi nang maaga. Nagpasabi man itong ihahatid na lang sa condo niya, hindi na niya tinanggap ang alok at nagsabing maghihintay na lang dahil maaabala pa ang daddy niya kung dadayuhin pa siya sa ibang lugar.

Alas-dos ng hapon, pinatutulog na ni Luan si LA sa bear bed nito sa sala. Magkatabing nakahiga ang mag-ama sa ground floor ng bahay habang dumeretso na sina Eugene at Divine sa kuwarto.

"Wow, so this is your room here," sabi pa ni Divine habang nililibot ang tingin sa loob ng kuwarto ng asawa niya.

Unang beses lang niyang makatatapak sa kuwarto ni Eugene sa bahay ng mga Scott. Hindi pa inaasahan ang pagdalaw na iyon dahil ang alam niya ay may pasok na sila bukas sa school.

Sobrang simple lang ng kuwarto ng asawa niya. May mahabang side table na nakadikit sa dingding. May cabinet iyon na puro libro ang nasa loob na makikita mula sa glass doors nito. sa ibabaw ay nakahilera ang mga picture frame na puro larawan ng pamilya nito. Dinampot ni Divine ang isa at tiningnan nang malapitan. Picture iyon ng asawa niya noong bata pa ito, tantiya niya ay nasa anim o pitong taon pa lang. Katabi nito si Clark na nakaupo patukod sa sakong para lang magpantay ang taas ng dalawa.

Sobrang layo ng itsura ng asawa niya ngayon sa itsura noong bata pa ito. Sobrang amo at bait ng aura nito sa mga retrato at halatang pinalaking mabuting bata.

May picture ito na nakasuot ito ng boy scout uniform. Meron ding picture ng grade school graduation at katabi nito si Leo. Mas napangiti pa siya nang makita ang picture na malaki na ito at binatilyo na habang karga nito ang baby na kapatid. Matanda lang nang dalawang buwan si Divine kay Luan pero mas nakikita niya ang laki ng agwat ng edad nila ni Eugene sa picture na iyon. Malamang na kung maaga silang nagkakilala ni Eugene, sa ganoong edad nito na nasa border ng grade school at high school na, sigurado siyang baby pa lang din siya gaya ng karga nitong bata.

May isa pang picture frame siyang nadampot na may handwritten note pa sa ibaba: Gene & Ram. Teenager na sa picture si Eugene at karga ang baby na may pink headband.

Hawak pa niya ang isa nang dumampot na naman ng isa pang picture frame. Kung hindi niya kilala ang asawa niya, mukhang anak na nito ang batang karga. May handwritten note na naman sa bottom right ng picture: Gene & Cali. Sa isa pang picture, na nakita niya, may baby na naman itong karga at ang note na nakasulat ay: Gene & Coco. Sa sumunod na picture, kamukha na nito si Leo at may buhat na naman itong baby sa isang braso na lang. Nakasulat sa ibaba ang: Gene & Yumi.

Akala niya, tapos na ang mga baby na karga nito pero may dalawa pa. Sabay niyang dinampot iyon. Sa isang picture, fresh na fresh pa ang mukha ng asawa niyang mukhang tatay na ng karga nitong baby na tuwang-tuwa sa picture dahil nakangiti rin. Gene & Zhi. Sa isa ay Gene & LA naman ang nakasulat na sigurado siyang nakilala na niya ang asawa sa personal nang kunan ang picture na iyon.

Halos puro picture ng baby ang nasa hilerang iyon ng picture frames. Naghahanap siya ng picture ni Carmiline pero wala siyang makita. Puro nga picture ng bata ang mga naroon. Puro pa sa mga kinakapatid nito. Sinabi naman na ni Eugene sa kanya na mahilig ito sa bata—literal. Kitang-kita niya iyon sa mga picture na pinili nitong i-display sa kuwarto nito.

Inayos niya ulit ang mga frame sa mga puwesto nito at binalingan niya ang frame na nakasabit sa dingding. May painting doon na nakasabit, tantiya niya ay nasa two feet ang taas ang three feet ang lapad. Cubism ang art style, parang baby na nakabalot sa lampin at karga ng apat na brasong nakapalibot dito. Pulang-pula ang background na parang madugo pero namumukod-tanging asul at cream ang sa parteng baby lang. Nakaramdam siya ng lungkot sa painting pero naisip niyang baka nga ganoon ang ipinararating ng artist.

Maganda naman ang art at nagustuhan niya kahit paano. Maaliwalas naman kasi ang parte ng sa baby lang kahit sobrang dark ng background.

Mahilig nga talaga sa bata, bulong niya sa isip habang napapangiti. Pati ba naman kasi sa painting, may baby pa rin.

Pagtingin niya sa kanang ibaba ng painting para malaman kung sino ang artist. Napawi ang ngiti niya nang mabasa ang pangalan ng painter at title ng painting.

"Eugene"
Leopold V. Scott
10/25


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

161K 5.8K 50
A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never noticed her not until she became his per...
2.6M 30.8K 51
C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story bet...
3.4M 56.4K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...
1.5M 62.6K 101
(Finished) After partying so hard and getting drunk at her older brother's wedding, Sky Velasco didn't expect she'd create a lot of scandalous moment...