South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 66

68.5K 4.2K 1.5K
By JFstories

HINDI PUMUNTA SI HUGO.


Ilang araw na pala siyang naririto, pero ngayon ay wala maski anino niya. Wala ring paramdam. Wala ring mga prutas at bouquet of red roses. Napagod na ba siya?


Si Hyde ay nakapangalumbaba sa mesa. Sinaway ko ang bata dahil hindi magandang umakto nang ganoon sa harapan ng grasya. Nakahain kasi rito ngayon ang aking inihandang meryenda.


"I'm worried about Daddy," nakangusong sabi ng bata.


"H-hindi ba kayo nagkausap?" Tumikhim ako dahil bakit ba ako biglang pumiyok?


"We talked last night on the phone."


"Really?" kaswal na tanong ko habang binubuksan ang fridge para kumuha ng tubig.


"Yeah. He sounded weird and I heard him sneezing."


Napahinto sa ere ang kamay ko.


"Mommy, I think Daddy is sick."


Tuluyan nang naiwang bukas ang pinto ng fridge.


Nilingon ako ni Hyde. "I asked him if he's sick, but he didn't answer me. Sabi niya lang po na he miss us."


"B-baka nga may sakit, uhm, k-kaya hindi makakapunta rito ngayon." Sinikap kong maging tuwid ang pagsasalita.


"But I remember him telling me that no matter what happens, even if the world falls apart, nothing can stop him from coming here to visit us."


Tulala ako nang pumasok si Carlyn mula sa pinto. Weekdays pero nandito ito at ang anak. Hindi sumama kay Kuya Jordan sa Manila dahil may inaasikaso si Carlyn sa negosyo nito sa may Tanza, Cavite.


Bitbit nito ang anak na si Mara nang mapamata sa amin ni Hyde. Pareho kasi kaming tulala ng bata. "Oh, anyare sa inyong mag-ina?" tanong nito.


Doon ako napakurap. "Gising na pala si Mara." Nag-a-afternoon nap kasi si Mara tuwing hapon katulad ni Hyde.


"Yup. Full charged na naman." Ibinaba ni Carlyn si Mara na agad na lumapit kay Hyde at kinagat ang batang lalaki sa kamay. "Mara, are you a dog?! Bakit ka nangangagat?!" gigil na sita nito sa anak.


Wala lang naman iyon kay Hyde. Aliw na aliw ito talaga sa pinsan, kaya hayun namimihasa ang cute na batang mataba. Magkasama ang dalawa na pumunta sa sala.


"Ah, siya nga pala, Jill." Si Carlyn na ang kumuha ng pitsel mula sa fridge nang maiwan kami sa kusina. Nagsalin ito ng tubig para inumin. "Nag-usap ba iyong dalawa kagabi?"


"Hmn? Dalawa?" Sino ang tinutukoy niya?


"Pag-uwi ko kasi kahapon, pagbaba ko sa Grab, nakita ko iyong kotse ni Hugo sa labas. Nandoon din ang kotse ni Harry."


What? Nandoon si Hugo sa labas nang oras na naririto si Harry? Nagpang-abot sila?


"Nagtaka nga ako kasi bakit hindi pumasok, eh. Di ba feel at home na rito iyong itlog na iyon? Pero kagabi, nandoon lang siya sa labas nang mahigit isang oras. Pagkapatulog ko kay Mara kagabi, sumilip ako sa bintana, sakto na paalis na si Harry."


Kumabog ang dibdib ko.


"Hindi agad pumasok sa kotse niya si Harry. Dumeretso sa kotse ni Hugo. Kinatok iyong bintana niya. Parang may sinabi lang kasi sobrang bilis. Wala pang limang segundo. Pagkatapos, magkasunod nang umalis ang mga kotse nila. Mukhang lilipat lang ng lugar, pero sana naman hindi nagbanatan."


Hindi naman siguro. Pero ang ikinakaka-curious ko ay kung nag-usap nga ba sila? At ano ang pinag-usapan nila?


Hanggang gabi tuloy ay iyon ang gumugulo sa isip ko, dagdag pa ang hindi ko mapigilang pag-aalala kay Hugo. What was his reason for not coming today?


Kaya nang tumunog ang phone ay ako ang sumagot niyon. Ganoon na lang ang kalabog ng aking dibdib nang marinig ang pamilyar na paghinga sa kabilang linya.


I knew right away who it was. Bumukas ang mga labi ko upang banggitin ang pangalan niya, "Hugo."


Walang sagot.


"It's you, right?"


Matapos ang paghinga ay narinig ko na ang malagom at paos na boses niya. [ Is it okay for you to hear my voice? ]


Nakagat ko ang aking ibabang labi.


[ I will not talk if you don't want to hear my voice, but can I ask you a favor? Stay, Jillian. You don't have to say anything. Just stay right there... ]


Napapikit ako sa saglit na pagkabasag ng boses niya.


[ Gusto kong marinig kahit ang paghinga mo... ]


"You said you will not talk anymore, yet you're still talking," puna ko.


[ Oh, I'm sorry. ]


"You talked again."


[ Ah, shit, sorry, hindi na. ] Narinig ko ang pagkalaglag ng mga gamit sa background. [ Ah, I cursed. Narinig ba ni baby? I'm sorry. Ah, right, hindi na pala dapat magsalita. Sorry, sorry! ]


"Hugo, why are you selling your house?"


Natigilan siya sa kabilang linya dahil sa biglang tanong ko.


Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. [ I saw the blueprint. You saw it too, right, Jillian? ]


Ako naman ang hindi agad nakapagsalita.


[ I had no idea it was still there. Just like the box of my photos with Sussie, I really had no idea that my caretaker didn't put it in the warehouse. I didn't even ask or try to find it because I'd already forgotten about my old stuff. Ah, no, no. It was all my fault. I'm sorry ang burara ko. I have no excuse. I'm so sorry. ]


"That house... You built it for her, right?"


[ Jillian... ]


"Ngayon ko ito itinatanong dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob itanong, Hugo. Dahil sa tingin ko, nakatulong ang pagbibigay mo ng space sa akin. Tumapang na ako. At siguro din, nakadagdag sa tapang ko na sa phone lang tayo ngayon nag-uusap. So I hope you take the opportunity to answer."


Dahil pareho kaming nagkakapaan noon. Siya ay takot magsalita at ako naman ay takot makinig. Ito na lang iyong pagkakataon na masasabi namin ang mga gusto naming sabihin at marinig mula pa noon.


Bumuga siya ng hangin. [ I will not lie to you, so yeah. ]


Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone.


[ Although we're just friends, I still dreamed of being with her during those times. But that was already in the past and we are now in the present. Marami nang nangyari pagkatapos niyon bago pa tayo magkita ulit. ]


"Does she know about the house?"


[ Why does she need to know? ] balik niya ng tanong. [ Jillian, when that house was built it had been a year since Sussie had married Arkanghel. At taon na rin na hindi ako bumalik doon dahil busy na ako sa trabaho. After passing the board, mas dinagdagan na ni Dad ang projects kung saan kasama ako. Ihi na lang pahinga ko. ]


May nginig ang boses ni Hugo, at dinig ko ang paghingal niya sa pagsasalita.


[ And about my lot in Tagaytay, bungalow pa rin ang bahay na nakatayo rito noon, na tumatao lang ay ang caretaker ko. I just came back to visit it a year before I met you again. Noong binili ko na iyong katabing lot para magpatayo na ng bahay dahil may ipon na ako, makakapag-loan na, at natanggap ko na rin ang mana ko. ]


"But the house's name..."


[ It doesn't have a name! ] Tumaas ang maaligasgas na boses niya.


"B-but I saw..."


[ Did you check the blueprint? Although it was still the same lot, I swear to God, a different house was built. Siguro may pagkakapareho, kasi naman bata pa lang ako ay ganoon na talaga ang pangarap kong bahay, even before I met Sussie. Some of the ideas were influenced by modern houses I saw in my dad's magazines when I was a kid. It had nothing to do with her, please. ]


But still...


[ I know I can't erase the pain you felt when you saw the old blueprint. But believe me, I really didn't know that you would stumbled upon it. Pero hindi ko itatanggi na kapabayaan ko kung bakit. Hindi ako nag-iisip. Sa sobrang excitement ko, nakalimutan ko na lahat pati ang mga luma kong gamit, at basta na lang kita ritong isinama. I was so ashamed of myself. ]


Sandali siyang huminto para umubo. Nang magsalita ulit ay kahit malat ang boses ay sinikap niyang magsalita.


[ Pero kung sa tingin mo mali pa rin ako, maiintindiihan ko. Baka nga sa katangahan ko, may iba pa akong nagawa at nasabi na mali na nakadagdag sa sakit na naparamdam ko sa 'yo. ]


"But why sell the house, Hugo? It's your dream house..."


[ Yeah. ] Bumuga siya ng hangin. [ But no house is more important than my family. No house is more important than you. ]


Napatda ako nang makitang may tumutulong tubig sa harapan ng telepono. Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko.


[ Jillian, kahit mag-camping ako sa harapan ng bahay niyo, okay lang. Kaya kong tumira habangbuhay sa kotse ko para lang araw-araw ay malapit ako sa inyo. ]


"T-That's all, Hugo. Thank you and... goodnight..." mahinang sabi ko. Ibinaba ko na ang phone pagkatapos.


I heard what I needed to hear. And that was enough. For now.



HINDI PA RIN NAGPAPAKITA SI HUGO. Ang huling usap namin ay sa phone kagabi. Maybe he was still sick?


I just heard from Hyde that Hugo was sick. Naulinigan ko rin kagabi na paos ang boses niya at inuubo siya. Natuluyan pala talaga siya sa trangkaso.


Umulan noong huling gabi na pumunta siya. Kung nag-usap din sila ni Harry noong gabing iyon ay hindi ko pa alam. Basta nagkasakit siya pagkatapos iyon. Siguro ay naulanan.


Matigas ang bungo ni Hugo. Hindi siya basta-basta nagkakasakit, pero ngayon ay meron nga siyang trangkaso. Kung malala o hindi, ewan ko. Inamin kay Hyde na may sakit siya ay baka para hindi na mag-isip ang bata kung bakit hindi na siya nagpupunta. Ayaw niyang pumunta dahil baka raw makahawa siya.


Dumaan dito kaninang umaga si Mommy Norma. Hindi rin daw kasi nito ma-contact ang anak sa landline kaya sinadya na nito. Doon nga nito natagpuang inaapoy ng lagnat si Hugo.


Oo, nag-aalala ako. Hindi naman ako walang puso. At bakit hindi ako mag-aalala? Dalawa lang naman ang anak ko sa taong iyon.


Nakakapag-alala pa dahil ngayon ko lang din nalamang tinatablan pala siya ng trangkaso. Paano na lang kung hindi siya pinuntahan ng mommy niya? Paano kung ano ang mangyari sa kanya, lalo ngayong nag-iisa siya?


Umalis nga lang din agad si Mommy Norma matapos siyang asikasuhin sandali. Tinaboy rin daw kasi niya ito, kaya pumunta na lang ulit dito ang biyenan ko.


Maghapon yata na naglabas ng sama ng loob si Mommy Norma kay Mommy tungkol kay Hugo. Ganoon daw ang lalaki kahit noong bata pa. Pa-baby sa mga magulang, pero kabaliktaran kapag may nararamdaman.


Pasimple ang aking pakikinig sa mga sinasabi ni Mommy Norma kay Mommy. Bukod sa mga reklamo nito sa anak, isa sa talagang pinakinggan ko ay kung ano na ang kalagayan ni Hugo. Napalitan na naman na daw nito ng damit ang anak, at natutulog na bago nito iwanan na mag-isa.


Kinailangan na ring umalis ni Mommy Norma kinahapunan. Sinilip nito ulit si Hugo sandali sa bahay ng anak, pero pinaalis na naman daw ito ng lalaki, kaya malungkot na bumalik na lang ang biyenan ko sa General Trias, Cavite.


Katatapos lang ng dinner nang lapitan ako ni Mommy habang nakatulala ako sa lababo. Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan naming mga plato. "Jillian, kumusta na kaya ang asawa mo?"


"O-okay na po siguro..." Nakainom naman na si Hugo ng gamot kanina, ayon sa mommy niya. Siguro naman ay okay na siya. Sana.


"Panay ang text sa akin ni balae," buntong-hininga ni Mommy. "Hindi pa rin daw nasagot sa landline si Hugo. Nag-aalala na siya. Baka puntahan daw nilang mag-asawa mamayang madaling araw pagkauwi ni Manuel."


Mas mabuti nga. Sana nga ay puntahan nila si Hugo para makasiguro. Dahil doon ay nabawasan na ang pag-aalala ko. Inasikaso ko na si Hyde at inihatid na ang bata sa kuwarto nito. Hindi pa nito alam ang lagay ni Hugo. Nag-aalala rin ito para sa daddy nito, pero ayaw ko itong mas pag-aalalahanin nang husto.


Nang tulog na ang lahat sa bahay bandang 10:00 p.m. ay bumaba ako para uminom ng tubig sa kusina. Humihilab din ang aking tiyan. Maybe the baby inside was worried about his dad, too.


Maliit akong ngumiti habang hinihimas ang tiyan. "Malakas at matapang ang daddy mo, sisiw lang sa kanya ang trangkaso..." pang-aalo ko rito.


Parang nakakaunawa na kumalma naman ang aking tiyan. Paakyat na ako sa itaas, noong nag-beep ang cellphone ko. Bago na ang SIM card niyon. Ang nakakaalam pa lang ng aking bagong number ay ang pamilya ko at ang ilang teachers ni Hyde. May communication pa kasi ako sa mga ito dahil sa kaso laban kay Dessy at sa school.


Nangunot ang aking noo pagbukas sa text message. Hindi naka-save ang number. Sino ito at sino ang magti-text sa akin nang ganitong oras ng gabi?


Unknown Number:

I'm not allowed to go near Hyde, right?


Tumiim ang mga labi ko. It was Dessy. I knew it was her. But where did she get my new number?!


Unknown Number (Message 2) :

I'm not allowed to approach Hyde, pero siguro naman kay Hugo ay hindi? What do you think, Jill?


Pinagpawisan ako nang malamig. What was she saying? My phone beeped again. I received a series of multimedia messages. My fingers were trembling as I tapped the photos. Ang unang photo ay ang madilim na gate ng bahay ni Hugo.


What was this? Pinagtata-tap ko pa ang mga sumusunod na photos. Papunta sa madilim na sala, sa mataas na hagdan ng bahay, at sa hallway papunta sa master bedroom, kung saan ang kuwarto namin ni Hugo!


My teary eyes widened. Hindi ko masabing kuha pa ito noon, dahil ang paso ng halaman malapit sa pinto ay mayabong pa dati, subalit lanta na sa nakikita ko sa photo ngayon! What the hell? I thought Dessy was already in Singapore?! Kaya nga hindi na namin ito lalo mahabol!


Bukas na pinto ang sumunod pang photo. It came with a message. Goodnight, Jill. Let's not bother each other again, shall we?


At sa pinakahuli, halos mahulog ang puso ko. On the last photo was Hugo. Nakahiga siya sa kama, namumutla, pawisan, at walang malay tao!


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...
13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
245K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...