PARALUMAN (A SHORT SERIES)

By lovelyriaaa

235 9 13

Short stories inspired by Filipino musician, Adie's songs.💞 • related story: Juventud de Amor (epistolary) More

🖤PROLOGUE🖤
-02- : TAHANAN🤎
-03- : MAHIKA❤️
💜SPECIAL CHAPTER💟

-01- : PARALUMAN🤍

66 1 2
By lovelyriaaa

(Maria Paraluman Valencia/Enrique Alonzo Montecastro)

**

"Maria, kay gandang bulaklak naman ng iyong ginagawa." ani ni donya Emilia na kaniyang ina kasalukuyan silang nagtatahi ngayon sa balkonahe.

Isang tunog ng kalesa ang kanilang narinig, "Iyon na marahil siya hija." Ngiti ng kaniyang ina. Agad na napadungaw sa bintana si Maria.

Si Maria de Vera ay ang pangalawang anak nina don Gustavo at donya Emilia de Vera, mga kilalang negosyante sa Las Cuevas, Laguna, at Maynila. Kagalang-galang, mahinhin, at kaibig-ibig na dalaga si Maria. Mayroon rin siyang mapupulang pisngi at labi.

"Enrique...nagbalik ka na." masayang wika ni Maria sa kasintahan at kababatang si Enrique Alonzo Montecastro, isang peninsulares at habulin ng mga babae.

"Ina maari niyo ba muna kaming maiwan?" ani ni Maria sa ina, makahulugan naman siyang tinignan nito. Nang maka-alis ay agad nilang hinagkan ang isa't-isa.

"Maria, ako'y nagagalak na makita kang muli."

"Siya nga pala halika na sa loob, naghanda si ina ng iyong paboritong putahe at wag ka ring mag-alala pagkat ilang araw pa makakabalik si ama mula Maynila."

**

"Kamusta ka na hijo? ang iyong pamilya?" Wika ni donya Emilia sa binata habang sila'y naghahapunan sa hapag.

"Maayos naman ho kami tiya at hindi ko naman ho napababayaan ang aking pag-aaral, akin namang napagsasabay ng mabuti ang negosyo at medisina. Kayo ho?"

"Mabuti naman din..ah..ang iyong Maria nga ay may mga pagkakataong siya'y nalulumbay nang dahil sa'yo." ngisi ng donya.

"Ina..." mahinang sabi ni Maria na ngayon ay namumula na ang pisngi.

**

Kaarawan ni Maria at kasalukuyan silang nag-uusap ni Enrique sa balkonahe.

"Maria siya nga pala may nais akong ibigay sa iyo...isa itong laket na nabili ko pa mula sa Europa, batid kong nababagay ito sa iyo nang una ko pa lamang makita." ngiti niya pa kay Maria sabay suot sa kaniya ng kuwintas na hugis puso.

"Salamat sinta." malungkot na saad ni Maria.

"Oh bakit, hindi mo ba naibigan?"

"Hindi sa ganon, ang totoo niyan ay labis na natutuwa ang aking puso sa handog mong toh. Yun ngalang ay aking naalala ang ating kalagayan. Kailan kaya tayo magmamahalan ng hindi palihim? Kailan kaya matatapos ang hidwaan ng ating mga ama o kung matatapos pa ba iyon?" naluluha niyang wika.

"Huwag kang mag-aalala sinta, maaayos rin ang lahat, pangako." saad ni Enrique saka hinagkan ang dalaga.

**

Sa gabi ay dumating na si don Gustavo, tinawag at kinausap niya si Maria kasama ang asawa.

"Hija maari ba kitang makausap?"

"Opo ama, ano po iyon?"

Mababakas ang pag-aalinlangan sa muka ni donya Emilia.

"Oras at panahon na upang ikaw ay maikasal anak. Mayroon na kaming nahanap na nais naming ipagkasundo sa iyo hija."

"P-po?"

"Bukas na bukas rin ay iyong makikilala ang iyong mapapangasawa." saad pa ng don sabay tayo. Naiwan namang tulala si Maria samantala ay nanatili naman roon ang kaniyang ina.

"Hija pasensya ka na ngunit sinubukan kong kumbinsihin ang iyong ama ngunit buo na ang kaniyang pasya-" hindi na natapos ang sinasabi ng donya nang tumayo na si Maria at dumeretso sa kaniyang silid.

Labis na nasasaktan si donya Emilia sa naririnig na pagtangis ng anak sa silid nito.

Laging naiisip ni Maria na kung bakit tila nakasalalay ang kaniyang kapalaran sa iba, tila ba nakatali ang kanilang mga pakpak at hindi maaaring lumipad ng malaya, magdesisyon para sa sarili, at tila ba isang malaking kasalanan ang magsalita para sa sarili.

**

Kinabukasan isang matangkad at matipunong mestiso ang naghihintay sa sala ng hacienda de Vera.

"Magandang umaga binibini." bati niya nang makababa na sa hagdan si Maria.

"Magandang umaga ginoong?"

"Sandrino, ako si Sandrino Valencia." tila nakaramdam ng kakaiba ang dalawa na mababakas sa kanilang mga hitsura habang sila'y nag-uusap.

Ang totoo niyan ay napilitan lamang rin si Sandrino dahil narin sa presyon mula sa kaniyang pamilya bilang ang susunod na tagapagmana ng mga Valencia.

**

"Kakaiba? paanong kakaiba?" wika ni Constanza, ang panganay ng mag asawang de Vera.

"Hindi ko alam, basta tila may kakaiba sa lalaking iyon." saad naman ni Maria.

"Ate bakit hindi mo ito sinusuot?" ani naman ni Zarina nang makita ang kuwintas na de susi. Agad naman itong kinuha ni Maria.

"Ang sabi ni ina ay hindi ko raw ito maaaring isuot ngunit ito raw ay aking pagmamay-ari."

**

"Maari bang itigil niyo na ang hidwaan niyo ama!?  Kami ni Maria ang naiipit rito, pakiuap." Saad ni Enrique sa ama na nagbabasa ng dyaryo, agad niya itong pinuntahan matapos mabasa ang liham ni Maria.

Ibinaba ng don ang babasahin at ang kapeng  iniinom saka tinignan ang anak. "Paumanhin Enrique ngunit hindi iyan mangyayari! Isang kaaway at karibal sa negosyo ang Gustavong iyon!" Saad ng don saka tumayo.

"Maghanda ka pagkat bukas na bukas rin ay iyong makikilala ang iyong mapapangasawa."

**

Kinabukasan habang naghihintay sa sala, isang maganda at maputing mestisa ang dumating sa Casa Montecastro.

"Magandang umaga, ikaw na marahil si ginoong Enrique na siyang hinahangaan ng lahat." ngiti ng dalaga dahilan upang lumabas ang magkabilang biloy nito.

"Magandang umaga rin binibining?"

"Ysabel, ako si Amare Ysabel Valencia."

"Ikinagagalak kitang makilala binibini." saad ni Enrique ngunit taliwas sa kaniyang itsura ang sinabi.

"Ginoo, nais kong ipabatid ang aking paghanga sa iyo, batid ko ring hindi naman tayo pareho ng nararamdaman ngunit pabor sa akin ang kasunduang ito. Nawa'y bigyan mo ako ng pagkakataon upang ipamalas sa iyo ang aking damdamin at sana'y matutunan mo rin akong..mahalin." saad pa ng dalaga ngunit isang tipid na ngiti lamang ang iginawad sakanya ng binata.

**

Nasa kalesa ang tatlong magkakapatid na de Vera nang kanilang madaanan ang San Juan de Letran kung saan nag-aaral at kumukuha ng kursong medisina si Enrique.

"E-enrique?" wika ni Maria na tila nakita ang binata sa unibersidad.

"Ate iyong nakita si ginoong Enrique?!" ngunit pagkalingon muli nila'y wala na siya roon.

"Baka iyong guni guni lamang iyon Maria. Aking kapatid, hayaan mo't maaayos rin ang lahat, nasisiguro ko iyon, hmm." pampalubag loob ni Constanza sa kapatid.

**

Ilang araw na lamang ay magaganap na ang engrandeng kasalan sa pagitan ng mga Valencia at de Vera. Samantala ay dumalaw si Sandrino sa hacienda de Vera.

"Zarina hija, ikaw ang maging bantay nila." saad ni donya Emilia sa anak. Agad namang naupo nang ilang dipa kina Maria at Sandrino si Zarina.

"Magandang umaga-" hindi na natapos ng binata ang sasabihin nang makita ang kuwintas na de susi na suot ni Maria.

Nagpasya ang dalaga na marahil ay oras na para isuot ito ngunit hindi niya pinapakita sa ina. Napahawak naman si Maria sa kuwintas nang makitang gulat na nakatingin rito si Sandrino.

"A-anong meron ginoo?"

"A-ang kuwintas na iyan... bakit ka may ganyan? Imposibleng magkaroon ng replika ang isang yan."

"A-ano? hindi kita maunawaan."

"Halika, kung maaari ay sumama ka sa akin ngayon din sa aming casa, mayroon akong mahalagang nais ipakita sa iyo."

Pagkarating sa hacienda Valencia ay agad na kinuha ni Sandrino ang isang pilak at kumikinang na kahon

"Maaari mo bang tanggalin muna ang kuwintas?"

Agad naman itong tinanggal ni Maria kahit pa litong lito na sa nais na mangyari ng binata.

Nanginginig ang kamay na binuksan ni Sandrino ang kahon gamit ang kuwintas na de susi. Maluha-luha niyang tinignan si Maria nang bumukas ang kahon senyales na tumutugma ang susi ng kuwintas. Agad niyang ibinigay ang kahon rito.

"Ang kuwintas na de susing iyan ay ibinigay pa ni ina sa..a-aking kapatid na babae nang siya'y mag isang taong gulang, subalit isang trahedya ang naganap dahilan upang mawalay sa amin si...Paraluman."

Napatingin ang dalaga sakanya at tuluyan nang naluha nang makita at mabasa ang mga liham at ebidensyang nagpapatunay na siya ang nawawalang unica hija at bunsong anak ng mag asawang Valencia.

Isa sa manggagawa na nagtatrabaho sa isang pabrikang pagmamay-ari ng mga Valencia sa Maynila ang kumuha sa batang si Paraluman. Isang sunog ang nangyari sa pabrikang iyon at saktong naroroon si Paraluman kasama ang tiyo niya na ama ng pinsang si Amare. Isang pagkakamali ang lahat pagkat inakala ng manggagawang iyon na si Paraluman ang ikalawang anak ng ama ni Amare. May galit ang manggagawang iyon dahil sa kasakiman ng don. Dinala niya si Paraluman sa isang marangyang pamilya na bagong salta lamang roon, ang mga de Vera.

Ang totoo niyan, nang mag ka isip na si Maria ay ipinaalam na sakanya ng mag-asawang de Vera na siya'y isang ampon ngunit buong puso nilang tinanggap na parang totoong galing sa kanilang laman at dugo.

"A-ang aking naiisip...iyon rin ba ang iyo?" Saad ni Maria. Tango lamang ang isinagot ng binata, ilang saglit pa'y hinagkan nila ang isa't-isa matapos ang ilang taong nawalay.

**

"Sigurado ka ba anak?" Ani donya Emilia kay Maria.

"Opo ina, nais ko pa rin dito manatili haggang sa maikasal kami ni Enrique. Kaya huwag kang mag-alala, akin lamang kikilalanin pa ang isa ko pang pamilya." Ngiti ng dalaga. Hinawakan naman ng naluluhang donya ang pisngi ng anak at saka hinagkan ng mahigpit ang isa't-isa.

Isang linggo matapos ang pagbunyag sa katotohanan ukol sa tunay na pagkatao ni Maria ay inihahanda na rin ang pag-iisang dibdib nina Maria at Enrique.

Matalik na magkaibigan ang tunay na ama ni Maria at ang ama ni Enrique kaya naman mas lalong pabor ang kanilang pag-iibigan. Samantala ay nagkapatawaran na rin si Don Gustavo at ang ama ni Enrique dahil na rin kanilang napagtanto na maikli lang ang buhay upang magtanim ng napakahabang galit o poot sa kapwa.

**

"Iyong pakaingatan ang aming anak, hijo." Saad ng tunay na ina ni Maria.

"At sana'y bigyan niyo kami ng...maraming apo hmm." Saad naman ng don at sila'y nagtawanan.

"Enrique, ibinibigay namin ang aming buong tiwala sa iyo. Kapatid..." wika naman ni Sandrino kay Enrique sabay tingin at hagkan kay Maria.

**

"Handa ka na ba sinta?" Ngisi ni Enrique kay Maria habang sila'y naglalakad sa malawak at berdeng lupa ng mga Valencia. Ilang

"Sabi ko naman sa iyo, maaayos rin ang lahat." Ngiti pa ng binata.

Hinawakan naman ni Maria ang magkabilang pisngi ni Enrique saka ipinagdikit ang kanilang mga noo. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos habang sinasariwa ang hangin.

"Nais kong...ipamana ang kuwintas na pusong ito sa lahat ng magiging babaeng salinlahi natin. Magiging tanda ito ng ating pag-iibigan." Ngiti ni Maria kay Enrique.

"Mula ngayon ay tayo'y magiging isa na." Dagdag pa niya.

"Makakaasa kang hindi kita bibiguin, Paraluman."

~FIN~

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 88 24
Clara Faye Evans, kahit anong problema kaya nyang ipaglaban,kahit sa pag ibig talo sya, hindi nya inaasahang ang lalaking minahal nya ng sobra ay sas...
1K 112 14
The Renowned Twins | What happens if you were born into the world with high currency? Will you be able to survive? The world is not fair; but people...
1.9M 60K 76
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...
Ice Cold By m

General Fiction

2.7M 98.6K 54
COMPLETED [boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feeli...