Crimson Academy: The Only Gir...

By _creammyyyy

21.1K 528 71

"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
AUTHOR'S NOTEπŸ’—

CHAPTER 20

638 17 2
By _creammyyyy

Sierra

It's been two weeks since i entered that school at sa loob ng dalawang linggo nayon walang ginawa si hendrix kung hindi ang bwisitin ako. Simula kasi nung tumakas ako sa utos niyang linisin yung room namin ay hindi na pinatahimik ang buhay ko.

Wala siyang ginawa kundi utusan ako kapag hindi ko sinusunod ay sinasabi niyang "susundin mo o papalayasin kita dito?" ganyan lagi ang linya niya wala naman talaga akong pake kung paalisin niya ako as if namang aalis ako. eh kaso itong si kale ay lumuhod ba naman sa harap ko at pinakiusapan akong sumunod nalang para daw hindi ako guluhin ng damuho na si hendrix kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Simula din ng inutos-utusan ako ni hendrix ay laging to the rescue si elliot tinutulungan niya ako sa inuutos ng best friend niya. Yeah he's bestfriend of hendrix tinanong kopa nga siya kung pano niya naging bestfriend yung demonyo ang sagot niya lang long story kaya hindi kona pinilit.

I really feel comfortable when elliot is with me, don't get me wrong I don't like him okay? I mean i like him but not in a romantic way.Magaan lang talaga ang pakiramdam ko sa kanya at hindi ako naiirita sa presensya niya besides he's quite too like me kaya minsan lang din kami mag usap kapag mag kasama kami.

Si luigi feel ko okay naman na i think pinipilit nalang niya makisama pero may doubt parin lagi ba naman ipaalala sakin na kapag sinira ko raw sila ay papatayin niya daw ako. scary.

Class hour ngayon at si sir alessandro ang teacher namin at syempre walang nakikinig. Tatlong oras siyang nagturo samin dahil wala yung ibang teacher at dahil free time niya naman raw ay dito muna siya samin.

Pagtapos ng klase kay sir alessandro ay tinawag niya ang atensyon ng lahat dahil mukang may iaannounce ito.

"Class please listen!" Sigaw niya sabay kalampag sa teacher's table kaya ang mga damuho ay tumingin sa harap.

"Magkakaroon kayo ng performance task sa subject ko 50% ito sa grades niyo kaya please cooperate. Dahil music ang subject ngayon ay kailangan niyong kumanta as in lahat kayo!" Anunsyo nito. kanya kanyang angal naman sila halatang walang mga talent.

"Do we really need to sing?" Tanong ng demonyong hendrix. bungol po siya kakasabi lang eh

"Yes, kung ayaw niyo ay ayos lang naman sakin na ibagsak kayo kung yung ibang teacher ay natatakot niyo pwes ibahin niyo ako!" Asik nito.

Nagtaas ako ng kamay kaya napaharap si sir sandro sakin.

"Yes ms.carter?"

"Isa-isa ba kaming kakanta or by group?" tanong ko.

"Oh that. you only need to sing is 3 songs, 1 is solo, 2 duet and 3 is all of you dahil alam kong magtatagal pa kung isa-isa kayong kakanta kaya mag decide na kayo kung sino ang solo at duet. Next week na ito kaya mag practice na kayo.That's all goodbye!" Kinuha na ni sir ang mga gamit niya at lumabas na ng room.

"All of you come here" Pagtawag ni hendrix samin.

lahat kami ay pumunta sa dulo pinabilog nila ang pwesto ng mga upuan para hindi magkagulo. napapagitnaan ako ni elliot at kale habang kaharap ko si hendrix na matatalim nanaman ang tingin sakin.ano nanaman ginawa ko?

"As Mr.Sandro said we need to decide kung sino ang magsosolo at duet. Any volunteer?" Panimula ni blaze.

nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na nag iwas ng tingin. yung iba yumuko at yung iba ay nag cp halatang ayaw kumanta ng solo well ako rin naman.

Marunong naman akong kumanta. I really enjoy when I'm singing pero nagbago yun nung nawala si kai lakas talaga ng epekto sakin ng pagkawala niya maraming nag bago sakin pero pinipilit ko nalang kalimutan ang lahat.

"Si sierra daw!" Sigaw ni kale kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. apaka paepal talaga nito.

"Marunong ka kumanta sierra?"

"Oo si sierra nalang, siya lang din naman ang babae dito kaya bagay siya sa solo"

"Baka marunong lang kumanta pero hindi maganda boses HAHAHHAHAHA"

"Tarantado ka talaga travis kaya ka nabubugbog eh!"

"SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE!"

Please remind me to kill travis later. Maganda kaya boses ko! sabi ni kai kaya nga gustong gusto niya na kumakanta ako.

"Sure kaba diyan kale? baka naman imbis na pumasa tayo ay bumagsak tayo dahil sa boses niya?" Fuck you. pasalamat siya at hinahabaan ko yung pasensya ko sa kanila.

"Talaga ba kade? baka ikaw ang magpa bagsak satin?" Balik na tanong ko sakanya. inis niya naman akong nilingon kaya napangisi ako. ang pikunin talaga.

"Why don't you ask them?" Tinuro niya sila kale kaya napataas ang kilay ko. aba naghahanap ng kakampi.

"Magaling kumanta si hendrix sierra! lalo kapag may battle of the bands sa school ay siya ang vocalist namin at lakas ng hatak sa audience ng boses niya kaya kami lagi ang nananalo" Pagmamayabang ni archer kumikinang pa ang mga mata nito ana akala mo ay idolong idolo si blaze.

So magaling pala siya kumanta? edi siya na. yabang.

"Oh edi ikaw nalang yung solo tutal MAGANDA naman boses mo"Ani ko sa kanya pinagdiinan kopa ang salitang maganda dahil wala lang gusto ko lang siyang pikunin.

"Oo nga bakit hindi nalang ikaw?" Takang tanong ni luigi.

"Sa duet ako and besides napapagod narin ako sa kakasolo" Paliwanag nito. Sa duet siya? sino naman makaka duet niya?

"Sino kaduet mo?" Tanong ni luigi. that's my question too.

"Si Elliot " Wow. marunong din kumanta si Elliot? ang dami naman niyang talent. yup alam ko yung iba niyang talent dahil may napanood ako sa cp niya na tumutugtog siya ng iba't ibang instrument. pinanood niya sakin yun nung kaming dalawa lang ang magkasama sa storage room dahil nag utos nanaman ang demonyo na ilagay ang mga empty box doon kaya tinulungan ako ni elliot.

"Why me? si travis nalang" Ani ni elliot. aww gusto kopa naman marinig siyang kumanta.

"Ayoko pareng elliot baka mainlove kayo kapag narinig niyo maganda kong boses" travis said then smirked at us like a fvcking maniac. napaka yabang deserve niya talaga mabugbog.

"Gago! anong magandang boses? nakalimutan mo na ba huling may nakarinig sayong kumakanta ay nabingi!" Asik ni archer kaya lahat sila ay nagtawanan. Agad na sumimangot si travis at hinabol si archer habang may hawak na kahoy.

"BUMALIK KA DITONG HAYOP KA! EPAL KA TALAGA SA BUHAY KONG UNANO KA!!"

"WAAHHHH SIERRAAA BUGBUGIN MO NGA ULIT TO, WAAAHHHH MOMMY TULONGGG!!!" Natatawa nalang sila sa pinag gagawa ng dalawa para talaga silang mga bata.

"Stop that kailangan na nating mag decide kung sino ang solo at duet" Awat ni hendrix kaya lahat kami ay bumalik sa mga pwesto.

"Sierra please ikaw na sa solo" bulong sakin ni kale. napairap nalang ako dito bago napipilitang tumango.

"Fine. Ako na sa solo" Sabi ko sa kanila kaya kanya kanyang sigawan. parang mga baliw.

"Okay. So sa duet ay ako and?" Tanong nito.

Siniko ko si elliot kaya napatingin siya sakin.

"What?" bulong niya at bahagyang nilapit ang mukha sakin.

"Can you sing with kade?" Sabi ko sakanya.

"Why?"

"Gusto ko lang marinig na kumanta ka" Pag amin ko. Totoo naman gusto ko talaga marinig na kumanta siya. gustong gusto ko kasi kapag nakakarinig ng kumakantang lalaki lalo kapag soft or raspy ang boses ang sarap pakinggan.

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko bago ngumiti.

"Anong pinag uusapan niyo? mahalaga paba yan sa ginagawa natin?" Inis na sabi ni hendrix kaya inirapan ko lang 'to.

Paepal.

"Nothing"Simpleng sagot ni elliot."payag nako sa duet"

"Akala koba ayaw mo?" Tanong ni max. nagkibit balikat lang si elliot at humarap ulit sakin bago ako nginitian.

"It's settled then, sierra ikaw ng bahala sa kakantahin mo at kami na ni elliot sa kakantahin natin"

"Wait hendrix pano yung buong section natin?"

"Bukas na natin ituloy, it's already 5pm we need to go home" Ani nito kaya nag ligpit na kaming lahat at nagkanya kanyang labas na ng school.




Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 188 22
Love Yourself Series #1: COMPLETED! βœ” [Also Available at Booklat] "The day that i want to run to that place, where my heart is taking me to." Unang...
398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
34.4K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.3K 168 65
In a magical land called Eldoria, where the very earth breathes with enchantment, Aric Charles, a powerful wizard, and Seraphina Emberheart, a magica...