What happened to the butterfl...

By Hwangyinyin

44 0 0

''When you feel like there are butterflies in your stomach, that means you're In love.'' They say. I've been... More

DISCLAIMER
Prologue
Gale x Roxy: Varsity
Gale x Roxy: Just Another Coincidence

Gale x Roxy: The song

3 0 0
By Hwangyinyin

/Gale POV/

Bago pumasok sa klase nakasanayan na namin ni Elly na mag smoke sa likod ng COST building, yun kasi ang una namin na nadadaanang campus galing sa dorm.

Balak pa sana namin mag-ikot-ikot tutal first day at ilang weeks din namin hindi nakita ibang friends namin sa ibang campus, ang kaso bigla naman nag ring ang bell ng school.

Nagmadali kaming tumakbo ni Elly papunta sa campus bago kami masarahan ng gate. Sa bilis ng takbo nya ay ni-hindi ako makahabol, ganon talaga siguro kapag hindi batak ang katawan mo sa sports hindi gaya ni Elly na dating miyembro ng running team sa school.

Sa sobrang bilis ng takbo nya nang mga oras na yon ay 'di nya sadyang nabangga ang isang babae na mukhang naghahabol din ng oras sa bilis nitong maglakad.

Sa lakas ng pag bangga ni Elly sa kanya ay napaupo pa nga ito at naihulog ang mga bitbit niyang mga libro, kaya napahinto kami sa pagtakbo.

Agad na pinulot ni Elly ang mga libro at humingi ng paumanhin sa babae. 

Sa 'di kalayuan ay napansin ko ang parang isang piraso nang papel.

Naisip ko na baka kasama ito sa mga nakaipit sa libro ng babae, kaya pinulot ko para ibigay sa kaniya.

Library card, at nakasulat ang pangalan nya.

Roxanne D. Perez?


Hm.



San ko nga ba narinig ang pangalan nya?



Nang mas lumapit pa ako sa dalawa para iabot sa babae ang library card ay saka ko malinaw na nakita ang mukha nito.



Natigilan ako nang makita ko ang pamilyar nyang mukha.



''Sya yun ah?''

Sabi ko sa isip ko.

Oo nga, sya yung babae sa cafe at convenience store.

Dito din sya nag-aaral?

Elly: ''Roxy??''

Narinig kong sambit ni Elly sa pangalan nya.

Magkakilala sila?

Pero sa expression ng mukha ng babae ay mukhang hindi nya kilala si Elly.

Elly: ''Uhm. sorry ah. nagmamadali kasi kami.''

Roxy: ''Okay lang, nagmamadali din kasi ako, 'di ko napansin na nasa gitna ako ng daan. Pasensya na.''

Sambit nya at saka ko inabot sa kanya ang library card na agad nya din na kinuha.



Mukhang hindi nya ako matandaan.



Habang iniisip ko kung paano nya nakilala ang babae'ng 'yon ay bigla naman  ako'ng  hinila ni Elly papasok sa gate.



Oo nga pala, mali-late na kami.



Naglalakad kami sa corridor papunta sa classrom habang pinipilit ko'ng alalahanin kung saan ko nga ba narinig ang pangalan nya.


Roxanne ..


Sigurado ako na narinig ko na 'yon dati eh.

Elly: ''Huy, ano napagod ka tumakbo?''

Gale: ''Huh? hindi naman.''

Elly: ''Oh eh bat parang kanina ka pa tahimik?''

Gale: ''Kilala mo yung babae kanina?''

Elly: ''Sino? Ahh. Yung nabangga ko malapit sa gate?''

Gale: ''oo''

Elly: ''Si Roxanne yun. Diba nakita mo na sya? Nakwento ko na din sayo last time kung pano ko sya nakilala. Nakalimutan mo na naman?''


huh??

sa pagkakatanda ko sa cafe ko unang nakita ang babaeng 'yon.



Paanong nakwen---



Teka ..



oo nga pala!





Sa field!!



sya yung babae sa field na naikwento ni Elly before!

Gale: ''Sya ba yung kasama sa women's football team sa kabilang campus? Yung sinasabi mo'ng ex ng friend mo?''

Elly: ''Oo sya nga. Pero bat kaya sya papunta sa College of Business? Weird ah. Napapadalas ko syang makita dito sa campus natin lately eh.''



Ahh. So sya pala.



Yung lowkey na ''not-so-straight'' girl na namention nga ni Elly before.



Actually kahit anong pilit ko, hindi ko talaga mafeel sa babae'ng yon na baluktot sya eh. Usually ganun 'yun diba? Mafifeel mo sa paligid mo kung sino yung mga kapwa mo hindi straight, pero nung nakausap ko sya sa cafe at convenience store? Wala talaga eh, kaya lalong ang hirap paniwalaan ngayon nung sinabi ni Elly na hindi straight ang babae'ng 'yon.

hindi ko maiwasan mapatingin sa lip balm na bigay nya sakin na lagi ko'ng bitbit sa bulsa ko dahil nga madalas na nag da-dry ang labi ko, gawa na din siguro minsan ng panahon at dahil nga smoker ako. 

Gale: ''Sya nagbigay nito.''

sambit ko habang tinitingnan sa kamay ko ang lip balm.

Elly: ''Ha? Ano yon?''

Tanong naman ni Elly habang at saka napatingin din sa hawak ko.

Gale: ''Itong lip balm. Sya yung nagbigay nito sakin.''

Elly: Huh?? Sino??

Tanong  nya ulit at saka biglang napahinto sa paglalakad at tumingin sakin.

Elly: ''Si Roxy? Si Roxy ang nagbigay nyan sayo???''

Gulat na tanong nya ulit.

Gale: ''oo. sya yung babae sa cafe at convenience store na nagbigay sakin nito.''

Elly: ''What?? So magkakilala na pala kayo?''

Gale: ''No, not really. Basta, mahabang kwento.''

Sabi ko, at saka naglakad papasok ng classroom.

Elly: ''Hoy, anong mahaba-mahaba ka dyan, hindi pwedeng hindi mo ikwento yan no!''

Sambit nya naman at saka sinundan ako papasok.

Pagtapos ng klase ay sabay kaming naglakad ni Elly papunta sa COST campus para hintayin si Trina at para sabay-sabay na kaming bumalik ng dorm.

Magkakaiba ng gate ang bawat campus sa Greenfield University, pero allowed na mag labas-pasok ang lahat ng estudyante sa magkakaibang campus, so long na may suot kaming ID.

Habang naghihintay si Elly sa gilid ng field ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta sa likod ng building para mag smoke.

 Ang sabi ko daanan na lang nila ako pag magkasama na sila ni Trina.

Madalas na walang ibang tao sa likod ng building pag gantong oras dahil lahat ng estudyante ay nagmamadaling lumabas ng school kaya nakasanayan ko na din na mag smoke tuwing ganitong oras sa lugar na to.

Nagsindi ako agad ng isang stick at sumandal sa gilid habang nakatingin sa usok na binubuga ko sa hangin nang bigla ako'ng may narinig na nagsalita.

''Bawal manigarilyo dito.''

Pamilyar na salita na narinig ko mula sa likuran ko.

Napalingon ako sa likuran at saka bahagyang itinago sa gilid ang kaliwang kamay ko na hawak ang sigarilyo.

Si Roxanne.

Sya na naman??

Hayy. Pero buti nalang. Akala ko professor na ang nakakita sakin.

Roxy: Ang hilig mo'ng manigarilyo sa public area no?

Sabi nya at saka tumayo sa harap ko.

What? 

Kung makapagsalita sya parang ilang beses na nya ako nakitang naninigarilyo.

Roxy: Nung una sa restaurant, ngayon naman sa school. Kung iba ang nakakita sa'yo baka naireport ka na.

Wow. Dapat ba ako'ng mag thank you?



Wait.



Sa Restaurant??





Don't tell me sya din yung babae na nakita ko sa likod ng kinainan namin non?



Ahhhh.



Oo nga...



Naalala ko na.



 Sya nga yon.



Suot nya yung varsity jacket ng team nila that time.





Urgh!



Bakit ba hindi ko agad sya namukhaan?



Ilang beses ko na pala sya nakita bago pa yung sa cafe.



Pambihira.



Gale: ''Hobby mo ba talagang manita ng tao?''

Tanong ko at saka humithit sa sigarilyo.

Sinadya ko 'yon para asarin sya, pero ngumisi lang sya habang tinititigan ako at saka naglakad palapit sakin hanggang sa halos isang dangkal nalang ang layo nya sa harap ko, at biglang nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

That time medyo naiilang nako. Gusto kong maglakad paatras para mailayo ang sarili ko sakanya pero pader na ang nasa likuran ko.

Halos mabali na ang likod ko sa pagliyad mailayo lang ang mukha ko sa papalapit pa rin nyang mukha nang bigla syang nagsalita.

Roxy: ''Hmm. Bagay pala sayo yung kulay.''

Sambit nya habang nakatingin sa labi ko.

masyadong malapit ang mukha nya sakin.

Naiilang ako.

Gusto kong kumilos at maglakad palayo pero sa sobrang hindi ako komportable para ba'ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, kaya bahagya ko nalang na inilihis ang ulo ko palayo sa kanya.

Roxy: ''Kaso useless yan kung mag-ssmoke ka parin. Mag d-dry lang ulit yang lips mo.''

Sambit nya.

Sawakas ay nilayo nya 'rin ang mukha nya.



Hayyyyyy.





That was too close!



Naglakad sya palayo at dumiretso sa isang puno ng mangga 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ko


Umupo sya sa may paanan nito at saka parang may hinuhukay sa lupa.


Maglalakad na sana ako palayo nang biglang ..

''Aray!''

Sigaw nya habang nakatingin sa kaliwa nyang kamay.

Nilapitan ko  sya para tingnan kung ano'ng nangyari at dun ko napansin na dumudugo ang daliri nya.

Gale: ''Okay ka lang?''

tanong ko pero hindi sya sumagot.

pinagpatuloy nya'ng maghukay hanggang sa lumitaw ang isang plastic na naka-zip-locked.

binuksan nya 'to at saka kinuha ang isang lumang cellphone sa loob.



pagtapos non ay naglakad na sya palayo.



nakita ko'ng dumudugo parin ang daliri nya pero hindi naman sya mukhang nasaktan.



I mean,



normal ang lakad nya at parang 'di din nya yon iniinda.





Curious ako kung bakit nasa ilalim ng lupa yung cellphone.

Although, obviously, intentional na nilagay nya yun dun for sure, since naka-zip-locked pa nga.

nang tiningnan ko yung part kung saan sya naghukay napansin ko na may nakausling maliit na bubog. Mukhang bahagi ng isang bote. 

Yun siguro yung nahawakan nya nung inaalis nya yung lupa habang naghuhukay.

Paglabas ko mula sa likod ng building ay nakasalubong ko si Elly at Trina na tinatanaw si Roxanne na naglalakad palayo.

Gale: ''Kanina pa kayo dyan?''

Tanong ko.

Elly: Hoy, ano yun?

Trina: Teka, si Roxy ba yun?

Tanong ng dalawa.

Gale: ''Ah. Nakasalubong ko sya dun sa likod.''

Sagot ko.

Elly: ''Bat parang napapadalas naman yata?''

Gale: ''Huh? Ano ka ba, nagkakataon lang.''

Sagot ko ulit 

Elly: Eh bat ba sya nandito?

Trina: Hindi naman siguro sya nag s-smoke 'diba?

Elly: Babe, malabo yun. Very feminine and innocent ang description sa kanya ni Eunice. Yung tipong hindi mo iisipin na may kahit ano'ng bisyo o flaws sya.

Walang kahit ano'ng flaws?

Pero mukha naman syang problematic and emotionally unstable nung unang araw na nakita ko  sya sa restaurant at sa cafe.



Gale: ''Mukha namang hindi sya nagpunta sa likod para mag smoke, pero I doubt na wala syang flaws. Saka alam nyo ba'ng, medyo weird sya?''

Sabi ko at saka naglakad palayo.

Trina: Weird? Panong weird?

Gale: ''Basta. Mahirap iexplain.''

Sagot ko naman.

Elly: Alam mo malapit na talaga ako maniwalang close talaga sayo at ayaw mo lang sabihin samin.

Gale: ''Baliw ka ba? Pano naman mangyayari yan? Eh sayo ko nga lang unang narinig pangalan nya no. Saka sa dami ng kwento mo tungkol sa kanya at dun sa ex nya na si ... sino nga yun? Eugene?''

Elly: Tanga, Eunice!

Gale: ''Eugene o Eunice basta, sa dami ng kwento mo tungkol sa relationship nila, feeling ko kilala ko na buong pagkatao nila.''

Biro ko naman.

Habang naglalakad ay tuloy-tuloy naman ang kwento ni Elly at Trina tungkol sa mga experiences nila nung sem-break hanggang sa makarating kami sa dorm.

Elly:  ''Speaking of Eunice, ilang araw kami magkasama bago ako bumalik ng Manila. Grabe feeling ko talagang nahurt sya sa nangyari sa kanila ni Roxy and hanggang ngayon hindi parin sya nakakamove-on.''

Hay...

Heto na naman po kami ..

Elly: Sabi nya nagkakausap parin daw sila, although hindi na kagaya ng dati.

Gale: ''Oh, ayan ka na naman sa mga kwento mo. Tapos pagdududahan mo na naman ako ng kung ano-ano.''

Reklamo ko habang nagpapalit ng damit.

Trina: Akala ko ba break na sila? Bat nag-uusap?

Pang-uusisang tanong naman ni Trina bago kumasok ng cr.

Elly: Naisip ko rin yan eh. Saka nabanggit nya mismo na may girlfriend na sya ngayon, pero nung nagkukwento sya halata sa itsura nya na affected parin sya kay Roxy. She still even has this video na ginawa nya for their 1st anniversary.

Gale: ''Video?''

Elly: oo, complilations ng pictures nila. Memories together. Ah! Wait, pinasend ko yun sa phone ko eh.

Sambit nya at saka nagmadaling kinuha ang phone nya para ipakita sakin ang video.

Gale: ''El, seryoso ka ba? may copy ka ng video ng ibang couple? Like for what??''

Elly: shhh! natuwa kasi ako sa video. kukuha lang naman ako ng idea, balak ko din gumawa for Trina, kaya wag kang maingay dyan.

Bulong nya naman sakin.

Gale: ''Bat hindi ka nalang mag isip ng ibang pwedeng gawin? Kailangan ba gayahin mo rin 'to?''

pabulong ko din naman na sagot para hindi marinig ni Trina ang pag-uusap namin.

Elly: Eh ang cute kasi. Tingnan mo, see it yourself.

Sammbit nya ulit at saka inilagay sa kamay ko ang phone habang nagpiplay ang video.

simula pa lang ng video cringey na.

sa totoo lang hindi ako fan ng mga ganitong klaseng efforts.

Do some people really find this sweet?

tingnan mo naman,

video slides with slow music background.

May sweet messages pa



ugh.



Sobrang cringeyyy!



first 30 seconds parang naduduwal nako.





Although,



I admit,


Yung solo pictures ni Roxy,



Well,



She looks cute.



At some point I agree dun spart na sinabi ni Elly,



She looks innocent.



Pero duh! Super cringey parin nitong video.



'Di ko na matiis kaya inilapag ko na sa table yung phone ni Elly at saka dumiretso sa cr nung nakita kong lumabas na si Trina.



Trina: Oh bat ganyan itsura mo?

Tanong nya sakin.



Sa ganung cringe level na nafeel ko kahit sinong makakita sa mukha ko magugulat eh.



Elly: Haynako babe, wag mo pansinin yang si Gale. Medyo matagal-tagal na din kasing single diba.

Trina: Huh? Eh ano namang kinalaman non sa ganung itsura nya? hahaha

Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla naman ako'ng may narinig na boses. Medyo mahina dahil nasa loob nako ng cr at nakasara ang pinto, pero rinig ko ang pagkanta nya.

Trina: Sa phone mo galing?

Tanong ni Trina kay Elly.

Elly: ang alin?

Trina: Yung kumakanta.

Elly: oo nga no. Ahh. hindi ko napansin to ah.

Trina: Sino yan?

Elly: Mukhang si Roxy. May recorded voice message pala sa video na ginawa ni Eunice. Hindi ko napansin nung una, medyo mahaba kasi yung video hindi ko naman natatapos.

Si Roxy?

Boses nya yun?



Pagtapos ko mag toothbrush ay lumabas nako ng cr.

Naabutan kong nag-uusap at parang nagtatalo yung dalawa.

Trina: Bakit ayaw mo'ng ipakita sakin kung galing talaga kay Eunice yan?

Elly: Eh basta, babe. Wag muna ngayon, okay?

Trina: Eh bakit nga?

Elly: iih! Basta!

Nako, mukhang nagtatalo nga yung dalawa.

Bago pa lalong uminit ang usapan nila ay sinubukan ko nang sumali sa usapan.

Gale: ''Video lang yun Trina, don't worry. I told here to keep it for me.''

Trina: You sure? Eh bat 'di ko pwedeng makita?

Tanong nya sakin na halatang nagdududa.

Gale: ''Ahh. Eh kasi ...''

Sh*t!

ano'ng sasabihin ko?



nako. dapat yata hindi na'ko sumali sa usapan at tulungan si Elly.



Habang nag-iisip ako ng pwedeng idahilan para pagtakpan si Elly ay agad naman itong sumingit at nagsalita.

Elly: Crush nya kasi si Roxy! Oo tama. Actually babe,crush nya kasi talaga si Roxy ayaw nya lang sabihin. She told me to keep the video for her kasi nga nalaman nya na may recorded voice si Roxy dito. Ayaw nya muna kasi sana ipaalam sayo kasi medyo nahihiya sya. hehe

wtf?!

What did she just say?!

sa dinami-dami naman ng pwedeng sabihin, jusko ka Elly!



Sa pagkabigla namin parero sa sinabi nya'ng yon eh nagkatinginan na nga lang kami.

Mukhang pati sya ay di inakalang yun ang lalabas sa bibig nya.



Trina: What??? Galey??? Crush mo si Roxy?



Oh sh*t! sh*t! sh*t!



Elly!!!





Gale: ''Uhm. ano kasi .... Uhhh. Biglaan kasi Trina .. ano ... basta .. medyo mahirap pa iexplain eh.''

Utal-utal ko'ng sagot.



I'm lost for words.


This is just ...



Urrghh!!!



Elly: Babe, don't think too much about this okay? and itong video, this is really meant for Gale. As I've said, galing 'to kay Eunice, and knowing na crush nga nya si Roxy, ayun, naisip ko na humingi ng copy kay Eunice nung magkasama kami para ibigay kay Gale. diba Gale?

Gale: ''Huh? Ah.o-oo.''


oh tanga. um-oo din.


Urghh!


Bat ba' kasi sumasang-ayon din ako sa mga sinasabi nito!?





Trina: Teka nga. Paanong crush mo si Roxy? Eh samantalang nung una diba sabi mo red flag kasi 'di naman talaga mukhang straight?

Gale: ''Ahh. oo, nung una, pero later on narealize ko na baka hindi naman talaga. And ... Ayun ..''

Elly: Baby? Just ... Let her be, okay?  Let's not pressure Gale. Hayaan muna natin sya, eh alam mo naman medyo matagal na din nung huling nagkainterest yan sa iba. Buti pa, mag ready na tayo ng dinner. okay?

Sambit ni Elly at saka hinila si Trina sa kusina.

Habang naglalakad palayo ay nagkatitigan pa kami ni Elly.


Tho I'm not saying anything, 


but she probably knows I'm currently cussing her on my mind.



Urgh!



My god, Elly!




Maya-maya pa ay nilapitan nya ako sa habang si Trina naman ay naiwan sa kusina.


Elly: Hey ..

Malambing na sambit nya.

Gale: ''what now?''

tanong ko sabay irap sa kaniya.

Elly: Sorry na. 'di ko na kasi alam pano ilulusot yun eh.

Gale: ''Eh bat kasi 'di mo nalang sabihin yung totoo na kinikeep mo yung video para gumawa ng version mo din for her?''

Elly: Ano ka ba. Edi hindi na surprise yun. 'di na sweet pag alam na nya.

Gale: ''Kaya sa dami ng sasabihin eh napili mo talagang idahilan na crush ko si Roxy? Hay.''

Elly: Sorry naaa. I'll make it up to you, okay? sasabihin ko din sa kanya soon, and na hindi totoo na crush mo si Roxy. For now, let's stick to it. ha? Sige na Gale, please?

Gale: ''Jusko eh ano pa ba'ng magagawa ko? eh nasabi mo na''

Elly: Yeyy! Thank you Galeey!

Tuwang tuwa nitong sambit at saka yumapos pa saakin.

Gale: ''Basta, make sure you'll tell her soon, okay? Saka idelete mo na din yang video na yan jusko, pinapahamak tayo nyan.''

Elly: Eh hindi pa pwede.

Gale: ''What? Why?''

Elly: Hindi ko pa tapos panoorin. kukuha pa ako ng idea.

Gale: ''El, hindi ba pwedeng gumawa ka nalang ng sayo? I mean yung sa'yo mismo. Without that video as your reference?

Elly: Eh basta hindi pa pwede. Pero idedelete ko na sa phone ko, mahirap na. Share ko muna sayo ngayon, tapos pahiram ng phone mo sa lunch break bukas.

Gale: ''huh?? bat sakin??''

Elly: Eh baka makita 'to ni Trina sa phone ko eh. Sige na, last na talaga, promise.

Nagdadalawang-isip ako pero since andito na 'to, eventually napapayag nya din ako na sa ishare nya sa phone ko yung video.



Gale: ''Hanggang bukas lang, okay? after lunch idedelete ko na 'to sa phone ko, and make sure to tell her the truth as soon as possible.''

Elly: Yes, yes. I promise.

-----

Kinabukasan sa gilid ng field ng College of Business ay nakahiga si Gale sa isang bench sa ilalim ng puno.

Araw-araw ay may bakanteng isang oras ang section nila bago mag umpisa ang 2nd subject kaya naisip nyang umidlip na muna habang hinihintay ang oras, habang si Elly naman ay nasa library para makigamit ng computer.

Gale: Uh. Ang init.

Sambit nito at saka kinuha ang phone sa kaniyang bulsa para tingnan ang oras.

Gale: 30 minutes pa? Ang tagal naman ng oras naiinip na'ko.

Dahil may ilang minuto pa bago ang susunod na klase ay naisip nito na mag browse nalang muna sasocial media.

Maganda ang panahon nang oras na 'yon at walang gaanon'g tao sa malawak nilang field. 

Naisip nya itong kunan ng litrato para ipost sa social media pero nung mapunta sya sa gallery ng cellphone nya ay may nakita syang isang 'di pamilyar na litrato ng babae.

Nang pindutin nya ito mula sa gallery ay doon nya napansin na hindi ito isang litrato kundi thumbnail ng isang video.



Ang video na gawa ni Eunice na ipinasa sa kaniya ni Elly.



Sa 'di malamang dahilan ay bigla nitong naisip na panoorin ito hanggang sa muli sya makarating sa parte nang recorded audio nang pagkanta ni Roxy.


GALE'S POV

Infairness, 


maganda ang boses nya,


and cute din talaga sya .. 


well, 

ay least in these pictures.



Halata naman sa expressions nya dito and sa boses nya na in love talaga sya sa ex nya na 'yon, pero hindi ganto yung nakita ko noon sa restaurant at sa cafe.


Hindi ko alam pero mukha syang malungkot n'on.



Like she's in a great pain.


She looked ...





Empty.





Kahit sino'ng makakita ng mga ngiti nya dito baka mainggit eh. Kasi mukhang ang saya-saya nya.



Looking at these pictures. no one would probably thought that one day



she would wear a total opposite of that smile.




Pero naalala ko,


nung first time na nakita ko sya dito sa field mukha naman syang okay.



She was smiling and laughing as if nothing's wrong.


She's just .... 



plain normal. 



Probably because she's surrounded with people?



But maybe when she's alone ...




*sigh*


I don't know.



Ang hirap nya'ng basahin.


Biglang 'di ko na sure kung genuine ba talaga yung smiles nya dito sa mga pictures or what.



Nah.



Why do I even care?




And speaking of the devil,




Andito na naman sila sa field kasama ang buong women's football team ng COST.


Napapadalas na pagpapractice ng team nila dito sa campus namin.




Hindi ko maiwasan tingnan sya, at gaya nung unang nakita ko sya sa field na 'to, mukha naman syang okay.


Madadaanan nila ang pwesto ko bago makarating sa gitna ng field kaya pinause ko na yung video.


Mula sa malayo hanggang sa makarating sila sa field 'di ko maalis ang tingin ko sakanya.


Hanggang sa napansin ko din ang daliri nya sa kaliwang kamay na may adhesive bandage.


Ganun ba kaimportante yung lumang phone na 'yun at hindi na nya napansin ulit na may sugat sya after nya makuha yun sa lupa that time?


*sigh*

  
---

Pagtapos ng klase ay muling dumiretso sa library si Elly para makigamit ng computer kasama si Gale, habang si Trina naman ay nasa COST parin para umattend sa isang club meeting for another volunteer work dahil kasama sya sa mga officers nito.

Sa loob ng library ay magkatabi ang dalawa at abala sa kani-kaniya nilang ginagawa.


Gale: Bat ba kasi dito ka gumagawa nyan? Eh may laptop ka naman sa dorm diba?

Elly: Baliw ka ba? edi nalaman ni Trina na gumagawa ako ng video para sa kanya.

Gale: Pwede naman kasing ibang bagay nalang gawin mo. 'di mo kailangan gayahin yung ginawa ni Eunice.

Elly: Hindi ko naman ginagaya, kumuha lang ako ng idea.

Gale: Talaga lang ah. Kaya pala pati pag add ng audio clip sa video naisip mo.

Elly: Hay. Wag mo nga ako'ng pansinin dito. Gawin mo nalang yang ginaggawa mo dyan.


Dahil walang ibang choice ay patuloy na nag browse si Gale gamit ang computer sa library habang hinihintay na matapos ang kaibigan sa ginagawa nito.


Naisip niyang bisitahin ang group page ng kanilang eskwelahan nang bigla naman niyang mapansin ang isang pamilyar na miyembro sa page na ito.

Gale:"Account nya ba talaga to?"

Tanong nya sa sarili nang makita ang profile ni Roxanne na halos walang post.

Pinagpatuloy nito na magtingin sa profile ni Roxanne hanggang sa mapansin nya na tila sinadya nitong gawing pribado ang lahat ng impormasyon pati na din ang mga litrato sa profile nya.

Sa dami nang kilala nya sa Greenfield ay wala din silang "mutual friends" kahit na isa.

Mula sa basic informatiom, bio, at albums ay sinubukan na halughugin ni Gale pero iilan lang ang nakavisible sa public.

Matagal nitong tinitigan ang profile ni Roxanne hanggang sa maya-maya ay bigla nitong clinick ang "add as friend" button sa profile nito nang walang pagdadalawang isip, at pagkatapos ay pinagpatuloy ang pag istalk sa profile nito, hanggang sa mapadpad sya sa ilang mga posts nito noon pang nakaraamg taon.

Isa-isa nyang binasa ang mga captions at pati na ang mga comment sa mga litrato nang mapansin nya ang isang pangalan.



"Eunice De la Paz"


Naalala nya na ito ang pangalan ng ex ni Roxanne kaya naisip din nya na silipin ang profile nito.


Sa paghahalughog nya ay wala syang nakita kahit na isang picture nang dalawa.


At gaya ng profile ni Roxanne ay napakapribado din ng profile ni Eunice.


Halos bilang lang ang makikitang pictures doon. Wala din laman at halatang peke ang basic information sa profile nito.


ilang minuto pa ay tila napagod na sa pag istalk si Gale kaya inihinto na nya ito at saka inilog-out ang kanyang profile nang bigla naman niyang mapansin na wala na si Elly sa katabi nyang pc.


Hinahanap nya ito sa paningin nya nang bigla itong sumulpot sa kanyang likuran.


Elly: Ano yan, ha?

Tanong nito na kinagulat naman ni Gale.

Gale: Ano ka ba, nakakagulat ka naman!
Elly: Actually mas nakakagulat ka. Kaya pala tahimik ka, iniistalk mo profile ni Roxy at Eunice?
Gale: Curious lang ako no.

Sambit nito at saka tumayo at naglakad palabas ng library na sinabayan naman ni Elly.

Elly: Curious kanino? Kay Roxy o kay Eunice?
Gale: Pareho.
Elly: Bakit?
Gale: Anong bakit?
Elly: Bakit biglang curious ka na? Nung una rinding-rindi ka pa pag nagkukwento ako ng tungkol sa kanila diba? Ngayon curious ka na?
Gale: Ewan. Hindi ko din alam.
Elly: Hm. Sabagay. Kahit ako nacurious sa kanila eh. At least ngayon alam mo na yung feeling. Hindi ako basta nakikitsismis lang sa kwento nila no. Curious lang din talaga ako. Siguro kasi sa  ganung set up ng relationship din tayo naiinvolve? You know, same sex, GL, whatever they call it.
Gale: Siguro .. Bakit nga ulit sila nag break?
Elly: 3rd party daw eh.
Gale: So may nagloko? Sino? Si Roxy?
Elly: Actually, ang sabi ng ibang friends namin si Eunice daw. Pero dinedeny naman nya. Basta ang alam ko, si Roxy ang nakipag break.
Gale: Ah. Kaya pala ..

Mahinang sambit ni Gale.

Elly: Huh? May sinasabi ka?
Gale: Wala. Wala naman.
Elly: oo nga pala, speaking of Roxy, ang sabi ni Trina kakanta daw sya sa school fest.
Gale: Kakanta?
Elly: oo. Ah, di ko ba nabanggit na vocalist din sya ng band sa campus nila? Kakanta yung band nila sa school fest next month.

Habang nag uusap ay 'di namalayan nang dalawa na nakalabas na pala sila ng Greenfield.


 Kasalukuyang nasa meeting parin si Trina kaya hindi na nila ito nakasabay pauwi ng dorm


Nang makarating ang dalawa sa dorm ay dumiretso si Gale sa lamesa nya at nagbukas ng libro habang si Elly naman ay nagpunta ng kusina para maghanda ng kanilang hapunan.

-----

Isang buwan ang lumipas at dumating na ang araw ng School fest kung saan lahat ng estudyante  at myembro ng iba't-ibang club sa Greenfield mula sa iba't-iba nitong campus ay nagsasagawa ng iba't-ibang activities and programs para sa magkakaibang lokasyon sa bawat campus.

Dahil ang college of business naman ang may pinakamalaking field ay napili ito para doon isagawa ang ang karamihan sa activities gaya ng dance contests, sports event, pati na rin ang pagtugtog ng mga banda mula sa magkakaibang campus.


4pm naka-schedule ang stage sa gitna ng field para sa pagtugtog ng mga banda.


Habang naghihintay ang lahat ay abala naman si Gale, Elly, at Trina sa pag iikot sa Bazaar 'di kalayuan mula sa field.


Nang mag-umpisa na ang event ay unang tumugtog ang isang banda mula sa College of Medicine, 


sumunod ang College of Law, at ibang banda mula sa iba pang campus ng Greenfield.


 
Sumunod na tumugtog ang banda mula sa College of Science and Technology kung saan ang vocalist ay si Roxanne.


Nang banggitin ng MC ang pangalan ng grupo at kung saang campus ito nagmula ay biglang naghiyawan ng malakas ang mga estudyante na nanonood na tumawag naman sa atensyon nina Gale.


Mula sa bazaar ay agad na nagmadaling naglakad at hinila ni Elly si Gale at Trina para panoorin ang banda 'di kalayuan sa stage.


ilang minuto bago magsimula ang banda sa pagtugtog ay biglang namatay ang mga ilaw dahilan para muling maghiyawan ang mga estudyante.


Maya-maya ay bumukas ang isang spotlight sa pwesto kung saan nakatayo si Roxanne habang hawak ang isang mikropono.


Kasabay ng pagkumpas ng gitarista sa strings ng kaniyang gitara ang pagtahimik naman ng lahat.

Naghihintay sa pagbigkas ni Roxanne ng mga salita para sa kaniyang pagkanta.


*Imagine 12:51 playing*



Nang umpisahan ni Roxanne ang pagkanta ay muling naghiyawan ang lahat.

-----


GALE'S POV


Naghiyawan ang lahat nang mag-umpisang kumanta si Roxanne.


Ang lamig ng boses nya.


Bagay na bagay sa napili nyang kantahin.


Di na rin ako nagtataka kung ganto sya ka-popular sa buong Greenfield.


Athlete, vocalist, at higit sa lahat ...





Maganda talaga sya.





Ewan ko ba.





Nung narinig ko syang kumanta ng live parang bigla ko nang natanggap sa sarili ko na ang perfect nya.




Kaya bigla ko din naisip.





Bakit sya lolokohin ni Eunice?




The way she smiles while she sings,



Her eyes,




Her voice,





Tama nga si Elly.






She looks so innocent,







and very attractive..






'Di na rin nakakapagtaka na kahit babae eh nagkakagusto sa kanya.




Although,


She really doesn't look like the type of girl na magkakagusto nga sa kapwa nya babae.




Ewan ko.




I just still don't feel it.






I really don't feel her being gay.





Kaya malaking palaisipan saakin why Eunice cheated on her.



Knowing the fact that for sure, hindi nya ganun kadaling napa-oo si Roxanne.





I don't get it.




'Bat sya magloloko?

-----


Pagtapos tumugtog ng banda ni Roxanne ay nagpaalam si Gale sa dalawa para manigarilyo.



Dahil madaming tao sa paligid gawa ng event ay alam niyang hindi safe na manigarlyo sa likod ng building.



Umakyat ito sa rooftop at doon nagsindi ng sigarilyo habang ang lahat ay abala na nanonood parin sa mga sumunod na tumutugtog na banda.




Habang naninigarilyo ay kinuha nito ang cellphone sa kanyang bulsa.


Nag scroll sa social media at saka muling tiningnan ang profile ni Roxanne.



Ilang linggo na ang nakalipas mula nang sinubukan nya na mag send ng friend request dito pero hanggdang ngayon ay hindi parin sya nito inaaccept.


Kinancel ni Gale ang kaniyang request sa pag-iisip na baka hindi na nito ginagamit ang account kaya baka hindi na niya ito napansin.


Pero ilang segundo pagtapos nya itong icancel ay nakita nyang biglang nag 'active' ang status nito sa profile.


Doon ay bigla syang nabuhayan kaya naman ay agad nyang pinindot ulit ang "add as friend" link na katabi ng profile picture nito.


Kasabay nito ang isang notification sound na kaniyang narinig mula sa likuran.


Walang ibang tao nang umakyat siya sa rooftop kaya't laking pagtataka nya nang may marning na notification sound doon.


Tiningnan nya ang kanyang cellphone sa pag-aakalang kaniya ito galing pero walang kahit na anong messages o notification ang pumasok sa kanya nang mga oras na 'yon.


Hawak ang stick ng kanyang sigarilyo ay hinanap nya ang pinagmulan ng notification sound.


Hanggang sa Ilang hakbang mula sa likuran nya ay nakita nyang nakatayo si Roxanne na nakatitig sa cellphone nito.

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.9K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
253K 9.3K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...
44K 2.4K 21
If you knew what it felt like to have your entire life upended, that was exactly what Isabelle felt like right at this moment. From finding out you h...
38.5K 908 29
โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ you got me down on my knees it's getting harder to breathe out . . . โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘พ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฏ . . . ๐œ๐ก๐ซ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐จ ha...