Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

15 2 0
By DonaQuixote

Author's Note :

Hello! Sorry for the kong wait. Mahal ko kayo!

-Miss A.

--

Chapter One Hundred Seventy Three

Angel's Point of View

"Bravo!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Justin and he's clapping his hand while looking at me. Nakatingin siya sa akin na para bang bilib na bilib siya sa nakikita niya.

Akala ko umalis siya..?

Gaio left me, sabi niya tutulungan niya raw sila Dana at Liza sa hospital upang ayusin ang gamit ng tatlo doon at asikasohin ang bills nila.

Nasa sala ako ngayon at nakaupo, hinihintay ko si Carl na bumaba. Galing kasi ako sa kwarto ni Cole, sumilip ako at nakita ko na binabantayan ni Carl si Cole ng mabuti habang kumakain ito ng agahan.

"Justin..." alanganing bigkas ko sa pangalan niya sabay tingin sa taas. Baka kasi biglang bumaba si Carl, baka marinig niya kung ano man ang sasabihin ni Justin ngayon.

Alam kung sisimulan na naman niya ako. Bakas ang galit sa mga mata niya. Alam kong hindi na siya magtitimpi ngayon sa harapan ko.

"Ang galing mo rin talagang magpanggap eh 'no? Sa tingin mo ba.. paniniwalaan ko ang mga sinabi mo kagabi?" puno ng sarkasmong sabi niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang humakbang siya papalapit sa akin.

Hanggang sa makakaya ko, hindi ko siya hahayaang gumawa ng eksena rito sa bahay ni Klein.. habang alam ko na may maaring nakarinig sa mga sasabihin niya.

"Justin.. please? Huwag dito. I'm begging." pakiusap ko. Ang masamang tingin niya ka jna sa akin ay mas sumama. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa ako bumulagta.

Muling humakbang siya papalapit sa akin dahilan para mataranta ako't humakbang din papalayo sa kaniya.

"Alam ko naman na sinabi mo lang iyon kagabi para ano? Kaawaan kita? Para maawa ako sayo at hindi ko na naman sabihin sa mga kaibigan ko kung gaano kasuklam suklam kang klase ng tao?" puno ng diing sabi niya.

Para naman akong sinaksak ng ilang milyong beses dahil sa sinabi niya. Hindi na siya naniniwala sa akin.. na kahit na magsabi na ako ng totoo ay iisipin niyang kasinungalingan na lang lahat ng iyon.

Inaasahan ko naman na iyon pero masakit pa rin pala.

"Ang galing galing mong magpa-ikot ng tao,  Angel. Tignan mo naman si Gaio.. kuhang kuha mo ang loob niya matapos mong magsabi ng nakaraan mo kuno kagabi. Iyak ng iyak ang loko. Hindi niya alam na isa lang iyon sa mga kasinungalingan mo." sabi niya at tumawa, tawa na puno ng sarkasmo. Tapos matapos niyang tumawa ay tumingin siya sa akin ng seryoso. Wala ng mababasang emosyon sa muka niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Umiyak si Gaio kagabi?

Dahil sa akin?

"Silang lahat. Paniwalang paniwala sa mga kasinungalingan mo, Angel. Kagabi.. halos hindi na sila makatulog at makapag-isip ng maayos dahil lang sa nalaman nila. Awang awa at nasasaktan sila para sayo, para sa kaibigan nila." sabi niya sabay duro sa akin.

Kinuyom ko ang kamao ko. Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang luha ko pero hindi iyon naging epektebo dahil nakatakas ang mga lintik na luha at nag-unahan iyon nagbagsakan.

"Oh, isa rin iyan eh. Ang pag-iyak mong iyan. Diyan mo kami kuhang kuha eh. Napaka-plastik, naknang tupa." bakas ang pagka-asar sa boses niya pero wala akong nakikitang emosyon sa muka niya.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagluha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang hikbing gustong kumawala sa labi ko.

Wala akong masabi.

Lahat ng sinasabi niya ay talagang tumama sa akin. Para akong pinompyamg sa ulo tapos iyong masakit eh sa puso.

Hindi ako makahinga ng maayos. Ang sakit ng bawat tibok ng puso ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko.

"Pero huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko dahil malapit na ang oras mo para magsabi ng totoo." sabi niya.

Nabibiglang nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Makukuha na namin mamaya ang hard drive ng CCTV, Angel. Malalaman na nila na kasalanan mo ang lahat kaya humanda ka. Iyong mga salita ko, mga ginawa ko sayo ay mas dodoble pa—hindi triple mo pang mararanasan iyon... sa kamay nila. Lalo na ni Chad." pagbabanta niya.

Umusbong ang pinaghalong kaba, takot, at lungkot sa dibdib ko.

Nanghina ang katawan ko at hindi ko nagawang umatras nang humakbang siya papalapit ng papalit sa akin at niyakap niya ako.

"Mahal na mahal kita pero hinding hindi kita mapapatawad. Mahal kita pero mas lamang ang galit ko sayo." bulong niya.

Dahil yakap niya ako ay hindi ako nakapalag ng nang ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko ay umangat at dumapo iyon sa leeg ko.

Mahigpit na sinakal ako ni Justin kaya hinawakan ko ang kamay niyang nasa leeg ko, hinawakan ko iyon hindi para alisin kundi mas idiin.

I deserve it.

"Justin..." bigkas ko sa pangalan niya dahil ramdam kong malapit na akong mawalan sa ulirat dahil sa kawalan ng malanghap na hangi.

Napasinghap ako nang malakas na itulak niya ako papalayo sa kaniya. Sa sobrang lakas ng pwersang iyon ay hndi ko nabalanse at nakontrol ang katawan ko dahilan para tumama ang katawan ko sa glass table at sa sobrang lakas ng impact ng pagkakahampas ng katawan ko doon ay nabasag iyon kasabay ng pagkalagapak ko sa sahig.

"Fuck! Anong nangyari rito? Anong ingay iyon—fuck! Angel?! Shit! Angel!" mula sa taas ay natatarantang bumaba ng hagdan si Carl at agad akong dinaluhan.

Marahan niya akong hinawakan sa kamay at inalalayang tumayo. Agad niyang tinignan ang kabuuan ko at galit siyang tumingin kay Justin.

"Ano na namang kagagohan 'to, Justin?" galit talagang tanong ni Carl kay Justin na hindi man lang kakakitaan ng kahit anong emosyon sa muka. Ni hindi natinag sa galit na pinakita ng lalaki.

"A-Ano Carl... nadulas lang ako." pigil ko sa lalaki nang akma niyang susugurin si Justin.

"Hindi naman ako tanga Angel, kung nadulas ka.. bakit naman sobrang sama ng lagapak mo? Hindi ka naman bobo para mangyari sayo 'yan, 'di ba?" puno ng diing sabi nito.

Nagulat pa ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Oo, nagagalit siya dati. Oo, nagsasalita siya ng mga ganiyang salita pero hindi ko pa siya narinig na magsalita ng ganiyan at ganiyan din kaseryoso.

O baka nakita ko na pero iba lang ang dating dahil si Justin ang kausap niya at ako ang pinagtatanggol niya? Siguro.. pero kahit na gano'n ay nakakapanibago..

"Anong kagagohan 'to, 'ka ko, Justin?" baling niya na uli sa lalaking mukang nagulat din sa inasta ng kaibigan. Bakas ang pagtataka sa muka niya.

"Hoy Carl.." nabibiglang bigkas ko sa pangalan niya.

"Tss. Tingin nga..." biglang bumalik na ang boses niya sa dati at tinignan ang kabuuan ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan lahat ng sulok sa katawan ko na maaring masugatan sa nangyari. "ano ba kasing ginagawa mo? O mas tamang ano ba ang ginawa niya Justin sayo?"

"Lampa siya, iyon lang." singit ni Justin sa usapan, masama ang timpla ng muka niya habang nakatingin kay Carl.

"Talaga ba?" mayabang na tanong niya.

"Wala nga.. nadulas lang talaga ako." sabi ko. Alangan namang sabihin ko na tinulak ako ng lalaki, edi magtataka na itong si Carl, at magtatanong siya nang magtatanong. At alam ko.. sa sarili ko na puros kasinungalingan na naman ang mga lalabas sa bibig ko.

At baka mas masapak niya si Justin, at kapag napikon si Justin sa lalaki may masabi pa siyang hindi pa dapat malaman ni Gaio.

Delikadong pikonin ang isang Justin ngayon. Isa siyang bulkang maaring sumabog na lang bigla. Nakakatakot.

"Talaga ba?" paninigurado ni Carl. Bumalik na ang pag-aalala sa boses niya.

"Oo nga, mayabang ako pero hindi mawawala ang araw na namamalas ako." sagot ko. Natawa naman siya, iyong tawa na nakakainsulto dahil sobra kong tanga dahil sa nangyari sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag doon, nakalimutan ko.. medyo uto-uto din pala ang isang 'to.. madaling mapaniwala. May kapareho sila ni Gaio ng ugali minsan.

"Eh may masakit ba sayo? Kahit wala kang sugat ay masama ang bagsak mo." usisa niya. Inalalayang niya akong maglakad papuntang sofa. Maging ang pag-upo ko roon ay nakaalalay siya.

Masakit ang puso ko. Bawat tibok masakit.

Umiling ako, "likod ko. Pero okay lang, papahinga ko lang 'to." sabi ko at inihiga ang sarili ko sa sofa.

"Please be gentle with yourself. Mag-ingat ka na sa susunod, okay?" sabi niya. Ang boses niya ay malumanay.

"Okay."

"Kuhanan kitang tubig?"

"Segi.." sagot ko. Taka ko naman siyang tinignan nang maglakad siya palayo sa akin.

"See that? Iyan ang naging epekto sa kanila dahil sa sinabi mo kagabi." tatawa tawa si Justin habang sinasabi iyon. Nakatayo siya sa tabi ng isang single sofa, naka-cross arm, nakatingin sa akin na puno ng sarkasmo ang muka.

Ahh.. kaya pala.

Si Gaio lang kasi ang higit na trumato sa akin ng sobra sobrang lumanay.. kahit wala akong sakit o kahit na sa sobrang random na oras o araw. May paki pa rin naman sa akin at nag-aalala ang ibang kaibigan namin pero hindi gaya ng binibigay ni Gaio. Pero kanina.. nakakapagtaka na gano'n ang trato sa akin ni Carl. Iyon pala ay dahil sa nalaman niya kagabi. Ano ba iyong nararamdaman niya? That he have to take care of me because I deserve it? Or pity? Kung alin man doon ay hindi ko na iintindihin.

"Hindi kasinungalingan ang sinabi ko kagabi kung iyon ang iniisip mo. Pero hindi ko pipilitin na maniwala ka dahil alam kung wala namang mababago."

"Hindi na talaga ako maniniwala sayo. Sa dami ba naman ang kasinungalingan mo? Halos wala 'atang ni isa ang totoo."

"Nagkakamali ka.." halos ibulong ko na ang sagot kong iyon dahil sa sinabi niya. "mahal ko kayo... lahat kayo."

"Mahal?" natatawang sabi niya, "kung mahal mo kami.. bakit mo ginagawa 'to? Ano 'tong ginagawa mo? Bakit andito ka pa? If you love us, you won't lie to us." nang-uuyam na tanong niya.

Alam ko ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang magsalita na ako.. gusto niyang sabihin ko na ang totoo pero.. hindi ko kaya.

"Bigyan mo ako ng oras." halos mapiyok na sabi ko. Yumuko ako at nilaro ng kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya at.. sakit.

"Wala na akong magagawa." tiningala ko siya dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa akin, walang emosyon ang muka. "sapat na ang oras na binigay ko sayo.. ang totoo niyan ay sobra pa nga. At pinagsisihan ko iyon."

"Justin.."

"Dahil hinayaan kita rito ng matagal naging mataas at matalas ang sungay mo. Nagawa mo ng pumatay ng tao, ang malala ay hindi pa sinilang ang isa." puno ng diing aniya. Bahagya ring naging mataas ang boses niya kaya nakaramdam ako ng takot.

Shit. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil takot na lang ang naramdaman ko. Takot imbes na awa sa mag-ina ni Cole. Takot para sa sarili ko dahil baka marinig ni Carl ang sinasabi ni Justin.

Kinagat ko ang labi ko. Nag-init ang sulok ng mata ko. Huminga ako ng malalim.

"Huwag mo akong pagbintangan." tuliyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko ng sabihin ko iyon. Lumapit ako sa kaniya, bahagya akong lumhod sa harapan niya at hinawakan ko ang kamay niya, idinikit ko iyon sa noo ko. "at huwag kang maingay.. please? Marinig ka ni Carl eh. Or worst baka ni Cole ang makarinig sayo." pakiusap ko. Hindi ko binitiwan ang kamay niya kahit na pilit niya iyong binanawi.

Tumawa si Justin kaya tiningala ko siya. Nagulat ako ng makita na namumula ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Galit ang makikita sa kaniyang mata pero hindi no'n naitago ang lungkot.

"How.. how could you think about yourself only?.. You're so selfish, Angel." sabi niya, bulong niya.. hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Hindi niya matanggap na sinabi ko iyon.

"Kasi.... A-Ano.." hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Wala akong matinong dahilan. Alam kong wala akong magiging dahilan dahil totoo ang sinabi niya. Sarili ko lang ang inisip ko.

"Angel! Justin!" sigaw ni Carl mula sa kusina. Nabibiglang napatayo ako sa pagkakaluhod nang mabilis siyang lumabas mula roon. Nagtaka pa siya sa nakita niya pero mas nagtataka ako dahil sa pagkataranta sa itsura niya.

"Oh? Bakit?" tanong ko rito.

"Sila Gaio.. shit! Anong gagawin natin?!"

"Kumalma ka, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari?"

"Tinawagan ako ni Gaio, sinusundan sila ng mga kalaban. At marami raw sila, Angel, marami raw." puno ng pagkatarantang sabi niya. Sunod sunod rin ang pagmumura niya, hindi niya malaman ang gagawin.

Si Gaio ay kasama sila Liza at Dana, kasama rin iyong tatlo na galing hospital. Alam kong magaling naman silang makipaglaban. May tiwala ako sa kakayanan nila dahil nakita ko na iyon pero hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala gaya ni Carl hindi dahil hindi nila kaya ang mga 'maraming' kalaban na iyon kundi dahil kagagaling lang sa hospital no'ng tatlo, baka bumalik sila tapos hindi na silang tatlo kundi silang anim na.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" aya ko. Hinatak ko siya pero hindi naman siya nagpahatak.

"Si Cole.. walang magbabantay kay Cole." dahil sa sinabi niya ay napahinto rin ako. Oo nga pala.. hindi pwedeng maiwanan iyon ng walang kasama.

"Tsk. Bakit ba kinakabahan kayo? Kaya na nila iyon." singit bigla ni Justin sa usapan.

"Naisahan na nga sila 'di ba? Kaya nga ngayon pa lang sila lalabas sa hospital dahil naisahan sila kahit magaling sila 'di ba?" puno ng sarkasmong sagot naman ni Carl sa lalaki.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Edi puntahan mo na sila ngayon." sinabayan naman ni Justin ang pagiging sarkastiko ni Carl.

Mukang mag-aaway pa sila. Tsk.

Napatayo si Carl sa inis sa sinabi ni Justin kaya agad akong pumagitna sa kanila, "kalma." awat ko.

Hinawakan ko siya sa balikat at pinaupo siya uli sa sofa. Nakikiusap na tinignan ko naman si Justin dahil tumawa pa ito.

"Maiiwan ako rito, puntahan niyo na sila—"

"Hindi na. Ako na ang maiiwan dito, kayo ang pumunta." putol ni Justin sa sasabihin ko. Tinignan ko siya wala sa akin ang tingin niya kundi na kay Carl.

"Okay. Let's go." sabi ni Carl, sa akin nakatingin.

Tinignan ko muna si Justin bago ako sumunod kay Carl.

"Bumaba ka diyan, ako ang nagmamaneho." utos ko sa lalaki.

"Ako na."

"Mas mahusay akong magpatakbo ng mabilis keysa sayo." wala sa sariling pagyayabang ko bago ko hinila ang kwelyuhan niya at hinila siya palabas ng kotse. Ako na naupo sa driver's seat, napipilitan naman siyang umupo sa back seat.

"Tell me their location." sabi ko bago ko pinaandar ang kotse.

Shit. Sana mali ang iniisip ko.

Shit ka, Rosh.

Kahit na napupuno ng sasakyan ang kalsada ay swabe ko iyong nabyahe dahil magaling akong sumingit at mag-over take. Mabilis akong nagmaneho kahit na ramdam ko ang tensyon na nabubuo sa loob ko. Kinakabahan ako kahit na alam ko naman na kaya naman nila ang sarili nila.

Pero kasi.. hindi naman sila tatawag ng back up, hindi ba?

Masyado bang madami ang sumusunod sa kanila?

Ilang beses din kaming nabusinahan ng mga kotseng nauunahan namin pero wala akong pakialam. Pinaharurot ko ang kotse at napapamura na lang si Carl sa likod dahil sa kaba? Hindi ko alam.

Habang papalapit kami sa lokasyong sinasabi ni Carl ay kitang kita ko ang dalawang pamilyar na kotse, ang isa ay kay Gaio at ang isa naman ay ang kotse ni Dana. Mabilis ang paandar nila, pero normal na bilis lang iyon. Mukang hindi nila ipinapahalata sa mga sumusunod sa kanila na alam nilang may sumusunod sa kanila.

Pinagmasdan ko ang limang kotse na nakasunod sa kanila, lumiit ang mata ko at pasiring na tinignan ang mga van sumusunod sa mga kotse.

"Marami nga.." wala sa sariling bulong ko.

"Huh?" takang usal ni Carl.

"Ang sumusunod sa kanila."

Kinabig ko ang kotse at mas binilisan ang pagmamaneho. Pero sinasadya kong huwag muna silang habulin kahit na kaya ko. Pinanood at pinagmasdan ko muna ang mga 'to.

Anong plano nila?

Napaisip ako. Kung sila ang mga nakapasok sa bahay namin, sa hide out namin at dahilan kung bakit nabugbog iyong tatlo.. anong pakay nila ngayon? Bakit biglang ganiyan?

"Did they know we're here?"

"Yap, I texted Dana."

"Sabihin mong bilisan nilang nagmaneho at pumunta sa liblib na lugar, susundan natin sila." utos ko kay Carl, taka naman niya akong tinignan. Hindi alam kong susunod pa siya sa akin o hindi.

"Huh? Hindi ba mas safe kapag maraming tao? Dito na lang."

"Ako bahala." ngiti ko.

Kilala ko ang mga kotseng iyan. Kilala ko rin ang mga nasa loob ng kotse. At mas lalong kilala ako ng mga nasa kotse.

Tangina mo talaga Rosh. Tangina mo!

Maya maya lang, matapos magtipa ni Carl sa telephone niya at bumilis na ang patakbo nila Gaio sa kotse nila. Agad na tumalima ang mga sumusunod na kalaban, gano'n din ako.

Mabilis na minaneho ako kotse, parang iisa nga kami ng utak nito dahil kung anong gusto kong gawin ay sumusunod ng sakto sa gusto ko ang kotse. Walang palya. Tunay nganh mahusay ao. Kakatwang naabutan ko ang kotseng nakasunod kila Gaio, naunahan ko pa ang mga van.

Nang napansin kong wala na kami sa medyo walang taong lugar ay napangisi ako.

Isang malakas na mura ang namutawi sa bibig ni Carl nang mabilis na hinarang ko ang kotse sa harapan ng kotseng humhabol kila Gaio. Tinignan ko ng nagmamaneho no'n at nabakas ang takot sa muka niya, mabilis na kinabig niya ang preno bago pa man lumapat ang kotse niya sa kotseng sinasakyan ko.

"Teka—anong gagawin mo?" mabilis na tanong ni Carl, hinawakan niya rin ako sa braso upang pigilang lumabas.

"Kakausapin sila."

"Gago ka ba?!"

"Hindi?"

"Teka!" sigaw niya pero hindi ako nagpapigil, hinatak ko ang braso ko sa kaniya at lumabas. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas din, gano'n sila Gaio na nahinto sa pagmamaneho dahil siguro nakita nila ang nangyari.

"Angel, ano bang ginagawa mo? Masyado silang marami!" suway sa akin ni Carl pero hindi ako nagpapigil at humarap sa mga kalabang nasa harapan namin ngayon, kakababa lang din nila sa kotse at van.

At shit, madami nga sila. Pero hindi man lang ako maramdaman ng takot para sa sarili at sa mga kasama ko dahil unang tingin pa lang naman sa kanila ay makukuha ko na sila sa pananakot ko. Kunting yabang lang.

Alam kong magtataka ang mga kasama ko dahil kilala ko sila pero shit, hindi ko hahayaan na gawin nila sa kanila kung ano mang inutos sa kanila ng amo nila.

Malalaman din naman nila ang lahat ng tungkol sa akin, edi kahit gawin ko 'to ngayon ay wala na akong pakialam. Bahala na lang akong magsinungaling sa kanila mamaya. Na sana ay sakyan nila sa huling pagkakataon.

"Anong kailangan niyo sa amin?" tanong ko sa kanila.

"Hindi ka kasama sa pinag-utos, Miss Angel, kaya kung maaari ay umalis na lang kayo rito upang hindi kayo madamay." pakiusap sa akin ng pinaka-pinuno nila.

"Bakit ka kilala ng mga iyan? Miss Angel pa talaga ang tawag sayo?" bulong na tank h ni Gaio sa akin. Hindi ko siya magawang sagutin.

Napangisi naman ako at napawi ang nagising iyon nang mapansin ko na hindi bat o kahit anong pamalo ang hawak nila kundi baril.

Shit.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Nilingon ko ang mga kasama ko na nakatingin sa akin at alerto ang mga mata nila kung sakali mang gumawa ng hakbang mga kaharap ko laban sa akin.

"Anong inutos sa inyo ng boss niyo?"

"Ang pahirapan sila."

"Kilala mo ako, hindi ba?"

"Oo naman, Miss Angel." napapalunok na sagot niya, tumango pa siya.

"Kaibigan ko sila." turo ko sa mga nasa likod ko habang tiim pa ring nakatingin sa lalaking kaharap.

"Pero inutos—"

"Kakantiin mo ako, sigurado ka?" medyo tawang tanong ko.

Ramdam ko na hinawakan ng kung sino sa likod ang braso ko, siguro para pigilan ako sa ginagawa ko dahil kahit na ramdam ko ang takot nila sa akin ay nakikita sa muka nila ang irita dahil sa sinabi ko.

"Bibilang ako ng tatlo... nakalayas na kayo. Isa."

"Pero Miss Angel—"

"Dalawa—"

Isang mura ang pinakawalan niya bago ako tinalikuran at inaya ang mga kasamahan niyang umalis. Mabilis na nagsikilos ang mga ito, sumakay sila sa kotse at van, umalis sila ng mabilisan.

"Easy peasy.." tawang sabi ko bago ko hinarap ang mga kasama ko na puno na ng pagtataka at pagdududa sa kanilang mga mata.

"What the hell?" halos pabulong na bigkas ni Oscar.

"What the fuck did just happened?" hindi makapaniwalang bulalas ni Dana.

"Anong nangyari? Bakit ka nila kilala? Bakit mukang takot na takot sila sayo?" umatake na ang sunod sunod na tanong ni Gaio.

Malungkot akong napangiti.

"They just know me, that's why."

"And who the fuck do you think you are? Bakit takot na takot sila sayo?" tanong ni Owen. Mapanuri ang mga mata niya, wala pa man ay nagbibintang na ng kung ano man ang iniisip niya.

"Tell us, are you one of them?" nagugulat na tinignan ko si Shadow dahil sinabi niya.

"I'm not!" pagsisinungaling ko kahit na halatang halata naman. Syempre oo, isa ako sa kanila, kilala nila ako eh.

Tangina, mga tauhan iyon ni Tito Jack, na tauhan ding matic ni Rosh. Ang mg taong iyon ay kilala ako dahil tauhan din ako ng mag-ama, utusan, alila dahil sa utang na loob ko sa kanila. Ang kaibahan lang namin ay magaling ako, samantalang sila ay.. sabihin na nating mahusay din pero wala pa sa katiting ko.

I am well trained, they're not.

"Kumalma kayo, I'm not one of them, I just.. know them." pagsisinungaling ko. Syempre, sumeryoso na ako dahil kailangan kong kuhanin ang loob nila. Kailangan. "I'm an underground fighter." another lie. "A champion. Kilala nila ako dahil nakalaban ko na silang lahat... kaya gano'n na lang ang takot nila sa akin."

"Kahit na may hawak silang baril?"

"I know their families." seryosong sabi ko dahilan para umawang ang labi nila sa gulat. Syempre, kasinungalingan na naman.

"Seryoso ka?"

"That's.. cool and scary at the same time."

"Hindi ako makapaniwala."

"I am, too.." sagot ko, "I'm sure nasabi na sa inyo ni Gaio ang nakaraan ko.?" tanong ko. At natawa ako dahil tumango sila kaya tinignan ko si Gaio na naka-peace sign sa akin.

"And? What's the connect?" tanong ni Owen.

Tinignan ko silang lahat at kahit na bakas ang pagtataka, pagdududa, at pagtatanong sa mga mata nila ay kitang kita kung gaano sila kaseryoso. Napangiwi ako ng palihim dahil alam ko na matatalino sila. Kung ano man ang nabubuong konklusyon sa utak nila ay maaring tama.

Pero may bilib pa naman ako sa talento ko sa pagsisinungaling. May bilib pa ako sa husay ko sa pag-akto. Alam kong kaya ko silang bilugin gamit ang mga salita ko.

Mahusay ako sa gano'n, sabi nga ni Justin.

Yumuko ako, gusto kong matawa dahil tangina.. huling huli ako. Alam kong may iniisip na sila tungkol sa akin at alam kong tama iyon lahat pero alam ko ring kayang kaya ko iyong lusutan.

"Nakatakas ako sa mga kidnappers ko." kwento ko, at totoo ito. Kakatwang hindi ako komportabling pag-usapan ang bagay na ito noon, takot na takot akong I-kwento ang nakaraan ko sa kanila pero ito ako ngayon nagkwe-kwento para lang mawala ang Duda nila sa akin at matabunan ng awa.

At kapag naawa sila sa akin... hindi nila ako iisapan ng masama.

"Matapos kong makauwi sa bahay namin after that long long miserable happened to me. Nagrebelde ako, and guess what? I trained myself. Na lumaban at ipagtanggol ang sarili ko if ever mangyari uli sa akin iyong nangyari sa akin noon." sabi ko, tumawa ako ng mapait. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. "until I became a good fighter." kwento ko. "marami akong nakakalaban sa underground na natatalo at gustong gumanti sa akin dito sa taas, pero para hindi nila ako magalaw... I decided to know where their houses and who is their family."

Naniniwala ako na kung gusto mong mapaniwala sila sa mga kasinungalingan mo? Sabayan mo ito ng mga kunting katutuhanan.

I'm not a underground fighter. I'm not a champion. And I didn't train myself for self defense. Tito Jack trained me. He trained me to be a perfect assassin. At the age of 16... I'm already a professional. But he never use me.

"What a revelation."

"I don't believe you."

"Then don't," seryosong pahayag ko, "hindi naman ako gano'n kasama, hindi ko ginagalaw ang pamilya nila, panakot ko lang iyon." paninigurado ko sa kanila.

Hindi totoo ang sinabi ko na kilala ko ang pamilya ng mga iyon at ginagawa ko iyong panakot, bukod ko iilan lang sa kanila ang natatandaan ko ang pangalan.. ay kilala nila ako kaya sila takot sa akin, kilala nila si Hell at ang kakayahan niya. At syempre ang kapit niya sa boss nila.

"Hindi na ako sa bahay namin tumira simula nang makauwi ako roon ng ligtas. Nanirahan ako sa labas ng marangyang buhay ko, nag-enroll ako sa mga klase upang malinang ko ang kakayahan ko sa paglaban. At para kumita ng pera, sumubok ako sa underground na lumaban. Syempre talo noong una kasi baguhan pero habang tumatagal ay nakukuha ko ang kapyonato. Nagkapera ako. Gano'n lang ang buhay ko... guys.. before I met you." matapos kong mag-kwento ng mabigat na kasinungalingan ay tinignan ko sila.

Lihim na napangiti ako dahil kitang kita ko na nawala ang pagdududa sa mga mata nila at napunan iyon ng awa, simpatya, at lungkot.

Alam ko ang kwento nila sa buhay. Alam ko na bawat isa sa amin ay pinagdadaanan. Alam naming lahat ang kwento ng isa't isa. Alam din nila ang tungkol sa akin at sa pamilya ko pero ang isang 'to.. bago ito sa pandinig nila at ngayon alam ko na iniisip nila ngayon na kaya ngayon ko lang 'to kwenekwento dahil masyado itong mabigat para sa akin para ikwento sa kanila ng isang bagsakan.

"Alam kong..." nagkunwari akong napipiyok at maiiyak na.. "alam kong nagtataka kayo kung bakit ko lang 'to sinasabi. Kasi.. k-kasi nahihiya ako. Nahihiya ako kasi baka pagtawanan niyo ako.. kaawaaan.. o baka pandirihan niyo ako dahil sa mga muntik ng nangyari sa akin noon. At ayaw ko siyang ikwento kasi.. kasi nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil iyong buhay na naranasan ko noon.. hindi ko deserve iyon." at tuluyan na ngang bumagsak ang luhang pinaghirapan kong ilabas.

Yumuko ako, tinakpan ko ang muka ko gamit ang kamay at umiyak ako na parang bata sa harapan nila.

Ngayon ay totoong iyak na iyon.

Hindi na peke.

Dahil isa na namang kasinungalingan ang binitiwan ko sa mga taong mahal na mahal ko. Ang kunti ng katotohanan sa mga sinabi ko.

Kasinungalingan na ang karamihan.

Kasinungalingang pinaniwalaan na naman nila dahil sa galing kong umakto.

Tangina... Hanggang kailan ko pa ba gagawin 'to? Hanggang kailan ko pa lolokohin ang mga taong sobrang laki ng pagmamahal sa akin at sobrang lala ng pag-aalala.

Gustong gusto ko ng tumigil.. gustong gusto ko ng malaman nila ang lahat. Gustong gusto ko ng matapos na ang pagsisinungaling ko pero anong gagawin ko?

Ayaw kong masaktan sila kapag nalaman nila na isa akong traydor.

Ayaw kong magalit sila sa akin kapag nalaman nila lahat ng ginawa ko. Lahat ng kasinungalingan ko.

Makasarili ako dahil sarili ko na naman ang inisip ko.

Ayaw kong iwanan nila ako dahil sa mga ginawa ko.

Ayaw kong kamuhian nila ako.

Ayaw kong... ayaw kong maiwanang mag-isa ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 86.4K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
41.5K 2.8K 24
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
50.9K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
94.3K 2.9K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...