South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 63

67.2K 4.7K 1.8K
By JFstories


It is only when we are able to see the different point of views that we will be able to have a correct understanding of anything.


-------------------------------



HUGO REALLY DID STOP SHOWING UP.


But he never stopped sending a bouquet of red roses every day. No letters or cards, just the red roses.


Matapos ilagay sa vase ang mga rosas ay hindi ko na ulit iyon para pagtuunan ng pansin, kahit pa minsan ay hindi ko naiiwasang hindi roon mapatingin. Hanggang doon lang. Although I admit that there were times that I still thought of Hugo, I appreciated the time we spent apart.


I wanted to regain myself by taking time with my emotions, and I had a feeling that he was aware of that.




WE WERE FROM THE OB.


Habang nasa kotse ni Daddy mula sa aking check up ay naramdaman ko ang paghawak ni Mommy sa aking kamay. We were both in the backseat with Hyde. When I looked up at Daddy, who was driving, our eyes met in the rearview mirror. May kung anong tinutukoy ang mga mata nito. At nakuha ko agad kung ano.


Nang lumingon ako sa likod ng sasakyan, isang pamilyar na kotse ang nakasunod sa amin. Marahan lang ang takbo, walang balak humabol o kahit magpapansin sa amin. Pero hindi puwede na hindi iyon mapapansin.


Dahil hindi lang ngayon ito nangyari. Kada alis ko sa amin, kada check up ko sa OB o simpleng pagsama kay Mommy sa grocery, palaging simpleng nakasunod ang naturang tinted na sasakyan. Napabuga ako ng hangin dahil kilala ko kung sino man ang driver niyon.


At alam ko rin na kahit huminto si Daddy ngayon at magsibaba kami, hinding-hindi magbaba ng salamin ang kotse na nakasunod sa amin. He would never show himself to us.


Especially to me. And that was fine.



THIS TIME, I WOULD BE KINDER TO MYSELF.


My focus now was my well-being. To be an effective mother to my children, I needed to first be a healthy mother. Not just in terms of physical health, but also in terms of mental health.


Ginagawa ko ang mga bagay na nakakasaya sa akin, unang-una ay bonding with Hyde. Masaya ako dahil tuluyan nang bumalik ang sigla ng bata. Nakikipagkuwentuhan na ulit. Nagagawa ko na rin ulit ang pagsilbihan sina Mommy at Daddy kahit sa simpleng pagluluto lang ng aming pagkain at pagtulong sa paglilinis ng bahay namin.


Marami akong pinagkakalibangan. Kapag tulog si Hyde at walang ibang gawain sa paligid, nagbabasa-basa ako at nakikinig ng music. Kapag naman nandito ang pamilya ni Kuya Jordan ay tumutulong ako sa pag-aalaga kay Mara.


Ilang araw pa lang, masasabi ko nang umayos na nang tuluyan ang aking pakiramdam. And even though I was a little busy, I never forget to be cautious and to take my prenatal vitamins on a regular basis.


Regular din ako nagpapa-check up sa OB. Si Mommy ang palaging sumasama sa akin. Minsan naman ay hinahatid at sinusundo kami ni Daddy. And of course, we were always with Hyde. Bukod sa ayaw namin itong iwan, ay gusto rin ng bata na masubaybayan ang soon-sibling nito.


At oo, sa lahat ng iyon, wala si Hugo.


He wasn't here not because he didn't want to, but because he knew that it was not still the right time for me to see him. Despite his stubbornness, he really fulfilled my request for space.


Patuloy pa rin ang bouquet of red roses, pero wala talaga kahit anino niya. At kung nakikipagkita man siya ay tanging kay Hyde lang. Madalas niyang kausap ang anak namin sa landline, dahil bawal pang mag-cellphone ang bata. Araw-araw iyon na nag-uusap silang mag-ama, walang palya. Kung ano ang pinag-uusapan ay silang dalawa lang ang may alam.


Minsan ay nagpapaalam na lang si Hyde na lalabas saglit. Ibig sabihin ay naroon sa labas ang kotse ng daddy nito. Si Mommy ang tagahatid sa apo. Nag-uusap silang tatlo sa labas, pero walang nagbabanggit sa akin ng kahit ano.


Patuloy rin ang financial support ni Hugo kay Hyde kahit hindi pumapasok ang bata ngayon sa school. Kay Mommy niya isini-send ang money allowance. Ang mga groceries and gifts naman para kay Hyde ay kung hindi niya direktang ibinibigay sa bata ay through courier.


Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Tinotoo lang ni Hugo ang mga pangako niya, na sa ano mang aspeto bilang ama ni Hyde, ay hinding-hindi siya hihinto.



"YOUR HUSBAND IS HERE."


Pang-apat na linggo na ngayon. Sabi ng doktor ko, okay na okay na ako pati na rin ang kapit ni baby. Okay na okay na rin ako. Nagbabalak na nga rin ako na bumalik sa pagtanggap ng art commission.


Mas marami na akong nagagawang gawain kaysa noong nakaraan, na syempre ay may pag-iingat pa rin. Pero pagkarinig sa sinabi ni Mommy ay muntik na akong masubsob sa sahig. Did I hear Mommy right? O nabibingi lang ako?


'Husband?' I had not heard that word in weeks. Lahat ay napakaingat sa pagbanggit. Maski ang 'taong' iyon ay nagsisikap na hindi ipakita sa akin maski anino niya. At ngayon nang dahil lang sa sinabi ng doktor ko na okay na ako, ay magpapakita na siya?!


Really? Did he just wait for this time to come?


And of course, sino ba ang asawa ko? Iisa lang naman siya. Si Hugo Emmanuel Aguilar. But what was he doing here? Ilang linggo na hindi siya nagpakita, yet I was aware that he was just around.


Bukod sa pasimpleng pagbuntot ni Hugo sa kotse ni Daddy sa tuwing may check up ako o mago-grocery with Mommy, may mga pagkakataon din na nakikita nina Kuya Jordan at Carlyn ang kotse niya sa labas tuwing umuuwi sila rito sa bahay.


Minsan daw madaling araw ay nasa kanto pa rin daw ang kotse ni Hugo. Aalis siya tapos ay babalik ulit. Magtatagal doon ng ilang oras. Pero kahit kailan ay hindi siya nagtangka na magpakita. Maliban lang kay Hyde. Sa bata lang talaga siya nagpapakita.


But why did Hugo suddenly decide to show himself now? Dahil ba talaga sa alam niya ng okay na ako na ma-stress ulit kaya finally ay magpapakita na siya? Ang galing naman talaga ng timing niya.


Habang pababa ng hagdan ay may kuryenteng nanunulay sa aking katawan. I couldn't help but gasp when I saw Hugo Emmanuel Aguilar again. He was sitting on the sofa with his head down. He was wearing jeans and a plain black shirt.


Ang tagal ko na siya mula nang huling makita ang lalaking ito. Mag-iisang buwan na. Hindi pa rin siya nagbabago, napakaguwapo pa rin niya sa lahat ng anggulo. Kahit nakatagilid pa iyan o nakayuko.


He was so beautiful that I needed to take a deep breath to lower my heart rate.


Damn, what was this? Hindi ba nakatulong ang matagal na hindi ko siya nakita? Pati ang baby ko sa tiyan ay biglang nagpapadyak! Or maybe it was just the pregnancy hormones? Yeah, that must be it!


Nang maramdaman ako ay saka siya tumingala. Napatayo agad siya. Nasa mapula niyang mga labi ang isang alanganing ngiti. "Jillian."


Nakatingin lang ako sa kanya. Walang salitang binibitiwan.


Ganoon din si Hugo. Matagal din siyang nakatitig lang sa akin. Nang bumaba ang paningin niya sa bahagyang malaki ko ng tiyan na natatakpan ng aking suot na pink loose shirt ay mahina siyang napatikhim.


"Uhm, Jillian, you forgot this." Inilapag niya sa center table ang phone niya na ibinigay niya sa akin noon. "I don't need it. Puwede ko namang makausap si Hyde o sina Mommy sa landline."


Ha? But didn't he need his phone for work? Saka aanhin ko nga ang phone niya? Why was he giving it to me?


And why was he here? Bakit nga? Bakit?!


"The password's still the same. It's Hyde's birthday. You can check all the messages from my inbox, e-mail, and even on social media."


"What for?"


Ngumiti siya na hindi umabot sa kanyang malamlam na mga mata. "So you'll know everything about me. I am not hiding anything from you, Jillian."


Nangunot ang noo ko. "But why should I do that?"


"You can delete all my contacts, all my apps." Parang hindi niya narinig ang tanong ko. "You can even throw my phone."


"Hugo..."


Napakamot siya ng batok. "Ah, right. I still have my laptop, and although I only use it for work, I can also give that to you."


"Hugo, ano ba?!"


"The box that you were looking for..." Humina ang boses niya. "Jillian, I already burned it."


Napanganga ako. "W-what?"


"I burned it, Jillian." Nang salubungin niya ang aking mga mata ay parang may sumakal sa puso ko. "You were looking for that last time, right? I already burned it. Including all of my photos with Sussie."


Napailing ako habang tigagal sa kanya. "I... didn't ask you to do that..."


"I did it because I wanted to." Ngumiti siya muli sa akin. Ngiti na masakit.


I avoided his eyes because I could no longer bear the pain that was very evident there.


"Hindi ko rin alam kung bakit nandoon pa sa bahay natin iyong box na iyon, eh."


Napakurap ako. 'Bahay natin?' Akala ko wala ng dalang pait ang topic na iyon, pero meron pa rin.


"Jillian, nakalimutan ko na kasi. I'm so sorry if I was too sensitive when I saw you holding it. I guess, I acted wrongly, and it caused you to distance yourself from me. I'm sorry, I have no excuse except that I'm a coward."


Numipis sa pagkakatikom ang mga labi ko. His absence for weeks seemed to give him the courage to tell me all this, although I didn't think that it was still necessary.


"By the way, alam ko na rin pala na sumunod ka sa akin sa Buenavista sa burol ng nanny ko. Ate Lina told me."


May kabang bumundol sa aking dibdib sa pagbanggit niya tungkol doon. Would he also explain that to me?


"Jillian, I'm sorry na ngayon ko lang nalaman na sinundan mo pala ako. And I'm sorry that I left without even telling you where I was going. Masyado akong windang ng panahon na iyan. Parang bumalik sa akin ang lahat-lahat na para bang kahapon lang. The only thing on my mind that time was that I had to leave immediately, to see that woman as soon as I could. I needed to make sure that she was really dead, na hindi produkto lang na naman ng imahinasyon ko na patay na siya.

Because you know, palagi kong pinapangarap noon na sana ay mamatay na lang siya. Pero noong nangyari nga, noong namatay nga siya, ayaw ko pala nang ganoon. I didn't want her to die without at least paying for her sin. And even if I loathed her, I didn't want her to be murdered."


Napahaplos siya sa buhok niya gamit ang kanyang kamay, pagkuwa'y bumuga ng hangin. Nang magsalita muli ay bahagyang kalmado na.


"And Jillian... About Sussie being there, hindi ko alam kung nakita mo, pero nandoon nga siya. Nagkataon kasi na naroon sila ng pamilya niya sa General Trias. Magkaibigan ang mommy ko at mama niya kaya sumama sila sa chapel. Doon kami nagkita. At hindi naman mag-isa si Sussie. Kasama niya rin noon si Arkanghel, pero siguro ay hindi mo nakita."


Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang dapat sabihin sa mga paliwanag niya.


"Maybe you're wondering why I am telling you all this. I used to wonder why you were in such a mood, although I tried to understand. Nasaktan lang ako kasi parang balewala sa 'yo iyong pinagdadaanan ko, but now I understand better. Maybe you really saw Sussie there that was why you acted like that. I'm so sorry for not realizing it sooner."


Napayuko ako sa parteng iyon ng kanyang paliwanag.


"But believe it or not, it didn't mean anything. My mind was a mess that time, and I almost caused a scene. Umalis sandali sina Mommy kasama ang mama ni Sussie, but Arkanghel stayed with us. Hindi mo lang siguro nakita, pero silang dalawang mag-asawa ang dumamay sa akin lalo nang magdilim na ang paningin ko."


Wala pa rin akong kibo habang nakayuko.


Matagal na ring hindi nagsalita si Hugo. Mayamaya ay bumuga siya ng hangin at suminghot. Hindi pa rin ako nagtataas ng tingin.


"Ah, I brought you fruits." Narinig kong sabi niya sa pinasayang boses pero mahina. "Can you eat them, Jillian? Para kay baby?"


Kuyom ang mga palad at pigil ang luha na tumango ako.


"Thanks, Jillian."


Then there was silence again.


"I'll hit the road now," narinig kong sabi niya muli. "I'll come back again tomorrow. I just wanna see you now because... I miss you."


Nang mag-angat ako ng paningin ay nakatalikod na siya at patungo na sa pinto.


Napahawak na lamang ako sa pader sa panghihina nang wala na si Hugo.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...