Rewrite The Stars

Par PlayfulEros

2.7K 1.5K 2

[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the... Plus

Prologue
1st Star
2nd Star
3rd Star
4th Star
5th Star
6th Star
7th Star
8th Star
9th Star
10th Star
11th Star
12th Star
13th Star
14th Star

15th Star

24 9 0
Par PlayfulEros

FIFTEENTH

Masama ang pakiramdam ni Levi. Sa totoo lang ay kahapon pa ngunit nakaya naman niyang ilaban kahapon dahil Sabado na rin at ilang oras lang ang trabaho. Ngayon ay pakiramdam niya’y bibigay na ang katawan niya at gusto niya sanang magpahinga pero nandito na naman sina Kylo King at Reena Dela Luna. Simula nang makauwi sila mula Baguio ay feeling close na ang mga ito sa kanila. Oo, sa kanila ni Rai. Bakit ba hinahayaan ni Rai maging feeling close ang dalawang ‘to sa kanila? Wala namang nadudulot na maganda ang mga ito. Nag-iingay lang ito sa bahay dahil sa mga kuwentuhan nila at nagkakalat pa dahil laging nagpapa-deliver ng pagkain itong si King.


Habang pinapanood sina Rai, Kylo, at Reena mula sa isang sulok ay hindi maiwasan ni Levi tumingin nang masama sa dalawang hindi naman tagarito sa bahay niya. Ayaw niyang may ibang tao sa bahay niya (maliban kay Rai), ayaw niyang may maingay sa bahay niya (maliban kay Rai), ayaw niyang may makalat sa bahay niya (maliban kay Rai), at higit sa lahat ay ayaw niyang may ibang nginingitian si Rai, lalo na ang Kylo King na ‘yon.


“Levi, tara, kain!” nakangiting tawag ni Kylo kay Levi na sinamaan lang siya ng tingin.


Naglakad si Levi patungo sa medicine cabinet, kumuha ng paracetamol saka kumuha ng tubig sa ref. Nakatingin sa kaniya si Rai habang umiinom siya ng gamot, may pag-aalala sa mukha nito.


“Masama ba ang pakiramdam mo?” tayo ni Rai kaya napalingon din sina Kylo at Reena kay Levi. Hindi sumagot ang lalaki at dumiretso na paakyat sa kuwarto nito.


“Next time na siguro ulit tayo magkuwentuhan, mukhang hindi maganda timpla ni Levi ngayon,” ani Rai kanila Kylo at Reena kaya tumangu-tango naman ang huli.


“Lagi namang masama timpla nun,” mahinang saad ni Kylo kaya hinampas siya nang mahina ni Reena upang sawayin at bahagya namang natawa si Rai dahil totoo naman ang sinabi niya.


“Ay, wait. Marunong ba kayong magluto?”


Tinuro ni Kylo si Reena dahil alam niyang marunong ito. Nilutuan na siya nito ng spaghetti isang beses at ng mechado tatlong beses sa unit niyang tinutuluyan nito ngayon. Paborito niya ang mechado ni Reena kaya naisip tuloy niyang magpaluto ulit mamaya pagkauwi nila.


“Bakit?” tanong ni Reena.


“Gusto ko sanang lutuan si Levi mamaya. Okay siguro tinola para may sabaw, ‘no?”


Tumangu-tango sina Reena at Kylo.


“Madali lang ang tinola. Gisa ka lang ng bawang, sibuyas, luya tapos sama mo na ‘yung manok, dagdagan mo ng tubig, pakuluan mo. Tanggalin mo pala ‘yung mga lulutang-lutang sa sabaw pati na ‘yung mantika. Kapag okay na, saka mo idagdag ‘yung sayote, dahon ng sili, at malunggay. Timplahan mo na lang ng asin, patis, o MSG; kung anong pasok sa panlasa mo. Tapos.”


Napangiti si Kylo habang pinapanood si Reena magbigay ng instructions kay Rai. Parang napaka-basic lang talaga ng pagluluto para rito.


“Okay; gisa, manok, kulo, mga gulay, saka timpla.” Iniisa-isa pa ni Rai ang mga steps sa daliri niya. Tumangu-tango si Reena bilang sagot.


“Okay, thank you!” tuwang-tuwang yakap ni Rai kay Reena kaya napangiti ito’t yumakap pabalik. Makikiyakap din sana si Kylo pero hinarangan ni Reena ang mukha niya para hindi na siya makalapit pa habang nagyayakapan ang dalawa.



Pagkagising ni Levi ay bumaba siya para magluto ng hapunan. Nagulat siya nang makita si Rai sa kusina, may hawak itong kutsilyo at napakakalat sa ibabaw ng counter kung nasaan ito nagtatangkang maghiwa ng gulay.


“Ano ba ‘to? Sinasama ba ‘to?” ani Rai sa sarili habang tinitingnan ang buto ng sayote. Napakamot siya sa sentido niya.


“Hindi sinasama ‘yan,” sagot ni Levi kaya nagulantang si Rai at muntikan pang mahiwa ang sarili.


“Bakit bumaba ka na? Magpahinga ka pa roon. Dali! Alis! Chupi!” wasiwas ni Rai ng kamay niyang may hawak na kutsilyo kay Levi kaya naman bigla nitong hinawakan ang pulsuhan niya na ikinagulat niya.


“You don’t point a knife to another person,” kuha ni Levi ng kutsilyo mula kay Rai. “Unless you’re defending yourself.”


Nagulat si Rai nang patalikurin siya ni Levi.


“Tinatanggal ‘yan.” Kinuha ni Levi ang mga kamay ni Rai. Pinahawak niya rito ang hiwa nang sayote at kutsilyo saka ginabayan ang mga kamay nito sa pagtanggal ng buto.


Sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ni Rai. Ramdam niya ang init ng katawan ni Levi at pakiramdam niya’y malulusaw na siya.


“Ganito maghiwa ng sayote,” kaswal na saad ni Levi habang ginagabayan ang mga kamay ni Rai sa paghiwa ng sayote.


Nanlaki naman ang mga mata ni Rai dahil mali pala ang paghiwang balak niyang gawin kung hindi bumaba si Levi. Ang gagawin niya sana ay pa-cube. Oo nga pala, tinola ang gagawin niya’t hindi giniling.


“Kaya mo?” lingon ni Levi kaya nang lumingon din si Rai sa kaniya ay sabay silang natigilan. Sobrang lapit pala ng mukha nila sa isa’t isa.


“K-Kaya ko! Ako pa ba?” saad ni Rai upang mawala ang awkwardness kaya lumayo naman na si Levi sa kaniya at umupo sa dining area.


“Alam mo ba ang gagawin?” Pinagkrus ni Levi ang mga braso habang nakaupo.


“Oo naman. Gisa, manok, kulo, mga gulay, saka timpla,” confident na sagot ni Rai. Nanatiling diretso ang mukha ni Levi kahit na hindi siya tiwala sa pinagsasabi ni Rai.


“Kaya relax ka lang diyan,” sabi pa ni Rai at nagpatuloy na sa paghihiwa.


***


Pagkapasok sa unit ay nanigas si Kylo sa kinatatayuan sa tapat ng pintuan nang makita ang ina na nakaupo sa sofa.


“I’ve been calling you all day, where have you been?” tayo ni Katherine King. Maganda itong ginang na nakapusod nang maayos ang buhok, nakasuot ng halatang mamahaling kasuotan at perlas, at talagang nakaka-intimidate tingnan kahit na nakatayo lang naman ito habang nakasukbit sa braso ang bag na nagkakahalaga ng milyones.


Hinila ni Kylo si Reena papunta sa likod niya. “I-I’m sorry, Mom. I was out.”


“Where did he go?” tanong ni Katherine at sa pagkakataong ‘to ay nakatingin siya kay Reena kaya naman naguluhan ito.


“I’ve been paying you to keep an eye on him, don’t tell me nagliliwaliw ka lang kasama ang anak ko??”


Gulat na napalingon si Kylo kay Reena. His mom is paying Reena? Since when??


Hindi makasagot si Reena. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng babae pero may kutob siya na totoo ang sinasabi nito. Ito ba ang nag-utos kay Caden na bantayan niya si Kylo?


“You’re Reena Dela Luna, right?”


Nagulat si Reena nang hablutin ng ginang ang bag niya. Babawiin niya sana ito pero binalik na rin nito sa kaniya ang bag nang makuha nito ang record book.


“So, ikaw nga,” ani Katherine nang mabasa ang laman ng notebook. Hinablot ni Kylo ang notebook at hindi siya makapaniwala sa laman nito. Soccer practice, dinner, gig, tambay sa campus, cafe, kumpleto lahat ng ginawa nilang magkasama ni Reena sa notebook na ito.


Nabiyak ang puso ni Reena nang humarap si Kylo sa kaniya. Namumula ang mga mata nito, nagbabadya ang mga luha rito. Tingin lang iyon pero ramdam niya ang pagkamuhi nito sa kaniya.


“I trusted you, Reena.” Marahas na binalik ni Kylo ang notebook sa mga kamay ng dalaga.


Pipigilan sana ni Reena si Kylo pero tumakbo na ito palabas ng unit.


“Kylo!” tawag ni Katherine sa anak ngunit mabilis itong nakaalis.


Lumingon si Reena kay Katherine. Ang dami niyang gustong sabihin dito pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Natakot siya. Isang tingin pa lang ay alam na niyang kaya siya nito ipadispatsya anumang oras kaya naman binato niya ang notebook sa lapag, sa tapat nito.


“Wala na kayong pakinabang sa akin.”


Lumabas na rin si Reena ng unit at kumaripas ng takbo, nagbabakasakaling mahabol pa si Kylo pero nang makalabas siya ng gusali ay hindi na niya nakita maski anino nito.


Pumunta siya sa EP, sa mga kainang napuntahan na nila, sa mga fields na pinag-praktisan nito pero wala. Hindi niya ito nakita.


Napaupo na lang siya sa isang bench malapit sa field. Hindi na niya alam ang gagawin. Nawala sa isip niyang magulang pala ni Kylo ang mismong nagbabayad sa kaniya para i-stalk ito. Dumaan na ito sa isip niya noon pero tuluyan din niyang nakalimutan. Naiinis siya sa sarili. Hindi naman siya tanga, bakit hindi man lang niya napagtantong ang mga King nga mismo ang nagbabayad sa kaniya? Sa dinami-rami ng mga kuwento ni Kylo tungkol sa mga magulang nito, bakit hindi niya naisip ang posibilidad na ‘yon?


Napahinga siya nang malalim. Totoo ngang masyado siyang nawili kasama si Kylo. Iba ang saya kapag kasama niya ito. Hindi niya ‘yon agad napagtanto dahil palagi niya itong kasama. Masyado siyang nag-enjoy na nakalimutan niya kung saan nagsimula ang lahat, kung paano niya nakilala ang binata, at kung bakit siya nananatili malapit dito.


“Reena.”


Gulat na napalingon si Reena sa tumawag sa pangalan niya. Susugurin niya sana si Caden ngunit naisip niyang wala naman itong kasalanan. Inalukan lang siya nito ng trabaho na tinanggap naman niya.


“Ayos ka lang?” Tumabi ito sa kaniya kaya umusog siya para magkaroon ito ng space.


“Ano bang mababago no’n kapag sinabi kong hindi.”


“Kapag sinabi mong hindi ka okay, tatanungin ko kung anong problema at susubukan kong tulungan ka sa problema mo.”


Bumuntong-hininga si Reena. “Nalaman ni Kylo na... kaya ko lang siya sinasamahan dahil pinapa-stalk siya ng magulang niya sa akin.”


Tiningnan ni Caden si Reena sa mga mata nito kaya naman napatitig din ito pabalik sa kaniya. “Sinasamahan mo lang ba siya dahil pinapa-stalk siya ng mga magulang niya?”


“I mean, doon kami nagkakilala kaya—”


“That’s not what I’m asking. Do you only hang out with him because you need to or because you want to?”


Sandaling natigilan si Reena. Inaamin niya sa sarili na masayang kasama si Kylo. Napakaganda ng mga ngiti nito na nagpapaaliwalas sa makulimlim niyang mundo. Hindi rin niya maitatanggi ang angkin nitong kakisigan na kung minsa’y dahilan ng pagbilis ng kabog ng dibdib niya kapag napagmamasdan ang gwapo’t maamo nitong mukha. She considers herself lucky just for being able to hang out with him. Walang papantay sa kabutihan ng puso ni Kylo. Masasabi niyang sa sobrang bait at bukal ng kalooban nito ay madali itong magagamit ng sinuman at may malaking parte sa kaniyang gustong protektahan ang binata.


Naaalala niya ang mga ngiti ni Kylo. She’d do anything to protect that smile, to protect that wonderfully kindhearted man. Kaya naman mas lalo niyang naramdaman ang kirot sa puso niya nang maalala ang mga mata ni Kylo kanina. Tingin iyon ng pagkamuhi, ng paghihinagpis sa kataksilan niya. Kahit pa sabihin niyang hindi niya sinasadya ay hindi na no’n mababawi ang sakit na nadulot niya sa binata.


“Kailangan ko siyang mahanap,” tayo ni Reena. “Kaibigan ko siya pero nasaktan ko siya.”


“Sometimes we hurt people even when we don’t mean it, even when they’re so important to us.”


“Sometimes we just have to make them feel that they mean so much to us and that we didn’t mean to hurt them. Does he know that you care about him?”


Natigilan si Reena. Kahit kailan ay hindi pa niya iyon nasabi kay Kylo. Na mahalaga ito sa kaniya at talagang kaibigan ang tingin niya rito.


“I have a feeling that... he’s at a rooftop somewhere,” saad ni Caden kaya naman tumakbo agad nang mabilis si Reena at inisa-isa ang mga buildings sa SMU.


Dalawang oras nang nag-aakyat-panaog si Reena sa mga gusali nang sa wakas ay sigurado na siyang nasa tamang rooftop na siya. Huminto muna siya sandali sa may pinto at pinakinggan ang magandang boses ni Kylo.



“And I’d give up forever... to touch you🎶”


“‘Cause I know that you feel me somehow🎶”


“You’re the closest... to heaven... that I’ll ever be🎶”


“And I don’t want... to go home right now🎶”



“You don’t have to.”


Nagulantang si Kylo nang biglang sumulpot si Reena. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo’t pagkakasandal sa pader.


“What are you doing here?”


“Kylo.” Lalapit sana si Reena pero agad na umatras si Kylo kahit na pader na ang nasa likod nito kaya naman nanatili na lang siya sa kinatatayuan.


“I’m sorry,” yuko ni Reena at nang mapag-isipan na ang mga susunod na sasabihin ay inangat na ulit niya ang tingin sa mga mata ni Kylo.


“I’m sorry. I’m sorry na hindi ko sinabi sayo. Alam ko na pakiramdam mo ngayon na kasinungalingan lang lahat pero hindi ‘yon totoo, Kylo. Lahat ng pinakita ko sayo, totoo. Hindi ko sinasadyang magpakita sayo. Noong makuha ko ‘yung trabaho, plano ko talagang panoorin ka lang mula sa malayo pero nahuli mo ako. Kailangan ko lang talaga ‘yung trabaho, Kylo, hindi ko sinasadyang umabot ang lahat sa ganito.”


“Do you regret it?” Nakatitig si Kylo pabalik sa mga mata ni Reena. Nang makita niya sa mukha ni Reena na naguguluhan ito sa tanong niya’y nagsalita siyang muli.


“Do you regret getting close to me? Knowing me?”


“No. No, Kylo. Knowing you was the greatest thing that ever happened to me.”


Pakiramdam ni Kylo ay may humaplos sa puso niya nang marinig ‘yon. Reena looks like she really means what she just said and he can’t stop the butterflies in his belly.


“I lied when I said I was your fan before but now it’s true. I’m your biggest fan.”


“I love watching you perform on stage, I love hearing you sing, I love it when you pour your soul into music, and I love watching you play on the field.”


Nawala ang unti-unti na sanang nabubuong ngiti sa mga labi ni Kylo.


“And yet you’re still lying.”


Nagulat si Reena sa sinabi ng binata. “Anong ibig mong sabihin?”


“I know you don’t look at me when I play.” Ramdam ni Kylo ang bilis at lakas ng kabog ng puso niya. Is it really the time to say it? Ah, screw it.


“You don’t look at me because you’re too busy watching Levi.”


Natigilan si Reena. Alam niya? Alam ni Kylo?


“Every time you watch my game, you don’t even look at me because your eyes are on him and him alone. I know because I always look at you, Reena. I know where you are in the crowd and even when there are hundreds of people there, I always find you. And I always find you staring at him.”


“Don’t you see? I’m here, I’m always here! Why are you wasting your time on someone who never looks back at you?”


“Kylo...” Hindi alam ni Reena kung anong isasagot at kung bakit ganito ang pananalita ni Kylo ngayon.


“In case you’re still too numb to figure it out yourself, yes, Reena. Yes, I am in love with you. I’m irritably, hopelessly in love with you.”


“It irritates me how clueless you could be.”


“I’m sorry!” pagsabog na ni Reena. Akala niya’y natural na napakabait lang talaga nito sa kaniya. Pero alam niyang mabait naman talaga si Kylo kahit pa sa ibang tao kaya nga pakiramdam niya’y napakadali nitong maloko.


“Akala ko sadyang mabait ka lang talaga.”


“Reena,” hindi makapaniwalang saad ni Kylo at hinawakan ang magkabilang braso ng dalaga.


“I’d take a bullet for you, I’d swallow fire if I have to. I’d surrender everything I have and own if that’s what it takes to be with you.”


Halos malagutan ng hininga si Reena sa sobrang lapit ng mukha ni Kylo sa kaniya at sa mga pinagsasabi nito.


How? How could a guy like Kylo like her? Naguguluhan talaga siya.


“I’m sorry.”


Gulat na napalingon si Reena nang marinig muling magsalita si Kylo.


“It’s wrong to bombard you with this information. I shouldn’t have said anything.” Binitawan na ni Kylo ang dalaga.


“I’m just... I’m tired and confused... so confused.”


Nagulat si Kylo nang yakapin siya ni Reena.


“Alam ko. Alam kong magulo pero aayos din ang lahat, Kylo.”


“How can you be so sure?” tanong ng binata.


“I’m not. At sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung anong mangyayari pagkatapos ng lahat ng ‘to. Pero ikaw ang lucky charm ko kaya alam kong basta’t kasama kita, magiging okay rin ang lahat.”


It’s true. Para kay Reena, umaliwalas ang lahat simula nang makilala niya si Kylo. Kylo brings out the best in her and he always makes her laugh. Parang nagkakulay ang mundo niya simula nang makilala niya ang binata at dahil dito’y naranasan niya ang magagandang bagay na hindi niya siguro mararanasan kailanman kung hindi niya ito nakilala.


“You’re my very own shooting star, Kylo.”


♤♤♤

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.3M 91.6K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
161K 1.6K 78
Lumaki sa isang mapang-abusong ina si Katrina, sa murang edad ay pinasok niya ang kung anong matinong trabaho na pwedeng pasukan upang makapagtapos l...
The Unperfect Match Par kert

Roman pour Adolescents

110K 3.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
Something Spectacular Par April

Roman pour Adolescents

17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...