Marrying Dwight (DH 3 || Comp...

By MsSongsari23

2.5M 53.4K 1.7K

When she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his... More

Teaser
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note:
EPILOGUE

Chapter 34

50.4K 1K 38
By MsSongsari23

CHAPTER 34

OWN ME

"Oh my God! Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit — " napahinto siya ng makitang ngising ngisi si Yohann at Clyde habang buhat ang kambal niya na umiiyak at puno ng icing ang buong mukha ng mga munti niyang anghel.

"Si Yohann ang pasimuno. Binatukan ako nung nagbo-blow kami ni Elle ng candle." Ani Clyde na mukhang amuse na amuse pa rin.

"Binunggo mo kasi ako. Alam ko sinadya mo iyon kaya nasubsob din si Dash sa cake niya." Sabi naman ni Yohann.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Sa pagong nga kayo magpaliwanag." Sabay kuha niya kay Elle mula kay Clyde. Bumaba naman si Dash kay Yohann. Ayaw na kasi talaga nito ng binubuhat. "Sunod ka sakin Dash."

Apat na taon. Apat na taon na ang kambal niya and she was so happy to see them grow beside her. At ngayong lumalaki na ang kambal niya ay hindi rin niya maiwasan ang mangamba na baka mukas makalawa ay maghanap na ito ng ama.

"O, anong nangyari sa kambal? Bakit parang hinilamusan ng chocolate ang mga iyan?" Ani Amethyst na siyang punong abala sa kusina. Mula ng magbuntis ito ay naging hilig nito ang pagluluto.

"Naku, iyong dalawa, mukang napagtripan ang mga anak ko. Pinanggigilan na naman. Bakit kasi hindi pa gumawa ng sa kanila eh."

"Sus, alam mo namang komplikado ang love life nung dalawang iyon eh. Iyong isa, may gusto sa isang babaeng may anak na, hiwalay sa asawa pero kasal pa rin." Ngisi nito sa kanya na obvious na siya ang pinariringgan. "Iyong isa, komplikado at pasaway ang girlfriend."

"Si Auntie talaga!"

"Don't call me Auntie! My gosh! Ang lakas makatanda! Kung nabubuhay lang ang nanay mo, siguradong masayang masaya iyon ngayon." Saka siya nito nginitian ng malungkot.

A month after she gave birth to her twin, she met Amethyst — ang school nurse noong nag-aaral pa siya which she found out was her mother's half sister. Namukhaan kasi ito ng tatay niya at nagkaalaman na ito nga ang half sister ng nanay niya who is now happily married to a business tycoon. At kahit na maraming humuhusga rito na pera lang daw ang habol sa asawa na halos dalawampung taon ang tanda ay hindi ito nagpatinag. Although minsan ay nakikita niyang parang may kulang pa rin sa buhay nito.

Ganoon siguro talaga ang buhay. Palaging may kulang at ang kailangan lang nating gawin ay ang yakapin ang mga kakulangang iyon at makuntento sa kung ano ang mayroon tayo. Isa pa, sa tuwing may umaalis ay may dumarating naman na bago na magpapasaya pa rin sayo. Tulad nalang ng sa sitwasyon niya na nawala sa kanya ang unang lalaking minahal niya pero dumating naman ang kanyang kambal na sina Dashiel at Danielle kaya hindi siya nagsisisi lalo na at alam naman niya na hindi na siya magiging masaya sa piling ni Dwight dahil may ibang laman ang puso nito.

Ngumiti siya. "So, nakausap mo na ba si Arthur?"

Tumango ito. "And he looks so deeply in love with his girl. Well, he deserve someone like the Madrigal's Princess. Pero may pagkasuplada at palaban pala ang nag-iisang babae ng mga Madrigal." At tumawa ito. "Tinesting ko kasi, ayun! Tinarayan ako."

Pagkatapos niyang malinisan ang kambal ay hinayaan na niya itong makihalubilo sa mga kalaro. Iilan lang kasi ang bisita nila at karaniwan ay puro kaklase ng mga anak niya.

"Thanks mom!" Ani Dash na akmang tatakbo na.

"Hep!" Pigil niya at niyuko ito. Agad naman nitong hinawakan ang kakambal sa kamay. Palagi kasing naiiwan ang munti niyang prinsesa dahil may kabagalan ito at mas maliit kumpara sa kakambal na si Dash kaya palagi niyang sinasabihan ang munting prinsipe niya na alagaan ang kakambal lalo na at ito ang mas matanda ng ilang minuto.

"Bye mommy!" At kumaway kaway pa si Elle sa kanya.

"Bawal tumakbo ha? Bawal din masyado magpawis at huwag kayong makikipag away."

"Yes po!" Sabay na sagot ng mga ito.

"They're growing too fast."

Napahawak siya sa dibdib sa gulat kay Yohann na nasa tabi na pala niya. Hinampas niya ito sa braso. "Ginulat mo naman ako."

Umakbay ito sa kanya bago muling nagsalita. "Kahit na akuin ko ang pagiging ama sa kanila ay obvious na obvious pa rin na hindi sila sakin nagmula. They inherits their father's eyes."

"Kaya nga ligawan mo na si Claire at gumawa na lang kayo ng sa inyo. Alam mo kasi Yohann," tinanggal niya ang braso nito sa balikat niya. "Tumatanda ka na. Mag asawa ka na before it's too late. Aba! Baka mamaya kung kailan gusto mo ng magkaasawa at magkaanak ay wala ka ng kapasidad dahil matanda ka na. Ikaw din."

"What the—! Bata pa ako. But kidding aside. Paano kapag hinanap nila ang tatay nila?"

Nalungkot siya. Paano nga ba ang gagawin niya kapag nangyari iyon? Anong sasabihin niya sa mga anak? Na may mahal ng iba ang tatay nila? Hindi niya alam.

"Saka ko na iyan iisipin."

Pero siguro nga dapat ay umisip na siya ng idadahilan sa mga anak niya lalo na at may isip na ang mga ito. Paano nga kaya kung magtanong ang mga ito? Wala siyang alam sa buhay ni Dwight ngayon dahil iniiwasan niyang makinig sa mga balita tungkol dito. Ni hindi rin siya nagtatanong sa kakambal nito na mukang wala din namang balak magkwento kung hindi siya magtatanong.

Pero ang labis na ipinagtataka niya ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinipirmahan ni Dwight ang annullment papers nila. Paano nito mapapakasalan si Clarisse kung kasal pa ito sa kanya? Posible kayang — ah! Hindi. Ayaw niyang isipin na hindi na ito mahal ni Clarisse. At lalong ayaw niyang isipin na gusto nitong manatiling kasal sa kanya para maging pamalit ni Clarisse.

Hindi na siya ang Irinea Clarissa Sandoval na walang katayuan sa buhay na pwedeng gawing substitute lang. Hindi na siya ang dating helpless na Irinea na pwedeng maliitin at tapakan ng iba. Hindi na siya ang dating Irinea na mahina. Dahil ngayon, kayang kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kayang kaya na niyang suportahan ang lahat ng pangangailangan nilang mag-iina kasama na ang tatay niya. She has her own business now at masasabi niyang sa nakalipas na dalawang taon mula ng itayo niya iyon ay unti unti na iyong gumagawa ng pangalan. Wala kasi talaga siyang inaksayang panahon pagka-graduate niya sa kursong agriculture na gusto ng tatay niya. Nag aral rin siya ng dalawang taon sa ilalim ng ilang sikat na fashion designer sa tulong na rin ni Yohann na dati niyang boss cum manager kaya masasabi niyang unti unti ng natutupad ang mga pangarap niya.

"Bakla! Malapit ng matapos ang preparation sa enchanted wedding of the year! Graveh bakla! Makalaglag ovaries ang groom! At ang prinsesa ng mga Madrigal, kasing sexy at kasing ganda ko kahit may anak na!" High pitch na sabi ng tauhan niya sa botique na pag-aari niya.

"Gaga! Wala kang ovary!" Sabi naman ni Ericka na kapatid ni Bernie aka Betty.

"Ay shut up nga! Pero Rin, alam mo, noong isqng araw ng magsugudan doon ang mga biyaya ni Lord sa ating mga kababaihan ay hindi ako pinansin ni fafa Clyde. As if he doesn't know me at all!" Nakapilantik pa ang mga daliring sabi nito.

Bigla namang binundol ng kaba ang dibdib niya. Hindi alam ng mga ito na may kakambal si Clyde. Basta ang alam lang ng mga ito ay kapatid ni Clyde ang ama ng kambal niya.

Ngumiti siya ng pilit. "Baka naman bad trip lang yung tao. Alam mo naman, laging pinoproblema nun si Amber." Pagdadahilan niya.

"Sabagay. Anyway,ang sabi ni Mr. Iglesias, isama raw kita sa kasal nila sa ayaw at sa gusto mo kaya wala kang choice because I'm going to drag you there no matter what." MAarte nitong sabi.

"Naku, huwag na. Marami akong gagawin." Tanggi niya. Alam kasi niya na kapag simama siya ay siguradong magkukrus ang mga landas nila ni Dwight at natatakot siya sa maaaring mangyari kapag nagkita sila.

Nagpapadyak ang baklita kaya nakatikim ito ng hampas mula kay Ericka. "Ouch naman sister! Masisira ang skin ko niyan eh!" Saka siya nito binalingan. "Gusto kong pumunta doon, Rin. At ikaw lang ang paraan para makakita ako ng marming demi-God. Hindi daw kasi kami papapasukin kapag wala ka eh. Kaya sumama ka na please? Kahit na pagpasok natin umalid ka na rin. Tama! Ihatid mo lang kam sa loob." At nagningning ang mga mata nitong may green contact lenses. "Minsan lang naman ako humiling sayo di ba?"

"Minsan nga lang pero kagagahan pa. Ayoko pa rin." At tinalikuran niya ito. "Sorry bit I'm not yet ready to face my past." Bulong niya.

"Sige na friend! Kahit bukas nalang. Tama! Sumama ka nalang para makita mo kung gaano karaming bulaklak ang kailangan sa venue. Alalayan mo si titabels mo. Jontis yun at bawal mapagod. Kami kasi ni sisteret ang nakatoka sa mga gowns eh." Anitong nakakapit pa sa braso niya at sinasabayan siya sa paglakad.

Huminga siya ng malalim. Mukang hindi siya tatantanan ng baklang ito.

"Fine! I'll go tomorrow. Pero pagkatapos ay hindi na ako pupunta sa mismong araw ng kasal ha?"

At nagtitili ang bakla kaya natawa nalang siya. Pero sa kabila ng ngiti niya ay hindi pa rin niya maialis ang kaba dahil may posibilidad na magkita silang muli ni Dwight dahil magkaibigan ito at ang groom.

Basta, bahala na si batman!

***

A/N: Parang may mali? Haha. By the way, di pa final ang pangalan nung kambal. May naosip kasi ako eh nakalimutan ko bigla. Tapos kating kati akong mag update kaya heto, Dyaraaan! Isang sabaw na update para sa inyong lahat. Next year na ang kasunod nito. haha. Kaya comment na!
Salamuch! ت

Continue Reading

You'll Also Like

147K 921 9
Donita Reyes came from the small town of Maestranza. Her eagerness of escaping her tragic past from her province and her family's financial instabili...
1.6M 36.4K 34
[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And s...
9.3M 103K 35
This is a story about a young lady who fell in love with his brother's friend who is nine years older than her. She did everything to win the heart o...
40.8K 1.2K 48
⚠ Warning: PG-13 Half of this story is Contain Mature Scenes not Suitable for Immature/Innocent Minds. Read your own risk. ⚠ - ❝can a BYUNTAE twins c...