TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw...

Por yuriiiverse

3.3K 392 25

HR: #1pag-ibig HR: #5pinoystories Paano kung ang ang lalaking mamahalin mo eh siya pala ang sumira ng buhay m... Más

●Authors Note●
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Sais
Otso
Nwebe
Dyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinuwebe

Syete

117 22 0
Por yuriiiverse

Klay's POV

"Klay, mukhang napapadalas ang pag punta ni Ivan dito ah sabihin mo nga nanliligaw na ba siya sa'yo?" umagang tanong ni mama

"Grabe ka naman Mama umagang umaga kalalabas ko lang sa kwatro tapos 'yan agad ang ibubungad mo sa akin pwede naman na 'good morning nak kain kana' ganiyan sana jusko ka ma. Tsaka si Ivan nanliligaw? duh hindi kaya tsaka kung manligaw man siya sa akin wala naman siyang mapapala e" saad ko sabay nag titimpla ng kape

"So mag papaligaw ka naman ay jusko Klay" wika ni mama habang nag tutupi ng mga nalabahan na damit

"Wala naman akong sinabi ashumera ka talaga mader" saad ko

Inu-umaga nanaman ako ni mama, walang ibang bukang bibig kundi Ivan dito, Ivan doon. Ano bang meron sa tao na 'yon at laging bukang bibig ni Mama pati na rin ni Anne. Kagabi sabi ni Anne sa akin "Aya, kelan ulit pupunta si Kuya Pogi rito sa bahay?" Sabi ba namang ganun sa akin aba'y malay ko hays.

"Ay nga pala, bakit si Jp hindi na napaparito aber? anong ganap sa kanya?" tanong ni mama

"Oum, Si Jp? ewan ko pero nung nakaraang araw nag praktis siya para sa swimming competition niya tapos laging tulog sa klase gawa siguro ng pagod sa praktis niya malapit na rin kasi e" saad ko. Pero minsan nakakapag taka na rin siya kahapon pumunta ako sa swimming club para manood sana ng praktis niya kaso sabi ng Secretary nila hindi raw siya nag praktis noon kaya nag taka na rin ako kasi sabi niya mag prapraktis daw siya. Hays

Tapos na ako mag ayos ngayon at handa na pumasok sa school. Kaya naman gumayak na ako at saktong may tricycle na dumaan sa harap kaya pinara ko at sumakay na rin pero hanggang labasan lang ng subdivision tapos nag taxi na rin ako. Ang kaso itong nasakyan ko na Taxi ang mahal ng singil kapag sasakay naman ako ng ibang taxi 50 lang binabayad ko pero ngayon 100 grabe naman tapos ang nirarason pa ng driver ni kesyo mag isa ko lang na angkas niya e kada may daraanan kaming tao pinapara siya tapos ni hindi huminto e hays. No choice nag bayad ako ng 100 kahit labag sa kalooban ko. Pumasok na rin ako sa Campus at nag lakad na muna tutal ang unang klase namin ay 8:30, eh 7:09 palang naman kaya tatambay na muna me sa canteen sa bench sana or sa grass field ang kaso umulan kagabi kaya naman ayun basa kaya sa canteen na muna me tumambay.

Nasaktuhan ko naman na naka upo si Jp sa gilid at kumakain. Kaya naman nilapitan ko at ayun gulat HAHAHHA.

"Woi saan ka nang galing kahapon? sabi mo mag pra-praktis ka pero ano sabi ng Secretary niyo hindi ka raw nag praktis umamin ka nga naka buntis ka ba ng babae at pinapanagutan mo?" tanong ko

"Sira! may importante lang ako na lakad kahapon tsaka ako makaka buntis ng babae? maaga pa para sa ganiyan hoi" wika nito sabay subo ng isang kutsarang sopas.

"Sorry naman, nag aalala lang ako kasi naman hindi ka nag sasabi sa akin eh akala ko ba mag kaibigan tayo maiintindihan ko naman e so saan ka nga galing kahapon?" sabi ko

"Wala, wala nga hays 'wag ka ngang makulit" saad nito

Luh bakit parang galit pa siya. Nag aalala lang ako e huhu

"Edi sorry naman Master Jp the great" saad ko

"Huwag ka ng mag tampo, sira hindi mo bagay HAHAHA tsaka na malalaman mo rin. Para kang timang diyan umayos ka nga, oh 20 pesos bili ka ng gummies mo meron dun oh" saad nito. Kaya naman kinuha ko 'yung 20 at bimili ng gummy HAHAHA libre na e kaya for da go na no HAHAHAH.

Kaya naman since maaga pa e ayun sabi ni Jp na maiidlip na muna siya at gisingin ko nalang siya kapag 8:30 na kaya hinayaan ko na muna siya habang ako nag rereview dahil may pa quiz ang Ms. Chikana later jusko ayoko talaga sa subject niya kung hindi solving ang ipapa gawa niya eh essay naman na 300-500 words hays. Akala mo naman kasi madali lang ang mga pinapagawa niya pero dzai isang malaking HINDI kaya hays. Siguro nung kabaatan ni ma'am ganito rin ang pinapagawa sa kanila kaya naisip niyang gumanti.

Saktong 8:20 na kaya naman ginising ko na si Jp para naman makapag unat unat pa ang loko. Lumabas na kami ng Library at nakita namin sina Jester at Ivan sa hallway. Kaya naman nung nakita ako ni Jester eh tinawag ako nito.

"Klay!" pag tawag niya sa akin na saktong lumingon si Ivan.

Kaya naman huminto sila sa paglalakad at hinintay kami. Sabay na kaming nag pagawi sa hallway dahil pupunta na rin sila sa classroom nila. At ayun nag ka ayaan pa ngang mag tambay mamaya sa Plaza eh syempre pumayag naman ako tsaka minsan lang naman eh.  Nakarating na kami at kaya naman saktong naroon na si ma'am Chikana at nag che-check na ng attendance kaya naman naupo na kami sa kanya kanya naming pwesto ni Jp. Matapos mag attendance ay ayun nag pa long quiz na si ma'am jusko eto na ang ayaw ko True or False nga pero kapag False ang sagot dapat i-correct hays umay naman talaga no. Tsaka sa back part pa jusko ang pinaka hate ko sa lahat ang Mag jo-journal ka at dapat pantay ang Debit mo sa Credit wahhh iyak ah malala buti nalang may dala akong sci-calculator.

Kaya naman nag simula na ako inuna ko muna 'yung True or False.
____________

"Ok times up class!" rinig kong wika ni ma'am at saktong tapos ko naman na kaya naman inilagay ko na 'yung ballpen ko sa lamesa at pinass forward na ang papel huhu grabe ang pawis ko mga ackla tapos kasalanan 'to ng Journal Entry na 'yan Milyon-Milyon ba naman kaya mahirap at buti nalang na Balance ko huhu grabe. Kapag kasi kulang ka sa compute or kunwari kulang ng piso ayun uulitin mo talaga hanggang sa ma balance mo.

"Bye ma'am!~" chorus naming lahat "At 'wag ka ng babalik" bulong ko sa isip ko jusko.

Saktong wala ng klase kaya naman lumabas na kami ni Jp sa room at inaantay pala kami nila Ivan at Jester sa hallway kaya naman lumarga na kami para maaga ring maka uwi. Sa kotse nalang kami ni Ivan sumakay dahil may sasakyan naman siya. Tapos unalis na kami mga halos 10 minutes din kaming nasa byahe bago makadating sa Plaza na kung saan ang daming tao dzai. Well Perya kasi ang ganap kaya maraming tao. Mga nasa 5pm na rin kasi kaya marami nang tao. Nakaramdam naman ng gutom ang lahat kaya ang aya si Jester na mag Shawarma pumayag naman kami kasi mabigat naman sa tiyan ang Shawarma eh. Si Ivan at Jp na ang umorder at si Jester naman eh umorder sa tabi nitong stall ng Milktea pero ang pina order ko sa akin eh Blue berry fruit tea mas masarap 'yon para sa akin tsaka hindi nakaka umay. At ako naman na dyosa nila nag hanap ng ma pwe-pwestuhan at naka hanap naman ako na malapit sa may fountain may bakanteng upuan eh kaya naman 'yon na ang pinili kong pwesto.

Ilang sandali pa eh dumating na sila dala ang mga order nila at kumain na rin kami.

"Walang Cheese sauce?" tanong ko kasi naman bitin e

"Wala na, gusto mo kuhaan kita?" pag sabi ni Jester

"Nah, No need na ako nalang kukuha, kuha muna ako" saad ko. Kaya naman tumayo na muna ako at pumunta sa may Cart ng Shawarma at tinanong sa nag bebenta kung pwede maka hingi ng sauce at pwede naman kaya binigyan ako ng pero 'yung nasa bottle na gulat nga ako eh kaya naman kinuha ko nalang.

"Grabe ka naman humingi ng Cheese Sauce Klay, talagang ganiyan pa" wika ni Jp

"Gaga ka eto iniabot nila sa akin kaya kinuha ko na tsaka sabi ko isang Cheese Sauce lang pero ayan ang binigay" saad ko naman sabay naupo na sa tabi ni Ivan na nakita ko naka smirk pa parang tanga.

Tapos na kaming kumain kaya naman nag aya na akong mag libot libot. Nag libot libot kami hanggang sa mapag pasyahan ng dalawang mokong na sina Jp at Jester na sunakay sa Horror Train na depucha AYOKO!

"Dali na Klay, ang kj mo naman" saad ni Jp

"I guess maiwan nalang kami here ni Klay, and ayoko rin sumakay hindi sa takot ako but Klay's need a kasama baka kung mapano pa siya" ayun tama Ivan

"Sa next na rides nalang ako sasakay haha, enjoy!" saad ko sa kanila

Kaya naman ayun sumakay ang dalawang mokong sa Horror Train at kami naiwan ni Ivan sa labas kung saan pinapanood namin sila.

"So bakit ayaw mong sumakay? natatakot ka? aminin mo na ako lang 'to" wika ko kay Ivan na naka sandal sa bakal.

"No, i'm not sacred." saad nito sa malamig na tono.

Ehh...?

"Ikaw bakit ayaw mong sumakay baka ikaw ang natatakot" balik niyang tanong

"Hindi sa takot ako no, ayoko lang kasi baka masapak ko pa sila kaka sigaw ko HAHAHA alam mo na kapag ginulat nila ako baka masuntok ko pa mahirap na at baka sa police station pa tayo sunduin." saad ko

Pero true naman magugulatin ako eh.

Naka tatlong ikot na ang train na sinakyan nila Jester at Jp kaya naman bumaba na sila at ayun nag aya agad sa  Viking dzai. Pumayag na ako kasi hindi ako pumayag sa Horror Train e kaya go na. Naka kuha na kami ng ticket at naka pila na kami sa unahan sa dulo namin balak na umupo kasi para mas swabe at para mapa tili talaga maiiwan kaluluwa mo kapag nasa duko ka lalo na kapag pababa galing ere. Pero bago pa man kami maka pasok eh hinubad ni Ivan ang hoodie niya at sabi niya na itali ko raw sa bewang ko kasi naka skirt ako e naka uniform pa kasi ako kaya baka liparin kunno. Sinuot ko nalang wala namang masama eh.

Pumasok na kami sa loob at sa dulo na kami na upo at 'te ayan na!  nag umpisa na ipa andar ni kuya ang Viking huhu sa una swabe swabe pa pero nung ilang minuto ayan na sigaw na ako ng sigaw napa kapit nalang ako kay Ivan kasi na-i-aangat na ako sa taas juskoo alam niyo 'yung nilikipad na ngay na hindi na ako na ka upo sa upuan.

"Kuya tama naaa!" tanginh sigaw ko nalang habang naka pikit at naka yakap sa braso ni Ivan.

Matapos ang sampong minuto ay huminto na at gewang gewang na ako pababa ng mg Viking jusko. Ayoko na sumakay sa susunod sa Viking isinusumpa ko ikaw ba naman na malapit ng mag 360° ang ikot jusko.

"Ano kaya pa?" tanong ni Jp sa akin

"Gago ayoko na para akong nasusuka!" mura kong batid sa kanya at kala unan nag suka nga ako gagi nakaka hiya. Inabutan naman ako ng tubig ni Ivan.

"I guess umuwi na tayo? it's already 6:45 na rin baka hinahanap na si Klay ni Tita." wika ni Ivan

"Tama umuwi na tayo at ayoko na jusko!" batid ko

Kaya naman napag pasyahan na naming umuwi nag kanya kanyang landas na kami pero ako naki sabay na kay Ivan dahil nasa iisang subdivision naman kami. Halos ilang minuto rin ang lumipas at naihatid niya na ako sabay pasok ko na sa bahay nakita ko na nanonood sila mama at Anne ng Tv. Umakyat na ako sa kwarto ko para makapag palit na muna at kumain na ng dinner huhu nasuka ko kinain ko kanina eh kaya walang laman ang tyan ko hays. Isinusumpa ko si kuyang nag o-operate ng vikings hays sana hindi masarap ulam nila.

_____________________________________________

📍Press the '☆' below if you like this chapter and mag comment na rin kayo para malaman ko ang mga thoughts niyo about this story siyempre EXPECTS some ERRORS, i'm still learning palang kasi and don't forget to FOLLOW me to easily received an updates. ENJOY READING<3.

~yuriiiverse

Seguir leyendo

También te gustarán

1.5M 111K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
2.3K 263 72
//COMPLETED// "Sirena ako at ikaw ang aking shokoy." "Sana hindi ka makahinga sa ilalim ng tubig." The Neos series #4 By: Haeitsu
1.7K 87 11
𝙰 𝚝𝚛𝚊𝚗𝚜𝚏𝚎𝚛𝚎𝚎 𝚜𝚝𝚞𝚍𝚎𝚗𝚝 𝙸𝚜𝚑𝚊𝚊𝚗 𝚠𝚒𝚕𝚕 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚞𝚊𝚕𝚕𝚢 𝚏𝚎𝚕𝚕 𝚒𝚗 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚎𝚊𝚝𝚖𝚊𝚝𝚎 𝙸𝚟𝚎𝚛𝚜�...