Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 176K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Epilogue (Part 2 of 2)

68.3K 3.6K 3.6K
By Serialsleeper


Okay this is it. Part 2 of the epilogue. You guys are osummmm! Thanks for reading the series! :)

 


The Ripper Series #3

Never Cry Murder

Epilogue (Part 2 of 2)

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong hindi na umaandar ang kotse at wala na akong yakap na sanggol. Nakatulog pala ako sa loob ng kotse. Shit naman, asan ang baby? Don't tell me nasa backseat at kasama ni Jojo?! Damn it! Baka magka-psychological problems ang baby!

"Bruh! Asan—" Parang huminto ang mundo ko nang makita kong hindi si Ponzi ang katabi ko.

"Akala mo ba talaga magiging ganun kadali ang lahat?" Nakangising sambit ni Dexter na ngayo'y nakaupo na sa driver's seat. May hawak siyang isang kutsilyo at umaagos pababa rito ang napakaraming dugo.

Otamatiko akong napalingon sa backseat at nakita ko ang baby na umiiyak. Napakaraming bahid ng dugo sa upuan at pati narin sa sahig pero hindi ko mahagilap sina Jojo at Ponzi.

"Hindi mo makukuha mula sakin ang anak ko Serenity." Walang emosyong sambit ni Dexter at walang ano-ano'y bigla na lamang pinaharurot ang sasakyan kaya wala akong magawa kundi mapatili na lamang.

"Sisa?! Sisa gising!"

Agad akong napasinghap at napaiyak nang makita ko ang nag-aalalang si Ponzi na nakaupo sa tabi ko. Tagaktak ang pawis ko at nanlalamig pa ang mga kamay ko sa sobrang takot. Fucking daymares.

"Halika nga dito," Sabi ni Ponzi at niyakap ako ng mahigpit, "Tapos na ang lahat, wala na ang jemaima program at kailanman hindi ka na masasaktan ulit ni Tatang." Muling paaalala sakin ni Ponzi kaya tumango-tango na lamang ako habang pilit na hinahabol ang hininga ko.

"Teka asan ang baby?! Ponzi asan siya?!" Nataranta ako nang mapansin kong wala akong kargang sanggol.

"Sisa kalma lang, andun siya sa labas kasama ni Jojo." Sabi pa ni Ponzi kaya naman dali-dali akong napatingin sa labas.

Nakahinga ako ng maluwag at nasapo ko na lamang ang ulo ko nang makita ko si Jojo na karga-karga ang baby. Parang napakasaya nilang dalawa habang pinagmamasdan ang isang ale na gumagawa ng cotton candy. Napakalapad ng ngiti sa mukha ni Jojo habang tinuturo ang kulay pink na cotton candy samantalang mukhang manghang-mangha naman ang baby dito.

"Sorry, napa-praning na naman ako." Natawa na lamang ako habang pinupunasan ang luha ko gamit ang mga kamay kong nanginginig parin.

"Sino na namang napanaginipan mo?" Nag-aalalang sambit ni Ponzi.

"This time its Dexter and he wants to get his daughter." Napabuntong-hininga na lamang ako at muling pinagmasdan ang baby na karga parin ni Jojo.

"Your anxiety affects your dreams." Giit ni Ponzi at inabot sakin ang isang bottled water.

"How can I not be anxious Ponzi... What if Dexter tries to escape? What if he tries to take the baby? And dude! Julia's dead!" Namalayan ko na lamang na muli na naman palang umaagos ang luha ko, "That baby will grow up without her mother. She'll grow up without a father too because Dexter happens to be a fucking psychopath and he'll spend the rest of his life in the nut house. Ponzi darating ang araw na hahanapin niya ang daddy niya, Ponzi paano niya matatanggap ang katotohanang kasali sa isang shungang kulto ang daddy niya at isa sa mga biktima nila ang mommy niya? Aw shit, mababaliw ako lalo nito." Isinandal ko na lamang ulit ang noo ko sa balikat ni Ponzi.

"Sisa darating ang araw na 'yan pero napakatagal pa. Let's just cross that bridge when we get there." Aniya kaya naupo ako ng maayos saka napangiwi.

"Wow naman Agapatotoyski, kung maka-We ka, feel mo naman tayo parin paglaki niya." Sarcastic kong sambit sa kanya dahilan para bigla siyang ngumisi.

"Hinahamon mo ba ako Mary Serenity Samonte?" Nakangisi niyang sambit habang unti-unting inilalapit ang mukha niya sakin.

Sa sobrang lapit ng mukha namin, nararamdaman na namin ang hininga ng bawat isa. Bago pa man niya ako malandi ulit, iniwas ko na ang mukha ko saka ngumisi.

"I'm going to need years-worth of therapy after what happened here in Crimson Lake. I'm gonna spend the next few years paranoid and tormented with nightmares after being tortured both mentally and physically. Are you really sure gusto mong manatili sa tabi ko?" Paalala ko sa kanya. Ayokong naman kasing maging bagahe para sa kanya, ayokong maging pabigat. Mahal ko siya pero kaya ko namang mabuhay nang wala siya, di nga lang kasing saya ng nararamdaman ko pagkasama ko siya—Wait. Fuck this shit, I'm going down the cheesy road again! Fuckydy fuck fuck, Ponzi u little piece of shit, u make me cheesy shit. Kill me now! Wait no, don't kill me I'm osummm.

"Oo naman! Teka, akala mo ba ikaw lang? Serenity kailangan ko din ng theraphy! Di nga lang doktor ang kailangan ko... he-he-he." Aniya sabay taas-baba ng kilay niya.

"Kalandian mo Agapito." Napairap na lamang ako.

"Kinikilig ka lang eh." Pasaring ni Ponzi sabay sundot sa bewang ko, "Teka tara na, mukhang magsisimula na ang memorial service." Dagdag pa niya kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

The nightmares, I don't know when they'll stop. The horrors I've witnessed and experienced in Crimson Lake will haunt me for the rest of my life. I know for sure that I can never erase those bad memories in my mind. The scars I gained will ultimately heal but the scar in my heart and mind will probably stay for the rest of my life.

I witnessed how things take turn for the worst. I witnessed how friends turn against friends. I witnessed how horrible people can be.

I witnessed friends die and perish. I witnessed how vengeance consumed Dustin, Kirk and the others—I was almost consumed with vengeance and anger.

Pero sa kabila ng lahat mga nakakagimbal na pangyayari, madami parin naman akong nasaksihang kabutihan. Like I said, there's always that silver lining in everything.

"The genius who got to solve my riddles." Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang litrato ni Tammy na nakahilera sa park kasama ang iba pang mga litrato ng mga taong nagbuwis ng kanilang mga buhay. Inilapag ko ang mga kulay puting rosas matapos makapagtirik ng mga kandila.

Tammy is one of the reasons why Crimson Lake's secrets were unraveled. When she cried murder, everything ended up like dominoes falling unto each other. True, napakaraming consequences ng ginawa niyang 'yon pero if it wasn't for her, I wouldn't cry murder too. And if I didn't cry murder too, siguro wala paring kaide-ideya ang mga kinauukulan sa kalechehang pinaggagawa ng Jemaima Program.

Okay technically, Tammy wasn't really the girl who cried murder in the first place—but she also lied by telling those kids a made-up story. Wait speaking of the real girl who cried murder, I mean Quinn, kung hindi siya nagsinungaling noon, ano kayang kinahinatnan ng lahat? What if Dustin's Dad was never killed? Will she even meet Tammy? Will Tammy even cross paths with Calix?—Ugh! Okay sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng what ifs. The more I think about it, the more I believe that everything-happens-for-a-reason-mantra-crap.

"10GB Action films." Sabi ni Ponzi saka inilapag ang isang flashdrive sa tapat ng litrato ni Ford matapos kaming magtirik dito ng kandila. I'm proud of Ponzi for buiding a bridge with Dustin. Atleast it's a start.

"Baby, asan na kaya ang flashdrive ko?" Pasaring ni Jojo na katabi lamang namin. Karga-karga parin niya si Baby at mukhang nag-eenjoy naman silang dalawa na magkasama kaya hindi na muna ako umeepal. Plus hinihintay rin kasi namin ni Ponzi na makita ang reaction ni Jojo pag biglang nag-poop or nag-weewee si baby sa kanya. Yeah, we're kinda evil.

Nilapitan ni Jojo ang litrato ni Calix, "Kung alam ko lang na magkadugo kami, sana nagpaturo ako sa kanya ng basketball para mas madami akong chicks. Kaya pala pareho kaming pogi, iisang dugo lang pala ang nananalantay sa katawan namin." Sabi pa ni Jojo kaya kapwa kami napangiwi  ni Ponzi.

Maglalapag sana ako ng bulaklak sa tapat ng litrato ni Ecleo nang bigla akong may makitang pamilyar na mukha na nagtitirik ng kandila sa tapat nito.

"Ada!" Bulalas ko at dali-daling napayakap sa kanya. Lucky bitch, malakas na nga wifi niya, ngayon nakaligtas pa siya.

"You're red again!" Sabi niya at niyakap ako pabalik. "Sisa, Mama ko nga pala." Pakilala ni Ada sa mama niya na halos hindi niya magawang bitawan. Panay lang siya sa pagkapit sa braso nito, ganun din ang mama niya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko.

"Everyday therapy and counseling, either way It's good to be home again." Sabi ni Ada saka muling napayakap sa mama niya.

Ada's mom never stopped looking for her. I'm glad she finally got her daughter back.

"Magkakilala pala kayo ni Ecleo?" Tanong ko. Akala ko kasi si Calix ang bibigyan niya kasi patay na patay si Ada dun.

"Nagbuwis siya ng buhay dahil sa pangako niya. Napakabait niyang bata." Mangiyak-ngiyak na sambit ng ginang at hinalakan sa noo si Ada.

Napakaraming mga litrato ang nandito sa park—mga litrato nila Tammy, Calix, Milky, Ford, Tyler, Tessa, Ecleo, Joy, Quinn, Zepp, Ecleo, Archie, Paris, Rose at ibang mga pumanaw dahil sa kagagawan ng Programa ni Tatang. Napakaraming mga bulaklak, kandila, mensahe, stuffed toy at kung ano-ano pa, ang lahat ng mga ito ay galing sa lahat ng mga kaibigan at mamamayang nagmamalasakit at nakikiramay sa lahat ng mga buhay na nawala.

Hinanap ko ang litrato ni Spermy—I mean Borneo pero nadismaya ako kasi wala. As usual, the whole city is still hating on his mom and the rest of their family. Nakakalungkot na ganito ang pag-iisip ng ibang tao. It's true napakalaki ng kasalanan ng mom ni Neo pero their family doesn't deserve to be alienated and demonized as a whole.

I was expecting this situation kaya inilabas ko ang family photo ng mga Grady mula sa bag ko at inilapag ito kasama ng iba pang mga litrato saka naglagay ng bulaklak sa tapat nito. Their whole family is gone but I hope kung nasaan man sila ay masaya na sila at hindi na nasasaktan pa. The same goes for Mrs. Lucia Grady a.k.a The Crimson Ripper. Napakaraming nasaktan ni Mrs. Grady pero sa kabila ng lahat, I have to thank her kasi dahil sa kanya, buhay pa ang anak ni Julia.

It turns out, after giving birth, Tatang assigned Mrs. Grady to get rid of Julia's baby. But instead of killing an innocent child, she chose to fake the baby's death by stealing a fetus and posing it as a baby in bottle. Ang hindi alam ni Tatang, ipinasok ni Mrs. Grady sa isang orphanage ang baby.

Kung sana naniwala lang si Mrs. Grady na buntis si Tammy, siguro hanggang ngayon buhay pa sila. Hay, buhay.

Mrs. Grady was just a damaged woman. Lobotomized and tortured, her perspective changed. Actually pare-pareho lang silang biktima dahil sa lecheng si Doctor Delfino A.K.A Tatang the first.

"Baby ang ganda pala ng mommy mo." Narinig kong sambit ni Jojo at nang mapalingon ako sa kanila ay nakita kong kaharap nap ala nila ngayon ang litrato ni Julia.

"Masaya na si Julia kung nasaan man siya." Sambit ni Ponzi at hinawakan ang kamay ko.

Yup, I know for sure that Julia's happy lalo na't ligtas na ang baby niya pero sa kabila ng lahat, napakasakit parin para sakin ng mga nangyari. I still miss Julia. I'll keep missing her for the rest of my life.

It's crazy how things blow out of proportion and spiral out of control. Life is so fucked up. Ps, my hair is so fucked up too. I look like Dora with red hair.

"Andito pa kayo? Akala ko aalis na kayo ng Crimson Lake?" Biglang lumapit samin si Lotus Pig, this time hindi siya nakasuot ng uniform niya. Civilian attire lang kasi kasama niya ang asawa at anak niya. Day-off guro ng hayop. Hayop in a good way. Yeah Lotus Pig and I had a very rough start but he's on my cool list now.

"Teka aalis na pala talaga kayo ng Crimson Lake? Kaya pala andami niyong bagahe sa kotse." Sabi ni Jojo na nakapout pa. Ginagaya niya ang bawat reaksyon na ginagawa ni Baby, kulang nalang tumulo pa laway niya.

"Dumaan lang po kami para sa Memorial. Pagkatapos po nito aalis na agad kami." Sabi ni Ponzi sabay akbay sakin.

"'Wag kayong matatakot na bumalik o bumisita. Maayos na ang Crimson Lake. Nalinis na ang kapulisan at naipakulong na ang lahat ng mga nasa likod ng programa. Mayroon mang mga krimen, hindi na ito kasingitindi ng nakaraan." Pagmamalaki ni Chief kaya napangiti na lamang kami.

"Hijo yung mosquito swatter mo, nasa presinto pala. Nakita namin sa kalsada. May pangalan mo pa." Biglang sambit ni Lotus Pig kaya napatingin kaming lahat kay Jojo.

"Alam ko na ang pakiramdam ng mga lamok. Ayoko na silang saktan." Giit ni Jojo.

****

"Malapit na ba tayo?!" Paghihimutok ni Jojo na mag-isang nakaupo sa backseat at karga-karga ang gising na gising paring si Baby.

"Dude chill, you'll scare the baby." Giit ko.

"Scare? Sisa mas mahal ako ng bata kesa sayo. Diba baby? Gomo gokyow panchitaw gomo gokyow panchitaw." Pagmamayabang ni Jojo saka nag-baby talk pa gamit ang magic spell ng uncle ni Jackie Chan.

"Jojo ba't ka ba kasi sumama? Di ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong ni Ponzi.

Napabuntong-hininga si Jojo saka napasandal sa kinauupuan, "Alam niyo kasi, matapos ang near death experience ko, nagkaroon ako ng bagong perspective. Ngayon mas pinipili kong maging adventurous. Live life to the fuckest este fullest ba."

"Naghahanap yan ng kalandian." Natatawang sambit ni Ponzi kaya agad na nakunot ang noo ni Jojo.

"Kalandian? Ponzi masakit ang binibintang mo sakin alam mo ba yon?" Madramang sambit ni Jojo sabay yakap kay Baby.

"Maria Ozawa lookalike bruh?" Tanong ko.

"The bigger the better!" Biglang sambit ni Jojo sabay taas baba ng kilay niya.

"You perv! Give me my baby! Baka mahawa mo pa!" Bulyaw ko saka tinanggal ang seatbelt ko kahit umaandar pa ang kotse. Lumingon ako at inabot ang kamay ko kaso inilabas lamang ni Jojo ang dila niya at mas lalong inilayo sakin ang baby.

Wait, Jojo just gave me an idea...

"Holy jojo! You are the answer to my problems! Oras na magtanong siya kung sino ang tatay niya, sasabihin ko nalang na ikaw! Sasabihin ko na ginayuma mo si Julia kaya ka niya pinatulan! It's just as horrible as the truth!" Pagmamalaki ko sabay palakpak pero kapwa napangiwi sina Ponzi at Jojo.

"Sisa baka nakakalimutan mo, nananalantay sa dugo ko ang magkahalong kabanalan ni Pastor Will at Kademonyohan ng mga Tatang. Gusto mo bigwasan kita ng bible verse?" Pagbabanta ni Jojo kaya napangiwi na lamang ako. Fakyow. Oo na, hindi na.

Makaraan ang ilang sandali ay napansin ko ang pamilyar na mga bahay sa paligid at sa isang iglap ay muling bumalik sa isipan ko ang lahat ng mga alaala namin ni Julia. Antagal ko nang hindi nakakapunta sa lugar na'to. Antagal ko nang hindi nakakapunta sa bahay nila Julia.

Tahimik kaming tatlo nang tuluyan kaming makarating sa tapat ng bahay ni Julia. Ewan ko ba pero hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.

"Serenityti, gusto mong kargahin muna ang baby?" Biglang sambit ni Jojo na para bang naaawa sakin kaya ngumiti na lamang ako at kinuha ang baby mula sa kanya.

I've been with this baby for just two weeks pero ayaw ko na agad mahiwalay sa kanya. Siguro kasi natatakot akong baka mawala siya ulit. Natatakot akong mabigo ko si Julia. Pero higit sa lahat, ayokong mawalay sa kanya kasi napamahal na ako sa kanya. What if ilayo siya ng parents ni Julia? What if galit sakin ang parents ni Julia dahil nabigo akong iligtas siya?

Nakita naming sabik na lumabas mula sa bahay ang mga magulang ni Julia. Umiiyak ang mga ito pero this time may nakikita na akong saya sa mukha nila kasi makikita na nila sa wakas ang apo nila. They were broken when they lost Julia pero ngayong dala namin ang apo nila, mukhang kahit papano'y naibsan ang pagdurusa nila.

Bumaba ako mula sa sasakyan at sinalubong sila.

"Ang apo ko." Umiiyak na sambit ng mommy ni Julia habang yakap ang asawa.

"Hindi siya napangalanan ni Julia. Kayo nalang po ang bahalang magpangalan sa kanya." Sabi ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko sa pamamagitan ng pagngiti.

"Hija salamat... Maraming salamat." Umiiyak na sambit ng ama ni Julia habang dahan-dahan kong ibinasa sa kanya ang sanggol.

"Sorry... patawarin niyo po ako, hindi ko po nailigtas si Julia..." Tuluyan akong napahagulgol sa harapan nilang mag-asawa. 

Bigla akong niyakap ng mommy ni Julia kaya lalo pa akong napaiyak. Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko na magawang makapagsalita pa. Alam kong pare-pareho kaming hanggang ngayon ay nangungulila parin kay Julia.

"Ginawa mo ang lahat. Alam naming ginawa mo ang lahat. Serenity maraming salamat. Maraming salamat." Umiiyak na sambit ng mommy ni Julia kaya napayakap ako sa kanya pabalik.

Napakasaya ko habang pinagmamasdan ang mga magulang ni Julia na kasama ang apo nila. Nawala man si Julia, may pumalit naman rito.

"Tita pwede ko po ba siyang bisitahin minsan?" Tanong ko.

"Oo naman. Serenity kahit anong oras, pwede mo siyang dalawin. Mula noon, para ka naring parte ng pamilya namin." Giit ni Tita kaya muli akong napayakap sa kanya.

"Serenity siguradong napakasaya ngayon ng anak ko at mas lalo siyang sasaya kung gagabayan mo rin ang anak niya." Sabi pa ni Tito kaya ngumiti ako at tumango-tango.

Luhaan man, may malapad naman akong ngiti habang naglalakad pabalik sa sasakyan kung saan naroroon sina Ponzi at Jojo.

"Akala ko ba di ka iiyak?" Panunukso sakin ni Ponzi nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Pati kaya si Jojo umiiyak din!" Giit ko sabay turo kay Jojo parang bata na umiiyak sa backseat.

"Wag ka na kasing umiyak. 'Wag kang mag-alala, kung gusto pwede rin naman tayong gumawa ng baby eh." Biro ni Ponzi kaya agad kong sinuntok ang balikat niya.

"'Bruh! Shut your yaps! Nag-eemote pa ako!" Giit ko habang kinukusot ang mata ko.

"Joke lang. Pinapatawa lang kita." Natatawang sambit ni Ponzi habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. Bwisit, umiiyak na nga ako, pinagtatawanan pa ako.

"Pwede ba?! Respeto sa walang gerpren!" Biglang sigaw ni Jojo sabay sipa sa likod ng mga upuan namin dahilan para kapwa kami mapasigaw ni Ponzi.

Bago pa man magwala ng todo si Jojo, pinaandar na lamang ni Ponzi ang kotse.

"Teka saan na kayo pupunta ngayon?" Tanong ni Jojo habang pinapapak ang isang sachet ng Milo.

"Sa bahay namin. Tutuparin ko pangako ko kay Kikoy. Ano sasama ka parin?" Tanong ni Ponzi.

"Kung nasaan ang kainan, andun ako." Sabi pa ni Jojo habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.

"Bwisit, kailan ba talaga kita masosolo?" Biro sakin ni Ponzi habang nakabusangot kaya agad akong napangiwi. Leche talaga ang kalandian nito.

Biglang may kinuha si Ponzi na isang flashdrive mula sa glove compartment at inihagis niya ito kay Jojo.

"10 GB. Hardcore. Bayad na ako sa utang ko sayo." Sabi pa ni Ponzi.

Hay, yan na siguro yung flashdrive na may lamang porn na pinapadownload ni Jojo kay Ponzi.

"Wala na akong pakialam dito Ponzi. Nagbagong buhay na ako." Sabi ni Jojo sabay tago ng flashdrive sa bulsa niya. What the heck?! Ayaw pero tinago parin sa bulsa? Typical crazy jojo.

Sa gulat ni Ponzi agad nitong naihinto ang kotse.

 "Seryoso?" Tanong ni Ponzi saka nilingon si Jojo.

"Oo." Bagot na sambit ni Jojo saka napabuntong-hininga.

"Pumanget ka man lalo?" Tanong ko saka lumingon rin sa kanya.

"Sige Sisa, saktan mo pa ako." Sarkastiko niyang sambit kaya napangisi na lamang ako.

"Teka kung ayaw mo na sa porn, ano na pala ang pinagkaka-abalahan mo ngayon?" Kunot-noo kong sambit.

Biglang napatingala si Jojo saka pumalakpak, "Hentai!"

"Bwisit." Sabay naming sambit ni Ponzi at pinagbabato siya ng kahit na anong mahawakan namin.

"Ponzi patayin na kaya natin to? Iwan natin sa gitna ng kalsada. It's a good thing may dala akong gloves, hindi mat-trace ang fingerprints natin." Biro ko pero in a serious voice. I'm so osum.

"Sisa, bad yan." Saway sakin ni Ponzi kaya natawa na lamang ako.

"What? It's not like I cried murder again? Don't worry I'll commit real murder next time" Biro ko ulit sabay ngisi.

"Pre yung gerpren mo nasapian ni Dustin!" Sigaw ni Jojo kaya natawa na lamang si Ponzi.


At some point in my life, I became the girl who cried murder and I don't regret that kahit pa dahil dito naging pasyente ako ni Tatangina and friends, na-thunderbolt ako ng bonggang-bongga, nahampas ako ng bible ng maraming beses at muntikan pa ako maging isang mamamatay-pakshet. Kung hindi ko ginawa 'yon, siguro padami pa ng padami ang nadudukot ng programa at siguro lumaki na sa ampuan ang anak ni Julia. I'm just lucky to be alive. I'm lucky that things went my way.


But then again one thing's for sure, I'll never cry muder again bruh.

.THE END.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 987K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
10.2K 538 10
Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari...
4M 167K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
3.8M 75.9K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3