Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 51

21.2K 791 24
By RinkakuMayo


Third Person's POV

"Sa palagay niyo ba ay hindi mahahalata ng Elemental Ministry itong ginagawa natin?" tanong ni Ciero. Kasalakuyan silang nasa isang silid sa ilalim ng Elemental Head's Office kung saan naroon din sina Zeira, Ferno at Heiro. Hindi namatay si Heiro dahil pinatay ni Ciero ang apoy na nakapalibot sa puso nito. Natural na kakayahan na ng mga water people ang kontrahin ang kapangyarihan na meron ang mga fire people. Matapos nilang iligtas si Heiro ay dito na sa ilalim ng Elemental Head's office ang kanilang naging lihim na lugar.

"Isang linggo na rin naman at wala namang ibang nakakaalam na mayroong isang silid dito sa ilalim ng Elemental Head's office kaya naman nasisiguro kong hindi ito malalaman ng Elemental Ministry," sagot naman ni Heiro. Napagkasunduan nila na silang apat lang ang maaaring makaalam ng lugar na ito para masigurado na rin na hindi ito kakalat sa Yoso Academy.

"Si Hera, nasaan nga pala siya?" tanong naman ni Ferno. Sa kasalukuyan ay ang Elemental Ministry na ang nagpapalakad ng Yoso Academy dahil kanila nang idineklara na mga rebelde ang Elemental Heads. Naglabas na rin sila ng isang utos na kung sino man ang makakakita kina Heiro ay may karapatan silang patayin ang mga ito at magkakaroon ng pwesto bilang tagapamahala ng Yoso. May ilan na nanggaling sa Elemental Kingdoms ang sa ngayon ay nagbabantay sa Yoso Academy.

"Wala ba kayong napapansin na kakaiba kay Hera?" tanong naman ni Zeira. May kakaiba kasi siyang napapansin kay Hera. May pagkakataon kasi na parang wala ito sa kaniyang sarili at parang walang naitutulong sa kanila sa tuwing gumagawa sila ng plano.

"Iyan din ang iniisip ko, Zeira. Pakiramdam ko ay mayroong mali kay Hera," dagdag naman ni Heiro. Nagkatinginan na lamang sina Ferno at Ciero dahil maging pati pala sila ay pareho rin ng pakiramdam.

"Mabuti na lamang pala at hindi natin naisipan na isama siya rito gayong hindi tayo sigurado kung ano ba ang mayroon sa kaniya," sagot naman ni Ferno. Ilang araw na rin nilang pinagpaplanuhan ang mga dapat nilang gawin at kung paano nila masisiguro ang kaligtasan nina Aria.

"Kumusta na nga ba ang mga bata sa mundo ng mga tao, Heiro? Ano na ang balita? Nakausap mo na ba si Shebah?" Agad naman na umiling si Heiro. Napagkasunduan kasi nila ni Shebah na hindi sila dapat na magkaroon ng kaugnayan dito sa Elemental World habang sila ay nasa mundo ng mga tao. Ito ay para mas masigurado nila ang kaligtasan ng mga bata.

"Sa tingin ko ay dapat nating alamin ang lagay nila ro'n," sambit ni Zeira na agad namang sinang-ayunan nina Ferno. Agad na naglabas ng tubig si Ciero at sinubukan niyang tawagin si Thea.

"Thea, naririnig mo ba ako? Ako ito, si Ciero. Kailangan namin kayong makausap," sabi ni Ciero. Ilang sandali pa ang lumipas at lumitaw na ang mukha ni Thea. Kasama niya sina Fire, Aria at Kai.

"Ciero?!" gulat na sabi ni Thea. Hindi niya kasi inaasahan na kakausapin siya ni Ciero gayong ipinagbabawal nga ang paggamit ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao.

"Sandali lamang ito dahil baka malaman na ng Elemental Ministry kung nasaan kayo. Gusto lang namin na malaman kung ayos lang ba ang kalagayan ninyo diyan?" tanong ni Heiro. Bigla namang napuno ng kagalakan ang puso ni Aria noong nakita niya si Heiro.

"Heiro..." sabi niya at saka nag-unahan ang luhang kanina lamang ay nagbabadya sa kaniyang mga mata.

"Aria, bakit ka umiiyak?! May nangyari bang hindi maganda diyan?" nag-aalalang tanong ni Heiro. Nagulat kasi siya sa biglaang pag-iyak ni Aria. Inisip niya kaagad na baka mayroong hindi maganda na nangyari kina Aria.

"Kasi...Kasi akala ko po patay na kayo e!" parang bata na sambit ni Aria bago ito muling umiyak. Lumapit sa kaniya si Fire at saka nito hinawakan ang balikat ni Aria.

"Tahan na," he said. Ayaw na ayaw kasi niyang nakikitang umiiyak si Aria. Agad namang napangiti si Heiro dahil ramdam niya ang pag-aalala ni Aria sa kalagayan niya.

"Ayos lang ba kayo diyan? Nasaan si Shebah?" tanong ulit ni Heiro. Ilang sandaling natahimik sina Thea at hindi nila alam kung paano ba nila sasabihin ang mga nangyari sa kanila sa mundo ng mga tao. Kinakabahan din sila na baka hindi sila paniwalaan nina Heiro kapag sinabi nilang si Hera ang traydor.

"Wala po si Miss Shebah dito. Ang kasama po namin simula pa lang noong una ay si Miss Hera." Napasinghap sina Ciero sa sinabi ni Fire. Paanong si Hera ang kasama nila gayong nakakasama rin namin si Hera rito?! Iyon ang patuloy na tumatakbong tanong sa isipan nila.

"Sigurado ba kayo diyan sa sinasabi ninyo?" tanong ulit ni Heiro. Kung tutuusin ay mukha siyang kalmado pero ang totoo ay kanina pa siya kinakabahan. Kung hindi si Shebah ang kasama nila, nasaan na si Shebah?! Isip-isip niya. Kung ganoon pala ay simula noong umalis sina Aria ay wala na si Shebah?! Pero kung ganoon, nasaan na siya? Nalilito na si Heiro at gusto na niyang lumabas at hanapin si Shebah.

"Sigurado po kami. Hindi si Miss Shebah ang kasama namin," sagot ni Kai. Biglang napaupo si Heiro sa silya na malapit sa kaniya. Agad na lumapit sa kaniya si Zeira. Alam nina Ciero, Zeira at Ferno ang pinagdaanan nina Heiro at Shebah noon. Alam din nila na kahit pa nagkaroon na ng ibang pamilya si Heiro ay hindi nawala ang pagmamahal nito kay Shebah kaya gano'n na lamang ang simpatya nila sa nararamdaman ni Heiro ngayong bigla na lamang nawala si Shebah at wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung nasaan na ba ito.

"Sa palagay ko po ay alam ni Hera kung nasaan si Miss Shebah," sabi ni Aria. Hindi pa rin nagsalita si Heiro at patuloy pa rin siya sa pag-iisip kung saan maaaring dalhin ni Hera si Shebah.

"Siya nga po pala, balak na naming bumalik diyan sa Yoso," sabi ni Thea. Naging dahilan ito para maibaling naman sa kanila ang atensyon ng Elemental Heads.

"Hindi pa pwede. Masyado pang magulo rito," sagot naman ni Ciero.

"Pero gusto po naming makatulong. Ayaw po namin na nandito lang kami habang patuloy ang kaguluhan diyan sa Elemental World. Babalik na po kami," Thea firmly said. Hindi niya gusto na manatili lang sa mundo ng mga tao habang patuloy ang kaguluhan sa Yoso at marami ang nagbubuwis ng buhay.

"Kailangan muna nating pagplanuhan 'yan ng maigi, Thea. Hindi rin kami makagalaw ng ayos dito sa Yoso dahil isa na rin kami sa tinutugis dito," sagot naman ni Heiro.

"Sa ngayon ay diyan na muna kayo. Kami mismo ang magsasabi kung kailan kayo babalik dito," dagdag pa niya bago tuluyang nawala ang komunikasyon nila kina Aria.

"Paano na 'yan? Hindi pa tayo pwedeng bumalik sa Yoso," sabi ni Kai. Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Aria. Pinag-uusapan kasi nila kung kailan sila babalik sa Yoso noong biglang narinig ni Thea na tinatawag siya ni Ciero.

"Wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa sinasabi nila. Mahirap nang sumuway sa sinasabi nina Heiro gayong kaligtasan lang naman natin ang hangad nila," singit naman ni Fire. Napahiga si Aria sa kama niya at saka napaisip. Masyado nang komplikado ang sitwasyon na pati sina Heiro ay nadamay na sa kalokohan nila ni Fire.

"Sa tingin ko ay may dapat pa rin tayong gawin habang nandito tayo," sabi ni Thea. Napabangon si Aria at agad na lumapit kay Thea.

"Ano naman ang gagawin natin?" she asked. Sa kanilang apat kasi ay si Thea lang ang nakakapag-isip ng maayos sa kabila ng mga nangyayaring hindi kanais-nais sa Elemental World. Talagang pinatutunayan niya na element of wisdom ang tubig.

"We need to train and enhance more our power. Kailangan ay maging handa tayo sa pagbabalik natin sa Yoso," sabi niya na agad namang sinang-ayunan nina Fire.

"Pero saan tayo mag-eensayo? Baka naman malaman na ng Elemental Ministry kung nasaan tayo kapag patuloy nating gagamitin ang kapangyarihan natin?" tanong ni Aria. Wow naman! Umaariba na naman ang neurons mo, Aria! Maganda 'yan! Chika niya sa sarili niyang pag-iisip.

"Kailangan nating maging maingat. Isa pang dapat nating gawin ay ang alamin kung saan ba naroon si Valgemon," sabi naman ni Fire. Sa kanilang apat ay si Fire naman ang masiyadong malakas ang loob para sa mga gagawin nilang plano. Halata naman siguro iyon dahil sa kagustuhan niyang mahanap maging ang kinaroroonan ni Valgemon.

"Paano naman natin 'yon gagawin gayong nandito tayo sa mundo ng mga tao? Makakakilos lang tayo kapag nakabalik na tayo sa Yoso," sabi ni Kai. Agad na natahimik sina Fire at panandaliang nag-isip ng kung ano ba ang pwede nilang gawin. Gusto kasi nilang makatulong. Ayaw nilang maging lalong pabigat kina Heiro. Iniisip kasi nina Fire at Aria na sila na nga itong dahilan kung bakit nagkakagulo sa Yoso ay parang ang hirap naman yatang isipin na wala pa silang magagawa upang makatulong man lang kahit paano kina Heiro.

"Hindi tayo makakabalik sa Yoso nang hindi handa. Baka nasa gate pa lang tayo ng Yoso Academy ay patay na tayo," singit naman ni Aria. Kahit paano ay natatakot din siya sa isang malaking posibilidad na mamamatay na sila ni Fire sa oras na bumalik na sila sa Yoso. Parang hindi niya yata kakayanin na ihakbang ang paa niya sa Elemental World na iniisip niyang sa bawat hakbang na gagawin niya ay lumalapit sila sa kamatayan nila.

"May naisip akong solusyon," sagot naman ni Thea. Ikaw na talaga ang brilliant, Thea! Ang dami mong naiisip! Hiyang-hiya naman ang brain cells kong tuyong-tuyo na. Aria thought.

"Anong solusyon naman iyon, Thea?" tanong ni Kai. Tiningnan muna isa-isa ni Thea sina Kai, Fire at Aria bago niya sinabing,

"Hindi tayo maaaring bumalik sa Yoso kung babalik tayo do'n bilang ako si Thea, o kayo bilang sina Kai, Aria at Fire." Agad na nagsalubong ang kilay ni Aria dahil sa sinabi ni Thea. Anong pinaglalaban ng plano mo, Thea? 'Yong totoo? Gutom ka na ba? Isip-isip ni Aria.

"Anong ibig mong sabihin, Thea?" tanong ni Kai na tulad ni Aria ay naguguluhan din sa sinabi ni Thea.




"Babalik tayo sa Yoso bilang ibang tao. Ako, gagayahin ko si Nuraya. Ikaw naman Aria, si Ela. Ikaw Fire, si Tyrone at ikaw naman Kai ay si Laydon. In that case, makakabalik tayo sa Yoso Academy nang hindi agad namamatay," she said before she flashed her sweet smile.

-----

An: Thanks for reading! :)

Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

438K 9.4K 37
Isang paaralang naiiba sa lahat..... Isang paaralang hindi normal kundi extraordinary ang mga estudyante... Isang pagkatao ang maaring mabunyag...
33.3K 1.3K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
5.9M 202K 149
Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing...
1.8M 16K 9
AVAILABLE ON DREAME PAY-PER-READ PROGRAM!!! The Five Deities together with the Enchantress kept the Balance of the Universe. The Cthonic Deity. Thi...