South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.6M 337K 213K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 61

84.7K 5K 3K
By JFstories

I WAS LOOKING AT THE GLASS DOOR. Hugo and Hyde were playing catch in the garden. Marami pa rin akong agam-agam, pero kahit paano ay magaan na ang aking pakiramdam, na makitang masigla na ulit si Hyde na para bang walang nangyari.


Nang lumampas ang bola at gumulong sa damuhan ay hinabol iyon ni Hyde. Ang pagdaklot ng malaking kamay ng bata sa bola, ang paghagod ng mahahabang daliri sa buhok, at pagwilig ng ulo, parehong-pareho kung paano kumilos si Hugo.


Habang tumatagal, habang lumalaki si Hyde, nakukuha nito ang mga kilos ng ama. Kahit sa itsura, sa pagngiti, pagsimangot, o kahit sa seryosong ekspresyon, parang batang Hugo ang nakikita ko. Kahit noong hindi pa namin siya nakakasama, napapansin ko na ang mga nakuhang kilos ni Hyde sa kanya, bukod pa sa magkamukhang-magkamukha sila.


Hindi ko naman talaga lubusang nakalimutan si Hugo. Sa tuwing tumitingin ako sa mukha ni Hyde, siya ang nakikita ko. Dahil bakit hindi? It was like I gave birth to his twin.


I just closed my heart to the possibility of him coming back into our lives, until fate played its part.


I was already happy and contented with my simple life and dreams with Hyde until Hugo came back. That was when my mind and heart started to get confused again. But, I was back to my senses now. What I wanted now was a peaceful life. A peaceful heart.



'HINDI KITA SUSUKUAN.'


Hugo said to me that he was good at waiting. I had no doubt about that. Mapait ang panlasa ko nang maiwang mag-isa. Gaano ba siya kagaling maghintay? Hinintay niya lang naman si Sussie mula noong gradeschool, high school, senior high, college, at sa maka-graduate. He stayed by her side until she didn't need him anymore.


Iyong ganoong kalalim na pagmamahal, hindi iyon basta-basta mabubura. Hindi iyon basta-basta mawawala. Kung si Hugo ay kayang maghintay, ako ay hindi.


Paalis na ako sa harap ng sliding door nang mapatingin si Hugo sa akin. Naghinang ang mga mata namin. Naglakad na ako paalis na parang hindi siya nakita.


Narinig ko siya na nagpalaam kay Hyde. Sa peripheral ko ay nakita ko na patakbo siyang lumapit sa akin. Humihingal pa siya nang huminto. "Gusto mong magmeryenda?"


Umiling ako at pumunta sa lalagyanan ng kape.


"Pagtimpla kita?"


"Hugo." Mabigat ang tono ko bagaman mahina ang boses.


"You must eat, Jillian. You're getting skinny." He leaned on the counter while watching me. "Do you want me to cook food for you? I can even feed you if you want."


"That sounds stupid," walang buhay kong sabi.


"Alin, iyong susubuan kita?" Sinilip niya ang mukha ko na nakayuko sa tasa. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam ko nakangiti siya.


"Shut it, Hugo."


Doon na nabura ang ngiti niya. "Jillian..."


Dumating sina Carlyn at Sussie noong hapon. Dala nila ang kanya-kanyang anak. Ang asawa ni Sussie ang naghatid sa kanila. Papunta ito ng Manila at idinaan lang sila rito.


Ngayon ko na lang ulit nakita si Arkanghel. Seryoso ang guwapong mukha ng lalaki, maging ang kulay abong mga mata ay malamig, pero nang tumingin sa mag-ina nito ay agad na lumambot ang ekspresyon. Ang mapulang mga labi ay nagkaroon ng matamis na ngiti.


Si Hugo ay lumapit kay Arkanghel. May pinag-usapan sila na parang tungkol yata sa negosyo. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpakarga naman si Shasha sa daddy nito. Nainggit si Mara na anak ni Carlyn kaya ito naman ang kinarga ni Hugo.


Si Sussie ay parang may gustong sabihin sa akin, pero si Carlyn ang nagsalita. "Sorry sa istorbo, sissy!"


"Ayos lang." Gusto ko rin naman na nakakakita ng ibang tao si Hyde, para hindi ma-bored ang bata.


"Kaya nga pala kami pumunta, bukod sa pagdalaw kay Hyde, may chika rin kami sa 'yo ni Sussie," ani Carlyn na pabulong ang boses para hindi marinig nina Arkanghel at Hugo na nag-uusap sa may pinto.


Chika?


"Na-chika lang ni Sussie sa akin. Noong lamay ng nanny ni Hugo, hindi ka pala nagpunta." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Carlyn. "Nag-breakdown daw si Hugo roon. Mabuti na lang wala pang gaanong nakikipaglamay. Saka hindi rin alam ni Mrs. Aguilar kasi saktong umalis ito."


Ha? Napatingin ako kay Sussie.


"Hindi ko alam kung bakit, Jillian. Ayaw namang magsabi ni Hugo. Nang itanong ko kung nasaan ka, doon lang siya biglang tumigil. Bigla-bigla na lang nagpaalam na aalis. He just said that he needed to see you. Nag-aalala pa rin kami ni Arkanghel kasi hindi talaga siya okay, eh. Nag-alok ang husband ko na ipag-drive siya pabalik dito sa inyo sa Tagaytay, kaya lang tumanggi naman siya."


Something like that happened? Nang lingunin ko si Hugo ay kausap pa rin niya si Arkanghel pero panay ang pasimpleng sulyap niya sa akin.


Nang magpaalam na si Arkanghel ay saka sila lumapit sa amin. Ibinaba na nila ang mga karga-kargang bata. Humalik na si Sussie sa pisngi ng asawa bilang pamamaalam dito. Ang aking mga mata ay pasimpleng tumingin kay Hugo na ngayon ay nasa tabi ko na. He was looking at them, but he didn't have any reaction.


Nang makaalis na ang kotse ni Arkanghel ay pumasok na kaming lahat sa sala. Sina Mara at Shasha ay sinakyan agad si Hyde na nasa sofa.


"Hy is mineee!" tili ni Sha-sha sabay sabunot sa buhok ni Hyde.


"No, Hy's mine! He's my toy!" sigaw rin ni Mara at sabay haltak sa kwelyo ng shirt ni Hyde.


"No, he's my toy! We're gon bring him howmmm!"


Sa huli ay naging kabayo na ng mga ito si Hyde. Wala namang reklamo si Hyde kahit tabingi na ang suot nitong specs at halos mapunit na ang kwelyo ng suot na shirt. Aliw na aliw ito sa dalawang batang babae.


Si Carlyn naman ay hinampas sa balikat si Hugo. "Gusto na ni Hyde talaga ng siblings. Ano na, Hugo? Wala ka na bang ibubuga? Natuyuan ka na?"


Tumingin sa akin si Hugo. "Actually, we have a plan of making five..."


Napanganga ako sa kanya. "Five?"


Ngumiti siya sa akin nang matamis. "Yeah. Let's give Hyde five baby sisters who all looks like you."


"What, five?" ulit ko. "Who are you trying to kill?!"


Napahagikhik naman si Sussie. Nang mapatingin ako sa babae ay nakita ko kung gaano ito kasaya. When I looked back at Hugo, I saw him looking at me. He saw how my emotions changed as I looked at Sussie.


Para akong napapaso na biglang hindi malaman ang gagawin. "Ah, eh, m-may gagawin lang ako sandali sa itaas," paalam ko sa kanila dahil hindi ko na matagalan ang mga titig ni Hugo. Napapansin na rin iyon nina Carlyn at Sussie.


Paakyat na ako ng hagdan nang makita kong nakatanaw sa akin si Sussie. Napayuko ako dahil nakokonsensiya ako. Wala naman siyang ginawang masama sa akin. She was just here as a friend. Napabuga ako ng hangin pagkapasok ko sa kuwarto. Nararamdaman kaya niya na may something sa amin ni Hugo?


Kakahiga ko pa lang sa kama nang bumukas ang pinto. Nagulat ako nang pumasok mula roon si Hugo. Anong ginagawa niya rito?


Tuloy-tuloy siya sa kama kung saan ako nakahiga. Pabagsak siyang nahiga sa tabi ko at pumikit. Bakit siya nandito? Bakit iniwan niya ang mga bisita niya sa ibaba?


"Why did you leave them?" manghang tanong ko.


"I want to be with you," simpleng sagot niya na hindi dumidilat.


"Baka hanapin ka nila... Magtataka si Carlyn... At saka si... Sussie."


"So what?" tamad na balik niya.


"Ha?" Gilalas ako. "Anong iisipin nila kung hindi ka bababa? Bisita mo sila!"


"I don't care if they are my visitors. If avoiding them can reduce your anxiety, then I'll avoid them."


"W-what?"


Nakapikit siya at hindi na ulit nagsasalita. Mga ilang minuto. Mukhang wala na talagang balak na bumaba ulit sa sala para harapin ang mga bisita.


Relaxed lang siya na nakapikit. Mahigit thirty minutes na ang lumipas, hindi ko sigurado kung nakatulog na yata siya. Nakakahiya kina Carlyn at Sussie na nasa sala kaya ako na lang ang bababa.


Nang babangon na ako ay saka siya tumagilid at iniyapos ang isang braso sa bewang ko. He buried his head between my neck and shoulder.


"Hugo, ano ba?"


Nang magdilat siya ay muntik na akong malunod sa emosyon na nasa mga mata niya. "Tell me what I can do for you to love me again."


Nag-iwas na ako ng mata. Hindi ko na tiningnan pa kung ano ang magiging reaksyon niya.


Katok na lang sa pinto ang naging dahilan para makaalis ako mula sa pagkakayakap niya. Siya ang tumayo para buksan ang kumakatok. Si Ate Lina ang nasa labas. "Aalis na raw ang mga bisita. Sinundo na ng kapatid ni Jillian."


Saka lang tumayo si Hugo. Bumaba siya para siguro ihatid ang mga ito sa gate. Bumaba na rin ako para magpaalam sa mga ito.


Si Kuya Jordan ang sumundo kina Carlyn at Sussie. Humalik ako kay Mara at maging kay Shasha. Nakangiti sa akin si Sussie kaya sinikap ko na ngumiti rin dito kahit isang kiming ngiti. Mabait naman kasi talaga ito.


Pag-alis ng mga ito ay may kotseng pumalit na dumating. Ang kalmadong ekspresyon ni Hugo ay nabura.


Nang bumaba ang matangkad na lalaki mula sa kotse at pumasok sa nakabukas na gate naramdaman ko ang paghawak ni Hugo sa aking kaliwang kamay. Nang lingunin ko ulit siya ay seryoso na ang mukha niya.


"Aragon," narinig kong mariing sambit ni Hugo.


Nakatayo si Harry sa harapan namin. Maamo ang mukha pero hindi nakangiti. Ang ayos ay iyong palaging malinis. Shirt na kulay puti, denim jeans, loafers. May suot na specs na silver rimmed. Walang kahit anong accessories.


Ang mga mata ni Harry na mabait ay seryosong-seryoso. Tinapunan nito ng tingin ang kamay ko na hawak-hawak ni Hugo. "Jill, I heard about what happened to Hyde."


Hugo stepped forward and put me on his back. "Ilang linggo na, ngayon lang nakarating sa 'yo? Hanggang ngayon, mahina pa rin radar mo."


Umigting ang panga ni Harry. "Pero kahit kailan, hindi napahamak sina Jillian at Hyde nang ako ang nag-aalaga sa kanila."


Narinig ko ang may tunog na ngisi ni Hugo. "How did you take care of them? Through text and video call?" nakakaloko ang tono na balik niya kay Harry.


Humakbang ako para pumagitna sa kanila. "Please, ang mga boses niyo. Nasa loob lang si Hyde."


Pero wala silang balak tumigil. Si Harry ay ngayon ko lamang nakita na ganito. Ang mga mata nito na nakasanayan ko nang palaging kalmado ay tila may mitsa ngayon ng apoy.


"Aguilar, I guess you already had fun enough. It's time now for you to return my family to me."


Narinig ko ang paglagutukan ng mga daliri ni Hugo. Pulang-pula na siya hanggang leeg. "Stop acting like an abandoned dog, Aragon."


Namumula na rin ang mukha ni Harry. "I'm not afraid of you. I am here to take back what's mine."


Ang angas sa mga mata ni Hugo ay nagliliyab na. "Go on, keep on provoking me."


Nagulat ako nang hawakan ni Harry ang kabilang kamay ko. "Jill, I am here to take you and Hyde with me. I will take care of the two of you again—"


Hindi na natapos ni Harry ang sinasabi nang tadyakan ito ni Hugo sa sikmura. Napasadsad ito sa lapag.


Napatakip ako ng bibig sa bilis ng pangyayari. Nakatayo na agad si Harry. Sa unang pagkakataon ay narinig ko ito na sunod-sunod na nagmura. "Fuck you, Aguilar! You stupid bastard! Jillian and Hyde are not yours!"


Hugo sneered and rushed to give Harry a hook, but Harry easily dodged it. Kinabahan na ako dahil kahit dating basagulero at sanay sa gulo si Hugo, ay black belter sa Taekwondo si Harry na katulad ng kuya ko.


Napatakbo ako papunta sa pinto. Wala si Hyde sa sala at si Ate Lina lang ang nandoon at nakanganga sa akin. "Ate Lina, 'wag niyong palalabasin si Hyde!" sigaw ko at saka hinaltak pasara ang main door.


Sina Hugo at Harry ay nagkakabasagan ng bungo. Walang balak umatras. Hugo was fuming with anger and he looked like he would not stop until he beat the hell out of Harry. At ganoon din si Harry sa kanya.


I realized that Hugo also knew martial arts, I just had no idea what kind, or if it was mixed martial arts. He was firing feet and fists at Harry like a mad person.


When Harry spun around to kick Hugo, his leg was caught by him, and they both hit the ground. Duguan na ang ilong ni Harry pati ang bibig, si Hugo ay putok na ang gilid ng kilay at may dugo na rin sa labi. Walang may balak tumigil sa kanila kahit anong pakiusap ko.


Hindi ko na alam ang gagawin kaya nang napatingin ako sa cabinet sa garahe ay bigla ko na lang iyong tinakbo. I pulled the pressure washer machine from there. I connected it to the faucet, and then to the power outlet. After it was set up, I grabbed the wand and went back to the two who were still fighting on the ground.


"Ayaw niyong magpaawat? Fine!" Binuksan ko ang pressure washer at itinapat sa kanila. Isang malakas na tama pa lang ng tubig ay napahiwalay na agad sila sa isa't isa.


"Goddamnit, Jillian!" sigaw ni Hugo na ngayon ay basang-basa.


Si Harry naman ay basang-basa rin na kandaubo habang hawak ang sikmura. Hininaan ko ang pressure ng tubig pero hindi ko sila tinigilang basain. Gusto kong parehong ma-cool down ang mga utak nila at katawan.


Pulang-pula si Hugo nang akmang lalapit sa akin pero itinapat ko sa mukha niya ang tubig kaya napaatras siya ulit. Kandamura siya dahil hindi siya sa akin makalapit.


Nang magtaas ng kamay si Hugo bilang pagsuko ay saka ko lang pinatay ang pressure washer. Truce na pero masama pa rin ang tingin nila sa isa't isa kahit pareho silang mukhang na-harassed na basang sisiw.


"Harry, please go home." Putok ang gilid ng labi ni Harry, may dugo sa ilong at sa pisngi. Ang mga siko ay may gasgas, gusot ang damit, at magulo ang buhok.


"Hon..." basag ang boses nito.


"Fucker, who are you calling hon?!" gigil na sigaw ni Hugo.


Sinigawan ko na si Harry. "Please leave, Harry!"


Mali ako na hindi agad hawakan si Hugo, sumugod ulit siya at sinapak si Harry. Lalong sumargo ang dugo sa ilong nito. Napadura pa ito ng dugo.


"Consider this as a warning, Aragon. Come back here, and I swear that you won't be living another day because I'm gonna kill you!"


"They are not yours!" matigas na sabi ni Harry kahit duguan ang bibig. "They are mine! Ako ang kasama nila noon habang wala ka! Akin sila! And I'm gonna take them back!"


Lalong nanggalaiti si Hugo. "Dahil wala akong alam! Dahil tangina mo, may kasalanan ka rin kung bakit wala ako sa tabi nila! Fuck you!"


Sinigawan ko na si Harry bago pa sila magpang-abot muli. "Harry, umalis ka na sabi!" Yakap-yakap ko sa bewang si Hugo. "Please, think of Hyde! He's still recovering from trauma!"


"I understand." Tumango si Harry kahit puno ng pagtutol ang malungkot na mga mata niya. "But, know that I will not give up, hon."


"Fuck you!" Hinaltak ko na ang mukha ni Hugo paharap sa akin at tinakpan ang bibig niya.


Nang makalabas na sa gate si Harry ay saka ko lang binitiwan si Hugo. "Stop! I said, stop!"


Nawalan nang lakas ang mga tuhod ko pero agad niya akong nasalo. "Jillian, are you okay?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita na may dugo ang mga binti ko.


Ako man ay nagitla rin sa dugo. "B-blood..."


Unti-unting bumalik sa akin ang mga araw na masama ang pakiramdam ko, na hindi ako makakain, na masyado akong sensitibo. I had been very preoccupied recently that I didn't pay much attention to it. I thought I was just stressed, but now I knew that was not the case.


Another thing that confirmed my suspicion was my delayed period. Sobrang tagal na kasi, hindi ko na halos maalala ang pakiramdam. Saka hindi naman ako ganoon kalala noon kay Hyde kaya hindi ko alam. Nanlaki sa takot ang mga mata ko kay Hugo. "Hugo, b-bring me to the hospital. I think... I think I'm pregnant!"


Napanganga siya. Ang itsura niya ay parang tinakasan ng kaluluwa.


"P-please, I think I'm pregnant. Bring me to the—" Hindi ko na natapos dahil nagdilim na ang aking paningin.


Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng aking katawan dahil sa pagkarga niya sa akin. Nagsisisigaw siya, tinatawag niya si Ate Lina. Sari-sari ang mga boses at sigaw na hindi ko gaanong maunawaan. Nagkakagulo.


Nang magmulat ako ng nanlalabong mga mata ay nasa kotse na ako ni Hugo. Walang lumalabas na boses sa bibig ko dahil sa panghihina.


Kinakabitan niya ako ng seat belt. Ang mukha niya ay punong-punong ng pag-aalala. "Jillian, hold on. I'm bringing you to the hospital. Hold on. Please, hold on!"


May mga kausap siya sa phone, nauulinigan at nabobosesan ko na lang ang mga ito. Si Mommy, Si Mommy Norma, si Carlyn.


Ang usapan nila ni Carlyn ang medyo naaalala ko dahil sa parehong lakas ng boses nila.


[ Just relax, Hugo! On the way na kami sa ospital ni Jordan. Papunta na rin sina Mommy Ethel. Just relax, okay? Tandaan mo, nagda-drive ka, gago! ]


"How can I?! Damn, Jillian is bleeding! She's bleeding! This is my fault! Fuck, fuck!" Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang paghahampas ni Hugo sa manibela habang nagda-drive.


[ 'Wag kang umiyak, itlog! Baka mapano lalo si Jillian, kumalma ka sabi! ]


Hugo was crying? Sa madilim na sasakyan at sa nanlalabo kong mga mata ay pilit kong inaaninag ang mukha niya. I felt like something squeezed my heart when I saw the tears that were falling from his eyes.


[ Tangina ka, Hugo! Kumalma ka sabi itlog, kaya ka taguan ng anak, e! ]


Carlyn was no longer on the other line, and Hugo was still crying while driving. His broken and worried voice continued to echo in my ears, "God, please, wala sanang mangyari sa mag-ina ko."


Bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim ay nakarating na kami sa ospital. Inilagay ako sa stretcher at isa si Hugo sa nagtutulak. Bago ako dalhin sa emergency ay siniil niya ako ng halik sa labi.


And the last thing I heard was his voice as he said the words, "Jillian, I love you..."



HINDI KO NA ALAM KUNG ALIN ANG TOTOO. Alin ang totoo at alin ang nagdedeliryo lang ako? Nagising ako na nasa private room na. Sa tabi ko ay may lalaking nakaupo at natutulog habang hawak ang kamay ko. Hugo...


Nang kumilos ako ay agad siyang nag-angat ng mukha. Namumula pa ang mga mata niya kung dahil sa pag-iyak o dahil sa kagigising niya pa lang, ay hindi ko alam.


Nag-panic agad siya nang makitang gising na ako. "How are you feeling? Are you hungry? Do you want to eat? What do you want to eat? Or are you thirsty?" sunod-sunod ang tanong niya.


"M-my baby..." paos na sambit ko.


Ang litong mukha ni Hugo ay biglang umaliwalas pagkarinig sa sinabi ko. "Our baby is fine."


Pumatak ang mga luha ko. So I was really pregnant. Magkakaanak na pala ulit kami ni Hugo.


"Hush, don't cry, Jillian. Baka makasama kay baby." Agad niyang pinunasan ng kanyang kamay ang mga luha ko.


"M-magiging daddy ka na ulit Hugo... And this time, you'll get the chance to take care of the baby..." Wala akong balak ilayo sa kanya ang mga anak niya.


Ngumiti siya pero siya naman ngayon ang naiiyak. Nanginginig ang boses niya nang magsalita. "Yes. Thank you. Jillian, I wanna be with your throughout the pregnancy too. Please, let me..."


Lalo akong napaiyak sa sinabi niya.


Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Jillian, I'll treat you better and give you all the love I've got. Just please, don't leave me."


Malungkot na ngumiti ako sa kanya. "But you don't love me, Hugo."


Hindi porke't magkakaanak na ulit kami ay puwede na kami. Kaya naming maging mabuting mga magulang sa mga anak namin nang hindi sila niloloko. Hindi nagbabago ang pasya ko. Aalis pa rin ako sa bahay niya.


"Hugo, hindi naman na tayo okay, eh. Mas kawawa lang ang mga bata di ba?" masakit man sa dibdib ay sabi ko. "Pero kahit na maghiwalay na tayo pag-alis ko rito sa ospital, makakasama mo pa rin sila. Hindi ko sila ilalayo sa 'yo, makakaasa ka."


"So, you're still leaving me." He clicked his tongue as he suppressed his tears.


"Hugo, para saan pa na nagsasama kung hindi naman nagmamahalan, di ba?"


"Sino ang may sabi sa 'yo?" basag pero matigas na balik tanong niya. "Ilang beses kong kailangang sabihin sa 'yo na mahal kita?! Kung para sa 'yo, hindi pagmamahal iyon, then what do you call it?"


"You just want someone to be by your side."


Napayuko siya at mahinang napamura, "Tangina."


"Hugo, 'wag na nating pahabain ito. Alam mo naman sa sarili mo iyong totoo." Luhaang umiling ako. "Hindi ako, kundi si Sussie ang mahal mo. Mula noon, hanggang ngayon. Siya at hindi ako. Kaya tama na, Hugo..."


"Stop talking! Stop hurting me!" Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha.


Napapikit ako nang mariin. Sumasakit ang dibdib ko. "H-Hugo, let's stop talking for now. C-can you please call my parents... I wanna see them..."


"Jillian, mahal kita. Hindi ako magaling sa salita pero siguro naman kahit paano, naparamdam ko sa 'yo."


"P-please call my parents!" tumaas na ang boses ko. I didn't want to listen to him anymore. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko.


"Maniwala ka man o sa hindi, kahit wala tayong anak, kahit hindi kita nabuntis noon, hahabulin pa rin kita kay Harry."


"Leave, please..."


"Push me away and treat me as you see fit, but I am telling you..."


Pagdilat ko ay nakatayo na si Hugo sa pinto. Luhaan ang namumulang mukha niya habang nakatingala. Nang tumingin siya sa akin ay mapakla siyang ngumisi.


"Jillian Mae Herrera-Aguilar, even if you do your best to get rid of me. I am going to endure it."


jfstories

#TroublemakerbyJFstories


----------------------- 


[ Below is a note that you don't have to read ]

Hello! Hello! I'm not sure if this is the final part included in the raw because my old files are already gone. The original plan kasi is until SB3 lang, kaya nawala na sina Hugo and Asher. Kaya medyo nabigla ako ngayon na ilabas sila. Itong kay Hugo, may outline naman ako nito at old draft, although irrelevant na ang mga iyon dahil ayaw kong i-consider. It took me a little longer since it was hard polishing a story na medyo limot na. And I've added new chapters last week, na dapat sa book iyon lalabas, pero nilagay na rin dito. So you are now reading the uncut. I'm still finishing it. Hoping you still wait for this official release to finish. Ty. -JF


Ps.I stumbled upon a message, asking me, if Sussie was Hugo's first love, paano naging TOTGA si Jillian? I'm afraid I can't answer that because I am not good with words. Let's just wait for the story to finish. And can I ask you to please be kind to your fellow readers? Regardless of how they respond to you. Not everything deserves a reaction; we may always choose to be the bigger person. 

Continue Reading

You'll Also Like

181K 712 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
217K 3.2K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
4.7M 256K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...