Childhood Sweetheart | STALKE...

By riyazyn

3K 120 4

[COMPLETED & UNDER REVISION] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

26

47 1 0
By riyazyn

Chapter 26

Athena

"Athena!" Napangiti ako nang makita si Kaede na nakadupa ang dalawang braso papatakbo palapit sakin. Sinalubong ko naman siya. "How are you? I'm so sorry sa nangyari nung isang araw."

"Luh, ba't ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan yun. And don't worry, I'm so okay now." I gave her a reassuring smile.

Nakita ko ang asawa niyang nakasunod pala sa kanya habang karga ang baby nila. Zares just smiled at me.

"Hi, baby! I miss you." I pinched baby Eiv's cheek and she giggled.

"I'm owkey po." Aniya na mas lalong nakapagpacute sa kanya. So cute!

Kinalabit ako ni Kaede. "Anyway, halika, bilhan kita dress."

"Ha? Naku, wag na, kakabili lang ng kakambal ko kahapon."

"Eh gusto kitang bilhan eh! Babe, girls bonding muna kami ah?" Napabuntong-hininga nalang si Zares at hinalikan sa noo si Kaede.

"Go on, sa kotse lang kami ni Kaezryll. Enjoy kayo!" Pagkasabi nyan ni Zares, agad akong hinila ni Kaede papasok sa mall. Naman eh, kakalabas ko lang dito eh tapos papasok na naman.

Pili dito, pili doon ang ginawa ni Kaede, hinayaan ko nalang siya. Kung ano-anong dress ang pinapasukat niya sakin at pati shoes at sandals hindi pinalampas. "Kaede, are you sure about this?"

"Very much sure." Saka lumapit siya sa tenga ko. "Secret lang natin to, gagamitin ko ang card ng asawa ko." Then she winked at me.

"Ano? Baka magalit asawa mo?" Gosh! Na-i-istress ako!

"Di yan." Confident niyang turan bago binayaran ang dress na lima at yun saka dalawang sandals. "Make sure to wear these, okay? Magtatampo ako kung hindi."

"Pag may okasyon lang, hm?" Napilitan kong sabi. Wala na akong magagawa, nabayaran na niya. Naku, pag nalaman to ng asawa niya sigurado akong paktay ako neto!

"Restroom lang ako." Paalam ko saka pumuntang CR para umihi. Pagkatapos, naghugas ng kamay saka nagretouch na rin.

Ngunit napatigil ako nang may nakitang box sa harapan ng salamin na may nakasulat na pangalan ko. Kung Athena lang ang nakasulat, hindi ko papansinin pero complete name ang nakalagay, pati nga ang middle name ko.

Napalunok ako habang dahan-dahang kinuha ang box. May post-it-note pa sa ibabaw na may nakalagay na 'From your secret admirer' Agad nanayo ang mga balahibo ko sa nabasa.

Habang binubuksan ko ang box, pakaba ng pakaba ang nararamdaman ko. Nang tuluyan ko nang mabuksan, nanuyo ang lalamunan at nanginig ang kalamnan ko sa nakita.

Ang nasa loob ay picture namin ni Reno noong bata pa kami. Yung picture ko ay walang ulo na may pulang likido at kay Reno naman ay punit-punit na may pulang likido rin. Pero mas lalo akong kinabahan nang mabasahan ang sulat na nandoon. 'Try to steal what's mine and I'll take you to hell, bitch!' K-Kanino galing to? Sino ang tinutukoy niya?

Kahit sobrang tibok ng puso ko, matapang kong hinaplos ang picture at inamoy ang likidong halatang fresh pa. D-Dugo!
Kaya agad kong nabitawan ang box at dali-daling binasura. Nanginginig ang dalawang kamay kong naghugas ng kamay. Hindi pwedeng malaman to ni Kaede, h-hindi pwedeng malaman nila to!

Kahit mahirap, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Kaya mo to, Athena. W-Wag mong pansinin yun." Ang ipinagtataka ko, bakit pati si Reno? Diba, matagal na kaming hindi nagkikita? Saka, saka kung sino man ang nasa likod nito, kilala niya si Reno at may alam siya sa kabataan namin.

Lumabas akong restroom na parang walang nangyari. "Ang tagal mo naman." Nakasimangot ni sabi ni Kaede.

"Sorry.." nag peace sign ako.

"Nevermind, let's go!"

"Mabuti pa nga. Baka nabo-bore na ang asawa mo kakahintay sayo." Lumabas kaming mall at hinatid si Kaede sa kotse nila.

"Sabay ka na samin." Aya niya.

"Hindi na, dala ko ang sasakyan ng kapatid ko." Usal ko at tumango si Kaede. "Ingat kayo and thank you, Kaede."

"Anytime, ingat ka rin!" She playfully kissed my cheek kaya natawa ako.

"Bye, baby!" Kaway ko kay baby Eiv at kumaway siya pabalik. Tinanguan lang din ako ni Zares kaya ngumiti ako saka sila tuluyang umalis.

Bumuntong-hininga akong tinungo ang kotse habang bitbit ang pinamili ni Kaede para sakin. Ang dami naman nito! She spoiled me so much! Napailing ako saka sumakay.

***

"Pasensya na po, ma'am Lenny kung ngayon lang ako nakapasok ulit." Nahihiyang humingi ako ng pasensya dahil sa ilang araw na pag-absent ko sa trabaho.

"No need to worry, dear. I heard what happened so I understand. Ayoko na ngang magtrabaho ka ehㅡ"

"Po? Please po, wag niyo akong sesantihin! Hindi na po mauulit!" Agad kong bulalas.

"No, that's not what I meant." Tumawa pa si ma'am Lenny. "What I mean is, gusto kong wag ka munang pumasok para makapagpahinga ka."

"Naku, ayos na po ako, ma'am."

"Good to hear that. Anyways, please pass this to my son for me. I have an emergency meeting so we won't be able to meet here. Okay lang ba sayo, Athena?" Son? Daren? Hindi agad ako nakakilos. "Athena? Are you sure you okay?"

"Ha? Um, opo! Sure po, ibibigay ko po to sa anak niyo." Tinanggap ko ang blue print na pinapabigay ni ma'am Lenny sa anak niya.

"Thank you so much, dear. I'm sorry but I have to go!"

"Sige po, ma'am, ingat po kayo!" Ma'am Lenny just smiled at me genuinely. Ang swerte ko at ang bait ng amo ko!

"Hoy, ano yan?" Sulpot ni Mika.

"Pinapabigay ni Ma'am Lenny kay D-Daren."

"Ows? Gusto mo ako na magbigayㅡay wag na pala." Dali siyang tumalikod na ikinataka ko.

Ilang customer pa ang nagdaan kaya nilagay ko muna sa table ang blue print. Naging abala rin ako buong araw at kahit ni anino ni Daren wala akong nakita. Oo na! Aaminin kong nanghinayang ako dahil di ko man lang siya nakita!

Maya-maya pa'y, may tumawag sakin. "Hello?"

["I'm sorry, Athena but can you go to Daren nalang? He's very busy at wala siyang panahong makapunta jan kaya naman, makikiusap ako sayong dalhin nalang sa lokasyon kung saan nagtrabaho ang anak ko. Ayos lang ba sayo?"]

"A-Ayos lang po, ma'am."

["Thank you. I'll text you the address na lang. Saka wag ka nang mag-alala jan, sinabihan ko na si Mika at sila na ang bahala jan."]

"


Sige po, ma'am. Ibababa ko na po." Binaba ko ang linya saka napatingin kay Mika.

Tiningnan niya ako na kailangan ko ng umalis. Hindi rin nakatakas sakin ang may panunudyo niyang tingin. Owkayy?

Lumabas akong Café at nagpara ng taxi papunta sa lokasyong tinext ni ma'am which is alam ko na dahil dun pala sa building ni Levin ang tinutukoy ni ma'am, good thing nakapunta na ako doon noon.

"Thank you, kuya!" Sabi ko sa taxi driver at nagbayad saka lumabas.

Eto na naman ang puso ko, bumibilis na naman. Hays! Oo na, ako nang hindi makamove-on! Masaya ka na?

Naglakad na ako papasok at gulat na gulat ang kakambal ko pagkakita sakin. "Sis? What are you doing here?"

"Um, andito ba si Daren? May iniutos lang sakin ang mommy niya." Sagot ko at nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Astheria.

"He's at the back of the building." Si Levin ang sumagot kaya tinanguan ko siya saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Napahawak na ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Ano ba, Athena! Para ka namang sasabak sa gyera nyan eh! Kung kabahan ka parang wala ng bukas!

Nang makarating ako sa likod ng building, nakita ko agad si Daren nakapamaywang habang nakatingin sa mga trabahador.

"Uy, andito pala si ma'am ganda eh. Long time no see po, ma'am!" Kumaway pa ang isa. Naalala ko sila dahil sila yung nakakausap ko dito noon.

"Um, hi!" Nahihiyang bati ko. Napansin kong napalingon sakin si Daren kaya tiningnan at nilapitan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Aniya at nagulat ako. Akala ko di niya ako kakausapin.

"Pinapabigay nga pala ni ma'am Lenny sayo." Mahinang sabi ko saka inabot ang blue print.

Kumunot ang noo niya. "What's this?"

Kita namang blue print yan! Naku! Gusto kong sabihin sa kanya yan pero baka mas lalo siyang magalit sakin. "Blue print." Sagot ko na halos may sarkasmo ang tono. Pasalamat ka gwapo ka!

"I know, what I mean is I didn't asked mom anything, bakit niya ako binigyan nito?" Ngayon, ako naman ang nagtaka.

"Huh? H-Hindi ko alam. Ma'am Lenny just asked me if I can pass this to you. She even gave me the address."

Binuksan ni Daren ang blue print at mas lalong kumunot ang noo niya. "Mom, tss!" When I tried to take a peek, he immediately closed the blue print. "Right, I forgot. Thanks for bringing it here." Aniya na nakaiwas ang tingin at bahagyang namula ang tenga at leeg.

"Sige, alis na ako." Paalam ko at tumango lang siya.

"Bye, ma'am ganda!"

Ngumiti ako at nagpaalam din sa kanila. "Bye!"

Dali-dali akong lumabas sa building habang sapo ang dibdib. Good god! Bakit ganun nalang kagrabe ang epekto niya sakin? Hays! Napapadyak ako at sinabunutan ang buhok ko.

Naman eh, ang hirap nga pala mag-abang ng taxi dito. Kailangan pang pumunta sa highway. Medyo paloob kasi tong lugar na'to eh! No choice ako kundi maglakad papuntang highway. Siguro 20 minutes ang lalakarin pero keri lang.

Nagsoundtrip ako habang naka-earphones dahil sobrang boring ng paligid. May mga bahay naman pero di gaano karami. Saka magkalayo-layo ang agwat bawat bahay.

Napatigil nalang ako nang may humawak sa balikat ko. "A-Ano pong kailangan nila?" Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko. Isa-isang nagsusulpot sa gilid at harap ang limang lalaki na may panget na istura, I mean parang mga adik ang itsura nila. Oh my god! Kinabahan ako ng sobra. Hindi kaba dahil sa kilig kundi sa takot. "May kailangan po ba kayo, kuya?" Pinilit kong wag rumagalgal ang boses ko.

"Ikaw, Ikaw ang kailangan namin. Ang kinis." Dumila pa ang isa sa ere.

"G-Gusto niyong pera? May p-pera po ako basta, hahayaan niyo akong makaalis." Sabi ko at lahat sila humalakhak.

"Hindi pera ang gusto namin, katawan mo. Ano, pwede ba?" Sabi nung isa na may malaking mata.

Dahil sa takot, agad akong tumakbo at nagsisigaw. "TULONG! TULONGGG! SAKLOLOOOO!" sigaw at takbo lang ang ginawa ko.

Alam kong mga lalaki sila kaya napakaimposibleng hindi nila ako maabutan pero naniniwala din ako sa sarili ko na kaya kong tumakbo ng mabilis. Please, Athena, wag ngayon! Wag kang maging mahina ngayon.

Naiiyak na ako dahil nahawakan nung isa ang braso ko at pinahiga ako. "Wag po, maawa po kayo!" Naiiyak kong sambit.

"Paligaw-ligaw ka kasi sa lugar namin kaya eto ang mapapala mo." Sabi nung isa habang ang iba ay hawak ako sa kamay at dalawang paa.

Napapikit ako dahil ayokong makita ang gagawin nila sakin. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nila sa balat ko kaya mas lalo akong napaiyak.

Please, Lord. Alam kong hindi niyo ako pababayaan. Alam kong hindi niyo hahayaang may mangyari sakin. Please po! Sana, sana, may darating na tutulong sakin. . .

"ARGHH!" Isa-isang sigaw ang naririnig ko sa paligid habang nakapikit parin ako. Wala na ring kamay ang nakahawak sakin kaya napayakap ako sa sarili ko. Kung sino ka man, maraming salamat!

"Hey, hey, you okay? Athena! Fvck!" Boses ni Levin ang nakilala ko kaya mas lalo akong napahikbi. Oh god, I'm safe now! Thank you, Lord. "Hurry up!" Hindi ko alam kung sino ang kausap niya dahil nakapikit parin ako. "You're safe now. Daren's on his way." Naramdaman ko nalang ang jacket na nakagapos sa baywang ko.


Daren

"Mom, what is the meaning of this?" Bungad ko kay mommy pagsagot niya ng tawag ko.

"What? I'm just helping your dream to come true." May panunudyong aniya.

"Mom, it's not funny and pano nalang kung binuksan niya ang blue print?"

"Edi maganda! Saka paayaw-ayaw ka pa jan, eh palaging siya lang naman ang laman ng panahinip mo!"

"Mom, please stop!" Simula nung malaman ni mommy na nananaginip ako tungkol kay Athena, hindi na niya ako tinantanan. Yesterday night, I slept talk and burst out the name of Athena na timing namang narinig ni mommy kaya todo tudyo siya. Talagang inutusan pa niya si Athena papunta rito. At ang laman ng blue print ay ang picture ko habang natutulog na may nakasulat na Athena sa ibibaw ng bibig ko.

"And oh, ihatid mo siya pabalik rito. Hirap mag-abang ng taxi jan."

"She's gone, mom. I'll hang up now." Tinago ko ang blue print dahil baka makita pa ng iba.

"Bro, punta muna akong grocery store." Paalam ni Levin.

Nagpatuloy ako sa pagsukat ng mga cabinet at furnitures para sa kitchen. Mga ilang minuto ko rin yun ginawa at uminom ng tubing nang makaramdam ng uhaw. Hanggang sa may tumawag sakin. "Yes?"

["Fvck bro, Athena almost got raped!"] Nahulog ang basong hawak ko dahil sa narinig. ["She won't open her eyes and I need you to be here! Hurry!"] Holy fvck!

Walang pagdadalawang-isip na tinakbo ko ang hallway papalabas at agad na sumakay sa kotse. Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho. Fvck! Fvck! Fvck! Fvck! Dumagundong ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nang makarating, agad akong bumaba at lumapit kay Athena na humihikbi habang nakapikit. Parang piniga ang puso ko sa nakita. Shit! Sana hinatid ko siya pabalik!

"Where's those assholes who did this to her?" Ramdam sa boses ko ang galit at parang kulog sa sobrang lakas ng sigaw ko.

"Pinagsasapak ko na. Don't worry, papunta na ang mga pulis." Nagpasalamat ako kay Levin at nilapitan si Athena. Fvck! I don't want to see her crying.

"Hey, it's Daren. I-I'm here. You're safe now. Athena, you're safe now." I hugged her tightly as tears flow down my cheeks. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya!

Mas lalo siyang humikbi at sumiksik sakin. "D-Daren..." Mahinang sambit niya sa pangalan ko na nakapagpatibok ng puso ko.

"Yes, baby, I'm here. I'm just here." Binuhat ko siya at isinakay sa kotse ko.

"Dalhin mo siya sa ospital. Ako nang bahala dito." I nodded at Levin bago sumakay sa kotse. Inayos ko muna ang pagkakasakay niya at umigting ang panga ko nang makita ang mga maliliit na galos sa balat niya lalo na sa paa at braso niya. Pinausad ko ang kotse at nagtungo ospital

****

"S-Salamat. . ." Mahinang aniya.

I just stared at her knowing na muntik na siyang magahasa kanina really scares me. Hindi ako nakatiis and I pulled her for a hug.

"I was so scared. I-It scares me to death. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sayong masama, hinding-hindi." Hindi ko napigilang maiusal kung ano man ang nararamdaman ko. "Fvck! Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot simula nung bumalik ka. Please, don't make me feel like this again, baby, please."


*
A/N: Wala lang. . .

Continue Reading

You'll Also Like

35.4K 2.6K 10
Who is lucky lover in this world? A Person who loves a girl but without proposing her, got her as his official Wife but in an Arranged Marriage. Se...
114K 3.2K 24
Claude who was sent to the U.S. by her mom and step dad to study for 7 years suddenly sent a 'SISTER' to him and let him take care of her for long as...
1.9K 53 35
matapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya