Two Ghosts 2

By cc_chase

1K 103 49

Can they solve and catch who the real culprit is? what about their past? is that how their real love story go... More

CHARACTERS AND WARNING!
PROLOGUE
Chapter 1 - The Plan
Chapter 2 - Joshua
Chapter 3 - Where is Alex?
Chapter 5 - Forgive Me
Chapter 6 - Batch
Chapter 7 - Scammed
Chapter 8 - Brown Envelope
hi

Chapter 4 - Mad at You

89 10 3
By cc_chase

"MAY GUSTO KA SAKANYA?"






"HUY GAGI WALA!" Pag deny nya pa sa'kin. Buti naman at wala. Dahil kung meron, jusko bababa talaga ako sa kotse nya. Mamamatay ako sa selos pag makita ko silang magkasama. "Ba't mo pala natanong?" Tanong nya. "Eh wala lang, kasi parang ang close mo sakanya eh, tayo naman 'yung matagal nang nagkakaroon ng interactions tas meron pa tayong teleserye nung mga nakaraang taon." Sagot ko naman sakanya. "Uy, selos ka 'noh?"

"Anong pinagsasabi mong selos dyan? Eh wala naman na kami." Inirapan ko sya pagkatapos ko mag-salita.

"Hindi naman sa'kin, nagseselos ka sakanya kasi nakukuha ni Jea attention ko." Aba naman talaga Joshua Garcia???

"Aba ang kapal talaga ng mukha mo boy 'noh?" Sabay hampas ko sakanya habang hawak-hawak nya 'yung manibela ng kotse.

"Aray! Pag tayo nabangga ah HAHAHAHA."

"Uy 'wag naman ulit, katok ka nga!" Pagbibiro ko pa. Tapos si mokong, kumatok rin naman HAHAHAHA.

Uto-uto talaga.

Ilang oras pa, nakarating na kami sa set. Nandun na rin si Zoe sa may dressing room nang makita namin. Kaming tatlo na lang pala hinihintay.

"Hi Jane! Thank god you're already here!" Saad ni Zoe sabay beso sa'kin. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko. "Janella's already mad na kasi because she said that you three are all moving slow."

Wow in character ang baby ko.

"Sabihin mo nga dyan sa pinsan mo na alangan namang paliparin namin 'yung kotse ni Joshua at Kim sa sobrang traffic sa highway? Mag isip-isip kamo sya bago ako mapuno sakanya ah." Saad ko naman na in character din na kunwari ay galit sa gf kong maganda pero mataray.

Pero i'm wondering kung galit ba talaga sya kasi hanggang ngayon hindi nya pa din binabasa 'yung message ko sakanya.

"Oh kalma, ang puso mo Jane. Bawal ma-stress." Narinig ko si Amy na nagsalita.

"Amyyyy!!!" Sigaw ko. "Janeee!!" Sigaw nya rin pabalik sa'kin para i-mirror 'yung energy ko.

"By the way, before the topic gets changed, tita Evelyn said that you have an appointment to the doctor tomorrow. I promised tita that i'll make sure na pupunta ka there." Saad ni Zoe.

"Gosh, wala talaga akong kawala sainyo eh 'noh?" Half-meant joke kong sabi.

"We're going to film your scene up in 30 minutes. Joshua and Kim, kayo na muna sa scene na 'to. Sunod na si Jane and Janella." Utos sa'min ni Zoe.

"Oh pa'no ba 'yan, maiwan muna namin kayong tatlo dito ni Amy?" Saad ni Joshua tapos nagw-wink pa sa'kin.

Edi mas lalo syang nahalata ng ibang walang alam na may sasabihin sa'kin si Amy na importante?

Loko talaga.

Minsan para syang tulad ni Kim eh, nahahanginan rin utak.

Pagka-tapos nilang lumabas, pinalabas rin ni Amy 'yung make-up artist ko tapos sya na nagtuloy ng make-up. Tinanong nya lang kung anong klaseng retouch ba gagawin sa'kin para magawa nya ng maayos.

After lumabas nung make-up artist, nagsimula na syang magsalita.

"Ano, kamusta ka?" Paunang tanong nya kaagad sa'kin. "Amy, you know how much i hate 'yang mga paligoy-ligoy. Be straight forward. Ano ba 'yun? Important ba?"

"Ito naman, masyadong seryoso. Kina-kamusta ka lang eh. Init agad ulo mo."

"Wala ka pa bang tulog?" Pagbibiro pa nito sa'kin.

"Amy." Tawag ko ulit sa pangalan nya.

"Biro laaang!" Tapos sabay tawa nya. Nang-aasar pa eh. Hilig talaga mang-asar.

Bagay talaga sila ni Joshua.

"So ano nga 'yun?" Tanong ko. "Do you still keeping in touch with Alex?" Tanong ni Amy. "Hmmm? Why? Ngayon, hindi na. Ni-hindi nga sumasagot sa tawag at text ko. Hindi nya alam patay na si Felly." Sagot ko naman sakanya.

"Bakit?" Dagdag ko pang tanong.

"Don't you think it's kinda weird?"

"Kinda weird?" Tanong ko ulit sakanya. "Hindi, kasi hindi rin sya sumasagot sa mga tawag at texts ko. Ilang linggo na ata akong ganito, siguro for a month na. Nag-aalala na din kasi ako, baka kung ano nang nangyari dun." Pag e-explain nya pa sa'kin.

"Huy, hindi naman siguro. Baka busy lang talaga?" Pang g-gaslight ko pa sa sarili even though i felt that something's wrong na talaga kay Alex.

"I don't think so... Nag u-update rin kasi kila dad and mom si Alex kahit nasa work. Ilang linggo na rin syang walang update."

"Hindi kaya tinanan?" Biro ko po in the middle of our serious conversation dahil ayokong isipin na may masama nang nangyari kay Alex.

Alex is well-built, kayang-kaya nya makipag laban sa mga lalaki at mga k-kidnap sakanya if ever.

Hindi basta-basta susuko 'yun.

"Ano ba, stop joking around Jane. It's not funny. Ikaw 'tong seryoso kanina tapos ngayon panay biro ka." Seryosong sagot ni Amy sa'kin tapos hinawakan ko 'yung kamay nyang nagm-make-up sa'kin para tignan sya ng masinsinan at kausapin na rin ng seryoso.

"Look, i just don't want to think na may masama nang nangyari sa kapatid mo. You know your brother, he's strong. Kaya nya sarili nya. Kaya he's just probably busy, okay?" Amy sighed and said, "you're right. What was i even thinking?" She face palmed.

"Sorry Jane. Siguro i just miss him so much tapos wala pa syang paramdam kaya nap-paranoid ako." She said, calmly.

"Miss Jane, kayo na raw po next." Sambit ng make-up artist pagbukas nya ng pintuan. "Paki-sabi 5 minutes, matatapos na kamo retouch ko." Saad ko.

"Copy that, Miss." Sagot nya naman sa'kin.

"Oh sige na, okay na 'to. Sakto na rin at tapos na rin 'yung make-up mo." Sambit ni Amy sa'kin tapos nilagay nya na 'yung brush sa may lalagyanan ng make-up supplies.

"Sabay na tayo lumabas?" Aya ni Amy. "Ay hindi ka ba maghihintay dito?" Tanong ko.

"No eh, may gagawin pa kasi ako." Sagot nya sa'kin. "Hmmm, makikipag-date ka na naman sa mga boylets mo?" Asar ko pa sakanya habang inaayos ko na 'yung final look ko for today and for the taping today.

"Gaga hindi, may meeting ako. US time." Tumango ako.

"Oh, hindi ba't si Alex 'yung nag-aasikaso ng US business nyo?" Tanong ko. "Si Alex may sarili syang company, 'yung company ng tito Arthur, 'yun inaasikaso nya. 'Yung akin naman 'yung new make-up palette ko, il-launch na kasi. Kaya we have to prepare for the launch party." Pag e-explain pa nito sa'kin.

"Oo nga pala, the second reason why i came here is to give you this." She said, handling me an invitation card. "Ano 'to?" Tanong ko habang naglalakad na kami parehas palabas at pagkatapos ko na rin ibulsa 'yung invitation card.

"Invitation card 'yan ng launch party sa company ko sa US." Saad nya. "So you mean i have to go to the US pa to attend this?" I said, then chuckled.

"Hell yes? Hello? Minsan lang ako mag ask ng favor sa'yo. Meron ka na ring ticket dyan sa eroplano papuntang US so make sure makakapunta ka." Pasigurado rin talaga 'to si Amy na makakapunta ako eh 'noh?

"I'll see kung papayag si Zoe na mag off ako sa taping for 3 days."

"Papayag 'yun malamang, she's deeply inlove with you kaya." She said, teasing me.

"Pwede ba kung magk-kwentuhan kayo, 'wag sa trabaho? You both are disturbing people at work." Sabay walk straight ni Jea.

Gosh, ang init nanaman ng ulo ng mahal ko.

"Jeez, sorry!" Pabirong sambit pa ni Amy sakanya. "Jalosi jalosi pa din ba ex mo? Taas ng level ah, nasa red na 'yung jalosi level nya." Dagdag pa nya sa'kin nang maka-pasok na si Jea sa may room kung saan ginagawa ang scene ngayon.

After nun, umalis na rin si Amy, hinatid nya lang ako sa taping room.

"Okay, ang makaka-scene mo ngayon Ja-neh, si Janella. You'll have a gay panic attack because of her, alright?" Pagturo sa'kin ni Zoe sa scenario na gagawin namin ngayon.

"Copy that." Sagot ko naman.

"Okay, ready! 3, 2, 1 and... Action!"

"Oh it's already midnight. You're still here doing your job?" I heard ma'am Regina said. Shit, shit.

Why is my whole face heating up?

"A-ah y-yes ma'am... K-kayo po? Ano pa pong ginagawa nyo rito?" Malamang boss sya, gosh! Anong klaseng tanong 'yan, Narda?!

"I just finished the paperworks sa case ko and i was about to go home when i saw you in here." I chuckled.

"So ano, hatid na kita?" Conyo nyang tanong sa'kin habang nakangiti.

Ang only light lang na nandito sa'min ay 'yung ilaw from my desk at sa computer. The rest, madilim na.

Nagulat na lang ako nang bigla syang lumapit sa'kin at hinawakan ang mukha ko.

Nagkaroon kami ng eye to eye contact tapos unti-unting nagf-fade 'yung smile naming dalawa, maybe we're both shocked.

I felt like the world has stopped for us both.

"M-ma'am?" Tawag ko sakanya, tapos mabilis nyang tinanggal 'yung kamay nya from my cheek.

"S-sorry, you have a thing in your cheek." Ahh, may dumi lang naman pala ako sa cheek ko.

"Narda?" Ang fiancé ko.






"AND CUT! WOW! THAT WAS amazing, Jane!" Pagbigay pugay na saad sa'kin ni Zoe. "Thank you." I said while smiling with my eyes, tapos i saw Jea rolled her eyes over me tapos binangga nya ako para maglakad palayo sa'kin at lumabas ng taping room.

Galit pa nga talaga sya sa'kin at kailangan ko syang suyuin ng ultra mega super duper.

"What happened to her?" I shrugged, then Zoe smiled awkwardly then continued to speak.

"Well, okay. Uhm, 30 minutes break muna tayo everyone, then balik here sa set after." Zoe said.

"Kiimmmmm!!!!" I heard Joshua shouted, then ran towards Kim to hug her.

Kim hugged her back, obviously.

"Uyyy, 'di halatang miss mo ako ah?" She said, then laughed. "Hindi talaga! Lika nga ulit!" Makulit na saad ni Joshua tapos tinulak ulit nya si Kim papalapit sakanya para sa isa pang mahigpit na yakap.

"Hi Direk Zoe!" Kim said, then hugged Zoe also.

"Parang kanina lang nagkita pa kayo sa lamay ah, parang miss na miss mo, Joshua?" Zoe said tapos nagtawanan kaming apat.

"Nga pala, sorry sa hindi pag announce na may urgent scene lang kaming gagawin ni Kim sa ground floor." Ahhh ito na ata 'yung arrival ni Kim.

"Hindi ka magb-break time?" Tanong ko, tapos umiling si Zoe. "Baka mapagod ka nyan?" Flirty kong saad sakanya.

Tapos i saw kung paano sya mamula at itago ang mukha nya.

So i think she is definitely not a killer.

Hindi ang katulad nya ang kayang pumatay.

She's too soft.

"Uy, tama na 'yan. Nasa harapan nyo kaya kami?" Sabay turo ni Joshua sakanilang dalawa ni Kim tapos tumawa. "Oo nga, tama na landian ah? Work work work muna!" Dagdag pa ni Kim.

"Grabe ha? Landian na ba talaga tawag nyo sa caring? Napaka issue nyo talaga!" I said while laughing at them both.

Tapos bigla nila kaming ginaya para mang-asar.

"Hindi ka ba magb-breaktime?" Tanong ni Joshua kay Kim sa pang-gagaya nila sa'ming dalawa ni Zoe.

"Hindi ihh." Sagot ni Kim na maarte. "Wtf i didn't said that!!" Saad ni Zoe.

"Hmpphh, baka mapagod ka nyan?" Tapos lahat kami ay natawa dahil sa ka-cringey-han nung dalawa.

"Kadiri kayo, alam nyo 'yun? Grabe, hindi naman kami ganonnn!" Inis kong saad habang natatawa.

"Sus, syempre sainyong mga mata 'yun, eh sa mata namin ganon kayo."

"Pag inggit, pikit ha?" Pang-asar ko pa. "Sira, ba't ako maiinggit sainyo eh ang c-cringe ninyo?" Sagot pa ni Joshua sa'kin pagkatapos akong sikuhin.

"Kim, let's go. Before pa magka-sakitan 'tong dalawa." Pagkatapos ay magkasabay silang bumaba sa ground floor.

"Ano? Kain muna tayo? Pinabaunan ako ni mama tapos nagpa-dala rin si mama ng food for you."

"Uy, talaga ba? How thoughtful tita is!"

"Josh, let's have a breaktime together." Rinig kong saad ni Jea with a cold tone of voice.

"Uy, ako kaya inaya--"

Hindi na ako nakasagot at hindi ko na nakumpleto ang sasabihin ko dahil tinaasan nya lang ako ng kilay.

"I thought you're saying something." Tapos hinatak nya si Joshua.

Sheesh, she is really mad at me.



---

Continue Reading

You'll Also Like

12.8K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
7.8K 433 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
2.6K 576 130
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
143K 4.9K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...