Two Ghosts 2

By cc_chase

1K 103 49

Can they solve and catch who the real culprit is? what about their past? is that how their real love story go... More

CHARACTERS AND WARNING!
PROLOGUE
Chapter 1 - The Plan
Chapter 2 - Joshua
Chapter 4 - Mad at You
Chapter 5 - Forgive Me
Chapter 6 - Batch
Chapter 7 - Scammed
Chapter 8 - Brown Envelope
hi

Chapter 3 - Where is Alex?

93 6 3
By cc_chase

"JANE? ANDYAN KA PA?"













ANO BA 'YAN, BAKIT NAMAN palaging wrong timing 'tong si Joshua? "Tekaaa, naghuhugas lang ng kamay!" Sigaw ko sakanya sabay bukas ng gripo sa sink. Tapos nag spray na din ako ng air freshener para medyo convincing na nag cr talaga ako. Infairness, ambango ng air freshener nila, lavender vanilla. After ko mag spray, binuksan ko 'yubg pintuan ng cr. "Sorry, matagal ba ako? Ccr ka din ba?" Tanong ko tapos parang may sinisilip sya sa likuran ko. "Hindi naman, may sasabihin lang sana ako."

"Sige, ano ba 'yun?" Tanong ko. "Dun na lang tayo mag usap sa sala, what do you say?" Aya ni Joshua, kaya naman agaran akong pumayag. Baka mangawit rin kasi kami dito sa tapat ng cr kung dito kami mag-uusap.

Pero mukhang importante rin 'yung sasabihin nya.

Nang makarating na kami sa couch nila, parehas kaming umupo. "Kasi meron daw scene na medyo sobrang explicit..."

"Sino nagsabi?" Tanong ko. "Si Direk Zoe."

"Okay, continue."

"So ayun nga, sa'ting dalawa daw 'yun... So i'm thinking kung magiging comfortable ka in doing that?" Tanong nyang maigi.

Parang ang nonsense naman ng tanong nya, syempre parehas kaming artista, trabaho namin 'yun.

"Hala, syempre oo naman! Bakit naman hindi? Nagawa na rin naman natin 'yan dati diba?" Ewan ko, normal lang naman sigurong itanong nya 'yan pero bakit parang ang nonsense talaga ng dating sa'kin ngayon?

"Eh syempre, matagal na rin kasi nung last na nagkaroon tayo ng scene na ganon, kaya syempre tinatanong kita ngayon as one of my closest friend na rin at permission."

"Permission? Saan? Kailangan ba nun?"

"Oo, kasi si Jea???"

"Ha? Ano namang connect ni Jea dito?" Natatawa kong tanong sakanya. "Eh dibaaa, syempre mag ex kayo, so baka ma-uncomfy kayo--"

"Baliw! Hindi 'noh! Professional kaming dalawa. Kung hindi sya professional eh nasakanya na 'yun. No personal feelings involved kapag nakatapat na ang camera sa'ting mga artista." Saad ko. "Sure ka ba?" Bakit ba parang pinipilit nya?

I mean don't get me wrong, i get it and i really appreciate na concerned sya Kung comfortable ba ako and nanghihingi sya ng permission sa'kin, pero kasi feeling ko pinu-push nya sa'kin palapit si Jea while kaming dalawa, pinu-push namin magkalayo ang isa't-isa para sa plano.

Baka concerned lang talaga sya sa'min dahil sa tagal rin ng pinagsamahan namin at sa tagal rin ng paghihintay namin sa isa't-isa, mauuwi lang sa wala.

Pero sa'min kasi ni Jea, we don't want to waste our last chance on being together. Kaya instead na totohanin 'yung paghihiwalay namin, tinago na lang namin para mas makapag investigate and communicate pa kami on each other at magtulungan.








"Jane, you need to sacrifice your relationship with Janella." My manager said. "Huh? What do you mean sacrifice my relationship?"

"Jane, we both know that she's been giving clues on proposing to you. Will we keep on pretending to be blind?" Saad pa ni Manager sa'kin.

"Sir Christian, hindi ko naman po pwedeng gawin sa girlfriend ko 'yun."

"The producers of your upcoming tv series requested that. Ayaw nilang may girlfriend ka. And also the management ng magiging katambal mo."

"Edi humanap na lang tayo ng ibang tv series na hindi homophobic."

"Hindi naman sa ganon Jane, what i mean is, they prefer you on being single. Malaki rin 'to."

"Wala akong pake kung maliit o malaki ang offer at company pati ng management na 'yan, mas mahalaga ang girlfriend ko."

"Edi kung ganon, bibitawan na lang rin kita."

"Sir naman." Saad ko. "Kung ayaw mong bitawan kita, you must do what i say. Kung gusto mo pang lalo kang sumikat at hindi malaos. This is a once in a lifetime offer, Jane. Think about it."








"Sure ako." Sagot ko sa tanong nya. "Sure na sure." Dagdag ko pa habang naka-ngiti sakanya.

"Oo nga pala, saglit. Kailangan ko pa ulit tawagan si Alex. Lokong 'to, ni-hindi na naisipang mag update man lang sa'kin." Irita kong sambit.

Naglakad ako palayo sakanya tapos tinawagan ko si Alex katulad ng sinabi ko sakanya. "Gosh Alex, nasa'n ka na ba?"

"Hey! This is Alex. I'm probably busy if i'm not answering your call. Just leave a voice message after the beep."

*Beep*

"Loko ka talaga 'noh? Ilang araw o linggo mo na ba akong ini-ignore? Busy ka ba talaga o ayaw mo na akong maging kaibigan?"

Nakaka-tampo na rin kasi, nakaka-ilang tawag na ako sakanya pero wala pa din.

Hindi ko na rin ma-convince sarili ko na busy sya sa work.

Nalimutan ko pa itanong kay papa kagabi kung ano bang ginagawa ni Alex dun sa states recently at bakit hindi ko ma-contact eh.



Chatting with "Pao".

"Ate Jane? I'm sorry
po on disturbing
you this early. Marami
na po kasing bisita.
Wala po si ate Zoe😔
Hindi ko po alam kung
paano ko sila hahainan ng
foods at at the same time
ie-entertain."

Seen.

"Sorry Pao, sige i'm
on my way na with Joshua."

Seen.



Agad kong tinawag si Joshua after kong mag reply kay Paolo. "Joshua, tara na sa chapel. Kailangan na raw ng tulong dun ni Paolo." Sambit ko. "Ihahatid kita?" Tanong nya. "Aba malamang, kotse mo ginamit natin."

"Ay oo nga pala hehe sorry." Sagot nya.

"Teka nakaligo ka na ba?" Tanong ni Joshua. "Maliligo pa lang." Mabuti nalang at nagdala ako ng extra damit.

Palagi kasi akong nagdadala ng extras sa kotse, lalo na pag may taping kami.

Kasi syempre hindi ko alam kung kailan kami pwedeng umuwi o kailangan muna namin tapusin 'yung taping bago maka-uwi.

"May extra ka na? May mga damit pambabae naman kami dito--"

"Meron na. Ano ipapahiram mo sa'kin, bra and panty ni tita? HAHAHAHA." Biro ko sakanya. "Siraulo ka din pala Jane eh 'noh?" Saad nya tapos siniko ako at tumawa.

"Oo na, sige na. Mamaya na lang tayo mag-usap pag on the way na tayo sa chapel." Saad ko tapos dumiretso na sa guest room since may own cr naman dun sa room na 'yun.













AFTER AN HOUR AND A HALF of driving papuntang chapel, nakita na nga namin na almost full 'yung seats dito sa chapel kaya agaran kaming tumulong kay Paolo na currently nagluluto ng foods sa mga bisita dahil buti na lang, may kitchen rito sa chapel. Kami na ni Joshua 'yung nag serve ng foods at nag salin ng food from kawali para maibigay na sa mga bisita.

Andito rin pala si Kim.

Nung binigyan ko na ng food si Kim, tinanong ko sya. "Paano mo nalaman?"

"Sa news. Sorry Jane, wala kasi ako sa Manila kahapon, nagpaalam ako kay Zoe. Hindi ba nya sinabi sa'yo?" Umiling ako. "Sabagay, baka kasi sobrang busy na kayo nun at nakaligtaan na. Hindi naman important so it's fine!" Saad nya. "Do you want me to help you with those?"

"Nako Kim, hindi na. Yakang-yaka na namin 'to ni Joshua at Pao."

"Who's Pao?" Ito nanaman ang maarte nyang entra.

"Kapatid ni Felly."

"That poging cook is the brother of Felly?! Ooh, please do tell me more." Na may halong smirk pa sa bibig nya habang sinasabi nya ito sa'kin.

"Haynako Kim, wala akong panahon sa kalandian ngayon ah?" Nakita ko syang tinaasan ako ng kilay tapos pagka-talikod ko, naramdaman kong inirapan nya ako, kasabay nun ang pag-sunod ni Joshua ng new set of paper cups na may lamang food para ibigay sa mga bisita.

"Uy bakit nanaman kayo nag-aaway?" Rinig kong bulong ni Joshua kay Kim.

Hindi ko na narinig 'yung kasunod pero alam kong pinagsabihan 'yun ni Joshua.

Paano ba naman, alam nyang nagluluksa 'yung kapatid eh.

Nang nasa kitchen na ako ng chapel at hinihintay 'yung last batch ng food na ibibigay sa mga bisita, mabilis namang sumunod si Joshua.

"Nakausap ko si Kim. Hayaan mo na 'yun, alam mo namang ganon na talaga ugali nun diba?" Tumango na lang ako dahil una, ayoko ng away. Pangalawa, ayoko ng sakit sa ulo.

"Ah ate pwede po bang magtanong?" Singit ni Paolo. "Sige Pao, ano 'yun?"

"Si Kuya Alex po pala... Hindi ko po kasi aya nakikita. Si ate Amy pa lang po."

"Si Alex hindi ko alam kung saang lupalop na naroroon 'yun, si Amy... Dumalaw na sya dito?"

"Opo ate, sandali lang din po syang dumalaw dito, umalis na po agad sila ni ate Zoe."

"Zoe? Bakit raw sila mag-kasama?"

"Ayun po ang hindi ko alam ate Jane eh. Tawagan nyo po kaya?" Suggest ni Paolo.

"Sige mamaya, tapusin lang natin 'to tapos tatawagan ko."

"Ah Jane gusto mo ako na tumawag kay Direk Zoe?"

"Sus eh sasagutin kaya nun pag ikaw ang tumawag?"

"Edi it-text ko muna si Direk Zoe, sabihin ko ikaw nagpapatawag sakanya. Nako panigurado hindi pa ako nag d-dial, sinagot na nya agad."

"Siraulo hahaha."

"Bakit po, si Ate Zoe at Ate Jane na po ba ang mag girlfriends?"

"Sige na, ihahatid ko na 'to sa labas." Saad ko bago ko pa marinig ang sasabihin ni Joshua dahil bumuka na ang bibig.

Panigurado, ik-kwento nito lahat ng nangyari.

Technically, hindi naman lahat. Sana...

Kasi alam nyang artista kami at baka ma-issue pa. Pati movie namin at series hindi na matuloy pag nangyari 'yun.

Hays, naalala ko tuloy 'yung first meet namin ni Zoe out of nowhere.

Akala ko nga lalaki sya eh hahaha.

Ang saya-saya pa naming lahat nun.

'Yung first day of taping namin na halos mamatay si Jea sa selos nung mga first week.

Hindi nya pa kasi aminin na nam-miss nya na rin ako nun eh.

How did everything turned upside down? How did we start from being comfortable with each other and almost ending up with us all being torned apart from each other?








"Will you marry me?" She asked.

Oh how much i wanted to say yes. Pero...

I really want this job.

This is my passion, my career and my future that we're talking.

This is my life now.

I'm sorry.

But i can't answer your question, Jea.

I ran away from her, knowing what the consequences that i will get.

"It's done, i... I left her." I said, after contacting him.

"Don't cry, Jane. You did this for her also. For her to find anyone who really deserves her." Do i not really deserves her?

But...

I could never let her find someone else better than me.

I should be the one who will treat her good.

Gosh... What did i do? Why did i do that?

She sacrificed so much for me.

Andami nya nang ginawa for me, tapos ganon lang igaganti ko sakanya?

I need to come back there.

Pero kung babalik ako... Paano na 'yung future and work ko?

Paano na ako babangon nyan ulit kung wala akong management?

And besides... Nakapirma na ako kay Sir Christian.

Sana kung matapos 'tong taping namin, andyan ka pa din.

I'm sorry.

I'm so dumb.








"Jane, sabi ni Zoe pumunta lang daw sila ni Amy sa bahay nyo para i-check kung kamusta na 'yung investigation." Mabuti naman kung ganon.

"Oh, nandun pa din 'yung mga pulis sa bahay? Pa'no 'yan, saan nanaman ako matutulog nito?"

"Pwede ka naman ulit sa bahay--" i cutted him off.

"Ay hindi na, magb-book na lang ako sa hotel. Ikaw naman Pao, mag-pahinga ka na ngayon. Isang buong araw ka nang walang tulog. Hayaan mo after ng taping namin, swap duty naman tayo sa pagbabantay dito sa chapel."

"Hindi na ate, nagpaalam na rin naman ako sa mga prof ko kung bakit hindi po ako makakapasok."

"Oh eh ang balita ko mag e-exam na kayo ah?"

"Don't worry ate, next next week pa po 'yun. Tulad nga ng sinabi ko po, hindi ko pababayaan 'yung acads ko po." Pag a-assure ni Paolo sa'kin.

"Okay sige, basta magpahinga ka na din. Ib-book na lang rin kita ng hotel malapit sa pag s-stayan ko." Hindi ko kasi sya pwedeng i-book sa iisang hotel na kung saan nandoon rin ako.

Kasi papapuntahin ko si Jea dun mamaya.

"Bakit po hindi pwede sa same hotel?" Tanong ni Paolo. "Full na daw eh." Sambit ko.

"No worries na pala Jane, sa'min na lang sya tutuloy. Ako na bahala kay mama." Offer ni Joshua. Since alam ko naman na super welcoming ng mama nya at pati na rin si Joshua mismo sa bahay nila since naranasan ko, pumayag ako.

Pero bago ako pumayag, syempre may itatanong muna ako.

"Sure ka ba? Hindi ba't parang nakakahiya na kay tita?" Tanong ko muna bago ako pumayag.

"Hindi 'yun, mabait naman si mama. Alam mo naman 'yun diba?" Tumango ako.

Alam ko kasing safe sya dun at kaya ni Paolo ang sarili nya kaya ako pumayag rin. Wala rin namang kaduda-dudang activity na ginawa si Joshua sa bahay nila habang nandoon ako sakanila.

Ang tanging annoying lang na ginawa nya habang nandun ako sakanila eh 'yung palagi syang wrong timing sa mga bagay.

Sabagay, kahit naman hindi sa bahay nila eh wrong timing pa din sya.

Pagkatapos namin mag-usap, may tumawag kay Paolo kaya nag excuse muna sya.

After a few minutes, bumalik sya sa'min ni Joshua.

"Ate, kung pwede raw po, next three days na daw po ilibing si ate." Saad ni Paolo. "Ha? Sino nagsabi?" Tanong ko. "Si nanay at tatay po. Kasi wala naman daw pong ibang kamag-anak namin ang pupunta dito. Nasa probinsya raw po kasi lahat. Hassle naman po kung sa probinsya namin si ate ibuburol at ayaw na namin magambala pa ang kaluluwa ng ate." Sagot naman ni Paolo with a soft spoken voice.

"Sige, kayo bahala. Hayaan mo, nilalakad na rin naman ng mga tauhan ko 'yung death certificate ng ate mo. May authorization na rin naman kami ng nanay at tatay mo na kami na ang kukuha since ikaw nga nandito at hindi na rin kaya ng parents mo. Isa pa, hindi nila kabisado ang maynila." Sambit ko kay Paolo.

"Teka, naitanong mo ba sa mga magulang mo kung gusto nila rito na lang sa Maynila tumira? And don't worry about the expenses habang hindi ka pa nakakapag-tapos, ako ang sasagot sainyo."

"Ate okay na po kami. Hindi mo rin po kasi mapapapayag si nanay at tatay sa ganyan sa ngayon... Makokonsensya lang po ang mga 'yun." Sabagay, kung dito rin sila sa Maynila, baka sila pa ang pag diskitahan ng mastermind at baka madamay pa sila.

"Paolo, how about sa probinsya mo na lang kaya ipagpatuloy 'yung pag-aaral mo?" Naisip ko lang rin kasi ngayon na baka madamay 'yung bata.

"Gusto ko man para may kasama si nanay at tatay, pero alam mo naman na ate kung bakit ayaw ko po." Seryoso talaga sya dun?

Hindi ko naman sya pwedeng pain o spy namin ni Jea dahil delikado.

Bata pa sya at marami pa syang mararating. Hindi dapat nya ini-isip 'yung mga ganito agad.

"Sige na, i already booked you a room sa hotel. Is-send ko na lang sa'yo 'yung receipt pag nandun ka na. Mag-pahinga ka na, Paolo." Saad ko sabay yakap nya sa'kin. "Ate Jane maraming salamat p--"

"Tama na kaka-pasalamat. Basta pag nakatapos ka, libre mo ako ah?" Biro ko sakanya habang hinihimas ko ang likuran nya.

Para lang syang hindi tumanda eh, para pa rin syang bata katulad dati na malambing pa din saaming dalawa ni Felly.

Too bad, tsaka ko pa sya ulit nakita kung kailan patay na ang ate nya.

Busy rin kasi sya sa school kasi sya ay honor student.

Nung pagabi na, we had to switch na ni Paolo since may taping pa kami ni Joshua and kailangan na rin naming bumyahe. Susunod na rin kami kay Kim since nag-kwentuhan pa kami sa kung anong nangyari nga kay Felly.

Buti nalang ay kaunti lang ang kaartehan nya ngayon dahil nga sa umalis si Paolo.

Nang makita na ulit si Paolo, ay grabe ang kaartehan.

Pinipigilan lang ako ni Joshua mag react dahil baka mamaya'y mag-away nanaman kaming dalawa eh.

Ilang buwan nang lumilipas nang ma-coma ako, tapos hanggang ngayon hindi pa rin sya nagbabago? Gumaling na lang ako eh, akala ko ayun na 'yung pagbabago sa ugali.

Maarte pa din pala.

I mean, wala namang problema sa maarte, pero kasi ewan ko ba.

Naiinis ako kay Kim kapag ganon sya.

Pero don't get me wrong, mabait si Kim. Minsan lang talaga eh nahahanginan 'yung utak.

"Uy, ano? Tara na? Nag text na si direk sa'kin." Saad ni Joshua. "Oh saglit, mauna ka na sa kotse." Sambit ko kay Joshua pagkatapos ay lumabas na sya ng chapel para sundin ang sinabi ko.

Inabutan ko si Paolo ng pera para sa gastusin bukas at sa mga bibilihin na foods if ever man na may papakainin na bisita at may needs sya.

"Nako ate 'wag na po. May naitabi pa naman po ako d--"

"Don't say anything na. Late na kami ng kuya Joshua mo. We have to go." Saad ko sakanya tapos umalis na kaagad ako sa harap nya after a quick hug para hindi na sya mahiya at hindi na nya maibalik ang perang binigay ko sakanya.

"Nga pala, na-contact mo na ba si Amy?" Tanong ko kay Joshua pagka-pasok ko sa kotse.

"Oo, nandun rin sya sa set. May sasabihin raw."

"May sasabihin? Ano daw?" Tanong ko. "Ayun ang hindi ko alam. Ayaw nya din sabihin kahit ilang beses ko kulitin eh. Kayo na lang mag-usap dun sa set para kayong dalawa lang makaka-alam." Sambit nya.

That's what i also adore in Joshua sa tinagal-tagal na rin naming nagkakaroon ng interactions.

He respects my space and he respects my boundaries.

Basta, a real gentleman kumbaga.

"Pero uy, may itatanong ako..." Sabi ko sakanya habang nagmamaneho na sya habang 'yung kotse ni Kim nasa harapan namin.

"Ano 'yun?" Tanong nya in a calm and soft spoken voice. "May gusto ka ba kay Jea?" Tanong ko.

"Uy, grabe namang tanong 'yan! HAHAHAHAHA." Kasabay ng tawa nya ang hindi nya pag-sagot sa tanong ko.

"Ano nga?" Tanong ko ulit sakanya pero antagal nya talaga sumagot.

"May gusto ka sakanya?"








---

Continue Reading

You'll Also Like

96K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
202K 8.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
7.7K 432 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
11.5K 426 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...