South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 321K 206K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 60

70.1K 4.5K 2.4K
By JFstories

I WILL MAKE YOU LOVE ME AGAIN.


When did Hugo Emmanuel Aguilar know that I had feelings for him? When did he realize it? And why didn't he do anything about it?


I remembered whispering to Hugo that I love him on the last night of our honeymoon in Taal Vista. If he heard it or not, I had no idea. Hindi ko na iyon inulit banggitin, at wala nang balak banggitin pa. Ayoko na.


Ang sabi niya ay mahal niya ako. Pero bakit mas lalo lang akong nasaktan? Bakit parang mas gusto ko na lalong magalit. I didn't know what he was scheming right now, but to be honest, I didn't care anymore.


Hugo left the room after we talked. Iyong cellphone niya ay inabot niya sa akin. Sinabi niya ang password na birthday ni Hyde. Hindi ko na siya natanong kung para saan. Ano ang gagawin ko sa cellphone niya?


Anong oras na ay hindi pa bumabalik si Hugo sa kuwarto. Nang sumilip ako sa terrace ay nakita ko siya na nakatayo sa dilim habang tumutungga ng alak sa shot glass.


Napapitlag ako nang magsalita siya. "Pumasok ka, malamig dito."


Hindi siya lumilingon. Nakatalikod pa rin sa akin, pero alam niyang nasa likod niya ako.


"Pumasok ka na. Tabihan mo na si Hyde. Magpapalamig lang muna ako, susunod ako mamaya."


Nang lumingon siya sa akin ay nakangiti siya, pero ang magandang uri ng mga mata niya na kakulay ng kalangitan tuwing gabi, ay hindi.


"Don't worry, Jillian, hangga't hindi tayo nagkakaayos, hindi ako gagawa ng kahit anong hindi mo pahihintulutan."


Tumango ako. Binalikan ko si Hyde sa master's bedroom at tinabihan. Hindi ko na namalayan kung anong oras pumasok si Hugo. Nagising na lang ako kinabukasan na mag-isa sa kama, at maayos ang pagkakakumot ko.


Tinanghali na naman ako ng gising. Pagtayo ko ay nakaramdam na naman ako ng hilo. Palagi na lang akong ganito, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.


Ang mga mata ko ay natuon sa bedside table. Napakurap ako nang makita roon ang isang tangkay ng pulang rosas. May note iyon na kasama. Sulat-kamay na parang kinahig ng manok. Hindi ganito ang sulat ni Hyde kaya alam ko na agad kung kanino ito.


'Kailan ka ba gigising? Panglimang balik ko na.' – H.E.A.


Nangunot ang noo ko. Para saan ang note na ito? Anong eksena niya?


Bakit hindi na pa-text message or chat? Ah, right, I suddenly remembered that he gave me his phone last night. I looked for it in the drawer, and it was still there. Hindi niya pa kinukuha.


Paglabas ng kuwarto ay naulinigan ko ang mga boses sa ibaba. They were playing chess in the living room. Napangiti ako dahil naririnig ko na ulit ang boses ni Hyde.


Nagbubunga na ang matiyagang pag-aasikaso ni Hugo anak namin. Iyon ang aspeto na wala akong masasabi, dahil perpekto roon si Hugo.


He always knew what to do and what to say to Hyde. He was just too perfect. Para bang kahit noong hindi pa niya nakikilala si Hyde, ay handa na siya agad na maging ama ng anak namin. Hindi mo aakalain na magiging ganito siya kabuting ama. Wala talagang mag-aakala.


"Mommy!" Napatayo si Hyde nang makita ako. "I'm playing chess with Daddy. And for the first time, natalo ko na si Daddy!" Masayang-masaya ito.


"Congrats, baby." Hinalikan ko ito sa noo. Ang mga mata ko ay maingat na hindi tumitingin kay Hugo, although nararamdaman ko na sa akin nakatuon ang kanyang paningin.


"Mommy, I'm done eating lunch. Magbabasa na lang muna ako ng books about chess. Hindi na ako puwedeng matalo ulit ni Daddy," madaldal na sabi ni Hyde. Nanakbo na ito paakyat sa itaas.


Hinarap ko si Hugo nang wala na ang bata. "Nagpatalo ka."


Ngumisi siya. "Nope. Gumagaling na talaga siya at kinakalawang na talaga ako."


"Okay." Tinalikuran ko na siya. Pumunta na ako sa kusina para maghanap ng makakain.


"Kakain ka na?" tanong ni Hugo. Nasa likod ko siya.


Hindi niya na hinintay ang pagsagot ko. Madali siyang pumunta sa lababo para maghugas ng kamay, pagkatapos ay ikinuha niya ako ng plato, kutsara, tinidor, at baso.


Nakatanga naman ako habang ina-arrange niya iyon sa ibabaw ng mesa. Iyong kutsara at tinidor ay naka-ekis pa sa ibabaw ng plato.


Siya rin ang kumuha ng kanin at ulam. Ininit niya ang ulam sa microwave. Napatitig ako sa ulam, isa iyon sa mga paborito ko. Pero hindi naman iyon ang sinabi ni Ate Lina kagabi na ulam ngayon?


At bakit ganito? Afritada ba talaga ito o ginataan? Bakit namumuti?


Si Hugo ay proud na nagsalita sa harap ko, "Ako ang nagluto niyan, pinanood ko sa YouTube kung paano."


Dinampot ko ang plato at tinitigan ang ulam. "What's this? Ulam na may iron defficiency?"


Sumimangot ang guwapong mukha niya. "You're so cruel."


Mula sa back door ay lumabas ang nakangiti na si Ate Lina. "Naku, ka-aga ng asawa mong nagising, Jillian. Kanda-paso-paso 'yan kanina, pero talagang desidido na maluto ang ulam na paborito mo raw."


Pagbalik ng tingin ko kay Hugo ay titig na titig siya sa akin. He was waiting for my reaction, kung mata-touch ba ako o ano. Unfortunately, wala akong reaksyon na kahit ano.


Naupo ako at tahimik na kumain dahil kailangang malamanan ang aking tiyan na kumakalam. Masarap naman ang afritada na lasang salad dahil sa dami ng gatas—take note: condense milk ang gatas na inilagay.


Kaunti lang ang kinain ko dahil nga sa wala akong gana. Gusto ko na ulit bumalik sa kuwarto. Mas gusto kong mahiga ulit.


"Tapos ka na agad?" Ipinagsalin ako ni Hugo ng tubig sa baso, saka siya tumabi sa akin. "So, how was it? Masarap ba? O mas masarap pa rin ako?"


Inabot ko sa kanya ang kutsara at malumanay na nagsalita, "Tikman mo at ikaw na lang ang sumagot sa tanong mo."


Pagtayo ko ay tumayo rin siya. "Jillian."


"Please, you don't have to do this, Hugo," mababa ang tono na sabi ko.


Napatanga siya sa akin.


Napabuga naman ako ng hangin. I knew what he was doing. And I wanted him to... stop it.



HINDI HUMINTO SI HUGO.


Kung anu-ano ang pinagagagawa niya. Isa na roon ang pagre-research ng kung anu-anong lutuin sa YouTube. Nakalimutan niya na yatang engineer siya at hindi chef.


Naiirita na sa kanya si Ate Lina dahil nakikigulo si Hugo palagi sa pagluluto. Sa sampung luto nga lang niya, mga anim lang siguro ang edible. Hindi naman siya maawat. Para tuloy palaging dinaanan ng bagyo ang kitchen sa ibaba.


Sinabihan ko na siyang huminto, pero matigas talaga ang ulo niya. Minsan ay nahahawa na rin tuloy si Hyde. Kasama niya na rin ang bata sa kusina. Napagod na rin si Ate Lina sa kasasaway sa kanila.


Pagpasok ko sa kusina ay nagkalat ang mga gamit at amoy sunog ang paligid. Si Hugo ay naka-apron na lumapit sa akin. "We're baking donuts."


"Really?" tamad kong sabi.


Masayang tumango siya. May chocolate pa siya sa makinis niyang pisngi. "Jillian, am I doing a good job? Come on, praise me."


Ang mga mata ako ay ibinaling ko kay Ate Lina na ngayon ay tigagal habang nakatingin sa nangingitim na oven. Katabi nito si Hyde na naka-apron din at puro harina ang buhok.


Natapik ko na lang ang aking noo at tinalikuran silang lahat. Binabawi ko na pala iyong sinabi kong perfect father si Hugo.



TULOY PA RIN ANG KASO KAY DESSY. Tuloy-tuloy rin ang kaso ng babae laban kay Hugo. Katatapos lang ng dinner. Naglilinis ng katawan si Hyde sa kuwarto nito habang ako ay nasa master's bedroom.


Dessy sent me a text using her new number, threatening us that if we did not withdraw the lawsuit, she would raise the case to attempted murder.


Nanginginig ako sa galit sa babae. Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang sarili kung bakit ko ito naging kaibigan. Kung bakit naniwala ako na walang ibang tao na magtitiyaga sa akin maliban dito. I gave that woman an access to my life, and this was what I got.


Minsan ay tinatanong ko ang sarili, sobrang sama ko bang tao para maranasan lahat ng ito? Mali ba talaga na magtiwala at magbigay ng benefit of the doubt sa isang kaibigan? O talagang tanga lang ako sa ganitong aspeto? Hanggang ngayon, salat na salat pa rin ang kaalaman ko sa mundo!


Pumasok si Hugo sa kuwarto, at naabutan akong naluluha habang nanginginig na nakatitig sa hawak sa cellphone. Hindi na siya nagtanong, at basta kinuha sa akin ang gadget.


"'Wag kang matakot," sabi niya matapos mabasa ang text.


Naluluha na napatingala ako kay Hugo. "Paanong hindi? May medical siya, may testigo, at higit sa lahat ay mapera din. Kahit pa magaling ang abogado mo, mahirap na kung talagang itataas niya nga ang kaso mo."


We were talking quietly in the master bedroom after I told him about Dessy's text message. As much as possible, we didn't want Hyde to hear about the case. Nagre-recover pa lang ang bata.


May kumatok sa pinto. "Mommy, Daddy, can I come in?"


"Ayusin mo muna sarili mo." Pinunasan ni Hugo ang mga luha ko bago niya pinagbuksan ng pinto si Hyde. "Hey, buddy. Tapos ka nang mag-half bath?"


"Yeah." Pumasok nang tuloy-tuloy ang bata sa kuwarto at naupo sa gilid ng kama. Hindi na ito maputla ngayon, bumalik na ang kulay ng balat, at nagsasalita na ulit. "Uhm, I wanna say something."


Nagkatinginan kami ni Hugo. Lumapit ako kay Hyde at tumabi rito. "What is it, baby?"


Matagal na tumitig muna sa amin si Hyde. Para bang pinag-iisipan pa nito nang mabuti ang sasabihin. Ngumiti ito. "Mommy, Daddy, I'm okay now. I also want to go back to school next school year. I promise that I'll be good."


Nang marinig iyon ay doon ako napangiti rin. I was so happy. "That's good to hear, baby. But you still have to continue your session with your doctor, alright?"


Masaya ako habang si Hugo ay nakapagtataka na hindi masaya. Mataman siyang nakatitig kay Hyde. Doon ko rin napansin ang pag-iwas ng mga mata ng anak namin.


"Hyde, what is it that you wanna tell us?" deretsang tanong niya sa bata.


Natigilan naman ako at napatingin ulit kay Hyde. Ano nga ba ang sasabihin nito?


Ang mga mata ni Hyde ay nagkaroon ng kakaibang kislap. Nang magsalita ito ay pareho kaming natigagal ni Hugo. "Can you withdraw the case?"


Napanganga ako. Si Hugo naman ay nagtagis ang mga ngipin.


Seryoso ang tono ng bata nang muling magsalita. "I know that you sued Dee-Dee—I mean, Ninang Dessy. And I am asking you to withdraw the case."


"Hyde!" Gulantang na napahawak ako sa kamay ng bata. "You know that we can't do that! Hindi biro ang ginawa ni Dessy, at bilang mga magulang mo ay hindi kami papayag na hindi siya maparusahan sa—"


"I understand how you feel, Mommy, Daddy," malumanay na putol ni Hyde sa sinasabi ko.


Napailing-iling ako. "Hyde, baby... Why are you saying this?" Kinakabahan na ako nang matindi sa tinatakbo ng usapan, at pati na rin sa nakikita ko sa mga mata ng bata.


Seryosong-seryoso ito. "Mommy, I know that you love me that's why you're doing this. But I'm telling you, I'm okay now."


Matigas akong umiling. "Anak, hindi puwedeng hayaan lang ang nangyari. At hindi basta magiging okay ang lahat, dahil hindi madaling kalimutan iyong—"


"Please, I don't want her to go to jail!" mataas ang boses ni Hyde na nagpahinto sa pagsasalita ko. "It's not solely her fault, okay? Kusa po akong sumasama sa kanya kapag sinusundo niya po ako! So, if you want to sue her, you should sue me too!"


"Hyde, what are you saying?" Mahina pero mariin ang boses ni Hugo.


Nang sumagot si Hyde ay may nginig na sa mahinang boses nito. "What I'm saying is I love Dee-Dee... So, please, I'm begging you, don't hurt her!"


Kulang ang salitang para akong tinakasan ng aking kaluluwa sa narinig. Kahit si Hugo ay pulang-pula at nanlalaki ang mga mata dahil sa mga salitang binitiwan ng anak namin.


Napaiyak na ako. "Hyde, she's not Dee-Dee. She's your Ninang Dessy, and she's twenty years older than you—"


"Age doesn't matter!" sigaw nito.


Natutop ko ang aking bibig. "Oh, my God..."


Nanalim sa amin ang seryosong mga mata ng bata. "Please, withdraw the case, because I don't think that I can handle it knowing that Dee-Dee will be put behind bars. If she goes to jail, I will not talk to you guys anymore, I will not see my doctor either, and I will starve myself in my room!"


"Baby, oh my god... Oh, my god..." Para na akong papawian ng ulirat.


Napaatras ako. Hindi ko na nakayang kausapin pa si Hyde. Kahit anong paliwanag ay sarado ang isip nito, at iisa lang ang palaging sagot, ayaw nitong makulong ang babaeng iyon!


My head felt like it was going to explode at any moment. Pinapunta muna ako ni Hugo sa kabilang kuwarto. Nanghihina na lumabas na ako para iwan sila. They talked for more than two hours before Hugo followed me into the guest room.



"WHAT DID HE SAY?" tanong ko agad pagpasok na pagpasok ni Hugo sa pinto. Nanlalamig ang mga palad ko sa nerbiyos. Ilang beses na rin akong nag nebulizer dahil hindi na ako makahinga nang maayos.


Imbes na sumagot si Hugo ay pabagsak siyang nahiga sa kama. Para bang naubos ang lahat ng lakas niya. Ang isang bisig niya ay ipinatong niya sa kanyang noo.


"Hugo..." Naupo ako sa tabi niya.


Malumbay na tumingin siya sa akin. "Kanino nagmana iyon? Bakit ang tigas ng ulo?"


Sa bagay na iyon ay hindi na ako sigurado.


"Jillian, mas kailangan ni Hyde ng lahat ng pag-unawa at oras na mabibigay natin. I think he also needs to be busy with other new activities."


Tumango-tango ako. "I'll talk to his doctor first thing tomorrow."


Plinano namin ni Hugo ang mga gagawin para mas maiparamdam kay Hyde na nandito kami para dito. Na mahal na mahal namin ito. Hindi kami nawawalan ng pag-asa na maliliwanagan din ang isip ng bata.


Nag-set kami ng mga family activities, picnic, at pagpunta sa amusement parks. Bukod doon, sa gitna namin pa rin si Hyde matutulog. Tiniyak namin na bago matulog sa gabi ay kakausapin namin ang bata.


Nag-mental note din ako na magsi-search ng mga article online, bibili ng mga libro, at manonood ng mga videos sa YouTube na ang topic ay tungkol sa child psychology. Basta lahat ng puwedeng makatulong sa tamang pag-approach namin kay Hyde ay susubukan ko.


Patayo na ako nang tumagilid si Hugo at yumakap sa bewang ko. "Hugo..." gulat na anas ko. Tapos na kaming mag-usap.


Ang malamlam niyang mga mata ay nakatunghay sa akin. "Jillian, na-miss kita."


Bumangon siya hanggang sa pareho na kaming nakaupo sa kama. Ang mainit niyang kamay ay humahaplos sa leeg ko.


Nagtagis ang mga ngipin ko at pinalis ang kamay niya. "Stop."


"I don't want to."


"A-ang sabi mo ay wala kang gagawin na walang pahintulot ko."


"Yeah." Doon siya bumitiw. "I'm sorry. Pero baka puwedeng time-out muna?"


"Hugo..." Nalilitong napatitig ako sa mapungay niyang mga mata. "Si Hyde lang ang dapat na iniintindi natin. Sa kanya dapat naka-focus ang buong atensyon natin."


"Jillian, ang hirap."


"Damn it, Hugo! You're doing it again. You don't love me, so stop making yourself believe that you do!" mariing sabi ko.


Ang mapupungay niyang mga mata ay dumilim.


"You know it yourself that this marriage is only about Hyde. Dahil lang naanakan mo ako kaya mo ako pinakasalan." Kailangan kong i-rub sa kanya ang katotohanan para magising siya. "The truth is, kating-kati ka nang mag asawa at magkapamilya."


"You're right... and you're also wrong."


He got up. He let out a breath as if he was running out of patience, but he was still doing his best to stay calm.


"Tama ka sa kating-kati na talaga ako na mag asawa, na bumuo ng pamilya, at syempre makasama ang anak ko."


Naglapat ang mga labi ko.


"Pero shit naman, mali ka sa pinakasalan lang kita dahil doon. Hindi porke't naanakan ko, yayayain ko na ng kasal at aasawahin ko na agad. You're right that healthy co-parenting could be possible."


"Then why? Why of all women, why was I the one you asked to marry you?!" Mataas ang boses ko.


"You know why?" mabigat ang boses na balik niya sa akin. "Jillian, because it had to be you!"


Umawang ang mga labi ko. "W-what the hell are you saying?"


"It's your right to be angry, to resent me. Hanggang sa maubos na iyong galit sa dibdib mo, at handa ka nang pakinggan ako, maghihintay ako."


Malungkot ang ngiti na naisukli ko sa kanya. "Magiging matagal pa bago mangyari iyan, Hugo..." Kasi bumitiw na ako.


Ngumiti siya bagaman ang ngiti ay hindi umabot sa mga mata niya. "I'm good at waiting."


"Baka maghintay ka lang sa wala."


"We'll see. But you know me, Jillian. Matigas ang ulo ko. Hinding hindi kita susukuan." Pagkasabi ay iniwan niya na akong nakakanganga sa kuwarto.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories


Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.2M 19.4K 32
It's been two years since Tonsi went missing. Torrence patiently waited for him, 'til she decided to move on. Cliff got her back since day one and to...
24M 371K 70
Published under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2
10.1M 132K 52
“You chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he c...