Childhood Sweetheart | STALKE...

By riyazyn

2.6K 75 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

25

42 1 0
By riyazyn

Chapter 25

Athena

Hindi agad ako nakakilos dahil sa nangyaring hindi ko inasahan.

"You okay? How's your feeling?" Tila nanginig ang kalamnan ko dahil sa lambing ng kanyang boses. Lord, may sign ba to? Eme! "Athena!"

Napakurap-kurap ako. "H-Ha?"

"Should I call the doctor?"

"Ha? Hi-Hindi na, ayos na ako."

"Then why aren't you listening to me?"

Eh kasi naman, hindi ko inaasahang bibisitahin mo ako. .

Hindi ako nakasagot at buti nalang din bumukas ang pintoan at iniluwa si Astheria. Gulat siyang napatingin kay Daren. "Daren? I didn't expect you to come here!"

"Bawal ba?" Aniya.

Napailing si Astheria. "Well, anytime naman pwede kang pumunta rito kung gusto mo."

"Sis, yung food ko." Nararamdaman ko kasi ang awkwardness kaya kumain nalang ako habang nakikinig lang sa dalawa.

"Who saved my sister so that I could say thank you to whoever it was."

"Kaede first saw your sister. And then, she screamed our names at the top of her lungs for help. Kaya naman, agad kaming nagtungo ni Zares sa pool area. She was unconscious already when we saw her so I did the. . ."

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan habang nag-aabang ang tenga ko sa sunod na sasabihin niya.

"The?" - Astheria

"Cardiopulmonary Resuscitation aid."

Dahil sa narinig, nalunok ko ang malaking laman ng paa ng manok kaya nabilaukan ako at umubo-ubo.

"Athena!" Nataranta si Astheria at hinimas-himas ang likod ko. "Shit! Hinay-hinay lang kasi!"

Umubo-ubo parin ako at hindi na ako makahinga. "T-T-Tubig. . ."

Nakita kong agad binuksan ni Daren ang bottled water at inilapit sa mukha ko. Agad ko din yung ininom hanggang sa nalunok ko lahat ang bumara sa lalamunan ko. Pero kahit na ganun, nasa utak ko parin ang CPR na sinabi ni Daren kaya nanlalaki ang mata kong nakatitig sa kanya.

I-Ibig sabihin, hinalikan niya ako? Umiling-iling ako sa naisip. Boba! CPR nga eh, hindi halik! Wala siyang choice at ginawa lang niya yun para mabuhay ka, Athena! Kaya wag kang assuming!

Nahiya ako bigla kaya yumuko ako. "S-Salamat." Mahinang sambit ko.

"Gosh, Athena! Pinag-alala mo ako!"

I faced my sister with a guilty face. "Sorry."

"Takaw mo kasi!" Hinalikan niya ang pisngi ko. "Sige na, magpakabusog ka pa."

Tumango ako at pasimpleng sumulyap kay Daren na nakatitig pala sakin kaya taranta ko nalang na iniwas ang tingin ko.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap. "Salamat, Daren, for saving my sister. And of course, magpapasalamat din ako kay Kaede."

Nakita kong tinanguan lang ni Daren si Astheria. "It's nothing." Ngumuso ako. Paano ba ako makakamove-on sayo?

****

"Mom, I'm okay now. Totally fine." Sabi ko habang kavideo call sina mommy and daddy.

["I'm so sorry sweetheart. Bumalik ka nalang kaya dito?"] Mom stated.


I sighed saka naman may umubo sa kwarto. I took a glance at Darenㅡoo, andito pa siya. My sister asked his company dahil daw pupunta muna si Astheria sa kompanya ni Levin pero babalik daw agad siya. Sinabihan ko nga siya na kaya ko nang mag-isa eh and of course my sister wouldn't allow me to be alone.


"Mom, akala ko ba napag-usapan na natin to?" My mom stares at me like I can't do anything about what she said. "Please?" I begged. "I like it here. Please? Dad, please?" Oo na, ako na daddy's girl!


["It's just that, you're not fully recovered yet so we would worry about you if you're going to stay there longer."]


Nataranta akong napatingin kay Daren dahil sa sinabi ni Dad. At nakahinga din ng maluwag nang makitang parang wala siyang narinig samin.


"I know, I'll be careful next time. I promise, I'd be a good girl." I even lifted my right hand.


["Haynaku, ano bang dapat naming gawin sayo? O siya, please, anak, mag-ingat ka naman. Pinag-alala mo kami ng Daddy mo! Call us if you need anything. And don't you dare keep from us if anything bad will happen, do you understand me?"]


Naging strikta bigla si mommy. "Yes, po. Bye, mom and dad. I love you all." My family say their i love you's and bid their farewell.


Dahan-dahan kong binaba ang phone ko dahil sa alam kong magiging awkward na naman ang atmosphere. Kaya nga hindi ako sang-ayon na si Daren ang iniwan ni Astheria eh! Pwede namang tawagan nalang si Skier o di kaya si Jamie!


"Just tell me if you're hungry." Biglang salita niya na nakapagpatense sakin. Eto na naman ang puso kong marupok, hays!


Tumango ako at napilitang ngumiti. "Um, ano, Daren, baka busy ka. A-Ayos lang sakin na ano... na iwan mo nalang, ayos lang sakin, pramis!"


Nanliliit ang mata niyang nakatitig sakin. "Are you sure?" Dahil sa tanong niya, agad akong tumango-tango. Hay, salamat naman at mukhang aalis nga siyaㅡ  "Nah, your sister asked my company so I should do what she asks." Prenteng aniya habang nakatitig parin sakin na nakapagpalis ng ngiti ko.


Bagsak ang balikat kong umayos ng higa. Kailan ba ako makakauwi?


Daren

Napawi ang ngiti ko nang mapagtantong nakangiti na pala ako. Remember, you're just here because Astheria asked you to accompany her sister, nothing else, okay?


Napabuntong-hininga ako. Nakatagilid nang higa si Athena at nakaharap sakin ang likoran niya kaya hindi ko kita ang mukha niya.


"It's just that, you're not fully recovered yet so we would worry about you if you're going to stay there longer."


Naalala ko ang sinabi ng Daddy niya kanina. What does that mean? Not fully recovered from what? May hindi ba ako alam?


Napatingin ulit ako sa nakatalikod na Athena bago napagpasyahang umidlip muna. Maya-maya, narinig kong bumukas ang pinto at sumarado ulit. Minulat ko ang mata ko dahil sa pag-aakalang si Astheria pero hindi siya ang nakita ko.


"What are you doing here, Liane?" Malamig kong tanong. I still remember the conversation we've talked about yesterday.


"Liane?" Napalingon kami kay Athena at nakitang nakaupo na ito at bakas sa mukha ang saya habang nakatingin kay Liane. "I'm happy you're here."


Ngunit kabaliktaran ang nasa mukha ni Liane. "I'm here to get what's mine!" Marahas niyang hinila ang hoodie ko papalabas ng kwarto.


"What the hell! Ano na naman ba, Liane? Akala ko ba malinaw yung pag-uusap natin kahapon?"


"No! Siguro akong wala ka sa tamang pag-iisip kahapon kaya nasabi mo yun. Hindi ako naniniwala na hindi mo ako gusto!"


I stared at her with disbelief. "Are you damn crazy? Anong wala sa tamang pag-iisip? Hindi ako baliw kagaya mo!" Hindi ko napigilang ilabas yun sa bibig ko.


My first impression of her is obviously opposite. I thought she was a genuine and kind person. But I get it now, she's obsessed. Obsessed as fvck it's creeping me out!


"Gagawin ko ang lahat! Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako!" She kneeled in front of me.


"You're crazy..." Mahinang sabi ko."Get up, Liane!" Umiling-iling siya. Napalingon na ako sa paligid at tanging kami lang ang pinagtitinginan. Fvck! "I said, get up!" I forcely pull her up. "Wag na wag ka ng lumapit sakin, naiintindihan mo?" Kung totoo mang siya ang kababata ko, sana hindi ko nalang siya natagpuan!


Iniwan ko si Liane and I didn't mind kung pinagtatawag niya ang pangalan ko. I texted Astheria na uuwi ako and I said sorry. May pumasok lang kasi sa isip ko na baka may gawin si Liane kay Athena kaya hindi nalang ako bumalik doon at baka sundan pa ako ni Liane. Crazy bitch!


"Hey, I'm here na kaya no need to sorry." Nakasalubong ko si Astheria na halatang nagmamadali.


"I guess your sister is already hungry. Ikaw na ang magpakain."


"Yeah, yeah, thank you, pare!" Aniya kaya ngumiwi ako. Mas badass talaga to kaysa sa kakambal niya.


Tumango lang ako at hindi narin sinabi na nagpunta si Liane. Alam kong ayaw niya kay Liane dahil halata naman masyado kaya hindi ko nalang sinabi kay Astheria.


Nakalabas akong ospital at naglalakad na patungo sa kotse ko nang biglang sumulpot si Liane. "Itong tatandaan mo. Susuko ka rin sakin. Magmamakaawa ka rin at ibibigay ang sarili mo sakin. Mark my words!" Nakadurong sabi niya saka umalis.


Holy fvck! What did she mean by that? Ngayon, nagsisisi na akong nakilala ko siya!


Inis akong pumasok sa kotse at pinaharurot 'yon paalis.

***

"Kuya, I think that Liane girl is crazy. Grabe rin makatingin sakin kahapon. Parang kakainin niya ako ng buhay eh wala naman akong ginawa sa kanya." Sabi ni Kaede habang karga ang bulilit niyang natutulog.


"Don't mind her and don't get too close to her." Sabi ko nalang. "Fvck! I didn't know she's that kind of her girl."


"Language!" Sita ni mommy kaya napangiwi ako. "Pag yan narinig ng pamangkin mo, naku nalang!"


"Eiv's sleeping, mom." Sabi ko.


"Kahit na!" Mom hushed me kaya ngumuso ako.


"I checked the cctv camera sa pool area and guess what I saw?" Sulpot ni Zares dala ang laptop niya. Dahil curious kami, agad kaming nagsilapit lahat. Pati nga si Teri at Nally na nasa kitchen kanina. "Nah, I'll just let you watch the video then."


Nakatutok lahat ng mga mata namin sa laptop namin. Yun yung pangyayaring bago nalunod si Athena sa pool.


Nakita namin na nag-uusap si Liane at Athena, isang seryosong pag-uusap dahil parehas serysoso ang mukha nila. Hanggang sa naglakad palayo si Liane at hinabol siya ni Athena. What is happening? Anong pinag-uusapan nila? Hanggang sa nadulas ang heels na suot ni Athena at nahulog sa pool.


"Nakapagtataka. Ang laki naman ng space bakit kailangang sa tabi talaga ng pool pupunta at dadaan si Liane? Knowing na hinahabol siya ni Athena." Nakakunot-noong sabi ni Teri. He's right!


Pinagpatuloy namin ang panonood at makikitang sumisigaw si Athena na humihingi ng tulong. Pero ganun nalang ang pagkatigil ko at pagkakuyom ng kamao ko nang makitang tiningnan lang siya ni Liane at ngumisi saka umalis ng tuluyanㅡpalayo kay Athena na nalulunod.


"Shit!" Hindi napigilang mura ni Kaede. "Sabi ko na eh! Umpisa palang, unang pagkakita ko palang sa Liane na yun, masama na ang kutob ko! They're sisters, bakit niya nagagawang hayaan na malunod si Athena? That bitch!"


"Babe! Stop cursing!"


"Sorry, di ko lang kasi mapigilan. Kumukulo ang dugo ko sa Liane na yun! Gosh!" Dahil na-ha-highblood na si Kaede, kinuha ng asawa niya ang bulilit sa braso niya.


"Anong gagawin mo?" They all now looking at me.


"I don't know."


"Nope! You do know!" Singit ni Kaede habang mariing nakatingin sakin. "First, aalamin natin about kay Liane and second, aalamin KO kung bakit hindi tayo maalala ni Athenaㅡkung nagpapanggap lang ba siya. Aalamin natin lahat yan!" Sabi ng kapatid ko na may seryosong mukha and as usual napailing nalang ang asawa niya.


Kung totoong nakalimutan niya kami, a-anong dahilan? May nangyari ba na hindi namin alam?


Parang natakot ang buong sistema kong alamin ang katotohanan kay Athena kahit walang kasiguraduhan ang lahat.

***

Umuwi ako sa condo ko dahil ilang linggon na rin akong hindi umuwi rito. Sa gitna ng hallway, nakasalubong ko yung Jamie kaya agad kumulo ang dugo ko.


"Hey, Daren, right?" Aniya. Dahil ayokong gumawa ng eksena kaya nilampasan ko siya na nakaigting ang panga. "Am, dude? Wait, you're that guy who shout at Athena sa Delicious Café, am I right?"


"And so?" Malamig kong sabi.


"You're that rude guy, I'm right!" Ngumisi siya. Kaya hindi ko natiis at sinapak siya.


"Get out of my face, idiot! Don't you dare show your stupid face at me!" Binunggo ko siya saka nilampasan.


"I know you're Athena's ex too." Sabi niya na nakapagpahinto sakin. "I see that you still have feelings for her but too sad, she's mine now." Naging mabilis ang paghinga ko at tiningnan ko siya ng may panlilisik na mata. "Oh and one more thing, she's still virgin when we first you knowㅡ"


"Fvck you!" Hindi ako nakatiis at sinapak ko siya sa panga. Natumba siya kaya dinaganan ko siya at pinagsusuntok ang mukha. "Fvck you to hell! Don't you dare talk about her like that!" Pinagsusuntok ko lang siya at hindi siya nakapanlaban. Nang magsawa ay tumayo ako at dinuro siya. "Sa susunod na makikita ko iyang pagmumukha mo, hindi lang yan ang gagawin ko sayo! Naiintindihan mo?"


Pumasok ako sa unit ko at napasuntok sa pader. "Aarghhhh! Fvckkkk!" Hindi ko rin namalayan ang pagtulo ng luha ko. "Bakit ang sakit pa rin?" Hanggang sa nakatulog ako sa sofa.


Nagising ang diwa ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. It's morning already?

Dahan-dahan akong umupo at napaigik nang maramdaman ang kirot sa balakang ko. "Shit! Kaya pala ang sakit ng katawan ko." Sa sofa pala ako nakatulog kagabi which is sobrang liit. Naramdaman ko rin ang pangangalay ng mga braso ko.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang tumayo. Nagtungo ako sa bathroom at naligo. Pagkatapos, napagdesisyonan kong magluto nalang dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakapagluto.

****

"Hay salamat, andito ka na." Bungad ni Levin pagkapasok ko sa building. "Sa wakas, matatapos na ang building na'to."

"Tss! Walang konsensya!" Pagpaparinig ko.

"What?" Di makapaniwalang usal niya. "Engineer, matagal mo nang alam na gustong-gusto ko ng matapos ang pagpaparenovate."

"Oo na! Pasalamat ka ako lang ang pinakamagaling na engineer dito." Napailing si Levin sa sinabi ko.

"Sir, may naghahanap po sa inyo." Tila walang ganang sabi ni Astheria. "Mr, Bobby daw."

"Excuse muna, engineer." Ani Levin at tumango ako.

Nanliliit ang mata kong napatingin kay Astheria dahil sa ekspresyon ng mata niya. Natulala pa siya sa kawalan. "You okay?" Di ko napigilang tanong.

Agad siyang napaangat ng tingin sakin at bahagyang nataranta. "Ha? Oo, hehe... ayos lang ako. Ge, sa office lang ako."

Something's not right. I just shrugged the thought away bago naglakad sa office ko.


*
A/N: Sorry for the delayed update. Thanks for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

660 190 49
She has a 13 Brother who protect her for all cost. Anjehlica Jay Artemis Illinois 15 year old at ang nag iisang babae sa kanilang magkakapatid.... ...
1.8K 53 35
matapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya
271K 7.8K 133
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."