Scribbled

By arisewitharyse

2.6K 289 343

[ IN THE PROCESS OF EDITING ] Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. Ito'... More

i. Labandera
ii. Ilog Beata
iii. Himig ng Kalayaan
iv. Gerero
v. Kahit Ngayon Lang
vi. Sana, 'Di Ka Na Lang Iniluwal
vii. Bunga'y Kapanatagan
viii. Ayaw Ko Na!
ix. Mismo Sa Aking Puntod
x. Society's Definition of Beauty
xi. Hamak
xii. Mulat Na Mga Mata'y Nagbulag-bulagan
xiii. Salarin
xiv. Tugon
xv. Maria Clara't Ibarra
xvi. Pagpili
xvii. Tsuper, tatak tunay!
xviii. Guro
xix. Paalam, pagsusulat
xx. Sa Sarili Ko Lang Pala
xxi. Kumusta Ka?
xxii. Ang Kahinaa'y magiging Kalakasan
xxiiii. Diyanitor
xxv. Alam ko... Kaya Mo
0. 26 - Hapag
0. 27 - Pagtiis
0. 28 - The Difference Between a House and a Home
0. 29 - Hindi Lahat ng Kumikinang ay Ginto
0. 30 - Noong Ako'y Bata Pa
0. 31 - Throw your Extra Baggage
0. 32 - Pag-iral Mo'y Mahalaga
0. 33 - Disyertong Mga Mata
0. 34 - Sanay
0. 35 - Pangungulila
0. 36 - Bagong Taon
0. 37 - Pulubi
0. 38 - Belongingness
0. 39 - Embrace
0. 40 - Reflection
0. 41 - Breathe
0. 42 - Writer's Pen
0. 43 - Halaga ng Paghihintay
0. 44 - Nakaraan
0. 45 - Bilibid
0. 46 - Paghilom
0. 47 - Silid-aralan
0. 48 - Bulwagan
0. 49 - Mahal na Batis
0. 50 - Inang Bayan

xxiii. Balatkayo

38 6 9
By arisewitharyse

"Mahirap arukin ang saloobin ng isang tao,"
aniya nga ng nabasa kong libro;
akala mo'y kilala mo na ng buo,
ngunit 'di pala, sapagkat nagbabalatkayo.

Ang panlabas nitong kaanyuan,
madaya—ito'y 'di repleksyon ng kan'yang panloob na kaugalian.
Ang akala mong nakikitang kasiyahan,
isa pa lang balatkayo lamang.

Anupa't pakatandaan,
maaari mong malinlang ang sangkatauhan
sa ngiti mong matamis na para bang walang pasan-pasan,
ngunit sa sarili mo, 'di mo ito matatakasan.

Itatak mo sa 'yong isipan,
wala namang masama kung nakakaranas ka ngayon ng matinding kahapisan;
basta ba'y tanggapin mo ring minsa'y mayro'n ka ring kahinaan,
sapagkat 'di mo matatamo ang kalayaan kung gan'yan pa rin ang 'yong katayuan.

Tutulungan kita ngayong ipaalala,
upang hapis ay 'yong maapula.
Lumabas ka sa karsel ng pagpapanggap;
iwanan mo na ang taglay nitong kamandag.

Ikaw ma'y nagbabalatkayo,
ngunit ang mahalaga ngayo'y alam mo
na 'di ka kailanman mahimasmasan
kung 'di mo piliing maging matapat sa 'yong nararamdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 148 89
Sharing with you a book anthology of my English and Filipino short poems, open letters, prose and other literary works. Let me express myself through...
6K 1.4K 22
After the accident, Patrick woke up to a life he couldn't remember. No past. No clues. Just a name-and the overwhelming feeling that something, or so...
736 58 19
[ UNEDITED VERSION ] He always stands by my side, and I feel safe when he is there. All I want to do is lay down and go to sleep because his smiles m...
Wattpad App - Unlock exclusive features